"malaki" poems
Sa paglipas ng panahon
Mundo ay tuluyan nang nabago,
Kabataa’y apektado
Sa bagong lipunang minulatan.
Kabataan noon ay respetado
Hindi matitigas ang mga ulo,
Laging magalang sa ama’t ina
At sa mga nakakatanda sa kanila.
Kabataan ngayon ay babad sa social media
Naaapektuhan na ng teknolohiya,
Sa gawaing bahay ay tamad na
Kung utusan mo ay sisigawan ka pa.
Kabataan noon ay naglalaro pa
Ng patentiro, tumbang preso at iba pa,
Kabataan ngayon ay puro gadgets na
Nilalaro at kanilang libangan.
Nalulungkot akong isipin
Pero ‘yan ay ating yayakapin,
Nakikita ko rin na hindi lahat
Pero karamiha’y nailamon na ng makamundong gawa.
Kahit sa paglipas ng panahon
Mundo ay nabago,
Malaki man ang agwat ng pagbabago
Natutuwa akong may ibang kabataan pa rin na may mithiin sa bayan.
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:37 AM UTC
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay tungkol sa naglalakihang mga mata
kapag nakakakita ng magandang dalaga
na naglalakad sa kalsada
isipin na nating..
maikli ang kanyang palda
maputi ang hita
malaki ang dibdib
teka
tama na
nakaklibog na diba!?
o kaya naman ang pagmamahal
ay parang
yung ating nararamdaman kapag ang ating mga balat
ay nakakapagtindig balahibo
dahil sa hindi maintindihang halimuyak ng galak
o ito ba
ay yung mga pagbabago ng kulay sa ating mga pishi
kapag tayo ay kinikilig ng lubusan
dahil nga ang sweet sweet niya
kulang nalang magkadiyabetes ang puta
ganun ba ang pag-ibig?
ganun ba ang pagmamahal?
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba yung kapag dalawa lamang kayo
nakahiga sa mga damuhan
o kaya nakaupo tumitingin sa kalangitan
habang nilalanghap ang simoy ng hangin
sa taas ng gusali o kaya bubungan
na niloloko ang sarili kapag tinuro mo ang iyong daliri sa mga bituwin
at sinasabi na ang bituwin na yan
ang parang hugis puso
kahit hindi naman talaga
para masabi kolang na meron tayong pag-ibig
para masabi kolang na tinadhana talaga tayo para sa isat-isa
kahit hindi naman talaga
ganun ba ang pag-ibig?
ganun ba ang pagmamahal?
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay yung may nakilala kang tao
na wala kang ideya kung sino
na ang inyong bigalang tagpuan
ay hindi niyo naman pinaghandaan
o kaya naman ang makilala nating ang tunay nating pagkatao
na tayo ay hindi basta tao
tayo ay merong kadiliman na hindi purong kabutihan
na kailangan man tayo ay tao
napapagod din
natututong sumuko at bumitaw
sa kapit ng "kaya ko pa"
dahil kailanman walang anesthesia na dumadaloy sa ating katawan
para hindi tayo masaktan
ganun ba ang pag-ibig?
ang pagbitaw ba ay pagmamahal?
ang pagsuko ba ay pagmamahal?
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay yung paguubos natin ng oras
kahit na alam natin na ito ay walang kwenta
pero wala nakong pakialam
dahil nga kasama kita
na ang saya saya natin dalawa
nagtatawan kahit sumakit pa ang tiyan
hinuhusgahan ang mundo
sinasabihan ng mga tinatago niyong sikreto
wala kanang pakialam
kase nga kasama mo ako
na sana
hindi na matapos to
tayong dalawa
ikaw
ako
at ang ating magagandang mermorya
ay itatago ko at aalagaan dito sa puso ko
ganun ba ang pag-ibig?
ang paglaan ba ng oras ay pagmamahal?
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay yung galak kapag nakikita kita
o kaya yung kapag kasama kita
kapag ako'y ubos na
pagod sa katotohang na ang mundo ay hindi basta basta
andiyan ka palage
nakaaalalay
handang ibigay ang balikat masandalan lang ng mabigat na isipan
ganun ba ang pag-ibig?
ganun ba ang pagmamahal?
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba yung pakiramdam
kapag tayo'y nagpapaulan
na para bang gusto na nating sumuko
sumuko dahil tayo ay pagod na
sumuko dahil ang mga sinabi kong halimbawa ng pagmamahal
ay malayo sa katotohanan ng buhay nating dalawa
iniisip kung ano pa ang ibabato sa atin ng buhay
sige ibigay mo ang lahat
hindi ako basta basta natutumba
hinihiling na sana magkasama tayo sa huli
sana wala nang huli
sana wala tayong dulo
dahil ayoko, na ito ay magwakas pa
o kaya hindi na natin ito inintindi
dahil ang gulo na ng isipan
nandun parin ako
nagpapaulan
hinahayan na mabasa ang sarili
walang pakialam kung magkasakit pa kinabukasan
basta ako ay basang basa na
niyayakap ang ngayon
tinalikuran ang masamang kahapon
anung alam natin sa pag-ibig?
meron ba tayong alam tungkol sa pagmamahal?
anung alam natin?
ang unti
ang onti lang ng alam natin sa pagmamahal
napakaonti
na nagbibigay sa atin ng galak
ng sige gusto ko pa
ng ibigay mo na lahat wag kanang magtira
dahil gusto ko maranasan ang pag-ibig
bigyan moko ng pagibig
bigyan moko ng pagmamahal
mahal, anung alam natin sa pag-ibig?
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:23 PM UTC
"Mahal na mahal kita" yan ang sabi mo ng minsang yakap mo ako.
Ako'y ngingiti ng malaki higit pa sa buwang naka ukit sa gabi.
Pero bat ganito ang nararamdaman ko?
May halong takot at pangamba.
Oo mahal kita, mahal na makal kita.
Ang kinakatakot ko ay ako ay masaya,
ngunit baka ako'y iwan mo rin at hayaang lumuha mag-isa.
Natatakot ako na tuwing tinititigan kita
na bukas ay wala ka na
o baka, baka may mahal ka ng iba.
Natatakot ako.
Bakit ganito? Pagmamahal na napalitan ng pangamba.
Pagmamahal na napalitan ng luha galing sa aking mga mata.
na sa tuwing yakap kita, ako'y nangangamba.
Ayoko na...
Gusto kitang yakapin at sabihing---
"Mahal wag mo akong iwan"
Ngunit sasabihin mo
"Mahal, ano nanaman ba yan?"
Akala mo biro-biruan lang
ang pag sabi ko nyan,
pero isang matinik na takot ang nararamdaman.
Na sa tuwing aalis ka baka hindi na bumalik pa.
Na sa tuwing hindi mo pag-yakap sa akin sa gabi
ako'y nag-aalala sa lipi.
Na sa tuwing paghalik mo sa aking labi
baka... baka unti-unti mo nang nararamdaman ang pighati.
Mahal, pasensya na
kung ganito ang aking nadarama
sa pang araw araw na kasama ka.
Mahal hindi ko rin alam kung bat ganto ang nadarama.
Kaya siguro... ika'y pinapalaya ko na.
Mahal na mahal kita...
Na kaya kitang palayain at ika'y maging masaya.
Hindi dahil sa may mahal ng iba.
Kundi ako'y na tatakot na.
Hindi ko alam ngunit
sa tuwing kapiling ka, ako'y hindi makahinga.
Puro pag-aalala ang nadarama.
Daladala sa mga minutong kasama ka
sa gabing malamig,
sa mga tanghaling mainit.
sa muling pag-luhat pag-iyak.
Sa pananabik sa iyong mga halik.
Ito lang ang kaya kong gawin para sayo't sa akin.
Ang hayaan kang maging masaya kapiling ang iba.
Dahil aking nadarama may mas mahigit pa.
Sa kaya kong alay sayo at ibigay
sa pusong na nanamlay
at nadudurog na kasing liit ng palay
At ang tanging kayang sabihin sa mga bagay na aking nagawang kamalia'y
Mayala ka na aking mahal,
Tandaan mo, ika'y aking mahal na mahal higit pa sa aking buhay.
Oct 15, 2017
Oct 15, 2017 at 5:13 AM UTC
In tagalog…
Nagmahal ka na ng ilang katawan?
Sa lipunang ating ginagalawan
naranasan mo na bang matitigan
na para kang hinuhubaran?
Naranasan mo na bang maging barya?
Na gagamitin kang panukli
sa mga kasalanan nila.
Masarap pa bang mabuhay sa labas,
kung ang tingin sayo ay
labasan ng sarap ng loob.
Nagmahal ka na ba ng ilang katawan?
na ang tingin mo lang sa kanya
ay panandaliang pulutan.
na kapag nabulatlat mo na't lahat
ay pssst waiter isa pa ngang ganyan,
ung malaman para
kumukulo kong kalamnan.
ung makinis,
masarap titigan,
ung masarap hawakan,
nagsuot lang ng maikli
ay pinasok mo na agad
sa makitid **** utak,
napakabilis ng kamay mo,
sing bilis ng kabayo.
Nagmahal ka na bang ilang katawan?
dahil lang sa ika'y tigang
dahil lang sa hindi mo mapigilang maglibang.
Naputokan ka na ba?
ng mga sumasabog na alispusta?
dahil lang sa nagsuot ka ng maganda,
pokpok ka na?
Lumaki ako na ang tingin sa ari ng babae
ay parang laro sa perya,
iyong may itatapon kang matalim
para ang lobo'y pasabogin
kung ilan ang naputok **** lobo
ay yun din ang estado mo,
syempre mas marami
mas malaki ang premyo.
Tinuruan ako ng lipunan
na tratohin silang parang salamin,
alagaan at mahalin,
pero pag sawa ka na't nauumay ay babasagin,
na kapag ginawa mo ito
ay isa ka ng ganap na lalake.
Na para mapitas mo ang mansanas ni eba
ay dapat magbalat kayo ka.
ahas ika nga,
magbabalat ang katawan
para sa iba naman.
para makarami naman.
Na kapag napaikot mo na't
sumangayon na sayo
ay dahan dahan **** ipasok
ang pagkalalake mo.
Ito ay para humingi ng tawag I
sa mga babaeng nagawan ko ng masama.
Sa lipunang ating kinatatayoan,
sa lipunang ating unti unting binubuo
para sa darating pang henerasyon
Magmamahal ka pa ba ilang katawan?
Hanggang ngayon
maski ang ating lipunan
ay hindi alam depinisyonwas one
ng pagiging lalake.
Pero siguro panahon na
para tanongin natin ang ating sarili
Kung tama pa ba ang ginagawa natin?
ito ba ang gusto nating gayahin ng mga susunod sa atin?
May 21, 2018
May 21, 2018 at 10:20 PM UTC
May isang bagay na nais kong sabihin
May mga salita akong nais na bawiin,
Di ko alam kung dapat ko pa bang banggitin
Pero kahit saglit, ako sana'y iyong dinggin
Naaalala mo pa ba nitong araw na nagdaan?
Isang tula mula sa akin ang iyong napakinggan
Huling Mensahe kuno kaya ako nagpaalam
Ipinangako na pipilitin kong maparam
Na pipilitin kong mawala
Itong damdamin na di ko alam kung paano ba nagsimula
At mas lalong di ko alam kung paano mawawala!
Ano ano pa ba ang mga dapat na gawin?
Bakit ba kay hirap nitong tanggalin?
Inunfriend ka sa fb, dinelete message mo
Di ka pinapansin,umiiwas na ko ng todo
Lahat na yata ng paraan ginawa ko
Pero di ka pa rin talaga natiis ng puso ko
Kanina lang kausap ulit kita
Napapangiti tuloy ako ng para bang tanga
Nagsasalita na ako dito mag isa
Mga tao sa paligid ko para bang nagtataka
Mga kasama ko bigla na lang napapanganga
Eh ano bang **** nila?
Minsan na nga lang maging masaya,
Papakialaman pa ba?
Minsan na nga lang magkaroon ng sigla
Itong mundo kong puno ng lungkot, ng takot,ng pangamba, ng kawalang pag asa,
Kaya salamat talaga at nariyan ka
Picture mo pa lang ang laki na ng epekto,
Para akong sira ang ulo, malaki ang depekto
Sa isip na walang ibang laman kundi ikaw
At puso na walang ibang sinisigaw
Kundi ang pangalan ng nag iisang ikaw
At magdaan man ang maraming taon
O lumipas ang mahabang panahon,
Ikaw lang at walang iba
Sasabihin ko lang naman talaga
Gusto kita.
Apr 4, 2017
Apr 4, 2017 at 7:21 AM UTC
Pasko na naman
Pero gulo ang nararanasan
Ano ang tunay na kahulugan
Ng Pasko sa ating bayan?
Mga taong nag-aasam
Ng kapayapaan sa kapaskuhan
Hindi man lang nakamtan
Ang kanilang inaasahan
Ang Pasko sa krisis
Hindi namin ninanais
Hindi rin namin inaasahan
Ang mga bilihi’y magsitaasan
Ngunit gaano man kalala
Ang krisis ng bansa
Basta may pagmamahalan
Ang bawat isa
Tiyak na sasaya
Ang ating pagsasama
At kung may pagkakaisa
Malaki ang pag-asa
Kaya tayo na’t umpisahan na
Pagmamahalan, pagsasama
Pagkakaisa’t kapayapaan
Para sa pag-angat ng ating bayan!
-12/25/2000
(Dumarao)
*a project/assignment
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 1:33 AM UTC
#012917
Naisip kong magpatangay sa hanging kumot sa aking paggising. Naisip kong hamunin ang araw ng mga talatang pasalaysay at huminto gamit ang panalangin.
Isa, dalawa, tatlo: oo, ito na ang ikatlong araw nang tayong ipinalipad sa iba't ibang dako -- patungo sa bawat sulok ng mga pangarap at doo'y sabay-sabay nating maitataas ang Kanyang Ngalan.
Di ko kayang amuhin ang bawat petsa sa kalendaryo para lang maggising tayo't muling mabuo. Di ko kayang sipulan ang ulap na kukumpas sa kalangitang hindi naman nagbabago.
Sa bawat pangarap na minsang natabunan ng ating mga mapapait na nakaraan -- mga pangarap na ni minsa'y di sumagi sa isipang mabubuo natin nang sabay; oo, posible palang maitagpi-tagpi ang bawat istorya para sa mas malaki pang larawang ni minsa'y di natin nasilayang mag-isa.
Marahil napuno tayo ng takot na muling humakbang sa bukas pagkat nahihila tayo ng dilim. Marahil kinain tayo ng sakit, kirot at alalahanin kaya naman tila kayhirap nang lakaran ang tubig ng pagpapala. Pero kahit na -- kahit na lumubog pa tayo sa kumunoy ng distansya't walang kasiguraduha'y may iisa pa rin tayong di dapat na bitiwan -- na patuloy tayong kumapit sa iisang Ngalang titingalain natin hanggang sa Kanyang pagdating.
Siguro nga mapapagod tayo pagkat taksil ang landas o ang pagkakataon pero hindi pa ba ito sapat na dahilan para muling masubok at tayo't tuluyang magpasakop? Kung ang lupa nga'y kayang sakupin ng mga dayuhan lang; ano pa't ang puso't buhay nating tanging hiram lang? Kakatok hindi ang pangarap bagkus ang may dala ng mga ito; ilapit mo ang mga kamay sa puso at doo'y mabubuksan ang pintong may sagot sa mga hiling at dasal mo. Mabuhay si Kristo! Buhay Siya sa iyo!
Jan 29, 2017
Jan 29, 2017 at 3:35 AM UTC
Nakakubling Lungkot Sa Puso
Pilitin ko mang itago ang nararamdaman kong saya,
Nangingibabaw pa rin nang malaki ang nakakubling pangungulila.
Kahit sumilay man ang mga ngiti sa aking mukha,
Nakikita pa rin sa aking mga mata ang labis na pag-aalala.
Ano mang pilit kong magpakatatag at huwag pansinin ang bawat sumbat,
Muli pa ring nadarama sa puso ang pighati, pait, pagtitiis at sakit.
Naitatago man ng aking mga ngiti ang lahat ng pagdurusa't bigat,
Dadaloy pa rin ang mga luha at muling maaalala ang nakaraang mabibigat na habagat.
Kahit anong iwas ko, tinatangay pa rin ako ng isipan kung kamustahin sila.
Hindi ko kayang magsinungaling dahil sa puso ko ay mahal na mahal ko sila.
Ipagsawalang-bahala man ang bawat mga letrang nasa mensahe nila,
Mabubuo pa rin ito at mararamdaman ko ang nakaukit na mga salitang hinihintay ng puso sa tuwi-tuwina.
Sana ang lahat ng mga letrang naging salita ay totoo.
Sana ang lahat ng mga katagang nababasa ko ay galing sa kanilang mga puso.
Sana ang lahat ng mga litratong nakikita ko ay tunay at totoong-totoo.
At sana... mapanghawakan ng puso ko ang katotohanang hindi ko kayang mawalay pagkat sila ay naging bahagi ng bawat nakakubling lungkot sa aking puso.
Dec 4, 2018
Dec 4, 2018 at 12:49 AM UTC
Tanging hiling sa hangin na sana'y tangayin
Ang mainit na bugso ng damdamin
Bawat paghampas at kumpas,
Hindi ko alam kung saan dadalhin
Pinasok natin ang buhay ng isa't-isa
Walang kamalayan sa ating pakakahantungan
Sa mundong hindi perpekto at walang sigurado,
ang tanging pinanghawakan ko lang ay may ikaw at ako.
Nangungulila sa mga mata **** nangungusap
Na sapat ng pagtakpan lahat ng sakit na nararamdaman
Ang mga mata **** sumilaw sa madilim kong isipan
Kailan ko kaya ulit ito matatanaw
Madaming hindi pagkakaintindihan
Nauuwi sa sakitan
Hindi mabilang ang kapintasan
Na bumabalot sating samahan
Tila bagyong walang dala kundi pinsala
Pagmamahalan nating puno ng pangamba
Mga mata mo lang ang tanging naging sandigan
Panangga sa kalamidad, silong sa kadiliman
Isang gabing hindi ko mabura sa ala-ala
Nakatatak sa puso't ispian
Binaybay ng mga kamay mo ang bisig ko
Hinagkan, hinalikan at hindi binitawan
Pinagdasal na sana'y wala ng katapusan
H'wag na sanang sumikat ang araw
Dahil walang ibang nais kundi ang namnamin
Ang bawat minuto sa iyong piling
Marami ang hindi kayang unawain
Ang ating kumplikasyon na dala ng depresyon
Ano bang alam nila?
Bukod sa kutyain tayo
Sabi nila baliw tayong dalawa
Hindi inalintana ang sinasabi ng iba
Malaki ang tiwala ko sa'yo, sa akin,
Sa ating dalawa
Ngunit naging malupit ang mundo,
marupok ka at mahina ako.
Hindi na kita kilala
Hindi mo na ko tinitignan sa mata
Tinalikuran ang sarili kong giyera at
pinaglaban ka
Patuloy kong sinasabi sa'yong,
"Mahal, andito lang ako. Kumapit ka."
Nagbingi-bingihan, pasok sa isang tenga
Labas sa kabila
Pinagtabuyan palayo pero sabi ko sa sarili,
hindi ako susuko.
Tuwing ipipikit ko ang mga mata,
hindi maiwasan ang pagtulo ng luha.
Sinisigaw ng puso, kayanin ko pa.
Pero ang tanong ng utak, para san pa?
Gusto kitang hagkan sa bawat sulok ng katawan,
gustong akuin ang sakit na iyong nararamdaman.
Naging manhid ka saking sakripisyo,
Patuloy akong pinagtabuyan.
Hanggang sa naubos na ang pasensiya at pag-unawa,
halos isuka na natin ang isa't-isa
Pagmamahal nalang ang nakita kong dahilan
kung bakit patuloy parin nating sinubukan
Hindi lilipas ang isang araw na walang bangayan
Ang haplos **** nung una'y malumanay naging
mahigpit at puno na ng galit
Nauntog sa katotohanang hindi sapat ang pagmamahal lang
Naglaho ang kislap ng mata na nung una'y sapat na kahit wala
ang mga salitang, "mahal kita"
Anong ginawa natin sa isa't-isa?
Mag pag-asa ba talaga ang pagmamahalan ng dalawang taong sira?
May 13, 2016
May 13, 2016 at 8:24 AM UTC
Sutla ang iyong kutis,
Ilang inches na heels
iPad ang hawak
Ayan pa’t naka-Rayban
Kahit taglamig –
Ganyan dito sa abroad
Pasyal dito
pasyal doon
Higit sa lahat
Hindi barya ang sahod.
Padala sa Pinas,
Lahat ay winaldas
Dami pang pasakalye
Datong din pala
Palaman ng inyong mensahe.
Aba’t bida pala si bunso
Sa tropa’t sa eskwela
Hindi ba’t astig?
Pang-party nila’y
Siya ang laging taya!
Ang binata ko’y
Malaki na talaga
Kapapanganak lang daw
Ng bespren nya
Anak, tanong lang
ba’t sa handa nila’y
Ikaw ang itinoka?
Ang ilaw ng tahanan
Na siyang aking iniirog
Sabay sa uso
Nakasisilaw ang alahas
Inubos ata ang bawat perlas
Buti’t nakaahon pa’t
Ayan, kay kumpare pa
Siya’y nakakapit!
At ang nararapat
Na panglamang-tiyan
Kulang pa pala
Kanyang sinapupunan
May bagong buhay
Mahal, saan siya nanggaling?
Puso ko’y nalurak
Ako’y inahas na
Pinagsamantalahan pa
Akala nila’y ok lang
Akala ko’y may babalikan pa
Yung totoo,
Lata’y hiyang-hiya na
Humihikbi ito
Makatikim lamang ng barya
Wala na ang sahod,
Awitin ko’y “Palimos.”
(12/2/13 @xirlleelang)
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:20 PM UTC
Kung may bayad lang ang bawat pag-silay sa'yo
Malaki na siguro ang aking
pagkakautang
Pag-ibig ko'y parang bangkay sa karagatan
Hindi maitatago
pagkat kusang lumulutang
Nahulog na ang loob ko sa'yo
Wala ng matatakasan na lagusan
Humihingi ng pag-ibig mo
Wag sana akong mapagdamutan
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 4:25 PM UTC
I.
Mahal, minsan napapaisip ako...
Ang laki masyado ng mundong ito, ang mundo ko.
Gusto kong hawakan ang bawa't bato, yakapin ang bawa't puno, pero hindi ko kaya dahil nadadala ako sa tinig ng mga iba't ibang boses na humihila sa aking puso at hindi ko alam kung alin ang susundan ko.
Nakaktakot ang katotohanan na marami pang mga lugar na hindi pa natatapakan ng aking paa, marami pa akong hindi alam, marami pa akong hindi nakikita.
Pero minsan, ang katotohanang ito ang nagpapatibok sa aking puso, at nais kong pasukan ang lahat ng mga pintong bumubukas sa harap ko,
nais kong mahalin ang lahat ng taong dumadaan sa buhay ko,
nais kong maranasan ang lahat ng pwedeng maranasan ng isang tao.
Pero minsan talaga, hindi...
Hindi talaga alam ng aking puso kung ano ang gusto nito.
Kung isang mundong malaki o mundong maliit ang gusto niyang tirhan.
Pero yung nag-iisang bagay na kung saan ako'y sigurado, ay...
Na gusto ko na sa gitna ng kaguluhan,
iyong boses ang madidinig,
at iyong boses lamang.
Balik mo 'ko kung saan tayong unang nagkita,
kung saan tayong unang nagkakilala.
Balik mo 'ko sa panahong iyon,
yung unang beses na hinawakan mo ang aking puso sa iyong palad
at nagpangako na hinding hindi mo ito bibitawan.
Halika, balik tayo sa ilalim ng iyong puno.
II.
Habang ako'y nandito sa ilalim ng iyong puno,
hindi na importante sa 'kin kung malaki o maliit man ang mundo.
Basta't kayakap kita dito kung saan walang kahulugan ang oras,
alam kong iikot lang ng iikot ang mundo.
At sapat na yun para sa 'kin.
Dahil sa iyong pagmamahal,
lahat ng takot ay nadadaig.
Jan 24, 2016
Jan 24, 2016 at 7:32 AM UTC
Bukas
Samahan mo ako
Pagsapit ng takip-silim,
Kung saan nag-aagawan ang liwanag at dilim
At ang langit na bughaw ay magliliyab ng pula
Tapos kukupas sa mga bituin.
Samahan mo ako
Sa tabi ng kalsada
Kaharap ng mga naglalarong bata
Sa ilalim ng mga nagbubulaklak na punong acacia
At lasapin natin ang malamig na hangin
Na humahaplos sa atin ng kay lambing.
Halika,
Balik tanawin nating ang nakaraan
At mangarap ng mas malaki pa
Para sa kinabukasan.
Wala nang lihim na itatago,
Walang kahinaan na ikakahiya.
*Ikaw ay ngingiti.
Ako ay tatawa.*
Bukas.
Jan 29, 2014
Jan 29, 2014 at 10:38 PM UTC
Lumaki ako sa paniniwalang ang buhay ay isang kompetisyon,
Na dapat angat ka sa lahat sa anumang sitwasyon
At sa anumang pagkakataon
Pagkat yun ang sukatan ng tinatawag na tagumpay
Isang bagay na hindi naman sa iyo habangbuhay
Pinalaki ako sa paniniwalang masama ang magkamali
Sa paniniwalang Hindi lahat ng bagay dapat minamadali
Kaya magpahanggang ngayon ang mundong ginagalawan ko
Malaki ang pagkakaiba sa mundong mayroon kayo
Pagkat nabubuhay ako sa takot
Takot sa pagkakamaling maari Kong magawa
Takot na baka isang araw, mahila ako pababa
Takot na isang araw, lahat ng meron ako, Bigla na lang mawala
Na baka isang araw, magising na lang akong nakatulala
Hindi ko na alam ang gagawin
Lakbayin ko ba'y makakaya ko pang tapusin?
Sa labing anim na taon ng aking pamumuhay
Ang pinakamahirap kong ginawa: sa mundo'y makibagay
Pagkat sa bawat pagbabagong aking nasasaksihan
Kaakibat ang panibagong bigat sa kalooban
Dahil takot akong bitiwan ang nakasanayang paniniwala
At ang takot na'to ang nagsisilbi kong tanikala
Tanikalang pumipigil sa aking paglago
At sa pag-angat ko'y pilit na nagpapahinto.
Alam kong balang araw,darating ang oras Mahahanap ko ang natatanging lunas
Para sa nagtatagong takot sa loob ko
At darating ang araw na makakalag ko rin ang tanikalang 'to!
Oct 10, 2017
Oct 10, 2017 at 8:39 AM UTC
Naaalala ko pa yung araw na maging tayo
Pakiramdam ko noon tumama ako sa lotto,
Yung tipong tila ba’y ayaw kong tayo’y magkalayo
Tapos malingat lang hanap na nang hanap sayo…
Lumipas yung mga araw naguumpisa na ang ating istorya
Istorya na hinubog ng pagsubok at pagtitiwala
Mga tao sa paligid ambag sa kwento natin ay iba-iba
Yung iba nakakatulong, yung iba naman nakakasira…
Umabot sa buwan tayo’y patuloy na tumatatag
Sa kabila ng kaliwa’t kanang problemang sa ati’y hinahapag,
Walang sukuan, alitan natin naaayos natin sa loob ng magdamag
Para sa pangakong relasyon natin na sinuma’y di kayang matibag…
Taon na ang binibilang panibagong kabatana nanaman,
Kahit mas tumindi ang bagyo, kaya natin lagpasan…
Kahit minsan, mabigat na, patuloy parin lumalaban
Mga binuo nating pangarap di natin binitawan…
Tumagal pa at tumatagal mas minamahal pa kita
Mas may ngiti at tawanan mapapansin sa ating pagsasama
Ang alitan at problema parang sa ati’y wala na,
Dahil mas malaki na ang tiwala natin sa isa’t-isa…
Patuloy na binibilang at pinagtitibay ng panahon
Pagmamahalan nating di kayang sirain ng bagyo o alon,
Ang pangakong pag-ibig na walang kondisyon,
Ating ipinaglalaban at ipaglalaban KAHAPON, BUKAS, NGAYON!
©2017 John Vincent Obiena. All rights reserved.
Aug 31, 2017
Aug 31, 2017 at 8:09 AM UTC
Pisnging mapula
mapungay na mata
ako’y masaya sa tuwing ika’y nakikita
sabihin na nating ang ilong ko’y kawangis ng bawang
ang amoy ko pang tikbalang
at malaki ang aking baywang
ang pagmamahal mo parin ay kahit kaila’y ‘di nagkulang
Salamat sa pagtanggap sa’kin
Kahit minsa’y medyo mahangin
Kahit ngayo’y lagi nang nakasalamin
Pinagtitiisan mo pa rin
Sa kabila ng lahat ng kasalanan
Ang pagpapatawad mo’y tila walang hanggan
Kaya ngayong araw ng mga puso
Sana’y iyong magustuhan
Munting handog
ng matabang batang matagal ka nang hinahangaan
Nais ko sana’y ‘wag tayong mag away
Para naman ang araw na ito’y maging matiwasay
Mahal mo ata ako, at alam **** mahal rin kita
Kaya hayaan **** ang tulang ito’y ika’y mapasaya
Dec 14, 2014
Dec 14, 2014 at 1:49 PM UTC
Sinagot ako ng iling
Isang malaki at klarong paggalaw ng ulo pagilid
Hindi muna naisip magtanong kung bakit
O maisip man lang na inapakan niya ang hiling ng isang anak
na mabigyan ng pagtanggap
Itong pagtanggap, na sa kanya lang hinihingi
Oct 3, 2018
Oct 3, 2018 at 2:43 AM UTC
Sensitibo akong tao, kaunting pangungutya, malaki na ang epekto.
Nabuhay ako sa paniniwalang lahat ng babae, tumitingin lang sa gwapo.
Kasalanan ko bang maging pangit? Siguro hindi, siguro oo.
Sabi nila walang pangit. Ugali lang ang pangit sa ibang tao.
Nakasanayan ko nalang na walang naririnig, kahit lantaran akong laitin.
Ininda lahat ng pananakit, maswerte nalang kung minsa'y daplisin.
Hindi ko kayang lumaban, patay malisya lang ang damdamin.
Ayoko ng gulo, ni isang salita wala akong binanggit kahit aking isipin.
Aking babaguhin, karamihan sa kababaihan ay tumitingin sa gwapo.
"Ano bang meron sa mga gwapo?" Pare-pareho lang naman kaming tao.
Alam kong mahalaga din ang panlabas na kaanyuan pero,
Yun ba ang minamahal? Yun nalang ba ang basehan sa mundong ito?
Lahat ng 'yan nakaraan nalang sa akin.
Magmula nung dumating ka, pinaniwala **** mali ang aking hangarin.
Hangarin na tanggapin na walang kaaya-aya sa akin.
Kahit anong pilit ko, pilit **** itinatanggi at hindi pinapansin.
Hindi ako gwapo. Pero kaya kong harapin ng may magandang kalooban ang magulang mo.
Hindi ako mayaman. Pero ipapakita ko sayo na ang kayamanan ay nasa kaya nating ibuo.
Hindi ako yung taong magara ang kasuotan kapag haharap sayo.
Aanhin ko yun? Kinabukasan natin ang aabangan ko, hindi pagiging maluho.
Hindi ako yung lalake na pagkakagastusan ka ng sobra sa tuwing may selebrasyon.
Gusto ko kase maramdaman natin. Hindi sa nakikita, kundi mismo sa pagkakataon.
Hindi ko kayang lumaban, duwag ako, at nananatiling mahinahon.
Pero hindi ko hahayaan na may umapi sayo na kahit sino, makakatikim sakin 'yon.
Hindi ako yung tipong kaya kang pakiligin sa mga salita.
Madalas kasi wala akong tiwala na kaya ko yun magawa.
Panay ang pagkumpara ng itsura ko sa iba.
Kahit ganun naman , lahat ng sinabi ko sayo, totoo at may isang salita.
Hindi ako gwapo, oo.
Hindi ako maporma, oo.
Hindi ako astig, oo.
Hindi ako yung matitipuhan agad kase, oo, ganito lang ako.
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:08 AM UTC
Sa dinami-rami ng mga maliliit na bagay
na alam ko tungkol sa'yo,
kaya ko ng makasulat ng isang nobela
na iyon lamang ang nilalaman.
Paano pa kaya
kung malaman ko ang mga pinakatatago **** sikreto?
Paano pa kaya
kung matuklasan ko ang iyong pinakamaiitim na lihim?
Paano kung kinaya kong buksan
ang iyong puso't isipan para lang malaman
kung sino ang itong nilalaman?
Kaya lang sa'king palagay
hindi ko kakayaning makita
na iniisip mo kung paano
mo hahawakan ang kaniyang kamay.
Na ang tumatakbo pala sa iyong isipan
ay kung paano mo siya gustong hagkan.
Doon pa lamang,
bumigay na ang aking puso
Ginusto ko ng dukutin ang aking mga mata
para lang hindi masilayan kung gaano ka kasaya
sa piling niya.
Iyon na siguro ang malaki **** sikreto.
Mahal mo pa rin siya
Hindi ko na naman kailangang tanungin
dahil pag tinitignan kita, siya ang nakikita mo.
Ayoko ng makita muli ang laman ng iyong puso.
Ayoko ng matandaan.
Ayoko ng pakielaman.
Pero sana
*Sana yung maliliit na bagay na lang
ang aking nalaman.*
Jul 3, 2015
Jul 3, 2015 at 2:43 PM UTC
#080416
Para akong sumusuntok sa hangin noon,
Noong bigla kang nagpadaig sa ihip nito.
Sana tinangay na rin pati ang damdamin,
Mas masakit pala kasi iniwan **** may pait.
Para akong sumusuntok sa pader ngayon,
Ngayong sabi **** hindi naman nagbago
Pero ang sakit na ng mga kamao ko,
Nasusugatan ako
Pero pilit akong kumakatok
Sa puso **** malaki ang pader.
Para akong sumusuntok sa punching bag,
Pinipilit kong husayan kahit dumadaplis ako.
Kapag nangangatog ang tuhod ko't napapaluhod,
Sabay ang luha sa tagaktak ng pawis.
Pero muli akong bumabangon.
Para akong sumusuntok sa unan,
Gusto kong mamahinga
Pagkat pagod na ang puso.
Masakit na ang mga kamao
Naaawa na ako sa sarili ko,
Kaya't pipilitin kong pumikit.
Kailangan ko ng tulog na mahimbing
Oo, iiyak na naman ako
Sinusuntok kita
Hindi dahil galit ako;
Sinusuntok kita
Kasi kahit pagod na
Sayo nais mamahinga.
Aug 4, 2016
Aug 4, 2016 at 9:20 PM UTC
Walang araw at gabi na hindi ko naiisip ang iyong kalagayan.
May mga pagmulat sa umaga na tila nananaginip ako,
Iniisip ko na nagbago na ang lahat, na sa wakas ay nalampasan
Mo na ang ang iyong hirap na pinagdadaanan.
Mga pagkabigla ng isipan na para bang naalimpungatan lang.
Subalit laging bumabalik sa mga katotohanan na kailangan harapin.
Mga lungkot at kurot sa pusong tanawin, mga sana at mga
Panghihinayang. Puno ng mga pagbabakasakali at pag-asa,
Hinahanap-hanap ang kasagutan sa mailap na katanungan.
Bakit ikaw? Bakit sa’yo pa nangyari? Bakit nagkaganyan ka?
Wala ako’ng ibang hiling kundi ang maging maayos ka,
Na maging malusog at kaaya-aya ka.
Hindi ko hinangad ang yaman ng mundo,
ikaw lang at ang kapatid mo ay daig na ang lahat ng yaman sa daigdig.
Pero ‘hwag kang mag-ala-ala anak ko hindi kita iiwan,
Kailanman hindi kita pababayaan ako’y laging nandito sa tabi mo.
Haharapin natin nang magkasabay ang buhay.
Naalala mo ba ang naghahabulan na mga alon sa dalampasigan?
Masayang masaya ka habang ito’y humahampas sa iyong katawan,
Ganito ang buhay punong-puno ng mga alon.
Kailangan na ito’y harapin, wala ka’ng ibang gagawin.
Ngitian mo ang hampas ng buhay maliit man o malaki ang dala nitong mga alon.
Habang ako’y nabubuhay sasamahan kita sa pagharap mo sa mga alon,
Hindi ka namin iiwan ng ate at mama mo.
Lalabanan natin ang dagok ng mga daluyong,
Sabay tayong tatawid na karagatan ng buhay,
Umulan man at umaraw lagi kitang yayakapin.
Ganyan kita kamahal aking bunso.
Dec 4, 2017
Dec 4, 2017 at 10:07 PM UTC
Tuwing Halalan, may kalakalan…
Palitan, tindahan ng mga pangalan
Manibalang, sariwa’t bulok man
Hilaw o hinog, merong pagpipilian.
Tuwing Halalan, may paligsahan…
Maliit, malaki, mahirap, mayaman
Basta handa at gustong lumaban
Maging sino ka man, pwedeng sumali diyan.
Tuwing Halalan, may kaaliwan…
Kantahan, sayawan at palakpakan
Kainan, kwentuhan at inuman
Wari’y may pista ang buong bayan.
Tuwing Halalan, may kasawian…
Tsisimisan, siraan, banghayan, alitan
Hamunan, bugbugan at bantaan
Hanggang kamatayan, walang uurungan.
Tuwing Halalan, may kalayaan
Pumili ng pinuno ang mamamayan
Dikta ng sarili **** isipan
O maging anong uri ng kabayaran.
Tuwing Halalan, may karanasan!
-09/29/07
(Dumarao)
*upcoming local elections
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 2:04 AM UTC
Pangalan nya ay princess
Sa bundok siya ay obsessed
Prinsesa siya ng kabundukan
Maladiwata ang kanyang kagandahan
Malakas pa yan sa makikisig
Malaki pa sakin ang bisig
Makuha ka sa kanyang mga titig
Baka ikaw ay biglang mapaibig
Oct 8, 2015
Oct 8, 2015 at 9:51 AM UTC
titingnan ko kung may natira pa rin ba sa latak ng tinta ng 'yong alaala o ipinipilit ko lang na palabasin ang iyong anino sa lahat ng aking nakikita o nadarama.
sana makalimutan na kita, kahit pa mahal kita. sa totoo lang nagtapos ang lahat sa isang pagkakamali: ang iwan ka matapos makahanap ng iba. akala ko masyado na kitang mahal at pagkakataon namang ilaan ko ang pagal kong puso para sa iba, pero hindi 'yon nangyari. bumabalik lamang ako sa'yo sa tuwing nakikita ko ang ngiti nila mula sa'yo, o ang mahahaba **** pilikmata kung nakapikit ang mga mata at tangan ang iyong ulo sa balikat ko.
nagniningning ka kahit madaling araw. ang pagkaway ng buwan sa tuwing titingala ako ang nagkakanlong sa ating mga gunita. ikaw ang nakikita ko sa lahat ng aking mga inibig at susubukang ibigin. ikaw lang ang kaya kong balikan matapos layuan. ikaw lang.
ikaw lang ang hindi ko kayang hagkan o halikan kahit gusto ko man. nais kong hawakan ang 'yong kamay o hawiin ang mga buhok sa mukha at tuluyan nang halikan
sa noo.
ikaw lang ang kaya kong lubusang mahalin na hindi ko puwedeng gawin, dahil
takot ako.
lumipas na ang maraming taon ngunit nasasakin pa rin ang takot kong 'to. ang sabi nila matatakutin daw ako, oo pero hindi sa multo o engkanto, kung hindi sa pagmamahal na hindi totoo at mabilis maglaho. hindi ganoon ang pag-ibig ko, marahil ang pag-ibig mo, pero natakot din ako sa'yo. dahil gusto mo pang maglaro at malaki na ako para diyan.
ayaw kong maglaro pa ng habulan o mataya-taya.
hindi na ako bata.
tanggalin mo na ang piring sa mata dahil sa hanapan daga, ako lang ang tanging sasalubong sa'yo at magsasabing, "simula't simula pa lang, ako na ang talo, ako na ang taya."
Jun 24, 2017
Jun 24, 2017 at 2:21 AM UTC
Alam ko sa sarili ko.
Sobrang taba ko.
Ayoko na malaki ang hinaharap ko,
Kasi nahihirapan na ako.
Gusto kong tumakbo at sumayaw kaso mahirap kasi ang laki ng hinaharap ko.
Hindi sa proud ako pero tanggap ko na.
Masarap kasi magluto ang buong pamilya ko.
Pero atleast balang araw papayat din ako.
Gaganda din ako.
Di tulad ng maliit ang height.
Pagdumating na ang panahon na pumayat ako.
Who you ka saken.
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 9:02 AM UTC