Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Paano kaya?

Mahal ko ang pilipinas. Sobra.
Mahal ko ang bansang aking kinalakhan.
Mahal ko ang aking pinanggalingan. Kung saan ako nag aral, san tumira, saan nagsisimba. Kung saan naliligo, umiihi, tumatae, Mahal ko!

Pero paano ko kaya matatanggap ang nangyayari sa aking bansa?
Paano ko kaya tatanggapin ang mga basura sa daan.
Ang mga binebentang damit na sinuot muna nila.
Ang mga piniritong fish ball na kahapon pa ang mantika.

Paano kaya?

Sa jeep, na para na kayong sardinas na pinagkasya sa isang lata.
Sa lrt, natumaas man ang bayad. Dama mo parin ang mga pagong na kumikilos at mga amoy na gugustuhin mo na lang amuyin.
Sa paaralan, titiisin ang sira sirang mga silid aralan para sa pangarap na mahirap abutin.

Paano kaya?
Sa pilipiling lugar, na kapag nakakita ng umiilaw na iphone ay parang hokage na mabilis na mang aagaw.
Sa ilalim ng tulay, kapag napadaan kay makikita ang pamilyang walang makain na nakahiga sa kamang matigas at ngunit hindi mabigat dalhin kung saan saan.

Paano kaya?
Ang mga kalsadang pinipilit tapusin kahit mas una pang tinapos ang perang inilaan ng sang katauhan.

Paano kaya?
Ang mga taong halos mamatay sa pagod na tila butas ang bulsa at hindi malagyan ng laman.

Paano kaya?
Sinubukan kong alamin kung saan ito nagsimula. Kung sino ang gumawa? Kung kailan? Kung paano? Kung bakit nandito?
Hanggang napatunayan ko, na kahit ganito ang tinuturi kong bansa.
Alam kong katangi tangi parin ito.

Hindi man kami tulad ng iniisip nyong bansa.
Ang bansang ito ang pinaka mapagmahal ra lahat.

Kayang makipag kaibigan sa kahit sinong tao. Kayang umintindi ng kapwa. marunong makisama. Mapagbigay.

Higit sa lahat sa kabila ng mga nangyayari sa amin, kahit wala nang kakainin, kahit nag aaway na kayo, kahit madami ng problema at  kahit may taning na ang buhay.

MASAYA pa rin. Ang mga ngiti, galak, at tuwang ito ang hindi nila matutumbasan ng iba.
Elly Apr 2020
hindi ko rin alam kung kailan ko ba ito matutuldukan
dahil sa totoo lang natatakot ako na baka ito maging tutuldok-tutuldok
o baka madagdagan pa ng napakaraming tandang pananong
at akalain ko na tapos na ang lahat ngunit masusundan pa pala ng kuwit
o ng panibago pa ulit na tudlok-kuwit
aaminin ko na hanggang ngayon naman umaasa pa rin ako
na baka sakaling magamit mo rin saakin ang panipi
sa tuwing may ikukwento ka, na baka tungkol na saating dalawa
na kahit man lang sa pamamagitan ng panaklong
maranasan ko ang mayakap mo kahit papaano sa storya mo
na maidugtong man lang ng gitling ang pangalan mo sa pangalan ko
o kahit siguro malagyan lang ng kudlit ang pangalan ko
na para bang inaangkin mo ako
na dumating sa punto na magamit mo ang tandang padamdam
pero alam kong hanggang dito nalang dapat
na kahit kailan hindi ito magkaroroon ng tutuldok
upang maipaliwanag kung bakit hindi
o kahit sagot kung paano ito matatapos
na hindi ito ganoon kadali tulad ng pag-ubos ko sa mga bantas
sa pag-ubos ko sa nararamdaman kong ito
upang matapos ang piyesa na ito
tulad ng pagtapos ko sa naiisip kong 'to.
Nang minsang makilala  ang isang  tulad mo,Hindi inaasahan na mabibihag mo agad ang Pihikan kong Puso.
araw-araw nangungulit para lang mapansin mo,pano ba naman lagi ka atang abala ,kaya ang sang tulad ko hindi mo makita.
at ng sa wakas napansin mo rin ang makulit na tulad ko,sa sobrang saya Gusto na agad kitang iuwi sa amin,at sakupin  Ang mundo mo para maging iisa Tayo.Pinapangarap  kong Prinsesa Ngayon ay Akin na.Araw-araw sakin ay nagpapasaya kaya ang aking mundo ay laging masigla.
Hindi man ako isang mandirigma tulad ng iba,pero hangang Dulo ipaglalaban kita.
Hindi ko man maabot ang mga bituin pero Sisikapin mga mata mo’y malagyan ng ning-ning.at
Kahit malayo ka man sa aking piling,umasa kang hindi ka bibiguin.Araw-araw ika’y hindi Pagsasawaang  hintayin.
Pinapangarap na Ikaw araw-araw kong Iibigin.

— The End —