"makasalanan" poems
Sa tulang aking naisulat,
Sanay may mamulat ,
Sa kasalana at problemang lagging naiuulat,
Sa telebesyon at radyo ikaw ay magugulat.
Mundong puno ng karahasan,
Mga taong makasalanan,
Walang paninindigan,
Mga taong nang iiwan,
Pamilyang nasira sa isang kasalanan,
Kasalanang Patuloy na ginagawat patuloy na nariyan.
Mga problemang hindi masulusyonan,
Mga batang sa kalsaday naiwan ,
Mga taong naiwan ng kanilang pangarap at kinabukasan,
Ito’y opinion lamang,
Sa aking naririnig bilang isang mang mang.
Ang suliraning laging nariyan,
Kawalan ng kapayapaan,
Kakulangan ng sapat na edukasyon ng mga kabataan,
Walang sawang Kahirapan,
Kawalan ng sapat na pantustos ng kalusugan ng mga mamamayan.
Pagkagumon ng mga kabataan sa bawal na droga,
Patuloy na pagtaas ng populasyon na di naaalintana,
Nasaan ang hustisya ?,
Bakit ang inosente ang nasa rehas na bakla?, Nasaan ang tunay na may sala?
Maging sa eleksyon ay may daya,
Pagbabagot pag unlad ang gusto natin,
Kaya simulan natin sa mismong pamamahay natin.
Bakit ganito nasaan ang pagbabago?
Laging naririnig ko pag bukas palang ng radio,
Bilang isang kabataan, bilang isang mamamayan ,
Ang pagbabago ay laging naririyan,
Ito’y nasa iyo ung pupulutin mo o itatamabak lamang.
Oct 20, 2017
Oct 20, 2017 at 11:00 PM UTC
Bato sa balat,
Hayaan **** lumapat ang ‘yong kahinaan sa mahinahong baldosa
Payagang lamig ay yumanig sa bawat panig ng iyong katawan
Mula sa kalamlaman ng iyong talampakan hanggang umabot sa–
Pagitan ng iyong mga hita, paakyat sa kalamnan, patungo sa dibdib
Hanggang maramdaman nginig na dala ng iyong pag-iisa.
Ipagpaliban mo muna ang mundo
Ilaw sa paningin,
Hayaan **** angkinin ka ng daang-daang mukhang nasasalamin sa bawat tisa
Tignan ang iyong mga nakikita, ikaw ngayon ay nakakahon sa bato–
At mga multo na iisa lang ang mga mukha’t hinaing
Payagang ika’y ariin ng kanilang mga nanlilisik na titig,
Huminga ng malalim at iyong sabihing
Ginusto mo ang linggatong na ‘to
Mata sa dutsa,
Tumingala hanggang kadahilanan ay magunita
Ang iyong katwiran kung bakit pinili mo ang kapangahasan
Hamakin ang sarili’t magnilay-nilay sa nagbabadyang kasalanan
‘Di hamak naman na mas ikakasaya mo ang pait–
Ng paglalapastangan sa sarili nang ilang makamundong saglit
Pagbigayang mabasa ang sarili
Silakbo sa kawalan,
Ipikit ang mga mata’t pakiramdaman ang daloy ng tubig sa’yong balat
Ipaanod sa agos ang haplos ng pighati’t pagtitimpi
Sa mahigpit na bisig ng isang mapanghusgang mundo
Tikman ang hagod ng malamig na pelus sa iyong mga labi
Sumidhi sana ang pagdanak ng init ng pagnanasa sa bawat bena
Mahalin mo ang iyong pagkatao
Makipagtalik sa sarili,
Ibigin **** maibigan ang pagiging makamundo’t makasalanan
Ibaling ang pansin sa pagpapalabas ng himutok
Muling sabihin na hindi makasarili ang pagnanasa sa sarili’t
Ulit-ulitin ang pagbaluktot ng diwa’t isipan hanggang ito’y tumatak,
Hanggang sa mabulalas mo ang iyong mga suliranin
At matapos ang lahat ng iyon hindi mo maiiwasan–
Pagkamuhi sa sarili.
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 1:20 PM UTC
Pumasok sa bulwagan, mga tao'y nagtipon.
Ang pagbukas ng kurtina ang siyang sa'kin sumalubong.
Mayroong isang dula, napukaw aking atensyon.
Nakamumulat ng mata at may malinaw na intensyon.
Tanaw ang isang dalaga, pagsalita niya'y mahinahon.
Nananawagan sa madla, naghahanap ng tulong.
Kumakalam daw ang sikmura, pansin kanyang tensyon.
Sigaw lang ng dalaga, "Pagkain para sa nagugutom."
Alagad ng batas ang nakakita, dalaga'y sinakay sa apat na gulong.
Minaltrato ng sistema, inabuso kanyang dunong.
Binaba kaniyang palda, rinig sa dalaga ang pag-ugong.
Dinala siya sa korte ang dalaga, makasalanan daw at siya'y nakulong.
Hanggang sa kasukdulan, pait ang kanyang dinaranas.
Sa kamay ng batas, sa kamay ng nakatataas.
Dalagang lumalaban hanggang mawalan na siya ng bukas,
Ang pag-gahasa sa bayan, ngalan ng dalaga'y Pilipinas.
Apr 25, 2020
Apr 25, 2020 at 3:39 PM UTC
Ang aking hinahangaan,
Na tila langit at lupa ang aming pagitan
At kung ihahalintulad sa panahon ngayon kami ay tila ang mahirap at mayaman
Walang boses at makapangyarihan
Kung ihahalintulad naman sa panahon noon
Tila ang kastila at ang katipunan
Si lapu-lapu at magellan
At kung ihahalintulad naman sa bagay na sa buhay ay may kinalaman
Tila kami ang kasinungalingan at katotohanan
Kalungkutan at kasiyahan
Nagmamahal at nasasaktan
Kasamaan at kabutihan
Inosente at makasalanan
Basura at kayamanan
Digmaan at kapayapaan
Tao at kalikasan
Kaaway at kaibigan
Ibang tao at magulang
Kabobohan at katalinuhan
Bida at kalaban
Buhay at kamatayan
Liwanag at kadiliman
Kabundukan at karagatan
Kasaysayan at kinabukasan
Bibliya at Qur'an
Daigdig at kalawakan
Ang araw at ang buwan
Ganyan ka layo ang aming pagitan na tila ang tadhana ay di sang-ayon sa aming pagmamahalan,mahirap man tanggapin ang katotohanan na ako at ang aking hinahangaan ay malabong magkatuluyan😥
May 13, 2021
May 13, 2021 at 1:16 PM UTC
may isang natutulog sa kalye
walang sala, walang detalye
walang makain, walang tirahan
ngunit ikinulong tila'y makasalanan
"mahirap maging mahirap"
said ng mga matang nagpapaki-usap
nang gayo'y makahanap
ng pagkain sa pamilya'y maiharap
at ang isa'y pinaiimbestigahan
dahil umano sa ilegal na pamamaraan
ng pagtulong sa kanyang nasasakupan
kailan ba ito naging kasalanan?
o, Pilipinas, ika'y binabantaan
patagong tinatangay ang iyong kayamanan
mga anak mo'y pinahihirapan
sa kalagitnaan ng krisis, ika'y pinagsasamantalahan
o, Pilipinas, naliligaw ang iyong landas
ika'y inaapi, inaabuso nang marahas
waring pinaglalaruan ang batas
ng isang nag-aanyong taong hudas
halika't iyong ipaglaban
ang bansang ating sinilangan
basagin na ang iyong katahimikan
at h'wag hayaang manaig ang kasakiman
pakinggan, dam'hin, at tignan
h'wag ka munang lumiban
sapagkat kailangan ang iyong katapangan
sa umuusbong na digmaan
Apr 9, 2020
Apr 9, 2020 at 9:10 AM UTC
Simula sa araw na ito,
Hindi na kayo pwedeng tumawa, magalit at malungkot,
Hindi na kayo pwedeng makadama ng kahit ano mang emosyon,
Emosyong nagpapakita ng kahirapan, kahinaan, pagkatanda at pagkapagod,
Huwag kang magsasayang ng hininga sa mga letrang alam **** wala namang makakarinig,
At kapag nilabag mo ang isa sa aking mga utos,
Tumayo ka sa sulok,
Ipikit mo ang iyong mga mata,
At harapin mo ang dilim na sa iyo’y lumalamon,
Patungo sa apoy ng impyerno,
At kapag naramdaman mo ang init ng apoy na sayo’y sumusunog,
Pinapayagan na kitang sumigaw,
Sumigaw sa taas ng iyong mga baga,
Palabas ng apoy na nagbabaga,
Patungo sa mga tenga ng mga taong sabi mo’y iyong mga kaibigan at kakilala,
Ngunit huwag kang aasa na ika’y aming sasagipin,
Hindi ka namin aangatin,
At mas lalong hindi ka namin ililibing,
Sa mga lupaing,
Pati ang mga damo ay ayaw kang tanggapin,
At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan,
Bumuo ka ng bahay,
Gamit ang mga bagay na iyong natutunan,
Bumuo ng bahay,
Gamit ang mga bagay na naiwan ng mga mananampalataya,
Ang mga mananampalataya na nagpasabog ng mga bomba,
Upang ingud-ngod sa aming mga mukha,
Na kami’y mga anak ng mga makasalanan,
Pinanood naming maging abo ang aming mga ari- arian,
Sa isang pitik ng kasinungalingan,
Pinanood namin ang mga pinto, mga libro, mga litrato na masunog at madurog,
Nadurog sa sunog ang lahat ng aking minamahal, pinapangarap at hinahanap,
Inalis nila sa aming mga mukha ang kasiyahang panandalian lamang nadama,
Tinanggal nila sa aking katawan ang pangalang minsan na sa akin ay kumilala,
"Ako ay taong makasalanan,
sige,
eto na lang,
totoo naman,
kaya sapat na,"
At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan,
Magtrabaho ka nang mabuti,
At kapag naramdaman mo ang dugo na tumutulo mula sa iyong ulo hanggang paa,
Ipunin mo ito sa isang timba,
At ibuhos mo doon sa nayong nagbabaga
At kapag wala ka nang malanghap kundi ang usok at ang masangsang na amoy,
Hanapin mo ito sapagkat ito raw ang amoy ng mga patay na pangarap at sigaw ng mga bata,
Na sabi nila, ikaw raw ang may sala,
Ikaw ang may sala,
taong makasalanan,
Taong makasalanan,
“Mahal Kita,
Tutulungan Kita,
Pangako,
Patawad,
Paalam,”
---
Dagdag na utos sa paaralan:
Huwag kang maniniwala sa mga salitang inuulit- ulit pa,
Sa mga salita ng sumasamba sa kasinungalingan,
Dahil sa oras na mabuhay ang mga patay,
Hindi ikaw ang una nilang papapasukin sa pinto...
---
Ang pagpapalit ng administrasyon ng paaralan:
Iguhit ninyo sa inyong mga palad ang inyong mga hangad at pangarap,
Gamitin ang dugo na lalabas sa tenga at mga mata,
Gamiting pang pinta ang kada hibla ng iyong patay na buhok,
At kapag ubos na ang likido mo sa iyong buong katawan,
Ngumiti,
Tumingala,
Buksan ang pinto,
Kasabay ang pag sabi ng mga katagang:
“Ang makabagong paaralan ng mga nawawala’t hinahanap”
Mar 14, 2022
Mar 14, 2022 at 11:07 PM UTC
"KALIMUTAN MO NA ANG NAKARAAN MO! LALO MO LAMANG SINASAKTAN ANG SARILI MO-- ANG PUSO MO!" sigaw nang sigaw ang utak sa mga katagang iyon sa kaniyang puso.
"May pag-asa pa! Umaasa pa rin ako. Aasa pa rin ako kahit matagal. Paki-usap, bigyan mo ako ng pagkakataon. Nararamdaman kong darating sila," litong-lito naman ang puso at pilit na nagmamakaawa sa utak na bigyan pa siya ng pagkakataon.
"Hindi ka ba nakakaintindi? Iniwanan ka na nila. Hindi ka na nila mahal. Wala ka ng puwang sa mga puso nila. Hanggang kailan ka dapat umasa ha?" galit na galit na ang utak sa puso nang mga sandaling iyon. Nag-aalab na at kaunti na lamang ay magiging makasalanan na siya.
"AKALA MO LANG IYON! HINDI IKAW ANG NAKAKARAMDAM KUNG HINDI AKO! AKO ANG MAS NAHIHIRAPAN!"
"AKALA MO LANG IYON! AKO RIN NAHIHIRAPAN NA AT DUMUDUGO NA ANG UTAK KO SA IYO! HINDI KA BA TITIGIL?"
"HINDI!"
"P'WES! Gagawin ko na ang nararapat upang manahimik ka!"
At hindi na napigilan ng utak ang kaniyang paninibugho. Inutusan niya ang mga paa na magtungko sa kusina. Ipinakuha niya sa kamay ang isang kulay puting bote na may nakasulat na muriatic acid. Kusang bumukas ang bunganga at ipinainom ng kamay ang lahat ng laman sa bote hanggang sa dumaloy na ito sa buong katawan.
Habol-habol ang paghinga, pinilit pa ring lumaban ng puso upang mabuhay ngunit, huli na. Huli na dahil nangisay na ang katawan, naging kulay ube na rin ito at tuluyang namaalam pareho ang utak at ang puso nang mga oras na iyon.
Feb 11, 2018
Feb 11, 2018 at 4:24 PM UTC
Paabot naman ako ng hawak **** yosi
Kahit makihits na lang dyan sa hinihithit mo
Hindi dahil magkapareho tayo ng bisyo
Gusto ko lang masubukan bumuga ng usok,
kasama ang mga salitang hindi kayang banggitin
Papasa naman ako ng tinatagay **** alak
Kahit isang shot na lang dyan sa iniinom mo
Hindi dahil magkapareho tayo ng bisyo
Gusto ko lang malaman kung paano sumuka,
kasama ang takot na matagal ng sinisikmura
Pahingi naman ako ng isang halik galing sayo
Kahit padampi lang sa mga labi mo
Gusto ko lang kasi maramdaman kung paano mahalikan ng isang labing makasalanan,
Mga labing kahit kailang ay di ko narinig
magpahayag ng tunay na nararamdaman
May 19, 2017
May 19, 2017 at 12:01 AM UTC
Paikot-ikot
Ang sayaw sa damuhan
Ng mga paang walang patutunguhan
Paulit-ulit
Ang pagbigkas sa musika
Ng tinig na sintonadong plaka
Patay-sindi-ay!
ang kalituhan sa katauhan
Ng tibukin ng taong makasalanan
May 29, 2015
May 29, 2015 at 9:27 AM UTC
Sino dito ang naniniwala sa pag-ibig?
Sino dito ang hindi na naniniwala sa pag-ibig?
Sino naman dito ang hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng pag-ibig?
Sino naman dito ang may alam ngunit hindi pa handa para sa pag-ibig?; alamin na natin
Hindi ito matatawag na pag-ibig kung ika'y inilalagay,
Sa pagsuway.
Hindi ito ang tamang pagmamahalan
'Pagkat ito ay makasariling desisyon at makasalanan.
Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang sa umpisa matamis
Ang tunay na pag-ibig ay nakapagtitiis
Ang tunay na pag-ibig ay nagsasakripisyo
Ang tunay na pag-ibig ay tumutupad ng pangako.
Ngayon kaibigan
Maaari mo na bang sagutan
Ang aking katanungan
Ang talata sa unahan
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 10:07 AM UTC
Isang gabing makasalanan
Ang ating pinagsaluhan
At ang ating mga katawan
Ay nagmistulang isang palaruan
Akala mo tayong dalawa'y nasa isang inuman
At ang iyong katawan ang aking pulutan
Sa ilalim ng mga bituin at buwan
Tayo'y parang naging magkasintahan
At ang mga maiinit nating haplos ay nagbibigay sa'tin ng kaligayahan
Habang ang mga pawisan nating katawan
Ay ating ginamit upang ang init na ating nararamdaman ay maibsan
Ang uhaw sa romansa na aking nararanasan iyong pinunan
Mistula tayong halamang tuyo sapagkat kulang sa dilig
Alam kong walang tayo at sa atin ay wala ang salitang "pag-ibig"
Pero sa sarap na ating nararanasan ay tila walang makakadaig
Alam kong hindi lang tayo ang tao sa daigdig
Kung kaya ang iyong bawat ungol at halinghing
Ay tila isang musika na may magandang himig
At ngayon na malapit nang magtapos itong ating gabi
Kasabay rin nito ang isang pahiwatig na hindi ko na mahahalikan ang iyong labi
Hindi ko na rin mapapadaan ang aking kamay sa iyong makinis at maputing binti
Sapagkat ito'y isang paghuhudyat na ika'y malapit nang umalis sa aking tabi
At tila isa na rin itong pamamaalam sapagkat tayong dalawa’y hindi na magkikita pang muli
Apr 24, 2018
Apr 24, 2018 at 9:42 AM UTC
Inihahalintulad nila ang katawan ng tao
Sa templo
Sagrado
Dapat ingatan
Sang-ayon ako
Hindi ba iyon ang dahilan
Kung bakit ika’y niluluhuran
Sinasamba
Kung makasalanan man ang gawin ito
Kusa ko nang iaalay
Ipagpapaubaya
Ang kaluluwa
Sa kaibuturan ng impyerno
May 11, 2020
May 11, 2020 at 8:22 AM UTC
Ba't ganon pag pinili **** maging masaya.
Sasabihin nila na parang lahat ay iyong binalewala.
Pero pag pinili mo maging malungkot sasabihin naman nila paawa ka.
Kasi sa mundong ito pag mali ka bawal mo nang itama.
Kelangan mo nalang mabuhay at huminga pasanpasan ang
ang mga kasalanan na hindi pwedeng bitawan.
Habang naglalakad sa daan na walang kataposan.
Na kahit na ang kamatayan ang mag husga
ang iyong kasalan parin kanilang maalala.
Kahit isubuo mo ang pagbabago at kabutihan
hinding hindi magiging matamis ang lasa ng mapait na katotoohanan.
Isa kang makasalanan.
Aug 16, 2020
Aug 16, 2020 at 7:49 AM UTC