"makailang" poems
Hindi ko alam kung mababasa mo ito.
Pero kailangan kong sabihin ang tibok ng puso ko.
Wala rin namang mapapala dahil wala na ring pag-asa
Kaya kung sasabihin ko ito, sa akin ba'y may mawawala pa?
Kagagaling ko lang sa isang bagyo
Pero nakagugulat na hindi ako sinipon, kahit basang-basa ako.
Nagsumikap magbihis, para makapasyal uli
nang makita ko ang matamis **** mga ngiti.
Hindi na ako nagpigil, wala nang mawawala sa akin
Kailangan kitang makilala, kailangan kong magpapansin.
Pangalan mo lang ang mayroon ako, pero nahanap agad kita
Akalain **** nasa iisang gusali lang pala tayong dalawa?
Hindi ako gwapo at hindi rin malakas ang loob ko
Nakakaawang kombinasyon sa mga panahong ito
Mas gugustuhin ko pang magpasensya at maghintay
Pero paano lalapit sa pagkapangit na manok ang pagkagandang palay?
Inalis ko na sa utak ko ang pag-aalinlangan
Alam mo na ito, dahil may bulaklak ka na kinaumagahan.
Ayoko nang secret admirer, dahil hindi na tayo bata.
Pinaalam ko kung sino ako, para makipagkilala.
Sinulatan kita, makailang ulit
Para alam mo na ako yung nangungulit.
Kaso hindi ko alam kung bakit
Ni isang sagot, wala kang binalik.
Hindi ko na kaya maghintay pa ng matagal
Kailangan ko itanong, kailangan ko malaman.
Hindi ako magwawala kung hindi ka interesado
pero sana sumagot ka, para hindi na ako manggulo.
Ilang sandali pa, tumunog na ang telepono ko
Lumukso ang aking puso ng makita ko ang pangalan mo!
"Salamat sa bulaklak, pero mali ang pagkakaintindi mo
"hindi ako naghahanap ng lalaking iibigin ko
"Pagkat may iniibig na itong aking puso
"Pasensya ka na, patawarin mo na ako".
Matagal akong natulala sa aking nabasa
Biglang lumiit ang mundo ko, hindi na ako makahinga.
Naglakas loob akong sumagot at sinabing "naiintindihan ko
"salamat sa pagsagot, at magandang gabi sa iyo".
Gusto ko lang sabihin, sa mga makakabasa nito,
walang ginawang mali ang dalaga sa kwento ko.
Hindi ko man siya nakilala ng lubos ay nakatitiyak ako
Nang inihulog siya ng langit, sobrang swerte nang nakasalo.
Hindi ko gugustuhing agawin ka.
Kasi kung maaagaw man kita, maaagaw ka rin ng iba.
Kung mabasa mo man ito, okay lang bang hilingin ko
kapag niloko ka nya, pwede bang sabihan mo agad ako?
Jan 27, 2016
Jan 27, 2016 at 1:58 AM UTC
Hindi ang daan-daang kilometrong
lansangan at sanlaksang siklo ng oras
ang ating pagitan.
Hindi ang takot mula sa
pagkabihag ng mga uban
at oras, o ang pangarap na alapaap
ang ating pagitan.
Makailang ulit man tayong
igupo ng hapo at pagal
sa paglalakbay natin
patungo sa puso at pusod ng
ating mga kaluluwa,
wala tayong pagitan,
maliban sa pag-ibig natin sa isa't-isa.
Sep 17, 2013
Sep 17, 2013 at 1:27 PM UTC
Makailang ulit kong
Tinahak ang lansangang ito
Patungo sa layo at lapit
Ng ating pag-ibig.
Sa himig at pintig,
Puso't isip nati'y
Kapwa nananalig. Dinadaig
Ang siklo ng pagpaparoo't parito
Ng mga gulong na
Libong ulit man akong
Tangayin palayo at palapit sa'yo,
Ang lansangang ito ay
Mananatiling lantay na lansangan
Sapagkat ikaw ang daan.
Sep 17, 2013
Sep 17, 2013 at 1:11 PM UTC
Di ko mawari kung bakit mas masakit
Ang mga katagang "mataba kana"
Pag sa bibig mo galing ay mapait
Gusto ko lang sana'y madama
Na sayo ako'y may halaga
Ngunit imbes na matatamis na salita aking madinig
Ang pagtaba ko lang iyong bukambibig
Kung sa ibang tao ay kayang palampasin
Pero pag ikaw ang nagbitiw,
Kaya akong inisin
Oo, maari
Sa timbang akoy nadagdagan
Aba'y sa quarantine nga naman
Oras di mo na malaman
Minsan di mo na nga namamalayan,
Dalawang beses kana palang nag hapunan.
Pero kasalanan ba talagang maituturing
Ang makailang beses kong pagkain?
Eh sa may kaya kaming ihain
Afford po namin
Ang ilang beses na mag saing
Mas pinipili ko kasi magluto
Kasi la pa ako lakas ng loob mag TikTok
Lalo pa ngayon nasabihang mataba
Aba aba
Hampasin ko yang pangit **** baba
Pero joke lang kasi mahal kita, kahit na bash moko miss pa rin kita
Kaya hayaan mo ako magtampo ng konti
Bukas baka humpa na ang inis
Kasi di kita matiis
Ikaw ay aking miss
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 2:17 PM UTC
Sa mga panahong naaalala
Kita, muling nagpupunla ng
Sarikulay ang panganorin
Sa kaparangan ng lambong
Ng gabi.
Sanggol mo akong dinuduyan
Sa piling ng gunita't pagsintang
Mababakas sa balintataw
Ng panahon.
Bumabakas din sa buhanging
Makailang ulit mang igupo
Ng alon, ng pagkakataon
Eternal ngang nakaguhit
Ang iyong pag-iral sa hiwaga
Ng puso, isang bagong pagsuyo;
Sa mga panahong naalala kita...
Aug 12, 2014
Aug 12, 2014 at 5:06 AM UTC
Pahinga ka muna
Mukhang pagod kana
Ilang milya na ba nalakad
Bago ka tuluyang dito mapadpad
Hindi mo kailangan parating mag-madali
Tipong bawat araw na lamang ay nag-aatubili
Sapagkat hindi ganiyan ang turo ng buhay
Ika'y parati nasa unahan sa karamihan nakahiwalay
Kung minsan dapat mo ring maranasan sa hulihan
Nang malaman mo ang tunay na kahulugan
Nang kasiyahan matapos ang tagumpay
Kahit sugat-sugat ang katawan at ang paa'y pilay
Pahinga ka muna
Mukhang pagod kana
Sa karera ng buhay
Na 'di mo dapat itunuring na ganoong bagay
Ayos lang mag-kamali
Makailang beses mang maulit muli
Dahil kung minsan kailangan mo matuto
Mula sa pagkakamali na kung saan ka nalito
Huminto ka ng sandali
H'wag kang mag-madali
Pakinggan ang pusong sumasambit
Hindi mo kailangan lahat ng bagay ipilit
Tandaan mo walang tunay na katagumpayan
Sa isang tao na napipilitan
Kaya ikaw na ay tuluyang huminto
Nang dahil 'di talaga 'yan ang gusto
Dec 26, 2020
Dec 26, 2020 at 7:20 AM UTC
Bawat huling yakap mo'y katumbas ng sampal,
mga huling halik ng labi mo'y tila latigo ang lapat
'Di alintana ang tawanan nila't pangungutya;
Walang higit na sasakit pa
kaysa pagtalikod mo't palayong paglakad.
Bawat hakbang mo'y nadarama ang pagbigat nitong puso,
mga yapak **** dahilan ng makailang dapa at pagkahulog.
'Di na pinapakinggan mga sigaw nila't
'di mapunasan kanilang mga dura;
Walang higit na nakakahiya pa
kaysa pagtanggi mo sa akin sa harap nila.
Bawat kasinungalingan mo'y
pako sa aking kamay,
mga kasakiman mo'y
pako sa paa naman.
'Di na alintana ang hapdi at uhaw,
'di na hihintayin pa aking huling hininga.
Walang higit na kamatayan
kaysa paglayo mo't paglisan.
Mar 29, 2024
Mar 29, 2024 at 7:58 AM UTC
Sa pag-iwan ng araw sa alapaap,
Magiging asul ang pinamumugaran ng mga ulap,
Uusbong ang buwan na matingkad.
Sundalo ng alitaptap mag-sisilabasan,
Gayon 'din mga bituwin na walang kabilangan.
Subalit sa patuloy na pag-lalim ng gabi,
Mga ala-ala'y sa isip humahabi,
Nais n'ya muling tanawin ko ang kahapong tapat,
Eksaktong oras ng ika'y nakasama sa tabing dagat.
Ipinapaala n'ya mga saglit ng segundong sapat,
Hindi ba't napakaganda niya titigan,
Walang dahilan upang sawaing masdan,
Makailang palit man ang panahon,
Sigurado mula sa nag-daang hapon,
Patungo sa kasulukuyang linalakaran,
Hanggang sa aapakan na kinabukasan,
S'yang kariktan n'ya'y walang kapantayan,
Kahit buwan na s'yang naturingan ng karamihan,
Na pinakamaganda sa kalawakan.
Ika nga sabi ng karamihan,
Kapag sinisinta'y s'yang kasamahan,
Gaano man kaganda pasyalan,
Ito ma'y paboritong puntahan,
Hindi na ito ang iyong titigan,
Kundi doon na sa babaing balak mo pakasalan.
Jan 4, 2021
Jan 4, 2021 at 1:36 AM UTC
Mahilig ka sa mga bulaklak
lalo na 'yong may mga matitingkad na kulay.
Hilig mo sila
dahil kaya ka nilang pakinggan.
Walang bahid ng panghuhusga.
Naiintindihan nila ang mga kuwento
na bihira **** ibahagi sa iba.
Ilang beses na nilang nasilayan
ang mga pag-ibig,
ang mga sakít,
ang kung paano ka mag-ipon ng tapang,
ang kung paano ka maduwag.
Matalik mo siláng mga kaibigan.
Mahilig ka sa mga bulaklak
at parati kang umaasa na dadalhan ka niya ng mga ito.
Hindi ka nabigo.
Hindi ka nabibigo.
Gaya ng mga paborito **** rosas, tulips, at mariposa,
nagagawa niyang ika'y intindihin.
Makailang ulit niya na ring nakita kang
umiyak,
tumawa,
matakot,
at magmahal.
Gaya ng mga paborito **** santan, sampaguita't gumamela,
pamilyar na siya sa iyong mga damdamin.
Sa madaling salita,
mahilig ka sa mga bulaklak.
Pero hindi yaong mga gáling sa akin.
Jun 2, 2021
Jun 2, 2021 at 11:21 PM UTC
Puno ng ngiti,
Puno ng sigla,
Itong mga labi,
Na muling sumaya.
Sa bawat pag-uusap,
Di maipagkakaila ang sabik,
Tinig mo ang hinahanap,
Na sa mga tainga ko'y humalik.
Lumbay ay lumalala,
Dahil walang magawa,
Ngunit dahil sa'yo,
Nabubuo araw ko.
Sana ganito nalang araw-araw,
Ilang beses man lumubog ang araw,
Kahit ang buwan makailang ulit lumitaw,
Gusto kong saya muna ang mangibabaw.
Subalit di ko naman hawak ang lahat,
Kaya dito ako't nagpupuyat,
Isisiwalat ang mga gusto,
Na sana parating ganito.
May 29, 2017
May 29, 2017 at 8:51 PM UTC