Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Makailang ulit kong Tinahak ang lansangang ito Patungo sa layo at lapit Ng ating pag-ibig. Sa himig at pintig, Puso't isip nati'y Kapwa nananalig. Dinadaig Ang siklo ng pagpaparoo't parito Ng mga gulong na Libong ulit man akong Tangayin palayo at palapit sa'yo, Ang lansangang ito ay Mananatiling lantay na lansangan Sapagkat ikaw ang daan.
0
Sep 17, 2013
Sep 17, 2013 at 1:11 PM UTC
SLEX

For Jinky Tubalinal. SLEX is an acronym for South Luzon Express Way, a superhighway that connects the imperial Manila to the southern provinces of Luzon. Quezon City, Philippines April 2013
jose-remillan
Written by
Sep 17, 2013
Sep 17, 2013 at 1:11 PM UTC
Request permission to use this poem