Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maikubli" poems
"hwag kang mag-alala mahal ka parin nun". ito ang sinabi mo sa akin noong nakaraang taon. hindi ko agad naintindihan palibhasa'y tuliro ang isip ko, problemado ako sa bagong trabaho na kinakaharap ko. tapos bigla kong naalala, oo nga pala, anibersaryo nga pala ng kasal natin. Ngumite na lang ako para maikubli ang aking pagkapahiya. hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong mahal mo ako noon pa man hanggang ngayon. hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong lagi kang tapat sa akin. hindi ako kailanman nag-alala pagkat batid ko na hindi mo ako iniwan, lagi kang nandyan sa tabi ko umulan ma't umaraw. hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong matagal mo nang inilaan ang buhay mo't pag-ibig para sa akin. hindi ako kailanman nag-alala sapagkat alam kong sasamahan mo ako hanggang sa ating pagtanda. pero nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko na maraming beses ka nang umiyak dahil sa akin. naiinis ako pagkat hindi ko nagawang samahan ka ng mga panahon na kailangan mo ako. nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko natapatan ang katapatan mo noong kabataan natin. namamanglaw ako sa tuwing nakikita ko na kapos ang mga pagsisikap ko. nalulungkot ako pag naiisip ko na baka mauna ako at hindi kita masamahan sa ating pagtanda. ang nakaraan ay hindi ko na maibabalik, may mga pagkakamaling hindi ko na maitutuwid. pero pwede pa naman tayo makatawid dahil may ngayon at bukas pang maghahatid. malapit na naman ang ating anibersaryo. hwag kang mag-alala pagkat hindi ako mag-aalala. alam ko na mahal mo parin ako kahit konti lang ang iyong napapala sa gagong asawa na tulad ko. kung sapat lang sana ang sulat at tula, kung ang mga tugma at tayutay at mga saknong nito ay magagawa kong lantay na yaman malamang hayahay ang ating buhay. hindi ako si Perpekto at lalong hindi ako si Mr. Right si Jojo lang ako, ganito lang ako kaliit, pero salamat at minahal mo ako.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:48 AM UTC
Untitled

Continue reading...
18
Maraming beses nang ako'y naging alipin ng damdaming masidhi't napakahirap supilin; Mga aliw ng sandaling tila salamisim, mga sugat ng kahapong wari'y basag na salamin. Kahit anong gawi'y hindi siya maikubli, 'pag yumakap sa puso'y parang nakatali; Pumiglas-piglas ka ma'y wala ring magagawa, Pagka't puso'y gapos na sa pag-ibig na dala. Ang taglay na karikta'y sadyang mapang-akit, Ikaw ma'y nakapikit larawan niya'y nakaukit; At mistula iisa ang 'yong mundo't sinisinta, Kaya't bulag sa biyaya 'pag nawala na siya. Oh, linlang na pag-ibig bakit ba mandaraya? Ang mahina kong puso'y hindi na pinalaya; Sa ligaw **** pangako ng pag-ibig na totoo, Kaylan ba matatanto ang wagas na pagsuyo?
0
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 12:33 AM UTC
ALIPIN
Mistulang isang panaginip, Parang tala sa paningin, Sa hangi'y nagpapa-iba ng ihip, Oras ay pinapatulin. Di ko alam kung bakit, Damdami'y di maikubli, Nasabi ng paimpit, Natulala nang ika'y ngumiti. Nagbibigay kulay, Sa mundo kong kay dilim, Kaluluwa ko'y binuhay, Ginawang puti ang itim. Masasabing busilak, Walang halong kasinungalingan, Para bang isang bulaklak, Namukadkad ng kagandahan. Ngunit aking ikinalungkot, Nang naisip ang katotohanan, Mundo'y nabalot ng poot, nang ika'y aking nagustuhan. Dahil kung magiging tayo man, Hindi ko gustong magdala ng kalungkutan, Hindi ko gustong ika'y aking masasaktan, At ngiti mo'y di na ulit masisilayan.
0
May 1, 2017
May 1, 2017 at 1:02 PM UTC
Ngiti
sa panimula tila isang bula hindi dahil sa lumutang at nag-laho mangyari'y kulumpon na bahagi'y hinango mula sa batya ng hula samu't sari nakadaupang-palad hiraya manawari maikubli ang luha bunga ng mga pangakong di natupad sampung letra pababa sa puntong ito naitalaga mga bakas ng nakalipas nakatakdang ipamalas upang ang ngayon maging ang hinaharap yayakapin ng bukas nang may paglingap ano man ang mangyari sa agenda kompromiso ang tanging propaganda [3 of 12 marked voices of a dozen clusters of letters] © copyright 2015 - All Rights Reserved
0
Dec 15, 2015
Dec 15, 2015 at 6:58 AM UTC
C O M P R O M I S E (10L)
Bangkay na hindi maibaon, 'di pagtakhang walang pagkausad ngayon; Kung ang sarili'y hindi maiahon-- sa lungkot na dala ng kahapon. Pait sa likod ng bawat ngiti, 'di pagtakhang lungkot pa ri'y 'di maikubli. Pagsisisi'y inabot na ng pagkamuhi sa sarili'y pinagkait ang kaligayang pinili. Dumadaloy sa kaibuturan ang bawat sakit 'di pagtakhang sarili'y nilalatayan ng paulit-ulit. Iginumon sa pagkapighati't pait ng kahapong ibinabalik ng pilit. Kumawala't sumubok hulihin ang kaligayahang ipinatangay sa hangin.
0
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 3:07 AM UTC
Larawan
Tulungan mo kong makalimot sa pait na iyong idinulot. Tulungan mo kong makabangon sa sakit ng kahapon. Tulungan mo kong turuan ang sarili ko, turuan ang sarili ko na umibig muli ng ibang tao. Tulungan mo kong maging masaya muli dahil lungkot sa mga mata koy hindi na maikubli. Tulungan mo kong kalimutan ka, kalimutan ka ng sa ganon buhay koy lumigaya. Tulungan mo ko at baka sakaling mapatawad ko ang tulad mo.
0
May 22, 2016
May 22, 2016 at 11:05 PM UTC
Tulungan Mo 'Ko
Huli na nga ba ang lahat Kailan mo masasabing hindi sapat Ang bawat piraso ng mga durog na puso Ang bawat patak ng mga pulang dugo Umagos kasabay ng mga luha Sino ang totoong may sala Isinulat sa pahinang gawa sa tubig Ang makatotohanan ngunit huwad na pag-ibig Kailan nga ba naging tama ang mali Kapag ba wala nang makapitan ang pusong puno ng pighati Puno ng galit at pagkamuhi Bakit hinayaang maikubli Sinong nagbigay ng buong tiwala? Silang mga nabigo't nasaktan at umasa sa wala Pilit mang pagtakpan ang mailap na katotohanan Sarili lang ang dapat protektahan Wala nang direksyon ang bawat bukas Na mabuti na ring ito na ang wakas Ang dulo ang simula ng salitang sapat At ang simula ang dulo ng lahat.
0
Jun 8, 2018
Jun 8, 2018 at 8:58 AM UTC
Kailan
Hindi sa ayokong maging masaya Hindi sa ayokong makaahon sa lusak na iba ang nagdala Guni guni, pilit pinaniniwala ang sarili yan ang akala nila. May mabuti kang pamilya, ilang daang tropa magandang suporta Sabi ng lipunan, madali lang sumaya, gumalaw ka, sumayaw ka, sumulat ka ng kanta. Hindi nila wari lahat yan ay akin ng ginawa Depresyon ay hindi kathang isip. Minsan parang langgam kukurot sa iyong isipan, madalas sya ay halimaw, lalamunin ka sa madilim **** mga araw. paano paano yan ang tanong nila. mukha ka namang masaya, halakhak ang dala sa tuwing kasama ka nila. ngunit di nila alam, sa likod ng mga biro, ay lungkot ang pinagmulan sa likod ng mga tawa, ay mga sigaw "ang sakit sakit na!" sa likod ng mga talon at palakpak ay mga iyak na di maikubli ng aking kasaralinlan kung pwede lang kung maari lang araw araw hiling ko lang ay makaahon sa kalungkutan kung tatanungin ako ulit, wala kong kasagutan. Hindi sa ayoko ng kasagutan, hindi sa ayoko lunasan. Hindi ko lang talaga maahon ang sarili sa bangungot na patuloy sumisira ng aking laban. Wag nio ko husgahan, sinubukan ko, binigay ko ang kaya ko pero kapag nakikita ko na ang panalo bigla na lang ulit itong lalayo ngaunit hanggang andito ako, hanggat nakikipaglaban ako alam ko sa sarili ko may pag asa pa ako. at ikaw rin! alam kong malalim ang pinanggalingan alam kong ilang beses mo ding sinubukan alam kong palagay mo kamatayan na lang ang huling alas mo MALI Hindi ito ang magpapatumba sayo. Hindi ang halimaw na ito ang tatapos ng laban mo. Sa bawat pagdapa, sa bawat gasgas sa bawat pagsubok ng isa pa lahat yun napagtagumpayan mo na. kung hanggang kelan hindi ko alam ang mahalaga sa bawat araw na binibgyan ka ng pag asa andun ka buhay ka lumalaban ka. Walang tiyak ang bukas pero wag lang mag alala HINDI KA NAG IISA
0
Feb 16, 2021
Feb 16, 2021 at 4:58 PM UTC
HINDI KA NAG IISA

58
walang tigil na naman sa pagluha ang langit. hampas ng hangin ay tila galit na matagal nang itinimpi, at ang mga paghikbi nitong ihip ay hindi maikubli. at gaya ng mga nagdaang araw, itong sandali ay wala rin namang pinagkaiba; pasan-pasan ang mga bigatin at lumbay ay kapiling hanggang sa makaidlip. kailan kaya magigising na hindi na hapô mula sa pagtakas sa masamang panaginip?
0
Sep 18, 2024
Sep 18, 2024 at 6:53 AM UTC
bangungot
Ikaw ang karamay, Ang aking kaagapay. Sayong mga yapos at hawak, Di maikubli ang galak. Ngunit hanggang saan nga ba aabot, ang pilit nating sinusugod. Paglalakbay nating walang direksyon, Malayo pa ba o nakarating na sa destinasyon.
0
Sep 24, 2019
Sep 24, 2019 at 11:35 PM UTC
Bus Stop
Mananatili akong sa’yo hanggang dulo Kung hindi man maging tayo, Hanggang sa huli Kahit ang Panginoon, ang mga tala at buwan sa kalangitan ang saksi; At hindi ko kailanman maikubli Kung ano ang nararamdaman ko para sa’yo. Mananatili akong sa’yo, sa mga oras na kailangan mo ako Sa mga araw na wala kang masasandalan Ako ang kanlungan mo Ang iyong maaasahan Mananatili sa iyong tabi Kahit sa mga gabing hindi ka mapakali, Sa’yo lang ako naging sigurado Sa’yo lang ako naging kuntento, Mananatiling sa’yo Sa’yo hanggang dulo; Pero hindi payapa ang aking mundo kung wala ka Mahal, ikaw ang aking pahinga, ang aking payapa, Sa mga panahong ako ay pagod at gustong mapag-isa Sa iyong piling, ikaw ang aking tahanan Ikaw ang aking magpakailanman Ang aking tahanan Ang aking masasandalan Ikaw at ako’y nasa kanluran Ang iyong mga kamay ang aking gustong hawakan Ang iyong tinig ang aking gustong marinig Ikaw ang aking kasiyahan sa mga araw na ako ay nalulumbay; At ikaw lamang ang aking mamahalin habangbuhay. Hindi kita papalitan Hindi kita bibitiwan, Hindi kita susukuan Mananatili akong sa’yo, Hindi kita iiwan Dahil ikaw ang aking ligaya, Ikaw lamang ang nag-iisa Mananatili akong sa’yo. Huwag kang mag-alala Hindi ako mawawala; Sasamahan kita kahit saan man tayo mapunta Basta’t ikaw ang aking kasama. Ikaw ang natatangi Ang kailanman na hindi ko kayang itanggi, Ikaw at ako’y isinulat sa mga bituin sa kalangitan At dahil sa ating wagas na pagmamahalan; Hindi kita ikakahiya Ipagsisigawan sa buong mundo Kung gaano kita kamahal sinta At dahil ang puso ko’y sa’yo.
0
Aug 28, 2023
Aug 28, 2023 at 10:11 PM UTC
Mananatiling Sa’yo (Part II) (11-02-21)

48