Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mahiyain" poems
Ang hele sa duyan Awit ng magulang na nakapagpagaan sa hangin sa tuwing nauulinigan Ang mga punongkahoy doon sa palayan Na nagwawagayway sa mga dumadaan May matimyas na kuwento noong sila pa'y mga munting halaman Paru paro  na sa hardin na dumadapo sa bulaklak sila rin ay may pinagmulan -galing sa alamat Ang magandang tanawin Baryo pa dati kung pangalanan Magandang buhay ang binabati Ng damo't kawayan Ang paggising ng araw mula sa Silangan Nagbibigay pag-asa ang matingkad niyang liwanag At noong dati Nang minsa'y nagmahal mahiyain sa kaibigan ayaw sabihin sa kaklase Hanggang ngayon bibig ay parang itinahi Bakit nahalina sa pag-ibig Kung malaya lang ang umibig Di na sana pinili
0
Jul 19, 2019
Jul 19, 2019 at 3:45 AM UTC
Kung Malaya ang Umibig
Hindi panggagayuma Lubos ang kagustuhan kaya ang aguha ay itutusok sa mannekin At si kupido ay sumibangot Mapapamahal o mamaalam Itugon kahit alinman Pakinggan ang katwiran kung bakit di kaagad nagtapat May kaparasuhan man ay hayaan na lang Sapagkat parang binidbid ang buong katawan sa pag-uusig ng mismong salang pang pag-ibig Sapagkat kapatid ng pipi, di nagsasalita Ayaw sabihin sa minumutya May kaba sa dibdib Nag-aalangan nang labis Likas na mahiyain Gaya ng linta na sumusupsop ng sigla hanggang sa naghinagpis Matinding kirot ang dahilan ng pagnguyngoy na abot-langit Kumukurap ang ilaw sa paligid Natagpuan na nabuwang na umaaligid Sa yungib nagtago ang takas sa pag-ibig Mga bitak sa bato ay inihahambing Ang bahagi ng buhay kung saan naglaho ang mga bituin
0
Dec 29, 2018
Dec 29, 2018 at 5:15 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #36
Bakit ikaw? I like the way that you smile. I like the way that you laugh. I like the way that you talk. I like the way that you walk. I dont just like the idea of you, I love the idea of you. I just like the way that you are. Last week, nung magkatabi yung phone namin sa HQ. May nagsabi sakin na, "relationship goals" DAW yung phone namin, kasi daw yung kanya, Duos tapos, saakin Ace. Magkasunod daw na ni-release ng Samsung, kumbaga sa Apple parang iPhone 5s yung kanya, saakin iPhone 4s. Haaaays daming alam :p Pano ba yan? Pang ilang araw at gabi ko na to, ikaw padin tumatakbo sa isip ko. I REALLY FEEL SO WEIRD. Pag dumating din yung araw na pinaka aantay ko, hindi na kita pag aantayin. Wala akong pake kung sabihin nilang napaka bilis, i would really say, YES. Because, I can feel it. That there's something about you, wala naman yun sa kung gaano ka katagal manligaw eh diba? Eto yung kung hanggang saan kayo aabot at gaano ka tagal. Sige na, sasanayin ko nalang yung sarili ko. Ako nalang ulit mag aadjust. Sasanayin ko nalang yung sarili ko, na di ka kausap ng pangmatagalan. Pero, sana kumakain ka sa tamang oras at di ka nagpupuyat. Baka magkasakit ka sa pinaggagagawa mo nyan, di ko pa naman kakayanin pag di kita nakikita ng ilang araw. Kita mo naman every weekends, nag bbreakdown ako at laging puro emotional outburst kung hindi sa twitter, dito. Kasi sobrang miss na miss na talaga kita. Gusto kong mabasa mo to, pero wag muna ngayon. Nahihiya pa ko sayo. Alam mo minsan naiinis nga ko sa sarili ko eh kasi, mahiyain ka, tapos nahihiya ako.. Saan hahantong to? Ayoko ding dumadating tayo dun sa part na wala na tayong topic, kasi ayokong nabobored ka. Gusto ko pa naman na lagi kang nakangiti kahit malayo tayo sa isat isa at di tayo magkasama. Goodnight, Jon Ray. I love you.
0
Sep 26, 2015
Sep 26, 2015 at 1:25 PM UTC
12:47 AM

Continue reading...
16
Napuno ng tsokolate ang kanilang mga pisnging walang pakiramdam, At ang awit sa tabing estero’y maingay pa sa pag-iri ng mga metal na may susi. Unti-unti na rin silang naglabasan Na tila mga gagambang handa nang pagpiyestahan Ang mga bihag sa kahon ng posporo. Narinig ko ang malulutong na mga papel Na sabay-sabay ang pagpaubaya sa hanging umiihip ngunit mahiyain. Ang mga palad na kanina’y nakatikom sa mga tela’y Agarang nagsilikas at humalik sa mga lukot-lukot na papel. Narinig ko rin ang mga latang may mukha Buhat sa kani-kanilang sisidlan na kanina’y may makukunat na goma. Ngayo’y isa-isa silang ipinatumba Na para bang sa mga napapanood kong pelikula ni FPJ. Hindi ko matantya kung ano ba ang ibig sabihin Ng kakaibang sining sa mga mata nilang tila ba santelmo. Maghuhulaan ba kami sa kanilang mga bolang kristal O huhubarin na rin nang paisa-isa Ang mga alagad nito’t maibubunyag ang aking pamato.
0
Jun 13, 2021
Jun 13, 2021 at 2:15 PM UTC
Pamato(l)
Nagsisimula nang humakbang ang aking mga paa, Ilang sandali na lamang ay masasaksihan ko na, Na mararamdaman ko na ang pakiramdam na tayong dalawa ay magiging isa, At habambuhay na itatatak sa puso na tayong dalawa ay magkasama. Sa suot kong kulay puting kasuotan ako ay nakangiti, Habang dahan-dahang naglalakad patungo sa iyong tabi. Hindi ko mapigilang mga luha ay umagos mula sa aking pisngi, Ito na nga ang pinakakahihintay kong pinakamasayang sandali. Parang kailan lang nang una kitang masilayan, Dito sa dalampasigan ay mag-isa kang nag-aabang habang ang mga mata ay nasa karagatan. Naka-upo sa buhanginan at pinagmamasdan ang kalangitan, Malalim ang iniisip at hindi ko maarok ang kailalaliman. Nang ika'y lapitan, sa mga mata mo'y pansin ko ang kalungkutan, Ako ay natigilan pagka't hindi ko alam kong nararapat bang tuklasin ang iyong pagkakakilanlan, O hahayaan na lamang kitang pagmasdan o basta na lamang kitang iwanan. Ngunit nang ika'y magsalita, nangyari ang kabaligtaran at doon nagsimula ang ating mahahabang kuwentuhan. Sinong mag-aakalang sa isang tulad ko ikaw ay pakakasal? Konserbatibo at mahiyain na ang tanging alam ay mula sa kabihasnan? Hindi katulad **** Inglesero, palabiro, at hindi mabilang ang kapintasan? Pero kinalaunan, lumabas din ang natatago **** kabaitan at kasipagan. Ilang hakbang na lamang ang lapit ko sa iyo, Pero humahagulgol ka na, inuunahan mo na naman ako! Magkagayunpaman, mahal ko ang isang tulad mo, Dahil sa iyo, nabuo ang isang tulad **** ikaw at ako!
0
Oct 20, 2018
Oct 20, 2018 at 10:06 PM UTC
Ikaw at Ako

24
Oo torpe ako kasi hindi ako kagwapuhan at hindi rin ako mayaman Hindi rin ako yung tipo **** lalake Ako yung taong simple lang, konti lang ang kaibigan, hindi famous Nahihiya akong lumapit, nahihiya kasi ako sa mga kaibigan mo Kasi sa sobra **** ganda tapos ako hindi naman kagwapuhan pero hindi naman sobrang panget Sakto lang pero sobra sobra ako magmahal pero nakukuha pa rin akong saktan Kasi ako yung tipo ng tao na once na mag kagusto gagawa at gagawa ako ng paraan upang mapa sa akin Kahit na mahiyain gagawa at gagawa ako ng paraan para mapansin mo Kasi kaming mga torpe sa pang aasar kami dumidiskarte Kahit minsan napaka mais ng jokes namin pero nakukuha pa rin namin kayong pangitiin Pero once na maging tayo Hindi hindi kita papakawalan hindi agad agad kita isusuko Kahit anong mangyari hindi tayo masisira Na kahit anong pagsubok ang dumaan hindi tayo bibigay Alam mo naman na mahal na mahal kita Iiwan ko ang pagkamahiyain ko para sayo Kami yung minsan ka lang kiligin Mahilig sa biglaan Sa mga suprise Yung basta basta ka na lang kikiligin Kami yung laging dahilan ng ngiti niyo kapag kausap niyo kami Hanggang sa matapos ang relasyon natin Hindi kita hahayaang umiyak
0
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 10:44 AM UTC
Torpe