Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magsasama" poems
Kasabay ng ulan, bumubuhos ang ganda Buwan at araw ang ating saksi Ikaw ang dulo, gitna at panimula Sa maamong mukha at maaliwalas na umaga Walang katulad boses **** humuhuni sa tuwa Bakas man ang pagod sa mga mata Nangingibabaw ang ganda at kapayapaan Sa mga dahon na sumasayaw; Sumasabay din ang bawat galaw Nais kapang makilala Gaya ng kalikasan Unti-unting matutuklasan Pag-ibig na gustong maasam Dagat na walang katapusan Sa init man o lamig Ikaw lang ang sasamahan Walang hirap basta’t magkakasama Anumang daan nais kong malagpasan Sa’yo ang direkyson, saan man patungo Gusto kong manatili Sulitin ang lahat Bago ang araw ay sumapit Gaya ng kalikasan Nandoon ang nais makita Magsasama hanggang langit Kay gandang pagmasdan Mga puno’t halaman Hindi ko alam kung hanggang kalian Wala sanang unos o kalamidad Gaya mo ay kalikasan Nais protektahan Nais alagaan
0
May 23, 2018
May 23, 2018 at 8:50 AM UTC
Ikaw at ang kalikasan
i. Init ng araw sa iyo'y nakatapat Init ng pakiramdam'y akala mo Sa araw na ito nanggagaling Ito pala'y sa awiting pinapakinggan Kabagabagabag. ii. Lumamig na kape Ng dahil sa erkon Lumamig na damdamin Nag iba na ang hangin iii. Pagsasayang ng oras Akala ay magsasama na Tayong ligaw ngunit Parehas ang daan Ngunit maghihiwalay rin sa huli Kinabukasa'y maghihintay muli iv. Salamat sa halos anim na buwan Masyado akong nasaktan Sa mga nasambit **** mga salita Ng iyong bibig Na hindi nagsisinungaling. v. Isang gabing puno ng musika Isang gabi ng hiyawan Kantahan At hiyawan ulit Palakpakan Kantahan Di makakalimutan Ang sandali Sa uulitin vi. Mga malulungkot na kanta Nakapagpapaligaya sa aking tenga Malulungkot na kanta Masasayang nota Pinagsama Akala mo parang tanga Hindi, hindi. vii. Kung gustong magpatuloy Burahin ang nararamdaman Kung gustong mabuhay Burahin siya sa iyong isipan
0
Oct 7, 2015
Oct 7, 2015 at 5:33 AM UTC
Mula Lunes Hanggang Linggo
Hindi ito isang tunay na kwento, hindi ito galing sa iba, ngunit sa akin lamang, isa itong imahinasyon na naisip ko, isang sitwasyon na inasam ko, isang mundo na magkasama tayo, ngunit kahit anong gawin ko, sa huli ay napaghiwalay tayo, wala akong maisip na pagtatapos na kung saan masaya tayong nagsasama, kung kahit ang simula nating dalawa ay hindi manlamang nag-umpisa. Ako ay isa sa mga bilyong bilyong binatang umiibig, naghahanap, nag aasam, at nangagarap sa isang maliit na chansang sa akin ay may magmahal. Matagal man itong darating ako'y handang maghintay, basta't sa aking pag antay ika'y darating. Ayoko umasa, ayoko masaktan, ayokong umiyak, humagulgol na parang tanga sa loob ng kwarto ko. pero susugal ako kahit gusto kong sumaya, ngumiti, tumawa, at nais kang makasama. dahil nangako ka sa akin na tayo'y magsasama, maaring hindi ito mangyari dahil hindi tayo tinadhana, pero pipiliin ko ang masaktan bukas basta makakasama kita ngayon, siguro sa mata ninyo tatanga ako, pero kahit sino mang matalino, sa oras na inalay ng pag-ibig ang kamay niya, tayo ay isang mangmang na hindi na natuto sa paulit-ulit na naranasan natin at ng iba. Kung kaya't makikiusap ako, sa diyos na may kapal, sa mundong umaastang kupal, na sa pag alis mo ika'y huwag nang tumalikod, upang sa buhay natin ang sakit ay ating malimot, kung kaya't nakikiusap ako, sa susunod na may dumating, ako'y iyong ibigin at ika'y aking mamahalin, Huwag mo akong iwan at ika'y aking sasamahan. Kung ito ay magagawa mo pangako ko sa'yo, lahat ito ay gagawin ko.
0
Dec 29, 2015
Dec 29, 2015 at 12:28 PM UTC
Ako

Continue reading...
3
Ilang Huwebes at Linggo na ba ang nagdaan? Ang aking mga bestida na nakalagay sa aparador ay laging pinagmamasdan. Sa oras ng alas singko'y tumutunog na ang aking selpon Magiinat at babangon. Sinisikap kong laging makapunta sa kapilya Doon sa tahanan Mo'y laging nadarama Ang pag-ibig mo at pagyakap sa akin sa tuwina Doon sa tahanan Mo'y naidudulog lahat ng aking nadaramang sakit at problema Hindi na po kami makapaghintay Ama Nais na po naming makabalik sa mahal **** Iglesia Kung saan itinuturo sa amin ang iyong totoo at mahahalagang aral at salita Ngunit alam kong darating ang araw, kami'y muling magsasama samang sa Iyo'y sasamba. Nagkaroon man ng isang pandemya Ngunit hindi nito napigil ang aking pananampalataya Narito pa rin at masigla Tunay na maawain at magpamahal Ka. Kahit sa aming sambahayan ay iginagawad pa rin ang pagsamba Sapagkat hangad naming Ika'y bigyan ng papuri at awitan ng kanta. Ang laging panalangin ay 'wag sana kaming kalilimutan, o Mahal kong Ama Kaming Iyong hinirang na sa Iyo'y lubos na nagtitiwala. Nasasabik na ang puso't kaluluwa ko Ang magpunta sa tahanan Mo Sa madaling araw na pagsamba Bumabangon ng maaga at mapapasabing, "Oras na upang maghanda, hinihintay na ako ng Ama."
0
May 15, 2020
May 15, 2020 at 12:30 PM UTC
Sa Tahanan Mo
Puti, para sa malinis na intensyon. Ang mukha **** sigaw ay perpeksyon. Ako at ikaw ay hanggang sa imahinasyon, Pero ako ay may limitasyon. Pula, para sa mabungang alaala, Walang humpay na pagsasaya. Hindi matapos tapos na tawa, Pula rin, para sa dugong bubulwak at magsasama-sama. Lilac, para sa iba **** balak. Sakit na paeang kutsilyo ang sumaksak. Ang mga gamit ngayon ay iyong hawak, Puro ka galit at talak. Asul, para sa masalimuot na hangganan. Mga naburang tawanan, Naburang talaan At naburang pangalan. Itim, para sa pusong nagdadadalamhati. Para sa natamong sugat at pighati. Mga nawalang sabi-sabi at bati. Itim, para sa pag-ibig kong nahati.
0
Apr 18, 2017
Apr 18, 2017 at 3:07 AM UTC
Limang kulay ng Pag-ibig
*Ako'y hindi mapapagod sa paglalakbay Kahit pasmado na ang magkahawak nating kamay At kung pagod ka na sakin ay pwedeng sumalabay Magsasama tayo sa panghabangbuhay*
0
Nov 4, 2015
Nov 4, 2015 at 8:00 PM UTC
Habangbuhay
sana pinigilan ko ang sarili ko nang tuluyang mahulog sa'yo upang hindi na maulit ang ginawa kong pagpilit sa aking sarili sana pinigilan ko ngunit, sana hindi nalang kita tinigilan pero kailangan kitang iwanan kasi hindi lamang ako yung nasasaktan pati ang damdamin kong pilit kong pakawalan sana hindi kita tinigilan sana nakikita ko ay iyong reaksyon sa likod ng mga hadlang tuwing tayo'y nagkakaroon ng interaksyon kahit sa chat lamang sana nakikita kita pero bakit kung kailan ilang buwan nalang tayo magsasama saka muling kumislap ang aking mga mata tuwing ika'y nakikita hindi ito tama sapagkat nangako ako sa sarili ko na titigilan na kita noon pero noon iyon anong nangyari saakin ngayon bakit biglang ninakaw mo ang aking atensyon mula sa kanya, patungo sa'yo sana matagal ko na itong ginawa hindi kung kailan malapit ka nang mawala sa aking paningin, hindi kung kailan malapit ka nang maglaho sa aking paligid, hindi kung kailan bumalik na ulit ang nararamdaman ko para sa iyo... hindi. sana nagawa ko nang umamin sa'yo noon ngunit hindi ko kaya hindi ko kayang masaktan dahil lamang sa munting damdamin ko na maaaring makasira sa kung anong meron tayo. oo, magkaibigan tayo. alam ko yun. dahil hanggang doon lang tayo. sana, nakita mo kung gaano ka kahalaga sa paningin ko. sana... pero hindi.
0
Jan 29, 2018
Jan 29, 2018 at 6:04 AM UTC
Sana
Ang sabi ng mga madla Madaya ang tadhana Iibig ka na sa maling tao pa. Ngunit tadhana nga ba ang madaya O tayong mga tao lang talaga? Kay damot ng tadhana Ang taong gusto mo'y hindi makuha Bakit iyong iba wala namang ginagawa Samantalang ako'y halos umiyak na ng isang baldeng luha Hindi ka pa rin makuha Hanggang ngayo'y hinahangaan ka pa rin sa malayo Malabo mang mapansin mo Hindi mo man pansin ang presensya ko Narito lamang ako, Ipagdarasal ang kapakanan mo. Sana'y madali lang ipagsigawan Ang aking nararamdaman Ngunit alam kong tututol ang mundo Ilalayo ka sa akin ng mga tao Masasaktan lamang tayong pareho. Ang daya daya ni tadhana Ako ang unang nakahanap sa'yo Ngunit mas pinili **** mapunta sa malayo Nagkamali ako Lahat ng aking mga paratang ay hindi totoo Ikaw ang madaya Inibig kita ngunit sinira mo ako Nilisan mo ako at sumama ka sa malayo Iniwan mo ang kalahati ng puso ko Ang iba'y na sa iyo. Kaya madaya ka! Narito ako't balisa Habang ika'y nagpapakasaya Sa yakap ng iba. Madaya ka! Libo libong alaala Ang naging sandigan ko Upang ika'y bumalik at magmakaawa Magmakaawa na bigyan pa kita Bigyan ng pagkakataon na muli pang magsasama Naghintay ako ng iyong pagparito Ngunit malamig na hangin lamang Ang sumalubong sa akin. Hindi ka na maaaring bumalik pa! Bakit pa ako umaasa? Madaya ka!
0
Dec 15, 2019
Dec 15, 2019 at 7:25 AM UTC
Sino Ang Madaya?
Mahal kita, kahit na klepto ka. Ninakaw mo nga ang puso ko, ngunit ibinalik mo naman. Sa’yo na ‘yan! Sa’yong sa’yo na ‘yan! Ano kaya mararamdaman mo kung may nag-snatch ng phone mo tapos after 3 or 4 months ibinalik ulit? Confused ka syempre. Hindi mo alam kung magiging masaya ka pa dahil ibinalik sa’yo ‘yung dating iniingat-ingatan mo. Siguro, oo? Siguro, hindi? Wala ka nang **** Pero sa pagmamahal, ibang usapan na ‘yun. Masaya ka na dahil sanay ka na sa kung anong meron ka ngayon… na nasa iyo ang puso ko, pero ibinalik mo rin. Ninakaw mo na ang puso ko, sana dinamay mo na pati apelyido ko diba?. Kahit hindi mo na ibalik. Ilang beses na tayong na-</3, pero naayos rin natin ‘yun. Sabi ko nga sa sarili ko, “Sana ‘di na ako nagmahal, para lang 'di na ako masaktan pa. Kaya lang, makita lang kitang nakangiti, handa na 'kong masaktan ulit.” at sabi ko nalang rin na worth it lahat ng ‘to. Ang nagbibigay ng liwanag sa bahay ko ay ang Zamcelco. Ang nagbibigay liwanag naman sa buhay ko ay ikaw… Mahal ko. Ganern. Hindi ko alam kung ano ang plano ko sa buhay ko bago ka dumating sa akin. Go with the flow lang kasi ako, Binigyan mo ako ng rason na mag-work hard para makasama kita. Binigyan mo akong goal sa buhay. Medyo mala-#AlDub rin tayo eh. Magkikita’t magsasama rin tayo sa tamang panahon. Ang korni no?haha May nagtanong sa akin kung posible bang mahulog sa taong 'di mo pa nakikita. Kung sa kanal nga na 'di ko nakita habang naglalakad ako, nahulog ako… Sa’yo pa kaya? Sa totoo lang, hindi naman talaga ako mahilig magdasal dahil nakakalimot ako. Pero simula nang makilala kita, nagdadasal na ulit ako. Natuto akong magpasalamat kay God na dumating ka sa buhay ko. Pero ayun, our souls were just meant to stop by for a while, not forever siguro? Pero kung para sa akin ka, para sa akin ka. Kung hindi, ipipilit ko talaga, haha..
0
Apr 2, 2017
Apr 2, 2017 at 10:05 PM UTC
Sayo na ang puso ko...

55
Kayat hawakan mo ako at ipapangako ko sayo na ikaw at ako magsasama hanggang dulo sabay tayong hahakbang sa lalim Ng kawalan At ito na ang simula. Simula ng tayo, wala ng ikaw, at wala ng ako. Simula ngayon haharap tayo sa kapanapanabik na umaga. Magkasama. Bilang mag asawa. Kaya tara!! samahan mo ako sa laro ng buhay. samahan mo ako sa sakit sa hirap, sa ligaya sa tuwa at sa habang buhay. at sabay Sabay nating lalakabayin ang daan ng kahirapan, at kasaganahan. Sa lubak man o patag iaakay, aalalay. wag kang matakot sumabay pagkat tayo ay may sandatang matibay. Pag ibig. Pag ibig na ang Diyos ang gabay
0
Nov 13, 2021
Nov 13, 2021 at 11:18 AM UTC
KLWKN
Sariwa pa sa aking alaala, Nakaraan nating dalawa Pinangakong magsasama, Habang buhay hari't reyna. Mga panahon ay lumipas, Pangako'y tilang kumupas, Tinangay ng hangin pataas, At pagmamahalan natin tila nagwakas. Ako'y iyong naging tanggulan Nang buhay mo'y inulan, Ako'y iyong naging sandigan, Giliw, bat mo ngayo'y iniwan? Tingnan kay di ko magawa, Kalimutan pa kaya? Nakaraan nating dalawa Hanggang ngayon dala-dala ko pa.
0
Jan 1, 2018
Jan 1, 2018 at 10:20 PM UTC
Dala-dala Ko Pa
Inaasam na makapiling ka Nababaliw tuwing ika'y nakikita Kasabay ang himig ng kanta Ano ba ang dapat madama Lulong na sa mahika at ganda Sa panaginip tayo magsasama
0
Nov 16, 2019
Nov 16, 2019 at 10:09 AM UTC
Makita
Dalawang salita, na maraming pinaluha Maraming bagay, na hindi nagawa Pinangakong habang buhay tayo ay magsasama Mga pangarap natin unti unting nawala Ako ay umasa, sa buka ng iyong bibig Masarap sa tenga, masakit sa dibdib Sinabi **** ako lang wala ng iba Pero sa likod nito’y kayo na palang dalawa Akoy parang tanga, na naniniwala sa iyo Ako’y sunod sunuran na para bang aso Hindi ko mawari, bakit nagtitiis ako Ganito ba ang umbig sa isang tulad mo? Kahit akoy niloloko na ng harap harapan Sinabihan ng tanga at nagbubulag bulagan Hindi ko parin magawang iwanan ka Dahil kumapit ako sa salitang sinabi mo “mahal kita” Sinabi **** Mahal kita wala ng iba, Yan ay tanda ko pa, sa aking ala-ala Ngunit ang totoo ay hindi naman pala Dahil hindi lang ako marami pang iba Mahal kita yan ang salita Na ang tao’y madalas pinaglalaruan Wag **** sabihin kung hindi naman bukal Dahil masakit umasa sa isang MAHAL KITA
0
Jul 3, 2020
Jul 3, 2020 at 11:17 AM UTC
Mahal Kita
Kapag ako’y na sa simbahan Ikaw ang lagi kong kahilingan. Ikaw ang lagi kong pinagdadasal Na wag kang pabayaan ng may kapal. Sa kahilingan mo’y nakasubaybay. Dahil ikaw ang aking panghabang buhay. Pangako, hindi ka iiwan magpakailanman At tayo’y magsasama ng walang hangganan.
0
May 11, 2020
May 11, 2020 at 5:10 AM UTC
Panalangin