Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magpakatanga" poems
Kahit na ano pang isipin ng lahat tungkol sa ating dalawa Pangako ko sayo na hinding-hindi na magbabago pa Ang natural na pag-ibig na nakatanim dito, oo dito Pag-ibig na nagbibigay lakas sakin at sa buong pagkatao ko Natatandaan mo ba? Lahat nang pagsuyo na aking ginawa Lahat nang binigay sayo'y ginusto ko at ninais ng kusa Hindi man ako tulad ng iba na may maipagmamalaki talaga Pinilit ko pa ding maki-ayon at kayanin para makasama ka Kung ano man ang nais na hilingin Handa akong ito'y tanggapin Kahit na magpakatanga sa lahat, Ng pagkakatao'y aking gagawin Kasi mahal kita, oo totoo na mahal kita Totoong lahat ng ito para sayo, noon pa Handa naman akong maghintay sa isang tabi Hanggang sa dumating ang araw na handa kana binibini Ikaw ang tanging lakas Sandalang walang wagas Para bang ako'y tinamaan ni kupido Ang puso ko ay lagi ng ganado Isipin man na ako ay nambobola Isipin man lahat ng 'to sa umpisa Isipin man na agad mabalewala Isipin man na maloko sa salita Hindi ko gagawin ang panloloko Na ginawa sayo't pang-uuto Mananatili lang akong nakagabay sayo Handang pasanin pati lahat ng problema mo Laging nakatitig sa maganda **** mga mata Lahat ng pagod ay agad na nawawala May mga bagay na madalas kuntento na Pag nakikita ang iyong ngiti, na nakatutuwa Patawad kung madalas ako'y madikit sayo Patawad kung masyado akong makulit sayo Pasensya na kung ganito ang nararamdaman ko Masyadong halata, masyadong mainip kung magmahal ako Salamat kahit wala kang ginagawa, Dahil presensiya mo lang sa aki'y sapat na Salamat sa pagtanggap at hindi pagtaboy sa akin Salamat sa maliligayang sandali na palagi kong gugunitain Nagdadalawang isip ka pa ba? Seryoso ako, mahal na mahal kita Hindi naman ako nagmamadali, alam kong nariyan ka Mahal kita, at iyon ang isinasaad ng aking tula.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:18 AM UTC
Mahal. Kita.

Continue reading...
44
sana nandito ka para nayayakap  kita, sana nandito ka para mahagkan ka, sana kahit kaunting oras lang  makasama ka, mapakita ko lang kung gaano ka kahalaga. sana noon pa kita nakilala, sana naunahan ko sya, di ka sana nasaktan at lumuha, sa pagtataksil at mali nyang nagawa. sana nabuo ako ng mas maaga, baka sakaling nakilala kita, hindi man kita masyadong mapasaya, pero gagawin ko ang lahat para ika'y mapaligaya. sana hindi nalang naging komplikado, baka sakaling maipag mamalaki mo ko, baka masabi mo na ako talaga ang mahal mo, walang biro at hindi nag tatago. sana hindi nalang kita nakilala, para hindi na tayo nahihirapang dalawa, pero salamat parin at dumating ka, dahil tinuruan mo kong wag magpakatanga sakanya. sana pinigilan ko nalang nararamdaman ko sayo, para hindi ako luluha kapag iniwan mo, sana hindi kita pinakinggan noong nagkagulo, edi sana ngayon malaya na tayo. sana kung may mag babalik ng nakaraan, mas pipiliin kong manahimik nalang, hindi magsasalita ng tunay na nararamdaman, para sa huli wala ng nasasaktan. alam kong minahal mo ko ng sobra, pero hindi mo ba naisip  na mas mahal kita, mas pipiliin kong maging masaya sila, kaysa sa kaligayahan nating dalawa. pero sa tuwing bibitawan na kita, hindi mo alam kung gaano kasakit na mawalay ka, kahit pigilan kong huwag pumatak ang mga luha, wala akong magawa dahil kusa silang nagwawala. sa rami ng pag subok na nalagpasan, alam kong hindi pa iyon ang katapusan, marami pang darating at dapat pag handaan, ngunit di ko alam kung kaya ko pang labanan. hindi ko alam kung naubos na ba ang luha ko sa kaiiyak, dahil sa tuwing may problema ni isang butil walang pumapatak, sanay na siguro ako sa relasyong ito, panay iyak, away at gulo. mahal kita kaya pilit kong kinakalimutan mga pangyayari, kahit magulo,  alam kong sa puso mo ako'y bawing bawi, hindi kita iiwan ano man ang mangyari, kung iiwan man kita asahan **** ako ay uuwi. pagpasensyahan mo na kung abnormal ako minsan, ganto talaga ako pero masarap mag mahal, minsan ka ng iniwan ngunit di ka kakalimutan, bihira ka lang makahanap ng katulad ko na mapag mahal. alam kong masasakit ang lahat ng Sanang nasabi ko, isip ang may gusto ngunit puso'y binabago, sana tama ang puso kong manatili sayo, sayo mahal ko , puso ko' y sinakop mo. #love #chances
0
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 4:49 AM UTC
SANA

58
"A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z" A- anhin ang pag-ibig mo kung mag-isa ka nalang lumalaban? B- initiwan na niya ang pangako ng walang hanggan. C- are, meron ba siya nito? Pinaramdam ba niya ito sa'yo? D- arating sa puntong makakamoveon ka rin. E- wan ko sa'yo ba't ka pa nagpapakatanga. F- unny, dahil sa sense of humor niya nahulog ka. G- inawa mo na ang lahat pero hindi pa rin sapat. H- inigit na niya ng tuluyan ang pagmamahal na itinarak niya sa puso mo kaya masyadong masakit ang nadarama mo. I- iwan ka man ng lahat sa mundo, subalit ang Panginoon ay laging nariyan para sa'yo. J- ust cry. Dapat **** ilabas yan at huwag kimkimin. K- ahit anong mangyari may nagmamahal sa'yo; pamilya mo at si Lord. L- ahat ng sakit at hapdi na iyong natatamasa ay may hangganan. M- aging matatag kang harapin ang pagsubok ng pag-ibig. N- aisin **** huwag tangayin sa baha na gawa ng iyong emosyon. Lumaban ka.\ O- nly you. Wag kang maniwala. Hindi ka nag-iisa. P- atunayan mo na hindi siya kawalan. Na kaya mo kahit wala siya sa tabi mo. Q- ueen, ikaw raw kasi ang reyna ng mundo niya pero salawahan siya. May Emperatress pa palang nauna na mas mataas pa sa'yo at mas mahalaga. R- espeto, kung meron siya nito, seryoso siya sa iyo. S- a tingin mo minahal ka talaga niya? T- iwala lang, wag umasa. U- nawain mo sana na pag pumasok ka sa isang relasyon hindi ka naglalaro lamang. Unawain mo na sa pagmamahal hindi puro ligaya lamang. V- ase, yan ang turing niya sa iyo. Nilagyan ka lang ng bulaklak pero hindi pinapalitan ng tubig hanggang sa nalanta ka sa puso niya, in short sa simula ka lang niya minahal pero kalaunan wala na siyang pakialam. W- ag ka nang magpakatanga next time. Wag paulit-ulit kasi pag nasaktan ka nakakasawa na rin minsan pakinggan ang salitang "ayoko na" pero ang totoo, tanga ka pa rin sa susunod na pag-ibig mo. X- ylophone. Parang paulit-ulit na pinatugtog ang puso mo at pinupokpok kaya masyadong masakit para sa'yo at paulit-ulit **** mararamdaman ang tugtog ng hapdi at kirot na dulot ng pag-ibig. Y- ung pangako niya sa'yo balang araw tatawanan mo na lang. Z- ipper your heart kapag nakamove on ka na. Muli itong magbubukas sa taong... muling mananamasa at mananakit sa puso mo este magmamahal pala sa'yo hanggang sa iyong pagtanda. Now you know your ABC Let's play words And sing with me.
0
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:44 AM UTC
ALPHABET OF HEARTACHES

30
Bakit ganyan kayo? Madali ba talagang palitan ang isang katulad ko? Kapag sawa na, Hahanap ng iba. Hindi man lang magsabi kung anong problema. Pwede naman nating ayusin to, Pero sadyang nakakalito, Minahal nyo ba talaga ako? O pampalipas oras lang ako? Ang dali nyong magbago, Magbago ng paglalaruan nyong tao. Nagmumukha akong basura, Iniiwan nyong umaasa. Bakit pa nga ba ko umaasa? Binuhay lang ba ko para magpakatanga? Pagmamahal ko inyong binabalewala, Paano kung bigla nalang akong mawala? Ayon naman ata gusto nyo, Mawala ang isang basurang kagaya ko.
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:12 AM UTC
Pag sawa na, iiwan na.
Patawarin mo sana kung akin pa ring pinagpipilitan, Nagbabakasakaling maibalik pa ang tamis ng ating pagmamahalan, Hindi naman siguro masamang mangarap, Kahit na sintaas pa ito ng mga ulap. Pilit inuunawa, may pagkukulang ba o sadyang nagsawa ka na lang talaga. May mali bang nagawa o may nakahanap ka na ng mas maganda. Mga katanungang gumugulo sa aking isipan. Ninanais na sana ito na'y matuldukan. Hinayaan ang sariling magpakatanga, Umasa na ang nakaraa'y maibabalik pa, Mga alaalang ubod ng saya, Tila ba hindi na masusundan pa. Mga pangakong pilit na pinanghahawakan, Kahit na nagkabuhul-buhol na ang hawakan, Mistulang kamay mo na unti-unting bumibitaw, Pumipiglas kahit na pilit hinahawakan. Matatapos din ang lahat, kailangan lang ng pagtyatyaga. Maglalaho ang pag-asang magkakabalikan pa. Pagmamahalang paglilipasan din ng panahon, Mga mumunting alaala'y tinangay na ng alon.
0
Oct 30, 2017
Oct 30, 2017 at 10:18 PM UTC
May katapusan din ang lahat
Ilang beses bang dapat masaktan upang matauhan? Ilang beses bang dapat masaktan upang ikay matutong sumuko sa laban? Alam ko na ika’y sobra nang nasasaktan pero bakit di mo parin siya magawang iwan? Di ka naman bulag sa katotohanan Pero bakit kaba nagtatanga-tangahan Niloloko ka na nga nang harap harapan Ikaw pari'y nabubulagbulagan Hindi ka pa ba nagsasawang paulit-ulit msakatan? Na palagi nalang ikaw ang luhaan? Alam **** sa inyong dalawa ikaw lang ang lumalaban Ngunit bakit baa yaw na ayaw mo siyang bitawan? Gaano ba ka hirap sayo ang pag bitaw? Sobrang hirap ba kaya di mo magawa? Nasasaktan ka na nga Durog na durog na nga ang puso mo't kaluluwa Ngunit ang pagbitaw ay di mo parin magawa Paulit ulit **** sinasabi “hayaan mo na” Mahal na mahal ko siya kaya hindi ako susuko sa kanya” Mahal na mahal mo  siya kaya ka ba nagpapakatanga? Kaya ka ba nagpapaka gaga? Kaya **** isakripisyo lahat para sa kanya Pinaglaban mo siya Pero ikaw ni minsan di niya nagawang ipaglaban ka Kaya tama na pwede ba? Wag ka ng magpakatanga pa Di ka sundalo na Lalaban kahit nasasaktan na’t sugatan Hindi ka naman laruan pero bakit mo hinayaan na ikay kanyang paglaruan? Wag mo nang hawakan kung sobra ka nang nasasaktan Matutong bumitaw kung ikay sobra nang nahihirapan
0
Sep 14, 2021
Sep 14, 2021 at 9:07 AM UTC
PAGBITAW
Madaming luha, Madaming luha ang nasayang dahil iniyakan ka. Inibig ka pa rin, Kahit alam kong may mahal kang iba. Handang magpakatanga, Ang isang tulad ko na mahal na mahal ka. Pero salamat nga pala, Don sa mga araw na ako'y iyong pinasaya. Oo ikaw nga ang kasiyahan ko, Ngunit ikaw rin ang kalungkutan ko. Masakit kase mahal na mahal kita, Pero wala lang yon sayo diba? Bukas gigising nanaman ako, Pero walang bago, ikaw parin ang gusto.
0
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:18 AM UTC
Mahal na mahal kita
Natatandaan mo pa ba Sabi mo dati tayo'y wala na Mahirap mang tanggapin ngunit aking kinaya Mga luhang pumapatak tuwing gabi aking ininda Dahil sabi mo pagod kana Dahil sabi mo ayaw mo na Dahil sabi mo gusto mo ng mapag-isa Binigay ko naman diba? Ngunit bakit ba ako'y pinapahirapan mo ng ganito Lumayo ka ng minsan kaya sana nama'y wag kanang bumalik pa Dahil tuwing nakikita ko ang mga mata mo Dahil tuwing naririnig ko ang boses mo Hindi mapigilang bumalik ang nararamdaman kong ito Hindi ko alam ngunit siguro nga mahal pa kita Kaya tama na, tama na ang minsang paglayo wag ka ng bumalik pa Dahil ayoko ng mahalin ka Dahil ayoko ng tanggapin ka Dahil ayoko ng magpakatanga pa Ayoko ng magpakatanga sa isang taong minsan ng lumayo Minsang lumayo na ngayo'y babalik para ano Para ako'y akitin ulit sa mga matatamis na salita Patawad ngunit tama na ang minsang pagmamahal na binigay ko sa iyo Hanggang dito nalang nga siguro Ika'y unang lumayo kaya patawad ako nadi'y lalayo
0
Oct 30, 2018
Oct 30, 2018 at 10:57 PM UTC
Ang iyong paglayo