"magningning" poems
Ito ang kahulugan ng pangalan mo,
Ikaw ang liwanag sa madaling araw,
Ang unang kislap na pumupunit sa dilim.
Ikaw ang simula ng umagang kay ganda,
Na nagkukubli sa haba ng gabi,
Habang umaawit ang magdamag.
Sumalungat ang hangin sa sikat ng araw
Kaya’t patuloy kang nagniningning.
Tiyak na naiinggit ang mga bituin
Sapagkat higit kang marikit kung ihahambing.
Ang buong maghapon ay tila isang panaginip.
Saan ba nanggagaling ang iyong ningning?
Nagmula ka pa sa kabilang kalawakan sakay ng bulalakaw,
Tila ganyan ang iyong pagdating.
Sige lang patuloy kang magningning
Nang magliwanag ang buhay na madilim.
Dec 7, 2017
Dec 7, 2017 at 7:21 PM UTC
093023
Ikaw ang Aking Bayan
Ang aking Pag-asa’t Ilaw
Sa mga rehas ng kadiliman…
Hayaan **** ang Liwanag Ko
Ang magningning sa Sanlibutan.
Ikaw ang Aking kawangis
Damhin mo ang Aking pag-ibig
Wagas at dalisay ang hain Ko
Kaya’t itapon ang pangamba’t
Sumabay sa pag-ihip ng hanging
Nagmula sa Aking hininga.
Sa dilim ay mas magliwanag ka
Isasaboy ko ang Aking kinang
Sa liblib na wala pang nakararating.
Takot mo’y babalutin Ko
Ng aking pagsinta habang ikaw ay humahayo.
Yakapin mo ang aking pagkatawag sayo,
Maging saksi ka’t magliwanag pa
Habang ika’y naghihintay…
At ako’y magagalak sa’yong pagsunod…
Mahal kita, Anak at mahal ko ang Sanlibutan
Pagkat Ikaw at Sila —
ang aking Bayang babalikan.
Sep 30, 2023
Sep 30, 2023 at 11:17 AM UTC