Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magkubli" poems
Sino ka nga ba't sa bawat panaginip Ikaw ang laging nakikita, Mistulang tinatanong sa akin sarili kung bakit naroon ka. Pinagmamasdan ang iyong kagandahan, na ngayon tila'y nakakalimutan ko na. Kalakip ang istoryang ubod ng saya, Hindi magkubli ang pag-ngiti ng aking mata. Subalit sino ka nga ba? Alam mo bang hanggang ngayon hinahanap pa rin kita? Sino ka nga ba't halos may ilang buwan kitang hinahanap? Laging tinatanong sa aking sarili kung "Bakit nga ba?" Sino ka nga ba? At sana'y makita na kita? Kahit bilang isang estranghero, estrangherong hindi mo kilala. Sino ka nga ba't bakit ako'y nanabik sa iyo pag-dating? Ngunit kung ikaw ay mananatili laman sa aking panaginip itatanong nalang sa hangin, "Sino ka nga ba? at sa akin panaginip ay hindi ka ma-alis".
0
Mar 10, 2018
Mar 10, 2018 at 7:52 AM UTC
Sino ka nga ba?
Paalam sa munting kinang sa kanto ng iyong mga mata. Sa unang alab ng huling araw magpapaalam ang bihag ng tanikala. Walang humpay ang daluyong ng mga ala-ala. Salamat sa unang halik at iyong natatanging labi. Mula sa una at sa huli. Ito na ang huling paalam. Papadayon din ang araw, bukas o sa makalawa, o hindi kahit kailan. Walang luha o sugat na lalatay sa iyong balat. Hindi kailangang manatili sa ala-ala nating dalawa. Mula dito at sa mga susunod na araw, buwan, at taon. Para sa ating dalawa ang paalam na ito. Hindi na kailangan magkubli sa anino ng masaya at masalimuot na nakaraan. Ito ang ating hudyat, ang ating kidlat mula kay bathala. Para sa muling pagkinang ng iyong mga mata. Sa ala-ala ng buwan at ng mga bituin. Sia lahat ng bagay na nagpangiti sa iyong puso at labi. Paalam aking dagat, aking asul na langit. Minamahal kita.
0
Jul 2, 2019
Jul 2, 2019 at 11:34 AM UTC
Paalam
Paano kung magkita tayo Nang di naman natin pinaplano Ano kayang sasabihin mo O iiwasan mo ba ako Paano kung magkunwari Tumingin sa malayo at magkubli Sa likod ng mga taong nagpapanggap Sa likod ng mga matang naghahanap Pero paano kung tawagin kita Magugulat ka kaya Kung marinig mo Yung dating tawag ko sayo Pero hindi pala ikaw yung nakita ko Yan lang yung nabuo sa isip ko Paano kung isang araw nakatayo ka na sa harap ko Maririnig ko kayang muli yung mga salitang nagpatibok sa puso ko.
0
Oct 3, 2017
Oct 3, 2017 at 11:17 AM UTC
Salubong