Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maghahabi" poems
Sakaling ito na ang huli kong tula Hahayaan na, mga luha'y tumila Palalayain, namumugtong mata Hanggang sa muli natin na pagkikita Tuwing gabi'y nalulunod ang isipan Mula sa karagatan ng kamalian Kung mabubuting binhi ang tinamnan Hindi na ganito, aking kapalaran Mga lihim kong hindi pa nasasabi Pansamantala munang isasantabi Ang panahon na ang kusang maghahabi Ako'y hindi na titiklop at tutupi Kaytagal na ang puso'y mananahimik Sa pag-usbong nalang ng araw papanhik Bagamat patutunguhan ay matarik Maghahanda na sa iyong pagbabalik Sakali mang ito na ang huling tula Huwag sanang lumungkot ang mata Ulan ay hihintayin pa ring tumila Para sa muli natin na pagkikita
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 3:37 AM UTC
Huling Tula (?)