Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magarang" poems
Sana makapaghabi ka ng magarang tula gamit ang tira-tirang retaso ng puso ko Maiibsan ang kirot sa pagkakaalam na muling mapakikinabangan damdaming nagmistulang basahan Heto pa ang mga luma kong luha Tambak, nagkalat, 'di na alam saan nagmula Kiluhin mo na't gawing sining Nang may malugaran, sariwang luhang nagbabadya pang dumating
0
Apr 23, 2016
Apr 23, 2016 at 11:26 AM UTC
Sa Pambansang Alagad ng Sining, Mula sa Pambansang Alipin ng Feelings
Magarbong pagkain…wala sa hanap ko Mamahaling damit…wala sa tipo ko Marangyang bahay…wala sa plano ko Magarang sasakyan…wala sa kailangan ko Maluhong kagamitan…wala sa hilig ko Mariwasang pamumuhay…wala sa ibig ko Ang nais ko lang ay ihandog sa mundo Isang natatanging Legasiya ng Lahi ko! -07/17/2015 (Dumarao) *My Prayer Poems for Ultimate Victory Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 10:23 PM UTC
Legasiya ng Lahi Ko
Lagi **** tinatanong dati sa sarili mo,kung bakit hangang dito ka lang.Samantalang yung iba **** kaibigan,kamaganakan at kakilala andon na sila, may kanya kanya ng Propisyon sa buhay. Meron ng naging Guro,Sundalo,at namamasukan sa magarang Kompanya. Lagi **** kinukompara ang sarili mo sa iba.kaya laging pakiramdam mo lugmok ka at wala ng mararating pa. At ako naman itong laging sayo ay nag papaalala,na ang kapalaran nila ay hindi katulad ng kapalaran na inilaan para lang sayo ng ng ating Ama. Lagi kang nabubugnot at halos ayaw ng kumilos.Laging tinatanong ang sarili,kelan ba ako magiging TULAD nila? At isang araw mukhang natauhan ka na,kusa ka ng kumilos at sa akin ay nag sabi.gusto mo na ulit gawin ang mga bagay na gusto mo sa buhay. paunti-unti nakita kong masaya ka na ulit sa ginagawa mo. Iniwasan mo na rin ang ikompara ang meron sila na wala ka. Sipag at tyaga mo at diskarte ko at Awa Ni Ama. Binigyan tayo ng mga bagay na inaasam nating dalawa. Negosyo na pinagtulungan nating itayo pareho. Pagod puyat,ulan at init ay hindi ininda,makamit lang ang sa una palang ay pinangarap na nating dalawa. Ang simula ay masaya,nakakapagod at nakakaiyak,at ang mga sumunod na araw ay may mga suliranin tayong kinakaya.pero Salamat Kay Ama,at tayo'y ginagabayan Nya. Paunti unti makakabawi din tayo.alam kong wala pa tayo sa dulo pero kahit papano nakakabangon na tayo. Sipag,tyaga at tiwala lang sa Kanya lalago din ito.
0
Mar 22, 2024
Mar 22, 2024 at 10:46 AM UTC
Kailan ang 'yung Pag-Lago?