"mabawasan" poems
May mali sa nangyayare sa buhay ko.
Bakit nagiisa lang ako?
Tama ba tong ginagawa ko?
Ginagawa kong dahilan yung pagkawala mo.
Ganito ba dapat ang maramdaman ko?
Para akong matutuluyan sa kahibangan ko.
Isang pitik pa, isang kanta, isang malupit na alala.
Kung matitimbang lang ang luha, siguro aabot na yung akin sa tonelada.
Nakakatawa. Wala atang makakatapat sa narating nating dalawa.
Hindi ko gusto tong estado na to.
Ayokong kalimutan lahat ng masayang alaala.
Sa lahat ng pagkakataon na namuhay ako magisa.
Para sa lahat ng sama ng loob na sumabog at di ko natantya.
Sa lahat ng gawain mo na anlakas magpaasa.
*Yung ngiti **** tagilid pero nadadale pa din ako.*
Yung balbas mo na ambilis tumubo.
*Sa dalawang pusa na palagi **** alaga.*
Nung mga oras na kailangan ko ng kasama tapos di ka nawala.
Sa katangahan at kababawan ko na naniniwala na nandyan ka pa.
Para sa lahat ng sakit na kailangan ko daanan mag isa.
Lahat ng dating tropa na di na nakakakilala.
Nakataas ang kamao ko pero nakaangat yung daliri sa gitna.
Minsan ang sarap mawalan ng pakialam, ng pakiramdam.
Yung mamuhay na parang dumaan ka lang.
Ang sakit magmahal tapos sasaktan ka lang.
Ang sakit magmahal tapos iiwan ka lang.
Di ako galit sayo.
Di kita papa salvage sa kanto.
Di ko ipagkakalat kung san kiliti mo.
Gusto ko lang mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.
Kasi isang taon na, ikaw pa rin laman ng poetry page ko.
Sana isang beses makita ko na lang na masaya na tayo pareho.
Yung tipong pag naalala kita, nakangiti ako nagkekwento.
Ang hirap nga pala talagang kalimutan.
*Yung minsan may taong kumilala sayo bukod sa sarili **** magulang.*
Ang hirap umasa na may dadating pang iba.
Ang sakit na kasi nung minsang binigay mo yung puso mo sa kanya pero iniwan ka din nya.
Kanya kanyang dahilan, kanya kanyang pinaglalaban.
Kung di din naman tayo magkasama sa huli bakit kailangan pa natin pagusapan.
Nalulungkot ako, di ko itatanggi.
Pakiiwasan mo na lang mag post na masaya ka palagi.
Matagal pa siguro to maghihilom.
Nakakaawa yung susunod kasi naka kandado na yung puso kong mamon.
Yun ay kung meron pang susunod.
Mar 13, 2017
Mar 13, 2017 at 10:41 AM UTC
Umaga na nasa isip pa din kita
Oras oras ikaw lang aking sinta
Ang sakit lang na makita
Na ang puso ay masaya
Sa piling ng iba
Sana ang pagmamahal
Ay iyong madama
Hindi yung puro sya
Ang dami ko nang tinalikuran
Para ikaw ay muling mapasakin
Tinabla ko aking mga kaibigan
Dahil sa mahal pa rin kita at alam mo yan
Nakikiusap lang
Na sana ako na lang
Ako na lang ulit
Ako ay bigyang pagkakataon
Na mapadama na mahal pa rin kita
Sana mayroon pang pagasa
Na may isang tutulong
Na maibalik ka sa akin
Sana mabawasan lang
Sana hindi mawala
Sana ako pa rin
Oct 13, 2015
Oct 13, 2015 at 7:03 AM UTC
Ilang beses ko na bang sinabi
na hinding hindi na magyoyosi.
Tila sindami na ulan noong Hunyo.
Pero bakit ganito wala pang pinagbago.
Walang pinagbago gaya ng nararamdaman ko.
Alam kong isang malaking kahangalan na sabihin na ikaw parin ay mahal ko.
Marahil nga, katangan ito.
Mga patak ng ulan ang nagpapaalala
Sa mga kahapon na ikaw ay kapiling at kasama.
Nalulunod ako, nalulunod sa katahimikan.
Katahimikan sa sunod sunod na patak ng ulan.
Sa tuwing umuulan,
Sinasambit nito ang iyong pangalan.
Sinasambit ang mga pangako at mga alaaang hindi kailan man makakalimutan.
Mahal kita, mahal mo ako.
Yan ang mga salitang naniwala ako.
Sinabi ko at sinabi mo.
Pero sa isang iglap, nasaan na tayo?
Sadya bang nakakaadik
Ang nikotin sa ngala-ngala at gilagid?
O sadya lang makulit at pasaway
Ang aking paglapit?
Sa yosing siyang sumagip
Sa damdaming pinuno ng sakit
Pinuno ng hinagpis at lungkot
Mula ng madurog ang pusong nakakapit
Sa sumpaang sa tadhana ay sumabit.
Naaalala mo pa ba
ang ating mga pangako?
Na ikaw ang siyang mamahalin hangang sa maging upos ang buhay at hininga ay sumuko.
Nagsimula ang lahat ng ikaw ay lumisan
Ang pinakamadilim na yugto sa puso at isipan
May mga bagay talaga na walang kasagutan
Isa na dito ay ang paglayo, mundo ay tinakasan
Mula nang ikaw ay nawala
sa bisyo ako ay nakipisan.
Kasama sa magdamagan
nang sakit ay mabawasan
Hindi madali nang ikaw ay nawala
Hindi ganun kadali na ikaw ay kalimutan
Parang isang kanta na paulit ulit
Bawat kataga sinasambit ang iyong pangalan.
Pangalan at katagang walang katapusan.
Bawat hithit bawat buga
Ang usok ay siyang sa akin ang nagpapaalala ng iyong wangis at itsura.
Sa bawat buga.
Nakikita ko ang iyong mukha.
At sa isang iglap mawawala.
Pero ngayong kaya ko na.
Bakit ang bisyo di na maisara?
Sadya bang nasanay na?
O dahil hinihintay ka pa?
Jul 25, 2016
Jul 25, 2016 at 2:28 AM UTC
Alam kong mali ito
Kahit ang nasa itaas di sasang-ayon
Pero ano nga bang magagawa ko?
Pakiramdam ko’y lalong nahuhulog sayo.
Nung una at pangalawa di ako sigurado
Ngunit sa pangatlong beses?
Di ko na mawari ang nadarama
Pag-ibig ko sayo’y lalong lumalalim
Ang hirap! mali kasi talaga to,
minsan iniiwasan kitang kausapin, dumidistansya
Hindi dahil sa maygalit ako
Subalit yun lang ang paraan ko,
Paraan na mabawasan ang pagkahulog sayo
Minabuti kong di magpakita ng ilang araw’
“And it’s been weeks”
Subalit, lalo lang kitang namimiss.
Pag ika’y aking kaharap
Hindi ko alam ang sasabihin
Hindi ko alam saan ako mag uumpisa
Ni hindi nga makatingin ng deretso sayo
Oo! Single naman tayong pareho
Ngunit sa kabila ng lahat
Alam kong hindi pwedeng pilitin
Alam kong hindi ka itinadhana sa akin
Kung hindi lang ito mali
Bakit pa kita pakakawalan?
Bakit pa kita iiwasan?
Bakit ko pa patatagalin?
Ngunit may dahilan ang lahat
May ibang plano ang Diyos
Plano niya'y ikakabuti nating dalawa
Kaya di ako manghihinayang!
Dalangin ko sa maykapal
Maibsan ang aking nadarama
Pagkat tanging ito lamang ang solusyon,
Sa puso kong di na dapat umaasa sayo.
Apr 11, 2016
Apr 11, 2016 at 2:08 AM UTC
Sa kalyeng punong puno ng dukha
Kamalayan ko'y nabubuksan na
Sikip at init ng mundong ibabaw
Dama lahat nitong pusong naligaw
Kahirpan talaga'y dapat maranasan
Bigat ng aking daigdig napapasan
Sakripisyo sa buhay, aking puhunan
Nang kasalatan nama'y mabawasan
Makita nawa ng iyong mga mata
Lahat ay may kanyakanyang suliranin
Minsa'y humihingi rin naman ng awa
Ang iyong nang hihinang mga alipin
Maglalaho sa mundo lahat ng hirap
Banggit ng mga kataastaasan,
Ngunit sa ngayon, ang tanging problema'y; aking kabuhayan.
11:57pm 11-14-18
Nov 14, 2018
Nov 14, 2018 at 10:57 AM UTC
oras ko na inilaan
kay daling nalimutan
panahon na isinugal
sa pagmamahal na
wala palang katiyakan
ngayo'y nanagnaghoy na
sana'y wag **** iwan
oras ko na inilaan
mga bagay na
kay dali kong binitawan
na walang pag alinlangan
para mapasaya ka lang
huli na nang malaman
pinaglaruan mo lang
para sana sayo to
pero ang dali **** tumalikod
naglakbay ka sa kabilang daan
at bigla na lang naglaho
na parang bula
hindi man lang nagbabala
sana nagpasabi ka
nang ako mismo naghatid sayo
hindi na sana ako
nagbigay ng labis
ngayon ako'y naghihinagpis
sa pag ibig na ipinilit
kong ihandog
sa taong hindi naman
ako ang kailangan
sana nagpasabi ka
nang mabawasan man lang
ang pagtitiis
sa panahon na halos
buong buhay ko
akalain **** kay dali kong
ibigay para sayo
kung sana man lang
umalis ka ng mas maaga
nang hindi pa gaano kalalim
ang nadarama
nang maagapan ko pa
ang sugat na ngayo'y
hanggang buto
tagos sa kaluluwa
ang pagdurusa
sana matapos na ang
araw gusto ko na
magpahinga
Jan 3, 2020
Jan 3, 2020 at 2:40 PM UTC
habang ikinakawing ko ang aking mga daliri unti-unti rin nitong napupunan ang bawat patlang sa pagitan ng aking mga daliri, naisip ko kung bakit patuloy akong nagsusulat. nagsusulat ako na para bang pinupunan nito lahat ng patlang na aking nararamdaman. umaasa na sa paraang ito kahit papaano, kahit kaunti mabawasan lahat ng halu-halong emosyon. na tulad ng mga kamay na ikinawing ay mas magiging matibay ito, hindi madaling paghiwalayin. na para bang kinukuha ko ang lakas sa mga kataga na binibitawan ko at pinupunan ang bawat butas na para bang kailan man hindi ito nagkaroon ng kakulangan o guwang. nagsisilbing bakas bilang patunay na, "kaya ko" o kadalasan ay, "okay lang ako"
Apr 12, 2020
Apr 12, 2020 at 4:15 PM UTC
Lahat tayo’y lubak na daan ang tinatahak,
Pagtupad ng pangarap sa buhay ang binabalak.
Maraming sakripisyo ang kailangan,
Upang maging maayos ang kinabukasan.
Karamihan sa atin ay sa Diyos kumakapit,
Dalanging bagong umaga’y sumapit,
Mabawasan ang mga nararamdamang sakit,
Kaya liwanag ng pag-asa ang nais makamit.
Pagdarasal ng mataimtim,
Ang sandata sa daang madilim.
Upang ang liwanag ay ika’y sikatan,
Maging gabay sa landas na walang kasiguraduhan.
Sa Diyos ay nagpapasalamat,
Para sa gabay na walang humpay.
Hiling na magkaroon ng lakas,
Sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
Sep 2, 2020
Sep 2, 2020 at 12:53 AM UTC
Patapos na ang taon!!
Paano kaya tayo nakaabot sa sitwasyon na ito.
Nitong nakalipas lang hinihiling na mawalay sa mundo to pero lumalaban ka parin, pagmasdan mo nandito ka parin nagpapatuloy ―
Siguro bago natin salubongin ang panibagong taon ayusin at taposin ang mga problema ng nakaraan;
Mahirap simulang ang bagong pahina kung ang luma pahina ay punit at di kumpleto.
Nasabi mo na din to dati!!
Magbabago na ako!!
Sana bago natin ideklarang magbabago na tayo ngayong taon, nawa ay maayos muna natin ang mga gusot ng kahapon ̄
Isipin mo yon ang taon ay nakausad na pero nakakulong ka parin sa nakaraan;
Hindi na natin mababalikan ang nakalipas pero pwede tayo magsimula ng panibago kaya tuloy lang.
Simulan natin to na may kasamang kilos hindi lang puro salita at asa sa iba kundi matuto tayong tumayo sa mga sariling mga paa.
Salamat sa mga tao nakasama natin dahil sila ang ating kasama pagtaas pa mula una at hanggang pagbaba, madadagan man o mabawasan sila ang mahalaga nandito ka parin.
Sana magtuloy tuloy ang samahan hanggang sa panibagong pahina.
Salubongin natin ang panibagong pahina na may kasamang pagtitiwala sa Diyos.
Maligayang Bagong pahina, pag-asa, yugto at Taon.....
Dec 31, 2022
Dec 31, 2022 at 7:18 PM UTC