Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mabaliw" poems
Guni-guning nababalot ng hiwaga sa aking utak ito'y pumipigil, gumugulo, di maipaliwanag ang mga nakaukit na ala-alang Nang minsa'y ikaw ay inibig sa tuwing natatanaw ang langit na kay tamis pa sa mga chokolateng paborito **** kainin tuwing ika'y nalulungkot. Sa mga araw na nagdaan. Sa maghapong nakaabang pa sa pag-iintayan sa jeep Oo parati namang naghihintay ang puso ko sa'yo. Di ba? Sa traffic na nanamanhid na ang paa sa kakaabang kung kailan o saan ito patutungo Kung may patutunguhan pa ba na maging tayo? O Isa na lamang ba itong guni-guni sa aking isip. Alam kong paasa ako. Oo paasa ako. Asang-asa ako sa'yo na parang tanga. Oo inaamin ko Tanga ako! tanga ako! tanga na kung tanga. Pasan ko na naman lahat. Di ba? Nagdurugong, Tagos. Tagos na tagos pa sa aking pusong biniyak ng mga samu't saring bakit na lang hindi naging tayo? O mas madali pa bang patayin na lang ang mga pusong minsa'y nasugatan na sa hindi makatulog na gabi. Sa mga namamagang mata sa kaiiyak Sa kakaisip kung mahal mo ako o kung minahal mo ba talaga ako? O may iba na bang nagmamay-ari ng iyong puso? Guni-guni, ako'y litong-lito dahil parati **** ginugulo ang araw-araw ko Halos mabaliw na nga ako sa kakaisip sa'yo eh Hindi nga ba't heto ako, baliw na baliw sa'yo. Di ba? Na baka sakaling mag milagro ang kapalaran Na baka balang araw baka balang araw ay kaya mo rin akong mahalin gaya ng pagmamahal ko sa'yo higit pa sa buhay ko. Higit pa sa mga luhang ibinigay ko Higit pa sa mga salitang binitawan ko ngayon. Oo guni-guni parati ka namang nandyan di ba? bumabalik. Lahat na lang. Paulit-ulit. Oo guni-guni ang hirap hirap **** matanggal Sawang-sawa na ako sa'yo. Pero ang tanong. Hindi ka ba napapagod? sana'y tirhan mo rin ako kahit konti. Ayoko na, tama na.
0
Jan 3, 2016
Jan 3, 2016 at 6:05 AM UTC
Guni-guni

Continue reading...
63
Akala ko nakamove on na ko. Hindi pa pala. Nakita lang kita. Bumalik bigla lahat ng ala ala. Bakit mo pa ko pinakawalan? Bakit mo pa ko iniwan? Sagutin mo lahat ng tanong ko. Dahil baka mabaliw ako ng tuluyan. Paano ka nakamove on ng ganun kabilis? Habang yung mga nararamdaman ko sayo hindi parin umaalis. Andaya mo naman! Ikaw masaya habang ako nagdudusa pa. Pwede bang tayo na lang ulit? tayo na lang ulit. Bumalik ka dito para ayusin lahat ng ito. Lahat ng mga sinira mo. Akala ko ikaw na ang bubuo sakin. Pero ikaw rin pala ang sisira sakin.
0
May 13, 2017
May 13, 2017 at 1:56 AM UTC
Akala ko
Isang taon na mula Noong una kitang makita... Noong pinili ka ng aking Paningin kahit na sa Totoo lang, marami kayong Naka-itim na pantaas. Noong naisip kong Handa na, pwede na ulit Akong mabaliw sa saya Diba, parang tanga lang? Noong naisip kong May gaganda pa pala sa Paborito kong pelikula. Hay, ang mga matang iyan. Pero, mayroon akong mga nalimutan. Sana nakita ko rin Sa araw na iyon lahat Ng di ko pa makita o Mga iniwasang makita. Sana nakita kong Di na naman ako mag-iingat Tapos saka mahuhulog Nang tuluyan. Sana naisip kong May mga damdaming Marinig man, ay hindi Nabibigyang kasagutan. Sana tinanggap ko agad Na maaaring ang mga Kaibigang tulad ko, Kaibigan lang talaga. Wala namang kahit Isang dahilan noong Magustuhan kita. Kaso naman, Andami palang rason Para mas mahalin ka. Kaya ayun, isang taon na. Isang taon na palang Pangarap kita.
0
Aug 17, 2015
Aug 17, 2015 at 1:27 PM UTC
Isang Taon
Napakahiwaga ng iyong pag-ibig Hindi ko alam kung paano at bakit Pero patuloy pa rin akong kinikilig Sa iyong ngiti at titig Mistula akong bumalik sa panahon ng aking panliligaw Sapagkat ang puso ko'y walang ibang sinisigaw, kundi ikaw Muntik na akong mabaliw dahil ilang kilometro ang distansya natin at hindi kita matanaw Pero sa oras na ang iyong palad ay dumampi na sa aking balat Alam ko sa sarili ko na totoo at tunay ang lahat Alam kong hindi ako nabubuhay sa isang panginip At siguradong hindi rin ako pinaglalaruan nitong maloko kong isip Nandito ka na sa aking harapan Ikaw ay muli kong nasilayan,nahawakan at muli kitang naramdaman Napakahiwaga ng iyong pag-ibig Hindi ko alam kung paano at bakit Pero patuloy pa rin akong kinikilig Sa iyong ngiti at titig Sa tuwing ikaw ay nandiyan ang puso ko'y bumibilis sa pagpintig Maraming nagdududa at nagtataka pero sa huli pagmamahal pa rin ang nanaig Samahan na pinagtibay ng panahon at tila malabo nang madaig At ngayon na patuloy pa rin nating isinusulat ang ating istorya Na ngayon ay mayroon nang bagong kabanata At tila ba lalo pang gumaganda ang tema Asahan mo na mapupuno ng mga magagandang eksena ang bawat pahina Ako pa rin ang iyong hari at mananatili kitang reyna Sapagkat sobrang hiwaga ng iyong pag-ibig At hanggang ngayon ako ay patuloy mo pa ring pinapakilig
0
Feb 2, 2018
Feb 2, 2018 at 1:41 PM UTC
Para Sa'yo
Buhay pa ba ako? Pakiramdam ko kasi Sa tuwing nakikita kita Parang kinukuha na ako Ng Panginoon. Oh paraluman Kakaiba ang iyong taglay Kalmahan mo lang Ayokong atakihin sa puso ayokong mabaliw, Ayokong mapatulala nalamang sa ganda mo, Ayokong saktan ka Dahil una palang Malayo na diyan Ang intensyon ko sa iyo. Ginagawa kitang inspirasyon Sa lahat ng gagawin ko Ikaw yung gabay Na para bang pampalakas Sa tuwing may pagsubok sa buhay ko Ikaw yung taong asa likod ko Yung susuporta hanggang dulo Oh paraluman hindi ba't Napaka ganda pakinggan iyon? Oh paraluman Hindi ako titigil sayo Walang titigil Tuloy lang ang laban aantabayanan parin kita Tuloy tuloy lang ang paghintay Oh paraluman Sana'y sa susunod Na panahon May pag asa na ako sayo. Dahil paraluman Ikaw ay isang Nabubuhay na Kayamanan at Hulog ng langit. Oh paraluman Mahal kita.
0
Feb 20, 2020
Feb 20, 2020 at 7:42 AM UTC
Oh paraluman