"maatim" poems
Madilim na sulok kung san nagdurugo ang mga palad
Na alala ko pa no'y si Inang ingat na ingat
Mga lamok na dumadapo di ligtas sa kanyang paglilitis
Na di ko na maalala itsura kung anong ipis
Ngunit sa loob ng maliit na kwadro
Sapat ang isang upua't mesa at isang kabayo
Sabit pati ang yabang kong diploma sa taas ng orocan
Lukot na resumé sa aking harapan nagmuka nang basahan
Mas tanggap pa sa trabahong pamunas ng puwitan
Ngunit mas higit pa ba ang munting papel kung nasaan aking larawan?
Bakas ng ilang buwang puyat at thesis na pinaghirapan
Bakit ako tatanggap ng trabahong mababa pa sa aking kakayahan
O maging alila sa mga sinliit rin nila ang pinag-aralan?
Kahapon itlog at pancit canton,
Dala ni nanay noon pang huling dalaw sa aking kahon
Isang buwan nang matapos na ako
Inakalang ito na ang hudyat ng aking pag ahon
Totoong mundong ganito pala ang paghamak at paghamon
Di maatim ng sikmura sila'y yumayabong
Taga UP ako, isang iskolar ng bayang nais maglingkod sa bayan
Taas ng pinag-aralan ko, kung sa ibang bansa, sahod lang ng bayaran?
Inyo na ang thirteenth month pay ninyong tinamuran!
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 11:24 AM UTC
Paalam na muna, sinisintang toyò
Childhood sweetheart kita, karibal ng tuyô
Pero wala sa usapang mayro’ng dugo
ng obrerong sa alat mo’y ihahalo.
Di ko maatim na sa kanin kong puti
Iwiwisik kita, habang may lugami
sa mababang sahod, sa dusa’t pighati
Kapalit ng yaman ng sa ‘yo’y may-ari.
“Bukas na lang kita muling mamahalin”
Kung sakaling katarungan ay dumating
Kontraktwalisasyo’y tila almuranin
Kamandag sa buhay nitong bayan natin.
Translation:
We’re on a cool-off, Soy Sauce
Well, it’s goodbye for now, dear soy sauce brand, unspilled
You’re a childhood sweetheart, rival of dried fish grilled
But unjustly having lowly workers’ blood spilled
It’s not part of the deal, your salty taste concealed
It really is just hard to bear to sprinkle you
on my white rice, while those who toiled to see you through
suffer deeply in wages low, mis’ries undue
amidst the wealth, so huge, of those few who own you
Love you again, oh tomorrow, maybe, I will,
if fortune brings that sweet justice to hands that mill.
Contractualization’s a serpent waiting still
To our dear people’s life, a venom meant to ****
Aug 6, 2018
Aug 6, 2018 at 3:04 AM UTC