Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maalam" poems
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Sa langit salitang kaloob ng langit Sanlang kalayaan nasa ring masapi Katulad ng ibong nasa himpapawid Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian At ang isang tao’y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamanin kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel, Sapagkat ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin. Ang salita nati’y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una.
0
Oct 13, 2014
Oct 13, 2014 at 10:13 AM UTC
Sa Aking mga Kababata
Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang mga butil ng bigas Ay mula sa mga butil ng binhi ng palay Na bago pa man maitundos sa lupa May paghahandang dapat na maisagawa   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang kailangang palipasin Ilang mga araw at linggong magdamag Bago simulan bawat umaga ng pag-aararo Bawat umaga ng pagpapalambot sa lupa   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang pagkatapos ng pagpupunla’y Mahabang takipsilim ng pag-aabang At pagdidilig. Hindi lamang ng tubig, Kundi pati pawis at dugo, higit na pag-ibig   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang may panahon ng paghahasa Ng mga gulok, sundang at karit May panahon ng paghahawan May panahon ng paggapas at pag-aani   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang may aangkin ng lupang kanila Batid nilang may panahon ng paniningil May panahon ng pag-ani ng karapatan May panahon ng pagkapatas   Maalam maghintay ang mga magsasaka Hindi sila nahihimbing sa kanilang paghihintay Mababaw ang tulog, tiyak nila ang oras ng paggising Ang oras ng pagtindig Ang oras ng paghawak ng kanilang mga karit.
0
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 10:39 PM UTC
Maalam Maghintay ang mga Magsasaka
Ang kailangan ko lang naman ay malaman na hindi ako nag iisa Na sa layo ng paglalakad ay nandiyan ka pa Sapat na sa akin ang maging mahalaga Alam kong ilang beses mo nang nabanggit sa ‘kin ‘to Pero nasaan ka na ngayon? Alam kong madalas **** sambitin na nandiyan ka lang Na hinahanap mo rin ako paminsan minsan At akala ko kuntento na ako Hinahagilap ko ang titig mo Natatakot ako Na hindi mo mapansin ang pagkawala ko Ilang beses na rin ako nagpaagos sa alon Ng walang nakapansin ng pagtangay sa ‘kin Sagipin mo ako sa nagbabadyang pagkalunod Hindi na ako magkukunwaring maalam lumangoy Sagipin mo naman ako Naiintindihan ko na hindi lang ako ang iniisip mo Pero sana alam mo na ikaw lang ang kinakapitan ko
0
Jan 18, 2018
Jan 18, 2018 at 8:03 PM UTC
Untitled
Sinong mag-aakala Na doon, tayo ay magkakakilala Una kang masilayan, Wala akong ibang naramdaman Sa gilid ng aking mata Ika’y aking nakikita Halos magkatabi Iisang upuan lamang ang pagitan. Sinong mag-aakala na tayo ay iisa; Iisang Diyos pinaglilingkuran, iisa ang pinaniniwalaan Sabay umawit, nagpuri sa Panginoon Na alam nating tapat mula noon hanggang ngayon. Sinong mag-aakala na sa paglipas ng isang linggo Sa dating lugar, tayo'y muling nagtagpo Walang muwang, mga hakbang ko'y patungo pala sa'yo Labi nati'y ngumiti nang ang mga mata natin ay nagsalubong. Lumipas mga araw, Ika’y akin paring natatanaw Nakasama, nakausap, at higit na nakilala Ikaw ay maalam, Nabigyan ng kakayahan Magsalita, mangusap tungkol sa katotohanan. Sinong mag-aakala na damdamin ko’y makukuha mo Ang aking atensyon ay hindi na maialis sa’yo Sa bawat salitang lumalabas sa bibig mo, Tila ang tinig mo’y nagsisilbing musika sa pandinig ko. Sinong mag-aakala na ika'y gugustuhin ko, Makasama sa tuwina, Galak, tanging nadarama Tunay nga’t ang pinagsamahan ay hindi nasusukat, sa kung gaano na katagal magkakilala. Sinong mag-aakala na hanggang ngayon ikaw pa rin ay kasama ko Sa panahon at oras na minsa'y gipit na gipit na ako Tinuruan, nag-iba ang pagtingin ko sa mundo Naging positibo sa lahat ng aspeto. Sinong mag-aakala na ikaw ay aking makikilala Landas na nagtagpo nang dahil kay Bathala Panahon ay susulitin, hindi mamadaliin Upang sa huli ay hindi tayo mabitin! © LMLB
0
Jul 6, 2018
Jul 6, 2018 at 10:37 PM UTC
Kismet