Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maaayos" poems
Eto nanaman ako nagsusulat ng mga tula, Mga tulang nakakasakit ng damdamin ng iba, Hindi ko alam paano mawala lahat ng sakit, Para sa isang taong magulo lagi ang isip. Paano nga ba? Paano mabura lahat ng pagkakamali? Paano mabago at maulit muli? Paano? Ilan sa mga tanong na hindi ko masagot, Mga tanong na puno ng takot. Tao lang naman ako hindi ba? May damdamin at pwede masaktan tulad ng iba, Ang buong akala ko ay okay na ako, Okay na ako..... Siguro. Pilit kong inayos ang tagpi-tagping nakaraan, Ngunit sila na mismo ang hindi gumawa ng paraan. Pinilit; ngunit hindi na pala— hindi na pala ito maaayos, Umasa at hinangad na lahat ng ito ay matapos.
0
Apr 7, 2017
Apr 7, 2017 at 1:25 PM UTC
WALANG KATAPUSAN
ako'y walang boses, nakakulong at nakagapos angking karuwagan ay pilit ko mang tinatapos wasak na repleksyon ay ‘di na yata maaayos katangi-tanging hiling ay nais mang isatinig nawa'y poong maykapal, ito'y iyong madinig sa nagdaang panahon na binabalot ng lamig ang sariling kapansanan ay tila walang lunas sa aking pagpikit ay iniibig kong kumaripas sa mapait na ilusyon na hindi yata lumilipas
0
Apr 7, 2019
Apr 7, 2019 at 12:19 PM UTC
sa gitna ng dilim
Ala-ala na nga lang ba? Ang makakapagpasaya. Doon na lang ba tayo magkakasama? Doon na lang ba tayo maayos? Di na ba talaga maaayos? Di na ba talaga maibabalik?
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:07 AM UTC
Mga tanong sa aking isipan