Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Glenn Sentes May 2023
Bakit tinuring na pananampalataya ang pagpagal sa luhuran?
Hinaing na tumagos sa kaluluwa't banal hayo't di na natanggal--mantsang nakabaon 'gang hukay.

Dinalangin ang sarap at ginhawa sa kahoy na nakahubad sa kapwa kahoy
Tiningala nga't sinamba
Binalahura nama't minura.

Anu't ano pa'y pumaslang at nanggahasa
Nagnakaw at nagpakasasa
sa salapi at tawag ng laman
Nang mahulog sa bangin ay biglang tinawagan ang minura't binalahura.

Iligtas mo ako.
Lumuhod ka, sabi Niya.
Nakikipagusap ba ako sa patal at mangmang?
Heto nga't sugat na'ng mga kamay sa kapitan lumuhod pa ang sigaw ng Dinakilang Hangal?

Lumuhod ka!
Ilang ulit pang sinugo ng tinig na hindi tanto ang poot sa anak na ang sungay tumubo hanggang likod.

Lumuhod ka.

Lumuhod ka.
Leonoah Apr 2020
Alas sais y medya na ng umaga nang makauwi si Natividad mula sa bahay ng kanyang amo. Pagkababa n’ya ng maliit na bag na laman ang kanyang cellphone at wallet na merong labin-limang libo at iilang barya ay marahan siyang naglakad tungo sa kwartong tinutulugan ng kanyang tatlong anak. Hinawi niya ang berdeng kurtina at sumilip sa kanyang mga anghel.
Babae ang panganay ni Natividad, o di kaya’y Vida. Labindalawang taong gulang na ito at nasa Grade 7 na. Isa sa mga malas na naabutan ng pahirap na K-12 program. Ang gitna naman ay sampung taong gulang na lalaki at mayroong down syndrome. Special child ang tawag nila sa batang tulad nito, pero “abnormal” o “abno” naman ang ipinalayaw ng mga lasinggero sa kanila. Ang bunso naman niya, si bunsoy, ay kakatapak lamang ng Grade 1. Pitong taong gulang na ito at ito ang katangkaran sa mga babae sa klase nito. Sabi ng kapwa niya magulang ay late na raw ang edad nito para sa baiting, pero kapag mahirap ka, mas maigi na ang huli kaysa wala.
Nang makitang nahihimbing pa ang mga ito ay tahimik s’yang tumalikod at naglakad papuntang kusina. Ipagluluto niya ang mga anak ng sopas at adobong manok. May mga natira pa namang sangkap na iilang gulay, gatas, at macaroni na galing pa sa bahay ni Kapitan noong nangatulong siya sa paghahanda para sa piyesta. Bumili rin siya ng kalahating kilo na pakpak ng manok, kalahating kilo pa ulit ng atay ng manok, at limang kilo ng bigas.
Inuna niya ang pagsasaing. Umabot pa ng tatlong gatang ang natitirang bigas nila sa pulang timba ng biskwit kaya ‘yun na lang ang ginamit niya. Pagkatapos ay agad niya rin itong pinalitan ng bagong biling bigas.
De-uling pa ang kalan ni Vida kaya inabot siya ng limang minuto bago nakapagpaapoy. Siniguro niyang malakas ang apoy para madaling masaing. Kakaunti na lang kasi ang oras na natitira.
Habang hinihintay na maluto ang kanin ay dumiretso na sa paghahanda ng mga sangkap si Vida. Siniguro niyang tahimik ang bawat kilos para maiwasang magising ang mga anak. Mas mapapatagal lamang kasi kung sasabay pa ang mga ito sa kanyang pagluluto.
Habang hinahati at pinaparami ang manok ay patingin-tingin s’ya sa labas. Inaabangan ang inaasahan niyang mga bisita.
Mukang magtatagal pa sila ah. Ano na kayang balita? Dito lamang naikot ang isip ni Vida sa tuwing nakikitang medyo normal pa sa labas.
May mga potpot na nagbebenta na pan de sal at monay, mga nanay na labas-masok ng kani-kanilang mga bahay dahil tulad niya ay naghahanda rin ng pagkain, at mga lalaking kauuwi lamang sa trabaho o siguro kaya’y galing sa inuman.
Tulog pa ata ang karamihan ng mga bata. Mabuti naman, walang maingay. Hindi magigising ang tatlo.
Binalikan niya ang sinaing at tiningnan kung pupwede na bang hanguin.
Okay na ito. Dapat ako magmadali talaga.
Dali-dali niyang isinalang ang kaserolang may laman na pinira-pirasong manok.
Habang hinihintay na maluto ang manok ay paunti-unti rin siyang naglilinis. Tahimik pa rin ang bawat kilos. Lampas kalahating oras na siyang nakakauwi at ano mang oras ay baka magising ang mga anak niya o di kaya’y dumating ang mga hinihintay n’ya.
Winalis niya ang buong bahay. Maliit lang naman iyon kaya mabilis lamang siyang natapos. Pagkatapos ay marahan siyang naglakad papasok sa maliit nilang tulugan, kinuha ang lumang backpack ng kanyang panganay at sinilid doon ang ilang damit. Tatlong blouse, dalawang mahabang pambaba at isang short. Dinamihan niya ang panloob dahil alanganin na kakaunti lamang ang dala.
Pagkatapos niyang mag-empake ay itinago niya muna backpack sa ilalim ng lababo. Hinango niya na rin ang manok at agad na pinalitan ng palayok na pamana pa sa kanya. Dahil hinanda niya na kanina sa labas ang lahat ng kakailanganin ay dahan dahan niyang sinara ang pinto para hindi marinig mula sa loob ang ingay ng paggigisa.
Bawat kilos niya ay mabilis, halata **** naghahabol ng oras. Kailangang makatapos agad siya para may makain ang tatlo sa paggising nila.
Nang makatapos sa sopas ay agad niya itong ipinasok at ipinatong sa lamesa. Sinigurong nakalapat ang takip para mainit-init pa sakaling tanghaliin ng gising ang mga anak.
Dali-daling hinugasan ang ginamit na kaserola sa paglalaga at agad ulit itong isinalang sa apoy. Atay ng manok ang binili niya para siguradong mas mabilis maluluto. Magandang ipang-ulam ang adobo dahil ma-sarsa, pwede ring ulit-ulitin ang pag-iinit hanggang maubos.
Habang hinihintay na lumambot na ang mga patatas, nakarinig siya ng mga yabag mula sa likuran.
Nandito na sila. Hindi pa tapos ‘tong adobo.
“Vida.” Narinig niyang tawag sa kanya ng pamilyar na boses ng lalaki. Malapit niyang kaibigan si Tobias. Tata Tobi kung tawagin ng mga anak niya. Madalas niya ditong ihabilin ang tatlo kapag kailangan niyang mag-overnight sa bahay ng amo.
“Tobi. Andito na pala kayo,” nginitian niya pa ang dalawang kasama nitong nasa likuran. Tahimik lang ang mga itong nagmamasid sa kanya.
“Hindi pa tapos ang adobo ko eh. Ilalahok ko pa lang ang atay. Pwedeng upo muna kayo doon sa loob? Saglit na lang naman ‘to.”
Mukhang nag-aalangan pa ang dalawa pero tahimik itong kinausap ni Tobi. Maya-maya ay parang pumayag na rin ito at tahimik na naglakad papasok. Narinig niya pang sinabihan ni Tobi ang mga ito na dahan-dahan lamang dahil natutulog ang mga anak niya. Napangiti na lamang siya rito.
Pagkalahok ng atay at tinakpan niya ang kaserola. Tahimik siyang naglakad papasok habang nararamdaman ang pagmamasid sa kanya. Tumungo siya sa lababo at kinuha ang backpack.
Lumapit siya sa mga panauhin at tahimik na dinaluhan ang mga ito tapos ay sabay-sabay nilang pinanood ang usok galing sa adobong atay.
“M-ma’am.” Rinig niyang tawag sa kanya ng kasama ni Tobias. Corazon ang nakaburdang apelyido sa plantsadong uniporme. Mukhang bata pa ito at baguhan.
“Naku, ser. ‘Wag na po ganoon ang itawag niyo sa akin. Alam niyo naman na kung sino ako.” Maraan niyang sabi dito, nahihiya.
“Vida. Pwede ka namang tumanggi.” Si Tobias talaga.
“Tobi naman. Parang hindi ka pamilyar. Tabingi ang tatsulok, Tobias. Alam mo iyan.” Iniiwasan niyang salubungin ang mga mata ni Tobias. Nararamdaman niya kasi ang paninitig nito. Tumatagos. Damang-dama niya sa bawat himaymay ng katawan niya at baka saglit lamang na pagtingin dito ay umiyak na siya.
Kanina niya pa nilulunok ang umaalsang hagulhol dail ayaw niyang magising ang mga anak.
“Vida…” marahang tawag sa kanya ng isa pang kasama ni Tobi. Mukhang mas matanda ito sa Corazon pero halatang mas matanda pa rin ang kaibigan niya.
“Ano ba talaga ang nangyari?”
“Ser…Abit,” mabagal niyang basa sa apelyido nito.
“Ngayon lang po ako nanindigan para sa sarili ko.” garalgal ang boses niya. Nararamdaman niya na ang umaahon na luha.
“Isang beses ko lang po naramdaman na tao ako, ser. At ngayon po iyon. Nakakapangsisi na sa ganitong paraan ko lang nabawi ang pagkatao ko, pero ang mahalaga po ay ang mga anak ko. Mahalaga po sila sa’kin, ser.” mahina lamang ang pagkakasabi niya, sapat na para magkarinigan silang apat.
“Kung mahalaga sila, bakit mo ginawa ‘yon? Vida, bakit ka pumatay?”
Sasagot n asana siya ng marinig niyang kumaluskos ang banig mula sa kuwarto. Lumabas doon ang panganay niyang pupungas-pungas pa. dagli niya itong pinalapit at pinaupo sa kinauupuan niya. Lumuhod siya sa harap nito para magpantay sila.
“Anak. Good morning. Kamusta ang tulog mo?”
“Good morning din, nay. Sino po sila? ‘Ta Tobi?”
“Kaibigan sila ni ‘Ta Tobias, be. Hinihintay nila ako kasi may pupuntahan kami eh.” marahan niyang paliwanag, tinatantya ang bawat salita dahil bagong gising lamang ang anak.
“Saan, nay? May handaan po uli sina ser?” tukoy nito sa mga dati niyang amo.
“Basta ‘nak. Kunin mo muna yung bag ko doon sa lamesa, dali. Kunin ko yung ulam natin mamaya. Masarap yun, be.”
Agad naman itong sumunod habang kinukuha niya na rin ang bagong luto na adobo. Pagkapatong sa lamesa ng ulam ay nilapitan niya ulit ang anak na tinitingnan-tingnan ang tahimik na mga  kasama ni Tobias.
“Be…” tawag niya rito.
Pagkalingon nito sa kanya ay hinawakan niya ang mga kamay nito. Nagsisikip na ang lalamunan niya. Nag-iinit na rin ang mga mata niya at nahihirapan na sa pagbuga ng hangin.
“Be, wala na sina ser. Wala na sila, hindi na nila tayo magugulo.” ngiti niya rito. Namilog naman ang mga mata nito. Halata **** natuwa sa narinig.
“Tahimik na tayo, nay? Hindi na nila kakalampagin ang pinto natin sa gabi?”
“Hindi na siguro, anak. Makakatulog na kayo ng dire-diretso, pangako.” Sinapo niya ang mukha nito tapos ay matunog na hinalikan sa pisngi at noo. ‘Eto na ang matagal niyang pinapangarap na buhay para sa mga anak. Tahimik. Simple. Walang gulo.
“Kaso, ‘nak, kailangan kong sumama sa kanila.” Turo niya kayna Tobias. Nanonood lamang ito sa kanila. Hawak na rin ni Tobi ang backpack niya.
“May ginawa kasi si nanay, be. Para diretso na ang tulog natin at para di na tayo guluhin nina ser. Pramis ko naman sa’yo be, magsasama ulit tayo. Pangako. Bilangin mo ang tulog na hindi tayo magkakasama. Tapos pagbalik ko, hihigitan ko pa ‘yon ng maraming maraming tulog na magkakasama na tayo.”
“Nay…” nagtataka na ang itsura ng anak niya. Namumula na kasi ang mukha niya panigurado. Kakapigil na humagulhol dahil ayaw niyang magising ang dalawa pang anak.
“Anak parang ano lang ito…abroad. Diba may kaklase kang nasa abroad ang nanay? Doon din ako, be.”
Bigla ay nagtubig ang mga mata ng panganay niya. Malalaking butil ng tubig. Hindi niya alam kung naniniwala pa ba ito sa mga sinasabi niya, o kung naiintindihan na nito ang mga nangyayari.
“Itong bag ko, andiyan yung wallet at telepono ko. Diba matagal mo nang gusto magkaroon ng ganon, be? Iyo na ‘yan, basta dapat iingatan mo ha. Yung pera be, kay Tata Tobias mo ihahabilin. Habang nagtatrabaho ako, kay ‘Ta Tobi muna kayo.”
“Nay, hindi ka naman magtatrabaho eh.” Lumabi ang anak niya tapos ay tuluyan nang nalaglag ang luha.
Tinawanan niya naman ito. “Sira, magtatrabaho ako. Basta intayin mo ‘ko be ha? Kayo nina bunsoy ko, ha?” Hindi niya napigilang lambing-lambingin ito na parang batang munti. Kailangan ay sulitin niya ang pagkakataon.
Paulit-ulit niya itong dinampian ng maliliit na halik sa mukha, wala na siyang pakealam kung malasahan niya ang alat ng luha nito. Kailangan ay masulit niya ang natitirang oras.
“Nay, sama po ako. Sama kami ni bunsoy. Tahimik lang kami lagi, pramis, nay. Parang kapag andito si ser, hindi naman kami gugulo doon.” Tuluyan na ngang umalpas ang hikbi niya. Naalala niyang muli ang rason kung ba’t n’ya ito ginagawa. Para sa tahimik na buhay ng mga anak.
“Sus, maniwala sa’yo, be. Basta hintayin mo si nay. ‘Lika ***** tayo doon sa kwarto, magbabye ako kayna bunsoy.” Yakag niya rito. Sumama naman ito sa kanya habang nakayakap sa baywang niya. Humihikbi-hikbi pa rin ito habang naagos ang luha.
Tahimik niyang nilapitan ang dalawa. Kinumutan niyang muli ang mga ito at kinintalan ng masusuyong halik sa mga noo. Bata pa ang mga anak niya. Marami pa silang magagawa. Malayo pa ang mararating nila. Hindi tulad ng mga magulang nila, ‘yun ang sisiguraduhin niya. Hindi ito mapapatulad sa kanila ng mister niya.
“Be, dito ka na lang ha. Alis na si nanay. Alagaan mo sina bunsoy, be, ha. Pati sarili mo. Ang iskul mo anak, kahit hindi ka manguna, ayos lang kay nanay. Hindi naman ako magagalit. Basta gagalingan mo hangga’t kaya mo ha. Mahal kita, be. Kayong tatlo. Mahal na mahal namin kayo.” Mahigpit niya itong niyakap habang paiyak na binubulong ang mga habilin. Wala na ring tigil ang pag-iyak niya kaya agad na siyang tumayo. Baka magising pa ang dalawa.
Nakita niya namang nakaabang sa pinto si Tobi bitbit ang bag niya. Kinuha niya rito ang bag at sinabihang ito na ang bahala sa mga anak. Baog si Tobias at iniwan na ng asawa. Sumama raw sa ibang lalaking mas mayaman pa rito. Kagawad si Tobias sa lugar nila kaya sigurado siyang hindi magugutom ang mga anak niya rito. May tiwala siyang mamahalin ni Tobias na parang sarili nitong mga anak ang tatlo dahil matagal niya na itong nasaksihan.
Pagsakay sa sasakyan kasama ang dalawang pulis na kasama ni Tobias ay saka lamang siya pinosasan ng lalaking may burdang Corazon.
“Kilala namang sindikato yung napatay mo, ma’am. Kulang lamang kami sa ebidensya dahil malakas ang kapit sa taas. Kung sana…sana ay hindi ka nag-iwan ng sulat.”
“Nabuhay ang mga anak kong may duwag na ina, ser. Ayokong lumaki pa sila sa puder ng isang taong walang paninindigan. Pinatay niya na ang asawa ko. Dapat ay sapat na ‘yon na bayad sa utang namin, diba?” kung kanina ay halo humagulhol siya sa harap ng mga anak, ngayon ay walang emosyong mahahamig sa boses niya. Nakatingin lamang siya sa labas at tinititigan ang mga napapatingin sa dumadaang sasakyan ng pulis.
Kung sana ay hindi tinulungan ng mga nakatataas ang amo niya. Kung sana ay nakakalap ng sapat na mga ebidensya ang mga pulis na ngayon ay kasama niya. Kung sana ay may naipambayad sila sa inutang ng asawa niya para pambayad sa panganganak niya.
Kung hindi siguro siya mahirap, baka wala siya rito.
unedited
Gwen Pimentel Aug 2014
Nakakapagod gumising sa umaga.
Maliligo, magbibihis, magpapakain ng aso
Pagkatapos ay papasok sa eskwelahan

Nakakapagod pumasok sa eskwelahan.
Paulit ulit ang ginagawa
Nakatunganga sa pisara buong araw
Pinoproblema na ang takdang aralin na gagawin mamaya.

Nakakapagod gumawa ng takdang aralin.
Lalo na pag nagsabay sabay ang mga ****
Nagkahalohalo na ang mga presentasyon
Hindi alam ang gagawin

Nakakapagod ang buhay ko
Alam ko bata pa lang ako, at ang mga problema ko
ay tila maliit lamang sa mata ng nakatatanda
Pero para sa akin, ito ay mahirap

Halos wala ng oras para sa sarili
Galing sa eskwela, darating sa bahay ng gabi
Maglilinis ng bahay, pagkatapos any gagawa ng takdang aralin
Matutulog, ng pagod na pagod na pagod.

Sa gitna ng kaguluhan Nakita ko si Hesus
Tumigil ako, lumuhod, at nanalangin
Pagkatapos ay tila nawala ang hirap ko
Para bang lahat ng dinadala ko ay inangat mula sa akin
Sabi ko "Hesus, ikaw talaga ang number one sa buhay ko!"
At napagtanto na kailanman, hinding hindi ko kakapaguran Ang Diyos.
English translation to follow. In line with Buwan ng Wika of the Philippines. Mahal ko ang aking wika.
Mahal kita ngunit pagkakatao'y naiwala
Pagsinta sa iyo lamang ay isasatula
Pag ibig ko sayo'y di na maipadarama
Mainit na yakap mo'y di na     makikilala

Haplos at pagmamahal mo'y di mararanasan
Pagsintang laan sayo'y di nabawasan
Kalinga mo'y siyang hinahanap
"Tayo" na hindi naganap

Sana, Kung sana Lang nagawang makilala ka nang mas maaga
May pagsisdlan ba pantasya Kong pariwala?
Pangarap na sing layo ng mga tala?

Pag asang nilamon ng duda
Pag aming di inakala
Parehong dinarama
Pagsintang walang angkla

Ngunit hanggang saan nga ba
Pagtula't pagtitig sayo mula sa malayo
Mga barumbadong pahayag mo'y totoo sa inakala
Pangarap na kelanma'y di na lalago

Sana nga'y totoo
Sa Diyos ay nagsumamo
Ngunit huli na ang lahat
Pagpasok mo sa seminaryo ba'y dapat?

Ano nga ba't sa huli'y kung tayo rin
Lumuhod man ang mga tala sa munggo't asin
Landas nati'y muli ring magtatagpo
Kapalaran man sa ati'y makipaglaro
JOJO C PINCA Nov 2017
“Real generosity towards the future lies in giving all to the present.”
― Albert Camus

Kung gusto may paraan, kung ayaw laging may dahilan. Pero may mga taong sadyang mahina kaya’t nahihirapan makahabol. May mga naghahabol naman na hindi talaga umaabot. Kahit anong gawin walang nasasambot, parang bunga na laging bubot at mukhang hindi na mahihinog. Hindi mo kailangan na maging alipin ng sistema kung ito ay iyong isinusuka. Kumawala ka at maging palaboy kung kinakailangan. Ibinabaon ka ng mga sama ng loob at ng matinding awa sa sarili. Hindi dapat maging ganito ang buhay.

Dalawang taon nang pagtitiis, dalawang taon na puro hinagpis at dalawang taon na panay tanggap ng mga galit at paninisi. Tama na, ito na ang panahon para wakasan ang lahat. Sapat na ang mga pagpapakumbaba at pagsasawalang kibo. Hindi ka aso, tao ka tandaan mo yan. ‘Hwag mo’ng ipilit kung hindi naman talaga sukat dahil kahit anong pilit hindi ito babakat. Maging karapt-dapat ka sa paggalang na dapat ibigay mo sa’yong sarili. Tama lang yan magpahinga kana.

Ang mundo ay de-kahon hindi kapa isinisilang ganito na ito, wala ka nang magagawa para baguhin ito. Pero ‘pwede kang kumawala, maging rebelde at lagalag. Oo, maghimagsik ka laban sa mapang-dusta na sistemang umiiral. Patunayan sa kanila na kaya mo’ng mabuhay sa labas ng sapot na bumabalot. Hindi ka balut kundi tao kaya hindi ka dapat na matakot kahit naglipana pa ang mga salot. Hindi ka dapat na lumuhod at magmaka-awa sa mga taong umaastang panginoon.

May mga nag-di-diyos-diyosan na mga kupal na nasa lipunan na ang paboritong tapakan ay ang mga mahihina at hampas-lupa na tulad mo; mga putang-ina sila na walang alam gawin kundi ang mang-api ng mga taong kapos sa dunong at pinag-aralan. Ganito ang sistema ng lipunan, ganito kabaho ang mundo na pinatatakbo nang mga walanghiyang tao na kung umasta ay aakalain mo’ng mga kagalang-galang. Mga hindot sila na walang pakundangan sa damdamin ng iba maitanghal lamang nila ang huwad na kadakilaan ng kanilang nabubulok na mga sarili.

Tama lang ang ginawa mo, tama lang na kumalas ka sa naaagnas na sistema na nagkukubli sa loob ng mga magagarang opisina. Tama yan, itakwil mo ang mga panlalait na pinakikinis nang mga salitang Inglis na inilalagay sa mga dokumento. Panahon na para maging totoo ka sa iyong sariling damdamin at pagkatao. Binabati kita dahil sa wakas nagpasya ka ng may katapangan – sana noon mo pa ito ginawa. Ako na ang sasalo sa natitira mo’ng kalat, ako na ang haharap sa mga halimaw na iyong tinakasan.
Para kay Rey
Bryant Arinos Aug 2017
Tapos na ang paghihintay kasi ngayon malinaw na.
Simula't sapul, lahat ay isang napakasayang ilusyon lang pala.
Isang kulungan sa isip kong nagsasabing "ang saya-saya naman dito. Dito nalang ako"
Dito kung saan lahat ng nakikita ko ay puno ng ilusyon galing sa pag-aakalang totoo ang pagmamahal mo.

Tapos na pala ang lahat dulot ng maling pagkapit na mayroon sayong pag-asa.
Sarap ng bawat lambing, titig at yakap mo sa tuwing tayo'y masaya at magkasama.
Ihip ng hangi'y kay lakas, kayang dalhin ang lahat ng mayroon ako, pati ikaw na mahal ko nga, biglang naglaho.
Mga ngiti nating dal'wa sa mga lumang litrato halos di maipinta, kelan kaya tayo ulit ngingiti ng magkasama?

Tapos na pala kasi may iba na pala, ibang nagpapangiti at ibang kasama sa pagbuo ng mga pangarap nating dal'wa.
Halos sabihin ko na "sana ako nalang siya" para kahit sa panaginip masabi kong "akin ka pa"
Oo sana lang talaga ako nalang ang una at huling sasabihan mo ng mahal kita.
Pero mukhang mapapagod nanaman ako sa kahihintay dahil sa kasabihang "araw-araw may pag-asa"

Tapos na rin pala pati ang pagiging bayani ko sa digmaang kinabibilangan ko.
Ano pa bang sandata ang gagamitin ko? Lahat naman kasi nagamit ko na pero sa huli ako pa rin ang talo.
Pero ano bang sikreto niya? Wala namang siyang dalang espada pero sa puso mo ang panalo ay laging siya.
Panahon na nga siguro para itaas ang puting tuwalya, simbolo ng pagtanggap na ako'y talo na.

Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit lumuhod pa'y wala pa ring kwenta.
Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit yumaman pa ako di ko mabibili ang ligayang dulot niya.
Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, mamahalin nakang kita ngayong gabi tapos paalam na.
At ngayon lahat ay tanggap ko na, na tapos na ang lahat dahil ang napili mo ay siya.
Buggoals Aug 2015
Habang ako'y naka tayo, ika'y naka upo.
Hindi mo ba napansing sayo'y nakayuko?
Hindi mo na nga pala ako kayang tingalain.
Hindi mo na nga pala ako kayang mahalin.

Kaya pala hindi na kayang pansinin,
Sa iba ka na pala nakatingin.
Tang ina, daig ko pa lumuhod sa asin.
Ang sakit sa damdamin.
Glenda Lee Sep 2017
Masama ba talagang magmahal ng sobra-sobra?
Yung tipong lahat ng oras mo ibinibigay mo na sa kanya
Yung tipong pati buhay mo ibubuwis makita mo lang sya

Masama ba talagang magmahal ng sobra-sobra?
Yung tipong nagbubulag-bulagan kana kahit alam
mo'ng ginagago ka na niya
Yung tipong nagbibingibingihan kana kahit alam **** wala nang sagot na "Oo mahal din kita"

Masama ba talagang magmahal ng sobra-sobra?
Yung tipong kahit ang sakit-sakit na pero pilit mo paring iniinda kasi tumitibok ang puso mo hindi para sa iba
kundi para lang sa  kanya
Yung tipong halos lumuhod kana sa harap niya
huwag lang syang lumayo sayo at humanap ng iba

Masama ba talagang magmahal ng sobra-sobra?
Yung sobrang-sobra na pero parang kulang pa
Yung sobrang-sobra na pero iniwan ka parin niya
Yung sobrang-sobra na pero pinagpalit ka parin sa iba
Yung sobrang-sobra na pero heto ka ngayon kasama ng mga luha mo dahil nga nagmahal ka ng SOBRA-SOBRA
Euphrosyne Feb 2020
Tapos na ang paghihintay kasi ngayon malinaw na.
Simula't sapul, lahat ay isang napakasayang ilusyon lang pala.
Isang kulungan sa isip kong nagsasabing "ang saya-saya naman dito. Dito nalang ako"
Dito kung saan lahat ng nakikita ko ay puno ng ilusyon galing sa pag-aakalang totoo ang pagmamahal mo.

Tapos na pala ang lahat dulot ng maling pagkapit na mayroon sayong pag-asa.
Sarap ng bawat lambing, titig at yakap mo sa tuwing tayo'y masaya at magkasama.
Ihip ng hangi'y kay lakas, kayang dalhin ang lahat ng mayroon ako, pati ikaw na mahal ko nga, biglang naglaho.
Mga ngiti nating dal'wa sa mga lumang litrato halos di maipinta, kelan kaya tayo ulit ngingiti ng magkasama?

Tapos na pala kasi may iba na pala, ibang nagpapangiti at ibang kasama sa pagbuo ng mga pangarap nating dal'wa.
Halos sabihin ko na "sana ako nalang siya" para kahit sa panaginip masabi kong "akin ka pa"
Oo sana lang talaga ako nalang ang una at huling sasabihan mo ng mahal kita.
Pero mukhang mapapagod nanaman ako sa kahihintay dahil sa kasabihang "araw-araw may pag-asa"

Tapos na rin pala pati ang pagiging bayani ko sa digmaang kinabibilangan ko.
Ano pa bang sandata ang gagamitin ko? Lahat naman kasi nagamit ko na pero sa huli ako pa rin ang talo.
Pero ano bang sikreto niya? Wala namang siyang dalang espada pero sa puso mo ang panalo ay laging siya.
Panahon na nga siguro para itaas ang puting tuwalya, simbolo ng pagtanggap na ako'y talo na.

Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit lumuhod pa'y wala pa ring kwenta.
Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit yumaman pa ako di ko mabibili ang ligayang dulot niya.
Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, mamahalin nakang kita ngayong gabi tapos paalam na.
At ngayon lahat ay tanggap ko na, na tapos na ang lahat dahil ang napili mo ay siya.
yndnmncnll Aug 2023
Alam kong hindi ang pangalan ko
Ang unang tatawagin mo
Ang unang bibigkasin mo
Ang maaalala mo

Alam kong hindi ang pangalan ko
Ang unang papasok sa isip mo
Ang unang maiisip mo
Sa tuwing naririnig mo ito

Alam kong hindi rin ang pangalan ko
Ang lagi **** bukambibig sa mga kaibigan mo
Hindi rin ako ang laman ng mga kwento mo
Ang una **** matakbuhan sa tuwing may problema ka

Mas lalong hindi ako ang hanap-hanap ng mga mata mo
Ang kinabbabaliwan mo
Ang magiging kabiyak mo sa tamang panahon
Hindi lang ako naglakas ng loob na sabihin sa iyo noon

Ang una **** tatawagan sa tuwing nag-iisa ka
Alam kong hindi ang text o tawag ko ang una **** sasagutin
Hindi rin ito ang laging inaabangan mo
Alam kong kung paano mo ako tingnan ay iba

Iba kung paano mo siya tingnan
Iba kung paano mo siya mahalin
Kung paano mo siya alagaan
Alam kong hindi ako ang mundo mo

Ang unang iikot at tatakbo sa isipan mo araw-araw
Alam kong hindi ako ang iniisip mo araw-araw
Alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa akin
Alam kong parang kapatid lang ang pagtrato mo sa akin

Alam kong hindi ang kamay ko ang unang hahawakan mo
Alam kong hindi ako ang unang lalapitan mo
At unang hahanapin mo pagkadilat ng mga mata mo
Alam kong hindi ako ang unang yayakapin mo

Alam kong hindi ako ang unang liligawan mo
Alam kong hindi ako, Oo
Noong una pa lang alam ko na
Na hindi ako ang tinitibok ng puso mo

Ang iyong unang sinisinta
Alam ko noong una pa lang
Tinatak ko na sa isipan ko
Na wala akong puwang ni minsan man diyan sa puso mo

Alam kong ang bawat pagtingin mo sa akin
Ay iba sa kung paano mo siya tingnan
Kung paano mo siya kausapin
Kung paano ka magmalasakit sa kanya

Kung paano mo siya tratuhin
Ni minsan hindi ko inisip o hiniling
Na ibalik mo sa akin ang pagmamahal na ipinaramdam ko sa'yo
Ni minsan hindi ako nagdalawang isip na katukin yang puso mo

Baka sakali lang matanggap at mahalin mo rin ako
Baka sakali maisip mo rin na bigyan ako ng pagkakataon
Ni minsan hindi ako humingi ng kahit anong kapalit
Ni minsan hindi ko inisip na habulin ka

Na lumuhod sa harap mo at magmakaawa
Dasal lang ang kakampi ko
Na sana huwag kang magmahal ng iba
Na sana walang ibang naghihintay sa’yo

Na sana ako na lang ang mamahalin mo
Na sana dinggin na ng Panginoon ang hiling ko
Alam ko na hindi ako ang gusto mo
Noong una pa lang alam ko na

Kahit hindi mo sabihin
Ramdam ko naman
Ang mga panlalamig na trato mo sa akin
Ang pagbabalewala mo sa akin

Alam kong kahit kailan wala akong laban sa kanya
Kahit kailan hindi kita magawang pilitin
Ayaw kong ipilit sa iyo na ako ang piliin
Dahil alam kong siya ang gusto mo

Alam kong hindi para sa akin ang mga ngiti mo
Alam kong hindi ako ang gustong makausap mo
Alam kong hindi ako ang gusto **** makasama
Ang gusto **** makita kang tumawa.

Kahit kailan hindi ako magiging siya
Kahit kailan hindi ko kayang palitan siya
Diyan sa puso mo
Kahit kailan hindi ko magawang turuan ang puso mo

Na ako ang mahalin mo
Na ako ang pipiliin mo
Kahit kailan hindi ako ang nakikita mo
Sa tuwing magkasama tayo

Hiniling mo na sana siya na lang ang kasama mo
Na sana siya na lang ang nakausap mo
At ang nakakaintindi at nakikinig sa’yo
Kailanman magkaiba kami

At kahit bali-baliktarin man natin ang mundo
Kahit ikumpara mo man ako
Hindi siya magiging ako
At hindi rin ako magiging siya.
Enero Apr 25
Inakyat ko ang kabundukang Kordilyera,
kung saan
mataas at matayog
ang mga sanga’t puno

bawat hakbang ko sa paisahe
ay mabigat pagkat
malumanay,
sa sindak sa panganib
ng paghulog
at pagpalya

walang polusyon dito ng mga sasakyan,
ni init ng mga nagtataasang gusali

sa lupaing ito,
hinarap ko ang mga anito
ng aking mga
pangangamba

ako'y lumuhod,
nag-alay ng dasal
para sa aking mga hinarap
at haharapin pa

kasabay sa indayog ng tinik
na tumatarak sa aking dibdib,
sa tibok ng aking puso
ang pagkalas ng aking mga dinadala

ako'y muling umakyat;
lumipad,
sa kabundukang Kordilerya

at bumaba akong
mas mataas
at mas matayog
sa mga sanga’t puno
Enero May 25
Inakyat ko ang kabundukang Kordilyera,
kung saan
mataas at matayog
ang mga puno

bawat hakbang ko sa paisahe
ay mabigat ‘pagkat
malumanay.
sa sindak sa panganib
ng paghulog
at pagpalya

walang polusyon dito ng mga sasakyan,
ni init ng mga nagtataasang gusali

sa lupaing ito,
hinarap ko ang mga anito
ng aking mga
pangangamba

ako'y lumuhod,
nag-alay ng dasal
para sa aking mga hinarap
at haharapin pa

kasabay sa indayog ng tinik
na tumatarak sa aking dibdib,
sa tibok ng aking puso
ang pagkalas ng aking mga dinadala

ako'y muling umakyat;
lumipad,
sa kabundukang Kordilyera

at bumaba akong
mas mataas
at mas matayog
sa mga puno

— The End —