Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lintik" poems
~Entry #1 12.02.14 Akala ko madali lang ang lahat. Ang yabang ko pa.. sabi ko mai-inlove din saken to. pero mali pala.. ako yung na-inlove eh. Ang sakit pala, kasi ginawa ko na lahat ng kaya ko, lahat ng paraan para lang abutin siya, tulungan siya, kasi naiintindihan ko siya.. sobra. Pero ang sakit pala kapag ikaw lang yung lumalaban. ikaw lang yung naghahangad ng happy ending, kasi sa dulo walang ganun, walang happy ending.. kasi nde pa siya maka move on. ang masaklap pa nito .. matatanggap ko pa sana kung yung mga umaaligid na babae kasi madali naman sila paalisin, pero yung kalabanin mo yung bababeng minahal niya ng sobra bago ka dumating.. nde ko kaya. ang sakit pala. ang tanga ko kasi nde ko kayang magalit sa kanya, kasi hanggang ngayon naiintindihan ko pa din siya. lintik na one sided to oh. nde ko alam na ganito pala kasakit ang mag mahal ng isang taong nde sayo.. let me rephrase that. taong nde magiging sayo akala ko. yang word na yan, madaming namamatay diyan . isa na ako dun, naniwala ako sa sarili ko na magiging okay ang lahat sa amin. pero nde pala.. ibang iba sa reality, kainis kasi eh napaka hopeless romantic ko kaya ayan kahit imposible sumugal.. pero nakita ko na kasi na ganito mangyayari eh, nasa isip ko. "nde naman siguro ganon, kasi kahit papaano mahalaga na ako sa kanya, malay mo naman diba? mai-nlove" Assuming din kasi ako, kasalanan ko din.. sa simula pa lang naman kasalanan ko na. Sinubukan ko kasi gusto ko siya eh. gustong gusto. pero eto pa din ako, naghihintay, umaasa pa din ako kahit pinaliwanag niya na sa akin na nde pwede. nakakulong kasi siya sa regret at pain in the past. sabi niya gusto niya lang daw ako "protektahan" lintek na. Nasasaktan na ako eh. sobrang sakit. welcome to SMP menma.
0
Dec 2, 2014
Dec 2, 2014 at 7:02 AM UTC
Menma's Song

Continue reading...
23
Habang ako'y lumalaki isang aral ang tumatak sa akin "Give your 101% sa lahat ng 'yong gagawin" Kaya sa bawat aktibidad ay binuhos ko ang lahat ng aking makakaya, Pati na rin sa pag-ibig ako'y nagmahal ng sobrang sobra. "Too much of something is bad" Yun nga ang sabi nila, Pero bat 'di 'to nanatili sa utak ko? Ganon ba 'ko nabulag sa pag-ngiti mo? Ano ba hinahabol ko dito,Kilig o saya? Bakit ang tanga tanga ko? Nung naghiwalay tayo'y pinangako ko sayo hihintayin ko ang araw na pwede kitang makasama, Pero bakit kita pinaasa? Naghanap ako ng iba at binalewala ang pangakong ginawa. At sa huli ako pa ang umiiyak, ako pa umaasa. Kung minahal nga kita ng sobra, ba't ko ginawa yun sayo? Sabi ako ng sabi sa iba " pre minahal ko siya ng sobra", pero totoo ba? Puro kasinungalingan lang ata laman ng lintik na bibig na to. May kahulugan ba ang "I love you" na sinasabi ko sa iyo? Bakit ang tanga tanga ko? Bakit ba ako gan'to? Pasensya na lang...Yun lang ang kaya kong sabihin na hindi kita niloloko. Malinaw na malinaw ang aking mga kamalian. Mas mabuti nga na di ako ang yong nakatuluyan. Sana makahanap ka ng iba na magiging totoo sayo...
0
Feb 16, 2020
Feb 16, 2020 at 10:20 AM UTC
Bakit ang tanga tanga ko?
Nagtatanong ako kung bakit di ko mailarawan Lahat ng naglalaro sa'king isipan Na kailangan pa umaano bigyan ng isang kwadro Sa inyong mga tamad na isipan At trabaho ko pang sa inyo'y isubo ang matigas na katotohanan Na para saaki'y isang malaking katangahan At ginagamit lamang ng maraming nais magpasikat upang tumaba ang kapalaluan sa kani-kanilang tiyan At kumain ng papuri na siyang lalamunin pang kape lang at pambili ng tinta ng bolpen o ng papel man 'yan At ano pa ang sining kung wala ka nang mapiga sa utak **** kinain ng uod ang laman Lumuluha ka ng dugo para sila'y mamangha; mga burgis na magpopondo sa iyong katha Na ano? Kasabay mo lang rin pumasok sa pamantasan bilang dukha Pero ibang iba na mga mukhang inalisan na ng pasakit ng pag-iisip Kung ano na ang para kinabukasan o kung meron pa nga namang daratnang liwanag O kung bukas ay ang kadiliman naman Saan ka pupulutin lintik kang di naging gahaman na piniling 'wag magpakayaman sa mumunti **** naisin na pagnanasa ng 'yong katawan? Pinili **** sundin ang tawag ng 'yong laman, ang tawag ng uhaw na kalooban Ano nga ba ang silbi ng pagpapakain sa kanila ng iyong isipan kung maari namang ito'y bigyan mo ng isang kasangkapan o kaya ito'y laktawan Ng kahit anong katanungan at pagpagin ang natutulog nilang kulot na taba mula sa pang-aalipin ng katamaran?
0
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 11:05 AM UTC
Kwadro
KULAM Sa ilalim ng langit Takipsilim ay naglulundo sa katapusan Kung saan ang langit lumulutang sa dagat At ang buwan ay unti-unting nanalamin Ang dulo ng punyal Sa punyos ay ikukudlit Ang patak ng dugo Ay magkukulay, sa bawat salitang isasambit Mangyayari ang dinadasal Ang bulong ay ang nakakabinging lintik Na maguguhit sa kalangitan Ngunit hindi uulan Lupa'y mabibiyak Manginginig ang mga bato Naniningas na sulat Katagang itinuturing katotohanan Katuparan ang bawat letra Ang kahulugan nito'y hindi malulupi Lahat ay makapangyarihan Kahit nakakubli man sa kadiliman Isang hiwagang bumabalot Sa sandaling hiram Sa sugat ay kukuha ng lakas na maglulupig sa liwanag
0
Jun 19, 2019
Jun 19, 2019 at 8:22 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #69