"liligaya" poems
Isang republika na gawa sa pangarap,
Pangarap na walang kasing sarap,
Pangulo na karapatdapat sana'y mahanap,
Upang pangangarap ay makita kahit isang sulyap.
Pero pano natin ito magagawa kung tayo'y nakakulong,
Ang nakaraan na kinulong tayo sa isang selyadong kabaong,
Na hanngang ngayo'y tayo'y nakalibing,
Dahil produktong banyaga'y ating laging hinihiling,
May pag-asa pa ba tayong lumaya?
May pag-asa pa ba tayong umiwas sa hiya?
Kung lagi tayong kumokopya,
Kailan pa ba tayo tunay na liligaya?
Tama nga ang sinabi ni heneral Luna na "hindi natin kalaban ang amerikano o ang espanyol dahil ang tunay nating kalaban ay sarili natin",
Paano tayo tatayo sa sarili nating paa kung tayo'y nagpapaalipin,
Ang sugat ng kolonisayon ay ating gamutin,
Wag hayaang tayo'y lamunin.
Produktong pilipino'y mahalin,
Hindi ang produkto ng banyaga ang tangkilikin,
Sariling wika ang aralin,
Hindi ang wikang tayo'y paiiyakin.
Pero ang mga hiling ko'y napakahirap makamit,
Dahil tayo'y isa paring yagit,
At nagpapagamit,
At masasabi kung tayong mga pilipino ay punit.
Nov 7, 2018
Nov 7, 2018 at 3:52 AM UTC
Kumusta aking kaibigan
Na siya kong napagsasabihan
Ng mga bagay na iniingatan
At itinatago sa karamihan
Ako'y may mensahe kaibigan
Ako'y mayroong naiibigan
Handa ka na bang malaman
Siya ay ang aking kaibigan
Tibok ng puso'y pinipigilan
Ng isip na nangangatuwiran
Damdamin ba'y ipagliliban
Sa takot na siya ay lumisan
Dapat pa nga bang malaman
Kung makasasakit ng kaibigan
Itatago na lang sa isipan
At manatili na lang na kaibigan
Alam ko'ng hindi makatuwiran
Sana'y wala ka pang naiibigan
Damdamin sayo lamang nakalaan
At sa isip ikaw ang pinagsisigawan
Ngunit handa ka'ng pakawalan
Kung sino man sayo'y nakalaan
At pangako hindi ako masasaktan
Kung liligaya ka naman
JGA
Mar 26, 2020
Mar 26, 2020 at 7:01 PM UTC
hindi kita minahal
at sana'y 'wag **** paniwalaang
kahit minsan ma'y iniisip pa rin kita;
nanaisin pang iwanan ka't limutin ang nakaraan
samakatuwid hindi ko
gugunitain ang mayroon tayo noon
nais ko lamang na lisanin na ang mundo
ngayong wala ka na,
ako ay liligaya na ng kasintulad ng dati
papa'no pa ba kaya
mababatid mo'ng lahat ng ito
kung sa ngayong nakatago pa ang mga luha sa'yong mga mata
ngunit paalam na lang ba ang s'yang bukambibig upang
makalimutan ang iyong mga ngiti
na hindi ko
hangad na mahagkan ka sa t'wina
(ngunit ang totoo, basahin mo mula sa ibaba)
Oct 19, 2011
Oct 19, 2011 at 5:44 AM UTC
Para lang nagbabalat ng sibuyas
ang istorya ng pag-ibig.
Sa simula...
Ng nasa mga kamay mo pa lang ito'y
may gana ka pang tumawa,
Hanggang sa inilagay mo na
sa isang sangkalan...
('chopping board' na nga lang, para mas maintindihan)
At nang binalatan mo'y
bigla ka na lang umiyak
at tumulo ang iyong mga luha
(sa sahig, alangan naman sa balkonahe!)
Pagkatapos nama'y nakatawa na ulit,
ngunit hindi pa rin nadala't
kumuha pa ng ibang sibuyas para balatan.
(sira-ulo lang te?)
Pero wala tayong magagawa dun,
hindi sa eksaherada masyado
ako kung makapagsalita,
eh ganun yun eh!
(ganun talaga!)
Kaya tanggapin ****
kapag sinubukan mo nang umibig,
alam mo nang sa huli'y
masasaktan at masasaktan ka rin...
('wag kang mag-aalala marami naman kayo!)
Ayyy! hindi 'yan!
Sa gitna pa pala 'yan,
dahil ang nasa huli'y
liligaya ka ng walang kasintulad ng dati.
(para bang nasa alapaap daw?)
Dahil ang magmahal ng isang gago...
Ayyy! Este tao,
ay maraming pagsubok,
tulad ng pagbabalat ng sibuyas...
Masusugatan ka talaga
kapag hindi ka marunong
magdahan-dahan at mag-ingat.
Nov 11, 2012
Nov 11, 2012 at 12:29 AM UTC
akin na lamang ikukubli
itong nadaramang 'di nagpapahuli
alam na sa sariling mali
dapat lang na ito'y itanggi
o, ang aking hiraya—
ikaw ay liligaya
sa piling ng iyong sinisinta
at ako'y
magiging malaya
at magiging masaya (na lamang)
para sa inyong dalawa
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 5:13 AM UTC
naglalakad sa isang eskinita
walang ilaw, walang makita
nalulunod sa alon ng kadiliman
yan ang imahe sa aking kaisipan
hindi mawari ang galaw ng mundo
kung talagang liligaya pa ang puso
mabuti nalang at ika'y nasilayan ko
sa liwanag pala ay nag hihintay ka sa dulo.
—g.l
Oct 8, 2024
Oct 8, 2024 at 7:00 AM UTC
Ilang buwang pumatak ang pawis at luha
Nagsunog ng kilay sa madaling umaga
Kumuha ng mga pagsusulit
Susi sa pagkamit ng mga pangarap
Sa tagal ng paghintay
Lumabas ang mga resulta
May natuwa sa tagumpay
At ibang binati ng lumbay
Hindi ko man alam ang eksaktong nararamdaman
Tiyak na hindi ito ang katapusan
Hindi ito hatol sa iyong kinabukasan
Malayo pa tayo sa dulo
Patuloy pa rin ang buhay
Iikot pa rin ang mundo
Na grabe kung ito'y mapaglaro
Ang tanging permanente ay pagbabago
Sa iyong paglakbay
Hindi maipapangakong
Makararating sa destinasyon nang walang galos
Ngunit hihilom din ang ano mang sugat
Hindi rin garantisadong laging may ilaw sa daan
Sa kalyeng lalakaran
Baka kailanganing mangapa ka sa dilim
Sa pag-abot ng mga tala
Alin mang landas ang piliing tahakin, pinangarap mo man o hindi
Naniniwala akong mahahanap din ng iyong mga paa
Ang landas patungo sa iyong destinasyon
Kung saan ika'y liligaya
Kung maligaw ka man ay 'wag mangamba
Mahahanap mo rin ang tamang direksyon
Mag-ingat ka sa iyong paglakbay, kaibigan
Padayon!
Jun 11, 2020
Jun 11, 2020 at 11:46 AM UTC
Nang makilala kita
Walang pagsidlan ang aking saya,
Sa tuwing kausap ka
Ako nama'y tuwang-tuwa.
Ngiti mo man ay ‘di ko makita
Sa panaginip ko ito nakaburda,
Yakap mo man ay ‘di ko dama
Pagmamahal mo sa akin ay nakapa.
Ang boses mo'y hindi nakakasawa
Sa puso ko anong aking ligaya,
Nakakaaliw ang iyong pagkanta
Sa tenga ko'y nakakahalina.
Hindi ako nagsisising minahal kita
Sa piling mo ako liligaya,
Pagmamahal mo sa puso'y baterya
Nagpapangiti at kumukumpleto pa.
Mahal, alam mo ba?
Mahal na mahal kita,
Ikaw sa akin ang nagsilbing tala
Liwanag mo naman ang aking sigla.
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:42 AM UTC