Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Para lang nagbabalat ng sibuyas ang istorya ng pag-ibig. Sa simula... Ng nasa mga kamay mo pa lang ito'y may gana ka pang tumawa, Hanggang sa inilagay mo na sa isang sangkalan... ('chopping board' na nga lang, para mas maintindihan) At nang binalatan mo'y bigla ka na lang umiyak at tumulo ang iyong mga luha (sa sahig, alangan naman sa balkonahe!) Pagkatapos nama'y nakatawa na ulit, ngunit hindi pa rin nadala't kumuha pa ng ibang sibuyas para balatan. (sira-ulo lang te?) Pero wala tayong magagawa dun, hindi sa eksaherada masyado ako kung makapagsalita, eh ganun yun eh! (ganun talaga!) Kaya tanggapin **** kapag sinubukan mo nang umibig, alam mo nang sa huli'y masasaktan at masasaktan ka rin... ('wag kang mag-aalala marami naman kayo!) Ayyy! hindi 'yan! Sa gitna pa pala 'yan, dahil ang nasa huli'y liligaya ka ng walang kasintulad ng dati. (para bang nasa alapaap daw?) Dahil ang magmahal ng isang gago... Ayyy! Este tao, ay maraming pagsubok, tulad ng pagbabalat ng sibuyas... Masusugatan ka talaga kapag hindi ka marunong magdahan-dahan at mag-ingat.
0
Nov 11, 2012
Nov 11, 2012 at 12:29 AM UTC
Sibuyas

jkpoetry
Written by
M/Filipino
Nov 11, 2012
Nov 11, 2012 at 12:29 AM UTC
Request permission to use this poem