Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
solEmn oaSis May 2017
Intro (1st stanza)
Sa lahat ng kung sino o ano ka man,
at maging sa lahat ng di mo tunay na pagkakilanlan,
madalas nga ikaw ang sa puso ko'y nananahan,
Sa iyong balikat ako ay iyong pinapatahan,
Sa twing Ako'y nababalot nitong karimlan,
Liwanag ka sa aking nagugulohang isipan.
pagsinta mo sa aking nararamdaman,
ang siyang tangi kong tangan-tangan!

1st refrain
kapag nais kong lumuha
laging naririyan ka
Sa pighati at saya
laging naroon ka
karamay nga kita
Ano man ang aking dala
wala pa man akong problema
ako na ay iyong hila-hila
sa lugar kung saan pila-pila
ang mga nakahain na di basta-basta
pagkat ang sisidlan,laman ay sobra-sobra!

2nd stanza
hindi tulad sa liwasan na aking pinanggalingan
doon sa may gawing silanganan
na di raw kailan man lumulubog ang araw
ngunit wala naman akong liwanag na matanaw
Subalit ngayon
binago mo
aking kahapon
Sinama mo ako
Sa iyong patutunguhan
pinanatili sa 'yong kandungan
bagamat ang haring araw ay walang masikatan
at kay panglaw man nga dito sa kanluran

2nd refrain
Maliwanag kong Naaaninag
ang pinaka-marilag na sinag
na tila ba nagsasabing,,,
halika dito sa aking piling...
hawiin mo ang ulap na tabing,
at tutuparin ko ang 'yong hiling.

adlib
DAMDAMIN MO'Y 'WAG NANG IKUBLI,,
SA AWITIN KONG ITO 'WAG KANG MAG-ATUBILI,,
BASAHIN MO ANG AKING MGA LABI
TIYAK DARATAL SA IYO  MATATAMIS NA NGITI
SABAYAN MO AKO SA AKING HIMIG,
'DI BA'T ANG MUSIKA'Y ATING TINIG.
NA TILA BA DAYAMI DOON SA KAMALIG.
SA BAGYO'T SIGWA WALA ITONG LIGALIG!

3rd stanza
'pagkat alam Niya may isang Ako
na mangangalap ng Kanyang piraso
upang sa muli nga'y mabuo
ang taglay nitong komposo
hanggang sa ang naturang Ikaw ay mapagtanto
na hindi lang Sila kundi pati na rin Tayo
ang sa Kanila ay siyang dapat magpayo
"ano man ang galit Mo sa Mundo,,,
at sa Iyong buhay ay di Ka makontento
'wag na 'wag kang sa Pagsubok ay magtampo
Tandaang Ninyo na ... Nasa Puso ng Tao
masisilayan ang Ilaw na nagpapatingkad
Sa Daigdig Natin na animo'y di na sumisikad
na halos hikahos ang MARAMI sa pagtingkayad
mamataan lamang Nila ang tanglaw sa pagsayad"

repeat 1st refrain except last 5 lines

chorus one
ohh Sanlibo't Isang Awit
sayo ako'y kakapit
hawakan mo nga akong mahigpit
sa twing mensahe mo'y kinakawit
mga damdamin na hugot
sa aking pag-iisa ay sagot
napapawi mo nadaramang poot
tuwa man o isang lungkot
ang hatid na iyong dulot
mga liriko mo sa akin ay nanunuot
dagliang naiibsan itong pagkabagot

repeat adlib

chorus two
Lalo't kapag ang 'yong melodiya,
sa pusong umiibig ay kaiga-igaya,
umasa kang ang iyong ritmo ay lampas ilaya.
di man pakawalan matataas na nota... tono mo ay malaya!
At patuloy kitang pakikinggan
taimtim ko ngang susundan
mga letra mo sa Dalampasigan
kahit pa kahit na paulit-ulit mo akong talikdan,,
batid ko naman ang koro mo'y walang hanggan
tangayin ka man at mapadpad sa Laot ng tagdan
di maglalaon muli kang dadaong sa may Pantalan
para ikumpara ang luma sa bago **** kasarinlan

repeat 2nd refrain
do the bridge (3x)
repeat Intro
repeat chorus one and two
repeat bridge once again in a fading away voices

BRIDGE:
sabihin man nila na ako sayo'y baLiw
ligaya kong natatamasa, di na magmamaLiw
wala man akong instrumentong isinasaLiw
itong Sanlibo't Isang Awit,alay ko sa'yo giLiw

Inspired By Sally Bayan
my very first particular song in its parts
that comes from the bottom of my heart

© solEmn oaSis
Hymns of my Soul is now ....
the soul of a thousand and one song
that i promised to dedicate
before the uncontrollable twilight
just like by the time i am here
sometimes, conquering the darkness of night
thru the lit of candle that brightens
the whole day of our everyday presence!
Presence which we wanna end it up yet!
Yet we prepared always to get started once we must!
Nexus Aug 2019
Kung isa-isahin ang nakaraan
simula no'ng ika'y aking niligawan
hanggang sa dumating ang kasalan,
maikukwento ko ng walang alinlangan
kung paano tayo nagsimula at nag ibigan.

hindi sa lahat ng panahon
ang mga bagay ay naaayon
sa kung paano natin gusto
at 'di lahat ay agad na natatamo.

Unang kita palang, napaibig na ako
Lalo na sa mga sumunod na pagtatagpo
walang duda pana ni kupido ’y tinamaan ako

sa isang tulad mo
puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
sa pakiwari ko’y  pakana nga ito ni kupido.

sa isang tulad mo puso ko'y
nahulog ng di napagtanto,
sa pakiwari ko’y  pakana nga ito ni kupido.

Sa iyong mga mata
Nasisilip ko ang langit pagkat ikaw ang anghel na
sa aki’y pinakamalapit

Palapit ng palapit,
ang titig,  
Sa mapulang labi mo’y
nakakatuksong humalik
at ayaw ng mapapikit,

Akoy nag aasam at humihiling
sa panginoon
at biglang kanyang  dininig

Hindi inaasahan ang iyong pagdating.
Pagod kong puso’y iyong ginising.
Buhay ko'y binigyan ng ningning,
Ikaw lang ang gustong makapiling

Sa iyong mga mata
Nasisilip ko ang langit
pagkat ikaw ang anghel na
sa aki’y pinakamalapit

Palapit ng palapit,
ang titig,  
Sa mapulang labi mo’y
nakakatuksong humalik at ayaw ng mapapikit,

Akoy nag aasam at humihiling sa panginoon
at biglang kanyang  dininig

Hindi inaasahan ang iyong pagdating.
Pagod kong puso’y iyong ginising.
Buhay ko'y binigyan ng ningning,
Ikaw lang ang gustong makapiling.

dumating ka sa mundo
ko’t iyong niyanig
pinukaw ng iyong tinig

“Happiness Happiness Happiness”

Ang tinig na aking narinig
at napatulala at napatitig

Biglang nag usisa sa sarili nagtanong,
Paano ko ba mapapaliwanag
ang  hiwaga nitong pagmamahal na
kung bakit sa puso ko’y kumapit ng kusa

Minsay ako’y nagtataka’t di maka paniwala
linalaro sa panaginip

ang dakilang pagsuyong inayunan ng tadhana’y nag ka sundo

tuluyang hinamon ang matapang na puso
Hindi ka na malulumbay,

kapag nasisilayan ko ang iyong labi,
may taglay na ngiti
Pagod koy napawi,

limot ko na ang ligalig na iyong pinag iigi
kaya wag mag madali
pagkat atin ang sandali

At ng sayo’y napalapit ayaw ng lumayo

andito na ang iyong
Sandalang Balikat
Na hindi madadaan sa gulat

Hawak hawak ang maliliit at malambot **** mga kamay

Habang may ibinubulong
ang boses ****  malumanay

Umalis ng walang plano,
walang dala kundi ang puso.
pero saan nga ba patungo?

Bawat hakbang ng paa,
bawat hininga,
ninanamnam para sa ikasisiya
pero saan nga ba patungo?

Ramdam ang pagod
kinailangan ng tumukod
ngunit hindi susuko.
pero saan ba talaga patungo?

Marami ng nadaanan at natambayan
Pero di naman kaianaman

Hangang sa dumating na sa dulo na
ang puso’t pag ibig ko’y nasa iyo

Dahil di ako sanay na ikaw ay mawalay

Andito na ako

Sa unang pag kakataon
Sa araw ng mga puso  
Sa Ika labing apat na araw ng pebrero sa kalendaryo

Bungkos ng  rosas ay para sa iyo
Sa masayang araw at hanging maaya,

ang sinugong puso’y sumasaiyo
at ito’y magsasabing

Sa tuwa at dusa,
Hirap at ginhawa
Sarap at ligaya

Ang
“Balentayns”
Ko’y ikaw

Walang iba! ! ! ! !
Subukan naman
Nyl Oct 2017
Tulala sapagkat walang ginagawa,
sa maghapong oras ay nagdaraan
Tulala sapagkat napapagal,
buong araw sa trabaho ay inilalaan
Tulala sapagkat sawi,
puso ay humahangos at puno ng pighati
Tulala sapagkat nabigla,
may gantimpala, sa mukha nakapinta ang ngiti

Ito nalang marahil ang tanging pahinga ng isip,
panahon na walang alintana
Masasabi mo nalang ang “bahala na” na nagmula pala sa pariralang “Kay Bathala na”
Ang pagtingin sa kawalan ay para ring
mahimbing na tulog sa gabi-
Gabing mga suliranin na ninanais mo nalang kitilin
at itago ang labi
At kahalintulad din nito ang bagong umaga na ang hudyat ay ang sikat ng araw-
Araw **** pagpapaalala sa iyong sarili na matapos ang unos, bahaghari ay lilitaw

Libu-libong berso at pangungusap na ang nagawa
para gunitain ang pag-ibig
Ngunit bakit bihira ang para sa isip na hindi ito naiisip,
isip na puno ng ibang ligalig
Ang literatura ba sa kanila ay sadyang mailap? Hindi inilaan sa kundiman
Kung hindi man, ay para saan?

Iwaglit na ang mga sapantaha,
sapagkat ang tulang ito ay nagawa na
Tula para sa mga tulala, tula para sa akin, sa iyo, at sa kanila
At hayaan **** ang isip ng isang tulala ay maglayag
Bagamat tahimik, tiyak na marami itong ipahahayag
JOJO C PINCA Nov 2017
“The purpose of life is to live it, to taste experience to the utmost, to reach out eagerly and without fear for newer and richer experience.”
― Eleanor Roosevelt

May mga gabi na puno ng lumbay kung saan mapapait at puno ng lungkot ang mga ala-alang hatid nito. Madalas na hindi ka nito pinapatulog. May mga umaga naman na nagpapagunita sa mga dalita at mabibigat na salita. Minsan kahit sa init ng katanghalian ay nararamdaman mo ang matinding lamig – ang panlalamig na dulot ng takot, takot na harapin ang kawalang katiyakan ng bukas na darating.

Malaya kaba’ng talaga o baka naman nakatago lang ang iyong mga tanikala? Bumabangon sa umaga’t naghahanda para pumasok sa opisina na isa ring selda. Kumakain pero walang nalalasahan, tumatawa nga pero ang totoo ay nalulungkot, nabubuhay pero talo pa ang isang bangkay pagkat walang kabuhay-buhay. Nakikipagtalik ang katawan na hindi marunong tumangkilik.

Paano nga ba ang mabuhay nang wasto at hustong-husto? Yung puno ng pag-ibig at walang ligalig na sadyang matatag katulad sa isang kamalig. Nadidinig mo pa ba ang huni ng kuliglig sa ‘twing sasapit ang hapon? Ang buhay ng tao ay sadyang maligalig. Ang panaghoy ng mga walang kayang lumaban sa dagok ng malupit na kapalaran ay laging naririnig sa ‘twing kumakagat ang dilim.

Hindi lang minamasdan ang mga bulaklak, kailangan mo rin itong samyuin para mo mapahalagahan. Paano mo malalaman ang lalim ng dagat kung hindi mo ito sisisirin at ano’ng saysay ng taas ng bundok kung hindi mo ito aakyatin? Hindi sapat na sabihin na s’ya ay iyong iniibig, kailangan mo rin s’yang yakapin at halikan. Ganito mo dapat na ipagdiwang ang buhay.

Pero hindi ito magawa ng isang tulad mo na alipin ng takot at sama ng loob. Kailangan kumawala ka sa anino ng nakaraan at ‘wag mabuhay sa hinaharap. ‘Hwag kang makipagtalik sa multo ng nakaraan dahil hindi ka lalabasan, puro luha lang ang tiyak na papatak sa iyong mga mata. Maging makasaysayan at makabuluhan ito ang dapat na maging layunin. Kalimutan ang kabiguan at maging masigasig, yakapin sa’yong bisig ang ngayon. Hawiin ang lambong ng gabing tumatakip sa paningin sapagkat ito’y nakakabulag.
kingjay Dec 2018
Ang tuyo na lupa sa kapatagan ay naghihikahos
Kahit diligan ito ay hindi mangabubusog
Sa tigang na kaanyuan

Puso'y parang pipi
Patulak ang mga lumalabas na salita
Silakbo ng pag-ibig ay huwag pigilin
Datapwa't bulagin ang mga mata
Si Dessa ay di na makita

Ibinuhat ang korona
Sa hari kung saan nakatungtong
At ang hiling habang buhay na magkapiling
Di palalampasin ang sandaling magkasama

Kahangalan ang sabi ng pari
Halikan ang paa di ang labi
Laging nabibiyak ang kasunduan
Pinermahang papel isampal at ihati
Ang hinihinging kapalaran sa isang panig ibig

Ang dating pakiramdam ay laging bumabalik
Sana'y tanggapin ang handog na na nanggaling sa kaibuturan ng pagsinta
Ngunit hindi maalis ang ligalig
Jose Remillan May 2016
Kung sakaling mapadpad
Dito ang balahibo ng pakpak
Ni Icarus, huwag **** hayaang
Mawaglit sa iyong isip ang bilin

Ko ukol sa ika-10 ng Enero.
Ito ang araw kung kailan nagpasya
Ang buwan na yakapin ang araw,
Hindi dahil sa tiyak na liwanag,

Kundi dahil sa katiyakan ng hiwaga.
Kasabay ng metapisikal na pagniniig
Na ito ang huling hatol ng Daruanak
Sa Binibining nabighani sa binistay

Na luha ng makata.
Makikita pa sa panganorin ang unang
Sulyap sa huling alapaap ng dilim.
Ngunit wala na ang kulog, maging

Ang pagkahulog sa bitag ng ligalig.
Alalahanin mo na lang ang dagat at
Ang pangako nitong kapahingahan
Kung sakaling sa paghahanap natin

Sa bahag-hari ay wala na sa ating
Maiwan kundi mga guho, mga mumo
Ng mga musmos na puso. Ang
Mahalaga lahat ng ito'y nakatalá na

Sa mga tála.
reyftamayo Jul 2020
sisinghap-singhap ang dekada
ng mga makabagong bayani
inaalat na tulad
ng mga butil-kaliskis na balakubak
kasingpait ng mga nakakubling libag
sa talampakan nitong maglulupa
wala na ang simoy
ng amihan sa kanayunan
pinalitan ng umaangil
na ulap ng nagbabagang pulbura
parito, paroon
palitan ng mga tinggang
hugis karayom
walang patawad na babaon sa kalamnan
ngunit ang mga bayani
ay hindi malilimutan
malibing man
maagnas at maisama
sa lupa nitong ipinaglaban
Kamay

Heto, kung mararapatin lamang.
Ipagkakatiwala ang sandali
tungo sa laman ng salita.
Heto, kung ipagdaramot lamang,
at ipagsasawalang bahala ang dambana
ng iyong katawan.

2. Kurba

Kung abot-kamay lamang din naman
ang buwan ay ipagdaramot na lamang
ang natitirang liwanag.
Sa palad ko nakahimlay
ang talim ng iyong buto.
Hindi na mangingiming pang ibalik pa
sa tahimik na daluyong ng oras
ang mga kamay na ito na walang pagpapatawad.

3. Mata*

May tupok na anghel na bagong hirang
sa loob ng malaking puwang.
Walang paglalagyan ng ligalig,
marahang pagiingat lamang,
kung tatanaw sa kabilang kuwarto ng halinghingan
na para bang nagtatalik ang nais
sa hindi maangkin

nangungusap nang walang karampatang pagmamalabis.
Pusang Tahimik Feb 2019
Siya'y prinsesa na sa akin ay nag-iisa
Ano'ng saya ko na'ng kami nga'y naging isa
Ang puso'y umapaw sa ligalig at saya
Sa araw na ang bilang ay labinisa

Ngunit ikaw pala'y nakapako pa sa nakaraan
At ang isipa'y tila yata siya pa rin ang laman
Ipinipilit ko ang sarili kahit na ako'y nasasaktan
Hiling na 'Mahal Kita' mula sa'yo ay marinig man lang

Dumating ang araw na hindi ko nga maikakaila
Ang saya at ligalig ay naparam na tila ba isang bula
Sa iyo'ng mga sinabi ako'y nabigla at napatulala
Sa sakit ay di ko na naramdaman ang pag-patak ng aking luha

Nagwakas ang lahat sa loob ng araw na ang bilang ay tatlo
Mas malubha pa sa sikat na awitin na umabot sa pito
At ako nga'y naiwan sa tanong na 'bakit at ano?'
"Bakit nagkaganito? Ano na ang gagawin ko?"

Ikay ay nag-iisa'ng bagyo na tuluyang winasak ang puso ko
Ngunit masasabi ko'ng ikaw ay aral din naman sa buhay ko
Ngayon nga'y hinihiling ko'ng masaya ka sa bago mo
At sana siya'y katulad ko na tapat at totoo.
- JGA
Pusang Tahimik Jun 2022
Nauubos na ang batang namamangha
Sa mga mahikang angkin ay pambihira
Tuldok ang sukli sa isip na puno ng katha
At pinako ang tingin sa mundong mapanira

Wala na ang ligalig sa puso at isip
At ang mga bituin ay di na sinisilip
Nangadilim ang paligid sa bawat kong pag-ihip
Sa apoy na waring ang ningas ay pinipilit

Ang pag pakli ng panahon ay isinusumpa
At ang bawat pahina'y lumalalim ang salita
Hanggang kailan kaya guguhit ang paksa
Nang panulat kong nauubusan na ng tinta
By: JGA
Nexus Oct 7
ASAWA

Ito ay pag-ibig ng dalawa.
Dalawang taong pinag-isa,
Ng Dios na tunay na nag-iisa.

Ito ri’y may dalang kasiyahan
Pinaghalong ligalig at ligaya,
Ang s’yang tunay na madarama.

Alalahanin **** di ka nag-iisa.
Sa oras ng kalungkutan
at ligaya  matamasa.
Ngiting labis ang tamis,
Paniguradong di mo matitiis.

Dahil ito sa pag-ibig.
Pag-ibig na totoo,
Pag-ibig na wasto,
Pag-ibig na wagas,
Pag-ibig na mapagsakripisyo.

Yan ang buhay may ASAWA

— The End —