Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
112715 #3:15PM

Tila swelduhan na ng tulisan
Pagkat may hithitan na naman
Para sa kaban ng Bayan.

May oposisyong yama'y satsat
Pribadong sektor ba'y gayundin
At may lamat?

Tila bala ng hasaan
Raketa ng ila'y pudpod na
Sa platapormang hilaw.

Sino nga ba ang kakaatigan?
Sa pula, sa puti nga ba ang asahan?
Nakaririndi ang melodiya ng pulitika
Bagamat may leksyong ipanauubaya
Sino ang patas na Tagapaghusga?
Siya sanang mag-arok sa puso ng kokorona.

Magsusulputan ba ang paninda ni Juan?
Dawit ang aprub at tiwalang busal.
Marahil may iilang kaniig sa sambit,
At ang batas ay sisirit na may pagtitilamsik
Sa huli'y magdududa't iinam na ang pag-iisip.

Panaghoy nila'y saradong pang-uuyam,
Harap-harapang banggaan at mala-pilahaan.
Animo't bihasa na nga ang madla
Pagkat *tinatalunton ang ikot ng roleta.
Sama-sama tayong panindigan ang boto natin. Bagamat ang Diyos ang magtatalaga ng huling boto, ipagdasal nating mga kamay Niya ang mismong magmaniubra ng Election 2016! God bless, Pilipinas! Para sa bayan!
Hale Aplando May 2018
Masaya ka ba? Masaya ka nga bang talaga?
O itinatago mo lang ang lungkot na nadarama?

Siguro
Itinatago **** talaga

Itinatago mo dahil sa takot
Sa pangamba
Na mahusgahan ka
Na masaktan ka
Ng kanilang mga salita

Mga salitang
Mas matalas
Mas masakit
At mas mahapdi pa
Sa baon ng isang kutsilyo

Natakot ka na siguro
Sa paulit ulit nilang pagtapak sa buo **** pagkatao

Napagod ka na siguro
Sa walang katapusang sakit na nararamdaman mo

Kaya sumuko ka na
Oo
Sumuko ka na

Sumuko ka nang magkunwari
Magkunwaring kaya mo pa kahit hindi na talaga
Hindi na at hirap ka na

Tumigil ka na
Oo
Tumigil ka na

Tumigil ka nang magtiis
Magtiis sa sakit na ang tagal **** ininda

Kaya kung nasasaktan ka,
Umiyak ka

Umiyak ka kung may yumao sa pamilya mo
Umiyak ka kung hirap ka na sa mga leksyong inaaral niyo
Umiyak ka kung naghiwalay ang mga magulang mo
Umiyak ka kung iniwan ka ng dapat sana'y sasakyan mo
Umiyak ka kung nagkagalit kayo ng kaibigan mo
Umiyak ka kung pinagalitan ka ng nanay o tatay mo
Umiyak ka kung hinusgahan ka na naman ng kapitbahay niyo

Umiyak ka lang
Umiyak ka lang kung nasasaktan ang puso mo

Umiyak ka sa mga balikat ko
Umiyak ka hanggang maubos ang mga luha mo
Umiyak ka hanggang mapagod ang mga mata mo
Umiyak ka nang mailabas ang lahat ng nararamdaman mo

Dahil bilib ako sayo
Oo
Bilib ako

Bilib akong nakakaya **** itago lahat ng 'yan sa likod ng mga ngiti mo
Bilib akong nakakaya **** magkunwaring ayos lang ang buhay mo
Bilib akong nakakaya **** tiisin lahat ng nakakasakit sa puso mo
Bilib akong nakakaya **** mabuhay araw araw sa mundong ito

Kaya kahanga hanga ka
Oo
Kahanga hanga

Dahil hindi lahat may tapang na tumagal sa mundong ibabaw
Hindi lahat nakakayang tiisin ang mga taong mababaw

Kaya kung ako sayo..

Magpakasaya ka dahil ang buhay ay iisa
Huwag kang matakot sa mga taong tinatapakan ka
Magpahinga ka kung pagod ka na
Pero patuloy na bumangon upang lumaban pa
Huwag matakot sabihin na nahihirapan ka
Muli lang tumayo kapag nadapa ka
Tumigil ka kung ayaw mo na
Ituloy mo kung gusto mo pa
Umiyak ka kapag nasasaktan ka
Tumahan ka kapag tanggap mo na
Ngumiti ka kapag handa ka na

Handang salubungin ang bawat simula

Basta tatandaan mo..

Bilib ako sayo kaya huwag kang susuko
Jun Lit Mar 2021
Ang bayrus ng COVID ay tila makasalanan.
Katulad s’ya ng isang halimaw sa katahimikan,
o isang ministrong mataas ang katungkulan
na aliping tagasunod ng kanyang among si Kamatayan.
Kahit anino pa lamang n’ya’y dulot
ay lubos na takot, katulad ng pinakamadilim
sa mga gabi, o sulok ng guwang
o pinakailaliman ng karagatan.
Kumakatha sa isipan
ng mga kakila-kilabot na nilalang
at pinagagalaw sila ng sabay-sabay
nakaambang silain, lamunin
ang bawat kaluluwa, ang mga dibdib binabaklas
upang nakawin ang mga pusong malinis at wagas -
hinihigop ang lahat ng dugo, bawat patak
sinasaid ang bawat pintig ng natitirang lakas..

Malupit itong coronavirus,
isang haring espada ang batas, ang utos.
May kumakalat na ulop, ang madla’y binabalot;
walang kamalay-malay nilang nasisinghot,
orasyong buhay ka pa’y loob mabubulok.
Sa pintuan, naririnig ang katok:
isang panauhing di-kanais-nais ay gustong pumasok,
isa na namang payapang tahanan,
ang kanyang natuklasan.
Wari’y may samurai na iwinawasiwas
doon, dito, nananabas, walang habas
kapagdaka, lahat ng tila nasugatan, mga biktima
lupaypay, bagsak ay sa ospital, lugmok sa kalungkutan,
kinakapos ng hininga, unti-unting nalulunod mistula,
ng sa baga at lalamunan, ay naiipong sariling plema.

Ang pandemyang ito’y isang salaan
salamin ng lipunan,
isang digmaan, kung saan
mailap ang tagumpay at katapusan
at bawat laban, laging anong sakit, talunan.
Lahat ng uri at sinsin ng pangsala ay taglay:
pusong may kabaitan, sa walang puso’y inihihiwalay
maayos na pag-iisip, ibinubukod sa mga lutang at walwal
matatapat, angat sa mga kurakot sa mga larangan
prinsipe’t pulubi, pilosopong tunay
at mga tagasunod, makata’t mga mang-aawit.
Salaan
ng mga malubhang pagkakamali
ng nakaalpas na pagkakataon
ng mga leksyong dapat pang matutunan
ng mga landas na hindi nakita, at maling tinahak
ng daan tungo sa kaligtasan, anuman ang kanyang kahulugan,
anuman ang halagang kabayaran.

Ang pagkakaliit na bolang ito ay mamamatay na payaso
mapanghati, katulad ng isang salaming nanlalansi, nanloloko
pinag-aaway:
Hilaga laban sa Timog
Silangan laban sa Kanluran
pinakamahihirap sa mga mahihirap
itatapat sa angkan ng kamahalan
at ng mga bago’t biglang-yaman
at ang nasa gitna: Aba! Aba! Isang iglap ay sigaw
“Saan ang Hustisya?”
at hindi naambuhan ng ayuda
kayamanang munti sa panahon ng taghirap
na nang panahon ng sagana’y inismiran, sabay irap
sila umanong nagbubuwis,
bakit ngayon ay nagtitiis?
Parang sina Cain at Abel naghinagpis
Nahihiya ako. Nahihiyang labis.

Ito ang krisis. Takot ay inihahasik.
pinagsasama-sama sa iisang inayawang bayong
ang tila abuloy na pamatid-gutom
na nakamaskara bilang rilip na tulong,
lahat ng kinatatakutan -
pagkawalay,
                         pag-iisa,
kapanglawan,
                                          ­        diskriminasyon,
matinding kalungkutan,
                         pagkakasakit,
                         kamatayan . . .

Labis akong nag-aalala.
Labis akong natatakot.
Ang pagsasalin ko sa Tagalog ng aking tulang Covidophobia
[My translation into Tagalog of my poem Covidophobia] - pp. 92-94 in Kasingkasing Nonrequired Reading in the time of COVID-19 Alternative Digital Poetry Magazine Issue No. 4 (April 2020)

— The End —