Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"leksyon" poems
Simulan natin sa katapusan nang taon, Naging dahilan nang araw-araw kong pagbangon, Naalintana ang palagiang paglamon, At uminit ang Pasko nang kahapon. “Napakaganda nang buhok mo”, aking bati, Para sa minimithi kong binibini, Pagmamahal mo’y sa akin’y biglaang sumapi, Noon ko ipinagdarasal na makita kita’ng parati. Humingi nang payo kung kani-kanino, Upang manatiling aktibo’t ‘di mablangko, Bagama’t ang kinauukalan mo’y malayo, ‘Di nagtagal, nagkaroon na din nang “tayo” Araw-araw magkausap simula noong ikalabing-walo nang Enero, Nagpatuloy hanggang Pebrero pati Marso, Kadalasang naiisip kapag nag-iisa sa kwarto, Hanggang sa eskwela, daanan, lansangan, lungsod, barangay’t baryo. Naputol man ang ating koneksyon, Hinding-hindi ka mawawala sa ‘king imahinasyon, Ipinagbawal man upang turuan nang leksyon, Sa araw-araw ang pag-ibig mo’y aking binabaon. Pinaghigpitan man’y iginagalang ko Ang desisyon at pagmamahal nang mga magulang mo, Sa ika-dieciocho ka pa daw pwedeng magka-novio, Nag-atubili, sumagot ako nang “opo”. Lahat daw nang inaantay at pinaghihirapan, Ay mayroong napakalaking kahalagahan, Kahit alinma’y sakit ay aking ginampanan, Upang sumunod lamang sa natatanging kasunduan. Kaya nandito ako ngayon, Na may pagmamahal at may mga pagtitiis na naipon, Nanabik sa pangako nang kahapon, Sa pangakong uuwi ka sa iyong selebrasyon, Ngayong ika-siyam nang Pebrero, Nais kong malaman mo na pag-ibig ko sayo’y ‘di magbabago, Nag-intay, nagtiis, nahirapan, ngunit ‘di napagod, Dahil umaapaw ang pagmamahal mula labas hanggang ubod.
0
Jun 4, 2018
Jun 4, 2018 at 9:36 AM UTC
Dieciocho (Eighteen)

Continue reading...
36
Hindi naman ganid ang administrasyon Nagkataon lamang na may mga punto Na walang humpay na nag-iiwan Ng tandang pananong. May mga eksenang hindi literal Pero kapag bayan ang bumasa’y Ni isang letra’y hindi man lamang nasimulan. Hindi masisisi ang mga modernong bayani Kung patuloy pa rin sila sa pakikibaka Kahit nakamit na kamo ang kasarinlan; Ang hustisya raw ay napagtagumpayan na Bagkus, nilalatigo ng kapwa nasa ekonomiya. Marahil hindi pa lubusang nararadyo Hindi magkanda-ugaga ang leksyon sa Senado Eh kung uso pa ba ang tele-radyo, Kaya bang tapakan ng saksi ang demokrasyang makasarili? Doon nag-rally ang iilang katauhan Wala naman silang napala Pagkat binagsakan ng pintuan Ni hindi nakakilos kahit sila’y nasa kilusan Saklob ng gobyerno’y sila’y bisi sa nasasakupan. Hindi mabilang ang dugong dumanak Ang boses na sumigaw Ang tonong paulit-ulit pero hindi naririnig O baka naman ang may pandinig Ay mas nais magwaglit. May mga platapormang tila langit Bagkus dilim naman ang hain Sa maliwanag dapat na paligid. Ibabato nila ang kinamkam sa madla Pero dahil ang binato’y mukhang tinapay, Walang pakuwari ang iba Manhid nga ba ang tao O talagang kurot-sabay-pikit lang? Heto na naman tayo sa estante ng kaguluhan Sana nga matapos na ang pahinang ito Pero nasa simula pa lamang Pagkat ang propesiya’y Nararapat na mamalakad Ihahain ng Higit na Hari Nang maitaas Kanyang Ngalan. Kung may mga bumabatikos Sa gobyernong kinagisnan Marami pa rin ang tatayo Pagkat kaytayog ng kanilang dangal. Hindi naman dapat Tumingin lamang sa kawalan Pagkat may pag-asa pa Itong ginintuan nating bayan.
0
May 2, 2015
May 2, 2015 at 7:18 PM UTC
Repleksyon ni Juan

52
Noong isang gabi, habang hinahanap ang sarili, natagpuan ang LIKHÂ. Ako'y natuwa, dahil nasa entablado sila, silang mga pinapanood ko lang dati sa internet. Isa sa mga dahilan kung bakit nagtatanghal ang tulad kong hangal sa harap ng mga estranghero at binabahagi ang mga dala-dala kong kwento. Sila na mga nauna at nagbigay inspirasyon na lalo pang magsulat at magbasa. Mga mata'y unti-unti namulat sa mga bagong imahenasyon, mga leksyon, direksyon at iba't ibang kaalaman na galing sa ating henerasyon. Maraming salamat sa gabing inyong nilikha para sa mga katulad kong naliligaw at hindi alam ang patutunguhan. Nagtagpuan kita. Aking sarili nahanap kita. Habang nakikinig sa iba't ibang berso ay sumasayaw ang mga letra sa utak ko. Habang lumilipad sa ere ang mga ritmo, nakita ko ang sarili kong mga tula na parang mga talang nahulog sa langit papunta sa sa aking mga kamay at dali-dali kong itinala sa aking puso dahil kailangan kong ibahagi ang sining na aking nabuo. Hindi pa patay ang mga salita, gamit ang lapis na hawak mo sabayan mo akong lumikha mga katha. Mapa kathang-isip o kathang-puso man ito ay buhay sila at naghihintay sayo. Hindi bulag ang mga tula, kaya ka nitong titigan ka sa mata hanggang sa magiba ang paligid mo't mawala ka nalang bigla. Hindi bingi ang mga obra, naririnig ka nito, handang dumamay at unawain ang lahat ng pinagdadaanan mo. Kaya maraming salamat sa gabing inyong binuo't nilikha. Halika na, halik ka na, halika't sasamahan kita sa patuloy na paglikha ng kinabukasan para sa bayan, kultura, sining at sa iyong sarili, ipagpatuloy ang nasimulan. Ipagpatuloy ang sinimulan. Noong isang gabi, habang hinahanap ang sarili, natutunan ko kung pano ang magLIKHÂ @theartidope style.
0
Nov 22, 2017
Nov 22, 2017 at 10:05 PM UTC
LIKHÂ

46
"Nagbago ka na" salitang pagbinitiwan ng mga taong mahalaga sayo sobrang laki ng epekto kadalasan huhulaan ko pa kung masama ba ang pagbabagong nakikita nila sa pagkatao ko o maganda ba naman ang dulot nito hindi masabi ng harapan kaya idinadaan na lang sa maliliit na komento ibubulong kuno para kahit paano hindi marinig at iwas argumento pahapyaw lang pero tagos hanggang buto ang tanong, mali bang magbago? mga pagbabagong sinanay ng panahon pagsubok sa pananampalataya at temptasyon sa huli ay natuto din ng mga leksyon pero kahit ano pa sabihin niyo kung kilala niyo talaga ako ako pa din naman 'to may ilang nagbago pero lahat naman tayo dumaan sa ganito hinahanap yung totoong silbi ng buhay na 'to? Oo nagbago na ako. Nahanap ko na kasi ang sagot sa huling tanong ko.
0
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 11:34 AM UTC
Nagbago Ka Na
Pinapanood malunod ang mundo Mula sa aking bintana'y natatanto Bayan ko'y dahan dahang inaanod Inaanod na rin ata ang puso ko Walang daang madadaanan Walang makatutulong sa nasasaktan Dahil ang tutulong dapat, ay nasaktan na rin Sinagasaan ng bagyo ang ating bansa Binanyagang may pinaka-masayang mga tao Bakit kaya tayo pa ang napili ng Panginoon? Siguro dahil alam Niya na makakabangon tayo Siguro dahil matibay ang ating pananampalataya Siguro dahil may leksyon tayong dapat matutunan Kahit ano pa man ang dahilan, salamat Panginoon na muli Ninyo kaming ibinangon
0
Jul 24, 2014
Jul 24, 2014 at 10:45 AM UTC
Nalulunod
Iiwan kita hindi dahil meron na akong iba. Iiwan kita dahil gusto ko nang lumaya. Iiwan kita hindi dahil ayoko na kitang makita. Iiwan kita dahil ayoko nang pagmasdan ang mga luhang nangingilid sa iyong mga mata. Hindi ko na kaya! Ang makita kang lugmok at naghihimutok sa lungkot. Ito’y nagdudulot sa puso ko ng kirot. Tama na! Tama na! Tama na! Tahan na aking sinta. Ako sana’y unawain. Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi ko alam ang hiwaga mayroon ka. At iyong nasungkit ang matamis kong oo. Mabilis. Napakabilis. Sadyang kaybilis. Heto ako ngayo’t litong-lito. Sana’y hindi nagmadali. Sana’y natutong maghintay. Sana’y walang taong nadamay. Oo. Sa tinagal ng ating pagsasama, Ngayon ko lang napagsama-sama. Ang mga himutok ng aking saloobin. Ako’y naging mapusok at ngayo’y naghihimutok. Sana’y walang inaalala. Sana’y hindi kinokonsensya. Sa tingin ko ay ito ang tama, Ang ika’y iwanan ng ika’y mabuhay. Hindi ko batid ang sakit na iyong nararanasan. Aking irog, ako man di’y nahihirapan. Ang higpit ng iyong pagkakahawak, Siyang sumasakal sa akin tuwina. Iiwanan kita dahil ayoko na. Oo! Ayoko na! Tatapatin kita aking sinta, Hindi ko na kaya! Hindi na ako masaya. Sa pag-inog ng mundo ako’y unti-unting nawawala. Nawawala sa sarili. Nawawala sa landas na aking dapat tahakin. Sadyang kay mura pa ng aking edad Upang sumuong sa ganitong realidad. Nadala lang marahil ng matinding emosyon. Sa tagal ng ating pinagsamahan aking napagtanto, Hindi ikaw ang saki’y siyang nakalaan. Tayo’y pinagtagpo upang matutunan ang isang leksyon. Hindi para sa iyo ngunit para sa akin. Aking kaibigan ako sana’y patawarin. Hindi ko sadyang puso mo ay wasakin. Ang hirap! Napakahirap! Sa dalawang taong ating pinagsamahan, Hindi kita malilimutan. Aking pagsusumamo na sana’y Paglipas ng panahon ay iyong matagpuan Ang taong magmamahal sa iyo ng lubusan. At hindi ipaparanas ang pait ng kahapong ating pinagdaanan. Iiwanan kita dahil alam kong kaya mo na na ako’y wala na. Iiwanan kita dahil nais kong iyong ipagpatuloy ang iyong buhay. At nang matupad ang iyong mga plano para sa iyong pamilya. Sinta alam kong ito’y sadyang masakit. At sa pagtatapos nitong aking talata. Nawa’y iyong ibigay ang aking kahilingan. Sinta, ako sana’y palayain mo na. Iniwan kita hindi dahil ayoko na. Iniwan kita dahil mahal kita. Sadyang ang lubos na pagmamahal na nararapat sayo ay hindi mo matatamo sa akin bagkus ito’y iyong matatamasa sa piling ng iba.
0
Jul 25, 2017
Jul 25, 2017 at 10:26 PM UTC
Paalam

67
#112615 Sa kwadradong hawla Doon nagsipagtirapa ang bawat paslit Sila'y mistulang sabik sa yakap ng Ina, Pagkat kalinga'y hindi maupos-upos na kandila. Minsan sila'y naging malaya, Si Inay nga pala, siyang nagpaubaya Tila martir ang minsang naging paslit, Pag-asa nila'y sa alikabok na sinisipa. Bagkus ang Inang siyang nagsaplot sa kanila, Nilisan at hinayaang maibigkis, walang kasarinlan. At doon sa iisang hawla'y magtatagpo muli, Sa bentelasyon, sila'y may kakaunting sandali. Tunay ngang ang paslit ay magiging Ina rin, Oras niya ngayong kabiyak sa salamin. Iniwang Ina'y may ikalawang henerasyon, Sa kanila nama'y may namutawing leksyon.
0
Nov 26, 2015
Nov 26, 2015 at 1:44 AM UTC
Inakay
Padre de pamilya kung ika'y tawagin, sa amin ika'y laging nagbibigay pansin. Pangaral dito, payo doon; minsan pa nga'y nagbibigay leksyon. Ang buhay mo'y lubos na pinagpala, 'di lamang sa dahilang buhay mo ay mahaba, ngunit dahil ika'y nakakilala sa Maykapal; buhay mo ngayo'y puno ng dasal. Ilang beses mang mapagkamalan na ika'y aking lolo, hindi mahihiyang sabihin, "Hindi ah, Daddy ko 'to!" Dahil kung uulitin ang aking buhay, ako'y 'di magdadalawang-isip, ikaw pa rin ang pipiliin kong tatay. Aking dalangin sa Maykapal, buhay mo pa'y dugtungan at hindi mapagal. Sa iyong pagtanda, 'di magsasawang sayo'y mag-aruga. Ngayong araw ng mga tatay, nais kong sabihin, "Pagmamahal namin sayo'y walang humpay; halaga mo sa ami'y 'di mababawasan, ni hindi matutumbasan ng kahit anuman."
0
Jul 8, 2014
Jul 8, 2014 at 11:50 AM UTC
®Daddy
Kape tayo. Ano ba ang gusto **** timpla? Yung naka 3-in-1 nga ba? Yung pangmabilisan at fixed na yung lasa? Yung pipili ka na lang, at ibubuhos mo lahat sa tasa kasi alam **** ganun na talaga at di na sya mag-iiba? Pwede rin yung sweet, Yung sa sobrang tamis, ngiti mo'y aabot sa langit pero di mo alam, sa ibang kamay na sya nakakapit. O kaya, yung purong-puro din? Yung matapang na at kaya kang gisingin sa katutuhanan na sa iba na sya nakatingin? Ano nga ba talaga gusto **** timpla? Eto, kape, asukal at iba pa. Ikaw na ang bahalang magtimpla. Dahan-dahan lang at 'wag madaliin, Bawat patak ay iyong lasapin. At sa tamang oras ay makukuha mo rin ang inaasam-asam ng iyung damdamin. Kahit matatagalan man ay ayos lang Kahit magkamali ay okay pa din naman, basta't makukuha mo yung lasang matagal mo nang inaasam-asam. At sa tamang panahon, yung mga tamis at paet ng kahapon ay hamak na magiging leksyon sa pagtimpla ng perpektong lasa. So ano, Tara kape?
0
Oct 11, 2019
Oct 11, 2019 at 8:31 AM UTC
Kape
Marahil di n’yo po tanto Halaga ng leksyon ninyo Bawa’t tula, gintong puro Pag-ibig sa wikang Pino Bawat talatang piniho Nagbukas ng mata’t ulo, Florante’y bayaning nobyo Laura’y bayang Pilipino Gurong minahal, idolo Parang anak kami, oo Kahit iba’y magugulo Di malilimot, Mam Lojo . . .
0
Oct 24, 2017
Oct 24, 2017 at 9:10 AM UTC
Mga Dalit Para sa Isang **** sa Pilipino
#112715 #3:15PM Tila swelduhan na ng tulisan Pagkat may hithitan na naman Para sa kaban ng Bayan. May oposisyong yama'y satsat Pribadong sektor ba'y gayundin At may lamat? Tila bala ng hasaan Raketa ng ila'y pudpod na Sa platapormang hilaw. Sino nga ba ang kakaatigan? Sa pula, sa puti nga ba ang asahan? Nakaririndi ang melodiya ng pulitika Bagamat may leksyong ipanauubaya Sino ang patas na Tagapaghusga? Siya sanang mag-arok sa puso ng kokorona. Magsusulputan ba ang paninda ni Juan? Dawit ang aprub at tiwalang busal. Marahil may iilang kaniig sa sambit, At ang batas ay sisirit na may pagtitilamsik Sa huli'y magdududa't iinam na ang pag-iisip. Panaghoy nila'y saradong pang-uuyam, Harap-harapang banggaan at mala-pilahaan. Animo't bihasa na nga ang madla Pagkat tinatalunton ang ikot ng roleta.
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 7:52 AM UTC
E-LEKSYON Na Naman
Bumabalik sa isipan ang iskul na kinalakhan Laro, leksyon, kaibigan Mula sa ‘ting kabataan. Sari-saring karanasan Asim, tamis, alat, anghang May gusto mang kalimutan Meron ding binabalikan Lahat ng ‘yo’y nagpayaman Sa ‘ting puso at isipan Nagpatibay ng samahang Saksi natin ang manggahan
0
Nov 10, 2017
Nov 10, 2017 at 11:11 PM UTC
Manggahan
Pitong taon sa kung saan lima na do’y naging tayo kanlaon. Sa limang taon na naging tayo, wari ko’y mahalin ka ng higit pa don. Itong anibersaryo’y paalala na sa bawat taon ng ating relasyon, iba’t iba ang ating naging leksyon. Ngunit sa bawat pagsubok na iyon, iisa parin ang ating direksyon. Ang magmahalan sa pang habang panahon. Ikaw ang pipiliin sa anumang pagkakataon. Sa’yo, puso’t isipan ko’y humihinahon. Gaano man kalupit ang hampas ng alon, Tayong dalawa’y magkasamang aahon. Sa bilyon-bilyong populasyon, Ikaw ang natatatanging ayon. Naaalala ko noon, Nagdasal ako sa Panginoon. Ikaw na pala ang Kaniyang tugon. Hindi natin kailangan na sa atin ang mundo’y sumangayon. Sapagkat lahat ng ito’y sagot sa panalangin natin noon. Saan man tayo dalhin ng ating imahinasyon, Ang mahalaga’y kung anong mayroon tayo ngayon. Hindi man natuloy ang ating celebrasyon dulot ng hindi magandang panahon. Makasama ka’y sapat na para sating okasyon. Mahal kita, sayong puso’t isipa’y ibaon.
0
Jan 22, 2022
Jan 22, 2022 at 2:06 AM UTC
Tugon