Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lagyan" poems
Mahal, Naalala mo pa ba yung mga panahon na puro ngiti at saya? Mga araw na puno ng kwentuhan, asaran at tawanan Na hindi ko malaman Kung saan nanggaling ang mga iyan Naalala mo pa ba kung paano ko lagyan ng ngiti ang iyong mga labi At tila nilagyan ng bituin ang iyong mga mata? Naalala mo pa ba kung paano mo sinabi sa akin na gusto mo ako? Tila hindi ka pa nga sigurado sa nadarama mo Naalala mo pa ba nung tinanong mo ako kung pwede bang manligaw? Tila nanlumo ka pa nga sa sagot ko. At hindi nagtagal, ay unti unti mo din binitawan ang salitang “Mahal kita. Mahal na mahal kita” Dahil ako? Naalala ko pa Naalala ko pa kung paano tayo nagkakilala Kung paano sinabi sa akin ng kaibigan mo, na gusto mo ako Kung paano mismo nanggaling sa bibig mo, na gusto mo nga ako Kung paano ko binigkas ang salitang “Mahal din kita” Kung paano mo unti unting binabawi ang salitang “Mahal kita” Dahil sabi mo, Sabi mo pagod ka na, ayaw mo na, sawa ka na Kung paano ako nagpakatanga, habang tinutulak ka sa babaeng gusto mo Habang sinasabing “Kung saan ka masaya, duon ako Kahit masakit, kakayanin ko” At naalala ko pa, kung paano mo sinabing “Patawad, mahal pa din kita.” Tinanggap kita. Tinanggap ko lahat ng eksplenasyon at rason mo. Lahat lahat, kahit ilang beses kong narinig na ang tanga ko Dahil tinanggap kita, pero masisisi ba nila ako? Masisisi ba nila ako kung mahal pa din kita? Masisisi ba nila ako kung patuloy pa din akong umaasa na babalik yung tayo? Hindi naman diba? Kasi unang una sa lahat, hindi sila yung nagmahal Hindi sila yung sinaktan at iniwan Ilang gabi akong umiyak Ilang gabi kong iniyakan ang paulit ulit na dahilan Ilang beses akong nagpakatanga sa paulit ulit na rason Ilang beses akong tinanong kung kaya ko pa ba? Kung masaya pa ba ako? Kung pagod na ba ako? Hanggang saan yung kaya ko? At duon ko natagpuan Duon ko natagpuan ang sarili ko Namamahinga sa pagitan ng “Mahal kita” at “Pagod na ako” Pero mahal, masisisi mo ba ako kapag sinabi kong pagod na ako? Masisisi mo ba ako kung sinabi ko sayong gusto kong magpahinga habang minamahal mo? Kung ang gusto ko lang ay ipadama mo ulit sa akin ang nadarama mo? Kung ang gusto ko lang kalimutan ang sakit na dinulot mo? Kung pagod na ako kakaisip sa salitang “kayo”? Kung pagod na ako kakaiyak dahil parang siya pa din ang gusto mo? Kung lagi kong naiisip na baka kaya mo ako binalikan, dahil hindi ka niya gusto? Mahal, wag **** iisipin na ayoko na sayo Wag **** iisipin na kaya ko gustong magpahinga dahil pagod na ako Dahil tulad ng sabi mo, kung pagod na ako, magpahinga ako Kasi mahal, gusto kong magpahinga Para muling madama ang init ng pagibig Na tila ba sa akin ay iyong ipinagkait Muling masulyapan ang mga matang Tila ba hinahanap ako sa libo libong tao Mahal, patawad. Mahal kita, pero pagod na ako Pero hindi ibigsabihin nito ay palayain mo ako Ibig kong sabihin, ipaglaban mo naman ako. Ipaglaban mo naman ako, dahil pagod na ako.
0
Oct 14, 2017
Oct 14, 2017 at 7:54 AM UTC
Mahal kita, pero pagod na ako

Continue reading...
62
Una, napakaganda ng mga simula, ng mga umagang puno ng kaba, hinahanda ang sarili sa mga posibleng pagpapakilala. Hinahasa ang mga ngiti, ang mga galaw, ang mga paglakad sa harapan ng iyong mga kaklase. Tinatanggap ang mga matatalim na tingin habang naghihintay sa bawat salitang lalabas sa kaluluwa **** malapit nang sumabog, mga taingang naghihintay, naghahandang makinig… Pangalawa, magiging kampante’t komportable ka, iisipin na ang buhay ay ganun lang kadali, na ang bawat simula’y pagpapakilala lang ng sarili na pagkatapos **** magpakilala ay makikinig ka nalang. Iniisip na ang kaginhawaan, galak at takot sa simula ay mananatiling sa’yo. Pangatlo, mapapagod ka. Na ikaw ay gigising ng mas maaga, papalitan ang dugo ng iba’t-ibang uri ng likido, sa pagbabasakaling ang simula ay mananatili hanggang sa dulo. Ikaw ay unti-unting susuko. Pero pang-apat, ang daan tungo sa tagumpay ay di dapat kalimutan at sukuan di’ba? Subalit panglima, ang tagumpay ay di palaging may sementadong daanan, na ang lahat ng bagay ay di perpekto. Na ang langit na narasanan mo nung simula ay di mananatiling ganoon hanggang sa dulo na ito’y posibleng maging blankong espasyo na lamang. Matatakot kang punuin ito ulit. Pang-anim, maghanda ka sa paglipad. Unti-unting buuin ang mga pakpak gamit ang mga balahibong parte ng iyong mga simula. Pangpito, lisanin ang lumbay, ang galit, gamutin ang mga sugat sa’yong mga pakpak. Unti-unting abutin ang araw kahit na ito’y iiwanan kang abo, susubukang pabagsakin. Ito ang pangwalo, maghanda kang bumagsak, mahulog, masaktan. Pangsiyam, masakit ang mahulog, bumagsak, umasa. Ngunit gawin mo itong lakas, lagyan mo ng pwersa ang bawat pagaspas ng mga pakpak ng iyong simula. Oo, di tayo handa na mahulog, bumagsak, umasa, at walang kahandaan sa mga ganitong bagay. Pero pangsampu, huwag kang susuko, magaling na ang iyong mga pakpak, tapos na ang paghahanda. Subukan mo nang lumipad muli sa langit na dati’y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay bumuo sa’yong pagkatao. Liparin mo ulit ang blankong espasyo, lagyan ng mga bagong simula, buksan ang mga nakakandong daanan, abutin ulit ang tagumpay, subukan muling lumipad, at pag ika’y muling nahulog, abutin ulit ang langit, lipad lang.
0
Apr 1, 2017
Apr 1, 2017 at 10:59 PM UTC
Sampung Bagay na natutunan ko sa Kolehiyo

10
Bastos? Aba hindi ah, ito ang pinaka angkop na tayutay patungkol sa buhay. Makinig ka lang at malalaman mo na ang gagawin kong paghahambing sa pagkakatulad ng buhay at pagtatalik ay totoo. Ganito yun: Libog – oo, kailangan mo ng matinding libog kung gusto **** maging maligaya sa buhay. Kailangan na punong-puno ng pagnanasa ang damdamin mo dahil kung hindi ay mababagot ka at mananamlay. Kailangan na lagyan mo ng libog kung ano man ang iyong ginagawa para ito magtagumpay. Romansa – lasapin mo ang bawat sandali ng iyong buhay na tulad sa isang gabi nang pagtatalik. Langhapin mo ang bango at baho nito para mo malasahan ang tunay na sarap. Pasukin – pasukin mo ang butas ng buhay mo masikip man o maluwang ito. Pag nasa loob kana ay umindayog ka nang husto ‘wag **** kalilimutang magtaas-baba sapagkat ganito ang buhay minsan nasa ibabaw ka minsan naman nasa ilalim ka. Pag nalampasan mo na ang ang lahat ng mga ito saka ka lang lalabasan ng ligaya sa puso mo.
0
Nov 9, 2017
Nov 9, 2017 at 12:29 AM UTC
Ang Buhay ay Parang ***
Gusto ko ng isa " *Yun oh! Yung hawak ni Manong nag-titinda. .* " Itatali ko sa aking kamay Habang lumilipad Sa distansyang abot ko pa, " Oo, yung color blue ah! " Teka ilan nalang ba Ang naipon kong barya? " Hmm. . Aba aba, sobra pa kaya! " Inipon ko 'to ng kay tagal Mga baon na bigay ni nanay. Itatali ko sa aking kamay, Sabay naming babayuhin Ang kalsada papuntang simbahan. . " Sino yung umiiyak? " Ahh, lumipad ang lobo niya. Yung bata, kawawa naman. . Kahit bilhan ulit ng Nanay, Sige pa rin ang ngawa. . " Ano nga bang meron sa lobo niya? " " Bakit nga ba sila lumilipad? " Ito yung lobong Masarap tignan sa kalangitan Di pwde itali ng matagal Sasabit-sabit kung saan-saan Kalaunan, puputok nalang. Kaya sige, aking bibitawan na. . "Sige lipaaaad! " Diyan ka nababagay Sa langit, tanaw ng madla Malayo para aking silayan pa Kinagagalak kong bitawan ka. Pero wait diba uso, Yung may kasamang sulat? " Sigeee exciting, " Lagyan natin para masaya :                                        "  S a l a m a t .  "
0
May 16, 2017
May 16, 2017 at 2:54 AM UTC
L o b o
Ano 'tong haluan? Bigla rin ako napasuka Akala ko ako na ang utak Pwede ako magbawi, pero ikaw hindi Yan ang batas, di ba? Patas ang batas Ng patintero Lamunin ang mga numero Parang wala silang **** 'Pag nag-iisa daw, masama kaagad Ang bilis umakyat ng ministro pero walang dalang impormasyon Lagyan ng sablay ang tibok Sakit na dala ng kinalalamnan ng araw Sa sunod ng sunod sa malarong pisngi at ang kulay nito Pinapasa-pasa nila Wala daw sabaw Kaya ko iniba ang presyo Kahit hindi mahanap ang totoo Nilalayo ang inspeksyon Ingay ng "Happy Birthday" Siyamnapung beses sa kabilang bahay Paikot-ikot sa steering wheel Ng milyong dolyar, walang down payment na sasakyan komersyal Iyon ang benepisyo ng mga itik  sa latik Wala naman talagang may gugusto na lumabas sa parisukat Kasi iyon lang ang tirahan nila Kahit ang halaman ay tigok Ano ba talaga gustong mangyari? Hindi iisa ang kasiyahan Nasaan ba siya? Kamatayan ang hintayan Hindi pa rin matulungan ang nahihirapan Hindi na ako komportable sa ilawan
0
Jan 14, 2021
Jan 14, 2021 at 8:06 AM UTC
Bilisan
alam mo bang hindi ko inasahan ang naibigay **** saya? hindi ko natanaw noong umpisa na tayo ay magiging panandalian lamang pala. tulad noong araw na tayo'y nagkakilala, ang pagwawakas natin ay naging kasing bilis rin lamang ng isang kisapmata. napakasariwa pa ng mga alaala nating dalawa. sabay pa tayong nanonood kay haring araw kapag siya'y bababa. sa umaga'y yakap mo pa ako sa ating pagising at kamay ko pa ang iyong hawak sa tuwing ika'y nananalangin. ngunit lahat ng pagsasamang ito ay nahinto, dulot ng isang tuldok. ang natatanging bantas na nagsasaad ng pagtatapos. Oo, masakit na di na kailanman malalagyan pa ng dalawang tuldok. . . na magpapahiwatig na ang ating kwento ay mayroon pang karugtong. ang mga oras at panahon ay tila naging saglit, ang kwento natin ay puno lamang ng kuwit na nagsasabing "di pa tapos, sandali lang, maaabot natin ang tuktok" pero si Bathala na nag nagdesiyon na lagyan ito ng tuldok marahil nga hanggang doon na lang ang istorya nating dalawa, alam ko rin naman na hindi napipilit si tadhana. inihipan na rin nina amihan at habagat ang ating mitsa --at ang bisa ng pana ni kupido ay tuluyan nang nawala. kaya pasensya ka na mahal kung hindi maganda ang kwentong naibahagi ko. 'di bale, ito na lang rin naman ang huli kong mensahe para sayo. hayaan **** ako rin ay maglagay na ng tuldok sa dulo at sabihin sayong maaari ka na rin magsimula ng panibago **** kwento.
0
Feb 1, 2021
Feb 1, 2021 at 9:38 AM UTC
Panibagong Kwento
Hawakan mo ang kamay ko Sasama ako kahit saan patungo Sa piling mo labis ang kaligayahan Susugal paulit ulit at handang lagyan ng kuwit ang ating kwento Huwag lang tutuldukan Huwag muna Dudugtungan pa natin ng madaming masasayang alaala Magkwentuhan tayo at magtawanan sa sarili nating mundo Balutin mo ako ng iyong mga bisig kung saan mas ramdam ko na ligtas ako Magtitigan tayo may malisya man o wala At sa mga sandaling tayo ay tahimik Ibulong natin ang mga salitang "mahal kita" Hayaan ang mga puso natin ang mag-usap.
0
May 8, 2019
May 8, 2019 at 11:43 PM UTC
Kuwit at Tuldok
Sa dinami rami ng tulang naisulat ko, ito ang aking paborito, ito ang ayaw kong lagyan ng tuldok; at gusto ko sanang samahan ng ritmo, hindi ko alam kung anong napansin ko sa'yo, o kung ano mang mahika ang ginamit mo para mapaibig ako, oo, inaamin ko, ikaw ang tulang ayaw kong matapos, gusto kong sulitin at ubusin ang pantig, hanggang sa maghikaos; hanggang sa mabuos ang tinta ng ginagamit kong panulat, ikaw ang bituin na aking tititigan hanggang sa lumubog ang buwan, ikaw ang aking nanaising mahawakan- habang natatakot, habang iniisip na ang bukas ay baka sakaling hindi na ikaw ang katabi, na baka bukas ay nasa ibang bisig- o sa iba na nakalapat ang 'yong labi. ayokong matapos ng umaga ng walang pasintabi, ayokong mawala ka sa'kin nang hindi kita nayayakap, at kapag nakagapos na'ko; asahan **** hindi ako bibitaw, aantayin ko ang muling pagsikat ng araw, para mapanatag ang aking isip, na sa aking paggising, ay hindi ka pa nakabitaw.
0
Apr 29, 2021
Apr 29, 2021 at 12:09 PM UTC
Untitled
Kung hindi mo naman pala balak mahalin siya? Eh bakit ginulo mo pa buhay niya? Mga tanong na hanggang ngayon tuloy pilit niyang hinahanapan ng sagot. Mahirap pala talaga kung wala naman talagang pagkakakilanlan ang relasyon n'yong dalawa—nakakalungkot. Kung saan siya lulugar hindi na rin  niya alam. Kung may karapatan ba siyang magselos at magdamdam Kung kailangan  pa ba niyang maghintay o sumuko na lang O hingin ang oras mo, tanong niya'y siya ba'y may karapatan? Kaya sana kung bubulabugin mo lang din naman ang kaniyang damdamin at wala kang balak na siya'y mahalin— Pwede ba? Huwag na lang, huwag mo siyang ikulong sa isang sitwasyong kulang na lang siya ay mapraning. Salita | Ate Yhin 08172022648am
0
Aug 16, 2022
Aug 16, 2022 at 8:22 PM UTC
Lagyan mo ng label