Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kwartong" poems
GISING! mainit na kape natutumbang mga mata nanghihinang katawan isip ko'y nawawala isang tinik ng ingay agad ng napatingin sa gawing banda roon anong takot sa dilim balik tayo sa mga salitang mala-linya na ang ukit sa utak kong sabaw lahat sa paningin na'y marikit maski nag-iisang ilaw nagmumukha ng tutubi pagkat sa pagdating ng bukas bawal ang magkamali ilang pahina nalang kaya't konti pang tiis minimithing tagumpay aking makakamit kaya't higop pa ng kape puta, dila ko pa'y nasunog dasal na lamang ang katapat maliban sa luha at uhog kakayanin, kakayanin hindi nais magtagal habang sila'y nagsasaya narito kang nag-aaral kung ayaw **** maiwan sa kwartong maputi kasama ng demonyo gisingin ang sarili walang alay na magaganap hindi maaaring ipabahala bawal tayong magtawag diyos-diyosan dito sa lupa itong mga matang bumibitaw, bumibitaw sa gabing ito, walang susuko maski budhi ko na'y sabaw
0
Oct 4, 2015
Oct 4, 2015 at 2:17 AM UTC
Sabaw
isang hawak na di ginusto nagsimula sa panghihipo pag iisip mo'y kasing dumi ng burak sa estero nalilito natutuliro magsasalita ba ako? kapangyarihan mo'y inabuso ginamit para bumango ang pangalan mo para maitago mo ang halimaw na nagbigay ng lamat sa buhay ko. Isang gabi! isang gabi lang! nadurog ang pagkatao ko. kinulong mo sa madilim na nakaraan tulad ng pagkulong mo  sa akin sa madilim at maliit na kwartong iyon mabilis ang pintig naririnig bawat kabog ng dibdib paralisa ang katawan di makasigaw tulong! tulong! mga salitang tila naipit sa aking lalamunan. halik na di ko ginusto yakap na di ko hiniling sayo mga hawak sa aking katawan nandidiri ako sayo seksuwal na panghahalay di ko nararapat pagdaanan lamat na di malilimutan lamat na mananatiling parte ng nakaraan di mo na ko maapektuhan ang lamat na bigay mo ang aapakan ko ang magiging boses ko para maparating ang mensaheng ito walang sinuman ang dapat makaranas nito! walang sinuman ang dapat mabuhay ng may takot mangyari ulit sa kanila ito. walang babae ang mahahalay base sa kanilang pananamit, kilos o pananalita. ang lamat na bigay mo, andito man ito pero di na ito hadlang sa muling pag ahon ko.
0
Feb 16, 2021
Feb 16, 2021 at 4:36 PM UTC
Lamat
Ang sarap sa labas ayaw mo bang magpahangin? Sa tabi ng ilog may malaking puno, higa tayo sa lilim. Magtatagpo, tatakbo, magtatago. Hangga't umabot sa kwentong kala mo walang dulo. Bakit ayaw mo yatang lumabas? Kasama mo ako ika'y ililigtas. Di kita masisisi kung ang tingin mo sa mundo, Ay puro kasinungalingan, kala mo'y impyerno. Payag naman akong dito na lang maghabulan, Sa apat na sulok ng kwarto tayo'y magtaguan. Ibababa ko ang kurtina, ikaw ang taya. Sa apat na sulok ng kwartong 'to, tayo'y malaya. Bigla akong nagising, wala ng katabi. Narinig kong katok pala ay guni-guni. Biglang tumunog aking telepono. 'Nasa pinto ako' sabi ng boses mo. Payag naman akong dito na lang maghabulan, Sa apat na sulok ng kwarto tayo'y magtaguan. Ibababa ko ang kurtina, ikaw ang taya. Sa apat na sulok ng kwartong 'to, tayo'y malaya.
0
Dec 10, 2016
Dec 10, 2016 at 11:42 AM UTC
Katok
Mga puting haligi saking paligid Puti, puti ang kabaliktaran ng aking isip Mga gamot na parang lason sa aking katawan pumapasok Hindi ginusto aking pwesto Tulong ang aking gusto Sa loob ng kwartong presinto Naka destino sa labanang di natatapos Mga boses na parang palaso Sa aking kaluluwa ay tumatagos Labanan ng lakas Pisikal o emosyonal Malakas o mahina Walang palag sa dilim na kalaban Na unti unting lumalagot Sa buhay na iyong inabot
0
Jan 28, 2019
Jan 28, 2019 at 12:16 AM UTC
Mental
K Nagising sa ingay ng puso ko Sinisigaw pangalan mo Bakit bigla lang nagbago? Ayaw na ba sa tulad ko? Nakakulong sa kwartong to Katahimikang lagpas mundo Bakit nga ba lumabo? Ano ang sa isip mo'y tumakbo? Pasensya na, sa kabilisan ko Pasensya na, pero ito'y totoo Bigla ka na lang hindi nagparamdam Kaluluwa ko ay nagdaramdam Sabik sa mata **** walang hanggan Dinadala mo ko sa kung saan Andyan ka pa ba??? Andyan ka pa ba??? Andyan ka pa ba??? Andyan ka pa ba? K
0
Apr 11, 2017
Apr 11, 2017 at 8:30 AM UTC
K
Isang tahimik na panalangin. Habang ang mundo’y nagkakagulo. Hinahanap ang paraiso Sa lugar na puno ng mga armado. Maaari bang ako’y sagipin? Sa madilim na kwartong akin kinaroroonan. Tunog ng baril at wala humpay na pagsabog ang akin hele sa gabing malalim. Nasan si inay? Nasan si itay? Ang katawan nila ay kasing lamig ng yelo. Hindi na sila nagsasalita. Hindi na sila gumagalaw. Tulog na ba sila? Maaari bang ako’y sagipin? Sa bangungot na sa akin ay kumakain. Sana sa akin pagising isa maliwanag na kinabukasan Ang sumalubong sa akin.
0
Oct 8, 2017
Oct 8, 2017 at 12:04 PM UTC
Gyera