Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kwadrado" poems
#051416 Nauuhaw ako Bitak-bitak ang lalamunan Sabay lunok, iba ang indak ng tag-init. Humiling ako Sa bulsang gula-gulanit Sa retasong sando Sabay hanap sa munting kaluping Singit sa maingay na sapatos. Siyang nakikipagtagisan ng laway Sa putik na binubuhusan ng langit. Muli, nauuhaw ako Pero sana'y mapawi ito Ng mahika't eksperimento Ng itim na likidong kumukulo sa lamig. Taglamig, taglamig na takipsilim; Yakap ko ang kapoteng maitim ang tagiliran. May karatula sa kanto, Kaya't napasugod ako sa pagkasabik. Tangan ko pagbalik ang litro. Magaspang ang mga kamay Kaya't makapit ang bote sa mga daliri. May karatula sa ikalawang kanto, Tatlong kulay, pero hindi matukoy Gabi'y makasarili, walang nais na kahati. Ulap ay hinawi, kabiyak ang buwan at bituin. Isang bloke ng yelo, Yelong pinira-piraso Binasag sa sementong kwadrado Pahaba't may mga bumbilyang mamatay din. Isang ihip lang ng hangin, lagas ang liwanag. Isang basong walang laman, Walang bahid ng pagsabon Buhat sa mga nakasalansang na pagkatao, Iba't iba ang pwesto, May kanya-kanyang tambayan. Tuluyan silang naging tambay na lamang. Nauuhaw ako pero hindi ito napawi, Mga kalapating pumapagaspas sa himpapawid, Senyas pala ng paglisan. Musikang hele patungong langit, Pagtulog ko'y pahimbing nang pahimbing. Nauuhaw ako, nauuhaw na naman ako Pero pauwi na ako sa Tahanan, Doon na makaiinom, magpapahinga na ako. Paalam.
0
May 14, 2016
May 14, 2016 at 10:31 PM UTC
Coke Story
Sa apat na sulok ng kwarto, sa sarili lang na kwento sakit na na engkwentro, buhay na sayo lang sinentro. Kaya pa bang tupadin ang pangakong hangarin na ako lang ang iibigin na sakanya pa rin binaling.
0
Jul 8, 2019
Jul 8, 2019 at 5:02 AM UTC
Kwadrado