"kulot" poems
**Hanggang dito na lang ba tayo?
Hanggang dito na lang ba ako?**
I.
Matagal na itinagong damdamin
Hiniling noon na mapansin
At dahil sa ihip ng hangin
Tinangay sa'yo ang pagtingin.
Sabay tayong lumaban
Upang mapatunayang pang-matagalan
Pagsuko ng isa'y 'di inaasahan
Paano na ang pagmamahalan?
Oras ang ipinagkait
Kaya ba ayaw nang kumapit?
Mahal, kay tinding sakit
Ito ba talaga ang kapalit?
*Hanggang dito na lang ba tayo?
Hindi na ba madadaan sa suyo?
Hanggang dito na lang ba ako?
Pagmamasdan na lamang paglisan mo.*
II.
Mahabang buhok na kulot
Wari ko'y hindi ka salot
Muntik na akong mabuslot
Sa butas ng pag-ibig na dulot.
Nakapagpalagayan, loob ay gumaan
Araw-araw kausap, hindi nagkasawaan
Dumating ang puntong nagkalokohan
Namumuong damdami'y pinaglaruan.
Sinabing mahal mo ako noong lasing ka
Akala ko'y totoo kaya naniwala na
Ganoon na siguro ako katanga
Kahit kasinungalinga'y pinaniwalaan na.
*Hanggang dito na lang ba tayo?
Nasiyahan ka ba sa paglalaro?
Hanggang dito na lang ba ako?
Sasakyan na lamang ang mga biro mo.*
III.
Sobrang lapit pero malayo rin
Kayang tanawin at lakarin
Inhinyero, hindi mo ba mapansin?
Na ang puso'y nais gapangin.
Sa pagdaan ay umaasa
Sa eskwelahan ay palinga-linga
At kapag natanaw na
Ibang saya ang dala mo, sinta.
Nguit dumating na ang panahon
Ang panahong hindi na makaahon
Pagtangi'y kailangan nang ibaon
Ito na ang huling desisyon.
*Hanggang dito na lang ba tayo?
Na ayos lang kahit sa pagtango?
Hanggang dito na lang ba ako?
Aasa na lamang sa paglampas mo.*
**Alam kong walang magiging tayo
Kaya sawi na naman ako.**
Nov 22, 2015
Nov 22, 2015 at 11:20 AM UTC
ng dahil sa pagkabagot
kami kami'y nagpang-abot
kwentuhan bang walang imbot
ngayon tuloy nauutot
dahil sa joke na baluktot
yan tuloy galit c kulot
tanong kasi'y di masagot
panay pa kasi ang hugot
Dec 29, 2015
Dec 29, 2015 at 7:53 AM UTC
Nagtatanong ako kung bakit di ko mailarawan
Lahat ng naglalaro sa'king isipan
Na kailangan pa umaano bigyan ng isang kwadro
Sa inyong mga tamad na isipan
At trabaho ko pang sa inyo'y isubo ang matigas na katotohanan
Na para saaki'y isang malaking katangahan
At ginagamit lamang ng maraming nais magpasikat upang tumaba ang kapalaluan sa kani-kanilang tiyan
At kumain ng papuri na siyang lalamunin pang kape lang at pambili ng tinta ng bolpen o ng papel man 'yan
At ano pa ang sining kung wala ka nang mapiga sa utak **** kinain ng uod ang laman
Lumuluha ka ng dugo para sila'y mamangha; mga burgis na magpopondo sa iyong katha
Na ano? Kasabay mo lang rin pumasok sa pamantasan bilang dukha
Pero ibang iba na mga mukhang inalisan na ng pasakit ng pag-iisip
Kung ano na ang para kinabukasan o kung meron pa nga namang daratnang liwanag
O kung bukas ay ang kadiliman naman
Saan ka pupulutin lintik kang di naging gahaman na piniling 'wag magpakayaman sa mumunti **** naisin na pagnanasa ng 'yong katawan?
Pinili **** sundin ang tawag ng 'yong laman, ang tawag ng uhaw na kalooban
Ano nga ba ang silbi ng pagpapakain sa kanila ng iyong isipan kung maari namang ito'y bigyan mo ng isang kasangkapan o kaya ito'y laktawan
Ng kahit anong katanungan at pagpagin ang natutulog nilang kulot na taba mula sa pang-aalipin ng katamaran?
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 11:05 AM UTC
Siya si Bogs
Minsan ay malibogs
Kahit buhok nya kulot na
Siguradong mapapahuling kayo sa kanya
Dahil si Bogs ay napakagwapo
Medyo kulot pero hindi *****
Palaging nakasumbrero
Para hindi halatang gwapo
Pagdating sa mga kalokohan
Siya ay isang hokage ng petmaluhan
Kanyang mga ini-isip ay iyong matatawanan
Dahil ito'y punong-puno ng kababalaghan
Mapapawerpa ka sa kanyang mga hugot lines
Dahil siya ay admin ng UKQ hugot lines
Mga hugot na may laman
Puso mo'y mabubusog at yayaman
Loding-lodi siya ng kanyang mga kagrupo
Dahil sa pagkamasunurin at mapagmahal na tao
Siya ay isang kaibigan
Kaibigan na maasahan
Nov 14, 2017
Nov 14, 2017 at 6:16 AM UTC
mahirap labanan ang pakiramdam
mahirap ipilit ang isang bagay
mahirap pigilan ang mga mangyayari sa paligid mo
hanggang saan ba ang kaya **** ibigay?
hanggang kailan ka magiging matatag?
hanggang saan mo kayang ipaglaban ang taong mahal mo?
hindi ka ba susuko?
hindi ka ba napapagod?
natanong mo ba siya KUNG mahal ka pa niya?
at mas masakit kung hindi mo natanong na minahal ka ba niya?
mga hiling na gustong maabot
mga taong nayayamot sa mundong kulot-kulot
mga noong nakakunot
mga buhok na napapanot
kakaisip sa mamaya bukas at sa susunod pang mga gabi
wala na siya at di mo katabi
mata mo'y may luha
dahil sa gusto **** di mo makuha
ikaw ay sobrang ng napapagal
pagod na pagod na kakahabol kaya ikaw ay hinihingal
pilitin **** maging masaya
kahit wala na siya
hindi sa lahat ng pagkakataon
hindi sa lahat ng direksyon
kasunod, kabuntot mo siya
o ikaw ang nakabuntot sa kanya
bawat tao ay may kanya kanyang landas
at sa bawat landas ay mayroong hudas
sa iyong pagtakbo
bawat pagtapak mo ay titignan mo
wag kang tumingin sa isang direksyon
imulat mo yung mga mata mo
dahil hindi mo alam may ahas na kakagat sayo
at dala nito ay lason
lason na magpapahina
lason na papatay
at tatapos sa iyong buhay.
Feb 25, 2018
Feb 25, 2018 at 10:11 PM UTC