Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"karatula" poems
ilang oras, ilang araw, linggo, buwan, ilang taon na akong naglalakbay. nakita't nadaanan ko na lahat. dito sa masalimuot na lansangan memoryado ko na ang mga pasikot-sikot sa mga eskinita, bawat lubak at hukay sa kalye, ang mga graffiti at nangangalawang na karatula. pero kahit kay tagal na ng lumipas na panahon hanggang ngayon, di ko pa rin masikmura ang mga nakakabinging busina at humaharurot na makina ang nakakasulasok na baho ng usok at nagkalat na basura. sa una ako'y nangangawit pero ngayon nangmanhid na ang mga kamay ko sa higpit ng kapit sa manibela na walang sinuman ang makakaangkin dahil ito ay s'akin lamang, akin. puso ko ang mapa: lukot at punit-punit. dito ako sunudsunuran at alipin. kahit alam kong mali, di ako kikibo, ako'y tahimik. naghahanap, pero siya rin mismo nawawala. tahanan lang naman daw ang gusto niya kung saan lulunasan ng yakap ang pagod at pait, kung saan ang mga simangot ay masusuklian ng ngiti. *pero saan? saan kaya?* ako ang hari ng daan. walang kinikilala na batas. nakikipagkarera sa hangin sige-sige sa pag-arangkada. kung may masagasaan, kahit siya ang duguan, siya pa rin ang may kasalanan. dahil paminsan naiisip ko na baka mas swerte pa siyang nakahandusay sa kalsada kaysa sa akin na pagod, naiinip, naiinis sa likod ng manibela. malapit nang maubusan ng gasolina, ang mga gulong ay pudpud na. 'di ko pa rin mahanap ang tahanan kaya tumungo na lang kaya ako sa kamatayan? "para po" ako'y napalingon. oo nga pala, may pasahero ako. inaangkas lang Kita paminsan umuupo likod madalas nakasabit sa may salamin o nakalapag sa harap kasama ng mga abubot at basura. "ate, para po" hindi. inapakan ko pa ang gasolina. nagbibingibingihan sa mga bulong Mo. oo, alam kong pagod na ako pero kaya ko 'to, hindi ko kailangan ng tulong. "para, diyan lang sa may tabi" hindi. hinigpitan ko pa ang hawak sa manibela. gusto ko lang naman makauwi. oo, alam kong nawawala na ako pero sigurado ako ang ginagawa ko siguro, sigurado siguro. "para" ngayon napagtanto ko na ako'y sawi, ako'y mali. papakawalan na ang pagkapit sa patalim, ang pagtiwala sa sarili. sa wakas ako ay bibitaw. sa Iyo na ang manibela, pati na rin itong upuan na 'to, and trono. Ikaw na, ang gasolina at gulong na nagpapatakbo ang mapang nagtuturo mula ngayon hanggang magpakailanman. Ikaw na ang Kapitan ang tagapagmaneho ng buhay na 'to. wala nang pagkuha, pagdukot, pag-angkin. mula ngayon, iaalay ko na ang lahat. ako ay Iyo. ilang oras, ilang araw, linggo, buwan, ilang taon na akong naglalakbay at tuloy pa rin ang biyahe. ganun pa rin ang kalagayan ng kalye: malubak, maingay, madumi. pero kapag Ikaw ang nandyan sa upuan, para tayong lumilipad. anumang madaanan biyahe ay napakabanayad. puso ko'y nananabik. saan Mo ako sunod dadalhin? saan kaya makakarating? kahit saan man mapadpad, kahit gaano man kalayo, 'di na ako mawawala. ako ay nakarating na. o tahanang tinatamasa, nahanap na rin Kita. basta't kasama Ka, Hesus ako'y nakauwi na.
0
May 17, 2015
May 17, 2015 at 2:23 AM UTC
ako'y nakauwi na.

Continue reading...
122
Minsa’y nadako ako sa Kalye Pag-ibig Marahil walang karatula Ang mayroon lamang ay iilang linyang puti Salungat sa kalsada Siya rin palang tulay sa’ting tagpuan. Bawat butil ng Kanyang mukha’y Kumakapit at humihilik sa balat Sa’king palad, umaapaw ang mga ito Hihinto pa ba? Pagkat hindi handa Ang yerong gawa sa plastik Na syang bihis-bihis ng kabilang palad. Maraming yapak, aking naririnig Ngunit alam kong ang berdeng kulay Pawang hindi para sakin at sayo. Ang bawat kasuotan nila’y Tila pustura lang, ako’y nanatiling walang kibo. Unti-unti kong binagtas ang eskinita Makitid doon ngunit alam kong ito’y tama Tila kayrami pa ring paninda Ngunit ang lahat, hindi naman kabili-bili Pagkat minsanan lang ang pag-ibig na totoo Ni hindi ito kinakalakal. Hindi ko man mabili ang nais ko ngayon Masilayan man kita, bagkus likod lamang Ni hindi ko nga matanto ang itsura Basta’t sigurado ako Sa paglingon mo’y parehas na tayong handa. Malayo pa ang lalakbayin Ng pawang minanhid na mga paa Pagkat ang direksyon nati’y Sa ngayo’y alam kong Hindi pa para sa isa’t isa. Ikaw na siyang iniirog Aking hihintayin Hanggang ang oras ay tumiklop At umusbong ang panibagong bulaklak Saka natin pagmasdan Mga paru paro’t iilang kulisap, maging alitaptap. Tatandaan ko ang ating tagpuan Kung saan ihihimlay natin ang kinabukasan Buksan mo ang pusong minsang winarak Bubuuohin muna iyan ng Nasa Itaas At saka na natin isulat ang makabagong alamat. Sa Kalye Pag-ibig, tandaan mo, irog Tayo’y babalik at muling mangangarap Bubuo na panibagong larawan Na may tunay na ngiting Hahalimuyak sa mas Nakatataas. Sa Kalye Pag-ibig, Doon tayo magkita.
0
Dec 1, 2014
Dec 1, 2014 at 7:02 AM UTC
Kalye Pag-ibig

51
Batong niluluto, tinutunaw, tinuturok Dahong sinisinghot, hinihithit, pinapausok Dukhang nahuhumaling, hinuhuli, pinapatay Mayamang sinungaling, tumatakas, kumakampay #ChangeIsComing ngunit wala namang binago Ang mahirap ay tumba, ang mayaman ay nagtago Inosenteng nadadamay, diniktan ng karatula Bangkay na nakahandusay, hindi na bibigyang hustisya. Halina, doon sa bago kong tahanan Ang tawag ay kulungan ngunit marami do'ng libangan. Pinuno, leader ako ng sindikato Kung tawagi'y bilanggo ngunit sinusunod ang luho. Mga alipin ko'y parak Mg bataan ko ay trapo Pamilya'y bilyonaryo Ang negosyo'y protektado. Unlimited supply—'yan ang tunay kong pangako Subok kong mga suki, wala pa rin namang nagbago Tuloy lang ang bentahan, dito tayo sa taas Ngunit tatandaan: kikitilin lahat ng Hudas. Ako'y panginoon at walang katalo-talo Agimat ko ay tsapa, baril ang gamit kong rosaryo Ako ang humuhuli sa sarili kong buntot Ang mahina **** kokote ay aking pinapaikot.
0
Aug 10, 2017
Aug 10, 2017 at 1:57 PM UTC
Tugisin Ang Mga Adranika
#051416 Nauuhaw ako Bitak-bitak ang lalamunan Sabay lunok, iba ang indak ng tag-init. Humiling ako Sa bulsang gula-gulanit Sa retasong sando Sabay hanap sa munting kaluping Singit sa maingay na sapatos. Siyang nakikipagtagisan ng laway Sa putik na binubuhusan ng langit. Muli, nauuhaw ako Pero sana'y mapawi ito Ng mahika't eksperimento Ng itim na likidong kumukulo sa lamig. Taglamig, taglamig na takipsilim; Yakap ko ang kapoteng maitim ang tagiliran. May karatula sa kanto, Kaya't napasugod ako sa pagkasabik. Tangan ko pagbalik ang litro. Magaspang ang mga kamay Kaya't makapit ang bote sa mga daliri. May karatula sa ikalawang kanto, Tatlong kulay, pero hindi matukoy Gabi'y makasarili, walang nais na kahati. Ulap ay hinawi, kabiyak ang buwan at bituin. Isang bloke ng yelo, Yelong pinira-piraso Binasag sa sementong kwadrado Pahaba't may mga bumbilyang mamatay din. Isang ihip lang ng hangin, lagas ang liwanag. Isang basong walang laman, Walang bahid ng pagsabon Buhat sa mga nakasalansang na pagkatao, Iba't iba ang pwesto, May kanya-kanyang tambayan. Tuluyan silang naging tambay na lamang. Nauuhaw ako pero hindi ito napawi, Mga kalapating pumapagaspas sa himpapawid, Senyas pala ng paglisan. Musikang hele patungong langit, Pagtulog ko'y pahimbing nang pahimbing. Nauuhaw ako, nauuhaw na naman ako Pero pauwi na ako sa Tahanan, Doon na makaiinom, magpapahinga na ako. Paalam.
0
May 14, 2016
May 14, 2016 at 10:31 PM UTC
Coke Story
Naisip ko na parang buhay pasada ang ating istorya. Ikaw ang pasahero, ako ang tsuper. Ganito ang senaryo; nakita kita sa kalsada di alam san pupunta. Ako naman si tanga hinintuan ka kahit dika naman pumara. Sumakay ka; gaya ng iba.nasa mukha mo yung salitang "Bahala na". Diretso lang ako sa pag maneho. di mo parin sinabi kung san ka pupunta. Kita naman sa karatula kung san ang aking ruta, inisip ko baka alam mo na. Sa gitna ng byahe, mukhang nalibang ka na, kaya pasikat ako sa arangkada. Halatang bago lang sayo yung dinadaanan, may tingin at may pangangapa. Ayos lang yan sabi ko. Kabisado ko to. ako'ng bahala. May mga sandaling napapakwento ka, Siguro dahil na rin sa palagay ka na. Mukhang nakalimutan ko na yung ibang pasahero. Pakiramdam ko tayo lang dalawa. Sa wakas, naitanong ko kung san ka ba talaga pupunta? Kasi, 'haba na ng byahe mahirap na baka maiuwi kita. Biglang Nawala yung ngiti mo sa mata. Para kang may naalala. Dimo ako sinagot. Bigla kang pumara. Di ko alam kung natakot ka ba? o ang pamasahe mo e kulang pa? Ayos lang naman akong ilibre ka. Basta maihatid kita. Aaminin ko, nung tinanong ko kung san ka pupunta, Napadasal ako ng konti na sana sabihin mo, "Ikaw, saan ka ba?" Naiwan ako nakahinto sa kalsada. kasi nagulat ako nung tumakbo ka, Tinawag kita pero lumiko ka na sa madilim na eskinita. Napakamot ako sa ulo at napailing. Ako ba ang may problema? Di ko tuloy alam kung babalik ka. kasi kaya kong mag intay pa. Pinaandar ko ulit yung jeep. nagmaneho, nag maniobra. umikot, luminga linga. wala ka na. Hahanapin kita. madilim na.. bukas baka bukas. Kung san kita nakita nung una, baka doon ka pumara.
0
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 1:10 PM UTC
JEEP

28