Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kapatawaran" poems
"bakit ka ganyan mag-isip? hindi naman ako mawawala." yan ang sabi mo sa akin noon buti nalang hindi na ako naniwala dahil kung sakali, hanggang ngayon ay magsisinungaling pa rin ako sa sarili ko "patawad" lang ang naisagot ko hindi ako perpektong tao kaya sana patawarin mo 'ko hindi ko na binigyan ng isang segundo ang pag-iisip dahil ang salitang ito salitang nanghihingi ng kapatawaran mo ay matagal-tagal nang nagkukubli sa'kin dito ngunit bigyan mo ako ng kaunting panahon para magpaliwanag sayo dahil sa pagkakataong ito lunod na ang sarili sa kasinungalingan ng "patawad" noong simula palang "patawad", dahil simula noong iniwas mo ang mga mata mo noong akala ko ayos pa ang haligi na sinasandalan ko hindi na ako naniwala "patawad", dahil pagkatapos noong pagsisigawan natin tumitig ka sa mata ko, alam kong patibong mo na naman 'to kaya hindi na ako naniwala "patawad", dahil sa tuwing sinasabi mo ang salitang "patawad" halos hindi ko na maihulma sa utak ko ang ibig sabihin mo kaya ni minsan hindi na ako naniwala sayo at halos lahat ng salita na binibigkas ng labi mo patawarin mo ako, dahil sa hangin ko nalang ibinabato sa pagkakataong ito na nasabi ko na ang salitang "patawad" sana patawarin mo ako dahil hindi ko masabi ang lahat ng ito sayo nais ko, pero ayokong sisihin mo ang 'yong sarili ayokong isipin mo na ikaw ang nagkamali pero sana pala binanggit ko nalang sa 'yo 'to para ngayon hindi lang ako ang nahihirapan na bumitaw dahil alam ko, matagal ka nang bumitaw at akala mo ako ang nauna pero hindi, hindi, dahil hanggang ngayon nakakapit pa rin ako alam ko ang totoo pero nakakapit pa rin ako.
0
Jun 22, 2017
Jun 22, 2017 at 4:51 AM UTC
Untitled

Continue reading...
36
Kung nakalimutan **** ibigin ako, Bubuhayin ko ang puso ko sa ibang tao. Kung hihilingin **** muli ay maging tayo, Maipapangako mo bang mahalin ako ng buong-buo? Kung nagkamali ako at ika'y nasaktan, Buong puso akong hihingi sa iyo ng kapatawaran. Kung may pagkukulang ako at ika'y lumisan, Kausapin mo ako nang maiwasan ang iyong pag-alsa balutan. Ano mang mayroon ako'y ibabahagi ko, Kung talagang mahal mo ako, ika'y magbabago. Mamahalin kita ng higit pa sa inakala mo, Dahil ang puso ko'y sadyang laan lamang sa iyo. Magsimula tayo sa bagong taong ito. Liligawan pa kita kung ito ang nais mo, Basta't mangangako kang IKAW lang at AKO, Sa mata ng Diyos, ang nakatakda ay TAYO.
0
Jan 3, 2016
Jan 3, 2016 at 11:16 AM UTC
Ikaw + Ako = Tayo
Katulad ko, ang tao’y sadyang mapaglinlang kung minsan Hindi lubos maisip na kayang gawin ng sino man Sa mga nagtitiwala sa iyong karunungan At ito’y maging sanhi ng sugat sa munting tahanan. Ang mga nakapaligid ay apektado rin naman Ngunit hindi kailanman na mas binibigyang-pansin Ang mga mapanglait at mapanghusgang katauhan Kaysa hinagpis ng mga nagmamahal na magulang. Ako di’y nasasaktan sa kanilang pagdaramdam Salitang binitiwan ng mga taong malapit man Ang lakas ng loob ay unti-unting napapawi rin ‘Tsaka mag-isang nagkukubli sa loob ng tirahan. Hirap mang unawain aking naging karanasan Hirap ding tamuhin na ika’y kanilang tanggihan Bunga ng kasalanan ay buong-pusong tanggapin Akin ring susuurin kung ano man ang nailaan. Natitirang lakas at tapang ay aking gagamitin Tuloy pa rin ang laban sa likod ng kabiguan Hanggang masalimuot na pangyayari’y maliwanagan Namnamin pati ang nalalabi pang kasiyahan. Taos-puso kong panalangin sa iyo, Panginoon Na ipagkaloob ang hinihinging kapatawaran, Ipinagdadasal ko ang minimithing kapayapaan At ipagdiwang ang dalisay na bagong kabuhayan.
0
Feb 19, 2018
Feb 19, 2018 at 10:16 PM UTC
Isang Yugto Ng Buhay
Sa kumpas ng mga kamay Yaong mapapanood Hihinto ang oras Kasabay ng delubyo Tila nasa sentro ng mata ng bagyo Tangan ang manika na pinatakan ng dugo Isinuob at ang usok na umilanglang ay nakakahilo Malapit na maghating gabi Habang namumula ang buwan Isang salita na lng isasambit iyon Ay ang pangalan Maghahari ang sumpa na di Maglulubay Ngunit sa kahu-huling minuto Ay ang sandali Nang pagkamulat sa kapakanan ng minamahal At di sa pansariling pagkagusto at pag mamay-ari Kapatawaran sa Diyos ay inihiling Nang biglang may kulog at kidlat Kasabay ng malakas na hangin Parang may nagalit Gamunggong patak ng ulan sa pisngi Tila may mabigat na pasanin
0
Jun 27, 2019
Jun 27, 2019 at 8:16 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #70
Naninikip ang dibdib, Hindi makahinga. Naghihinakit na damdamin, Pilit na kumakawala. Sumisigaw. Nagsusumamo. Naninibugho. Nasasaktan. Humihingi ng kapatawaran, Sa kasalanang hindi sinadya. Hinihiling ang pang-unawa, Sa mga binitiwang salita. Paumanhin. Pasensiya. Ako'y nagsisi na. Patawad.
0
May 16, 2016
May 16, 2016 at 1:21 PM UTC
Silakbo
nakaw lang ang mga sandali ngunit tayo'y nakangiti kahit hindi ma'y magkatabi sa puso ko ika'y mananatili sa iyong buhok na manipis, sa balat **** kay kinis ang iyong tangkad na hindi labis at ang iyong nakakabighaning ngiti sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang gaya mo, walang maihahambing sa aking huwad na buhay, isang ikaw ang dumating kinulayan ang aking buhay, isang kang luningning ngunit ang tadhana nati'y hinatulan emosyon ko'y hindi napigilan ako'y nawala, sa ere ika'y binitawan lubos na nagsisisi, ba't ka nga ba pinakawalan? sa mga panahong lumipas ilang beses mo na akong binigyan ng tsansa ngunit sa sarili' ako'y nagdududa na baka maulit ang aking mga nagawa sa panahong ika'y muling mahagkan buo na'ng puso't isipan ika'y hindi sasaktan't iiwanan ngunit ang kapatawaran mo ba'y aking matatamasan? nawa'y sa aking paghilom, ay nariyan ka pa hihintayin kita't tayo'y magsisimula mapaglarong tadhana ginawa tayong taya nawa'y tayong dalawa ay tuluyang makawala
0
Jan 2, 2022
Jan 2, 2022 at 10:58 AM UTC
Untitled
Sinabi ko noon sa sarili ko na kapag dumating ang gabing itutulak táyo ng hangin upang pagtagpuin -- kapag dumating ang araw na pagbanggaing muli ang ating mga damdamin, silàng may kanya-kanyang hinanaing, Huwag mo akong yayakapin. Huwag mo akong hahalikan. Huwag **** hahaplusin ang mga nanlalamig kong braso. Huwag mo akong iiyakan. Ayokong maalala ang kinabisa kong init mo. Naniniwala ako na sapat na ang mga titig, ang mga nangungusap na mata. sapat na ang distansya, ang espasyo sa pagitan nating dalawa. sapat na ang iniyak natin noon. sapat nang hindi táyo katukin ng mga ala-ala búkas. sapat nang natuto táyo sa kahapon. sapat nang kilala na natin ang lunas. sapat nang napatawad kita't napatawad mo ako at kung paanong napatawad natin ang ating mga sarili. sapat nang káya mo nang matulog sa gabi dahil sapat na ring káya ko nang gumising sa umaga. sapat na ang mga naisulat na liham, ang mga talatang humihingi ng kapatawaran. sapat na ang mga musikang sabay nating inawit, ang mga tonong hindi nagkakapanagpo. sapat nang mga panyo na lámang ang nakasaksi ng mga hikbi ko sa gabi, ng mga luhang nahihirapang matuyo, ng mga pusong magkahiwalay na nagdurugo. sapat na ang mga alak na nagmistulang kaibigan, ang mga unan na yumuyupyop sa aking balat. sapat na ang aking silid na itinuring kong simbahan dahil sapat na ring paulit-ulit kong ipinagdarasal na maghilom na ang mga sugat. sapat na ang magagandang gunita, mga ala-alang ating ginawa. sapat nang nagagawa mo na muling ngumiti dahil sapat na ring nagagawa ko nang tumawa. sapat nang naiintindihan ko na at sapat nang hindi ka na magmakaawa. sapat na ang mga regalong aking nagustuhan dahil sapat na rin ang pagbitiw na hindi ko inayawan. sapat na ang lakas ng loob na inipon ko dati dahil sapat na rin ang tákot na naramdaman ko noong iyong sinabing, "Hindi ka pa pala sapat." Salamat. Hindi mo ako masisisi kung minsan na akong naniwalang hindi ako ang nagkulang. Pero ngayon. Kapag dumating ang pagkakataon na muling mag-krus ang ating mga nangungulilang landas, Hahayaan kitang yakapin ako; halikan ako; Hahayaan kong haplusin mo ang nanlalamig kong mga braso at kahit sa huling pagkakataon, Hahayaan din kitang umiyak dahil ito na rin ang huling beses na kikilalanin ko ang init mo; at pagkatapos kalilimutan ko na. ---
0
Jul 15, 2020
Jul 15, 2020 at 4:55 AM UTC
Ang Nagkulang

55
Tama na! Tama na ang mga pagtangis. Tama na ang mga pagdurusang nararamdaman ng aking puso. Tama na ang mga pasakit na pinapasan ko sa mahabang panahon. Tama na ang mga luhang palagi na lamang pumapatak sa tuwing naiisip kong wala akong kuwenta! Hanggang kailan ba ako dapat na aasa sa wala kung hindi naman akong kayang mahalin ng taong mahal ko dahil ako ay iba? Bakit ko ipagpipilitang isiksik ang sarili ko kung sa simula't sapul ay hindi nila ako maintindihan? Dalawang beses lang ako nagkamali at sa mga pagkakamaling iyon ay humingi ako ng kapatawaran pero bakit tila hindi ako pinakinggan? Nasaan ang kalayaan kong ako ay dapat na pakinggan sa mga isiniwalat kong pawang katotohanan lamang? Anong pruweba ba ang dapat kong ipakita upang mapagtanto nilang karapat-dapat din akong mahalin, at bigyan ng pagkakataong patunayan ang sarili kong hindi ako ang taong inakala nilang katulad ng taong kinamumuhian nila ng mahabang panahon? Pera lamang ba ang kailangang maging dahilan upang mapansin ang kahilingan kong matagal kong inasam na makamit ito? Tao pa ba ang tingin nila sa akin o bagay na kapag nakuha na ang gusto ay itatapon nalang nang walang pasubali at hindi na kayang balikan o kamustahin? Hindi ako nagmamalimos ng pag--ibig mula sa kanila! Ang gusto ko lamang ay tanggapin ako sa kung sino ako at kung ano ang nakaraan ko. Sana ay bigyan naman nila ako ng puwang sa kanilang puso pagkat ako ay sabik na sabik na sila ay mahagkan nang mahigpit. Kung buhay pa sana ang ilaw ng aming tahanan ay hindi niya pahihintulutang magkakaganito ako. Tama na! Tama na ang mga baluktot na katwiran! Tama na ang mga salitang iyong binibitawang Hindi sumasang-ayon sa nilalaman ng iyong puso at sa sinasabi ng iyong isipan. Ikaw na nagmamahal pa, magmamahal pa ba, Kung kaliwa't kanan ng ipinaparamdam sa iyo na hindi ka nararapat maging bahagi ng mga puso nila? Ikaw na nagmamahal pa, magpapatuloy ka pa rin ba kung tahasan ka nang itinataboy sa pintuan ng kani-kanilang damdamin at isipan? Saan ka nga ba nagkamali? Ang mahalin sila nang buong puso, tapat, at totoo? O ang umasa ka sa mga mabulaklakin nilang mga salita Na kasinungalingan lang pala ang lahat at hindi ikaw ang nais nilang makasama?
0
Feb 11, 2018
Feb 11, 2018 at 4:21 PM UTC
Tiwala at Pagmamahal (A reverese poetry)

29
Ang masalimuot na pag-aalboroto. Hindi na sana muli. Ang nakakapuwing na mumunting bato. Maging ang huli na sana ang pinakahuli. Aasahan pa ba natin? Ang nakakabulag, nakakaiyak na abo. Hihintayin pa bang dumating? Hindi na sana muli. Ang natuyong lahar ang aking kapatawaran. Ang iyong kapaligiran ang sa iyo naman. Tuwing Nobyembre at Enero Ipagdarasal ko ang hindi na muling pagputok, pagsabog at pagbulusok ng Pinatubo. Hindi na sana muli. Maging ang huli na sana ang pinakahuli.
0
Nov 20, 2023
Nov 20, 2023 at 8:36 AM UTC
Ang Muling Pagbulusok ng Pinatubo
#06022021 Hayaan **** ilahad ng mga pahina ang misteryo ng nakalipas, Ang mahikang bumabalot sa guhit ng mga palad Na hinulma sa salamin ng liwanag, Ang dugo ng kasaysayang naging pantatak ng kahapon, bukas at ngayon. Ang pagsirit ng kandila sa lumalalim na gabi Ay gaya ng pakikipagbuno ng kalangitan sa lumalagablab na araw. Hindi man lamang napagod ang lumikha ng bahaghari, Pagkat buhat sa simula hanggang dulo'y kaya nya itong pagmasdan -- Kaya nya itong sabayan hanggang sa pagtiklop ng mga ulap. At gaya ng mga ibong malaya na walang humpay ang pagkampay patungo sa lilim, Ay gayundin ang mga imahe ng putik na ginawaran ng damdamin. Ang kanilang pakikipagsapalaran sa modernong makinarya ng paglusong at pag-ahon, Na may dalisay na pagdinig sa lilim ng kapatawaran at kaligtasan. Walang sinuman ang kayang kumitil sa mga paupos na kandila -- Silang ang pagluhod ay simbolo ng kalakasan at pagtitiwala. Silang may dunong at sa bukal ng buhay ay may hiram na sandali. Maliban na lang kung sya'y magpaubaya para lumisan nang walang paalam. Ngunit kumatok man sila, Ang huling habilin at pagsilip sa bintana sa hapag Ay walang katiyakan pawang sa oras at magiging tahanan. Di hamak na may kaalaman ang sining na paghinga ang naging buhay, Kaysa sa mga yumuyukod na mga punong Mayroong nalalagasan na mga pakpak sa bawat dapithapon. Di gaya ng dagat na lumulunod sa sarili Na hayag sa kalangitan ang pagkunot at paghinahon. Ang pawis sa mga pisngi'y gaya ng mga butil ng perlas Na higit pa sa mga ginto't dyamanteng ibinigkis para ikalakal. Walang humpay ang pagkapa madatnan lamang ang liwanag Sa iskinatang walang inihain kundi pait at karamdaman. At katulad ng pagpapagal nito sa apoy upang mailimbag ang sarili'y Kusang babalik ang mga ito sa hiningan ng sandali. Kung saan wala nang ni isang mananatiling "misteryo," Kung saan lahad at hubad na ang lahat ng pagpapanggap. At kung saan ang huling pahina ay pupunitin, Ang himagsikan ay makikitil hindi nang panandalian lamang. Magiging malaya ang pagpapaubaya ng mga kamay sa hangin, Malaya ang mga pusong walang ibang nais kundi magpuri.
0
Jun 3, 2021
Jun 3, 2021 at 3:19 AM UTC
The Story of Time

38
"STOP THE CAR!" hindi siya nakatingin sa akin nang mga sandaling iyon. "Please, Amira! Makinig ka naman sa akin. Please?" patuloy pa rin ako sa pagmamaneho ng sasakyan habang nagmamakaawa sa kaniya na pakinggan ako. "At ano pa ba ang kailangan kong marinig sa iyo, Auther? Sawang-sawa na ako! Stop the car!"  hindi ko siya pinakinggan. Ramdam na namin ng mga oras na iyon ang biglang pagbuhos ng ulan at kakaibang ihip ng hangin. "Hindi kita susundin hangga't hindi mo ako pinapakinggan, Amira. Please!" at dahil mapilit ako, ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho pero bigla niyang hinawakan ang manibela. "Mababangga tayo sa ginagawa mo, Amira." "Kung ito lamang din ang paraan para sundin mo ako ay gagawin ko!" Nakipag-agawan na siya sa manibela sa akin, kaya nagpagewang-gewang ito. Pilit kong kinokontrol ang kamay niya. Inihaharang ko ang aking kanang kamay dahil inaabot niya ang manibela habang ang aking kaliwa ay sinusubukang iayos ang takbo ng sasakyan. At dahil madulas ang kalsada dahil sa ulan at patuloy si Amira sa pag-aagaw sa manibela, sa kaniya na lamang natuon ang aking paningin. Hindi namin namalayan ang pagdaan ng isang malaking truck na ilang metro na lamang ang layo sa amin. Nagmadali akong iliko ang sasakyan upang hindi kami mabangga ngunit hindi ko inasahang dederetsi kami sa bangin. Inapakan ko ang preno nang ilang beses pero mukhang nawalan yata ng preno. Bago tuluyang tumalon sa bangin ang sinasakyan namin ay agad kong hinila ang kamay ni Amira. Hindi ko na hinawakan ang manibela dahil nawala na rin naman ng preno ito. Mahigipit ko na lamang niyakap ang babaeng mahal ko. Damang-dama ko ang malakas na pintig ng kaniyang puso at hindi na rin mapakali ang isipan ko sa nangyari kaya naibulong ko na lamang ang mga katagang kanina ko pa sana sinabi sa kaniya. "Humihingi ako ng kapatawaran sa nagawa ko, Amira. Hindi ko sinadyang malaman mo ang katotohanan tungkol sa totoo kong pagkata--na bakla ako. Kahit na hindi mo alam ang buong kwento, ninanais ko pa ring sabihin sa iyo na kahit bakla ako ay naging tapat naman ako sa iyo. Ikaw lang ang babaeng una at minahal ko sa buong buhay ko. Mawala man tayong dalawa ngayon ay masaya akong mayakap ka at masabi sa iyo ang mga katagang--mahal na mahal na mahal kita, Amira." Matapos kong sabihin iyon ay naramdaman ko ang mahigpit na yakap niya sa akin. Doon na rin namin naramdaman ang paggulong-gulong ng sasakyan pababa. Hindi ko siya binibitawan kahit pa pareho naming napapakinggan sa loob ang unang tatlong linya  sa liriko ng kantang Passengers Seats ni Stephen Speaks. I look at her and have to smile As we go driving for a while Her hair blowing in the open window of my car Sa huling paggulong ng sasakyan ay nasa ibabaw ko na si Amira at muli naming niyakap nang mahigpit ang isa't isa hanggang sa isang matulis na bagay ang tumusok sa likurang bahagi ng aking puso na tumagos sa puso ng pinakamamahal kong si Amira.
0
Jul 9, 2018
Jul 9, 2018 at 3:02 AM UTC
Passengers Seat

17
Pagkukulang? mapupunan, Paghihirap? malalampasan, Pasubok? lalabanan, Pagkakasala? mayroon bang kapatawaran? Pagkakamali, nagpalubha, Pagka-manhid, nagpalala, Isipa'y binabagabag, Patawarin sana, aking dilag. Alam sa sarili, aminado, Di nag-isip, nagpakabobo, Ngunit ano pa nga bang magagawa? Tuluyan nang nagkasala. Pagpapaumanhin? aanhin? Nagpapabigat ng damdamin, Ngunit ano bang magagawa? Paumanhi'y sapat ba?
0
Apr 14, 2017
Apr 14, 2017 at 7:46 PM UTC
Sapat ba?
Alam ko namang ito ang magiging kamatayan ko. Alam ko namang may hangganan din itong mayroon tayo. Ang puso kong pasan-pasan ko, at hila hila ko rin pati na ang sa'yo. Ang pagkahulog ko ay akin lamang, ang pagkakadapa ko'y sariling pagkakasala. Ano ang sasabihin ng aking ina, ang luha pag nakita ang duguang mukha? Abutin mo ang aking kamay, at tulungan mo akong tumayo sa aking paa. At ang mukha ko'y punasan mo, ang labi ko'y dampihan mo ng labi mo. Ang aking ikalawang pagkakahulog, alam kong wala nang sasaklolo. At wag kang iiyak sa ngalan ko ang luha mo'y para lamang sa'yo. Ang ikatlong pagkakahulog, ang iyong kapatawaran ay ibigay mo. Aking kasuotan ay tanggalin mo, aking kabayaran ay tanggapin mo. Ang mga braso ko'y pigilan mo, ang mga binti ko ay isunod. Alisin mo ang paghihirap ko sinta, ang paghinga ko'y wakasan na. Alisin ang katawan ko't ilayo sa aking puso, ang isip ko'y isunod mo pagkatapos. At ipahinga mo ang bangkay ko sa tabi mo, hanggang kamatayan sa'yo lang gagapos. At hintayin mo aking muling pagbabalik, sapagkat ang aking ikalawang pagdating  ay ang paraisong di mo pa nararating.
0
Mar 27, 2024
Mar 27, 2024 at 7:04 AM UTC
Estaciones de la Cruz
iwanan ang lahat bago pa lumalim ang mga sugat ng puso na hindi na gagaling kung ngayon ako'y lilisan ako'y humihingi ng kapatawaran sapagkat ito ay nararapat upang hindi na kayo masaktan pagdating ng ilang buwan unti-unti niyo akong malilimutan sa aking pagpapaalam sana'y tanggapin niyo ang aking pagbitaw
0
May 7, 2019
May 7, 2019 at 9:22 PM UTC
ika-8 ng Mayo
kung ito man ay dagundong ng marubdob na panaghoy tiyak din ay pabulong paghuhumiyaw nang walang saysay siguro'y pagsusuka ng mga salitang walang kabuluhan; pagaaksaya ng mga pariralang parang sitsiryang walang sustanya mainam din namang makapaghayag ng saloobin kahit paminsan-minsan ako'y halang at hangal huwad at duwag isang palalong inutil na manlilinlang tuod, tulig, nakukultang utak at bibig na pugad ng kasinungalingan kung may sasakit pa na ako'y sunugin, mainam ding ako'y balatan ng buhay, hubad na ibilad sa kahihiyan at panatilihin akong humihinga pa rin. pakiusap, gawin mo ito ng paulit-ulit hanggang sa ika'y manawa upang kahit paano'y maramdaman ko ang sakit na idinulot ko sa iyo at huwag na huwag kang maaawa dahil ang kapatawaran sa akin ay karanyaang hindi dapat naisin at panalangin kong pabalang na buhay ko'y kitilin na lamang, ngunit sa taong tulad ko, maging parusang kamatayan hindi sapat alam kong pagbabayaran ko ito ng malaki dahil hindi kita sinuklian ng mabuti kaya't marapat lang na ito'y aking pagdusahan binigo kita, babaeng pinakamamahal ko at hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung pahinulutan sana ng Maykapal na kahit huling saglit ay maibalik, batid kong imposible man din, mahal na mahal na mahal pa rin kita
0
Oct 19, 2016
Oct 19, 2016 at 3:27 AM UTC
Untitled
sumasampalataya ako sa diyos sa aking kaibuturan. walang langit sa makamundong isipan. sumasampalataya ako sa baong panandaliang hiram, nabubulok, nalalanta. hiwaga ang bunga ng pagmamahal. hindi kailan man mamamatay ang kaluluwa kahit sa ikatlong araw, ang laman ay abo na. nanatili sa balat ng lupa. naluklok sa kanan ng mira at ginto, pati na rin ng insensong bumabalot sa espiritu. tinago ang amoy ng isang alipin. alipin ng sarili. alipin ng iniwang mundo. sumasampalataya ako sa isang dalaga, sa leeg ng manok ng banal na tinola, sa kapatawaran ng kasalanang sirang-plaka. paulit-ulit gigibain at bubuuin ang simbahang ako lamang ang sumasamba. magpasawalang-hanggan.
0
Jun 12, 2020
Jun 12, 2020 at 10:01 PM UTC
credo ni damaso
Ang sabi mo mahal mo ko, Sambit ng iyong mga labi. Ipinakita **** lahat ay totoo, Subalit lahat pala ay Mali. Mahal, o mahal ko, Bakit iyong nagawa? Gamitin salitang "Mahal kita" Upang ang puso ko'y mahiwa? Ngayon ang lahat ay nagbago, Hindi maintindihan. Ikaw ay nilisan ng puso, Ikaw ay iniwan. Subalit mayroon nga bang kapatawaran, Isang taong panloloko na sa akin ay tinuran? Sa pagmulat sa umaga Hindi ka na kausap, Bago matulog sa gabi, Hindi ka na napupuyat. Laging bukambibig ang nag-iisang pangarap, Pangarap na nawala, nawasak na lahat. Huwag mo sana muling bigkasin, Salitang "Mahal kita" sa akin. Sapagkat ang isip ay sarado na, Sayo'y Hindi na magtitiwala.
0
Oct 26, 2018
Oct 26, 2018 at 8:56 AM UTC
Ikinubling Kasinungalingan
Noong musmos pa’y sabaw sa isang malukong na pinggan puno ng kaning may kaunting tutong pagkaliban ko ng bakod, ika’y nakasalubong kalooban ko’y kimi, dila ko noo’y urong wala sa aking hinuhà, walang sinangguning manghuhulà sino ba’ng mag-aakalà marmol **** bantayog gatô palang kahoy ang loob nang katotohana’y nabantog sa kaunting yanig, gumuho ang moog huwag daw sasamba sa mga d’yos-d’yosan ngunit tila larawan ka ng may-kabanalan haliging inasam na masasandalan sa ilaw ko pala’y naging tampalasan imaheng nadurog ay dagok sa aking likod, at tila balisong na sa puso’y kumadyot kulang ba ang hikbi ng pusang malambot? labis bang nagmahal ang asong malikot? Mahabang panahon ginugol, dumaan Ang kapeng mainit lumamig, Napanis na’t nakalimutan Sa paglalakad, dinampot, hinimay ang duming iniwan ng mga alamid matiyagang pinagyaman Isinangag ng paulit-ulit sa nagmumuning isipan Giniling sa puso tumanaw sa pinagmulan Tinimplahan ng matam-is na kapatawaran Paglagok ng mainit, aking naramdaman Tiwasay ang dibdib, may kapayapaan.
0
Nov 8, 2019
Nov 8, 2019 at 5:14 PM UTC
Kapeng Barako IX
Oh Hesukristo Ako’y muling binyagan Mo Ibuhos Mo ang Iyong dugo Upang mapawi ang mga sala ko Ako ay Iyong pagmasdan Nababalot ng karumihan Punung-puno ng kasalanan Parang wala nang kapatawaran Baguhin Mo ang aking buhay Itayong muli ang mga suhay Tapusin ang pagkakaratay Sa mga kasalanang nakamamatay Pakawalan Mo ako sa mga kadena Ng pagdurusang matagal na Ako’y palayain Mo na Bigyan ng panibagong pag-asa. -01/12/2014 (Dumarao) *written on this day of the Feast of the Baptism of Jesus
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 9:59 PM UTC
Binyagan Mo Muli Ako