Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kaluluwa" poems
Anak: "Ika'y Tulang muli't muli'y binabasa ng madla, Na 'di makalilimutan; na binabaon sa alaala Tulang puno ng damdamin na ni nais ipabatid At ang saknong ng pag-ibig Mo'y, Siyang tutugma sa puso kong minsa'y naging sugatan."* Ama: "Minsang ibinigay ko sa iyo ang pagkakataong Unawain ang kahulugan ng kamusmusan. Sa lupaing ugat ng iyong kaluluwa't Siyang kanlungan ng mga pangako Ko't Mga pangarap na laan sayo. Bumangon ka, Anak Ako ang Siyang sasagwan Ako ang aabot sayo." Anak: "Sabay nating kinatha ang tula ng aking buhay; Mga saknong at tugma na sarikulay, Mga katagang baun-baon ko Sa malayu-layong paglalakbay." Ama: "Pagal ka ma'y, Nanahan pa rin sa puso ng bawat isa, Di mo man tiyak ang katiyakan, natitiyak Ko Na ang pag-ibig Ko'y, kailanma'y di ka iiwan. Anak, hanggang sa huling tapon ng lupa At huling tapon ng luha, Hanggang sa huling liwanag Ng itutulos **** kandila, Hanggang sa huling pagpagpag mo Ng sar't saring pangungulila, Patuloy Kitang mamahalin, Anuman ang mangyari." Anak: "Singbigat ng katotohanan At ng pangarap na mala-kalawakan, Ito ang huling handog ng makata **** anak: Ang mabatid kong Ikaw ang buhay na eternal At ako'y isang kathang Ikaw ang tinitingala -- Ikaw ang dinadakila. Ama, ako'y malaya Ikaw ang buhay, Ikaw ang agos Ikaw ang tagumpay; Gisingin Mo ang diwa Ang bugso at alab ng damdaming hilaw Ikaw ang masundan Nang maihain nang patas Ang pag-ibig **** umaapaw." #041215 ‪
0
Apr 23, 2015
Apr 23, 2015 at 8:07 AM UTC
Pag-ibig na may Tugma (The Love of a Father)
malamig sa isang silid may kasamang pighati, saya at lungkot sa bawat paghinga, ramdam ang pagbagsak ng luha. magkakahiwalay na tayo sakit na tila kinukurot ang puso sakit na walang ibang lunas, kundi ang pagsasamahan nating nabuo. sinulat ko ang tulang ito para kahit ako'y lilisan na maaari ko pang balikan lahat. lahat ng alaala at samahan, mga alaala na hindi ko makakalimutan, katulad ng... habang tayo'y naghihintay ng ticket habang tayo'y nagbabasa ng email thread habang tayo'y nakaupo sa isang silid nagkukwentuhan, nagtititigan, nagmamasid, naglalaro ng moba, nanonood ng youtube, nakahawak sa mga selpon. na tila bigla bigla tayong natinag sa mga boss na dumadaan na kahit sa dami natin sa area nagawa parin tayong turuan at pag tiyagaan nila sir at ma'am. napaka-lungkot lang isipin, na ang ating samahan, sa kathang-isip na lamang. alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat yung puno ng tao sa isang silid. puno ng tunog at salita  puno ng biruan at tawanan pero ramdam **** maiiyak ka ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang  kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman nakakapagod mag-isip. pero alam naman natin ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga  ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan alam ko, napapagod rin kayo sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay sa mundong malawak. pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao, na nakikita ko mula sa inyo. ngiting kay gaan sa pakiramdam, na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti. Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti. Na nakakapawi ng pighati, Salamat, Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
0
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 10:59 AM UTC
sa isang silid

Continue reading...
67
Nagsimula ang lahat sa mga tingin na abot kaluluwa Nung ako'y ligaw at kusang hinahanap ka ng aking mga mata Sa bawat lihim na sulyap ay isang 'mahal kita' na hindi mo nakuha Di pa rin tanggap ang nakaguhit na linya Nakakatawang isipin, Na walang kaalam alam na sya ang pinaka importante sa buhay ko Ang inosente sa ngalan ng pag ibig, Na sya'y salarin sa pagbihag ng puso ko Sa bawat kainan na ating napuntahan Hindi ako nagsawa na ang istorya mo'y pakinggan Sa mga sinehan na ating pinanuoran Na mas gusto kong ikaw ang aking titigan Ikaw ang bituin sa gabi na lagi kong pinagmamasdan, Ang aking hiling sa bawat tingin sa langit, Panaginip na sa pag dilat ko sana'y totoo At ang buong sistema ng mga tula ko Pero hindi ako naniniwala na hanggang dito nalang Umaasa pa na sana'y pwedeng humakbang Nasa likod ko ang pader at wala nakong iaatras pa Dahil ako'y tao lang at ang pag abante ang natitira kong galaw Gusto kong humakbang, kung anong meron tayo Gusto kong higitan, ang mga nagawa ko para sayo Sana ako yung taong pinagbigyan **** magpapasaya sayo Binigay ko ang lahat na akala ko'y sapat Ngunit hinarangan mo ang daan para maging tunay ang lahat Konting lapit ay luwas ng mabilis Bulong sa hangin ang damdaming nais iparating Ilang luha ang iniyak mo na hindi kailanman mang gagaling sa akin At sa mga ngiti na sana'y ako ang sanhi.. Hindi mo na pansin na ako'y nasaktan Na habang buhay mag hihintay sa bakuran At umaasa na sana pwede pang humakbang..
0
Feb 25, 2016
Feb 25, 2016 at 1:43 AM UTC
Mag Kaibigan
Boom! Pagsabog! Na sa aking dibdib ay kumabog! Ang isip at kaluluwa ko'y nabubulabog! Ito nga ba'y himig ng kapayapaan o himig ng digmaan? Isa akong musmos na batang---- naninirahan sa isang bayan, Dito ako lumaki at nagkaroon ng pangalan, Bayang Marawi ang lupang aking sinilangan, Isang bayang tanyag sa kaunlaran, Ngunit ngayo'y nagiging usap-usapan sa t.v, radyo at maging sa pahayagan. Hindi ko malilimutan ang gabing nagdaan, Gabi!--- ng ika-23 ng Mayo ang nagpinta sa aking pusong sugatan, Isa ako sa mga nawalan ng magulang, at saksi sa karahasan na walang katapusan, Hudyat ng pagguho ng pag-asang aking pinanghahawakan. at habang aking pinagmamasdan, Isa-isang nabubulagta at dugu-an, Ang aking mga kamag-anak at kaibigan, at sila'y.....wala na----- wala ng malay at nakahandusay. Wala akong magawa kundi ang tumakbo ng tumakbo, kumarepas ako ng takbo.....ng isang napakabilis na takbo.... nanginginig sa takot...pagod na pagod... humihingal.... Iyak ng iyak at nagsusumamo at habang ako'y papalayo ng papalayo-------- Naisip ko: "Saan ako patutungo?" "Sa mga pangyayaring ito sino ang namumuno?" Sila ba'y mga Muslim o Kristiyano?" Ngunit maging sino man sila---- Sila'y hindi santo na may pusong bato, Dahil sila'y pumapatay ng kahit na sino, at ito'y hindi makatarungan at makatao. Ang sakit....Oo ang saklap...ang bayan na naghahatid ng kaunlaran, Ngayon ay nabubura at nag-iiwan ng isang malagim na ala-ala, Nagsisilbing aral sa tuwina at nagpa-paalala, Na kinakailangan ng isang may malinis na adhikain at tapat sa tungkulin ang namamahala. Ano nga ba ang hatid ng kaguluhang ito? Kaginhawaan o Kahirapan? Kabuhayan o Kamatayan? Ang katotohanang ito'y-------- Isang malagim na karimlan! Pagluha para sa aming mga kabataan, Crestine Cuerpo at pagmamaka-awa para sa darating naming kinabukasan, Oo.....masakit ang mawalan, Ngunit kailangan kong maging matapang, Dahil ako'y isang Pilipinong handang lumaban, Kaya't sigaw ko Pagbabago! Katarungan! Sa mga kinauukulan: Nasaan? Nasaan? ang inyong pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan? Kung sa isip at puso niyo'y para lamang sa pera at kapangyarihan? Kapatid... Kapuso.... Kabarkada.... at Kapamilya....... Gumising ka ang lahat ay may-----hangganan.
0
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 6:36 AM UTC
Tinig Ng Isang Batang Marawi

62
Wala ba akong karapatan mapagod? Rinig na rinig ko ang hiyaw ng aking kaluluwa HIGA KA, HIGA KA, HIGA PIKIT KA, PIKIT KA, PIKIT IDLIP KA MUNA, KAIBIGAN Gustong-gusto ko, pero hindi pwede Dinadaan ko na lang sa tula ang kapaguran ko Dinadaan ko na lang sa tula ang sakit Dinadaan na lang sa biro at libog Sa halakhak at ngiti Sa mga sigawan at kwentuhan Sa kalungkutan at panloloko sa sarili Ito'y ang aking araw-araw HIGA KA, HIGA KA, HIGA PIKIT KA, PIKIT KA, PIKIT IDLIP KA MUNA, KAIBIGAN Kay sarap isipin Kay sakit marinig Pero sana'y makahiga, pikit, at idlip rin At kahit minsan sana'y Maramdaman ko ulit Ang tunay na kapayapaan
0
Sep 18, 2018
Sep 18, 2018 at 10:53 AM UTC
Kapaguran
Ipinanganak na mayaman, Kakambal niya ang kasamaan, Tanyag sa kapangyarihan, Ngunit ang kaluluwa'y nangungulila sa kapayapaan, Naghahanap ng kalinga't kaginhawaan. Di niya iniisip ang kapakanan nang karamihan, Sariling interes lamang ang pinapahalagahan, Nanunungkulan ngunit puso'y di para sa bayan, Kakampi niya ang droga't magnanakaw sa kaban ng bayan. Kung ito'y iyo ng nasaksihan, Bakit mo pa rin pinipili ang isang utusan? Na tayong lahat ay kanyang alipin lamang. Gumising ka kabataan! Ninanais mo bang matikman ang tunay na kalayaan? Idilat mo ang iyong mga mata at tingnan ang kapaligiran. Ano ang nangyayari sa iyong nasasakupan? Pagmasdan mo ang naka-abang na kasalukuyan, Tayo'y pinaiikot sa kamay ng kanyang kapalaran, Maging isa kang huwarang mamamayan, Upang pagbabago ay maramdaman ng sambayanan. Iligtas mo ang iyong kapwa Pilipinong nahihirapan, Huwag mo silang pababaya-an, Lagi **** tandaan, Kailangan namin ang iyong tapang at panindigan, Huwag kang magbulag-bulagan, Oo! Tama! sa iyo nakasalalay, Ang tamis ng tagumpay. Ibigay mo ang tunay na kahulugan, Salitang-----kasarinlan, Tiyak! Pilipinas ay di mapag-iiwanan, Kahit sa anumang larangan, Makakamtan nito ang inaasam-asam na pagbabago, Laban Pinoy! Laban Pinay! Laban Pilipino! Ibandila mo ang iyong tunay na pagkatao! Ialay mo ang iyong buhay, Upang tayo'y hindi bilanggo habambuhay, Huwag mo hayaang tayo'y magiging alipin, Sa isang taong may puso ngunit-----walang pag-ibig!!!
0
Sep 6, 2017
Sep 6, 2017 at 3:56 AM UTC
Pusong Walang Pag-ibig
ang ngiti mo ang sumunog sa puso ko ang ngiti mo ang umalipin sa kaluluwa ko at kapag ikaw ay tumititig sa akin napapaso ako, mgpakailanman (C)2012, Christos Rigakos * (Translation: my first poem for my Zera, in Tagalog your smile sets fire to my heart your eyes enslave my soul and when you stare at me i burn in your gaze for eternity)*
0
Aug 9, 2012
Aug 9, 2012 at 11:33 AM UTC
una tula ko para zera ko, sa tagalog (revised)
Ikaw ang dahilan ng aking pagngiti, Ikaw ang dahilan ng aking paghikbi, Ikaw ang dahilan ng aking pagtitili, Dahil ikaw para sa aki'y natatangi. Ikaw ang tanglaw sa aking mga gabi, Ikaw ang liwanag sa araw kong hinahabi, Ikaw ang apoy sa basa kong kapote, At gamot sa sakit kong nangangati. Nawa'y maibigan mo, itong aking katha, Tulang alay ko sa isang tulad **** makata, Na walang mintis sa pagsulat ng mga tula, At binibigkas ng buong puso't kaluluwa. Ang tula ko ay ikaw, ang tula mo ay ako. Hindi kita ipagpapalit sa kahit na sino. Sapagkat puso ko ay kinulong at binihag mo, Sinelyuhan ng sobrang pagmamahal na higit pa sa inakala ko.
0
Feb 14, 2016
Feb 14, 2016 at 9:50 AM UTC
Ikaw
Jebs na jebs na ako. Dumudungaw na siya na parang isang taong kagigising lang umaga, gustong buksan ang mga bintana, para lumanghap ng hanging bukang liwayway Malapit na siyang lumabas, unti uting tumitigas sa paglipas, Ng bawat, segundo, menuto, kung babae ako, dysmenorrhea na ito. Pero sabi ng mga kaibigan ko, wag ko daw pilitin ito, baka naman daw kase na imbis na ito ay tae, mauwi lang sa utot. At pinagmukha ko lang ang sarili kong tanga. Umasa, nasapag upo ko sa inidoro na lahat ng pagtiis ko, ang piling ko ay giginhawa. Pero wala. Para lang siyang damdamin ko, ang tagal kong kinimkim, ng taimtim sa pag-asang pag ito ay pinakawalan ko, na sasabihin mo na ikaw rin. Na ang nararamdaman mo ay pareho din sa akin. Lahat naman tayo dito nag huhugas ng pwet gamit ang tabo at tubig hindi ba? Pwera nalang kung galing ka sa mataas na estado ng pamumuhay. Ikay gumagamet ng tissue paper o bidet. Pero ako hinuhugasan ko ang puwet ko, kase ito ang turo saakin ng nanay ko. Pero. Bago ko natutunan ito, ang nanay ko ang nag hugas ng pwet ko. Para saatin, wala namang espesyal dito, Pero ngayon ko lang napagtanto, na ang pag hugas ng puwet ko ng nanay ko, ay puno ng pagmamal. Sino ba naman ang gustong mag hugas ng labas ng butas kung saan lumalabas ang pinagtunawan pagkain. Kaya kung sasabihin **** hindi ka mahal ng nanay mo, tignan mo lang ang sarili na nakatalikod sa salamin. At sariwain ang mga alala ng mga sandaling hindi mo kayang linisin. Pero bago iyon, kung sa tingin mo na ang tula na ito, ay hugot lang, nag kakamali ka... Well actually, medjo lang. Puwera biro. Kung tutuusin, di' malayo ang pinag kaiba natin sa Jebs. Kung iisipin, ang mga ginagawa natin araw araw ay mas masahol pa sa jebs. Kung ipipinta ko ang isang imahe, makikita mo na ang jebs ay nakapahid ang tae sa buong kasuluksulukan, at kasingitsingitan ng katawan natin. Pero may Isang tao na gusto padin yumakap at humalik sa pisngi natin. Sino siya? Siya ay ang Pagibig. Araw araw lang siyang nagihintay, na ikay' lumapit sa kanya, magpalinis. Ang gamit niya, na pang hugas ay mga kamay at dugo, dugo na ang tanging nakakapag linis ng katawan at ng kaluluwa mo. Mula ulo hangang hangang sa talampakan ng iyong mga paa. At sa kabila ng lahat gusto niya pa din tawagin mo siyang Ama. At sa imbis na pangdidiri ang kaniyan nadarama, Pag mamahal ang kaniya sayo ay pinadama. Siya ay pinako sa mga kamay na ginagamit sa pag linis saiyo. Sa mga dumi na mas madumi pa sa jebs. Ang iyong mga kasalanan. Siya ay isinakripesiyo para ay ikay manatiling malinis, at iligtas ka sa lugar kung saan umaapaw ang jebs. At dalhin kung saan ang kalsada ay gawa sa ginto, at makasama ka magpakaylanman.
0
Jul 12, 2015
Jul 12, 2015 at 1:59 PM UTC
Jebs.

44
Sa pagsapit ng araw ng mga kaluluwa Suman dito,suman doon Kapag ba nagluto ako ng suman Lalagkit ba ulit ang iyong mga tingin? Kandila dito,kandila doon Ipagtitirik mo rin ba ang puso Na iniwan **** sugatan ng husto? Bulaklak dito, bulaklak doon Aalayan mo ba ako? Tulad ng pagaalay ko sayo ng aking pagkatao? Sa pagsapit ng araw ng mga kaluluwa Sumalangit na nawa lahat sila Ang nararamdaman ko rin para sayo, Sumalangit na rin sana Makalimutan ka na nawa
0
Oct 30, 2016
Oct 30, 2016 at 9:54 AM UTC
Undas
Ang sabi sakin ni Mama, *"Huwag **** ipapagalaw ang iyong katawan. Magmahal ka ng lalaki ngunit wag **** isusuko ang templong iyong inalagaan kung ayaw **** magsisi."* Sabay kindat na sinundan ng kanyang mga kiliti. Kung pwede ko lang aminin kay mama na mali siya sa dalawang bagay na kanyang nabanggit (nako, baka namura niya na ko sa galit). **Una. Hindi lalaki ang aking napupusuan. Pangalawa. Mama, patawad pero naisuko ko na.** Baka ang nais iparating sakin ng aking nanay, "kahit ikaw ay pilitin, HUWAG. At huwag na huwag mo ring ibibigay ng kusa." Hindi ba? May punto siya. Pero mahal, naaalala mo ba ang gabing umuwi tayong magkasama? Hinawakan mo ang kamay na nanlalamig sa kaba. Pinainit mo ang pakiramdam ng akin ng nadama ang pagyapos mo ng dahan dahan sa aking katawan. Nilakbay ng iyong mga halik ang labi kong nagliliyab sa pagkasabik. Ito na ang pinakahihintay kong sandali. Nasubok mo kung gaano kabilis kong kayang bumigay. Kasabay sa bagal ng oras habang gumagapang ang iyong mga kamay ay sumabay ang pagkatunaw ng aking mga tuhod. Mga puting kumot namantyahan ng pula. Sabihin na lang nating ito'y ating mga kaluluwa na sinakop ng kasalanang ating nagawa. Langit ay aking narating at nakita. Hindi ito isang pagkakamaling aking pagsisisihan. Hindi mo ko nun kinailangang pilitin dahil buong loob ko itong ibinigay ng kusa. Ilang beses nangyari. Isa... Dalawa... Ilang beses nasundan. Tatlo... Apat... Lima... Ilang beses nating natagpuan ang ating mga sarili sa parehong sitwasyon. Ilang ulit ng nangyari  ngunit pabago bago ng posisyon. At tulad ng magandang panahon, pagmamahal mo'y nagdilim at naglaho. Pinaglaruan, pinaikot ikot sa iyong mga palad na parang laruan. Leeg ko'y aking natagpuang may nakapilipit na kadenang nangangalawang. Kung gaano kabilis **** nahubad ang nakabalot saking damit, ganun din kabilis nagbago ang iyong isip. Saking mga mata ay hindi mo natagpuan ang langit. Sabi mo kaya **** mabuhay na mukha ko lang ang iyong tinititigan. Kasinungalingan. Sabi mo ako lang ang iyong kailangan. Nagsisinungaling ka na naman. Ang sabi mo ako lang ang babaeng iyong mamahalin. Sana nga'y nagsisinungaling ka lang. Dahil naialay ko na ang aking kaluluwa, puso't katawan sa mga pangako **** iniwan. Templo ko'y nagiba na ng impyernong sinapit ng damdamin ko sayo. Tama nga si mama. Dapa't ito'y aking inalagaan. Akin ng ibibigay saking sarili ang kalayaang aking kailangan. Akalain ko bang lahat ng ipinangarap ko para sating dalawa hindi ko rin pala makakamtan. Hindi mo kailangang manatili. Hindi kita pipilitin. Buong loob ko itong ibibigay ng kusa. Susubukan kong burahin ang mantyang ibinahid mo sa akin. Ikaw ay aking hahayaan kahit ako'y ginawa **** saktan at iwanang duguan. Mahal, hindi ko magagawang pagsisihan ang nagawa nating kasalanan.
0
Jul 30, 2015
Jul 30, 2015 at 3:25 AM UTC
Alay (spoken word)

8
Una, napakaganda ng mga simula, ng mga umagang puno ng kaba, hinahanda ang sarili sa mga posibleng pagpapakilala. Hinahasa ang mga ngiti, ang mga galaw, ang mga paglakad sa harapan ng iyong mga kaklase. Tinatanggap ang mga matatalim na tingin habang naghihintay sa bawat salitang lalabas sa kaluluwa **** malapit nang sumabog, mga taingang naghihintay, naghahandang makinig… Pangalawa, magiging kampante’t komportable ka, iisipin na ang buhay ay ganun lang kadali, na ang bawat simula’y pagpapakilala lang ng sarili na pagkatapos **** magpakilala ay makikinig ka nalang. Iniisip na ang kaginhawaan, galak at takot sa simula ay mananatiling sa’yo. Pangatlo, mapapagod ka. Na ikaw ay gigising ng mas maaga, papalitan ang dugo ng iba’t-ibang uri ng likido, sa pagbabasakaling ang simula ay mananatili hanggang sa dulo. Ikaw ay unti-unting susuko. Pero pang-apat, ang daan tungo sa tagumpay ay di dapat kalimutan at sukuan di’ba? Subalit panglima, ang tagumpay ay di palaging may sementadong daanan, na ang lahat ng bagay ay di perpekto. Na ang langit na narasanan mo nung simula ay di mananatiling ganoon hanggang sa dulo na ito’y posibleng maging blankong espasyo na lamang. Matatakot kang punuin ito ulit. Pang-anim, maghanda ka sa paglipad. Unti-unting buuin ang mga pakpak gamit ang mga balahibong parte ng iyong mga simula. Pangpito, lisanin ang lumbay, ang galit, gamutin ang mga sugat sa’yong mga pakpak. Unti-unting abutin ang araw kahit na ito’y iiwanan kang abo, susubukang pabagsakin. Ito ang pangwalo, maghanda kang bumagsak, mahulog, masaktan. Pangsiyam, masakit ang mahulog, bumagsak, umasa. Ngunit gawin mo itong lakas, lagyan mo ng pwersa ang bawat pagaspas ng mga pakpak ng iyong simula. Oo, di tayo handa na mahulog, bumagsak, umasa, at walang kahandaan sa mga ganitong bagay. Pero pangsampu, huwag kang susuko, magaling na ang iyong mga pakpak, tapos na ang paghahanda. Subukan mo nang lumipad muli sa langit na dati’y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay bumuo sa’yong pagkatao. Liparin mo ulit ang blankong espasyo, lagyan ng mga bagong simula, buksan ang mga nakakandong daanan, abutin ulit ang tagumpay, subukan muling lumipad, at pag ika’y muling nahulog, abutin ulit ang langit, lipad lang.
0
Apr 1, 2017
Apr 1, 2017 at 10:59 PM UTC
Sampung Bagay na natutunan ko sa Kolehiyo

10
Walang nagtatagal sa mundo Sapagkat hamak lamang ang mga tao Lahat ay dumaraan sa pagiging bata Hanggang sa maging kulubot na ang mga mukha Hinang hina na ang katawan at hindi na makapagsalita. Sa edad na walumpu't dalawa, Kinuha na ng Panginoon ang iyong lakas at kaluluwa. Ang pagmamahal mo sa aming mga apo Higit pa sa pagmamahal na naibigay namin sa iyo. Walang makakatumbas sa mga sakripisyo mo Dahil inuuna mo ang kapakanan ng iba. Hindi ka nagsasawa na mahalin kaming iyong pamilya Ikaw ay mabuting kapatid, asawa at ama Hindi ka malilimutan ni Lola. Hilam na ang mga mata sa pag-iyak Habang nasisilayan kang nakahiga Hindi na sa kama kundi sa kabaong na parihaba Na nakapikit ang mga mata. Kasabay ng pagpanaw ng iyong alagang pusa Ang siya namang iyong pagkawala. Mga larawan mo'y hindi itatapon Bitbit pa rin ang alaala na iniwan ng kahapon. Taon lamang ang lumilipas Ngunit ang mga alaala mo'y hindi kumukupas Sa iyo'y walang maipintas. Kailangan pa ring tanggapin Na nasa piling ka na ng Panginoon natin.
0
Mar 8, 2020
Mar 8, 2020 at 5:24 AM UTC
Isang Elihiya Para Kay Lolo
Mga buto ay nagsilbing haligi sa binubuo niyang panaginip marupok ito at bibigay sa mahinang balakid Tahimik nang naunsyami Labing nakadikit, dila'y nakaipit Bigkasin ang salita sa simula niyang wika Sa letra na  naguguluhan din Papipiliting ibibigkas Takot ay bumubulusok sa inaping pangungusap Parang ilusyon, ang paggawa ay ang pagkaroon ng kahit maliit na kabuuan ng loob na hanap ay tagumpay Pero sa paglubog ng araw nagmistulang delusyon Ang mga paa habang humahakbang Panoorin hanggang sa pumanaw sa liwanag, may anino Tingnan ang lilim, lumalakad nang pa-urong Ganyan ang mundo Ikulong na at igapos Sa likod ng matiwasay na paggalaw ay may lihim na naka-agapay Ang maitim na misteryo na nakangiti Ulap na sumasayaw, bungad at gayak ng unang ngisi ng umaga Isabay ang halimuyak sa monasteryo ng prinsesang nagagalak Ang dalangin na nagawi sa hangin Kumpisal ng pag-ibig Kaluluwa ng kasiyahan ng musmusing pipit
0
Dec 2, 2018
Dec 2, 2018 at 9:26 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #2
Umaga Gigising at babangon Ni hindi ko man lang Narinig ang huni ng mga ibon Umaga Isusubo ang kakarampot Na kanin Na parang di ko nalasahan Umaga Na walang kapeng nahigop Dahil kailangan ko ng Pumunta roon Umaga Na makikita kong Nakakunot sila At hindi ko na napapansing Ako na rin pala Umaga Uupo sa silya Sisimulan ko na Gusto ko ng matapos na Tanghali Parang ayaw ko na Hindi ko na kaya Tanghali pa lang pala Tanghali Hihigop ng kape Walang tama Isa pa Tanghali Bakit hindi pa matapos Ang araw na ito Wala pa palang kalahati itong Tinatapos ko Hapon Ang saya nila Anong pinag-uusapan nila? Pwede bang sumali sa saya? Hapon Tangina Wala na bang katapusan? Sino ka para sabihan ako Na tapusin ko na ito? Gabi Sa wakas Malapit na Kaunting tiis pa Gabi Na Umalis na sila Ako, nandito pa Gabi Ako na lang mag-isa Pahingi ng tulong Di ko 'to kaya mag-isa Gabi Nagpapasalamat sa langit Pinatay ang ilaw Buhay ang diwa Masaya ang kaluluwa Gabi Kay raming tao Hindi lang pala ako Marami pala akong kasama Hindi ako nag-iisa Gabi Nang maisip ko Marami pa pala kaming Nagpapaalipin Sa lugar na ito Sentro kung saan Ang mga tao Nagmamadali Walang pansinan Walang pakialamanan Walang buhay Walang kaluluwa Gabi Nang mapagtanto ko Ayaw ko nito Kasama nila Nasaan ang kaligayahan ng puso? Nasaan ang kalayaan ko? Nasaan ang kalayaan nila? May mararating ba? Sila Ako Tayo Itong tanong na ito May mararating ba? Tanong na lang ba talaga? Gabi Nang makarating ako Sa aking lugar pahingahan Nag-iisip Natulala... Umaga.
0
Apr 29, 2015
Apr 29, 2015 at 10:49 AM UTC
Alipin

97
I. Noo'y akin pangg naaalala, Nung una kitang makita. Ako'y humanga na, Lalo na sa taglay **** ganda. II. Nakaka-akit ang iyong bintana ng kaluluwa. Lalo na’t sa tuwing ngumingiti ka. Hindi ko mapigilan ang sariling, Ngumiti rin pabalik sa iyo, sinta. III. Araw-araw na tayong magkasama Sapagkat pareho tayo ng tropa. Asaran dito, asaran diyan. Kulitan dito, kulitan diyan. IV. Hanggang sa lagi na kitang hinahanap-hanap, ‘Pag wala ka para akong sinakluban ng ulap. Napapansin na rin nila na kapag wala ka, Para raw akong lantang-gulay kasama. V. Hindi ko rin alam kung bakit ganun? Lito pa rin ako hanggang ngayon. Gusto na ba talaga kita? Hindi ko rin alam ang aking nadarama!
0
Oct 5, 2015
Oct 5, 2015 at 11:35 AM UTC
Naguguluhan sa Nararamdaman
“Whatever satisfies the soul is truth” - Walt Whitman Sadyang mapaghimagsik ang iyong panulat ‘pagkat nilabag nito ang lahat ng tugma at sukat. Isa kang tunay na rebolusyunaryo sa larangan ng panitikan ng tulaan. Sinalungat mo ang tradisyunal na konsepto ng panulaan. Binigyang laya mo ang galaw ng damdamin upang ganap na kumawala ang tinig ng kaluluwa at sinabi mo na ito nga ang wagas na kahulugan ng tunay na tula. Na ang tunay na tula ay hindi dapat limitahan ng sukat, tugma at ritmo sapagkat ito ang sigaw ng kaluluwa’t damdamin. Bagama’t hinamak ka nila at inusig noong ikaw ay nabubuhay pa subalit napatunayan mo naman sa lahat na tama ang doktrina mo’t pananaw. Ngayon ikaw ang tinitingala at binabathala ng lahat ng mga makata, ikaw ang itinanghal na ama ng Malayang Taludturan. Salamat sa Leaves of Grass at Song of Myself kung saan ipinagdiwang mo ang pag-ibig mo sa buhay, kalikasan, kaibigan, pamilya at sa lahat ng mga bagay. Sabi nila bastos daw ang mga tema at paksang iyong tinalakay palibhasa’y nagpakatotoo ka sa iyong sarili at pagsasalarawan ng buhay. Salamat mahal na **** sa iyong ginintuang pamana sa amin, salamat sa Malayang Taludturan, salamat sa pag-ibig mo sa panuluan. Ikaw na nga talaga ang humalili kina Dante, Homer at Ovido. Mananatili kang buhay sa aming ala-ala mahal na pantas.
0
Nov 15, 2017
Nov 15, 2017 at 3:59 AM UTC
ODA PARA KAY WALT WHITMAN (Isang pagpupugay sa Ama ng Malayang Taludturan)
Maganda ka pa rin. Kahit lagas ang halos lahat ng iyong ngipin at pilas ang maganda **** pisngi. Maganda ka pa rin. Kahit hirap na kitang makilala. Kahit hindi ko na makita ang ngiting dati ay para sa akin. Maganda ka pa rin, aking asawa. Magandang, maganda ka pa rin sa aking paningin, mahal kong asawa. Bigla ko tuloy naaalala, noong hindi pa tayo magkakilala. Palagi kita tinitignan. Mula sa malayo. Sa likod ng mga streamer. Sa likod ng mga banner. Parang stalker. Tinitignan kita. Kaya naman parang umaakyat sa hagdanan ang aking kaligayahan nang ikaw ay magpasyang mag-fulltime. Nang tanggapin mo ang aking laking-bukid na pag-ibig, At mas lalo, siyempre nang ikasal tayo sa opisina ng KOMPRA. Pero, mahal na kasama, ngayong gabi, ibig sana kitang sarilinin. Tayo lang sana ng mga anak natin. Pwede bang kahit ngayong gabi ay maipagdamot ka namin? Pwede bang dito ka muna sa amin? Oo, alam ko, di mo iyon nanaisin. Sasabihin mo pihado, sigurado. Pamilya mo rin sila- manggagawa, magsasaka, mga kasama. Kaya't kasama nila, bubuhayin ko ang iyong alaala. Bubuhayin namin ang iyong mga alaala. Ang huling araw na ikaw ay nakasama. Ang huling text message na iyong pinadala. Ang iyong mga aral at mga hamon. At batid naming lahat saan ka man naroroon. Tiyak namin san ka man naroroon. Tumatawa ka nang malakas, tinatawanan mo ang mga ungas. Mga ungas sila. Bigo sila. Epic fail sila. Nabigo silang ika'y patahimikin. Nabigo silang pag-aaklas natin ay pahupain. Akala nila nagwakas, Pero tumutupok pa rin ang sinindihan **** ningas. At sa muling pagbalikwas ng malayang bukas. I-aabot natin sa tarangkahan ng kanilang mga kaluluwa ang wakas.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 1:00 PM UTC
Maganda Ka Pa Rin, Kasama

43
Paglisan Pinangangambahan kong lubos na malaman kung meron nga bang pangalawang buhay, saan kaya ako tutungo? gagala kaya ang aking diwa o baka makukulong ito sa naaagnas at walang buhay kong katawan habang buhay. ang dinanas na sakit kaya ay lilisan na parang alikabok na hinipan sa mesa? , o magiging tanikalang bakal na nakagapos sa aking kaluluwa. Sa pagkakahimlay ko, may dadalo kaya?, kung may dumalo man,ano ang pakay nila?, narito kaya sila upang pintasan ang aking kasuotan?, o pintasan at hamakin ang halaga at disenyo ng aking kinahihigaan? Narito kaya sila upang lumasap ng kape at tinapay kasabay ng pagpitik ng baraha sa mesa? o sadyang dadalo lang upang patagong magdiwang sa tuwa sa aking pagkawala?, Natatakot akong malaman. Nangangamba ako sa hindi pagiging handa sa pagdating ng araw na ito, hindi sa panghihinayang sa aking mga maiiwang mahal kundi ang pagsisisi na aking dadalhin sa bigong pag-usal at pagpaparamdam kung gaano sila kamahal at masabing ako ay lilisan na sapagkat ang pinakamasakit na paglisan ay ang mga pagpapaalam na hindi nasabi at hindi naipaliwanag.
0
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:16 PM UTC
Paglisan
Naaalala mo pa ba noong sabay pa tayong umuwi Isa iyon sa mga  hindi malilimutang sandali Naaalala mo pa ba noong inaalagaan natin ang isa't isa Patunay iyon na hindi ko kaya nang wala ka Naaalala mo pa ba noong sabay tayong kumakanta Sa mga awit ba minsa'y ginagawang tula At kapag hindi naabot ang mataas na nota Sabay tayong tatawa pagkatapos ay kakanta ng iba Naaalala mo pa ba noong may sumusuyo sayong ginoo Makamit lamang ang matamis **** oo Hindi nagkulang sa pagbibigay ng payo Upang magandang landas ang tahakin mo Ngayon napatunayan ko na Damdamin lang pala talaga ang nagiiba Ngunit mananatili pa rin ang ating mga alaala Sa ating puso at kaluluwa Lahat ng mga nabanggit kong alaala Ay nagawa niyo na ding dalawa Alam mo ba kung gaano kasakit makita na; Mas mukha kang masaya kapag kasama mo siya. © Arlene Rioflorido, 2015
0
Oct 2, 2015
Oct 2, 2015 at 3:22 AM UTC
Naaalala mo pa ba?
Malapit na ang aking kaarawan , Subalit puno parin nang lungkot ang aking sistema, Ako nga ba ay nababahala sa nangyayari sa eksena , o sadyang di ko lang mapigilan ang naririnig sa aking mga tainga, Nakarinig ako ng isang malungkot na kanta , tugmang-tugma sa tema, Dala ang lungkot at sakit sa aking mga nadarama, titigil pa kaya ang pagiisip na patuloy lumalala , o magkukunwari nalang sa bawat araw na gusto ko nalang matapos na . Magpapasaya parin ba ako ng maraming tao , para lang itago itong nararamdaman ko , o ilalabas ko ito kahit napakahirap at baka pagtawanan nyo pa ko. Sa bawat ngiti ko na naipamamalas ay isang puntos o paraan para lumigaya ako kahit kaunti , Sa pagtahimik ko nagmamasid lang ako sa paligid , dahil takot akong magbigay opinyon , at baka ako'y paulananan ng masasakit na Salita na uukit sa aking kaluluwa hindi lang sa balat , hanggang sa tuluyan na nga akong dalhin ng aking isip , Kung saan ang dulo at solusyon ay kamatayan.
0
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 11:41 AM UTC
Tag-Ngiti
Tanda ko pa dati nung tayo pa, Ang dami nating plano sa isa't-isa. Sabi mo sa hinaharap ako'y kasama, Sa pagtanda, sa hirap maging sa ginhawa. Dumaan ang Disyembre: Buwan ng taglamig. Tila hindi ko na ramdam ang iyong pag-ibig. Ang dating umaalab na pagmamahalan, lumamig. Bakit ka nagkaganyan? Ako ba'y may kasalanan? Nangako kang hindi mo ako iiwan, Nangako kang hindi mo ako tatalikuran. Hanggang sa ika'y nakaramdam ng kasawaan. Iniwan mo akong walang alam, ako'y labis na nasaktan. Niloloko mo lang pala ako! Hindi lang pala ako ang nasa puso mo. Isang lang pala ako sa mga laruan mo. Kaluluwa mo sana'y sunugin sa impyerno! Nagpadala ako sa mga ngiti mo, Umasa ako sa mga pangako mo. Sinisisi ko ang sarili ko, Kung bakit sayo'y ako'y nagpaloko.
0
Jan 19, 2015
Jan 19, 2015 at 10:46 AM UTC
Taksil
ngiti mo sumunog sa puso ko mata mo alipimin kaluluwa ko kapag ikay nakatitig sakin napapaso ako sayong mga tinging magpakailanman (C)2012, Christos Rigakos
0
Apr 3, 2012
Apr 3, 2012 at 11:20 PM UTC
una tula ko para zera ko, sa tagalog
Nilawis ng dilim ang mayorya ng mga ilaw sa kalangitan Ang kapanglawan ng mga ulap na nagdaan ay nakakapangilabot Kumikinang ang maliliit na butas sa telang itim na tumatalukbong sa himpapawid At sa bawat minutong nagdadaan may tila bang may naglalaro sa balabal ng karimlan Tila may kutsilyong pumupunit sa alapaap para makasilip ang liwanag Ngunit muling isasara ang tastas na nagawa sa segundong ito'y nagsimulang bumuka May mga bulalakaw na nagpakita. Tayong limang nakahilata sa kamang kayumanggi na sinapinan ng damo Agad-agad tumingala sa pag-asang tayo'y makakahiling sa mga nauupos na bato Ang saglit na gumuhit ang bulalakaw ay nag-umapaw tayo sa tuwa Halata ang paniniwala sa pamahiing matutupad ang pangarap kapag humiling ka Sa isa't kalahating segundo na iyon na nagising ang ating mga diwa Ang mga daliri ay nakaturo sa nagdaang hulagway na hindi na maibabalik Sabay-sabay tayong pumikit. At sa pagbukas ng mga bintana patungo sa ating mga kaluluwa Ang isa sa atin ay nagreklamo; "Hindi ko nakita!" At sa kanyang pagsamo sa uniberso na magbigay pa ng pagkakataong humiling Paghalakhak at malarong panunukso ang nakuha niya mula sa atin Habang ang mapangilabot na simoy ng hangin ay humaplos sa ating mga katawan At ang katatawanan ay napalitan ng isang tanong walang kasiguraduhan: "Kailan kaya ulit mangyayari 'to?" Na tayo ay magkakasama sa isang pagkakataong Walang inaalalang pagsalansang ng mundong hindi tayo Na ang tanging balabal na bumabalot sa ating mga puso ay ang yakap natin sa isa't-isa Na ang kalinawan ng ating mga isip ay nagiging malaya Magpakita lagpas pa sa pagkislap sa gilid ng balintataw ng mata Na kung saan, tayong matatalik na magkaibigan, Tayo ay masaya. Sa bawat pilit na pag-alpas natin mula sa bisig ng nakaambang Mapanglaw na kinabukasan, tayo'y palaging magtatagpo dito —Hindi ko sinasabing sa plazang ito kung saan ang usok ng sigarilyo ay lumulunod sa baga, Kung saan ang mga punong nakahilera ay nakahubad at dayupay, Kung saan lingid ang ating kagustuhan gawing tirahan ang tinalikdang plaza na ito— Kung hindi, dito! Sa pagkakataong busilak ang tawanan at totoo ang ating pagkakaibigan Sa huling pagkakataon tumingala tayo. Lubusin natin ang pagkakataong kinakalmot ng mga anghel ang kalangitan Magpakasasa tayo sa saglit na pinatotohanan natin ang pamahiin Na kapag humiling ka sa bumabagsak na bituin ito'y magkakatotoo Na inuulok natin ang isa't-isa ipikit ang mga mata sa bawat ilaw na gumuguhit Sa himpapawid na madilim na mamaya ay babalik sa maulap na umaga At sa nagbabadyang pagtatapos ng pag-ulan ng ilaw at muling pagbukas ng ating mga mata Hanggang sa huling bulalakaw, Kaibigan, humiling ka.
0
May 23, 2016
May 23, 2016 at 12:58 PM UTC
Plaza Maestranza

“I am not a teacher, but an awakener.” ― Robert Frost May mga walang alam na nagpapanggap na may alam. Mga nagmamarunong na akala mo ay mga pantas pero ang totoo ay masahol pa sa tunay na mga mangmang. May mga nagsusulat pero hindi marunong magmulat, kahit bulatlatin mo ang kanilang mga aklat na hindi magluluwat wala kang mapupulot, wala itong alamat kundi puro lamat. Ganito sila ‘pag iyong sinalat walang k’wentang bumanat. Ang mga panaginip ng isang paslit ay laging naghahanap ng katuparan tulad ito sa isang malawak na paliparan na ang mga tapakan ay tila walang hangganan. Ang banggaan ng mga saranggola guryon man o boka-boka ay sumasagisag sa sigla ng kamusmusan. Walang bobo, walang tanga at walang mahina ang totoo para-paraan lang para matuto ‘yan ang hindi alam ng mga ungas na nagtuturo. Natatandaan ko madalas na pinapatayo ako sa harap ng pisara kasi maingay daw ako at malikot. Madalas din akong mapalo kasi mahina ang ulo ko pagdating sa Matematika. Bakit ano’ng kadakilaan ba ang meron sa pananahimik at kelan pa naging pang-aliw sa puso at kaluluwa ang mga numero? Walang lumiligaya sa pagmememorya at hindi nakaka-ulol ang pagiging malikot at maligaya. **** ka ba talaga? Parang hindi naman, mas mukha kang tinderang tuliro na abala lagi sa pagbebenta ng yema, kendi at kung ano-anong sitsiriya. **** pangalawang magulang? Kaya pala mas mabagsik kapa sa tatay kong maton at mas masungit kapa sa nanay ko. Nagtuturo ka ba’ng talaga? Hindi naman, mas mahaba pa nga ang oras mo sa pakikipaghuntahan. Ang **** ay hindi lamang dapat na nagtuturo s’ya ay tagapagmulat din. Isang John Keating (teacher sa pelikulang Dead Poet Society) ang kailangan ng mga bata sa mundo. Nagmumulat hindi nagmamalupit, hindi kailangan na manghagupit at walang dapat na ipilit. Ang eskwelahan ay hindi pugad ng mga pipit. Matalino, magaling at matalas mag-isip ayos lang yan. Subalit punong-puno na ang mundo ng mga matatalinong walang pakinabang. Ang umibig at maging tunay na kapakipakinabang sa mundo at sa kapwa tao, ito ang dakilang aral na dapat na ipangaral. Walang silbi ang mga pagpapagal sa loob ng paaralan kung ang natutuhan mo lang ay kung paano kumita ng limpak-limpak na salapi. Kung ang alam mo lang sabihin ay Yes Sir at Yes Ma’am walang silbi ang iyong pinag-aralan. Nakakalat na sa lupa ang mga pipi na hindi marunong magsalita at magpahayag nang kanilang tunay na saloobin. **** na nagtuturo maliban sa hintuturo at nguso sana gamitin mo rin ang iyong puso.
0
Nov 15, 2017
Nov 15, 2017 at 10:19 PM UTC
****