"kalalabasan" poems
Ang lahat ay may umpisa,
Ang lahat ay may pinagmulan,
Kalungkutan man o ligaya,
Ang maaaring kahahantungan.
Sa bawat pagsubok na haharapin,
Tagumpay o kabiguan ang aabutin,
Ito'y pagsisikapan,
Kahit sakit man ay umulan.
Pero lahat ay gagawin,
Hanggang sa kayang abutin,
Hanggang sa huling patak ng dugo,
Ibubuhos hanggang sa huling yugto.
Tatanggapin ang kalalabasan,
Tatanggapin kahit ano man yan,
Kahit masaktan man,
Tatanggapin ng aking kalooban.
Dahil ito ang aking destinasyon,
Sa byahe ko kasama ka,
Sa panahong nakasama ka,
Ngayon, ang oras ko para bumaba.
Salamat aking sinta,
Salamat sa ligayang iyong dala,
Salamat, kahit ito'y panandalian,
Maraming salamat, aking kaibigan.
Ang kwentong di natin inakala,
Ay nasa huli na palang kabanata,
O kay rami kong natutunan,
Mula sa mga bagay na nagdaan.
Ito'y aking kayamanan,
Umabot man ang katandaan,
Itong karanasan,
Di matatanggal sa isipan.
Heto na ang huling pahina,
Huling pahina ng ating kabanata,
Ang kabanatang ito'y lalagyan ko ng bantas,
Isang tuldok: katapusan ng aking kalatas.
Ang kalatas ng aking paghanga.
Jul 14, 2017
Jul 14, 2017 at 9:36 AM UTC
Bakit nga ba tayo sumusugal?
Sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan.
Sa mga bagay na di natin hawak ang kalalabasan.
Bakit nga ba tayo sumusugal?
Sa mga bagay na gusto nating makamtan,
Pero sa bandang huli ay pwede tayong masaktan.
Bakit nga ba tayo sumusugal?
Kahit alam na nating wala nang pag-asa
Ay pinipilit pa rin nating umasa pa.
Bakit nga ba tayo sumusugal?
Kailangan pa bang idilat tong mga mata,
Para lang mamulat sa katotohanan?
Bakit nga ba tayo sumusugal?
Kahit alam natin na tayoy pwedeng mabigo,
At masaktan ang buo nating pagkatao?
Kasi mas iniisip natin ang posibilidad
Na tayoy maging maligaya,
Yung ramdam mo ang tagumpay,
Yung abot mo na ang pangarap mo sa buhay.
Kung di ka susugal,
Kailan pa?
Kung di ka susugal,
Talo ka na.
May 2, 2017
May 2, 2017 at 12:33 PM UTC
Gabing mahangin at malamig
Kasama ay mga huni ng kuliglig
Habang naka tingala sa langit
Ikaw ang nasa isip
Pano kung ikaw nga?
Pano kung hinde?
Pano kung masaktan?
Pano kung male?
Ang daming katanungan
Parang paslit sa ka kulitan
Pero ano ngaba ang patutunguhan
Kung hindi ko susubukan
Alam ko naman ang kalalabasan
Istoryang alam ko ang kahihinatnan
Istoryang naka ukit na bago ko pa
Isulat at pag isipan
Sadyang kay layo ng pagitan
Parang lupa at kalangitan
Ninanais na makamtan
Sadya nga bang suntok sa buwan.
Jan 10, 2019
Jan 10, 2019 at 6:26 AM UTC