Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kalabasan" poems
Gusto kong sabihin na masaya akong isinulat ang liham na ito, at ang nais ko lamang ipairating ay ang mensaheng maaring makakapagpabago ng iyong pananaw sa buhay. Pero bago ang lahat may tanong akong dapat **** pag-isipan ng mabuti bago ka magpatuloy. Una nais ko lang tanungin kung handa ka nabang makinig sa mga katotohanan? Pangalawa handa ka nabang tanggapin ang mga ito? Kaibigan, alam kung naguguluhan ka parin dahil sa mga di maipaliwanag na pangyayari sa mundo. Maraming bagay ang hindi pa malinaw sa paningin natin. At hindi sapat ang mga naririnig natin sa iba, dahil hindi rin natin alam kung alin ang tama sa mga pinagsasabi nila. Ang dahilan kung bakit naisulat ko ito ay dahil sa mga nasaksihan ko. Maski ako ay hindi ko rin maintindihan kung saan umiikot ang mundo natin ngayon, kung tama pa bang mabuhay ako sa panahong puro na lamang pasikatan at pagpapabango ng pangalan ang tanging ginagawa ng karamihan. Sa tingin ko marami nang mali sa panahon ngayon ngunit hindi lang natin pansin. Hindi nga ba pansin? O sadyang alam natin pero di natin pinapansin, tayoy bulag sa katotohanan kahit dilat na dilat na. Ito na ba ang naging kalabasan ng mga sakripisyo ng ating mga bayani? Kung ako ang sasagot diyan, ang kinalabasan ng mga sakripisyo nila ngayon para sa bansa, ay wala. Dahil hanggang ngayon marami paring namumuhay na hindi alam kung ano ang pinaglalaban nila. Maraming pang iba jan ang hindi alam kung nasaan na ba sila, iisang bansa tayo ngunit watak watak tayo. Masaya ako kung sasabihin mo saakin kung ano ang naging bunga ng paghihirap ng ating mga bayani. Dahil yun din ang gusto kong malaman dito sa aking sulat. Ang ating mga bayani ay hindi lang basta mga bayani dahil lumaban sila para sa bayan. Naturingan silang mga bayani dahil isa silang sundalong handang mamatay sa ngalan ng pag-ibig. Pag ibig sa Diyos at sa Bayan, naipangak sila hindi dahil magiging parte sila ng mundo, kundi naipanganak sila para sa isang pangarap na gustong matupad ng lupang sinilangan. Ito ay ang tahanan ng ating lahi kung saan kinukupkup tayo at tinutulungan. Kayat kapatid gusto kong malaman mo na hindi pa huli na muli kang mag umpisa, dahil ang lahat ay wala pa sa huli. Maraming salamat dahil binasa mo ito ng may puso at pag-intindi. Umaasa ako na magiging mabuti kang tao hanggang sa huli. -PC
0
Apr 27, 2020
Apr 27, 2020 at 2:08 PM UTC
ANG PINAGLABAN

Continue reading...
15
Aba! Nasaktan na naman Ang dakilang torpe Walang kalabasan ng nararamdaman Kaya idaan niya nalang sa isang tula, na naman Kaya sisimulan na natin sa Isa dalawa tatlo Ang corny na nito Apat Lima Anim Char lang joke lang Hindi ito ang simula Sisimulan natin sa isang balangkas Isaayos ang bagyo ng iyong isipan Bigyan ng kapayapaan ang nararamdaman Para mas maiintindihan ang matinding budhi ng pusong nasaktan Sunod ay maghanap at gumamit ng mga matalinhagang salita; Punan ng kolorote ang nararamdaman Pagandahin ang sakit Para mas magiging kaakit-akit At ayon Alam mo na Paano sumulat ng tula Para sa maling tao
0
Mar 22, 2020
Mar 22, 2020 at 9:50 PM UTC
Tula Kung Paano Gumagawa ng Isang Tula
Bagong kabanata ay nabuksan tatlong daan anim naputlimang pahina ang pupunan bawat araw ay ilalathala at susulatan maging maganda o masama man ang kalabasan Mga kalbaryo at pagsubok na kailangan pagtagumpayan Mga pagpapalang darating at kailangan nating pasalamatan Mga sakit at pighating hindi maiiwasan Ating haharapin at mararamdaman Ika'y handa na ba ngayon? Harapin ang bukas at iwan ang kahapon? Kalimutan at isara libro ng nagdaang taon Pero may mga aral ka ng nakaraan na iyong baon baon. Sa libro ng ating buhay na tayong may akda sulitin ang guhit at sulat ng ating tinta matuto sa mga karanasang mapait at maganda Bago natin bitawan ang pluma at lumagda
0
Jan 1, 2022
Jan 1, 2022 at 10:07 PM UTC
"Bagong Taon"
Labis nating inaalintana ang ating kinabukasan. Natutulero sa pweding kalabasan,nang mga kilos na hindi pinag-iisipan. Masyadong padalos-dalos sa ating mga hakbang. Nababagabag, nauubos ang oras at panahon sa kakaisip ng ating kahihinatnan. Nang hindi namamalayan,na ang Halaga ng Kasalukuyan ay atin ng nakakalimutan. Sa pagnanais na makarating agad sa bukas,ang Ngayon ay hindi na napapahalagahan. Kung hindi na alam ang nangyayare sa takbo ng ating buhay,Huwag kalimutan na anjan ang Maykapal.Laging gumagabay at nagbibigay ng tamang daan. Manalig at magdasal at tayo'y Kanyang Papakingan.
0
Mar 23, 2023
Mar 23, 2023 at 10:53 AM UTC
Takbo ng Buhay