Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Allan Pangilinan Dec 2015
Disoras na naman ng gabi,
At ‘di ko alam kung saan ako aabutin ng kahangalang ito.
Andaming sabi-sabi sa mga tabi-tabi,
At naisipan kong isulat ang ilan sa mga ‘to.

Kung mabasa ito ng iba kong kakilala,
Siguradong pagti-tripan ako ng mga tangina.
Pero ayos lang, ano pa bang mawawala?
Sanay na ako’t sobrang kapal na ng aking mukha.

Nais ko lamang ibahagi ang isang kwento,
At marining kung ito’y naranasan na din ba ng iba.
Pagkat sa ikot ng ating mundo,
Ang kwentong magkapareho’y anong ginhawa.

Hayskul ako noon nang una kong masabi na, “Shet, gusto kita.”
Ano pang mga ka-kornihan ang ginawa ko’t sumulat ng tula.
Napainom pa ako ng energy drink para lang masabi,
Na sa tuwing nakikita kita’y abot langit naang aking ngiti.

Ngunit ayun lamang at ako’y ‘di pinalad.
Sa mga rasong tila dapat ay batid ko naman.
Paano nga ba ang sarili’y mailalakad,
Kung sa mga simpleng salop ako’y walang mailaman.

Naging mabuti naman pagkat ika’y minahal ng isang tunay na kaibigan,
‘Wag niyo na lamang akong imbitahan sa inyong kasal.
Sa ngayo’y ang alaala na ito’y dumaraan na lamang,
Tuwing napag-iisa’t ubod ng pagal.

Limang taon ang nalipas at muli kong sinubukan,
Sa ibang babae naman binuksan ang kalooban.
Akala ko ay pwede na,
Ngunit, puta, ‘di rin pala.

Ang hirap mo maging kaibigan,
Lahat ng tao sa paligid mo’y ako’y sinisiraan.
Batid kong may pagkakaiba ang ikot ng ating kaisipan,
Ngunit inakala kong posible ang pagkakasunduan.

‘Di ako ng tipo ng madalas magkagusto,
Lalo na din siguro sa mga pangyayaring nasulat rito.
Tingin man ng iba’y dapat maataas ang aking tiwala sa sarili,
Mga taong ‘may kaya niyan’ ay sadiyang pili.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko.
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako,
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?”

Nanay ko lang tumawag sa aking gwapo,
At sa mga manininda at drayber ko lang narinig ang, “Uy, pogi!”
Ngunit sa katotohanan pala’y iba-iba talaga ang pagtingin ng tao,
At minsa’y may mga tunay sa magkakagusto sa’yong mga ngiti.

May mga lumapit na rin,
Babae at lalaki, nagparamdam ng pagtingin.
Ngunit ayaw ko ring lokohin sila at ang aking sarili,
Kung ‘di naman tunay ang magiging pagpili.

Kaya siguro ako tumatandang ganito,
Malakas ang loob at mukhang masungit,
Dahil sa loob ng 20 taon ay kinaya ko ang sarili ko,
Mag-isa akong bumabangon at pumipikit.

Kinaya kong mamuhay ng mag-isa,
Kaya mahirap hanapan ng lugar ang para pa sa iba.
Ngunit ‘di tayo nawawalan ng pag-asa,
Na merong ‘siya’ na darating nga.

Andami nating hinarap na mga problema,
Iniyakan ‘to, uminom dahil dun at kung anu-ano pa.
Ngunit kung iisipin, masa madali **** malalampasan yan,
Kung may isang taong tunay kang pakikinggan.

Sa lahat ng ‘di buong nabiktima ni kupido,
Na sa’yo lamang lumipad ang palaso,
‘Wag kang bibitiw kapatid ko,
Ang araw ng iyong kasiyahan at ligaya’y pinapangako ko.

Patuloy na managarap at managinip,
Tadhana’y nariyan at unti-unting sisilip.
Malay mo bukas paggising mo,
Kayakap mo na ang taong pinapangarap mo.
Nasa banyo ako nang maisip ko ang ilang mga taludtod para sa likhang 'to.
JOJO C PINCA Nov 2017
Tinatamad ako hindi ko magawang tipahin ang tiklado ng aking computer.
Inaantok ako malamang kinakapos ng oxygen ang utak ko kaya ganito.
Pero ang diwa ko’y gising at gustong sumulat ng tula hindi ito nakatulala.
Anong tula ang susulatin ko? Tungkol ba sa’yo at sa pagsinta nating tuyo?
O patungkol sa bayan kong minamahal na walang utang na loob sa malasakit ng iba?
Ang bayan o ang aking pag-ibig sa’yo alin sa dalawa? Ewan ko nalilito ako.
Pareho kayong mahalaga, pareho ko kayong mahal, pero alam ko na pareho din kayong mawawala. Bakit ko sasayangin ang aking mga salita? Bakit kailangan ko pang ialay ang bunga ng aking kaisipan kung sa bandang huli ito ay mawawalan lang ng saysay?

Hayaan **** mag-diskurso ako kahit sandali lang mahal ko.

Ilan tula na ba ng aking sinulat para sa bayan kong sawi at laging alipin ng mga walang turing at pakundangan, may nangyari ba? Wala naman diba? Walang saysay ang pagliyag ko sa bayang ito na laging lumuluhod at sumusunod sa mga dayuhan. Itong bayan na sa kabila ng kanyang paghihirap at dalita ay laging nangangamuhan at humahalik sa paa ng mga kapitalistang ganid. Ang bayan ng mga taong mahirap paniwalain sa totoo pero madaling bolahin ng mga pulitikong hunghang. Ito ba ang bayan na aking iibigin?

at ikaw naman mahal ko

Batid mo'ng iniibig kita alam mo yan pero para saan ang aking pagliyag sa’yo kung mawawala ka rin sa akin? Oo naman nasasabik ako lagi sa’yo, gusto kitang yakapin, halikan at makasiping sa buong magdamag hanggang sa bukang-liwayway. Pero hanggang kailan ako mananaginip ng gising at mananabik saiyong piling gayong alam ko na hindi ka naman talaga magiging akin sa habang panahon?

Marami ba akong tanong? Pasensya kana ganun talaga ang isang makata, nabubuhay s’ya gamit ang mga salita at tandang pananong.

Pero sige magsusulat ako ng isang tula para sa’yo at para sa bayan ko. Magsusulat ako kahit alam kong walang magbabasa nito. Magsusulat ako at aasa na parang hangal, aasa na may babasa at maniniwala sa aking mga salita. Ipapahid ko ang utak at damdamin ko sa papel na tulad sa isang nababaliw. Magsusulat ako dahil tungkulin ko ito, magsusulat ako dahil alipin ako nito, magsusulat ako dahil ito lang ang alam ko at higit sa lahat magsusulat ako dahil ito ang buhay ko.

Iaalay ko sa’yo mahal kong marupok at sa’yo bayan kong walang utang na loob ang aking tula kahit inaantok at tinatamad ako.
JOJO C PINCA Nov 2017
"bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? sapagkat ang paglisan sa sariling ina upang sumuso sa bukal na buhay ng ibang dibdib ay isang pailalim na pamimirata. at sa daigdig, ang mga limahong ay matatagpuan sa lahat ng lahi at sa lahat ng kulay. kapag pinag-usapan si Limahong, bawat kinapal na nakatapak sa lupang hindi niya kakulay ay dapat paghinalaan"  - Edgardo M. Reyes, SA MGA KUKO NG LIWANAG



bakit ang piratang tsino na si Limahong at hindi ang rebolusyunaryong si Komrad Mao ang napadpad dito sa ating dalampasigan? bakit ang mga piratang tulad ni Limahong ang dumami at lumaganap sa bansang Pilipinas?
oo, laganap ang mga pirata sa ating bayan, pinirata nila ang ating kabuhayan. matagal na nilang hawak ang ating ekonomiya. kahit saan mo ibaling ang iyong paningin ang mukha ng mga kapitalistang tsino ang lagi **** makikita. lahat sila kamukha ni Limahong. sila ang mga bagong pirata.

kung si Komrad Mao sana ang dito ay sumalta, malamang mga Sosyalista tayo ngayon. hindi sana tayo inaalipin ng mga ganid na Kapitalista. siguro sinlakas na rin tayo ngayon ng tsina. malamang walang tiwaling pulitiko na nagnanakaw sa kaban ng bayan. walang mga gunggong na pinagsasamantalahan ang taong bayan. walang mayaman na mang-aapi sa masang naghihirap. walang kolonyal na kaisipan na iiral, hindi sana tayo lumuluhod sa mga dayuhan. walang magtatatwa ng sariling wika at manghahamak ng sariling kultura. wala sanang maka-dayuhan na paghanga. wala sanang taksil sa sariling lipi. sapagkat lahat ng mga duming ito ay lilinisin at gagawing dalisay ng Cultural Revolution.

bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit si Henry Sy, Lucio Tan, John Gokongwei, Andrew Tan ang mga panginoon at naghahari sa bansang ito? bakit tayo inaalipin ng mga dayuhang ito? putang ina, inaalipin at inaapi tayo dito sa loob ng sarili nating bayan. bakit sila ang nagpapatakbo sa buhay at bansa natin?

bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit ang diwang pirata at hindi ang binhi ng kalayaan ang lumaganap dito sa atin? bakit kapitalismo at hindi sosyalismo ang namayani? bakit tayo mga alipin at hindi malaya?

bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? nakakalungkot isipin na natulad tayo sa South Africa kung saan inalipin ng mga puting dayuhan ang mga katutubong itim. ang Pilipinas ba ang katumbas ng Gaza Strip dito sa South East Asia?

bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit tayo pumapayag na ginaganito tayo? wala silang karapatan na babuyin tayo at hindi sila ang dapat na nakikinabang sa yaman natin.
Crissel Famorcan Mar 2017
Sa minsan kong paghawak ng isang panulat
At sa sandaling panahon na mata'y idinilat
Masakit na katotohanan ang sa aki'y sumambulat
At mga katiwaliang di man lang maisiwalat

At kaya nga nabuo ang una kong tula,
Punong - puno ng emosyon na pawang mga luha
sa kahabaan tila ba naging dula,
Dalawampu't limang berso:pawang may tugma

Hindi ko alam kung bakit at paano
Sa mga isyung pambansa,wala ngang alam gaano
Pero basta't tinamaan ako ng inspirasyon,
Biglang gumagana itong imahinasyon

Mga salita ay rumaragasang tuloy - tuloy,
Parang tubig sa ilog,walang tigil sa pagdaloy
Nag - uumapaw sa kaisipan at sadyang matalinhaga
Tunay na nagmumula sa puso ng makata
Benrich Apr 2018
Mga isip na nagtagpo sa delubyong nakatago
Isang ikot sa bilog na bakal, nagtugma ang kaisipan
Maraming bunggo'upang utak ay maalog
Naalog nga ba? para bumitaw o
dahil sa pag ulit ng pag bunggo
At Sadyang inalog para kumapit at umasa
Sa mga pangyayaring tugma sa puso ng mga mahal

Mga usap na wagas ang salita
Mga analisa na may pag dududa at pag sang ayon
Mga oras na ginugol upang makamit
ang usapang pag ibig ng mga mahal
Mga oras na ang pag uusap ay paulit ulit
Mas naging matatag dahil sa maga paulit ulit na
mga salita at haka haka na nag katotoo
Ngunit walang sawang nakinig, nagtipa
Upang ang dalisay na pag ibig ay magtagumpay

Mga pag tatagpo na kahit sa sandali ay naging
palagay ang loob at isipan
Mga taong makatotohanan at naniniwala sa
dalisay na pag mamahal ng taong mahal

Mga oras na ginagawang araw ang gabi
na sana ay tugma ang oras
Di man nagtugma ang oras nagagawa
pa ding mag bahagi ng oras
Dahil ang pag-mamahal na bukal
sa taong mga mahal walang kasinungalingan
walang pag dududa naniwala sa dalisay
Dahil sa mas malalim na pag kakaibigan
na puno ng lungkot at pighati
mga pag subok na kumanti sa pagmamahal
ngunit ganon pa man nag tagumpay sa mga hiling
sa gabi-gabi sa pagtulog.
sa Poong may Kapal,

Naway di magsawa sa mga karanasan
Sa kapaligaran may kasinungalingan
Naway maging aral upang matutong
Magbigay ng pag mamahal sa kapwang
Walang nakakaunawa at nagmamahal

Mga delubyong pinagtagpo ang mga taong
mas nag pakatoo at umasang sa huli ay
mag tatagumpay ang pag ibig na dalisay
ng taong umaapaw ang pagmamahal sa babaeng
sinisinta sa bawat minuto at bawat sandali
ng kanyang buhay.

Ano pa nga ba ang salitang dapat mamutawi
kundi mga katagang "Tagumpay ka DALISAY".
bilang isang fan na nag mahal at nag pakatoo sa nararamdaman
kiko Oct 2016
Pagpasensyahan mo na ko,
hindi ako sanay sa mga yakap at lambing
bago kita makilala, nakakahiya mang aminin
ang pagdampi ng mga labi at ang init ng mga yapos
ay alam ko lamang sa salita, sa bawat paglipat ko sa panibagong pahina ng mga aklat kong minamahal.

Mas masarap pala sa totoong buhay.
Dahil konkreto ka,
ang iyong mga mata ay hindi lamang habi ng aking kaisipan
at ang iyong mga salita ay hindi akin.

Totoo ka.
Masarap pala sa pakiramdam ang paglapat ng dalawang katawan,
dahil kahit kailan hindi ako naging komportable sa paglubog ng kama sa aking likudan
alam ko din na ayoko ng bigat ng ibang braso sa aking baywang
pero noong unang gabi na nakapatong ang ating mga ulo sa iisang unan
at ako’y tila bihag sa braso **** kulungan
Napatanong ako sa aking sarili “Ganito ba ang tahanan?”

Pero mahirap din kapag nakatikim ka ng ginhawa,
nakalimutan ko na tayo nga pala’y dalawa
at ito ay hindi lamang para sa akin.
Ang kalayaang kong pumili ay taglay mo din
Hindi mo nga pala utang ang mga sagot sa mga tanong na bumabagabag sa akin
at malaya ka.
Malaya kang tanggalin ang pagkabuhol ng ating mga daliri
Dahil hindi iisa ang ating mga kamay
at hindi din tayo iisa ng kaisipan.

Posible nga pala na magkaiba ang bilis ng daloy ng dugo at ritimo ng bawat tibok

Kaya naiintindihan ko at pagpasensyahan mo ako.
Masyado lang akong uhaw sa pagmamahal.
Sa tagal na panahon na pinagkait ko sa sarili ko,
sa pamamagitan mo, kaya ko nang tumingin sa salamin
at hindi makaramdam ng galit na sa tuwing umaga
meron pa ding hininga,
meron pa ding pagtaas at pagbaba ng dibdib.

Masarap palang huminga at ayoko lang ng tikim.
TJLC Apr 2015
Alam mo ba
Sobrang hirap malaman
Ang isang karamdamang
Hindi
Mo
Maintindihan?

Akala mo ba
Mas mahirap mahulog mula sa bangin
Na alam **** lupa ang sasalo sa 'yo
Kaysa
Sa mahulog mula sa bangin na
Hindi
Mo
Alam
Kung anong mahuhulugan mo?

Hindi ganyan eh.
JOJO C PINCA Nov 2017
“The future depends on what you do today.”
― Mahatma Gandhi

Nakakapagod ang mangarap, yung naglalakad habang nananaginip ng gising, para ka lang gago na pabalik-balik, walang simula at walang katapusan. Walang ipinagiba sa mahabang dalampasigan habang sa taas nito ang hindi masukat na kalawakan, oo ganito ang mangarap at umasa ng dilat. Kung bata ka ayos lang na managinip kahit paulit-ulit lalo na kung hindi ka makatulog. Pero hindi kana bata, matanda kana – maanghang na ang utot mo hijo.

Sana ang buhay ay isang pangarap, sana lagi na lang ang tao nangangarap. Subalit ang buhay ay isang banyuhay kung saan ito’y laging nagbabagong hugis at anyo. Kailangan matuto kang humarap at sumabay sa mga pagbabago kahit ang mga ito’y sadyang nakakapanibago. Matanda kana hindi kana bata, ihinto na ang mga panaginip at kumilos ka ng ayon sa tawag ng kasalukuyan. Ang bukas (kung aabutan mo pa ito) ay nakasalalay sa iyong ngayon.

Matuto sa aral at karanasan ng iba pero ‘wag na ‘wag **** susundan ang kanilang anino, gumawa ka ng sarili **** liwanag. Maging pantas ka gamit ang sarili **** panulat, padaluyin mo dito ang laman ng iyong utak. Hindi lahat ng magaling mag-isip ay matalino kaya’t ‘wag **** kalilimutan na gamitin ang laman ng iyong puso. Bigyan mo ng respeto ang iyong sarili, ‘wag kang mangopya dahil hindi ka naman si Tito Sotto.

Ang lupa ay matagal nang sinalaula ng mga mapagmahal kuno sa bayan at ng mga ipokritong nagsasabing maka-diyos daw sila, utang na loob ‘wag ka nang dumagdag pa. Itigil mo na ang pananaginip mo ng gising dahil tanghali na, bumangon kana at gumawa. Gumawa ng mga mabubuti at kapakipakinabang na mga bagay. Mahalin ang sarili at ang kapwa na tulad sa’yong sarili. Iwasan mo ang umangal kung ibig mo’ng maging marangal.

Sinunog at winasak ng mga ulol na tao ang mundo, laganap ang kahirapan, ang kaapihan at naglipana ang mga patay-gutom na walang tunay na kumakalinga at gustong tumulong. Panahon na para bumalikwas ka sa’yong pagkakahimbing, gawin mo ang inaakala **** magaling basta’t hindi ka makakasakit sa damdamin ng iba.  

Hindi ka isang propeta pero sige sumigaw ka sa ilang kung kinakailangan, tawirin mo ang mga hangganan at gawin mo kung ano man ang tinitibok ng iyong damdamin. Ngayon ang tamang panahon upang ihasik ang iyong sigasig at mga kaisipan dahil kung hindi ay wala kang aanihin pagdating ng bukas na ‘yong inaasam.
El Nov 2018
patawad sa mahal kong akala ko'y lumisan na
sa paggunaw ng kaisipan sa mga bagay na pinipilit nitong takbuhan
ngunit bumubulong ang puso gamit ang lirikong tayo lang ang nakaiintindi –
mababalikan pa ba ang ritmong ito
o mananatili na lamang sa kasalukuyang pintig?
Terry S Cabrera Jun 2020
Binubuhay ng pag-iisa ang iba't ibang pakiramdam.
Nalalaman mo na may mga bagay na 'di mo kayang gawin nang ikaw lang.
Nailalabas ang kalungkutang ikaw lang ang nakakaalam.
Nailuluha ang pighati na sa sarili mo lamang ipinapakita.
Lumalakas ang pag-iyak na mumunting hikbi lang sa tuwing may kasama.

Nauunawan mo na minsan kailangan mo lang din mapag-isa.
Nagagawa **** maging matapang -
Na kahit hindi mo kaya ay iyong sinusubukan.
Nagagawa **** pasayahin ang iyong sarili.
Hindi mo na kailangan pang magpanggap na hindi ka sawi.
Dumadagsa ang mga kaisipan na sa pag-iisa mo lamang namamalayan.

Ngunit sa lahat ng iyan,
Napagtatanto mo na ang pinakamasakit na pag-iisa ay iyong may kasama ka.
Wala naman kasing pagkakaiba 'yong pag-iisa na ikaw lang
Sa pakikisama mo sa karamihan
O sa tuwing napaliligiran ka ng tinatawag **** kaibigan.
Pareho lang ang ibinibigay nilang pakiramdam.
Pareho lang ang inuukit sa iyong isipan
Na mag-isa ka -
Kahit ikaw lang o kahit na mayroong kasama.

© Tres
Jed Roen Roncal Jan 2021
Ako'y nagsusulat ng librong lahat ay patungkol sa kasakitan
Mga pinagdaanang puro kapaitan
Mga alaalang pilit mang kalimutan
Hindi magawa gawa dahil nakatatak na sa aking kaisipan

Kaya naisipang isulat nalang at gawing topiko
Mga karanasang balak gawing libro
Bawat kabanata sa buhay kong hindi ko alam kung wasto
Ngunit lahat ng ito'y isusulat ko

Sinusubukang ibahin ang bawat kabanata
Ngunit tila lahat ng ito'y kusang naitugma
Mga pangyayari sa'king buhay na gustong iwasto
Sana balang araw ito ay maitama ko

Ngunit isang araw kapalaran ko ay tila nagbago
May nakilalang tao na dahil sakanya ay gusto kong magbago
Kadiliman sa aking isipan na kanyang binigyang ilaw
Buhay ko'y kanyang binigyan ulit ng saysay at linaw

Bagong kabanatang sana'y kasama ka
Librong sinusulat dahil sayo ay nag-iba
Mga kabanatang nagdaang kay pait
Kasiyahan kasama ka ay gustong ipalit

Bagong kabanatang gusto kang makasama hanggang sa pagtanda
Makalimutan man ang librong naisulat na
Hinding hindi ang rason kung bakit nagbago ang paksa
Ngayon, ikaw lang ang gustong makasama sa lahat ng bagong kabanata na aking isusulat pa.
reyftamayo Aug 2020
At sumibol ang mga mapagbunying isipan
sa makapal na balat ng lupa.
ang pinagtatakhan ko lang ay bakit
tila tinatangay tayo ng malakas na
daluyong ng karunungan patungo sa dagat
ng kalituhan?
ito ba'y matatawag na kamangmangan
sa sarili o sakit na nagdudulot ng
panghihinang tumayo sa paa,
na taas ang noo, at may pagkukusa?
ano nga kaya ang nagtatago sa likod
nitong makulay na isipan?

nanatili ang karamihan na pikit-mata
sa pagtanggap ng mga kaisipan ng kapwa
habang ang iilan ay abala sa
paghubog ng mga bagong panaginip
na syang lililok o lilipol sa
buong sanlibutan.
hindi man sinasadya, o inaasahan,
nagsilbing mantsa sa puso't puson
ang mga panaginip na ito.
kahit na sa mga pagkakataong
sarado tayo.
walang malay nating sinasagap
ang mga pakalat-kalat na talino
na para bang pagkain kung ito'y
manukso sa nagugutom na kalamnan.
kahit pa ito'y ikamatay,
mapagbigyan lamang
ang uhaw na nararamdaman.
hanggang sa tuluyan na itong
umalipin sa sinumang magtangka
na kumawala.

o sumpa ng galit na apoy
ng nagbabagang impyerno?
tayo lang ang inaasahang sumaksi,
maging alin mang panig
ay tama o mali.
malaya tayong mag-isip
at mawalan ng saysay na parang
alikabok sa higanteng pusod
ng mabangis na lipunan.
o kaya naman, palihim na sumibol
sa gitna ng disyerto
kahit na nag-iisa.
Nexus Aug 2019
Pagdating ko pa lang
Akoy agad ng tinangihan
Maka ilang ulit pinagpasahan
Isa, dalawa  hangang lima
Hangang akoy nag kaisip na.

Sa aking kamusmusang balot
Ng hirap at kalungkutan,
Sa mulat kong kaisipan akoy naiwanan
Kamusmusang nawala
Napalitan ng trabahong pang matanda

Kaya kung minsann para bang may mga karayum na tumutusok saking dib dib
Mga ala alang mahirap balikan
Karanasang hindi makalimutan
At tanging alaala na lang ang natitirang katibayan sa hirap na pinagdaanan

Ang mundung ito’y malawak
Napakaraming tanong na hawak
Tanong na nagtagal na,
Tanong na wala pang kasagutan
At saan nga ba ako magsisisi
Ang hindi pag hanap sa katanungan?
O
ang hindi pag harap sa naka umang na kasagutan?

Lumalalim na ang usapan
At baka mamaya buong buhay na ni eric ang ating pag usapan.

Kaya………..

Umpisahan  natin sa simula
Sa paraan kung paano tayo  nagkaplaitan ng unang salita,
Sa lugar kung saan
Tayo unang nagkita,
At kung kelan natin natutunan pahalagahaan ang isat-isa.

Kwentuhang walang patid mula sa nakaraan at  karanasan
Mga tawanang mistulang
Walang katapusan
Kahit na abutin ng kalhating buwan ang message ko bago mo ma replyan

Sabi nila,kapag nahanap
Mo na daw ang tunay na pag-ibig
Ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa.
Kaya't langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin Ng kusa

Minsan akoy nagtakat
Nagtanong
Saang sulok ng langit kaya ikaw naroroon?

Malapit ka kaya sa araw?
Na mahirap puntahan at matanaw?

O marahil nasa tabi ka lang ng buwan, na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay iyong  mimasdan.

Pero maaari ding ika'y kapiling ng mga bituin na napakaraming nais mang angkin.


San kita makikita?

Sa mga panahong hindi pa
tayo muling nagtatagpo,
O
Sa mga panahong ikaw sakin ay napakalayo

Kaya kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may sabwatan
Sa pag iibigang ito
Matagal na pala kita dapat niligawan

Dahil Bumaliktad man ang mundo,
Mawala man ang lahat sa tabi mo, Mamamahlin kita  na kayang
Ihinto ang oras,
Para lamang maibigay sa iyo at maipamalas.

Upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ng tadhana
Akoy magiging mabuting kabiyak at kapag nasisilayan kay magagalak at sisikaping kayang ibigay ano mang  hilingin at kailanganin

Kayat sa wakas eto na.

Dumating na ang inaasam na pagkakataon
Puso ko'y tinatambol
At tiyan koy ina alon
at tadhana'y tila naghamon

Isang importanteng okasyon
Ang magaganap
Ngayong bakasyon
Na magiging okasyon
Ninyo taon taon
Dalawang taong nag mamahalan
Pag iisahin ng may kapal
Mag pakailanman
aesthenne Oct 2017
"Anak, bakit ayaw mo ba ngumiti sa mga larawan? Mahal ba ang presyo ng ngiti mo?!"

Opo, nay, ang sabi ko lamang sa loob ng kaisipan ko. Kasing mahal ng halaga ng abuso na ginawa mo sa damdamin ko.
Virgel T Zantua Aug 2020
Sa dilim ng aking pag-iisa
Halos gumuho na ang pag-asa

Hinuhusgahan at kinukutya
Tinatawanan at minumura

Mga salitang lason ang dala
Sa pagkakamaling naging sumpa

Na kumakain sa pang-unawa
At kaisipan na nagwawala

Nanlalamig ang puso't gunita
Hindi maibigkas ang salita

Sino nga ba ang maniniwala
Sa sinasabi at ginagawa

Sa dami ng mga kumokontra
Na sa pagkatao'y sumisira

Mga pagkakamaling nagawa
Ipinipilit ko na itama

Ngunit kinukulang ng unawa
Ang damdamin nilang natutuwa

Ilaban ma'y walang magagawa
Mali pa rin ang ginawang tama

Lumalalim ang sugat na dala
Lumalatim ang sinasalita

Pinipilit nito na magiba
Ang natitirang paniniwala

Gabay ng pananampalataya
Ang nagpapatibay na gumawa

Upang pagkakamali'y itama
At maging ganap ang nakatakda

Ang pagsibol ng bagong simula
Umpisa ng isang kabanata ...
Virgel T Zantua Aug 2020
Huwag mo ng dagdagan ang bigat
At baka hindi ko na mabuhat
Mga sinasabi mo'y salungat
Sa mga nakasulat sa aklat...

Ano ba talaga ang layunin
Walang tigil kung ako'y inisin
Nakakalito kung iisipin
Wag selos ang iyong pairalin...

At bakit ka nga ba nagagalit
Ano ba ang iyong hinanakit
Dahil ba sa hindi mo napilit
Ang pagmamahal mo sa may sabit...

Pagkatao mo'y nakakatakot
Ang kaisipan mo ay baluktot
Kahit sino ay napapaikot
Sa daldal ng dila **** kulikot...

Ano ang gusto **** patunayan?
Na ikaw ay angat sa lipunan
Ang anino mo'y may kayabangan
Ngunit natatakot sa harapan...

Ano man ang gawin kung pag-iwas
Di niya ako pinapalampas
Sa mga kwento na walang basbas
Sinisira ang isipang wagas...

Sa katotohana'y sumasabay
Upang pagbabago'y maging tunay
Ayoko na ng magulong buhay
Tumigil ka at magnilay nilay...
gift Oct 8
naglalakad sa isang eskinita
walang ilaw, walang makita
nalulunod sa alon ng kadiliman
yan ang imahe sa aking kaisipan

hindi mawari ang galaw ng mundo
kung talagang liligaya pa ang puso
mabuti nalang at ika'y nasilayan ko
sa liwanag pala ay nag hihintay ka sa dulo.
—g.l
another poem dedicated to all my filos out there <3
fallacies Dec 2019
kinuha mo ang aking mga kamay- tinitigan mo ako
at sinabi mo, 'halika, lumayo tayo dito,' kaya tayo'y nagtungo
sa lugar na walang sakit at nakapanlulumong,
mga problema na ating dinaranas dati;
at nuon ding panahon na iyon,
nahanap natin ang tunay na kasiyahan
sa piling ng isa't isa, walang kamalayan
sa ibang tao sa paligid, pagkat magkasama na tayo;
wala nang problema na maaaring magdala ng bagyo

masaya na tayo, sa simpleng mga bagay na mayroon tayo
mga bagay na hindi man bago,
hindi man sapat para masabing masaya, pero alam ko,
ramdam ko, na masaya na tayo

pero
teka, ano ito?
Teka, bakit nawawala na
ang lahat ng nasa paligid natin
TEKA LANG! -sambit ng mga labi ko
yun na ang huling nasabi ko sayo

akala ko, masaya na tayo
sa mga simpleng bagay na  mayroon tayo,
mga bagay na hindi man bago
ngunit ngayon, bumalik na ang simple sa kumplikado
hinahanap ngayon ang saya sa salitang 'tayo'

pero nagising ako;
at kahit anong pilit na ipikit muli ang aking mga mata
at subukang mahimbing sa kaisipan na mayroong ikaw at ako
huli na ang lahat, di ko na maibalik ang panandaliang suyo
ng minsang nanaginip ako na mayroong tayo
(rough english translation)

you took both my hands- you looked at me
and said, 'let us go, far away from here,' and so we did;
to a place where pain would never find us,
where no problem would ever exist like the ones we had before;
and at that moment
we found true happiness
in the comfort of each other's arms,
oblivious to the people around us, for we are now together
no more problems that would bring us storms

we were happy and content, with the simple things
that we have, things that may not be new; things that
may not be enough to consider ourselves happy, but i know
for i feel, that together- we are happy

but
wait, what is this?
why can't i make up a single detail from your face
Wait, why is everything fading
'WAIT!-'
that was the last thing that i have told you

i thought that we were already happy and content,
with the simple things that we have, things that may not be new;
but now everything was the same as before,
what was simple became complicated again
desperately looking for the happiness in the word 'us'

but i woke up
and no matter how hard i try to close my eyes, and
try to fall asleep with the thought of me and you
it was too late, i could never bring back the temporary comfort
of that one time that i had a dream that there was an us
Taltoy Sep 2017
Walang ni isang laman,
Di mailalarawan,
'toy walang kaisipan,
Lihim ang kabuluhan.
Benrich Apr 2018
Ang liningin na parang talulot ng bulaklak
na hindi na mamumukadkad
sapagkat labis ang pagdilig ng puso
hindi na maihahayag pa
ang tangwa ng damdamin

mananatiling nakatago
sa likod ng bintana
sa kaulapan ay tatanglaw
mga salita na lutang
sa dalampasigan nawa sa iyoy makarating
sa pamamgitan ng pangarap na panaginip
kahit doon na lamang
mabigkas ang laman ng isipan
ligaya ay abot tanaw hangang kalawakan
walang pag-ayon kapalit ni anuman
mamukadkad lamang ang talulot ng kaisipan.
Allan Pangilinan Oct 2018
Kailan kaya tititigil, hihinto, mawawala?
Ang mga Gabriela na ating nakikilala?
Isang ideya na kay hirap tapusin, kitilin, hawiin,
Nasa looban ay may markang nagdiin.

Nawa’y patuloy nga ating paglakas,
Nang sa susunod ay wala sa isip ang pagtakas,
Bagkus ay kapayapaan at kaliwanagan,
Ang pupuno nang higit sa kaisipan.

Kung malamig lamigin,
Kung mainit mainitan,
Basta sa susunod ay may kumot,
Pamaypay nang mahanganinan.

Magbabago rin pagkat mawawala ang mga Gabriela,
Paglahong walang pasabi ngunit may ganda,
Sa langit natin lahat ay natutuwa,
Nahanap na. Nahanap na.
Araw at gabi sa isipan ko'y laging kang sumasagi,
'Di malilimutan ang pagsasamahan sa bawat sandali;
Kasama ka sa bawat oras na magdaan,
Kung kaya't mga problema ko'y nalilimutan.

Araw at gabi minamasdan ko ang kalangitan,
Ngunit iyong mukha lang ang aking namamasdan;
Sa'n man pumaroon, boses mo'y naririnig sa'king isipan,
Hanggang sa pagtulog ko'y laging kang napapanaginipan.

Araw ka ba? Dahil ikaw lang nagbigay liwanag,
Liwanag sa buhay kong puno ng bagabag;
At tulad ka ng gabi na puno ng katahimikan,
Anupat nagdala ng kapayapaan sa magulo kong kaisipan.

O' aking mahal, sinasambit sayo ng aking labi,
"Ikaw ba'y Araw at Gabi?"

— The End —