Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kaibuturan" poems
malamig sa isang silid may kasamang pighati, saya at lungkot sa bawat paghinga, ramdam ang pagbagsak ng luha. magkakahiwalay na tayo sakit na tila kinukurot ang puso sakit na walang ibang lunas, kundi ang pagsasamahan nating nabuo. sinulat ko ang tulang ito para kahit ako'y lilisan na maaari ko pang balikan lahat. lahat ng alaala at samahan, mga alaala na hindi ko makakalimutan, katulad ng... habang tayo'y naghihintay ng ticket habang tayo'y nagbabasa ng email thread habang tayo'y nakaupo sa isang silid nagkukwentuhan, nagtititigan, nagmamasid, naglalaro ng moba, nanonood ng youtube, nakahawak sa mga selpon. na tila bigla bigla tayong natinag sa mga boss na dumadaan na kahit sa dami natin sa area nagawa parin tayong turuan at pag tiyagaan nila sir at ma'am. napaka-lungkot lang isipin, na ang ating samahan, sa kathang-isip na lamang. alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat yung puno ng tao sa isang silid. puno ng tunog at salita  puno ng biruan at tawanan pero ramdam **** maiiyak ka ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang  kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman nakakapagod mag-isip. pero alam naman natin ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga  ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan alam ko, napapagod rin kayo sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay sa mundong malawak. pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao, na nakikita ko mula sa inyo. ngiting kay gaan sa pakiramdam, na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti. Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti. Na nakakapawi ng pighati, Salamat, Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
0
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 10:59 AM UTC
sa isang silid

Continue reading...
67
Umaga na pala, Subalit tila umpisa pa lang ito ng dilim Dito sa bayan kong nasa sinapupunan ng mga sakim Pagpagan ang mga baro't saya habang hawak ang sedula Nilang mga uhaw sa tronong ipinangako sa kanila Naluklok na bagong puno,sa pagdaka’y nagpaulan Ng mga balang hindi man tingga ay tumatagos sa kaibuturan Sa dati niyang ka giyera na s'yang mga tunay na anak ng bayan Iginapos sila’t ipiniit sa sandipang karapatan Yaong mga bago niyang kawal ay matatayog pa sa kalabaw ‘Pagkat kasama niyang magkakamal ng salaping umaapaw Mag kaka-ututang labi ay iisa ang kaliskis at balagat Sila na mag kaibigang dila at ngipin sa pilak din mag-papangagat Habang ang mga dating sadyang tapat sa gampanin Ay mistulang mga bayani na lang sa hangin Ang pagka dalisay nila sa maka-kapwang  tungkulin Parang sa tubig na isulat at hindi na basahin Kawawang Sta. Teresita bayan kong dinusta Ng mga ganid sa kapangyarihan at mapang-alipusta Akong anak mo’y nasa daluyong ng kapanglawan Kabiyak mo sa balsang itinali sa nagluluksang pampang Kawawang Sta. Teresita ginahasa ng mga mapag-samantala Hinubaran ng dangal at piniringan ng telang mapula pa sa pula Binusalan ang bibig hanggang sigaw mo’y hindi na marinig Mga araw mo ngayo’y mamumugto sa haharapin **** pag-liligalig Tahan na Sta. Teresita,Tahan na, Bayan kong sakdal iniibig Matatapos din ang sigwa, Tutulay muli ang lunday sa sapa. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 2:01 PM UTC
Sta. Teresita
Kling Klang....  Kling.. Klang.. Tunog ng kampana'y sumisigaw ng kagalakan, Amihan hanging sumisimbolo ng isang Banal na kaarawan. Saanman pumaroo't-pumarito'y puno ng kasiglahan; Mga hapag-kaina'y dinadagsa ng iba't-ibang kasaganaan, Mumunting kislap sa bawat bahay ay pawang madadaanan, At mga magigiliw na parol sa bawat poste'y isa-isang nagtitingkaran. Habang ang lahat ay masiglang nagkakantahan, Isang lalaki ang naglalakad sa makipot na eskinitang daanan, Maruming damit, gusgusing katawan, Balbasing mukhang mistulang mga puno sa isang mayabong na kabukiran. Pasuray-suray n'yang tinahak ang kadiliman, Dala ang isang boteng alak na kanyang nag-iisang kasamahan. Mga lasing na hakbang ay pilit binibitawan, Mumunting yapak patungong bahay na kubli sa kasayahan. Pagdating sa bukana, bote'y itinapon sa pintuan. Nagsusumigaw at pilit humihiyaw na siya'y agad na pagbuksan. Isang babaeng puno ng pasa't sugat ang kanyang naalinagan; Mayuming mukhang naging busangot ng dahil sa kahirapan. Ilang minuto pa'ng nakakaraan, Isang nakakakilabot na sigaw ang pumagitna sa masasayahang kantahan, Iyak na pilit tinatago, pinipigilan ngunit sa huli'y sumuko't mabilis na nagsilabasan. Ang katanungan, ano nga ba ang dahilan ng kasuklam-suklam na sigaw na nasaksihan? Mistulang iyak ng pagkahabag ng kalangitan Ang unti-unting nagsipatakan. Ulang nakisabay sa nakakakilabot na kalagayan - Binubugbog ng lalaki ang asawa; ang kanyang pinangakuan ng pag-iibigan, Isang taon pa lamang ang nakakaraan! Dugo'y nag-unahan sa pagpatak, Nagsimula sa kanyang kaibuturan binaybay hanggang sa kanyang talampakan. Babae'y nanghina't nagsumamo Na tigilan na ng kabiyak ang pambababoy dito at sa anghel sa tiyan nito. Ngunit ang tainga niya'y nagmistulang sungay; Walang bahid ng pag-aalinlangang pinagpatuloy ang maling labanan. Tengang-kawali't pinag-igihan pa'ng pagsipa't pagsuntok sa tinuturing n'yang kalaban. Dala ng matinding droga, ang haligi ng kabahayan ay naging sundalo't kaaway sa sarili niyang tahanan. Mistulang militar na naging ispeya't traydor sa dapat sana niyang pinagsisilbihang kaharian. Ilang araw pa'ng nakalipas, isang nakakabangungot na kaganapan, Ang naging usap-usapan sa pamayanan. Isang inang nilapastangan ang nakitang walang malay, duguan at butas ang sinapupunan. Sa gitna ng pighati't panlulumo, Ang kampana'y muling umiyak ng pakikiramay. Tunog ng madamdaming dalamhati. Musikang malumanay, .......dahan-dahang naghahatid sa inosenteng sumakabilang buhay. Kling Klang... Kling.. Klang..
0
Apr 30, 2015
Apr 30, 2015 at 10:57 AM UTC
Kampana

46
Ito ng kulay ng iyong puso Ang kulay ng lipstik Na binili ng iyong ina nung ikaw ay tinedyer Ang kulya ng bulaklak na binigay sa iyo sa araw ng mga puso ng iyong manunuyo Hindi babanggitin ang rosas na niregalo sa yo ng kaibigan **** babae sa kampus nang ikaw ay nasa kaibuturan ng iyung kabataan, Ang kulay ng mga di mabilang na mandirigma sa kabukiran Na sumisigaw ng kapayapaan. Ang kulay ng butil sa unang dapyo ng sikat ng araw Sa panahon ng anihan. Ang kulay ng asukal na muscovado mula sa pawis ng mga manggagawa sa azucarera Ito ang paborito **** kulay noon. Sa gitna ng lakbayin na masukal Ginusto **** maging mapusyaw Ngunit ang iyong pag-aalab ay puno ng kulay na ito Sa iyong mga kapatiran sa masa Pagsigaw ng hustiyang pang-ekonomiya Ipagbunyi ang kulay ng iyong puso! Ang sing-init na kulay na nararamdaman mo hanggang ngayon Kahit na pumupusyaw ang iyong kabataan, Nanatili itong kulay ng iyong pag-aalab.
0
Jan 11, 2017
Jan 11, 2017 at 3:49 AM UTC
Pula
Ang iniwan, niloko ng liyag kimkim ang galit sa kaibuturan ay di madaling mapa-ibig Ang masaya na pakisamahan nakalulugod na kaibigan ay di makapagsalita sa harap ng hirang Sa hindi natuto pang umibig ay parang sanggol na madaling umiyak, kailangan akayin Pagkat ito'y hindi maipipilit tulad ng pag-awit ng mga pipit Dalawampung araw na singkad sa yaong buwan ay ang kaarawan na di sa taong bisiesto Kapag may dugong malabnaw at malinaw ay karakaraka lumigwak sa bukang sugat Oras na ipagdiwang ng mga buo at biyak Dalawang kasarian ay kapupunan sa bawat isa
0
Feb 14, 2019
Feb 14, 2019 at 4:57 AM UTC
Puso ng Pebrero IV
habang naglalakad ako sa lupain ng mga sirang pangarap, mayroon akong pangitain sa napakaraming bagay. ang mga paghihinagpis tila baga'y tumutulong upang madagdagan ang aking pasan sa mundo. aking napagtanto na ang kaligayahan ay isang kalinlangan lamang. sa aking pagkalumbay at pakiramdam ng disorientasyon, buong buhay ko'y nabuhay sa takot. ang mundo'y pinamumunuan ng mga batas ng poot na matatagpuan sa iba't ibang dako. kaya naman ay ang mga nakararanas ng dalisay na kaligayahan ay isang hindi pangkaraniwang pangyayari. sa bawat araw ng aking paghihirap, umaasang makakaahon sa ilang butil ng kasaklaman ngunit sa kaibuturan ko, wala akong ibang makikita kungdi ang kasuklaman ng buhay. patuloy akong naglalakad sa mga anino upang maghanap ng liwanag ngunit aking napagtanto'y malinaw kong nakikita na wala nang ibang paraan upang makalabas pa sa suliraning ito. sa aking buong pagkabuhay, dala-dala ko ang mga basag na pag-asa't mga tipak na salamin. ang tanging sinag ng araw ang natitirang kislap ng aking mga masidhing lunggati sa rurok ng tagumpay. kung iyong titignan ang marikit na lilim ng gintong apoy na nagngangalit sa kanluran, ito ay ang aking mga minimithi na nakalilim sa puwang ng kalangitang asul. nais kong lumipad nang malaya tulad ng isang ibon sa kalawakan. sa mga kislap ng mga tala'y nakatingin, hinihiling na sana ang panagimpan ko'y dinggin. lahat ng iya'y hindi makakamtan sapagkat ako'y isang hamak na bata lamang na nangangarap ng imposible. pinapanood malunod ang aking sariling mundo mula sa aking bintana'y natatanto, mga pangarap ko'y dahan-dahang inaanod. sa araw-araw na aking paglalakbay sa mga repleksyon ng kadiliman, isa lang ang aking katanungan, isang ilusyon lamang ba ang kapayapaang aking matagal nang inaasam?
0
Apr 21, 2022
Apr 21, 2022 at 6:29 AM UTC
isang kislap ng pangarap

4
gusto kitang maniwala sa mga sasabihin kong salita ang luha ay ubos na kalungkutan ko'y nasasabik gustong magbago at umagos sa pisngi at hinding hindi maabutan ng bagsik ang mga tainga **** nagkukunwaring bingi tuyot sa kailaliman hanggang kaibuturan o hangin wag mo akong hipan baka di ko kayanin dala **** ginaw lamigin ang aking gabi habang ang utak ay natutunaw ang pagpikit ay gumagarantya sa sariling mundo walang makakaalam at makakapasok kundi ikaw at ako magdidilim sa tawag ng reyalidad papunta sa kamang lundo aking panaginip, bakit hindi kita mailagay sa isang sako? sa isang buntong hininga madarama ang tinik sakit na dulot ng panghihinayang at di madaan sa wisik tinatanong ang sarili kung saan nagkasala maglalaho ka pala, bakit wala man lang babala? gusto kitang maniwala sa mga sasabihin kong salita ang luha ay ubos na
0
Nov 25, 2010
Nov 25, 2010 at 9:25 PM UTC
Ang luha ay ubos na . .
Ang unang pahina: Para sa kauna-unahang nilalang na mabubuo sa aking sinapupunan Sinasabi ko na sayo ngayon pa lang na ika’y aking papangalanang “tao” Dahil alam kong dadating ang panahon na iyong susubukang alamin ang kahulugan ng itinatawag sa iyo At nais ko na sa iyong paghahanap ay iyong maungkat ang balde-baldeng mga salitang nakalimutan na ng ating lipunan Sabay nating tutuklasin kung sino ka nga ba sa isang mundong mapangdikta Na sa bawat pagsabi ng “Magpakalalaki ka nga!” Alam mo na upang maging isa ay kailangan **** maging tao muna At sa unang araw na ika’y magpapaiyak ng sinuman sa ngalan ng “pagiging lalaki”, Ay sisimulan ko ang pag-uukit ng mga linya sa iyong mga palad Upang sa tuwing padadapuin ang kamay sa sinuman sa ngalan ng karahasan ay una kang masasaktan Anak, Gusto kong malaman mo na kahit di ko pa alam kung ano ang iyong paboritong kulay Alam ko na ang nasa kaibuturan mo Dahil tulad ko, ika’y isa rin lamang nilalang Pupunuin ko ang kwarto mo ng libu-libong salamin Dahil alam kong darating ang panahon na bubulungan ka ng kung anu-anong mga korporasyon na nagsasabing ika’y kulang pa Kinukutsya ang bawat aspeto ng katawan **** di sakto sa kanilang imahe sayo At nais ko na sa iyong pagising at pag-uwi ay di matatakasan ang tignan ang sarili sa salamin Umaasang maaalala ang ipinangalan sa iyo ng nanay **** nakatayo rito ngayon Tao, Isang araw ay itatapon kita sa mundo Hindi iiwan pero hahayaang mamili para sa sarili Tandaan ang pangalan mo at unawain na hindi lahat ng likha ng tao ay tama Balikan mo ako sa iyong unang galos.
0
Jul 23, 2016
Jul 23, 2016 at 3:20 PM UTC
Unang Anak

25
Gusto ko sanang hilingin sa mga bituin na ibalik ka sa akin isigaw sa buong kalangitan kung gaano ako nasasaktan Habang ibinubulong ng mga butil ng luhang pumapatak mula sa mga mata ko ang pait ng katotothanang patuloy pa rin akong umaasang tulad ko’y umaasa ka pa rin umaasang maibabalik pa natin ang dati. Gusto ko sanang maniwala sa mga mumunting tinig Ng mga kulisap, sinasabing “ayos lang yan, magiging ok din ang lahat.” Na sa bawat lipad ng mga alitaptap Dala ay liwanag na magbubukas sa kinabukasang Tayo pa rin hanggang sa hinaharap. Gusto ko sanang umasa At huwag mapagod sa mga panalanging Bukas pag gising ko’y ikaw na ang nasa tabi Na ang mga walang kasing tamis **** ngiti ang sasalubong Sa akin mula sa akala kong walang katapusang bangungot Ng sakit at pighati. Gusto ko sana Gusto ko Gustong gustong gusto ko Na sanang mawala lahat ng sakit Lahat ng poot Lahat ng pag aalinlangan Lahat lahat Pati na ang mga alalang Pilit nagsususmiksik Sa kaibuturan ko Mga alaalang naging mitya ng kahapon At naging hudyat ng ngayon Ang bagong ikaw at ako Na minsang naging tayo. Mga alalang naging dahilan… Gusto ko Gustong gustong gusto ko ng Kalimutan siya. Sorry. Pero hindi ko pa rin pala kaya.
0
May 5, 2016
May 5, 2016 at 11:28 AM UTC
gusto ko...sana
#041716 Naakit ako sa linyang pahalang at patayo, Mga detalyeng pinira-piraso. Sabi ko sa sarili: saulo ko na ang istilo Mo Pero sa bawat pahina'y nabibighani pa rin ako. Hindi ko alam kung kaya ko, Magtiyaga man ako pero hanggang kailan kaya? Kung maglalaan ako ng sentimo sa araw-araw, Ako'y pulubi pa ring manlilimos Sayo Sasahod at maghihintay. Masisilayan ko ang pundasyon Ang mga bakal na kinalawang Sa bodegang inimbakan. Pagkat malayo pa ang byahe, Bagkus sinelyuhan ng langis Ang may tagas ng pagbabago. Ang halo ng semento, ni hindi naging pribado Nasa hulog ang mga poste Gaya ng minsang banging tinalunan ko. Ako'y malaya sa pagsilip Ng paglapat ng palitada sa tigang na kahong sementado. Ramdam ko ang gaspang ng kahapon, Ang kurba ng mga bakal na di patitibag Sa kaibuturan ng pundasyong timplado. Ilalatag ang sahig na papagpagan sa araw-araw Ihahalik ang mga paa nang may pagpapakumbaba Huhubarin ang saplot nang kalingain ang lupa At ihihimlay ang mga paa't mamamahinga. Pagmamasdan ko ang mga kahoy na malapad Isang dipa, dalawang dipa at higit pa Mapapatingin sa langit na hubad sa bituin at buwan. Ang bubong na siyang sasaklolo sa umuubong baga Mga kahoy at bakal na matibay Sasalo sa bigat ng orasyon ng klima. Bubuksan ko ang bintanang may iba't ibang pagkapinta Ni hindi pumapalya ang eksena na bumubusina sa umaga At sa gabing hamog ang yakap sa dilim, Kagat ng niknik, siyang sining sa maalat kong balat. Tanging kumot ng grasya, Pantago't pantapal sa pagkataong nilalagnat. Nakakaakit ang plano, maging itsura nito Kaya nga magtiya-tiyaga ako, Hanggang sa masilayan ang tunay na disenyo. Hindi lang ako ang lalaban sa presyo, Oo mahal nga, ganyan ang pagtingin Mo Tataya ako, pagkat kliyente lang ako At alam kong linya Mo yan, Ikaw ang aking Arkitekto.
0
Apr 25, 2016
Apr 25, 2016 at 12:55 AM UTC
Architect Vs. Client

48
AKING TULA Para lang sayo aking ginawang tula Na aking tulay sayo lang nakatalaga Na ikaw lang ang pinaghugutan nang aking sigla Na ang bawat linya sayo lang tanging nakalaan Mga salita ay sayoy pinagmulan Itoy hindi malabas sa isipan Kung sayoy walang nararamdaman Ikaw ang tanging inspirasyon nang aking puso at isipan Ang bawat nakasulat na titik Ay sa puso nakaukit Mga tulang sinulat Tanging sayo lang sinta inuulat Mga matatamis na salita Ang tanging handog sayo aking sinta Mga tulang ginawa Sayo lang iaalay na puno nang diwa Sa bawat araw nais kong ipadama Na sa lalim nang nararamdaman Sa tula ay gustong idaan Maipahiwatig ko lang ang pag-ibig na sayoy nakalaan Kay sarap sa pakiramdam Kung akoy makabuo nang isang talata Na ito ay nakalathala At tanging sayo lang ibabalita Nais palagi na sayong paggising Mabasa mo ang nararamdamang lambing Na itoy nagmula sa kaibuturan nang aking damdamin At pagmamahal mo lang tangi kong hiling Sanay laging magustuhan Tulang sayo lang nilaan Sanay sa pagbasa nang bawat salita Maramdaman mo ganu kita kamahal aking sinta At Aking tulay ay para lang sayo nilikha💋😘
0
Jun 2, 2020
Jun 2, 2020 at 7:13 AM UTC
Aking Tula
Sa tahanang walang hagdan sa loob ang papag ay upuan tahasang lantad at kinalulugdan yaring higaan na minsa'y hapag-sulatan,,,,, sa aking paggising tila ba ako nalasing nang mabasa ko sa napkin katanungan mo sa akin halika dito sa aking upuan at sa iyong kapaguran sasamahan kita sayong kanlungan habang dito ka sa aking kandungan bagamat di kalawakan itong aking tasalitaan napalalim mo naman itong aking kaibuturan bilang kaibigan sa mas mabuting pagkakakilanlan sa iyong pagkakaupo ako nga ay napatango replika ng iyong damdamin nababanaag at sumasalamin nagkaroon man ng eksistentesya mga rima ko sayong independensya at kung ano man ang naging esensiya nawa'y wag ibasura,nalamang intelehensiya nang sa iyo ay aking ipaarok yaong nais **** matumbok sagot  sa  "gaano nga ba kadalas ang minsan? BIHIRA ang siya kong naging katugunan !
0
Nov 9, 2015
Nov 9, 2015 at 10:57 AM UTC
" bokabularyo "
pahiwatig _= hayaan **** ang sumpong ng katahimikan ko ang siyang maging gawi sa pag-sigaw ng puso ko habang dumarampi sa iyo ang tatlong ihip ng hangin sa tuwing ikaw ay nakaharap man o hindi sa salamin bagamat ikaw nga at ako magkabila man ang mundo pinag-adya ng di sinasadyang destino kagaya ng singsing na walang puno't dulo dahil sa kahabaan ng lansangan sa aking mga paglalakbay lakbay-diwa kong tinatahak kaibuturan ng hanap kong landas kaakibat ng paalala **** may gabay wag naman sanang maliligaw itong puso kong pigil-hininga habang pinapakinggan-inaawit sa kanta.......
0
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 9:55 AM UTC
=_ himig at pahiwatig _=
Ang tuyo na lupa sa kapatagan ay naghihikahos Kahit diligan ito ay hindi mangabubusog Sa tigang na kaanyuan Puso'y parang pipi Patulak ang mga lumalabas na salita Silakbo ng pag-ibig ay huwag pigilin Datapwa't bulagin ang mga mata Si Dessa ay di na makita Ibinuhat ang korona Sa hari kung saan nakatungtong At ang hiling habang buhay na magkapiling Di palalampasin ang sandaling magkasama Kahangalan ang sabi ng pari Halikan ang paa di ang labi Laging nabibiyak ang kasunduan Pinermahang papel isampal at ihati Ang hinihinging kapalaran sa isang panig ibig Ang dating pakiramdam ay laging bumabalik Sana'y tanggapin ang handog na na nanggaling sa kaibuturan ng pagsinta Ngunit hindi maalis ang ligalig
0
Dec 4, 2018
Dec 4, 2018 at 7:53 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #8
Sa kasaysayan ng aking bukas na pagkamulat Hindi lamang kaalamang pang-ibabaw kundi pati panloob nami’y binulabog Hindi lang hinayaang sumakay sa bangka kundi pati pagsagwa’y itinuro Binuksan ang inaakalang hindi na mahihigilap o matatagpuan man Pero higit pang liwanag ang iyong ipinadama, at ipinahamon sa dilim na nagtuturo Binusog mo kami ng kasaganaang higit pa sa inaasahan Sa yakap ng pag-irog, pang-unawa at pagtuklas Pamilyang naging karamay sa bawat hirap, gutom at pagsubok Tunay na tahanan ng mga propeta, tunay na naging huwaran sa aming kalagitnaan Hinubog mo kami ng may pagkakakilanlan buhat sa aming pagkakaiba’t iba Kinalampag mo hindi lamang ang aming tenga, bibig at mata Ngunit buong pandama nami’y iyong ginigising Pati ang kaibuturan ng aming mga laman at buto Inilubog kami sa karanasang nakakapagpabago Upang konkretong sumaksi na may tapang at dangal At dahil dito, sama-sama’t magkaagapay tayong kumikilos Nakikiisa sa tanging layon ng Kristong sinusundan Ang bukal ng kasaganaan at kahulugan ng buhay Patuloy na bibigyang kulay at padadaluyin sa ugat’ dugo ng pakikibaka Hayagang ipalalaganap at isasabog sa buong sangnilikha Na may pagkilala sa Diyos na Buhay, ng Kasaysayan, Kaayusan, at Pag-ibig Pagpupugay sa Tahanan ng mga Propeta, Union Theological Seminary! Sa Sampung Dekada at Labindalwang Taon “Masaganang Nananahan, Buong Diwang Sumasaksi, Bukas-palad na Naglilingkod!”
0
Nov 21, 2019
Nov 21, 2019 at 4:16 AM UTC
Masaganang Nananahan, Buong Diwang Sumasaksi, Bukas-palad na Naglilingkod (Dweeling Abundantly, Witnessing Boldly, Serving Generously)
Isang liham na ako lang ang nakaka-alam Liham na itina tago-tago ko ng napaka tagal Liham na mag-paparamdam sa akin Kung bakit nga ba ako kulang? At mag-papaalala sa akin na hanggang dito lang Liham na isinusulat ko ng matiwasay Dahil alam ko, Para sayo 'to. Liham na siguro dapat nung una pa lang Binigay ko na Liham na dapat nung una pa lang pina-alam ko na Liham na dapat ay na-alala ko pa 'Di sana hindi nako nag-iisa pa Isang Pag-ibig na ibig ipa-batid Pag-ibig na gusto kong makamit Pag-ibig na sigurado akong masakit. Pero Ito'y hindi pa batid Kung ito nga ba'y mag-dudulot ng sigalot 'O mag-dudulot ito ng kirot Dahil sa utak na pa baluktot Wala akong paki-alam Basta ang alam ko lang Ikaw lang ang mahal Ngayon 'O maging mag-pakailanman 'O mag pa sa walang hanggan. Ayoko ng bilangan Ayoko ng kuwentahan Ayoko ng gumamit ng tala-pindutan Dahil walang sukatan at bilangan Kung hanggang saan ang aking pagmamahal At kung hanggang saan ang kaya kong gawing bagay para lang sayo. Wag mo ng tangkaing tanungin pa Dahil yan ay bukod tanging ako lang ang may alam. Dahil wala talaga itong sukatan. Dahil lang sa isang liham Ako'y nagkaka ganyan Hindi ko na alam Kung sino 'ko. Kung ako pa ba 'to? Kung totoo ba 'to? 'O ito ba ay parte ng biro? 'O parte nga ba ng bugso ng puso? Kasi ang pag-kakaalam ko Hindi naman talaga ako ganito. Siguro nga Sobra akong na-dala Nag-padala sa aking nadarama Na tama ba ito 'o mali? Ayokong mag-patali Ayokong mag-madali At mag-pasakal sa mga bagay na di ko alam kung hanggang saan ang kakahantungan. Tama ba ang Aminin sayo ang totoo? At tama rin ba na sabihin ang maling pag-tingin ng aking damdamin? Kahit alam ko Meron ka ng bago. At may iba ng nag-papasaya sayo At 'yun ay 'di na ako. Malungkot dahil ang pag-kakaalam ko Bago pa siya dumating sa piling mo Merong isang taong umalalay sayo ng minsan, Minsan na sa piling ko ay naging masaya ka naman. Pero wag kang mag-alala Ako ay desperada Oo tama Ako nga ay desperada Kaya ako ay patuloy paring aasa At mag-sisilbing mga paa at kamay mo Kahit 'di na maaaring maging tayo At magiging saklay na taga gabay sa tuwing ikaw ay nahihirapan. Mapagod man ako Ay ok lang yan! Dahil alam ko parte yun ng pag-mamahal ko sa'yo, na binuo ko sa aking isipan na naging liham at naging bukang bibig ng aking kaibuturan. Kahit alam mo, Na ako ay sobrang masasaktan At mahihirapan Mas pinili mo parin na ako ay iwan At 'di na balikan Dahil siya na ang iyong mahal Kaya Tanggap ko na,Mahal Paalam.
0
Feb 21, 2021
Feb 21, 2021 at 9:21 AM UTC
" Lihim na Liham "

83
(DEPRESYON) Sa mundong ito ay patuloy na nabubuhay ako, Wala akong pinipili na kahit na sino, Basta sa oras na ako ay makilala mo, Sa oras na pinapasok mo 'ko, Hindi ko alam kung kaya mo akong takasan, Dahil marami ng nagtangkang kitilin ang buhay ng dahil sa hatid kong kapalaran. Ako, ang sisira sa buhay mo, Gagawin kong miserable ang utak mo, Kapag nakilala mo ako, Kahit saan ka pa magtago Wala! Walang tutulong sayo!Tandaan mo! Lahat sila aayawan mo! Guguluhin ko ang iyong mundo, Yayanigin ko bawat pahina ng buhay mo, Kahit ipagpilitan isarado ang bintana, Papasok, papasukin kita,Wala ka nang magagawa! Sumuko ka na! Kaibigan hinihintay na kitang sumama, Ikukulong kita, sa lugar na hindi na makakalabas pa,Kahit ilang beses hanapin Susi para makalabas sa suliranin, Ikaw ay pilit kong aangkinin. Pilit kitang aagawin,Dahil sinasabi ko sa'yo isang pagpapanggap lang ang kanilang gagawin, Makinig ka! Halika na at sa akin ay sumama, Dahil alam kong patuloy lang sila sa panghuhusga,Patuloy ka lang kukutyain, At patuloy ka lang paiiyakin, Oo, nabubuhay ako sa husga, sa kutya, sa pagbalot sa sarili mo sa awa, Sa walang tigil na pagluha ng iyong mga mata, At sa malalang pag-iisip tulad ng pabago-bagong emosyon na hindi alam kung ano ba talaga,Nabubuhay ako at mas lumalakas ako, Sa tuwing nakikita ko ang isang taong mahilig magtago,Ilihim ang nararamdamang sakit sa kahit na sino,Mas lalakas pa ako kung sa oras na ako ay niyakap mo. Huwag kang magtangka,Pagtakas ay wala kang mapapala,Dahil kapag dinapuan na kita, Wala ng gugulo pa sa iyong mundong ginawa, Gilitan ng leeg, wala pa ring talab, Susundan kita hanggang kabilang buhay Kahit magtago ka man sa kaibuturan ng kagubatan.Ako, ang iyong kalaban, Patago kitang sasaktan, At unti-unti kitang pahihirapan, Ako ang madadala sa'yo sa kamatayan, Buhay ako at patuloy na gagambala sa iyong mundo,Mistulang buhay mo ay sisirain ko, Unti-unti kong babaguhin ang iyong sarili, At titiyaking ni isa sa iyo ay walang mananatili. Tandaan mo, at laging isaisip mo, Kakatok ulit ako sa pintuan mo, Dahil ilang beses ko ng sinabi sa'yo, Na nabubuhay ako sa lungkot, sa takot, sa luha, sa panghuhusga ng iba, At sa tuwing nag-iisa ka habang hindi na alam ang gagawin at solusyonan ang problema. Ipapaalala ko lang sa iyo na hindi mo ako basta madadaig,Na hindi mo ako basta malulupig, Hangga't dala-dala mo ang aking mundo, Hindi ako titigil sa'yo. May panahon ka pa,Makakatakas ka pa, At magagawa mo akong daigin kung makikinig ka, Hindi ako kasinungalingan, Nagsasabi ako ng toto, dahil totoo ako. Kung sinasabi nila peke ako,Na dulot ko lang ay pagpapapansin,Sinasabi ko na sa'yo mali ang makinig sa kanilang daing, Intindihin mo ako at unawain lahat ng sinasabi ko,Marami ng buhay ang nawasak ng dahil sa akin,Kaya kung mabuhay ng matagal ang iyong hangarin,Pakinggan mo ako dahil hindi ako nagbibiro,At hindi ako nakikipaglaro. Hindi ako pag-iinarte, hindi ako pag-iinarte. Sa oras na dapuan ko ang mga mahal niyo, o maging ang mga kaibigan mo, Pakiusap, hawakan mo ang kaniyang kamay at hilain papunta sa masayang mundo, Pakiusap ko!Kung sakaling ako ay makilala mo, Layuan mo ako,Ipakilala mo ako sa lahat ng malaman nila na hindi ako pagpapapanggap. Makakatakas ka pa,Makakatas ka. Nabubuhay ako sa mundong ito,Ngunit kaya niyo ako.Dasal lang at tiwala sa sarili ang katapat ko.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:25 PM UTC
DEPRESSED

60
061224 Malaya kong isisigaw ang Ngalan Mo — Dakila Ka, Dakila Ka ngang talaga. Saksi ako sa kabutihan Mo Sa buhay kong balang araw Ay babalik din sa alikabok — Na ang bawat pangako Mo’y Mga balang lumagablag sa aking kaibuturan. Saksi ako sa pag-ibig **** Umaakap at umaakay sa akin Pabalik at papalapit Sa’yo — Ang pagmamahal **** kusang ibinibigay, Ibinubuhos, mabuhay lamang ako. Saksi ako sa grasya **** umaapaw, Nalulunod ako Sa’yong pag-ibig At sa Liwanag Mo’y nabubulag ako Hanggang sa… Hindi ko na masilayan Ang dati kong pagkatao. Nagbago na pala ako, Ako’y binago Mo. Malayang-malaya na pala ako, Ako’y pinalaya Mo. Dakila — ‘yan Ka, Mahal — mahal Kita, Ama.
0
Jun 12, 2024
Jun 12, 2024 at 9:52 AM UTC
Malayang Mangingibig
Balisa, sa lawa ng pag-iisa Sa gitna ng hatinggabi at umaga Mga aninong dumaraan Hihigupin ang kamalayan Maiiwan ka sa dilim Malulunod sa kawalan Susubukang tumayo, iiwas sa demonyo ng kahapon, ng ngayon, at kung darating man; ng bukas Balisa, sa lawa ng pag-iisa Sa gitna ng hatinggabi at umaga Basang basa sa hinagpis at pag-iiyak sa lahat ng mga bagay na hindi tiyak Tatakbo palayo't susubukang lumisan sa kaibuturan, sa kalungkutan, at sana dumating pa: ang kaliwanagan Balisa, sa lawa ng pag-iisa Palagi nang inu-umaga May pait na dulot ang lubos na pag-iisa
0
Nov 29, 2020
Nov 29, 2020 at 1:36 AM UTC
Sa gitna ng hatinggabi at umaga
Bangkay na hindi maibaon, 'di pagtakhang walang pagkausad ngayon; Kung ang sarili'y hindi maiahon-- sa lungkot na dala ng kahapon. Pait sa likod ng bawat ngiti, 'di pagtakhang lungkot pa ri'y 'di maikubli. Pagsisisi'y inabot na ng pagkamuhi sa sarili'y pinagkait ang kaligayang pinili. Dumadaloy sa kaibuturan ang bawat sakit 'di pagtakhang sarili'y nilalatayan ng paulit-ulit. Iginumon sa pagkapighati't pait ng kahapong ibinabalik ng pilit. Kumawala't sumubok hulihin ang kaligayahang ipinatangay sa hangin.
0
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 3:07 AM UTC
Larawan
Walang labis, walang kulang, Kung magliyab ang pluma kong laging natatakam, Mga salitang lilikhain nito'y namumutiktik sa sabik, Malinggal ang dila, nagagalak kung maghasik. Madalas ay parang lantang gulay, Kung gumuhit ng salita ay matamlay, 'Di matuka ng uwak kung ialay, Minsa'y kulang-palad kung panlasa'y 'di bagay. Sa tuwing hahampas ang higanteng salot, Rubdob ng damdamin ay mapusok, Tatamuhing sugat ay balon na 'di maabot, Pilat ay siyang mararanasan, patawad ko'y suntok sa usok. Minsan nama'y isang mapagtangis, Ulan sa ulop katumbas ay luhang hitik kaysa pawis, Ipapatalos sa huwad **** puso ang nalasap na pait at sakit, Sa pluma ko'y tutungayawin ka't isasakdal sa piitan ng malasahan mo rin ang pait. Hindi na sapat ang galak na malalasap, Gayong panulat at puso'y nakaranas ng dusa at alat, Naglahong bula ang hiwaga nitong kaibuturan ng pusong marilag, Sa pinta mo'y nagmistulang kahabag-habag. Umpisahan mo ng pumikit, ng mahagilap mo rin ang sinapit, Madalas man akong matinik , sayo'y hindi na iimik, Nitong plumang binuling at pinatulis ko sa inani ko sa'yo, Ngayo'y kakikintalan mo ng hayag na masakit ngunit pawang totoo. ✍: pensword
0
May 31, 2020
May 31, 2020 at 4:32 AM UTC
BINULING KO'T PINATULIS NGAYO'Y ISA NG MAPANGHIMAGSIK
Mahigit dalawang taong nawala at inuna ang kapakananng pamilya. Sa halos dalawang taong pag-iisa, akala ko ang hiling ko ay makukumpleto na. Nawala ang ningning sa aking mga mata, napalitan ng lungkot ang mukha kong dati ay kay sigla. Nang mapagtanto kong ako ay mag-isa pa rin pala na nilalabanan ang sariling mahalin ka nang tama! Malalim ang sugat kung sisisirin ko, ni hindi ko nga maarok ang pinagmulan nito. Ngunit sa bawat hapding dulot ng mga ito, ay may nangungulilang isang pusong sabik na bumangon sa harapan mo. Ngiting walang bukas kung ako ay tumawa. Siglang walang katapusan kung ako ay iyong makakasama. Hindi ba at kailangan kong ibalik ang dating sarili ko ay masaya at bigyang puwang din ang kasiyahang mayroon ako noong una. Sana sa pagsisimula ng pagbaong kong ito, maramdaman kong muli ang sayang nagmumula sa kaibuturan ng aking puso. Kakaibang siglang hindi na kailanman maglalaho pa at bigyang laya na ang isipan sa mga darating pang unos at delubyo sa buhay ko.
0
Mar 18, 2018
Mar 18, 2018 at 1:01 AM UTC
Pagbangon
022924 Minsan ka nang lumuha’t Nagtiis sa mga salıtang binato ng mundo. Minsan ka na ring napatid at nalunod Ngunit bumangon at sumikap pa rin. Sinisinta kita Sa kabila ng iyong mga pagkukulang. Pagpapatawad at pag-ibig Umaapaw buhat sa aking kaibuturan. Batuhin ka man ng lahat Ay hindi kita iiwan. Hindi ito isang pangako, Bagkus ito ang aking puso. Patuloy kitang ipananalangin, Hangga’t sa kaya ko pa. Hindi kita susukuan Ako’y yuyukod sa Maykapal.
0
Feb 28, 2024
Feb 28, 2024 at 11:08 PM UTC
Sinta
Matalas na mata , Tulog lang sumasara Kadiliman sa kuweba, Nangangaso ng bampira Walang talab sakit , Manhid ang resistensya Paniking dinagit ng uwak , Inihanda sa noche buena Inakit ka ng huni , Siniyasat ang gamot Iturok sa sarili , Patayin ang salot Balisa kaibuturan ng iyong isip Umipekto ba ang eksperimento? Dinalaw ka ng idlip Napuksa na ang sakit , Galak ang mamamayan Nagluksa na ang uwak , Sakripisyo'y inilaan Kampanteng mga hangal , Higanti ng sinaktan Pagpatay ng mga uwak sa mga taong makasalan
0
May 22, 2020
May 22, 2020 at 9:05 AM UTC
Uwak
Kuntento na akong hanggang sa mga text na lamang ko maipaparamdam na mahalin ka kahit alam kong kabundukan at karagatan ang sa atin ay namamagitan. Kuntento na ako na kahit hindi tayo nagkikita nang personal, alam ko sa sarili kong minahal kita kahit distansiya ang naging malaking hadlang. Ngunit... Bakit tila ba ang pagiging kuntento ko ay may kaakibat na kaba sa aking kaibuturan? Nagsasabi ka ba ng katotohanan o ang mga hinabi **** salita ay pawang walang katotohanan? Bakit ang bilis ng pintig ng puso ko sa tuwing ikaw ay nag-aalinlangan sa mga tanong kong naghihintay lamang ng iyong mga kasagutan? Bakit hindi mo sabihin na lamang na ikaw at ako ay hanggang dito na lang? Bakit hindi mo sabihin ang mga katagang wala namang tayo kahit noon pa man? Bakit hindi mo sabihin sa akin na ako ay bahagi na lamang ng iyong nakaraan at pinuputol mo na ang ano mang sa atin ay namagitan?
0
Sep 29, 2018
Sep 29, 2018 at 2:49 AM UTC
Hinala