Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kahel" poems
Sa unang pagkakataon, Inabangan ko ang pagsikat ng araw Pinili kong hindi matulog, Kasi mas madaling magising hanggang umaga kaysa sa bumangon ng maaga Naging isang malaking kanbas ang langit Nagsimula sa unti-unting pagkawala ng buwan at mga bituin, Naging asul, nadagdagan ng kahel, Nagkatabi Unti-unting naghalo Sumilip ang araw, Inabot ang kanyang sinag sa mga matang malalim at nag-antay Unti-unti, at sa tamang oras sinakop at niliwanagan ang langit. Narinig ang mga busina ng mga bus, Ang tren na para ng tilaok ng manok sa umaga sa aking mga tainga, Nakita kita, Sa pag unat mo, Sa pagbukas ng iyong mga matang hindi nag-antay, at sa pagpikit nila muli dahil alam **** hindi mo kailangan bumangon ng maaga Narinig kita, Ang hilik na pilit **** itinatanggi, Ang mga unang salitang binabanggit ng isip mo, Ang pag-sabi mo sa kanya ng mga salitang ako dapat ang makakarinig tuwing pag-gising, Magandang umaga, mahal kita Sa unang pagkakataon, Inantay kita, Pinili kong hindi magmadali, Kasi mas madaling abangan ang tamang oras kaysa sa habulin ito, Mahal, Sinta, Ikaw ang sining na nagbibigay dahilan kung bakit ako yung kanbas na kinalimutan **** pinturahan, Nagsimula sa unti-unting pagkawala ko, Naging masaya ka, nakalimot ka, Lumipas ang ilang taon, Unti-unti akong 'di hamak naging pangalan at alaala na lamang sa'yo Sumulyap ako sa huling pagkakataon, Inabot ang aking mga kamay sa'yo, sa nakalimot at nagmahal ng iba Unti-unti akong naging alaalang nawalan ng pangalan. Mas madali mag-antay ng pagsikat ng araw kaysa sa kalimutan ka. Pagka't ikaw ang unang simoy ng hangin na malalanghap sa umaga, ikaw ang sinag ng araw na unang nakikita ng mga mata ko, ikaw ang umaga ko. Ikaw ang unang umagang hinintay ko.
0
Aug 5, 2016
Aug 5, 2016 at 6:13 PM UTC
Umaga

Continue reading...
42
Maginaw ang hamog sa unang ulan ng Disyembre Naging kristal ang mga alikabok sa Hilaga Lumaganap ang kahel na tina sa dahon ng Makahiya Tumataghoy sa kweba ng kapusuan Ibigay ang sagot sa patlang na kalooban Himutok ay hindi na lumubay Nang natagpuan na mayroon ng kasintahan Napatingala sa langit na lipos ng estrelya Sa kubo na hinati ng dingding Sa loob ay ang buhay na ikinatha Sa kabila naman ay ang mga bagay na dapat ginawa Ngayon ay nagtagpo ang himakas at dagat Sa katagalan nang paghintay ng salita upang ibibigkas ay wala rin saysay sa kahuli-hulihan Sa tugmaang ito'y nasawan Wiligan ng bendita ang dating sanggol sa kamalayan Kipkipin at itago ang lampin Sa ambon, sa bintana ay napaisip Paano kung hindi natutong magmahal
0
Dec 30, 2018
Dec 30, 2018 at 4:21 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #37
Kahel na pala ang langit. Ang init, ayon, namumutawi. Sa tabi ko'y radyong tumutugtog, Sumasabay sa huni ng bentilador Habang ang ulo'y sumasakit Mga kanta'y puro tunog sawi, Sa litrato mo, ako pari'y nahuhulog Sa bawat laklak, sa bote ng matador.
0
Mar 24, 2017
Mar 24, 2017 at 3:19 AM UTC
Kahel
Nagdasal at humingi ng isang tao Na magtutulak sa akin para bitiwan na ang panulat na ito Isang tonelada at mahigit na ang mga salitang pasan ngunit hindi pa rin ako nabibigatan. Mali ang akala. Hindi pa pala. Lalo lang umitim ang tinta. Dumiin sa papel ang pluma. Nanatili pa ding naka-dantay ang mga salita sa namimitig kong kamay. Hinihintay nalang mamanhid para hindi manatiling nakasilid ang mga naipon na tula't sanaysay na wala nang saysay. Hindi na ko humihiling ng isang dahilan na dadating na aalayan nitong mga salitang naririnig at binabasa lamang. Mga letra na binibigyang kulay, nagkakaiba lamang sa kung sino ang bumubuhay. Nakakapagod mag pinta kung ang bawat makakakita ng obra, babaguhin ang imahe sa kung ano ang nasa harapan nila hindi man lang isipin na magkakaiba tayo ng mata. Inilarawan **** berde, gagawin nilang kahel. Tinta mo na asul, hahawakan at magiging pula. Siguro nga itong mga kamay na biyaya, hindi na para sa papel at tinta. Kasabay ng maraming paalam ang huling isinulat na liham.
0
Jun 9, 2015
Jun 9, 2015 at 10:56 AM UTC
Hunos
Lahat ng kabataan ay kayang lumaban Sa bansa na hindi ipinaglaban Ang sakim ng imperyalistang kano ng kalawakan Na Pinatay nila nang tuluyan ang kalayaan O Inang bayan, sinaktan ka nang tuluyan Sa ginawa ni kahel na agawin ang iyong yaman   Sa ganda mo ginawang kang alipin ,ngunit hindi ka pa rin ipinaglaban Sapagkat ang ginawa, pinaslang nila ang boses ng mga mamamayan. O inang bayan, narinig ko ang sigaw ng proletaryo Humahanay sa rebolusyon tungo sa sosyalismo Sa likas ng tapang ng mga kayumanggi Nandito na kami para bumawi Ang kulay aking binabanggit, Na sa mata ng mga puti ay pangit, Pero taglay ito ng lakas Para umalis ang mga nangahas Sa ganda ng bansa natin, iisa lang naman ang kulay natin Kaya naman nating pabagsakin ang imperealismo, para sa soberanya Taglay naman natin ang sigaw ng pagkakaisa Sapagkat, oras nang umaksyon ang masa. #JunkTerrorBill #ResistTyranny #KalayaanIpaglaban #ResistAsOne #AtinAngKalayaan
0
Jul 16, 2020
Jul 16, 2020 at 9:34 AM UTC
Pula at Dangal
PWEDING MALA SUTLA O MAGASPANG NA TELA, GANYAN ANG MGA ALA-ALA, MINSAN MALALA MINSAN NAWAWALA. MGA PAGTITIWALA AT PANINIWALA, LAHAT AY DAPAT NA MASALA, GANITO HINAHABI ANG HIBLA NG MGA ALA-ALA, PARA MERON KANG MAPALA. NAGBABAG ANG DALAWANG KUMAG, MGA KUTONG LUPA NA PURO HAMPAS LUPA. HAMBUGAN ANG DAHILAN NG UMBAGAN, PAREHONG DUGUAN MATAPOS ANG BUGBUGAN, ITO ANG HIBLA NG KABATAAN. SA ESKUWELA KAILANGAN MO RIN MAGING MAKUWELA, KUNG AYAW **** MAGMUKHANG GUMAMELA. HINDI LAHAT NG MATALINO AY PINO, MERON DIN MAASIM NA PARANG PIPINO, AT HINDI PORKE BOBO AY PARA NG LOBO, GANITO ANG BUHAY ESTUDYANTE. UMIIBIG HABANG UMIIGIB? PWEDE NAMAN SABAY, DEPENDE SA ARTE, KAILANGAN LANG NG DISKARTE. WALA PANG INTERNET SA TINDAHAN NI ALING NANNETH, WALANG CELLPHONE PERO MAY MEGAPHONE, PWEDE **** ISIGAW NA MAHAL MO S’YA. KUNG MALUPIT KA EDI LUMAPIT KA, KUNG TORPE KA EDI SUMULAT KA. GANITO ANG LABANAN NOONG WALA PANG FB AT CP, HIBLA NG KASIBULAN. GRADUATE NA, KAYA TRABAHO NA, APLAY DITO APLAY DOON, WALANG HUMPAY ANG PAGSISIKAP. HAPAY-KAWAYAN, KAHIT SAAN SUMASAMPAY. HIBLA NG BUHAY EMPLEYADO. TILA ITLOG NA ESTRALYADO NANG MAGING PAMILYADO. PAKIRAMDAM KO BUO NA AKO, SINTAMIS NG KAHEL ANG DULOT NG DALAWANG ANGHEL, ITO HIBLA NG KASALUKUYAN.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:57 AM UTC
MGA HIBLA NG ALA-ALA
Kung hindi ngayon kailan? hanggang kailan mapipigilan malikmata sa abang isipan? Lumulobog nga ba o sadyang pasikat pa lang ang araw Kong nagigisnan? Hanggang saan pa ba ang kayang tanawin ng inyong kalooban? 'gang sa likod ba ng mga lilang ulap at mala-kahel na papawirin? Tulad rin ba niya ang inyong mga mata na mayroong tanglaw at panglaw? Sa kung gaano kalalim ang lawak ng karagatan sa taglay nitong saklaw? Kung kayo ang nasa katayuan ng namamasdan **** katauhan.. Mababatid ninyo kaya kung paano niya minamalas ang nasa kanyang harapan? Sa pakiwari ko'y hindi sapagkat talos kong nadaramang higit ng inyong mga puso... Na ang nilikhang inyong nakikita ay walang nakikita sa malayong ibayo ! Hindi dahil sa siya ay naiinip lang na makita na ang kanyang minamahal.. Ang tutoo nangangamba na ako na baka hindi na niya maantay ang resulta ng aking pagpapagal. Sapagkat kung ano man ang nilalarawan ng bawat kapaligiran.. Pikit mata ko na ipinipinta ang mga sandali kung paano ko siya daratnan ! Kaya ngayon na ang tamang oras At di ko na kaya na ipagpabukas upang sabihin sa kanya na hindi na ako mamamalakaya. Mahal heto na ako sa iyong likuran.. 'Wala akong hilang sagwan', Ang bulong ko sa aking isipan.. Tatakpan ko ang iyong mga matang namamalakaya Hanggang sa ang aninag mo muling maging malaya.. Dahil ang araw na ito ay hindi takipsilim para sa ating dalawa Bagkos ang liwanag nating inaasam ay binibigay na ng bukang-liwayway !!! Ngunit mga katoto kung ang sagot ninyo ay Oo.. Marahil inyo nang napag-isipan mga binibini at mga ginoo "... Na kung minsan bago pa tayo may mapagmasdan Madalas hindi agad namamasid ang lihim na kagandahan" Bihira man bigkasin ang kasabihang... " magkaiba yung may tinitingnan sa mayroong tinititigan "
0
Nov 1, 2020
Nov 1, 2020 at 8:07 AM UTC
**Binuhay na Larawan**

38
Naririnig ko na ang awit ng mga anghel Naaaninag na ang liwanag, sikat ng araw ay tila ginto at kahel. Maniwala ka, babalikan kita, katulad ng pagbalik ng alon sa baybay. Maniwala ka, hahanapin kita, katulad ng paru-paro sa bulaklak. Naririnig mo na ba ang yapak ng aking paa? Handa na bang maaninag ang aking mukha? Masilayan ngiti kong 'singtamis ng ubas? Maniwala ka, hindi kita nilisan, katulad ng hangin, lagi mo akong kapiling. Maniwala ka, hindi kita lilisanin kailanman, katulad ng oras, laging tatakbo sa iyong tabi. Binasbasan mo ako ng haplos mo, binasbasan din kita ng puso ko. Ito na ang langit, ito ang paraiso. Nandito na tayo, hindi na lalayo. Isusulat ko at ipapahayag sa lahat, babaguhin ang bawat aklat. Pag-ibig ko'y ipagmalaki at iulat, kaluwalhatian ng pag-ibig ay ibunyag. Sa pagbalik ko at sa pagbalik mo sa piling ko, at sa kaligayahan mo... Mananatili, walang pasubali Magwawagi, walang makakapigil Sa muli **** pagdating at sa pagkikitang muli sa kaharian mo, at sa kaluwalhatian mo... Aawit ng papuri, mabagal at mabilis Aawit ng himnong walang mintis
0
Mar 31, 2024
Mar 31, 2024 at 4:36 AM UTC
Domingo de Pascua
➖ My status said "read me" Sa dami nang magandang babaeng nakita ko, mukha mo pa rin ang paborito ko. Kahit saan ako tumingin, hindi ko maiwasang hindi ka isipin. Gusto kong nakawin ang buwan sa kalangitan, tsaka ko isusulat ang iyong ngalan. Kapag naisulat ko na ang iyong pangalan, ibabalik ko na ulit ang buwan sa kalangitan. Para sa tuwing titignan nila ang buwan, at sinabing ito'y maganda? makikita nila ang iyong pangalan. Kaya para narin silang humahanga sa iyong katauhan. Gusto ko din nakawin ang bahaghari, isusulat ko dun na ako'y iyong pagmamay ari. Bakit bahaghari ang napili ko? yun ay dahil gusto ko makita ng tao, na makulay ang mundo ko nung dumating ka buhay ko. Pinili kita hindi dahil sa maganda ka, Pinili kita dahil nakikita kong may potensyal ka. Potensyal na gawin **** maganda, ang buhay kong puno ng granada. Sumaya ako nung nakita kitang masaya, ganun naman talaga eh dahil ikaw biyaya. Bihira akong makakita ng babaeng katulad mo, tulad mo na hindi mareklamo. Kaya karapat dapat kang mahalin at ibigin. andito naman ako, hayaan mo lang akong gawin. Gawing magaan at masaya ang buhay mo, sa paraan na ako lang may alam at tiyak na magugustuhan mo. Lahat nang babae ay mahalaga sa akin, ngunit ikaw ay naiiba dahil importante ka sakin. Kung gusto **** umiyak, sasabayan kita sa pag iyak. Ngunit baka hindi kita masabayan tumawa, dahil nung dumating ka sa buhay ko, palihim na akong tumatawa. Nung may makita akong bulaklak na kulay kahel, ikaw agad naisip kong bigyan dahil mukha kang anghel. pasensya na mahal ko dahil nahihirapan ka na sa mundong to, hayaan mo mahal ko dahil lagi lang akong nandito. Sa pamamagitan nang mga salitang ito, pinapakita kong pagmamahal ko sayo'y totoo. Pumangit ka man o tumaba, para saken ikaw parin ay naiiba. Hindi ko sasabihing "handa akong mamatay para sayo'' Dahil mas gusto kong banggitin ang "mabubuhay ako hanggat kaya ko para sayo" Nasabi ko iyon dahil madali lang mamatay, ngunit mahirap manatiling mabuhay. Kaya mabubuhay ako para sayo hanggat kaya ko. Sa magulong mundong ito, po-protektahan kita pangako. kaya sana wag ka nang malungkot, dahil ang puso ko'y kumikirot, Pag nakikita kang nakasimangot
0
Jun 21, 2018
Jun 21, 2018 at 8:51 AM UTC
Read Me

62
ilang beses mo itinatakda sa telepono ang alarmang gigising sa 'yo kinaumagahan? tipong ididilat mo na lamang ang mga mata, magdadasal, babangon, iinom ng mainit na kape, at wala nang iba. sana ganoon din dito sa amin. sa munting tahanan namin dito sa mandaluyong, pinalaki kaming alerto sa wangwang ng mga bumbero. ito ang alarmang gigising sa 'min kahit kami'y mga gising na. mapapipikit ang mga mata sa takot, sabay takip ng tainga, dahil sa sunod-sunod na sunog, tanaw mula sa bintanang karatig ng kama. paano nga ba matulog nang nakatatak sa isipan ang sangkatutak na pamilyang walang matutulugan? tag-ulan pa naman, maaaring bumaha. at sa tanghali kinabukasan ay bilad sa lansangan. paano nga ba matulog sa ugong ng mga trak na kumakalampag sa dingding, nanunuot ang alingawngaw sa balat? paano nga ba matulog sa ilalim ng kahel na kalangitan? takipsilim sa pagsapit ng alas-dyis ng gabi. kinain ng nagniningas na apoy ang orasan. pribilehiyo na ang tanungin ang sarili kung paano ka gigising bukas 'pagkat paano nga ba sila matutulog?
0
Jun 14, 2020
Jun 14, 2020 at 10:45 AM UTC
snooze
Mga nakatago sa letra Ang mga sagot Ang mga sagot ay nasa letra Ang luha Ang inis Ang dugo Ang init Ang pintura ng aking maduming brotsa Ang mga espasyo na akala ay walang saysay Iyon ang mas nagpapalayo sa katotohanan Sa siyudad na malaki, pero ang liit Parang nilakad ko na ang bawat sulok nito Mahilig ako sa bagay na hindi lang madaanan O maiwasang daanan Ang tinta ng aking espirito Itatak sa iyong santong puso Malakbay sana magkasama Ang mga lumulutang na letra Samantalang ang boses mo na tulad ng awit ay nasa likod ng eksena Malikhain ang gumuhit sa iyo Ang larawan **** mabait Mamantsahin ko Ng aking bahaghari Nawa hindi mawari Wala dapat ang oras Parang picture frame tuloy ang buhay ng bawat tao Nandiyan lang Nakatago, nakatayo, nasa pader---nakapako Nadadaanan lang Isang titigan lang Sa iyo, isang titig ay hindi sapat May nakatagong ginto Hindi pangkaraniwang ginto Ginto na hindi hinahanap ng lahat Ginto na hinahanap ko Nagpapawis nang sobra ang aking mga kamay Maligoy ang mata Tumitibok nang mabilis pabilis O Dios, saanman, makasalanang mansanas bumubunga ng sanlibong bulaklak Tinutuklaw nila ang aking lason Wala na akong pake sa sagot Mapaakit ka hanggang mabili ka Kahit hindi ka muna magsalita Hindi paliwanag sa mga titik Ang paru-paro at ang agila Nilamon ang itim Namula ang bibig Puti ang langit Ubeng mata Kahel ang balat Bughaw na dugo Dilaw na anino Berdeng ilaw Bangis ng indigo Samantalang sila ay abo Maligo sa aking isip Taas na tingin sa mababaw na sahig Ito ang ating luho Zigzag man ang dating Kapag nabili na, wala ng tubig parating
0
Dec 3, 2019
Dec 3, 2019 at 4:33 AM UTC
Pangatlo

60
Agaw eksena na naman ang kulay kahel na langit Dahan dahang pumikit Mula puso at isipan ko, Imahe mo ang nakaguhit. Hindi pa ba sapat Naging tapat Ngunit hindi naging dapat Aking natitiyak Ikaw ang hangarin ko Pag-ibig ko Ngunit sino ba ako sayo? Madilim na Wala pa din akong makita-- Mahanap Ikaw lang talaga. Matagal na panahon bago nabuhay muli ang pusong ito. At ngayon papatayin mo Hindi pa ba sapat Naging tapat Ngunit hindi naging dapat Ikaw--- na inilayan ko nito Maaari bang pagbuksan mo? At nang iyong mapagtanto.. Na ikaw ang mahal ko Ngunit.. Sino ba ako sayo?
0
Dec 15, 2019
Dec 15, 2019 at 7:31 AM UTC
Sino Ba Ako Sa'yo?
Isang batang babae ang pangalan ay Izabel Zabel ang palayaw nakasuot ng kahel Ang lahat ng ito ay pangarap niya lang Batang babae isa palang hukluban Eskandalo niya ay kanya nang tinatakasan Lahat ng patunay pilit niyang pinagtatakpan.
0
Dec 4, 2017
Dec 4, 2017 at 11:07 PM UTC
I.Z.A.B.E.L.
minsa’y hindi magtutugma mauuna ang kanan mahuhuli ang kaliwa pipiliting sumabay sa indak ng iyong katawan umaasang hindi mo ako iiwan sa dulo tayo ay magsasabay sa pagpitik ng daliri hanggang sa pagtaas ng kamay matatapos ang araw na tayo’y magkasama ang langit at kahel, tila nagbabaga pinagmamasdan ang pagsikat ng buwan sa iyong mga mata nananatili ang katotohanang tahanan ka.
0
Feb 14, 2021
Feb 14, 2021 at 11:57 PM UTC
Untitled