"kaharian" poems
Kling Klang.... Kling.. Klang..
Tunog ng kampana'y sumisigaw ng kagalakan,
Amihan hanging sumisimbolo ng isang Banal na kaarawan.
Saanman pumaroo't-pumarito'y puno ng kasiglahan;
Mga hapag-kaina'y dinadagsa ng iba't-ibang kasaganaan,
Mumunting kislap sa bawat bahay ay pawang madadaanan,
At mga magigiliw na parol sa bawat poste'y isa-isang nagtitingkaran.
Habang ang lahat ay masiglang nagkakantahan,
Isang lalaki ang naglalakad sa makipot na eskinitang daanan,
Maruming damit, gusgusing katawan,
Balbasing mukhang mistulang mga puno sa isang mayabong na kabukiran.
Pasuray-suray n'yang tinahak ang kadiliman,
Dala ang isang boteng alak na kanyang nag-iisang kasamahan.
Mga lasing na hakbang ay pilit binibitawan,
Mumunting yapak patungong bahay na kubli sa kasayahan.
Pagdating sa bukana, bote'y itinapon sa pintuan.
Nagsusumigaw at pilit humihiyaw na siya'y agad na pagbuksan.
Isang babaeng puno ng pasa't sugat ang kanyang naalinagan;
Mayuming mukhang naging busangot ng dahil sa kahirapan.
Ilang minuto pa'ng nakakaraan,
Isang nakakakilabot na sigaw ang pumagitna sa masasayahang kantahan,
Iyak na pilit tinatago, pinipigilan ngunit sa huli'y sumuko't mabilis na nagsilabasan.
Ang katanungan, ano nga ba ang dahilan ng kasuklam-suklam na sigaw na nasaksihan?
Mistulang iyak ng pagkahabag ng kalangitan
Ang unti-unting nagsipatakan.
Ulang nakisabay sa nakakakilabot na kalagayan -
Binubugbog ng lalaki ang asawa; ang kanyang pinangakuan ng pag-iibigan,
Isang taon pa lamang ang nakakaraan!
Dugo'y nag-unahan sa pagpatak,
Nagsimula sa kanyang kaibuturan binaybay hanggang sa kanyang talampakan.
Babae'y nanghina't nagsumamo
Na tigilan na ng kabiyak ang pambababoy dito at sa anghel sa tiyan nito.
Ngunit ang tainga niya'y nagmistulang sungay;
Walang bahid ng pag-aalinlangang pinagpatuloy ang maling labanan.
Tengang-kawali't pinag-igihan pa'ng pagsipa't pagsuntok sa tinuturing n'yang kalaban.
Dala ng matinding droga, ang haligi ng kabahayan ay naging sundalo't kaaway sa sarili niyang tahanan.
Mistulang militar na naging ispeya't traydor sa dapat sana niyang pinagsisilbihang kaharian.
Ilang araw pa'ng nakalipas, isang nakakabangungot na kaganapan,
Ang naging usap-usapan sa pamayanan.
Isang inang nilapastangan ang nakitang walang malay, duguan at butas ang sinapupunan.
Sa gitna ng pighati't panlulumo,
Ang kampana'y muling umiyak ng pakikiramay.
Tunog ng madamdaming dalamhati.
Musikang malumanay,
.......dahan-dahang naghahatid sa inosenteng sumakabilang buhay.
Kling Klang... Kling.. Klang..
Apr 30, 2015
Apr 30, 2015 at 10:57 AM UTC
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa langit salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapi
Katulad ng ibong nasa himpapawid
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamanin kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,
Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Oct 13, 2014
Oct 13, 2014 at 10:13 AM UTC
Mapupulang mga labi, nakakasilaw niyang ngiti
Sa mapupungay na mata, panahon sana'y bumimbin, mapipigilan
Ngayon ay magkalapit
Mala- porselana niyang kutis,
sa pantasiya lang binibini, gagawa ng pamagat
Sa palasyo, mahal na prinsesa
ang pag-uusapan ay ang mga hilig at libangan para magsaya umabot sa buwan
Doon ang imumungkahing kasal
Pahabaan ang oras ng pagtanda o mamalagi sa kasaysayan
Natandaan pa noong nasulyapan
Naging matiyaga na pinagmasdan
ang kaaya-ayang katangian
Hinintay sa bawat araw upang muli makita
Nalapnos na ang higaan pero buo pa ang pagkaalala ng kanyang mukha
Bughaw na kaharian ay itinayo sa kaitaasan
Kumalat ng karangyaan
Sa lawiswis ng kawayan
Sa mga bunga ng iba't ibang halaman
Bumaba sa trono ang espera
Ito'y hindi nagustuhan
Ang naganap ay parang katwiran na lumubog at di nasabi
Saglit na nabaghan, sa huli'y nangisay
Dec 25, 2018
Dec 25, 2018 at 4:47 AM UTC
Ang gabi ay hindi dapat maging kaibigan ng delubyo.
Nangangambang baka sa isang sulok ay may nag-aabang na demonyo.
O baka sa likod pa natin mismo.
Saksi ang dagat at bundok sa pananaghoy ng bagong umaga.
At sino ang hindi makakaamoy sa pagsabog ng mga tala?
At nasaan ang gabi, ang inaakalang tanging katuwang?
Kasiping ba ng mga pangarap para sa bayan,
na siya nang nilamon ng digmaan?
Lumuluha ang bawat lawa at nagtatanong ang mga talon;
makakaahon pa ba ang nalunod na tuwa't pag-asa ng kahapon?
O baka ang tuwa ay siya na'ng hinigop ng langit.
Pinagtatawanan na tayo ng langit!
Sa mga dugong dumanak at ang naglalakasang pagtatangis
na tila ba isang bulong sa bingi,
tama nga't hindi ko kaibigan ang gabi!
Ganid ang gabi, palaging uhaw at nasisidhi sa kasawian,
sa mga buwaya tila ito ang kanilang kaharian!
At ang ngalan ng may akda ng munting tula na ito ay "delubyo".
Paminsan-minsan maaari niyo ring tawaging demonyo.
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, sa sulok ay hindi na magtatago. Haharap ako para tingnan ang bawat isa sa inyo sa mata.
Sa dangal. Sa diwa. Sa puso. Sa dasal.
At kakalabanin nyo dapat ako gamit ang mga ito...
hanggang sa pag-usbong ng bagong umaga.
Pula, bughaw at dilaw laban sa kadiliman.
Oct 26, 2016
Oct 26, 2016 at 2:25 AM UTC
Nakita ko ang sarili kong naglalakad sa pasilyo ng kawalan at makaraa'y sinisid ang karagatan ng katanungan, nasaan ako? hinanap ko ang kasagutan, mapa o daan sa bawat ingay na binibigkas ng mga tao sa paligid ko. At kahit nasanay na'y natigilan ako, pero kasi hindi pwede 'to.
Nabuo ko na naman ang pangalan mo.
pasensya na pero sa tuwing ako'y nawawala sa landas o nararamdaman kong lumalayo ako binibigkas ko ito sa pag asang ibabalik ako nito sa kaharian na gawa sa mga ngiti at tawa mo na mag-isa kong binuo o simpleng papunta lang sa tabi mo.
Naliligaw ako, hindi ko alam kung saan pupunta o kung may paroroonan man lang ba, pero patuloy akong maglalaboy at tatakbo sa realidad na gusto na kita, tatakbo sa nararamdaman pero lilingon paminsan minsan dahil umaasa ako, kahit walang kasiguraduhan, hinahanap mo rin ako dala ang isang lampara. Umaasa ako na ikaw nga ang mapa, ibubulong ko sa hangin ang mga salita kasabay ng isang malalim na buntunghininga.
"Asan ka na?"
Jun 3, 2016
Jun 3, 2016 at 2:04 AM UTC
Alam mo, ayoko na
Gusto ko nang huminto sa pagpapaka-tanga
Ayoko na matulala at sabay maiisip ka
Kasi alam ko na matagal bago ako muling makabalik sa aking diwa
Pwede ba manahimik ka?
Ang ingay mo lalo na kapag ako’y matutulog na
Bastos at biglaang papasok sa aking isipan
Na para bang isipan ko’y iyong kaharian
Hindi ka ba napapagod?
Sa kalalaro ng aking pusong lasug-lasog na sa iyong kapapaikot
Tuwang-tuwa ka pa at humahalaklak kapag ako’y iyong nabibiro
Pag sasabihin **** “last na”, pero sinungaling ka
Edi sa’yo na!
Sa’yo na ang kaligayahan at kalungkutan ko
Sa’yo na ang pangarap at kabiguan ko
Sa’yo na ang lahat ng ako, sa’yo na ang pusong laruan mo
O, ano? Ba’t tumigil ka?
Bakit ka biglaang lumayo kung kailan ibinigay ko na?
Akala ko ba sa akin ay nasisiyahan ka?
Akala ko ba sa akin masaya ka na?
Ah, ngayon gets ko na!
Gets ko na na mabilis ka pala magsawa
Pagkatapos ng isa, maghahanap ka ng iba
Pagkatapos **** manungkit, magtatapon rin pala
Ayan ka na naman at umaarangkada
Parang isang sports car na rumaratsada
Patungo sa mga babaeng iba’t iba ang klase
Iba’t iba ang ganda
Kaawa-awang kababaihan
Kasalanan ba nila na natipuhan mo sila
Bakit kung parusahan mo ng iyong matatamis na pekeng salita
Ay parang mga batang niloloko ng isang salamangkerong desperado kumita
Sana matauhan ka…
Minahal kitang tunay ngunit sayo’y lokohan lang pala
Sana sa paglipas ng panahon, makatagpo ka
Ng isang babaeng paluluhurin ka habang nagmamakaawang patawarin ka niya.
Mar 10, 2016
Mar 10, 2016 at 8:15 AM UTC
Ang higanteng tulyasi,
tila bulkan, humihilab sa init,
sumusuka ng kumukulong putik at singaw,
bumubuga ng bulang panis.
Subalit ang mga serbidor at weyter
ng panginoong naluklok
ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako
kung paanong ipinaparada
bilang obra-maestrang sopas na manok
ang gabundok na naiipong ipot
ng kanilang hinirang
at ng kanyang mga ministrong kampon.
Dusa nating pinagbabayaran
ang pagsulong ng bulag na katapatan
at laganap na kamangmangan
sumusuong sa martsang hindi nauunawaan
habang sanlaksa’y kay daling naniwala,
panloloko’t manloloko ay sagana
isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis -
sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip
isang malaking karnabal
ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso
mga nakakatawang bistadong manggagantso
at mga saksing bulaan -
na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan -
at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan -
patung-patong na kasinungalingan
kumpul-kumpol na tungayaw at murahan
mahihiya ang mga alamat ng bayan
at pabula ng nakaraan.
Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan
ng mabahong tae,
mangmang na nag-iisip sa bibig,
tinimplahan ng santambak
ng mabantot na kawalan
ng konting katalinuhan
at pakundangan,
- isang lugaw ng bigas na plastik, panis
adobong sa mga pilyong uod, ay matamis.
isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip
ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan
At ako, isang napilitang anino,
binihag ng isang tampalasang multo
inilibing sa pambayaning nitso
at sanlibong mapangsanib na espiritu
sa Kaharian ng mga Pangako
pawang napako, at mga pag-asang naglaho,
ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako
sa walang puknat na pagpururot ng nguso
na kapag ang mundo’y tinatanong ako,
- Siya ba ang hinirang ninyo?
Hiyang-hiya ako . . .
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
#042416
Pumipiglas sa kadena,
Nagwawalang may pagbubusina.
Walang-wala siya sa datus
Ng iskandalong panglaman-tiyan.
Kilay ay naagnas
Bunsod ng galit na mapagmataas.
Mag-iiskandalo ang ugat sa magaspang na balat,
Siyang bulkan pala ng naghihimutok na alamat.
Lambat ng kahapon, isasaboy sa dagat
Huli'y kaawa-awa sa dinamitang kagat-kagat.
Sisisid kahit di akma ang tono ng tubig,
Lulusong muli't paghihiganti'y bukambibig.
Gamit ang sinulid ng tinapyas na bungangkahoy,
Matutukso ng talim, siya nga palang abuloy.
Istoryang tigang, nginuyang may malasakit,
Paru-paro't bulaklak sa kutsilyo ang kapit.
Kalawang ang uubos sa kadena,
Sa ilang pagpihit ng litratong may ordinansa.
Patay-sindi kaya't pondido ang ilaw,
Pipihitin ang kable't ahas ang tutuklaw.
Ang trono'y walang manggas at naantala,
Pinilihan ng mga oportunistang kanya ring katiwala.
Sapilitang makikipagniig sa kaharian,
Batas ay iluluklok, pantawid sa katuwiran.
Siya'y naghihimagsik sa haliging walang sabit,
Langis ay tagas ng sikmurang kumakalabit.
Gaya ng kahapong titulado ng dilim,
Babagsik ang leong minsang karima-rimarim.
Apr 25, 2016
Apr 25, 2016 at 12:54 AM UTC
Dilaw na sinag ang bumungad sa aking kamalayan
Habang sumasayaw ang ulap sa bintana
Umaawit ang electric fan kasabay ng mga mumunting ingay sa labas ng kwarto
Kailngan maghanda dahil ngayon ay mas espesyal pa sa nagbabagang balita sa radyo.
Almusal ligo toothbrush bihis na daig pa ang artista sa telebisyon
Beso beso, kamayan, tawanan, yakapan, galak, sa mga taong namiss mo noon
Preparado ang lahat, nakisama ang panahon
Kakausapin ko si Ama na may buong buong desisyon
Naguumapaw sa saya na may kasamang kaba
Asan na pala sila? Anong oras na ba?
Hanggang sa nagsimulang umawit ang mga anghel
Isa isang lumakad ang saksi na may kanya kanyang papel
Hakbang pakaliwa, hakbang pakanan, onti na lang malapit na
Hanggang sa matunton ko ang harapan, naku eto na, kumapit ka
Tila nanahimik ang paligid, nakatuon lahat sa nagiisang pintuan
Hanggang sa bumukas at lumantad ang nagiisang kasagutan
Liwanag. Oo sya ang aking liwanag.
Dahan dahan papalapit, upang akoy mapanatag
Kislap ang nangingibabaw sa buong kaharian
Untiunting pagpatak ng luha sa galak namasdan
Napakagandang nilalang, ang nagiisang dahilan
Kung may araw sa umaga, sa gabi sya ang buwan
Pagkahawak ko sa kamay sabay hinagkan
Ngayon naririto kana hindi kana papakawalan
Susumpa na animoy umaawit sa pinakamasayang pagkakataon
Pagkakataon na tila munting bata na naglalaro sa papalakas na ambon
Anong oras na? Alam kong alam mo na
Kung paglagay sa tahimik ang tawag dun, ang sagot isigaw mo na
Dahil bukas ay di na ko mangangarap pa
Bagkus ang bawat bukas ang hanganan para mahalin kita
Oras na ang nagbilang para mahanap natin ang isat-isa
At kung nagsimula man ang bilang sa isa, magtatapos ang lahat sa labi-ng-dalawa
Written: 08/01/2014
Aug 3, 2017
Aug 3, 2017 at 8:30 PM UTC
Sa siglaw ng pagkapanaw ay lumamlam ang ilaw
Sa dibisyon ng dalawang kaharian ay ang larawan na inalis sa pananaw
na pumitlag-pitlag
Mas malamig pa sa yelo ang istorya kung dadamdamin ang ipinapalitaw
Ang dulo ng kidlat na ipinukol ng langit ay gumawa ng sugat
na dahilan ng antak
Ang mala-tanso niyang buhok paano kakalawangin
Gumaganap ang pag-ibig nang palihim
Darangin sa apoy ng katotohanan sa pagsisinungaling-
nang hindi pagsabi na talagang umiibig
Nahimlay sa kamposanto
Di malikmata ang natatanaw na santilmo na umaalab
Tanglaw sa salamisim na siyang nagrereplek-balik
Ang dyamanteng hikaw ay pawang tala ikinabit sa kanyang tainga
Kariktan ay lalong nadadagdagan
Bumuyo para magnakaw ng halik
Dec 31, 2018
Dec 31, 2018 at 6:08 PM UTC
081721
Pikit-mata kong inaaninag ang liwanag
Na dumarampi sa aking mga pilik-mata
Habang bahagyang nagbabadya ang pagsirit
At pag-agos nang marahan
Ng pawis na pilit kong ikinukubli
Sa bawat pagtiklop ng hapon.
Walang oras o segundong hayag
Sa kung papaanong paraan ba aahon ang Araw
Na tila ba kaytagal kong hinintay na bumangong muli.
Ni hindi ko magawang lumapit
Sa mga sinag nitong hayagang yumayakap sa akin
Na para bang nais Nitong hingahang muli
Ang buo kong pagkatao.
Hinahagkan ang bawat pagbugso ng aking pulso
Buhat sa kawalang ulirat sa katotohanang
Minsang kumatok at pinagbuksan.
Nagbigkis ang lahat ng mga mandirigmang
Walang ibang hiling
Kundi sumapit ang takdang araw
Na ilang beses binuhol-buhol sa kalendaryo
Gaya ng pag-aabang sa muling pagsindi’t pag-ulan
Ng mga bulalakaw sa langit
At may iba’t ibang kapaliwanagan.
Nagliwanag naman ang kurtinang nagbibigkis
Sa hagdanang patungo sa kaluwalhatian
At sa pastulang aking minsang sinuklian
Ng Kanyang mga balak
At pinagtaniman ng mga binhing nagbunga na ngayon
At akin nang inaani nang may galak.
Dumudungaw sa lente ng aking mga mata
Ang aking pagkataong binihasan ng liwanag.
At tunay ngang ang mga luha'y papawiin
At wala nang ibang maibibigkas pa kundi
Papuri't pagsamba sa tunay na nagmamay-ari
Ng kaluwalhatiang habambuhay na aakap
Sa panibagong mundong nagtapos na ang kadiliman.
"Bubuksan Ko ang kalangitan,
Maging ang buong kalawakan,
Masilayan mo lamang ang laan Ko para sa'yo.
Tamasahin mo ang kabuuan ng Aking presensya
At ang pag-ibig Kong alay na inihanda ko para sa'yo.
Ang piging sa Aking pagsasalo'y hayag sa buong sansinukob
At ang lahat ay nais Kong makapiling sa Aking pagbabalik.
Ang hamon ng buhay ay siya ring susubok sa'yong katapatan
Kaya't wag kang matakot na waksian ang mga kamaliang
Iyong kinasanayan at ika'y magpasakop sa Aking kaluwalhatin.
Ang lahat ng Iyong mga narinig at nakita'y magliliwanag
Sa pagsapit ng itinakdang oras..
At sa iyong paghihintay ay patuloy kang lumakad
Sa landas kong laan para sa'yo.
Patuloy **** ipalaganap na ang Aking kaharian
Ay bukas para sa lahat,
At ang dugong dumanak
Buhat sa Aking bukod-tanging Anak na si Hesus
Ay siyang nakasuklob sa'yo sa iyong laban.
Tanggapin mo ang regalo Kong Banal na Ispiritong
Syang gagabay sa'yong mga pasya't
Magbibigay kaliwanagan sa mga bagay
Na tanging pang-langit lamang.
Ikaw, kayong mga tinawag Ko'y sama-samang humayo,
Ipalaganap n'yo ang liwanag sa madilim na sansinukob..
At sa Aking paghuhusga'y gagawaran Ko
Ang lahat ng aking mga anak
Na hanggang sa huli'y nanatili, nagpasakop
At kumilos ayon sa Aking mga Salita't mga utos.
Ang pag-ibig Ko'y sa iyo.."
Aug 17, 2021
Aug 17, 2021 at 5:47 AM UTC
Saan ka nga ba tumatakas
Sa anyo bang mapangahas
Na katangiang ipinamalas
Ng isang nag pupumiglas?
Tumahimik ka riyan!
Eto ang ating kaharian
Mariing pinahihintulutan
Tumakas ng lubusan
Bantayan ang mga salita!
Baka nakikinig ang bata
Nag pulong upang ipakita
Ang alam nating tama!
Hoy! Ikaw na nananahimik
Tila wala ka laging imik
Nakukuha **** mag hilik
Kahit ang hahat ay natitinik
Ano ang iyong nginangawa
Wala akong ginagawa
Masaya lang akong natutuwa
Ano ang aking magagawa?
Mga maginoo kumusta?
Hindi na po ako bata
Nais ko na pong lumaya
At subukang minsan ay madapa
O kaytagal nyo akong itinago
Iningatan sa pag papayo
Sa mundo ay inilayo
Sa takot na magpalalo
Ngunit ako'y handa na
Maari ko na bang bawiin ang luha?
Na matagal nyong kinuha
At ang pusong nangungulila?
Jul 26, 2022
Jul 26, 2022 at 1:51 PM UTC
Magandang gabi kamahalan
Dito sa aking kinatatayuan
sa baba ng labindalawang palapag ng hagdanan,
Ikaw ang pinaka paborito kong pagmasdan,
Saan man ang iyong pinagmulan,
ikaw man ay lulan ng barkong hindi pangkaraniwan,
hindi ko ikakaila na ikaw ang pinakamakinang sa lahat ng bituin sa kalangitan.
Ikaw ang eba at ako ang adan ng makabagong kapaligiran
Hayaan **** tuksuhin tayo ng berdeng kalikasan,
Akitin ng mga huni ng ibon tungo sa sarili nating kaharian.
Handa akong panagutan ang ating pag iibigan,
hahamakin ang lahat maibigay lang ang iyong inaasam
gagawin kong mundo ang dapat tao lang,
baliin natin ang daan
lumiko man tayo pakanan
marating lang ang kabundukan
patungo sa ating tutuluyan,
Ikaw ang magsisilbing kanlungan,
sa nakaraang minsang pinagdalamhatian.
Ikaw ang magsisilbing lagusan,
sa mga pintuang tinalikuran at pinaglaruan.
Ikaw ang magsisilbing unan sa gabi ng kabilugan ng buwan.
gagawin kong bintana ang iyong mga mata,
tatahakin ang dilim, hinagpis, pagkapiit,
itatakas kita..
itatakas kita sa mundong hindi lang ikaw ang bida,
sasagipin kita sa paglubog ng barkong papaalis na,
hahanapin kita,
sisirin ko man ang kumunoy,
languyin man ang lalim ng panaghoy..
hahanapin kita,...
hanggang sa tayong dalawa nalang ang matira,
sa mundong hindi ako mabubuhay kasama ka.
Oct 30, 2017
Oct 30, 2017 at 4:17 AM UTC
Kumusta mga hari sa lupa
Yaong mga anino'y hindi nakikita
Mga haring sila ang nagtatakda
Ng mga bagay dito sa lupa
Kumusta mga hari sa lupa
Yaong papel na may mukha
Mga haring dinadakila
Ng mga uhaw na dukha
Kumusta mga hari sa lupa
Na kaharian ay ang yaman sa lupa
Handang pumatay ng alila
Upang pigilin ang daigdig sa pagluha
Kumusta mga hari sa lupa
Na di kailanman kumalam ang sikmura
Na kailanma'y hindi lumuha
O nagbuhat ng kutsara
Kumusta mga hari sa lupa
Bundok ng bungo'y sumusumpa
Sumisigaw sa hinagpis na mga alila
Sa kamay ninyo mga hari sa lupa
Kumusta mga hari sa lupa
Pagbati ko sana'y makita
Nawa'y maunawaan ang Salita
Sapagkat dito tayo lahat nagmula
-JGA
Mar 26, 2020
Mar 26, 2020 at 12:19 PM UTC
ikawalong baitang nang ika'y makilala
isang diwatang nag-anyong dalaga
tila'y isang biyayang hatid ni Bathala
handang maging alipin na itinalaga
isang reynang naligaw sa isang kaharian
ako'y iyong kawal na handa kang pagsilbihan
ikinagagalak kong ako'y 'yong manduhan
walang mali sa 'yong kagustuhan
ngunit kasabay ng paglipas ng bukang-liwayway
tadhana nating dalawa'y biglang nabalutan ng lumbay
nagsimula tayong matatag at dalisay
ngunit ang daan nati'y nagkahiwalay
at tuluyang nabalot ng kulimlim ang huwad kong buhay
sana'y noong una pa lamang ay niligawan na ang Paraluman
nang hindi sa isang mahapding katotohanan
na ngayo'y pilit na binabalikan
ang pagsikat hindi na muling mahahagkan
kung iadya man ni Bathala na ika'y maligaw
sa isang kahariang mapurol at maginaw
hahanapin ko ang kaisa-isang kaharian na ang reyna ay ikaw
Jan 1, 2022
Jan 1, 2022 at 8:37 AM UTC
Sa sulating papel,
ilang letra ang nailimbag
para lantaran maipahayag na ang pagdarahop sa alpabeto ay ang masamang salagimsim na pasanin
Mapait ang sasapitin sa guhit ng palad
Makulimlim na hudyat ng kaharian
Sa malas na katalagahan
Ang pangawan na nag-alingayngay
Nagtitiis nang pagkahimay-himay
Mahabang kadena na nakakabit
Sa dantaon na nagnobena sa templo
Ang naisaulo lang sa gilid ay ang iba't-ibang kapintasan
na nagkadikit-dikit at nagtatanikala
Natumba sa kaskaho ang nanlambot na tuhod
Ito'y naging karanasan ng pilay
Ginamit ang tungkod ng katatagan
nang maayos na kumandirit sa daan
Karamdamang na di maibsan
Ang pagtitimpi ay sadyang kahinaan
Tila'y sakitin na sisiw nagtatampisaw sa baha na sa inahin nakahanap ng pagkalinga
Dec 17, 2018
Dec 17, 2018 at 4:50 AM UTC
Halika't dadalhin kita sa palasyo
Ipagbibihis kita't ipagluluto
Ang lahat ay tatalima sayo
Sapagkat ikaw ang reyna sa palasyo
Walang suliranin na darating sa atin
At ang lahat ay magiging atin
Ang lahat ay magagawa natin
Maging ang oras ay susunod sa akin
Lilikha ako ng maraming bituin
Ang lahat ng iyon ay kaya Kong bilangin
Madali kahit maging ang buhangin
Dahil hawak ko ang oras natin
Hindi ka luluha at masasaktan
Dahil tatangalin ko ang kamatayan
Hinding hindi kita pababayaan
Kahit magising pa sa katotohanan
Halika na at tayo na ay uuwi
Sa kaharian kong ako ang hari
Pangakong hindi ako hihikbi
Sa pagka gising ko sandali.
-JGA
Mar 23, 2020
Mar 23, 2020 at 11:52 AM UTC
Sa mata nila, ako'y walang saysay
Sa mata nila, ako'y walang boses
Sa mata nila, ako'y walang karapatan
Sa mata nila, ako'y isang pagmamay-ari
Hanggang kailan ko tatamuhin ang ganitong katayuan
Ang pakiramdam na para bang wala akong kahalagahan
Dahil sa ako'y mahina, maamo't inosente
ay wari bang inaangkin n'yo na ang katauhan ko?
At sa hindi inaasahang pagkakataon
itinaas Mo ang mga gaya namin
at sinabing sa amin naghahari ang Diyos,
lumundag ang puso ko sa tuwa
Pinatayo mo kami sa kagitnaan ng mga mas may dunong at kapangyarihan
Ang pagkilala mo at pag-ibig mo sa bawat isa
Lalong lalo na sa mababang gaya namin
ay tunay naming 'di maarok
Sa pamamagitan namin, binasag mo ang tradisyong nagpapaalipin
at inimulat kami sa tunay na kahulugan ng kapakumbabaan
at nang tunay na kahulugan ng kaharian ng Diyos
sa iyong halimbawa at aral, maraming nagulantang..
Hinayaan mo kaming lumapit sa Iyo
At ikinintal ang iyong iniwika
Na ang sinumang 'di tumulad sa isang maliit na bata
sa pagtanggap sa paghahari ng Diyos
ay hindi mapapabilang sa mga taong pinaghaharian niya.
Nov 19, 2019
Nov 19, 2019 at 12:39 AM UTC
Hindi inaasahang napadpad ako sa iyong kaharian,
Kung saan ako’y pinagsilbihan at inalagaan,
At sa bawat minuto na nasa piling mo ako,
Tila ba isang panaginip na ayaw kong huminto.
Ngunit mali ‘tong nararamdaman ko,
Sandata ko’y hindi kumpleto,
Hindi ka nga pala handa’t sigurado,
Para ipaglaban yung nararamdaman mo.
Heto ako paulit-ulit na naniniwala,
Pilit pa rin na umaasa,
Na baka bukas kamay ko’y hawak mo na,
Wala ng takot at pangangamba.
Pero kahit ako lang ang lumalaban,
Kathang isip lamang ang “tayo” sa aking isipan,
Hindi man ako yung prinsesa na para sayo,
Mananatili ka sa aking puso, prinsepe ko.
Jun 9, 2023
Jun 9, 2023 at 10:15 AM UTC
Naririnig ko na ang awit ng mga anghel
Naaaninag na ang liwanag,
sikat ng araw ay tila ginto at kahel.
Maniwala ka, babalikan kita,
katulad ng pagbalik ng alon sa baybay.
Maniwala ka, hahanapin kita,
katulad ng paru-paro sa bulaklak.
Naririnig mo na ba ang yapak ng aking paa?
Handa na bang maaninag ang aking mukha?
Masilayan ngiti kong 'singtamis ng ubas?
Maniwala ka, hindi kita nilisan,
katulad ng hangin, lagi mo akong kapiling.
Maniwala ka, hindi kita lilisanin kailanman,
katulad ng oras, laging tatakbo sa iyong tabi.
Binasbasan mo ako ng haplos mo,
binasbasan din kita ng puso ko.
Ito na ang langit, ito ang paraiso.
Nandito na tayo, hindi na lalayo.
Isusulat ko at ipapahayag sa lahat,
babaguhin ang bawat aklat.
Pag-ibig ko'y ipagmalaki at iulat,
kaluwalhatian ng pag-ibig ay ibunyag.
Sa pagbalik ko
at sa pagbalik mo
sa piling ko,
at sa kaligayahan mo...
Mananatili, walang pasubali
Magwawagi, walang makakapigil
Sa muli **** pagdating
at sa pagkikitang muli
sa kaharian mo,
at sa kaluwalhatian mo...
Aawit ng papuri, mabagal at mabilis
Aawit ng himnong walang mintis
Mar 31, 2024
Mar 31, 2024 at 4:36 AM UTC
Isang laban na parang sa Mactan.
Hahayan kahit na ako'y masugatan
Wag mo lamang akong iwan.
Handa makipapatayan
Sa kanya na aking naging kaagaw.
Ngunit anong magagawa kung sya na ang sinisigaw
Nasasaktan sa tuwing nakikita kayong hawak kamay.
Ilang siglo na ang ating nilakbay.
Ngunit heto ka, malapit ng bumitaw
Talunan matapos ang labanan.
Bawat ngiti **** kasama sya nagsasanhi ng sugat sa aking katawan.
Nanghihina, kaya hahayaan ng manalo at hayaang mga luha ay lumitaw.
Uuwing luhaan,
Hahayaang kainin ng kalungkutan
Dahil wala ka na sa aking kaharian. -HAN
Jan 24, 2018
Jan 24, 2018 at 9:41 AM UTC
Handurawon ta ang mga nagliligad
Sg sini nga buluthuan ukon unibersidad
Nga ginpatindog sg isa ka opisyales nga tampad
Nagahingalanan kay Victor Tanco
Sang siya alkalde pa lang sadto
Sa banwa sg Capiz nga tupad sg Iloilo
Bulan sg Agosto Nineteen Eighty-One
Sang ginplano sa Dumarao ang PSPC nga eskwelahan
3 ka tawo (Tanco, Leonor kg Botin) ang sini nag-isturyahan
Gani sg 1982, ang maragtason nga proyekto natuman na
Si Dr. Nenita Beluso ang administrador nga pinakauna
4 ang primerong manugtudlo – Hachuela, Ojacastro, Ariola kg Baranda
Agriculture ang pinakauna nga kurso diri
Ginsundan sg Education, Computer, Vet. Med. kg Criminology
5 ka tribo sg kaharian sg PSPC
Pagraduate ko sa highschool sang tuig Dos Mil Kwatro
Nagkadto sa Dumarao si Presidente Gloria Arroyo
Iya gin-ilisan ang PSPC sg CapSU, Vice Gov. palang kato si Tanco
Oh Gob. Tanco, ikaw pa lang ang alkalde sg banwa nga ini
Nga nakapatindog sg unibersidad diri
Ang CapSU nga sadto anay PSPC!
-10/15/2015
(Dumarao)
*for Gov. Tanco’s 71st Birthday
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 10:31 PM UTC
kung ang mundo ay isang kakahuyan
ako'y kawayan sa kaharian ng mga sedar
siyang nag-iisa at dahan-dahang tumutubo sa 'king tabi
sana'y mag-abot ng sanga, kung di man malalim na ugat
kung ang mundo'y higanteng salamin
ako'y ngayo'y espasyo sa repleksyon ng iba
ngunit nakatayo ka sa 'king harapan
di imahe, buong pigura
natutunaw na ba ang mundo sa sikat ng araw?
Jul 18, 2017
Jul 18, 2017 at 9:06 AM UTC
85 Dumating na ang bisperas ng kasalan
Abalang-abala ang buong kaharian
86 Gayundin ang mga kawal na nagbabantay
Sa prinsipeng hina na parang lantang gulay
87 Buong araw nakatalukbong ng kumot
Ayaw kumain, sa lahat nayayamot
88 Sa parang bata na may sumpong
Nakaantabay ang nilalang na buhong
89 Sa may tsimineya
‘Di randam, ‘di amoy, ‘di rinig, ‘di kita
90 Lumitaw, lumubog ang buwan
Paggising ng lahat kinabukasan
91 Wala na ang prinsipe! Wala na!
Walang nakapansin! Naglahong parang bula!
-06/21/2012
*Gintong Lupa Series
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:56 PM UTC