Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kagyat" poems
Ang matamis na lunggati Debosyon sa dapithapon Ang pagkurap ng liwanag na  kuyad-kuyad ay sinapupo ang emosyon Sa paglakad ng relo - bilog na mayroong guhit ng oras Gabing panaginip ay umimbulog Sa malamayang tanawin Naka sambalilo nang nanood Nang natawid ang gabi't araw Nasilayan ang bagong buhay Regalo ng Panginoon Sa bintana hinintay ang muling pag-ahon ng ilaw Sa pagtutungka na parang lango Wari'y gumapang sa kalawakan Pagawpaw ng pangarap Di maabot kahit sa panaginip man lang Nakasalubong si Dessa ngunit kagyat nang lumisan Ang kanyang mabuhaghag na buhok humahaba nang malubay, medyo pakulot Naniniwala kahit sa kalagimlagim na sandali Na ang mga nakaraan ay maalala muli
0
Jan 22, 2019
Jan 22, 2019 at 9:52 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #58
ilan pang mga paalam at mga luha pa na kailangan ko nang tanggapin sa pait nitong katotohanan na syang humubog bilang bago kong sarili upang ako'y makausad na rito sa bagong yugto na aking buhay na hindi ko na matatakasan pa? bakit kay kagyat kang lumisan? buhat ba nang ika'y iniwan? 'lam kong 'di mo tanggap ang lahat at 'yong tamo, lihim **** sugat bubura sa tamis **** kulay at syang kikitil sa 'yong buhay tangi **** handog sa 'king diwa: ang iyong pambihirang luha
0
Nov 24, 2024
Nov 24, 2024 at 9:18 AM UTC
PAG-USAD SA PAIT
Ganito Ang talento ng tinaguriang gagamba, Ang Sabi ng iba Sila ay kakaiba dahil nga sadyang Ganyan Sila kahit Hindi nasa manila. Nag - aabang lang ng bibisita Kahit nga ba bibihira Ang may maggala ay tiyak maaantala Kapag napadpad sa animo'y ala bang tahanan na tahasang walang hagdan Ngunit kabit-kabit eh Ang kawit ng madidikit na bahagdan ng bawat hiblang malagu na. Ni Ang hari ng kagubatan ay di siya nais magambala Malaglag man sa Muntinlupa Kagyat Silang ia-Angat Dami man ng hadlang, tutulay lamang Ang gagamba gamit Ang sapot at mga galamay... Ganon pa man Bigte man Ang  pagtanaw ng Leon at tigre sa maliit na nilalang ... Naka- Tungko lamang Ang kanilang matalim na pangil at angil pagkat sa loob-loob nitong mababangis at hayok sa laman ay mapag aalaman--- Ano nga naman Ang kanilang mahihita na Karne sa naglalambiting mga galamay Wika nga sa payo ng dayo Tinawag Silang Gagamba sapagkat Ang sino Mang tao sa kanya'y gagambala Walang dudang mapapatingala muna bago yumuko Mabuti pa daw Ang mangilag na Lang Sila sa maliliit na nilalang O di kaya'y maige pa mangilog at magbaka sakali dun sa may Sapang Palay magawi at nang mapawi Ang Kalam at uhaw sa may kawayan . Sabi naman ng iilan mabuti pa Ang dalanghita mula pa sa pagkabubot nito Hanggang sa maubod na nga sa pagkahinog ay masasabi na talaga namang may asim pa . Lalo na para sa mga nagda dalang-tao na minamatamis ang pangangasim ay iyon ang prutas na ipanlulutas sa kanilang pananaghili . Sa madaling salita Ang magaling na Balita Kakailanganin pa Ang pakpak Kahit pa mag taingang- kawali Ang lupa... Dahil Ang tinutukoy ko sa aking pamagat ay walang iba kundi Ako ! At Ang munting Gagamba Ang siyang maituturing Kong Dambuhala Kaya nga Ang paniniwalang imbes trabaho Ang siyang lalapit sa akin... Yaong mga sapot na bahay Ang siyang dapat Kong hagilapin... Kasi nga Ang mga spider web kung tawagin sa ingles... Ay Ang siyang Lunas na walang dahas upang maging Isa sa kanila ! Silang mga empleyado na dati rin namang Isang sawi Hanggang Ang mga hain na pain sa magiging bitag na hayag ay may kaakibat na kabalikat Upang mapagtagumpayan Ang mapusok na pagsubok... Nang sa gayon ay matupad Ang layon niya sa kaniyang mga kanayon na ... Maging Isang sakdal sa pagiging kambal ng papremyo at Tropeyo !
0
Sep 14, 2024
Sep 14, 2024 at 1:52 PM UTC
🏆 wagi 🏆

Continue reading...
60