Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"isinuko" poems
Yakapin ang suliranin ng muling pakikibaka Bigat at layog ng bundok ay tiisin Sa tuktok ay maghiyaw nang pagka-alwan Sagot sa problema ay ang pangingibabaw sa bawat kapansanan Buhawing humihigop ng munsing na pananalig Madalian na hinihingi ang kapasiyahan Sa pinto ng paglalayag Isang pagsubok ang malakas na sigwa Sa paglisan ng araw sa kalangitan Sakripisyong di-maihahalintulad Saksi ang mga bakaw Tila pag-aasawa na nasa linya Ang pagsasarili nito noong lumayo sa tahanan Isinuko ang lahat nang bumukod Sa pinangakuang liyag nakagapos Bumago ang ihip ng Amihang hinahapo Meron kasal-kasalan Gantimpala ba ang matatanggap? Nauuri sa hunghang na ehemplo Sakim sa bagay na kinakaaliwan?
0
Dec 19, 2018
Dec 19, 2018 at 6:38 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #18
#050116 Nasisilaw ang puso Sa tangan **** Liwanag Nayayanig ang diwa't damdamin Lagpas-Langit ang pasasalamat. Puno ng hiwaga Ang pag-ibig **** alay Hindi matutumbasan Ang kalinga **** grasya. Buhay Mo'y isinuko sa Krus Salita Mo'y bukam-bibig ng kaluluwa. Ako'y sakupin Mo, ang buong pagkatao Ako'y kalingain Mo ng kadakilaan Mo Ako'y alalayan Mo, Yakap Mo ang sasalo Ako'y baguhin Mo, palitan Mo ng bago. Sa kahit anong pagkakamali, Sa kahit anong pintig ng sandali Ikaw ang Gabay na Siyang magwawagi! Daplis ng ulan o bagyong nagkukunwari Hahawiin **** lahat, buhos ang Sarili Sabi Mo'y talikuran ko na ang dati. Madilim ang landas, siyang hindi patas Mantsyang nagdaan, sa bago'y kaltas Walang tugon, mundong nagmamataas Tanging Ikaw, daang Mataas. Hindi madali ang pagbabago Puso ba'y sa Kanya'y sambit ay "oo" Si Hesus lamang, sagot sa delubyo Kalma lang kaibigam wag paaapekto!
0
May 3, 2016
May 3, 2016 at 10:07 AM UTC
Sandalan
sobrang hinahangaan Kita dahil napakagaling **** gumawa ng mga istorya, mga istoryang tila talo na pero sa huli ay naipanalo Mo pa. sa una'y aping api ang bida pero di nakakapagtaka na sa huli sila ay naging masaya dahil pangako Mo na hindi kami mag-iisa. Hindi kami magiisa dahil Ikaw ay kasama, kasama sa hirap at ginhawa, sa lungkot at tuwa, talikuran man kami ng madla Ikaw ay hindi mawawala. Ikaw ang napako hindi ang Iyong mga pangako kasalanan naming lahat ay Iyong inako Iyong pagmamahal ay damang dama saan mang dako. Daan mang tinatahak ay bako bako Direksyon mang sinusunod ay liko liko Walang sapat na rason para kami'y sumuko Dahil pinaglaban mo kami at hindi isinuko.
0
Oct 31, 2017
Oct 31, 2017 at 11:43 AM UTC
THE REAL SCRIPTWRITER
Pinilit lumaban, ngunit sadyang nahirapan, Isinuko sa tadhana,ang sitwasyong ‘di na tama, ‘Di na kailangan na itong emosyon ay mahirapan, Kaya’t itong iyong kamay na hinahawakan, ay kusa ko nang binitawan… Kusa ko nang hinayaan. Kusa ko nang pinabayaan… sa hangin kung saan man, ang kamay na ito’y ramdam ang kalayaan, Ang kaginhawaan… ang kapayapaan. Nagparaya, Nagpaubaya, Nagpalaya. Bakit tila hirap akong ito’y maunawaan? Tila hindi mapalagay itong puso’t isipan… At tunay na umasa sa kamalian… Kawalan ay tila tinakasan… Balakid ay aking kinalimutan… Naglakas loob dahil nasasaktan, Ininda ang natatanging kahinaan, At hinarap ang tatlong kalakasan. NAGPARAYA Sa tadhana ako’y nagparaya… Nagparaya na sa kanya’y maging taya, Nagparaya sa kanyang maging tanga, At nagparaya sa larong kayduga. NAGPAUBAYA Nagpaubaya nang natatanging biyaya, Nagpaubayang ang luha ay tumulo sa lupa, Nagpaubayang ang puso ay magambala, At lamunin ng takot sa muling pagkikita. NAGPALAYA Ang huli ngunit kaysakit na aking magagawa, Nang umabot sa puntong ako’y nagpalaya, Nagpalaya kahit nagmistula nang kawawa, Ang pusong nagmahal lamang… ngunit ‘di nakamit ang laya. Kaya’t sa huling pagkakataong ako’y gagawa, Nang aksyong sa salita ko ay aakma, Ay yun ay ang panahong ako ay… Nagparaya, Nagpaubaya, at Nagpalaya.
0
Oct 27, 2020
Oct 27, 2020 at 9:02 AM UTC
"NAGPARAYA,PAGPAUBAYA,NAGPALAYA" (Inspired by Moira's song "PAUBAYA")
Ako'y di pinapatulog ng kalungkutan Laging nakatingin sa kawalan Iniisip ano pa bang kulang Patawad ika'y aking pinagkatiwalaan Akala ko saya'y akin ng makakamtan Ngunit nagkamali ako saking katwiran Isa ka rin pala sa mga taong ako'y iiwanan Todo pa ang galit mo dahil sa kwento kong ako'y naloko Ngunit diko alam isa ka rin pala sa mga ito Ngunit hayaan mo, okay na ako Isinuko kona sa taas ang lahat ng problema ko Magaan na ang loob ko, hindi na mabigat sa puso Dahil alam ko dumating ka bilang isang lesson sa buhay ko Salamat sa pagdating mo ako na'y natuto Pangako huli na ito, isinusumpa ko Ang araw na magtitiwala ako agad sa isang tao Ay hindi na madaling mabuo gaya ng pagkakatiwala ko sayo Dahil ayoko ng mabuhay malapit sa mga taong mahilig manloko Akala mo kung sinong mabait, sya pala tong gago
0
May 6, 2019
May 6, 2019 at 2:32 PM UTC
Kalungkutan