Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"isigaw" poems
Oo. Totoo. Hindi mo na kailangan ipagsigawang mahal mo ako, na aakyat pa sa rurok ng bundok para isigaw ang pangalan ko, at ipahayag ang nilalaman ng damdaming nagsisidhi, sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan na nais kong marinig mula sa mapang-akit **** mga labi. Hindi mo kailangang ibase ang nararamdaman mo sa sinasabi ng ibang tao, dahil hindi natin kailangan ng kanilang opinyon para umibig nang wagas o hanggang sa dulo ng mundo, hindi sila ang dumidekta sa kung sino man ang ititibok nitong puso, hindi natin kailangan ng kanilang opinyon. Hindi. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako na sa lahat ng date na ating mapuntahan ay kailangang pag-usapan ng mga kaibigan mo, o libo-libong litrato ang ipo-post mo, dahil ayaw ko lang mawala ang pagiging pribado ng ating relasyon, sapat na sa akin ang itago mo ang mga litratong ‘yan, at titigan pauli-ulit kapag miss na natin ang isat-isa. Hindi mo kailangang ma-insecure sa iba, hindi ko sila papatulan, hindi ko sila papansinin, hindi kita niligawan nang mahigit isang taon para saktan lang, wala akong **** sa kanila, ikaw ang mahal ko, oo, mahal kita, at tanggap ko kung sino ka, kung anong mayro’n at wala sa’yo, dahil mahal kita. Mahal na mahal, hindi mo kailangang ma-insecure. Hindi. Lahat ng bagay, ay aking gagawin, dahil hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita” sa bawat letra ng mga salitang namumutawi sa aking bibig, hindi ito isang antigong alahas na susuotin lamang sa mga piling okasyon, pagkatapos ay itatago sa kahon, at kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon, mamahalin kita kahit sa ano mang panahon: tirik man ang araw sa pagtawa o kulimlim man ang gabi sa pag-iyak. Mahal kita. Mahal na mahal, at hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita” sa mahal lang kita, kukunin ko ang mga agiw sa ‘yong mga lumang gunita, pilit kong wasakin ang mga pader na nakaharang sa ating dalawa. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, sapat na sa akin ang pagsanay sa sarili sa ‘yong presensya at pagkandili, sapat na sa akin ang pag-intindi mo sa mga kamaliang pilit **** binabayo, mga pagkukulang na pilit **** pinupunan, at sa mga araw na kahit luha ang nalalasap ay patuloy ka pa ring nakahawak sa aking mga kamay at hindi mo ito binitawan. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, pumasok ka sa pinakakasulok ng aking utak, nang mabatid mo ang mga nakasulat, nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip: ililibot kita, sa aking nakaraan, sa aking ngayon at sa aking bukas, ilalahad ang pag-aasam na makatakas sa mga kabiguang natanaw. Sisirin natin ang pinakailalim ng aking puso, dito matatagpuan ang pag-ibig na kailanman hindi mabubura, hindi maglalaho, para sa nag-iisang ikaw. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, hindi na kailangan, dahil alam ko, d’yan sa puso mo, nakaukit rin ang pangalan ko, at ang pag-iibigan nating dalawa, hindi mo na kailangan ipagsigawan pa dahil alam kong mahal mo rin ako. Mahal mo ako. Mahal na mahal.
0
Jul 3, 2016
Jul 3, 2016 at 11:18 AM UTC
Hindi Mo Na Kailangan Ipagsigawang Mahal Mo Ako

Continue reading...
93
Minsan kahit anong ingat mo na hindi matisod at magalusan Darating ka sa puntong babasagin ka ng mundo Hindi mo man malugod na matanggap Kalaunan magpapasalamat ka nalang sa pagkabasag Sa pira-pirasong sariling kelangang pagtyagaang pulutin para mabuo ulit May mga parteng hindi mo na mahahanap dahil hindi mo na makita Iba na kasi ang hugis Hindi ka na tulad ng dati Paniguradong iiyakan mo ang pagkamatay ng sarili **** may makulay na pananaw sa mundong akala mo'y hindi ka kayang saktan Na tila ba'y nakatira ka sa isang palasyong may masugid na taga-silbi At may isang magiting na prinsipe o prinsesang kukumpleto sa kwento mo Sino ba naman ang hindi tatangis kung ang ganitong pangarap ay mawawasak lamang sa isang pitik ng mapanlinlang na pagkakataon o ng isang maling sirkumstansya? May iyak na pisikal May iyak na hindi kayang ihayag ng luha Isang tapang na paimbabaw Pero sa totoo lang, isang kaduwagan Kailangan **** ilabas yan Isigaw mo kung kinakailangan Maglupasay kang parang bata Suntukin mo ang unan Magtapon ka Magbasag ka ng pinggan Ilabas mo Ubusin mo ang lakas mo hanggang ang tanging kaya mo na lang ay umiyak Hanggang ang kaya mo na lang ay ang isang tahimik na pag-iyak Ang pisikal na pagkapagod ang tutulong sayo na magpahinga ng panandalian Ipikit ang pagal na isip Kailangan mo ng katahimikan o ng karamay na may nakatikom na bibig Hindi gagana ang mga pinakamatamis na salita sapagkat manhid ka Bagkus, kailangan mo ng kamay na mag-aampat ng umaalwak na dugo mula sa pagkabasag Banayad na haplos ng pagpapayapa na ang sakit ay lilipas din ngunit sa totoo lang, matagal pa Malayo pa ang tatahakin mo upang makaalpas ka sa sitwasyong ito Ngunit kailangan **** maniwala at dayain ang sarili Para makaligtas sa delubyo ng kalungkutang may kakayahang pumatay ng paunti-unti kung hahayaan mo lang Sa huli, pagkatapos **** malampasan ang mga sandamakmak na sagabal Ang mga dating sugat ay magiging pilat at kalimitan ay nagiging kalyo na lamang Mas titibay ang sikmura **** magtiis at mas tataas ang sukatan mo ng tapang Magtataka ka kung bakit ang mga bagay na dati **** ihinihikbi ay mawawalan na ng epekto sayo Hindi ka naman naging manhid, naging mas matatag ka lang sa pagkabasag na iyon Hindi ka magiging ganap kung hindi mo ito mararanasan Ang katotohanan ay walang taong hindi nabasag ng mundo Dalawa nga lang ang hantungan niyan Ang mabasag ka't itapon o ang mabasag ka't buuin muli?
0
Oct 15, 2017
Oct 15, 2017 at 11:01 AM UTC
80

41
Oo. Totoo. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako na aakyat pa sa Bundok Apo para isigaw ang pangalan ko at ipahayag ang damdamin mo, sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang nais kong marinig mula sa mapang-akit **** mga labi. Hindi mo kailangang ibase ang nararamdaman mo sa sinasabi ng mga tao, dahil hindi natin kailangan ng kanilang opinyon para umibig hanggang sa dulo ng mundo, hindi sila ang dumidekta sa kung sino man ang ititibok nitong puso, hindi natin kailangan ng kanilang opinyon. Hindi. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako na sa lahat ng date na ating mapuntahan ay kailangang pag-usapan ng mga kaibigan mo, o libu-libong pictures ang ipopost mo, dahil ayaw ko lang mawala ang privacy ng ating relasyon, sapat na sa akin ang itago mo ang mga larawang yan, at titigan pauli-ulit kapag miss na natin ang isat-isa. Hindi mo kailangang mainsecure sa iba, hindi ko sila papatulan, hindi ko sila papansinin, hindi kita niligawan ng mahigit isang taon para saktan lang, wala akong pake sa kanila, ikaw ang mahal ko, oo, mahal kita, at tanggap ko kung ano ka, kung anong meron at wala ka, dahil mahal kita, mahal na mahal, hindi mo kailangang mainsecure. Hindi. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, sapat na sa akin ang pag-intindi mo sa mga kamaliang pilit **** binabayo, mga pagkukulang na pilit **** pinupunan, at mga araw na luha ang nalalasap ngunit patuloy ka pa ring nakahawak sa aking mga kamay at hindi mo ito binitawan, kahit pa hintotoro na lang ang iyong nahahawakan pero pilit mo pa rin akong inaangat. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, hindi na kailangan, dahil alam ko, dyan sa puso mo, nakaukit rin ang pangalan ko at ang pag-iibigan nating dalawa, hindi mo na kailangan ipagsigawan pa dahil alam kong mahal mo rin ako. Mahal mo ako. Mahal na mahal.
0
Jun 1, 2015
Jun 1, 2015 at 3:01 AM UTC
Hindi Mo Kailangan Ipagsigawang Mahal Mo Ako

70
Ako'y may problemang pag-ibig Puso nya'y di ko maantig-antig ano ba ang magpapatibok Sa puso **** di ko matarok tarok Nais kong isigaw ang aking himig At ipadama lahat ng aking ibig Tanging ang aking bibig Ang makapagsasalaysay Ng mga isinulat ko sa sanaysay Na naglalarawan sa iyo Pagkat ikaw ang pinaka maginoo
0
Sep 2, 2015
Sep 2, 2015 at 11:46 AM UTC
Ako'y may problema
Oo. Totoo. Hindi mo na kailangan ipagsigawang mahal mo ako,na aakyat pa sa rurok ng bundok para isigaw ang pangalan ko,at ipahayag ang nilalaman ng damdaming nagsisidhi, sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan na nais kong marinig mula sa mapang-akit **** mga labi. Hindi mo kailangang ibase ang nararamdaman mo sa sinasabi ng ibang tao,dahil hindi natin kailangan ng kanilang opinyon para umibig nang wagas o hanggang sa dulo ng mundo, hindi sila ang dumidekta sa kung sino man ang ititibok nitong puso, hindi natin kailangan ng kanilang opinyon.Hindi. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako na sa lahat ng date na ating mapuntahan ay kailangang pag-usapan ng mga kaibigan mo, o libo-libong litrato ang ipo-post mo, dahil ayaw ko lang mawalanang pagiging pribado ng ating relasyon,sapat na sa akin nang itago mo ang mga litratong ‘yan,at titigan pauli-ulit kapag miss na natin ang isat-isa. Hindi mo kailangang ma-insecure sa iba, hindi ko sila papatulan,hindi ko sila papansinin, hindi kita minahal nang mahabang panahon para saktan lang, wala akong pake sa kanila, ikaw ang mahal ko, oo, mahal kita, at tanggap ko kung sino ka, kung anong mayro’n at wala sa’yo,dahil mahal kita.Mahal na mahal, hindi mo kailangang ma-insecure.Hindi. Lahat ng bagay, ay aking gagawin, dahil hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita” sa bawat letra ng mga salitang namumutawi sa aking bibig,hindi ito isang antigong alahas na susuotin lamang sa mga piling okasyon,pagkatapos ay itatago sa kahon, at kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon, mamahalin kita kahit sa ano mang panahon: tirik man ang araw sa pagtawa o kulimlim man ang gabi sa pag-iyak.Mahal kita.Mahal na mahal, at hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita” sa mahal lang kita,kukunin ko ang mga agiw sa iyong mga lumang gunita,pilit kong wasakin ang mga pader na nakaharang sa ating dalawa. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, sapat na sa akin ang pagsanay sa sarili sa ‘yong presensya at pagkandili,sapat na sa akin ang pag-intindi mo sa mga kamaliang pilit binabayo,mga pagkukulang na pilit pinupunan, at sa mga araw na kahit luha ang nalalasap ay patuloy ka pa ring nakahawak sa aking mga kamay at hindi mo ito binitawan. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, pumasok ka sa pinakakasulok ng aking utak, nang mabatid mo ang mga nakasulat, nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip: ililibot kita, sa aking nakaraan,sa aking ngayon at sa aking bukas, ilalahad ang pag-aasam na makatakas sa mga kabiguang natanaw. Sisirin natin ang pinakailalim ng aking puso, dito matatagpuan ang pag-ibig na kailanman hindi mabubura, hindi maglalaho, para sa nag-iisang ikaw. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, hindi na kailangan, dahil alam ko, d’yan sa puso mo,nakaukit rin ang pangalan ko,at ang pag-iibigan nating dalawa, hindi mo na kailangan ipagsigawan pa dahil alam kong mahal mo rin ako.Mahal mo ako. Mahal na mahal.Sana Nga'y mahal mo pa ako! Mahal mo talaga ako.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:25 PM UTC
HINDI NA DAPAT IPAGSIGAWAN PA

43
#030317 Oo, totoo -- Hindi mo na kailangang ipagsigawang mahal mo ako, Na aakyat pa sa tuktok ng bundok Para isigaw ang pangalan ko, At doo'y ihayag ang nilalaman Ng damdaming nagsisidhi, Sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan. Mahal kita -- Sabi nila, lahat ng panimula ay may pangwakas Pero hindi ko mahagilap sa anumang libro Kung may katapusan nga ba ang mga salitang yan. Sa bawat letrang namumutawi sa aking bibig, Hindi ko alam kung matatapos ba Ang pagkatha ng puso ng sarili nitong lenggwahe ng "mahal kita" Pagkat hindi ito isang antigong alahas Na susuotin lamang sa mga piling okasyon, Pagkatapos ay itatago sa kahon, At kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon. Sabi sa kanta, "Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga" Pero ang sabi ko nama'y Tirik man ang araw sa pagtawa O kulimlim man ang gabi sa pag-iyak, Hindi ako mauubusan ng dahilan Para mas mahalin ka pa. Mahal, kaya ka pala mahalaga At kaya pala mahalaga -- Ngayon, ngayo'y alam mo na. Kukunin ko ang mga agiw Sayong mga lumang gunita, Pilit kong wawasakin ang mga pader Na hindi akmang pumagitna sa'ting dal'wa. Sa paulit-ulit **** pagsambit, Noo'y natakot akong maglaho ang halaga nito Natakot akong bawiin ng bukas ang bawat sinasambit mo Pero ngayon, mas pinili ko nang masanay -- Masanay sa bawat pagbigkas mo Kahit pa sabi ko noo'y ayoko Kahit pa gusto kong itanggi Kahit pa gusto kong limutin. Pero oo, sapat na sakin ang tiwala mo Sapat na sakin ang pag-intindi mo Minsa'y di ko maintindihan sa telepono, Minsa'y di ko malinaw sa pandinig ko Pero alam ng puso ko: Narinig ko. Sa mga kamaliang pilit nating binabayo, Mga pagkukulang na pilit nating pinupunan, At sa mga araw na kahit luha ang nalalasap, Doon ko nakitang kaya pala -- Kaya pala nating magpatuloy Sa paghawak sa kamay ng bawat isa At kahit pa malayo sa isa't isa'y Ikaw at ikaw pa rin ang pagsinta. Minsan di'y nagtanong ako, Ba't hindi ka na lang naunang masilayan ang mundo? Bakit kailangang hintayin pa kita? Bakit kailangang masaktan muna bago matugunan ang pagmamahal? Ba't nga ba minamahal kita? Mapupuno ako ng bakit Pero itatapon ko ang mga ito, Ayoko nang malunod sa pangambang Paggising ko'y baka muli ka na namang maglaho O baka malimot ng isa sa atin Ang iniingatang "mahal kita" Tatalon ako sa walang kasiguraduhan Tatalon ako -- Oo, alam kong nahuhulog ako Nahuhulog sa walang katapusang "Mahal kita." Hindi ko gamay ang misteryo nito Hindi ko mabatid ang mga nakasulat, Mga nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip: Pero ililibot kita, Sa aking nakaraan, Sa aking ngayon At sa aking bukas -- Pagkat hindi tayo nabigo Ayokong biguin ka. Kailanman hindi mabubura, Hindi maglalaho Para sa nag-iisang ikaw. Sana magkusa ang araw sa pagbangon, At bukas makalawa'y maririnig ko na Ang hinihintay kong "Mahal kita."
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 9:46 PM UTC
Walang Tuldok ang "Mahal Kita"

86
Napapagod ako. Pagod na pagod. Bakit ka masasawi kung ikaw naman ay minamahal ko ng tangi? Nasasabik na akong hagkan kang muli at sa bawat ngiti ay ikaw ang sanhi. Napapagod ako. Pagod na pagod. Pagod na akong matanaw kang bumubulong sa hangin na para bang hindi ko naririnig. Napapagod ako. Pagod na pagod. Pagod na itagong mahal nga kita. Dahil ako, mahal kita, noon, noon, hanggang ngayon. Napapagod ako. Pagod na pagod. Pagod na akong makita at makasama ka sa panaginip ko lamang at sa bawat kanta'y ganda mo'y naaalala. Napapagod ako. Pagod na pagod. Pagod na umasang maaaring may tayo. Pagod na baka tanggihan mo ang pagmamahal ko. Napapagod ako. Pagod na pagod. Pagod na akong isigaw ang ngalan sa mga bituin. Pagod na akong tawagin ka upang punan ang pagkukulang na nadarama. Napapagod ako. Pagod na pagod. *Pagod na kung kailan, ibig na kitang mahalin, ang puso mo'y itinatago na sa akin.*
0
Oct 23, 2015
Oct 23, 2015 at 8:33 AM UTC
Napapagod Ako
Umiiyak ang dilag nang walang patid Kasama ang dugo at basahan sa sahig Nais kong mabatid Ano ang nagdulot sa nadaramang sakit? Binunyag ng kanyang mga mata Walang puknat na pagsisisi ni isa Hindi na alam kung ligaya ba o pighati Dahil ngayon alam niyang tapos na ang lahat Pakiwari niya Natutulog na ang mga alon Noon siya ay nilulunod  Naghuhumiyaw na damdamin puno ng hinagpis Gusto niyang isigaw sa hangin Ngayon kailangan na niyang linisin Niyurak na pagkatao dahandahan bubuuin Pinira-piraso Ngumiti siya na para bang payaso Isinilid niya sa sako Kahit gusto man niyang maglaho Ang amoy nitong mabaho Nanatili pa rin sa damit niya Parang bang tumitiling aso Sinuyod ang masukal na gubat Tinunton ang malalim na balon Puno na ng lumot  Doon niya inihulog Ngayon basahan ng mga kumot At ang bangkay ng ama Kasama ng kaluluwa niyang Hinalay nang walang awa -Tula VI, Margaret Austin Go
0
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 7:07 PM UTC
Tula VI
una sa lahat marami akong katanungan lalo na sa araw ng iyong pag iwan kahit isang taon na ang nakalipas ako parin ay nalilito tuwing sasambitin ko ang iyong pangalan ako'y nanlulumo aking napagtanto kung ang iyong ani saakin ay totoo totoo nga ba ang lahat at minahal moko ng husto? isa pang katanungan, bakit moko ginaganito? hindi pa nga tayo sa gitna, bakit natapos na agad ang kwento? bumalik sa aking isipan ang bawat salitang iyong nasambit isa doon ang iyong inalay  na "mahal ko ito'y isang awit" ngunit isang araw ako'y nakaramdam ng kaba sa dibdib animo'y malayo pa lamang ay akin ng narinig inalayan ko ang aking bisig, sa sobrang lakas ng iyong tinig hindi ko alam kung sa paraang ito, pinapakita mo ang iyong pag ibig gusto kong isigaw ang aking himig at ipadama lahat sa aking bibig. ako'y tumakbo ng tumakbo ng di alintana ang paligid. gusto kitang gisingin o idaan lahat sa panaginip bakit mahal ko, umuulan naman aking mga mata ikaw naman ang dahilan kung bakit ako ay nagdurusa bigla akong pumikit at tiniis ang sakit ngunit sa aking pag gising kailanman hindi mawawaglit ang lahat ng mga salitang iyong nasambit.
0
Jul 28, 2017
Jul 28, 2017 at 9:22 AM UTC
❝mga salitang iyong nasambit❞
sayaw, Eriko isayaw mo lahat ng sinabi niyang “mahal kita” na pakiramdam mo’y totoo nung mga panahong umaalis kayo ng isang araw kada-linggo kasi dinadayo ka pa niya sa Maynila sayaw, Eriko iindak mo at isigaw mo sa mikropono ang pabulong niya pa noong unang sinabi, “ako na lang, iingatan naman kita” sa maulan na gabi na ‘yun noong iniiyakan mo pa ang mga pangyayari na kinagigitnaan mo isayaw mo, Eriko itawa mo lang ang sinayaw niya sa sala mo noong gabi na ‘yun mashed-potato lang kuno ‘di ba? halakhak, napamahal ka sa mukha niyang parang pinigang tuwalya noon hindi naman siya guwapo gaya ng lagi niyang sinasabi umaray ka, Eriko nasipa ka ng katabi mo, pero naalala mo lamang ang mga oras na nagsisipa ka ng bato sa Makati habang naglalakad kayo, at kinukwento niya ang pamumuhay niya noon sa malayong lugar, pawis na pawis kayo pero ngiti niyo’y abot langit talon, Eriko palakpak ilang buwan na rin ang lumipas noong huli kayo nagkausap binati mo siya ng maligayang kaarawan, kahit ang araw mo nun ay malayong-malayo sa maligaya, kapos sa saya, kapayapaa’y nahahanap mo lamang pag nandiyan ang barkada kalma, inom ng tubig, Eriko, kawayan ang bote ng alak, pero huwag kang lalaklak hinga, ipanalangin mo na lang na siya’y maging masaya, dahil alam mo naman na iyon ang tama.
0
Mar 29, 2021
Mar 29, 2021 at 9:24 AM UTC
Sayaw, Eriko (Tagalog)
dilaw na dyaket ang suot mo noon habang ako ay nananahimik hindi makaimik at pinagmamasdan ang bawat sinag ng dapithapon na sinasala ng kinulayang bintana kung saan ay sa aking mga mata na ngayon lamang nakakita ng ganda ay biglang napatunganga dilaw na dyaket ang suot mo noon at ang unang naitala sa listahan ng mga napuna ng aking mga mata at biglang napatunganga na nga nang dahil sa bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket **** naisipang ipakita sa silid ng mga kaluluwa mga kaluluwang akala ko ay mabibigyan kong buong pansin ngunit heto, napatitig na rin ako'y napatitig na rin napatitig sa dilaw na dyaket mo at hindi ko mawari kung paano pero ang dilaw na dyaket **** nakabalabal sa iyong kay liit na katawan ay humihila pababa sa iyong mga balikat nakakibit hindi man lang kayang mapaakyat ang iyong pagpapakalálo napapaliit ang tikas ng iyong pagkatao hindi ko rin mawari kung paano pero ang dilaw na dyaket mo ay para bang napabalabal na rin sa akin at mula noon, ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng aking puso ay handa nang aminin na ikaw ay naging isang anghel ang dilaw na dyaket mo ay naging iyong halo at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa nito ay naging mga pakpak mo at ikaw ay naging isang anghel ika'y naging anghel sa aking isipan marikit na imahe sa aking kaloob-looban munting sigaw sa buong kalawakan o, munting anghel ko, nais ko na sanang isigaw: nakikita mo ba? nakikita mo ba kung paano kita nakikita? nakikita mo ba kung paano kita sinasamba? nakikita mo ba kung paano kita sinisinta? oo, sinisinta, dahil munting anghel ko, o, mahal kita mahal kita, o, munting anghel ko mahal kita at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng iyong pagkatao mahal kita at ayaw kong manatili ka lamang sa isipan ko mahal kita at nais kong ako ang magpabalabal sa iyong puso at nais kong ako ay maging iyo at nais kong mahalin mo rin ako ngunit, o, munting anghel ko, natakot ako natakot ako na kung ilalahad ko ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo ay huhusgahan mo ako kung hayaan kong buksan mo ang aking mga pinto ay matatakot ka nang makita mo ang nilalaman nito kung ipakita ko sa iyo ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso ay magugulat ka at lilisanin mo ako kaya heto, ang munting anghel ko ay nanatili sa isipan lamang ang marikit na imahe ko ay nanirahan sa kaloob-looban lamang ang munting sigaw ko ay naging bulong lamang isang bulong na nagsasabing: o, munting anghel ko, mahal kita, o, munting anghel ko, pangarap kita, ngunit, o, munting anghel ko, natatakot akong sa piling mo'y ako'y madulas at tuluyang mawala ka. maroon na dyaket ang suot mo kanina noong ako ay naarawan ng sikat ng umaga at ng tawa ng ilang mga kahalubilo't kasama at naroon sa gitna ng aking sariling mga tawa ay nakita kita ngunit may kasamang iba at siya'y ika'y inakbayan at ika'y siya'y nginitian at ako'y napaisip nang biglaan kayo ba? kayo ba? kayo ba? napakwento ang kaibigan ko: alam mo ba, ganun na nga sila na magdadalawang-linggo na. hindi naman sa nasaktan ako pero parang ganoon na nga. hindi naman sa napatigil bigla ang tibok ng puso ko pero parang ganoon na nga. hindi naman sa nadurog ako nang mapansin ko na ang sukat ng maroon na dyaket mo ay mas sakto sa iyo at hindi niya nahihila pababa ang iyong buong pagkatao at siguro ito ay dahil siya ang kasama mo at hindi ako kaya para bang siya na ang nakabalabal sa iyong puso at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng kaniyang puso ay napaibig na sa iyo— pero parang ganoon na nga. ganoon na nga dahil kayo na nga kayo na kayo na kayo na. ganoon na nga dahil siya ang kasama mo hindi ako hindi ako hindi ako. siguro kung hindi ako natakot siguro kung hindi ako natakot na ilahad ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo ay hindi ka na mananatili lamang sa isipan ko siguro kung hindi ako natakot na hayaang buksan mo ang aking mga pinto ay mapapabalabal ko na ang iyong puso siguro kung hindi ako natakot na ipakita ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso ay ako na'y magiging iyo siguro kung hindi ako natakot na madulas sa piling mo ay mamahalin mo na rin ako ngunit ayan na nga, o, munting anghel ko, natakot ako at ayan na nga, o, munting anghel ko, lahat ng ito ay hindi ko na nasabi sa iyo at ayan na nga, o, munting anghel ko, baka tuluyan nang mawala ang dilaw na dyaket mo sa buhay ko maroon na dyaket na ang suot mo ngunit ang dilaw na dyaket mo pa rin ang nakatatak sa isipan ko at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket mo ay nakabalabal pa rin sa aking puso aking puso na nadurog, at patuloy na nadudurog hanggang ngayon nang dahil sa dilaw na dyaket na suot mo noon dahil sa dilaw na dyaket na suot na ng iba ngayon
0
Feb 9, 2020
Feb 9, 2020 at 11:47 PM UTC
Dilaw na Dyaket

115
May mukha ba ang pag-ibig? May boses ba siya? Yung may arok na isigaw ang nadarama Yung patas ang silakbo ng damdamin. May mga paa ba ang pag-ibig? Na kayang lakbayin maging siglo na ang usapan Yung walang kapagalan sa kabila ng distansya. May hangganan ba ang pag-ibig? May pinipili ba? Sa gintong kutsara at sa nagdarahop At maging uhaw sa pagkalinga. Buo ba ang pag-ibig? O hindi sapat na umiibig lang? Dapat bang manlimos ng kapalit? Ang pag-ibig Tila nga lumang salita Tila nga may anino sa bawat madla Bagkus, ito'y patapong ibinabahagi. Nasaan nga ba ang halaga? Kung mismong mga kataga'y Nawawalan na rin ng sariling katauhan Kung saan ang mensahe'y gumagapang na Pag-ibig nga naman.
0
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 10:28 AM UTC
The Love Challenge
Gusto ko sanang hilingin sa mga bituin na ibalik ka sa akin isigaw sa buong kalangitan kung gaano ako nasasaktan Habang ibinubulong ng mga butil ng luhang pumapatak mula sa mga mata ko ang pait ng katotothanang patuloy pa rin akong umaasang tulad ko’y umaasa ka pa rin umaasang maibabalik pa natin ang dati. Gusto ko sanang maniwala sa mga mumunting tinig Ng mga kulisap, sinasabing “ayos lang yan, magiging ok din ang lahat.” Na sa bawat lipad ng mga alitaptap Dala ay liwanag na magbubukas sa kinabukasang Tayo pa rin hanggang sa hinaharap. Gusto ko sanang umasa At huwag mapagod sa mga panalanging Bukas pag gising ko’y ikaw na ang nasa tabi Na ang mga walang kasing tamis **** ngiti ang sasalubong Sa akin mula sa akala kong walang katapusang bangungot Ng sakit at pighati. Gusto ko sana Gusto ko Gustong gustong gusto ko Na sanang mawala lahat ng sakit Lahat ng poot Lahat ng pag aalinlangan Lahat lahat Pati na ang mga alalang Pilit nagsususmiksik Sa kaibuturan ko Mga alaalang naging mitya ng kahapon At naging hudyat ng ngayon Ang bagong ikaw at ako Na minsang naging tayo. Mga alalang naging dahilan… Gusto ko Gustong gustong gusto ko ng Kalimutan siya. Sorry. Pero hindi ko pa rin pala kaya.
0
May 5, 2016
May 5, 2016 at 11:28 AM UTC
gusto ko...sana
Ang haplos ay malamig di man naninigas nanatili walang kibo Sa paghagok ay naninibago -walang malay parang nag-iidlip Isigaw ang pangalan ng mga santo, patron at lalo na  ng Diyos -magbigay pugay Ang pulso muna ay hanapin mula ulo hanggang binti Ginto at pilak, walang katumbas Ang hinirang na anak Niya'y di kinalimutan Parirala ng buhay ay papintig-pintig sa ibang dimensyon na ng daigdig Tuldukan ang kasulatan sa Libro ng mga Buhay Sapagkat buhat-buhat ang maputlang kamay Sa kuko matatanto habang nakaratay Nagiginawan pati ang laman na nasa hukay Libu-libong ektarya ang pagpapasyalan Maraming kakaibiganin maging sinuman Nakikipagkapalagayan ng loob ang lahat-nagpapatawad Pagbubuklodin ng pagsinta Nililok ang estatwa sa dibdib ay namalagi Paalalang ipirmi, di iwaksi Samut-saring emosyon ng dilim ang ginamit sa pag-ukit
0
Dec 14, 2018
Dec 14, 2018 at 6:20 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #10
Dilaw na sinag ang bumungad sa aking kamalayan Habang sumasayaw ang ulap sa bintana Umaawit ang electric fan kasabay ng mga mumunting ingay sa labas ng kwarto Kailngan maghanda dahil ngayon ay mas espesyal pa sa nagbabagang balita sa radyo. Almusal ligo toothbrush bihis na daig pa ang artista sa telebisyon Beso beso, kamayan, tawanan, yakapan, galak, sa mga taong namiss mo noon Preparado ang lahat, nakisama ang panahon Kakausapin ko si Ama na may buong buong desisyon Naguumapaw sa saya na may kasamang kaba Asan na pala sila? Anong oras na ba? Hanggang sa nagsimulang umawit ang mga anghel Isa isang lumakad ang saksi na may kanya kanyang papel Hakbang pakaliwa, hakbang pakanan, onti na lang malapit na Hanggang sa matunton ko ang harapan, naku eto na, kumapit ka Tila nanahimik ang paligid, nakatuon lahat sa nagiisang pintuan Hanggang sa bumukas at lumantad ang nagiisang kasagutan Liwanag. Oo sya ang aking liwanag. Dahan dahan papalapit, upang akoy mapanatag Kislap ang nangingibabaw sa buong kaharian Untiunting pagpatak ng luha sa galak namasdan Napakagandang nilalang, ang nagiisang dahilan Kung may araw sa umaga, sa gabi sya ang buwan Pagkahawak ko sa kamay sabay hinagkan Ngayon naririto kana hindi kana papakawalan Susumpa na animoy umaawit sa pinakamasayang pagkakataon Pagkakataon na tila munting bata na naglalaro sa papalakas na ambon Anong oras na? Alam kong alam mo na Kung paglagay sa tahimik ang tawag dun, ang sagot isigaw mo na Dahil bukas ay di na ko mangangarap pa Bagkus ang bawat bukas ang hanganan para mahalin kita Oras na ang nagbilang para mahanap natin ang isat-isa At kung nagsimula man ang bilang sa isa, magtatapos ang lahat sa labi-ng-dalawa Written: 08/01/2014
0
Aug 3, 2017
Aug 3, 2017 at 8:30 PM UTC
Anong oras na?

33
Sa pagkagat ng dilim Ibinulong ko sa iyo ang nililihim Patagong ipinaaalam sayo Dahil gustuhin ko man isigaw kahit malayo Hindi ako pwedeng magpadalos dalos Dahil kagay nga ng sinabi ni Rommel Pamaos Ang pusong ito na akin Mahirap na kung ito lamang ay iyong pisil pislin Lalo na't di mo naman bibilhin At wala kang balak mahalin Kaya hanggang dito na lamang Ang puso kong nagaabang Naibunyag ko na naman na sayo Mula man sa malayo Ang mga sikretong itinatago Ng aking mumunting puso
0
Feb 18, 2017
Feb 18, 2017 at 9:32 AM UTC
Nakatago~
PWEDING MALA SUTLA O MAGASPANG NA TELA, GANYAN ANG MGA ALA-ALA, MINSAN MALALA MINSAN NAWAWALA. MGA PAGTITIWALA AT PANINIWALA, LAHAT AY DAPAT NA MASALA, GANITO HINAHABI ANG HIBLA NG MGA ALA-ALA, PARA MERON KANG MAPALA. NAGBABAG ANG DALAWANG KUMAG, MGA KUTONG LUPA NA PURO HAMPAS LUPA. HAMBUGAN ANG DAHILAN NG UMBAGAN, PAREHONG DUGUAN MATAPOS ANG BUGBUGAN, ITO ANG HIBLA NG KABATAAN. SA ESKUWELA KAILANGAN MO RIN MAGING MAKUWELA, KUNG AYAW **** MAGMUKHANG GUMAMELA. HINDI LAHAT NG MATALINO AY PINO, MERON DIN MAASIM NA PARANG PIPINO, AT HINDI PORKE BOBO AY PARA NG LOBO, GANITO ANG BUHAY ESTUDYANTE. UMIIBIG HABANG UMIIGIB? PWEDE NAMAN SABAY, DEPENDE SA ARTE, KAILANGAN LANG NG DISKARTE. WALA PANG INTERNET SA TINDAHAN NI ALING NANNETH, WALANG CELLPHONE PERO MAY MEGAPHONE, PWEDE **** ISIGAW NA MAHAL MO S’YA. KUNG MALUPIT KA EDI LUMAPIT KA, KUNG TORPE KA EDI SUMULAT KA. GANITO ANG LABANAN NOONG WALA PANG FB AT CP, HIBLA NG KASIBULAN. GRADUATE NA, KAYA TRABAHO NA, APLAY DITO APLAY DOON, WALANG HUMPAY ANG PAGSISIKAP. HAPAY-KAWAYAN, KAHIT SAAN SUMASAMPAY. HIBLA NG BUHAY EMPLEYADO. TILA ITLOG NA ESTRALYADO NANG MAGING PAMILYADO. PAKIRAMDAM KO BUO NA AKO, SINTAMIS NG KAHEL ANG DULOT NG DALAWANG ANGHEL, ITO HIBLA NG KASALUKUYAN.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:57 AM UTC
MGA HIBLA NG ALA-ALA
. Bangon na! Mula sa kahimbingan Isigaw sa lahat, papel ng maralita Ang bawat dahon - mantsa't duguan Bagama't hindi rito ang Panimula Malayo pa sa Katapusan. . © Frederick Kesner. All Rights Reserved.
0
Nov 26, 2010
Nov 26, 2010 at 4:00 AM UTC
Bangon, Filipino
Hindi ako susuko patuloy akong titindig at lalaban. Sa kabila ng mga kabiguan mananatili akong nakatayo, hindi na ako muling luluhod upang humingi ng awa sa diyos. Malungkot man ang aking pinagdaanan, kahit hindi naging masaya ang aking kabataan hindi ako manghihina at mawawalan ng pag-asa. Hindi ako mayaman hindi ako tanyag hindi rin ako makapangyarihan ako ay isang hamak lamang. Subalit natuto ang puso ko na maging matatag kaya't hindi na ito muling susuko. Wala na akong Bathala na sinasamba hindi na ako malilinlang ng mga hangal na lider ng relihiyon na nagbabanal-banalan at naglilinis-linisan. Tangan ko sa aking mga kamay ang aking kapalaran. Mas lalo akong hindi magpapa-uto sa mga mapagsamantalang pulitiko na nagsasalita ng puro katangahan para silang mga lata ng sardinas na walang laman. Hindi ako padadaig ilang beses man ako bumagsak, hindi dadaing at magpapalimos ng habag; hanggat tumitibok ang puso ko hindi ako patatalo sa bigwas ng malupit na buhay. Hindi ako natatakot na sabihin ang laman ng isipan ko, hindi ako mangingimi na isigaw ang nilalaman ng aking dibdib. Pag-uusig at pagkutya ay laging naka-abang parang halimaw na nagkukubli sa dilim ano mang sandali ay handang sumalakay. Hindi n'yo man ako tanggapin ay wala akong pakialam ako'y ako at mananatiling ganito hanggang sa buhay ko ay mapatid.
0
Nov 7, 2017
Nov 7, 2017 at 2:38 AM UTC
AKO'Y AKO
Mga sulat kong tula Mga sukat at tugma Hindi ba tumatak sayo sinta Mga gawa kong tula? Na sa iyo lamang ilalathala Mga maririkit na salita Mga nagtutugmang salita Hindi ka ba kinilig aking sinta? Hindi ba tumatak saiyong isipan mahal kong dalaga? Mga nakaka kilig na banat Bakit parang walang tama Sa iyong isipan at puso na dun naman patungo ng mga salitang pinagisipan ng tamang sukat at tugma Nakukulangan ka ba Kailangan bang deretsuhin ko na? Okaya isigaw ko pa? Na mahal kita sinta? Walang halong biro Dahil nahulog na sayo Kaya nung iniwasan mo na ako Parang nasa burol, napakatahimik ko Para bang nagluluksa ang sarili ko Nawalan ng ngiti ang labi ko Umaasa parin na tumatak sayo Sinta ikaw lamang gagawan ng obrang ganito Dahil nakakaiba ka sa ibang mga dalaga mahal ko Kaya lahat ng itong sukat at tugma Mga obrang pinagisipan ng mahaba Kahit ayaw mo na, sayo parin ilalathala.
0
Mar 1, 2020
Mar 1, 2020 at 4:39 AM UTC
Tumatak
Paano ko kalilimutan ang taong hindi naging akin? Mayroon bang off-switch na pwede kong pindutin? Gusto kong sabihin sa sarili ko "tama na! huwag ka na umasa!" Pero bakit nasa larawan mo pa rin ang aking mga mata? Paano ko kalilimutan ang matang hindi ako tinignan? Mga matang mapupungay at kaysarap pagmasdan Kung pwede lang pumikit, tapos pagkadilat ay wala ka na Para tumigil na ako sa walang humpay na pagluha. Paano ko kalilimutan ang mga ngiting ubod ng tamis na iginuhit ng mga labi **** tila seda sa nipis? Gusto kong isigaw kung gaano kita iniibig! Ngunit kung sarado ang tainga mo, paano mo ako maririnig? Marahil sasabihin mo, OA na ang tama ko hindi ko pa kilala, pero ang drama ko ay ganito Kasalanan ko bang umasa na ang mga daan namin ay magtatagpo lalo na kung alam kong andyan lang siya sa kabilang kanto? Paano ko tatalikdan ang pusong hindi naangkin? May bukas pa ba na nakalaan para sa atin? Kailangan ko na bang itigil ang kahibangan kong ito? Natatakot ako sa sagot, dahil madudurog lang ako.
0
Jan 28, 2016
Jan 28, 2016 at 2:49 AM UTC
Paano?
Kahit anong pilit kong kalimutan ka, ang iyong mukha ay sumasagi pa rin sa tuwi-tuwina. Kahit anong pilit kong alisin ka sa alaala, ang iyong presensiya ay naroroon pa rin at ginugunita. Mapaninindigan kong iwasan ka at hindi na Makita, Mahihindian kong sumama sa barkada kung naroroon ka, Ngunit bakit sa tuwing ako ay nag-iisa ay pinananabikan ka, nagbabakasakaling ako ay mapansin, kumustahin at ngumiti ka. Ganito na lamang ba palagi ang aking nararamdaman? Sa tuwing sasapit ang Pebrero, manghihina na naman ang aking katawan? Babalik na naman ang kahapon nating mga nagdaan at ipapaalala nito sa akin ang pag-ibig nating wala palang hangganan? Tititigan ko na naman ang mga magsing-irog sa kalsada. Maiinggit ang puso ko sa kasiyahan ng kani-kanilang mga mata. Magpupuyat na naman ako sa kakaisip kung bakit ako ay nag-iisa, Hahanap-hanapin ang dahilan kung bakit tayong dalawa ay nagkalayo na. Gustong isigaw ng isip ko na nakalimutan na kita at burang-bura ka na sa aking masasayang alaala. Ngunit, bakit sa tuwing Araw ng mga Puso ay nagpapakita ka? Bumibilis ang tibok nitong puso kapag ikaw ay napapangiti pa. Pilitin ko mang iwaksi ka sa aking isipan, Sunugin ko man ang mga alaala ng ating nakaraan, O hindi puntahan ang mga dati nating tagpuan, Pagmamahal ko sa iyo ay uusbong at hindi ka kakalimutan!
0
Feb 11, 2018
Feb 11, 2018 at 4:22 PM UTC
Araw ng mga Puso
Isang gabi ika'y narinig hikbi **** ni isa'y walang nakaririnig tila luha mo'y di nila batid bawat pag susumamo'y tainga nila'y nakapinid bawat umaga mo'y kawalan ng pag-asa kitilin sariling buhay lagi mo nang panata paanong nangyari ika'y nakaalpas sa mga mata ng mga mapanirang nilalang sinong lumapastangan sa bata **** isip? sinong lumason, dahilan ng iyong paghihirap? sinong may pakana? isigaw mo at ituro! ilantad at iluluklok sa trono ng kamatayan! maghanda sila sapagkat araw nila'y darating na mapapawi na rin yaring luha sa iyong mga mata pagbabayaran ang pagka ganid sa mura **** katawan itatarak ang kutsilyo ng kasamaan, pabalik sa lugar na kanilang pinagmulan.
0
Nov 12, 2017
Nov 12, 2017 at 7:37 AM UTC
Biktima
Nung ika’y umalis at lumisan At ako’y iwanan ng tuluyan Tanging sinabi sa sarili ko Kaya ko ‘to Nung nalamang ika’y nag-iisa At ako’y pilit na nagpapakasaya Sambit ng pusong nagpapalakas Kaya ko ‘to Nung bawat sakit ay pilit bumalik Bawat pagkukulang at bawat pasakit Tinibayan ang loob at sinabing Kaya ko ‘to Nung sumagi sa isip ang bawat alaala Sa bawat ngiti at bakas ng ligaya Pilit kong pinagiisipan Kaya ko ‘to? Nung ika’y hinahanap ng puso Sinisigaw sa bawat pintig nito Naguguluhan na ako Kaya ko ba? Nung nakikita kang masaya sa iba At sinampal sakin ang katotohanang Hindi ka na babalik pa Kaya ko pa ba? Nung napagtanto na ika’y mahal pa At sakin ay ayaw kang mawala Gusto kong isigaw sa mundo Hindi ko kaya ‘to Nung sa’yo ay nagsusumamo Nakikiusap na muling maging tayo Ngunit tuluyang binitiwan na ako Hindi ko na kaya ‘to Nung ika’y masaya na sa kanya At ako’y nilimot sa pag-iisa Tanging lumabas sa aking paghinga Ayoko ng ganito Ngayong tuluyan ka nang nawala Bakas mo ay pilit hinuhugasan Ngayon ko dapat isiping “Kaya ko ‘to” Sana’y makabangon na sa aking pagbagsak Tumungkod sa sariling mga paa at ituloy ang landas Pilit pinapaalala sa pusong nasawi Kakayanin ko ‘to Babangong muli sa bagong umaga Gigising sa katotohanang wala ka na Lalakad ng mag-isa kahit masakit Lahat ng ito’y pilit kakayanin
0
Sep 17, 2017
Sep 17, 2017 at 12:55 PM UTC
Kaya ko
Hindi lahat tayo, may dugong maharlika. Hindi lahat tayo, iisa ang sinasamba. Hindi lahat tayo, nais nang pantay na pag-asa. Hindi lahat tayo, malinis at inosente tulad ng isang maya. Batid kong alam mo, kung saan ka pupunta. Batid kong alam mo, kung mayroon ka pang pag-asa. Batid kong alam mo, kung sino ang nararapat sa kanila. Si Juan, Si Pedro ba? O ang mapanlilang na si Luna? Bagay na alam mo, pero nagbubulag-bulagan. Mga maling turo, gawaing kinakalawang. Kahit na may boses, nagdadalawang isip lumaban. "Maririnig ba ako?", yan ang laging tanong mo kaibigan. Mahirap nang sabihin, di pa kayang panindigan. Mga bakal na kamay at piring na ginto sa karamihan. Madalang na may tumayo, at isigaw ang prinsipyo ni Juan. Hanggang dito na lang ba? Ang laban natin kaibigan.
0
Feb 18, 2019
Feb 18, 2019 at 2:05 AM UTC
Kung ang Sagot ay Tanong Din