Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"isang" poems
(On love by Kahlil Gibran ; A Translation) Kung magkataon na tawagin ka ng pag-ibig, sumunod ka, Kahit pa ang daan niya'y mahirap at matarik. At kung yakapin ka ng kanyang mga pakpak ay magpaubaya ka, Kahit pa ang mga punyal na nakatago sa kanyang mga balahibo ay kaya kang sugatan. At kung mangusap siya sa iyo ay maniwala ka, Kahit pa ang kanyang tinig ay kayang durugin ang iyong mga pangarap Tulad ng pagsira ng hanging habagat sa mga halamanan. Sapagkat kung paano ka parangalan ng pagibig ay ganoon ka din niya ipapako sa Krus. ‘Pagkat kahit pa siya'y para sa iyong paglago ay ganun din siya para sa iyong pagka-bulok. Kahit pa pinayayabong ka nito sa iyong pinaka-mataas at hinahaplos ng liwanag nito ang iyong mga sanga, Ganoon din niya huhugutin ang iyong mga ugat mula sa pagkakabaon nito sa lupa. Tulad ng mga butil ng mais ay itinatali ka nito sa kanyang sarili. Binabayo ka niya upang mahubdan Ginigiling hanggang sa kuminis. Minamasa hanggang sa lumambot At ika'y kanyang isasalang sa kanyang banal na apoy, upang ika'y maging banal na alay na ihahain sa banal na pista ng Panginoon. Ang lahat ng ito'y gagawin ng pagibig upang malaman mo ang mga lihim ng iyong puso, at sa kaalamang iyon ay maging bahagi ng puso ng buhay. Ngunit kung sa iyong pagkatakot ay hanapin mo lamang ang kapayapaan at kasiyahan ng pagibig, Ay mabuti pang ika'y magbihis at lumiban sa kanyang giikan, Sa isang mundong walang kulay kung saan ikaw ay tatawa, ngunit hindi lahat ng iyong kasiyahan, at iiyak, ngunit hindi lahat ng iyong luha. Walang ibinibigay ang pagibig kundi ang kanyang sarili at walang tinatanggap kundi ang galing din sa kanya. Ang pagibig ay hindi nang-aangkin at nagpapa-angkin ; Sapagkat ang pagibig ay sasapat lamang sa pagibig. Kapag ika'y umibig hindi mo dapat sabihing, “Ang Diyos ay nasa aking puso,” kung hindi, “Ako ay nasa puso ng Diyos.” At 'wag **** isipin na kaya **** diktahan ang pagibig, 'pagkat ang pagibig, kung matantong ika'y karapat-dapat, ay ididikta sa iyo ang iyong landas. Walang kagustuhan ang pagibig kung hindi tuparin ang kanyang sarili. Ngunit kung ikaw ay umibig at mangailangan, maging ito ang iyong kailanganin: Ang matunaw at umagos na parang batis na umaawit sa gabi. Ang malaman ang sakit ng lubos na pagaaruga. Ang masugatan sa iyong sariling kaalaman ng pagibig; At masaktan ng kusang-loob at may ligaya. Ang gumising sa bukang-liwayway ng may pusong kayang lumipad at magbigay pasasalamat sa isang bagong araw ng pagibig; Ang magpahinga sa tanghali at magnilay sa sarap ng pagibig; Ang umuwi sa hapon ng puno ng pasasalamat; At matulog nang may panalangin para sa minamahal sa iyong puso at awit ng papuri sa iyong mga labi.
0
Nov 9, 2015
Nov 9, 2015 at 8:04 PM UTC
Sa Pagibig

Continue reading...
37
Hanggang kailan kaya merong "tayo" Di ko maalis ang takot sa isip ko Na isang araw ang "tayo" ay maging "ako" Takot na ako'y iyong iwan Baka puso mo ako'y kalimutan Kasi nangyari na yan minsan Nananatili pa rin ang pangamba Na muli magkaroon ka ng iba Sa nararamdaman kong ito Di mo naman ako masisisi diba? Kasi minsan mo na akong ipinagpalit Pag-ibig na naging mapait At nagdulot ng labis na sakit Kaya hanggang ngayon takot pa rin ako Na matapos ang ating tayo At mapalitan ng isang kayo
0
Nov 15, 2015
Nov 15, 2015 at 10:35 AM UTC
Hanggang Kailan Kaya? (TAGALOG)
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 27, 2018
Jul 27, 2018 at 3:47 PM UTC
Habang Wala ka pa

3
Sa loob ng sampung buwan marami mang pagsubok ang pinagdaanan nguni wala pa ring atrasan marami na rin ang pinagsamahan at naging magkakaibigan. Isang grupo ng kabataan, na nagkaroon ng isang magangdang samahan. Kahit anong pagsubok ay hindi nila inaatrasan, kaya: kaya nila itong pagtagumpayan. Isang grupo ng kabataan na kung minsan ay may alitan pero ilang sandali, ito ay kanilang kinakalimutan at tuloy na ulit ang kasiyahan. Sa kabila ng lahat ng ito ay may nakaagapay isang **** ang na aming tagapatnubay na maaaring maging inspirasyon namin sa aming tagumpay. **** na yata sa habambuhay; motto nya siguro sa buhay. Bb. Maritess Palac ang kanyang pangalan. Kahit kailan ay hindi mo malilimutan. Salamat sa iyo aming **** na tumayo bilang ikalawang ina sa aming mga estudyante mo. Salamat po sa inyo mahal naming **** Salamat mo sa iyo mahal naming **** ng dahil sa inyo kami ay natuto. Kaalaman na galing sa aming magulang, kasama ang kaalamang mula sa inyo. Ay hindi kayang tumabasan ng anmang ginto. Salamat sa Diyos kami ay nagkaroon ng isang gurong katulad niyo.
0
Aug 8, 2015
Aug 8, 2015 at 10:37 AM UTC
Salamat Aming ****
Hindi ako marunong tumula Hindi ako marunong tumula Kahit tinuruan ako ng **** ko sa wika Ng tamang pagsulat Ng may tamang sukat Ng may tamang sukat ng salita Ng may tamang salita Hindi ako marunong tumula Dahil iniwasan kong gumawa ng isa Dahil ayoko ng konbensyunal Dahil ayoko ng sukat-sukat Dahil ayoko ng bilang-bilang Dahil ayokong nahihirapan Kung paano ko ipapahayag ang sarili ko Hindi ako marunong tumula Dahil alam kong ang mga makata lamang Ang may kakayanang makapagsulat Silang mga nakapag-aral ng wika Silang mga matagal nang nagsusulat Silang walang sawang nagsusulat ng mga salitang Kasing bango ng mga bulaklak Kasing tingkad ng langit Kasing linaw ng mga tubig sa dagat Kasing sarap ng paglanghap ng sariwang hangin Hindi ako marunong tumula Kahit naririnig ko sa radyo Ang mga kantang binibigkas Ng mabibilis na mga bibig Ng mga magagaling na mang-aawit ng tula Hindi ko inibig ang tumula Dahil alam ko sa aking sarili Na marunong lang akong magsulat ng kung anu-anong kwento sa buhay Mga kwentong binibigyan ko ng buhay Na akala ko sa isip ko lang maninirahan Ngunit dumating ang araw Natulala sa isang bagong kwaderno Blangkong kwaderno Ni hindi ko alam Kung ano ang isusulat Walang maisip ni isa Maliban sa isa Ikaw Ikaw lang ang laman ng isip ko Nakapaglakbay patungo sa unang pahina Ang salitang aking hinahanap Hanggang sa nagtawag siya ng mga kasama Ng ka-tropa Ng ka-barangay Sunod-sunod silang nagsisidatingan Ikaw lang ang laman ng isip ko Ikaw na lagi kong kasa-kasama Ikaw na lagi kong gustong kasama Ikaw lang Pero sunod-sunod ang salitang naisulat ko At nagulat ang nanlalabong mata ko Tula na pala ang naisulat ko At nagsulat ako Nang nagsulat tungkol sa mga ngiti mo Tungkol sa kung paano kita nagustuhan Tungkol sa kung kelan lahat nagsimula lahat ng nararamdaman ko Tungkol sa kung paano ko nilalabanan 'to Tungkol sa pagkagusto na akala ko hindi dapat Dahil magkaiba tayo ng gusto Nagsulat ako nang nagsulat Hanggang naisulat ko na pala Na mahal kita Hindi ako marunong tumula Ayaw kong gumawa noon ng tula Pero dahil sa'yo Marunong na akong gumawa ng tula Gumawa ako ng maraming tula May maikli May mahaba May hindi tapos May walang kwenta lang Halos lahat ay patungkol sa iyo Minsan sa buhay ko Pero sa'yo lang umiikot ang buhay ko Totoo Ang sarap palang gumawa ng tula Akala ko mahirap Akala ko laging may batayan Akala ko laging may sukat Tulad ng itinuro sa akin ng **** ko sa wika Pero hindi pala May iba palang paraan Basta't may emosyon kang nararamdaman Mahalaga na may emosyon tulad ng Malungkot kasi hindi kita nakasama Mahalaga na may emosyon tulad ng Masaya kahit na tinititigan lang kita nakikita ko na mangiyak-ngiyak ka na sa tawa Mahalaga na may emosyon tulad ng Pagkasawi kasi alam kong walang patutunguhan 'tong lahat Katulad mo ako Isinusulat mo kung anong nararamdaman mo Ang nararamdaman **** hindi katulad ng nararamdaman ko Ikaw na siyang nagmamahal ng taong Hindi ka gusto Katulad mo ako na Nagsusulat ng laman ng puso mo Kung pwedeng ako na lang na ang tinutukoy mo Marunong akong gumawa ng tula Ikaw ang may dahilan ng lahat Nasabi ko na sa'yo lahat Hindi pa pala lahat Marunong akong gumawa ng tula Pero hirap na hirap ako ngayon Dahil wala na akong maramdaman Wala na ang pinanghuhugutan Wala na yatang dapat paglaanan Wala na Habang isinisulat ko ito Wala akong emosyon Walang emosyong nararamdaman Sa'yo Tapos na ata ako sa'yo Wala na rin akong masulat para sa'yo Pero marunong akong magsulat ng tula Kaya Maghahanap na lang ulit ako Ng taong paglalaan ng mga salitang Hindi makatotohanan sa pangdinig kapag isinambit Hindi makatototohan habang binabasa ng mga mata At hindi makatotohanang isinulat ng isang hamak na katulad ko Maghahanap ako Ng isang tulad mo Mahaba-haba na ang aking naisulat Napatunayan ko na atang marunong akong magsulat Pero hindi ako marunong tumula.
0
May 29, 2015
May 29, 2015 at 5:50 AM UTC
Hindi ako marunong tumula

129
Anak: "Ika'y Tulang muli't muli'y binabasa ng madla, Na 'di makalilimutan; na binabaon sa alaala Tulang puno ng damdamin na ni nais ipabatid At ang saknong ng pag-ibig Mo'y, Siyang tutugma sa puso kong minsa'y naging sugatan."* Ama: "Minsang ibinigay ko sa iyo ang pagkakataong Unawain ang kahulugan ng kamusmusan. Sa lupaing ugat ng iyong kaluluwa't Siyang kanlungan ng mga pangako Ko't Mga pangarap na laan sayo. Bumangon ka, Anak Ako ang Siyang sasagwan Ako ang aabot sayo." Anak: "Sabay nating kinatha ang tula ng aking buhay; Mga saknong at tugma na sarikulay, Mga katagang baun-baon ko Sa malayu-layong paglalakbay." Ama: "Pagal ka ma'y, Nanahan pa rin sa puso ng bawat isa, Di mo man tiyak ang katiyakan, natitiyak Ko Na ang pag-ibig Ko'y, kailanma'y di ka iiwan. Anak, hanggang sa huling tapon ng lupa At huling tapon ng luha, Hanggang sa huling liwanag Ng itutulos **** kandila, Hanggang sa huling pagpagpag mo Ng sar't saring pangungulila, Patuloy Kitang mamahalin, Anuman ang mangyari." Anak: "Singbigat ng katotohanan At ng pangarap na mala-kalawakan, Ito ang huling handog ng makata **** anak: Ang mabatid kong Ikaw ang buhay na eternal At ako'y isang kathang Ikaw ang tinitingala -- Ikaw ang dinadakila. Ama, ako'y malaya Ikaw ang buhay, Ikaw ang agos Ikaw ang tagumpay; Gisingin Mo ang diwa Ang bugso at alab ng damdaming hilaw Ikaw ang masundan Nang maihain nang patas Ang pag-ibig **** umaapaw." #041215 ‪
0
Apr 23, 2015
Apr 23, 2015 at 8:07 AM UTC
Pag-ibig na may Tugma (The Love of a Father)
malamig sa isang silid may kasamang pighati, saya at lungkot sa bawat paghinga, ramdam ang pagbagsak ng luha. magkakahiwalay na tayo sakit na tila kinukurot ang puso sakit na walang ibang lunas, kundi ang pagsasamahan nating nabuo. sinulat ko ang tulang ito para kahit ako'y lilisan na maaari ko pang balikan lahat. lahat ng alaala at samahan, mga alaala na hindi ko makakalimutan, katulad ng... habang tayo'y naghihintay ng ticket habang tayo'y nagbabasa ng email thread habang tayo'y nakaupo sa isang silid nagkukwentuhan, nagtititigan, nagmamasid, naglalaro ng moba, nanonood ng youtube, nakahawak sa mga selpon. na tila bigla bigla tayong natinag sa mga boss na dumadaan na kahit sa dami natin sa area nagawa parin tayong turuan at pag tiyagaan nila sir at ma'am. napaka-lungkot lang isipin, na ang ating samahan, sa kathang-isip na lamang. alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat yung puno ng tao sa isang silid. puno ng tunog at salita  puno ng biruan at tawanan pero ramdam **** maiiyak ka ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang  kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman nakakapagod mag-isip. pero alam naman natin ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga  ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan alam ko, napapagod rin kayo sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay sa mundong malawak. pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao, na nakikita ko mula sa inyo. ngiting kay gaan sa pakiramdam, na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti. Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti. Na nakakapawi ng pighati, Salamat, Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
0
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 10:59 AM UTC
sa isang silid

67
Hindi ikaw ang aking mundo. Ikaw ay parte lamang ng aking kwento. Hindi ikaw ang kalawakan. Ikaw, tayo, kahit pagkakaibigan ay may hangganan. Hindi ikaw ang buwan Na nagbibigay liwanag sa aking karimlan Hindi ako isang puno Na aasa, mananatili, at maghihintay na mapansin mo. Ang mga sugat na dulot ng ating mga sala Ay hindi maghihilom basta- basta ... Kaya ako na  ang hihinto, lalayo, Ang magsasara ng pinto. Ako na ang susunog ng tulay, Ang puputol ng nag-uugnay. Ako na ang bibitaw Sa pagkakaibigang nasira ng pagmamahal na nag-uumapaw, Ng bugso ng damdamin, Ng tukso at mga tinagong saloobin. Hindi naman maayos Ang hindi sinusubukang i-ayos. Kaya tama na nga siguro Ito na ang dulo ng kayang tanggapin ng puso ko. Paalam na sa mga tanong na kailanma'y hindi na masasagot, Sa puso kong puno ng takot Sa paglisan at pagbitaw Hanggang sa ikaw na mismo ang umayaw. Paalam na sa mga pangakong napako, Sa mga katagang "walang magbabago", Sa mga salitang binitawan Ngunit hindi mo napanindigan. Paalam na sa titulong "matalik na magkaibigan." Paalam na sa lumabong pagkakaibigan, Sa mga hinanakit at hindi pagkakaintindihan. Paalam na sa sakit at pait Na dala ng pag-ibig na hindi maaaring ipilit. Paalam na sa labing-apat na taon. Masasakit na alaala'y aking ibabaon. Iiwan ka na sa nakaraan. Papalayain ang sarili sa gapos ng nagdaan. Sa pagiging estranghero nagsimula, Estranghero rin akong lilisan. Ito na ang huli kong paalam. -41-
0
Jan 17, 2017
Jan 17, 2017 at 2:59 AM UTC
Ako Na Ang Magpapaalam
Hindi na ikaw ang gusto ko Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko Sa twing nakatingin ako sa sayo. Ayaw ko na ng mga mata mo. Ayaw ko na ng mga ngiti mo. Ayaw ko na ng lahat sayo. Pinili kong maging pusong bato At hindi pansisinin ang nararamdaman ko. Parang normal lang Gaya nung wala pang ikaw. Kaya ko nung wala pang ikaw Nagkandaletche letche lang nman ako nung may ikaw Kasi nung may ikaw Para akong baliw na laging nakangiti Nakatingin sa langit Iniisip ka palagi At Ayaw ko na non. Kaya araw araw akong magiging bato Sasanayin ang sarili magmukha lang na malakas ako. Kahit nakatingin ako sayo ngayon. Ngayon. Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko Bakit ikaw parin ang gusto ko Sa pagising sa umaga excited pa akong pumasok kasi ikaw ang makikita ko kuntento sa sandali HINDI kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo “pasulyap sulyap” Ibig sabihin Segundo Pero sa bawat segundo ng isang oras na gunugugol ko Ang gusto ay ang tumitig lang sayo   Sa mga mata mo, sa ngiti mo Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo Tanggap ko. Kasi ikaw parin ang gusto ko Ikaw ang gusto ko Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba Kaya sinunod ko sila Pero sa twing ikaw ay makikita Parang madilim na kwarto na ikaw lang Ang tanging ilaw na bukas Sa sandaling yun Walang ibang gamit Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat. susubok akong magsalita pero lalayo kana tinatawag ka ng kaibigan mo kasi ang isang oras ay tapos na. “SANDALI” sabi ng prof. muling napinta ang ngiti sa labi dahil sa huling sandali sumulyap muli sayo.    Patapos na ang sandali At tinawag kana muli ng mga kaibigan mo. habang hinihiling ko, Na sana ay muling magsalita ang prof ng kung ano, Pero sa oras na yon unang lumabas ng silid ang propesor. dahil tapos na ang sandali Tapos na. Ang isang oras.
0
Oct 14, 2016
Oct 14, 2016 at 9:59 PM UTC
Isang Oras

65
Sa mga panahon na ito ay unti unti na ako nakakaramdam ng pangungulila. Ngunit mapapalitan naman ito galak sa tuwing maalala natin ang mga araw na tayo ay magkasama. Alam ko din na kaya natin, kaya ko at kaya mo. Alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay at hahanapin ang bawat isa. Subalit Ang papel na ito ay magsisilbing bangka at ang tinta ng aking pluma ay syang dagat na maghahatid sa bawat tibok ng aking puso na nalulumbay patungo sa sansinukob kung san ang mga talanyo ang magsisilbing nating gabay. Kaya wag kanang malungkot kasi isang bus lang at pwede na kita makapiling at mayakap habang ang ating mga mata ay nangungusap na sa wakas ay muli tayong pinagbigyan ng panahon upang namnamin ang bawat sandali na tayo ay nangulila. Magkaiba man ang lugar o ang panahon sa araw araw na lumilipas ay maisisiguro ko na ang bawat pintig ng ating mga puso ay magkasabay. Nag sasabing ikay aking mahal at akoy iyong mahal. Kaya sa mga panahon na ako ay nag iisa sa harap ng palayan at nakatanaw sa kanluran kasabay ng paglubog ng bawat araw o huling patak ng ulan ay hinding hindi lilipas ang araw na ang mga ngiti mo ay di dumaan sa aking isipan. At kung sa mga oras na akoy nasa ilalim ng kalungkutan ito ang nagsisilbi kong sandata upang lumaban. Na alam ko may bukas na dadating at malalagpasan ko din ang bawat lungkot sa aking damdamin. Mahal kita mula nung araw na una kita makita at lalo pa kitang minamahal sa bawat araw na lumilipas tayo man ay magkahawak kamay at kahit sa panahon na tayo ay magkahiwalay. Mahal kita kahit di kita nakikita sapat na ang mga alala upang masabi kong di ako nagiisa. Mahal kita ou mahal,na mahal kita kahit na nasa malayo ka at ako ay nag iisa iniisip ka. Sana sapat na ang mga katagang mahal kita upang malaban ko ang lungkot sa aking mga mata at magpanggap na di ako nangungulila sa isang dalaga na nasa bayan ng Marikina.
0
Feb 19, 2016
Feb 19, 2016 at 8:21 PM UTC
Pangungulila

14
Ako si reyna makata, gagawa ng isang tula Na gagawin para sa madla, tunay ngang walang paglagyan aming kaligayahan Nang bawat isa'y nasilayan, walang humpay na kalokohan Dulot ay saya saming samahan, kalokohang minsa'y nauuwi sa pikunan Ngunit, sa huli'y nanaig pa rin ang pagkakaibigan
0
Dec 1, 2015
Dec 1, 2015 at 10:37 PM UTC
Masaya Lang
Minsan mapapaisip ka na lang kung ikaw ba ay nagkulang o siya yung di lumaban. Mapapaisip ka na lang kung tama bang ikaw ang nahihirapan, patuloy na lumalaban, gulo’y subok na iniwasan, upang di lang siya masaktan. Mapapaisip ka na lang kung kaya ka ba iniwan kasi kahit gaano mo ipaglaban — na lahat ng problema niya ikaw na pumapasan umuuwi ka paring luhaan. Tama ba na tratuhin ka ng ganito? na parang laruan na pag sawa na sa iba, ikaw naman ang gusto? Tama ba na maramdaman mo ang sakit na nasa iyong puso kasi pinili mo siya kahit alam ng utak mo na di siya nakakatulong sayo? Tama ba na sa dinami dami ng taong araw araw na kumakausap sa’yo, dito ka pa nahulog sa taong di ka naman isasalo? Ang dami kong sinasabi sa ibang tao na maraming gago sa mundo na di dapat sila papaloko. Pero sa dulo din pala, ako yung magmamahal ng tulad mo. Pasalamat ka, ako na yung nagparaya siguro kasi di ko na rin kaya lalo na’t nakita kitang may kasamang iba. Tinago mo pa, sinabi **** kaibigan mo lang siya ngunit ang totoo pala, pag di tayo magkasama tumatakbo ka pabalik sa kanya. Di na rin siguro ako magtataka kung bakit mas pinili mo siya baka dahil ang puso nyo’y nagtugma o mas magaling lang siya sa kama. Bakit nga ba ako nagpakatanga? Nadaan mo nga lang ba ako sa iyong matatamis na salita, mga pangakong di ko alam kung matutupad ba o sadyang uhaw lang ako sa pagmamahal kaya nung nakita mo ako’t nagpapakahangal nasabi **** “pwede na ‘to, di rin naman ako tatagal.”   Sinabi ng mga magulang ko na lahat ng tao pinanganak ng may puso na kailangan mo lang intindihin at mahalin dahil sa dulo, pagmamahal niya’y iyong aanihin. Pero akalain mo yun, may mga tao palang tulad mo na di mo alam kung wala ba siyang puso o ipinaglihi sa demonyo. Nakakatawa ka, na lahat ng dugo, pawis, pati narin oras sayo ko lahat nawaldas buti sana kung nababalik mo ’to pero wala, ginawa mo akong uto uto. Isa kang patunay na may mga taong na kahit lahat ng pagmamahal sayo ay ibigay nag hahanap ka parin sa iba ng wala kang kamalay malay. Ngayon, tapos na ako. Di ko kailangan ang isang tulad mo. Sa lahat ng gago sa mundo, ikaw pa ang pinili ko, ikaw pa ang minahal ko, ikaw pa ang pinagubusan ko ng oras ng ganito, ikaw pa ang sumira sa’king utak at puso. Pero salamat din sa’yo dahil kung hindi sa pang-gagago mo hindi ko mapapansin na ang pagmamahal di ko lang makukuha sa’yo hindi ko mapapansin na marami rin palang masasama sa mundo na ang gusto lamang ay makitang mawasak ang sarili ko. Andami kong natutunan di lang tungkol sa mga tulad mo kundi pati na rin sa sarili ko: na kaya ko palang magmahal ng ganito na kaya ko palang lumaban ng husto na kaya ko palang ibigay ang lahat pati narin aking puso. Ngayong, mag isa na ulit ako, mas masaya na ako. Kaya sa susunod na darating sa buhay ko, tandaan mo nagmahal ako ng gago kaya ayusin mo ang buhay mo kung ayaw **** sulatan kita ng ganito.
0
Aug 23, 2018
Aug 23, 2018 at 3:57 AM UTC
Sa Lahat ng Gago sa Mundo

94
Ang sabi ko ayaw ko na sayo gusto ko nang harapin ang bukas, ang bukas sa buhay ko Ngunit hindi ko inaasahan na sa iyong paglisan ganito ang aking mararamdaman ang pakiramdam ng masaktan Makita ka na sumama sa ibang tao na hindi para sa iyo Ang para sa iyo ay isang tao, na parang ako o ako mismo Ito ang hinihingi ko pero bakit iba, bakit iba ang sinasabi ng aking puso sa binubulong ng utak ko Gusto kitang agawin, pero ano ang laban ko Siya ang mahal mo at ako,kaibigan mo lang ako Kaibigan mo na nagsabi ng nararamdaman at pinabayaan mo, pinabayaan **** masaktan
0
Dec 28, 2015
Dec 28, 2015 at 5:29 AM UTC
Ano Ang Laban Ko
Duwag ka pero salamat Salamat dahil hindi mo ako hinayaang mahulog sa isang panandaliang saya Hindi mo ko hinayaang mahulog sa isang panaginip lang Sa mga matatamis na salita na hanggang salita lamang Sa mga makahulugang tingin na hanggang tingin lang Sa mga masasayang kwentuhan na hanggang ala-ala na lang Mga salita, tingin at kwentuhan na hindi kayang ipadama ng mga yakap at haplos Dahil duwag ka Dahil andyan ka at andito ako Pinagdugtong lang ng isang pisong tumatawid sa libo-libong distansyang mahirap sundan Dahil hindi natin kayang tawirin dahil duwag ka...at duwag ako Oo, duwag din ako Duwag ako katulad mo Nakakahilo ang pagitan nating di natin kayang bitawan ng pangakong baka balang-araw ay magdikit din ang daliri at mabatid kung may kuryente bang dadantay sa umaasam na puso...dahil duwag ka at duwag ako Duwag tayong dalawang pumaroon sa espayong walang kasiguraduhan Pero napakatapang nating hinarap ang katotohanang nakakabit sa dalawa nating mga paa Na andyan ka at nandito ako Malayong-malayo Itong paang nagpipigil sa ating lumutang sa ligayang hatid ng mapangahas na damdamin; Hatid ng masarap na pantasyang hawak ko ang mga pisngi mo o na malaya kong natititigan ang mga mata mo Lagi tayong nakamulat at hindi kayang pumikit ng matagalan Dahil duwag ka at duwag ako At ito ay isang pekeng pangarap
0
Nov 21, 2016
Nov 21, 2016 at 5:37 AM UTC
21
Salamat kaibigan, hndi mo ‘ko iniwan Ikaw ay aking karamay at aking sandigan Malayo pa ang tinig ay iyo nang naririnig Alam mo ang pintig ng aking puso at dibdib Bigat ay iyong inako upang ako ay makatayo Inalalayan ang aking bisig, lakas ay iyong tinig Ikaw ay parang isang estrangherong hindi naghihintay ng kapalit Saan ako makakahanap ng isang tulad mo sa isang saglit? Kung sa paraang ito ay pinapakitang iniibig, Bulag na ang hndi makakita, at manhid na ang hndi makadama Oh kaibigan, nag-iisa ka
0
Jan 31, 2015
Jan 31, 2015 at 3:27 PM UTC
Salamat Kaibigan (Tagalog)
Ilang taon akong nabulag sa paniniwalang kailangan mo munang makaranas ng sakit bago mo makamit ang tunay na ligaya. Na ang bawat luha ay may katumbas na galak, na ang bawat gabi ng pighati ay may pangako ng isang masayang umaga. Ilang taon akong nakipagsapalaran sa pagibig na mapagpanggap. Kaliwa't kanang kabitan, walang katapusang kasinungalingan. Pagibig na sa harap ng madla ay puno ng kilig at lambing. Ngunit sa ilalim ng mga yakap at mga halik ay ang mga pasa at sugat na dulot ng masasakit na salitang sing talim ng bagong hasang lanseta. Ilang taon akong nasanay sa kalungkutan, walang kadaladala. Sugod ng sugod sa labang alam ko namang sa bandang dulo ay ako ang uuwing talunan. Pilit akong kumapit sa mga maling tao. O tamang tao sa maling pagkakataon. O sa akala ko'y tamang tao pero hindi naman ako gusto. Sakit no? Ilang taon akong sumugal sa mga relasyong walang kasiguraduhan, sa pagibig na "pwede na", kahit alam ko sa sarili kong walang patutunguhan. Minsan nga kahit wala nang kakabit na emosyon basta lang may pantawid sa tawag ng laman pinapatos ko ng walang pagaalinlangan. Ilang taon akong pansamantalang nakisilong sa iba’t ibang tahanan. Na sa una’y buong puso ang pagtanggap ngunit sa bandang dulo ay walang habas din akong pinagtabuyan palabas. Ilang taon? Hindi ko na mabilang. Hindi ko na mabilang kung ilang taon akong nagtapang tapangan na suungin ang mga tila panibago na namang disgrasyang maaari kong kaharapin sa proseso ng paghahanap ng tunay na ligaya. Isang pagibig na may pangako ng walang hanggan. Hanggang sa... napagod na ako. Sa wakas, napagod na ako. Napagod na akong kwestyunin ang kalawakan sa kung bakit palagi na lang akong pumapalya sa pagibig. Napagod na akong magtiwala. Natakot na akong magtiwala. Natakot na akong buksang muli ang puso ko sa susunod na estrangherong magsasabing “hindi kita sasaktan, peksman mamatay man” At Unti unti kong napagtanto na sa ilan taon kong paghahanap ay ako, ako ang nawala. At nahanap mo ako. Ikaw ang naging sagot sa bawat tandang panong na ibinato ko sa kalawakan sa loob ng maraming taon. Tinuldukan mo ang lumbay at ipinamukha sa akin na hindi ko kailangang masaktan para makamtan ang tunay na ligaya. Na kailanma'y hindi ako dapat lumuha dahil sa hinagpis. Hindi ka nangakong hindi mo ako sasaktan, ngunit ipinadama mo sa akin ang ang masarap **** pagaalaga. Pagaalagang hindi kailangan malaman ng iba para mapatunayan na bukal sa loob ang hangarin. Binigyan mo ako ng dahilan para muling magtiwala. ... Ng lakas na sayo ay kumapit at ipadama sayo ang init at gigil ng pagibig na ni minsan ay hindi ko naipadama sa sinoman. Binigyan mo ako ng pagasa... ng dahilan para muling maging matapang. At ngayon, sa unang pagkakataon. Buong tapang kong ipagsisigawan sa buong mundo na palangga ta ka. Na handa na ako sa pagsisimula ng isang bagong paglalakbay kasama mo mahal ko. At oo, oo ang naging sagot ko.
0
Aug 23, 2018
Aug 23, 2018 at 1:35 AM UTC
Sa Wakas

15
Ako'y mailap Pag si Ina'y kapiling Kung ako'y umasta parang Hindi sya nakikita Parabang sa isip ko'y ako lang Mag-isa Anong mali? Tanong ko sa  sarili Anong mali at ganito ako Umasta, Sa harap ni Inay na nagbigay Buhay sa kagaya kong walang Kwenta Pero bakit ba? Gusto ko ba na isilang nya ang Kagaya kong basura na ay wala pang kwenta? Sukdulan na siguro Ang hinanakit ni Ina sa akin Kayat luha nya'y hindi na napigil Ako'y sinumbatan Lahat ng kamalian ko'y Sinambit Sa unang pagkakataon Si Ina ay nagalit Ako'y nagtaka Sa aking nadarama Ang puso ko'y bakit tila sasabog na Sa nakitang luha Na umagus pababa Isang gaya ko Ang nagpaluha sa Kanya O, anung hirap at Sakit pala Ang makitang lumuha Ang Ginang na nagpalaki't umaruga Sa gaya kong walang kwenta Ngayu'y alam kuna Ang damdamin ni Ina Ako ay nangakong Magbabago na, upang damdami'y ni Ina hindi na masaktan pa At brilyante  nyang mata'y hindi na tumangis pa Ang mahal kong Ina nasa malayo na Paano na ang pramis ko Tila naging abo na Masakit isiping Pagmamahal ay di naipadama Sa nag-iisa kong Reyna Na nagpahalaga sa kagayakong basura na'y wala pang kwenta Sumilip ang Araw Sa mata kong nakapikit Kahit natakluban na ng luha ang mata Batid kong si Ina'y nasa tagiliran ko pala Nakatayo at nakangiti,may alay na pagmamahal ang brilyante nyang mga mata Hinagkan ko si Nanay Tudo bigay ang dabest kong yakap Sabay dampi ng matamis kong halik sakanyang pisngi Batid ko si Nanay ay nagtaka Tila nagulat pa nga sa bago kung pag-asta Labis akong nasaktan Sa panaginip na handa ng may kapal Tiyak ako'y kanyang sinubok Upang malaman ko na ang halaga ni  Nanay ay di lamang sintaas ng bundok Kundi sinlawak din pala dagat Ang mahagkan pala si Nanay Ay Walang kasing sarap Sa haba nang panahon sanay Noon kupa nadanas Ang mayakap si Nanay kahit gaano pa katagal Ay hindi ako magsasawa Ohh,kay saya maranasan ang ganito Ang makapiling si Nanay Buo na ang araw ko Ang pramis ko Nay ay isa lang Mamahalin kita higit pa sa buhay kong taglay basta ba dito kalang at hindi lilisan
0
Apr 26, 2017
Apr 26, 2017 at 2:22 AM UTC
Promise ko inay

75
Tapos na ang giyera Tapos na ang labanan at hindi matigil na sakitan Tapos na ang nakakatakot na digmaan sa labas ng mga tahanan Tapos na. Pipiliin ko nang maging masaya Hahanap ako ng madadaluyan kung saan mabibigyan Ako ng kalakasan Maghahanap ako ng kapayapaan Kapayapaan na yayakap saakin Sa mga takot na dinanas ko Sa mga bangungot na nagkakaron parin ako tuwing gabi Sa mga multo na paulit-ulit na dumadalaw saakin Kapayapaan na pupunas Sa mga luha na di na natutuyo Sa mga pawis na matagal nang gustong mawala Sa mga dugo't na minsan nang nanggaling sa sarili ko Magkakaron ako ng kapayapaan Ngunit bakit hanggang ngayon Na tapos na ang giyera Ay hindi ko parin mahanap ang kalayaan na iyon? Bakit patuloy na kumukurot ang ala-ala Na minsan nang nagdaan at sumabit at nanatili Hanggang sa mawala? Bakit kahit na pilit kong kinakalimutan Ay bumabalik parin ang sakit Na dinanas ko habang nasa piling mo? Ngunit ang dating nakaraan Ay tila gumugulo ulit saakin paulit-ulit Bumabalik at tila nagiging kasalukuyan Bumabalik yung nakaraan na Nagmahalan tayo at piniling di maniwala sa katapusan Naging matigas ang ulo't sumunod Sa mga pusong pagal Nasaksihan ng araw at buwan na Ang pagiging seryoso ng bawat puso't isip Natagpuan ang kasiguraduhan sa mundong walang katiyakan Ngunit sa isang pikit ko Ay nagulat ako nang magkaron ng "Siya" Simulan natin sa "Siya" Simula nung araw na iyon Ang salitang "siya" ay naging panakot saakin At tila naging digmaan sa isipan ko Tila naging parusa sa puso ko Ang dating "tayo" Ay unti-unting naglaho At nagbago At naging "kayo" Doon nagsimula ang digmaan Nasakop mo ang puso kong ngayon lamang umibig At binomba ito Pinosas mo ito at ikinulong Ibinilanggo sa lugar na hindi ko rin alam Binugbog at pinarusahan para sa kasalanang hindi naman ginawa Nagmamakaawang pakawalan Sumulat ito ng kanta Umawit gamit ang natitirang pintig Sumulat gamit ang natitirang dugo Isinigaw niya ang awitin niya ng paulit-ulit Ngunit walang nakakarinig sakanya Naghihingalo para sa natitirang lakas Umawit ulit siya muli Hanggang sa marinig siya ng Maykapal Ang alibughang puso ay natagpuan na sa wakas Ngayon ay dumating na ang kasalukuyan Kasalukuyan kung saan ang dating nasasaktan ay gumagaling na Kasalukuyan kung saan tapos na ang giyera Possible na ang kapayapaan Hawak ko ang sedula ng pananakop mo sa puso ko Handa na akong kumalimot Handa na akong tumalikod Sa nakaraan na hindi na kasalukuyan Magtatapos ako sa "Ikaw" Mag-isa ka na
0
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 10:33 AM UTC
Araw ng Kalayaan

73
Umiibig akong matapat ang puso, sa iyo, O Sintang pithaya ng mundo. Dilag na bulaklak sa harding masamyo, sinuyo’t pinita ng laksang paru-paro. Tinataglay nila’y mararangyang pakpak, subalit ang nasa’y tanging halimuyak. Iba sa bagwis kong luksa ang nagtatak, sa mata ng iba’y isa lamang hamak. Ako’y dahop-palad, niring mundo’y aba, sa utos ng puso, ikaw’y sinasamba. O! ang saklap naman, umagos ang luha, pagkat lumilihis ang ating tadhana. At niring landas ta’y lalong pinaglayo, nang ikaw’y nabihag ng hari ng mundo. Buong taglay niya’y di tapat na puso,  tanging hangad lamang ang kagandahan mo. Sinta ko ano pa ang aking magawa, kung sa ngalan ng Diyos kayo’y tinali na? Daloy ng tadhana’y mababago pa ba’t, panaho’y balikang ikaw’y malaya pa? Bihag ka na ngayong walang kalayaan,  hawak ang mundo mo ng lilong nilalang Wari'y isang ibong ang lipad may hanggan, at ang yamang pakpak, dustang tinalian.  Paano O! Sinta yaring abang buhay? Ikaw’y tanging pintig nitong pusong malumbay. Kung ikaw ang buhay ng buhay kong taglay, Sa iyo mabigo’y sukat ng mamatay. Subalit nasa kong lumawig sa mundo, sapagkat buhay pa niring pag-ibig ko. At ikaw O! Sintang namugad sa puso, napanagimpan kong pinaghintay ako.  Sa harap ng hirap na di masawata, tanging asam ko’y lalaya ka Sinta. At itong pagtiis ay alay ko Mutya, mula sa puso kong nagdadaralita. Maghihintay ako sa pagkakahugnos, sa tanikala **** higpit na gumapos, sa kalayaan na lubhang nabusabos, at mariing dulot, galak na di lubos. Ang aking paghintay akay ng pag-asa, lawig ng pag-asa’y kambal ang pagdusa. At ang dukhang pusong batis ng dalita, tila pinagyakap ang pag-asa’t luha. O! aking minahal ako’y maghihintay, kahit walang hanggang paglubog ng araw. Magtitiis ako sa gabing mapanglaw, hanggang sa pagsilang ng bukang liwayway. Yaong sinag nito’y ganap na tatapos,  sa dilim na dulot ng dusa’t gipuspos. Sinag na tutuyo sa luhang umagos,  niring mga matang namumugtong lubos. Yaong pamimitak ng mithing umaga, araw na mabihis ng mga ligaya, ang buhay kong abang tinigmak ng luha, mula sa kandungan niring Gabing luksa. Maghihintay ako sa gitna ng dusa,  kapiling ang munting kislap ng pag-asa. Magtitiis kahit sanlibong pagluha, hanggang sa panahong muli kang lalaya. Maghihintay akong di hadlang ang pagal,  kahit ang panaho’y lalakad ng bagal. Magtitiis ako pagkat isang tunay itong pag-ibig kong sa puso’y bumukal. Maghihintay kahit dulong walang hanggan, na pagdaralita’t mga kapanglawan Kahit di tiyak kong muling sisilang, ang bukang liwayway na tanging inasam. ©Raffy Love Canoy |May 2019|
0
May 28, 2019
May 28, 2019 at 6:21 AM UTC
Bukang Liwayway na Hinihintay

69
Sana iyong maisip Ang aking nararamdaman Hindi maipagkakaila Ang nararamdaman ko ay tunay Kung para sayo wala lang ito Para saakin ito ay isang pangarap Pangarap na hindi kailanman matutupad Pangarap na tila isang impossibleng pagkakataon Isang pagkakamali ang mahulog sayo Ako man ay umaasa pa rin Ngunit iba ang iyong gusto Alam kong hindi ako at hinding hindi magiging ako Kakaiba ang turing mo saakin May konting aliw at kilig Pero hindi lahat ay totoo Kasinungalingan ika nga Pagpasensyahan mo na Ikaw ang aking natipuhan Hindi ko ito sinasadya Wala ito sa plano
0
Dec 13, 2015
Dec 13, 2015 at 11:46 AM UTC
Sadyang Kumakapit Sa Natitirang Sana
Para sa Gobyerno: Walang halaga ng pintura Ang kayang takpan Ng kalagayan ng inang bayan. Walang halaga ng tamis ng mga pangako mo ang kayang Magpakalimot ng mga Kalapastanganan na ginawa mo sa kaniya. Para ka lang isang puta, Na Nag nagsabi akoy iyong mahal, Pero pag gising sa umaga Wala ka na. Iniwan mo lang akong Umaasa na tayo'y Magkakaroon ng magandang kinabukasan. Pero wala. Akoy' niloko mo lang, At pinagpalit sa iyong kabit, Ang pera. Ikay' walang ginawa Kung hindi gahasain Ang walang laban na Bansa. Siya ay Ibinugaw mo sa iyong mga kaibigan, Kapalit ang kakaonting piraso ng pilak para makamit ang Panandaliang kapayapaan. Siya ay hinalikan mo sa pisngi, Sabay tinraydor ng tulad ng nangyari kay Cristo. Parang awa mo na. Umayos ka na. Para sa kabataan: Ilang Rizal, Bonifacio, Luna, Ang kelangan isakripisyo Para lang Magising ka Sa masakit na katotohanan? Ilang rebolusyon pa ang kelangan Mangyari Para ikay tumayo Sa iyong trono At gumawa ng pagbabago Ilang buhay pa ba Ang kailangan ialay Upang ikay Maistorbo sa   Pagdudot ng iyong telepono. Parati mo nalang sinasabi, Na wala ng pag-asa, At kahit anong gawin natin, Hinding hindi na kailan mag babago ang lugar na to' Ikaw pa ang may ganang mag reklamo, Tungkol sa mga perwisyo Na naidudulot sayo, Ng mga opisyal, Na nakaluklok sa puwesto. Maawa ka naman sa kaniya, Nanglilimos siya ng pag mamahal sa sarili niyang lupa. Kaya may tanong ako sayo, Sa inyo. Ayaw mo ang nakikita mo? Edi, baguhin mo.
0
Nov 10, 2015
Nov 10, 2015 at 3:00 AM UTC
"Isang Liham Para Sa Gobyerno at Kabataan"
Kapayapaan... Isang salitang hindi maikakaila. Na may sampung titik na mailap makuha. Isang salitang nais na ibandila, Pinapangarap ng ating buong madla. Kapayapaan... Isang salitang may sampung letra...                                                   Pag-asa... Anim na letra lang pero sadyang matalinhaga. Nagbibigay sigla sa puso ng nasasakdal at nag-iisa. Nagiging liwanag sa dilim ng isang nagdurusa, Ngunit mailap makamtan sa mundong marami ay napapariwara. Pag-asa... Isang salitang may anim na letra... Pag-ibig... Kaliwa't kanan ang krimen at kaguluhan. Nasaan ang pagmamahal sa pagkakawatak-watak at iringan? Ang puso ng iba'y balot na balot na nang kasamaan. Maibabalik pa ba ang pag-ibig sa tinubuang lupa? Pag-ibig... Ikaw ay nasaan?                                          Kapayapaan ang gusto ko. Pag-asa ang nais ko.                                          Pag-ibig ang tanging tanglaw ko...
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 1:04 PM UTC
Kapayapaan, Pag-asa, at Pag-ibig
Ba't di mapigilan 'tong nararamdaman Kahit aking puso'y lubos ng sugatan Punyal na tumarak dito sa 'king puso Hinagpis ng dibdib na luha ay dugo. Kaysakit isipin kung bakit ganito Lungkot ay bumalot dito sa 'king mundo Laking pagsisisi kung ba't ba nagawa Lahat ng kamalian sa'yo oh! Sinta. Sabihin man nila ako'y isang tanga Puso'y di nagsisi ng piliin kita Sa 'ting mga kaaway ipagtatanggol ka Kahit buhay ko pa ang bawiin nila. Ulan man o bagyo, aking tatahakin Aking iniirog wag mainip sa'kin Maghintay ka lamang tanging panalangin Kanser na pagibig, dapat ba sa akin.
0
Jul 18, 2015
Jul 18, 2015 at 11:40 AM UTC
Kanser na Pagibig
Paka-isipin ang bawat salitang sasambitin Bigyan ng pansin ang aking damdamin Hindi mo man pansin sa isang minuto lang masaya kong araw ay natakluban na ng lumbay Dahil sa prangka **** bibig Na makabasag araw! Sa buka ng bibig Tagos sa puso't isip Sabay sayong halakhak ang aking pagtangis Sana'y pinag-isipan ang bawat letrang binitawan At sana'y batid mo na ako'y nasaktan At makulay kong araw ay lumisan na ng tuluyan Magandang samahan ay Inagus na ng luha Patungo sa pusong may patlang sa gitna Sanhi ng iyong salita Na tumusok sa gitna Ng aking pusong noo'y banal At buo pa ng pagmamahal ng isang tunay na pamilya Ngayo'y ikaw pa ang galit at ako pa ang sinisi Winika mo pa na akoy sensitibo't Madaling masaktan Gayong ikaw ang may kasalanan At maysanhi ng aking kalungkutan.
0
Jul 2, 2017
Jul 2, 2017 at 12:42 AM UTC
May Laman Ang Salita
Ang paligsahan ay nagumpisang magbukas Ng mga piling kalahok kung sino ang pinakamalakas Pinagtipon tipon sa labanang may mataas na antas Ang gantimpala sa mananalo ay ang kapalaran ng bukas Wari bang hamon ng buhay na tayong lahat ay kalahok Sa paligsahang paunahang makarating sa tuktok Kung sino ba ang makakalagpas sa mga pagsubok At kung sino ba ang matatag at tunay na di marupok Kaya wag hayaang tumiklop ang tuhod Kahit sa panghihina ay dahandahang mapaluhod Dapat kalimutan ang nararamdamang pagod Dahil ang laban ay dumarating nang sunod sunod Ibigay ang lahat ng makakaya Magtiwala sa sarili, may magagawa pa Wag mawawalan ng pagasa Manatiling nakamulat ang mga mata Sabay ibukas ang munting palad Ano mang oras darating ang hinahangad Tulad ng manlalarong naghihintay ng pasa Nakasalalay ang puntos, kapag nahawakan ang bola Ganun kahalaga ang bawat panahon Di dapat pinalalagpas ang bawat pagkakataon Yan ang aral na ipinapaalala nitong kompetisyon At ang disiplinang nakapaloob sa isang kampeon Sumigaw kahit gaano kaliit ang tinig Di maglalaon ay tuluyan ka nilang maririnig Habang ang tao’y may taglay na pagibig May lakas na di padadaig kahit pang buong daigdig Bumangon ilang beses man madapa…. Walang tagumpay sa pagsuko Kaya laban lang ng buong puso Ipakita **** ikaw ang nararapat Sino man ang makatapat, bumalakid man ang lahat Ang mundo ay isang parang laro May panalo at may pagkabigo Ngunit may karamay na kupunang sumasaiyo Na magsasabing “Magkasama tayo, sila ikaw at ako”
0
Oct 23, 2018
Oct 23, 2018 at 9:31 PM UTC
Ang Paligsahan Ng Buhay