Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ipinupunla" poems
110221 Bakit nga ba pilit nating sinusugatan ang ating mga kamay? At hinahayaan nating ang ating dugo'y masayang Sa pagluha nito, hanggang sa maubusan na rin tayo ng hininga. Ikinukubli pa rin nating ang ating mga sarili Sa garapon ng ating pagkataong Kailanma'y walang ibang magbubukas ng sagradong pintuan Kundi tayo't tayo pa rin naman. At paulit-ulit tayong humihinga sa ilalim ng makakapal na ulap At sabay na lalanghap ng umuusok na pangambang Ibinalot sa apoy na lagim ang tanging ipinupunla Sa ating mga pusong wala pa noong kamalay-malay. Tinutukso tayo ng mga sitwasyon upang tayo'y magpaubaya At magpa-anod na lamang sa mga kumunoy na hihila sa atin pababa. Ang ating mga halakhakan noong kabataan Ay mga pangarap na sabay na iginuhit sa buhanginan Ay tuluyan nang binura ng dagat na tila walang pakiramdam. Gustuhin man nating umahon nang sabay Ay kailangan may isa sa ating unang bumitaw at unang umahon. Hindi na nga natin kayang sumabay sa isa't isa Ngunit sana'y ang nasa unahan, Siya rin ang unang mag-abot ng kanyang kamay Para sa isang nalulunod pa. Napapagod ako ngunit matapang kong hinaharap Ang mga pagkakataon bagamat wala akong kasiguraduhan. At sana sa panahong panatag na ang mga pusong Naligaw sa sariling mga pasya't pangarap Ay masilayan nating muli ang pagtahan ng mga matang Buong buhay na lumuluha't nanlilimos ng pagpapatawad.
0
Nov 2, 2021
Nov 2, 2021 at 12:01 AM UTC
Palimos ng Patawad
"ikaw lang at ako, yan ang pangakong binitawan mo, ikaw lang at ako pangako hanggang dulo ikaw lang at ako pangako yan mahal ko. " hindi ko na maalala kung kaylan at paano nagumpisa pero ang sakit at sugat sa puso ay sariwa pa. minahal kita ng totoo at sobra sobra maski nga para sa sarili ko ay hindi na ako nagtira naaalala mo pa ba noong tinanong kita miss pwede ba kitang mahalin? nagbiro ka pa nga "pwede, wag mo lang angkinin" ilang buwan din kitang sinuyo at pinaglaanan ng pansin at sa wakas aking sinseridad ay iyong binigyang pansin ilang buwan din ang lumipas biglang nagiba ang pagtingin ako ba ang nagkulang o sadyang may iba ka na giliw? at akin ngang nalaman buhat sa isang kaibigan ako pala'y walang karapatan sapagkat hindi ako ang orihinal mahirap man pero kailangang tanggapin eto ang kinahinatnan na bigay ng kapalaran ang tanging tanong ko lang bakit ganun naman tao lang ako nagmahal ngunit nasaktan akala koy tunay pagmamahal **** pinakita yun pala'y isang huwad at nakamaskara ang iyong pagibig na ipinupunla sana'y inamin na ng mas maaga upang hindi na umasa pa na may isang taong darating upang aking makapiling
0
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 10:14 AM UTC
IKAW LANG AT AKO