"ipagmamalaki" poems
Kung magiging tayo?
Oo, ipagmamalaki ko
Na ikaw ang unang tao
Na minahal ko.
At ipapanalangin ko,
Na kahit ano mang mangyari sa mundo
Ikaw na din sana ang huli ko.
Pag dumating man ang panahon
na tayo'y susubukin,
Kasakitan,kalumbayan, kabiguan man
tayo'y dadalawin,
Aking pangako na
kahit kailan di ako bibitiw
Basta't ipangako mo din na pagibig mo saki'y di magmamaliw.
Jan 8, 2016
Jan 8, 2016 at 10:50 AM UTC
031117
Iniibig Kita
Gaya ng panata ko sa Pilipinas
Ipagmamalaki saanmang dako Mo ipasayad
Ang minsang nalulumpo kong pagkatao
Buhat sa minsang ding pagmamataas ko.
Mas ipagsisigawan kong
Ikaw ang kalakasan ko
Ang kalasag sa bawat oras
Na gusto ko nang huminto
Na gusto ko nang sumuko
Na gusto ko nang magpatalo.
Gaya ng aking panata
Sa bansang pinagsilangan ko
Mas paninindigan na Kita
At hindi ko dudungisan ang Ngalan Mo
Pagkat Ikaw ang tanging baluti ko --
Ang panatang alam kong
Di ko kayang talikuran pa.
Mar 10, 2017
Mar 10, 2017 at 9:00 PM UTC
Ang aming salita ay unti unti nang naglalaho.
Ang mga karanasan noong unang panahon ay hindi na nababasa.
Ang mga masining na kultura´t tradisyon ay mistulang larawan na lamang ng nakaraan.
Ang mga masasayang okasyon ay isa na lamang pangarap.
Ang lahat ng ito ay nawala sa pagdating ng bago, Inay.
Pilit ka man nilang palitan, ang dugo mo pa rin ang nananalaytay sa amin.
Ang pagkaPilipino ay hinding hindi mapapalitan gaano man karaming lenggwahe, kagamitan o oportunidad ang dumating.
Ako ay titindig at magsasalita pa rin ng lenggwaheng aking ipagmamalaki saanman sa mundo.
Para sayo aking Inang Pilipinas, kami ay aasenso nang hindi nakakalimut sa nakaraan.
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 9:31 AM UTC