Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Chi Oct 2017
Mahal,

Naalala mo pa ba yung mga panahon na puro ngiti at saya?

Mga araw na puno ng kwentuhan, asaran at tawanan

Na hindi ko malaman

Kung saan nanggaling ang mga iyan

Naalala mo pa ba kung paano ko lagyan ng ngiti ang iyong mga labi

At tila nilagyan ng bituin ang iyong mga mata?

Naalala mo pa ba kung paano mo sinabi sa akin na gusto mo ako?

Tila hindi ka pa nga sigurado sa nadarama mo

Naalala mo pa ba nung tinanong mo ako kung pwede bang manligaw?

Tila nanlumo ka pa nga sa sagot ko.

At hindi nagtagal, ay unti unti mo din binitawan ang salitang “Mahal kita. Mahal na mahal kita”

Dahil ako? Naalala ko pa


Naalala ko pa kung paano tayo nagkakilala

Kung paano sinabi sa akin ng kaibigan mo, na gusto mo ako

Kung paano mismo nanggaling sa bibig mo, na gusto mo nga ako

Kung paano ko binigkas ang salitang “Mahal din kita”

Kung paano mo unti unting binabawi ang salitang “Mahal kita”

Dahil sabi mo,

Sabi mo pagod ka na, ayaw mo na, sawa ka na

Kung paano ako nagpakatanga, habang tinutulak ka sa babaeng gusto mo

Habang sinasabing “Kung saan ka masaya, duon ako

Kahit masakit, kakayanin ko”

At naalala ko pa, kung paano mo sinabing “Patawad, mahal pa din kita.”

Tinanggap kita.

Tinanggap ko lahat ng eksplenasyon at rason mo.

Lahat lahat, kahit ilang beses kong narinig na ang tanga ko

Dahil tinanggap kita, pero masisisi ba nila ako?

Masisisi ba nila ako kung mahal pa din kita?

Masisisi ba nila ako kung patuloy pa din akong umaasa na babalik yung tayo?

Hindi naman diba?

Kasi unang una sa lahat, hindi sila yung nagmahal

Hindi sila yung sinaktan at iniwan


Ilang gabi akong umiyak

Ilang gabi kong iniyakan ang paulit ulit na dahilan

Ilang beses akong nagpakatanga sa paulit ulit na rason

Ilang beses akong tinanong kung kaya ko pa ba?

Kung masaya pa ba ako?

Kung pagod na ba ako?

Hanggang saan yung kaya ko?

At duon ko natagpuan

Duon ko natagpuan ang sarili ko

Namamahinga sa pagitan ng “Mahal kita” at “Pagod na ako”


Pero mahal, masisisi mo ba ako kapag sinabi kong pagod na ako?

Masisisi mo ba ako kung sinabi ko sayong gusto kong magpahinga habang minamahal mo?

Kung ang gusto ko lang ay ipadama mo ulit sa akin ang nadarama mo?

Kung ang gusto ko lang kalimutan ang sakit na dinulot mo?

Kung pagod na ako kakaisip sa salitang “kayo”?

Kung pagod na ako kakaiyak dahil parang siya pa din ang gusto mo?

Kung lagi kong naiisip na baka kaya mo ako binalikan, dahil hindi ka niya gusto?

Mahal, wag **** iisipin na ayoko na sayo

Wag **** iisipin na kaya ko gustong magpahinga dahil pagod na ako

Dahil tulad ng sabi mo, kung pagod na ako, magpahinga ako

Kasi mahal, gusto kong magpahinga

Para muling madama ang init ng pagibig

Na tila ba sa akin ay iyong ipinagkait Muling masulyapan ang mga matang

Tila ba hinahanap ako sa libo libong tao


Mahal, patawad.

Mahal kita, pero pagod na ako

Pero hindi ibigsabihin nito ay palayain mo ako

Ibig kong sabihin, ipaglaban mo naman ako.

Ipaglaban mo naman ako, dahil pagod na ako.
Kelly Bitangcol Nov 2016
Noong Nobyembre 8 2016, magandang araw ang aking naranasan. Lahat ng tao ay naging mabait sa akin, masaya ang mga pangyayari at nakangiti ako buong araw. Nang sumapit ang hapon at ako ay pauwi na galing sa eskwelahan, mayroong ibinalita sa akin ang aking ina. At dahil sa balita na iyon, nasira ang aking mabuting araw, at napalitan ng pagiging miserable. Isang pangyayari na tumatak sa isip ng madaming Pilipino,  isang pangyayari na naghimok sa akin upang magsalita at lumaban. Noong Nobyembre 8 2016, pinayagang ilibing ang dating presidente at diktador na si Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.


          Bayani ba si Marcos? Siya ay naging presidente ng Pilipinas sa loob ng dalawampu’t isang taon. Alam nating lahat ang kanyang mga nagawa, dahil sa kanya mayroong NLEX, at iba pang mga imprastraktura at gusali. One is to one ang peso at dolyar noong kanyang panahon. Madami siyang nagawa para sa ating bansa. At sabi nga ng maraming Pilipino, ginawa niyang mayaman ang Pilipinas. Pero ano nga ba ang katotohanan? Noong ako ay bata, nasa isip ko rin na si Marcos ay naging magaling na Presidente at pinaganda niya ang Pilipinas. Pero nang ako ay tumanda, nalaman ko ang mga katotohanan na ayaw tanggapin ng karamihan. Bago pa maging presidente si Marcos, mayroon ng malaking oportunidad na magkaroon ang Pilipinas ng economic bloom, at yuon ay dahil sa administrasyon ng mga dating Presidenteng si Magsaysay at Macapagal. Kung mayroong dapat ikredito kay Marcos yuon ay ang pagpapayag niya ng paghiram ng malaki at ang ginawa niyang malalaking utang sa mga dayuhan na dapat kanyang gamitin para sa industrialization at pagpapaunlad. Ngunit sinayang ng rehimeng Marcos ang lahat ng perang ito sa pamamagitan cronyism at katiwalian. Ang hindi alam ng nakakaramihan ay isa siyang kurakot na lider, at ang kanyang mga utang ay babayaran natin magpahanggang sa taong 2025. Oo, madami siyang naipatayong mga imprastraktura at may mga nagawa siya sa bansa, pero hindi ba galing sa mga Pilipino ang pera na iyon? Nasa kapangyarihan siya sa loob ng dalawampu’t isang taon, malamang sa malamang ay madami siyang magagawa. At hindi ba responsibilidad iyon ng isang presidente? Na paglingkuran ang bansa? Bakit kailangang isumbat iyon? Ang daming bagay na hindi alam ng mga Pilipino at lubos na nakalulungkot ito, ang mas nakakalungkot pa ay ang mga nakalimot sa Martial Law. Pinili ng mga tao na kalimutan ang mga totoong bayani, na nagbuwis ng buhay nila para sa bansa na ito. Nakalimutan nila ang mga libo libong tao na namatay at nasaktan. Nakalimutan nila ang dami ng dugo, at sakit na dinanas ng Pilipino noong panahon ng Martial Law. Ang demokrasyang binura ng administrasyong Marcos ay pilit na kinalimutan ng mga mamamayan ngayon dahil sa kadahilanan na ginawa naman nitong maganda ang bansa. Ang kalayaan na ipinaglaban ng mga Pilipino noon, ang kalayaan na dahilan upang makapagsulat ako ngayon, ay hinding hindi ko makakalimutan. Mga perang ninakaw,  mga Pilipinong lumaban pero namatay at nasaktan, mga karapatan na nayurakan, gaanon nalang ba kadaling kalimutan? P167.636 bilyon na ninakaw, 3,264 na namatay, 34,000 na tinorture at 70,000 na nakulong. Hindi bayani si Marcos, at kahit kailan hindi siya magiging bayani.


       Ang pangyayaring ito ay isang malaking bahagi sa ating kasaysayan at bansa. Sinasabi nila na tayo ay mag move on at magpatawad, pero paano natin ito mabibigay kung wala namang nanghihingi nito? At wala sa kanila ang desisyon kung kailan tayo magbibigay ng tawad. Habang ang mga Pilipino ay pinatay ay ninakawan, ang pamilya niya ang nagsasaya dahil sa kanilang yaman at dahil sa pagiging bayani ni Marcos. Sa pangyayari na ito, parang nabura ang ating kasaysayan. Para nating kinalimutan lahat ng nangyari. “Buti pa si Marcos may bangkay.”, sabi ng isang pamilya na hindi pa nahahanap ang bangkay ng isang Martial Law victim. Paano tayo magmomove on sa isang pangyayari na hindi pa naman nagkakaroon ng maayos na wakas? Ito ay parang paglagay ng asin sa sugat na hindi pa naghihilom. Ang nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan, sa katunayan, ay sobrang nakakatakot. Nakikita ko na simula ito ng panibagong panahon na walang demokrasya at pagapak sa mga karapatan. Baka masyado tayong takot sa kasaysayan, pero hindi tayo takot na maulit ito. Pero hindi ako titigil, hindi dapat tayo tumigil, upang ipaglaban ang tama. Tayo ay magsalita, at lumaban para sa ating bansa. Huwag tayong susuko para makamit ang tunay na hustisya.  Hahayaan ba natin na maulit ang madilim na nakaraan? Hindi na muli.

*(k.b)
japheth Aug 2018
Minsan mapapaisip ka na lang
kung ikaw ba ay nagkulang
o siya yung di lumaban.

Mapapaisip ka na lang
kung tama bang ikaw ang nahihirapan,
patuloy na lumalaban,
gulo’y subok na iniwasan,
upang di lang siya masaktan.

Mapapaisip ka na lang
kung kaya ka ba iniwan
kasi kahit gaano mo ipaglaban
— na lahat ng problema niya ikaw na pumapasan
umuuwi ka paring luhaan.

Tama ba na tratuhin ka ng ganito?
na parang laruan na pag sawa na sa iba,
ikaw naman ang gusto?

Tama ba na maramdaman mo
ang sakit na nasa iyong puso
kasi pinili mo siya
kahit alam ng utak mo
na di siya nakakatulong sayo?

Tama ba na sa dinami dami ng taong
araw araw na kumakausap sa’yo,
dito ka pa nahulog
sa taong di ka naman isasalo?

Ang dami kong sinasabi sa ibang tao
na maraming gago sa mundo
na di dapat sila papaloko.
Pero sa dulo din pala,
ako yung magmamahal ng tulad mo.

Pasalamat ka,
ako na yung nagparaya
siguro kasi di ko na rin kaya
lalo na’t nakita kitang may kasamang iba.

Tinago mo pa,
sinabi **** kaibigan mo lang siya
ngunit ang totoo pala,
pag di tayo magkasama
tumatakbo ka pabalik sa kanya.

Di na rin siguro ako magtataka
kung bakit mas pinili mo siya
baka dahil ang puso nyo’y nagtugma
o mas magaling lang siya sa kama.

Bakit nga ba ako nagpakatanga?
Nadaan mo nga lang ba ako sa iyong matatamis na salita,
mga pangakong di ko alam kung matutupad ba
o sadyang uhaw lang ako sa pagmamahal
kaya nung nakita mo ako’t nagpapakahangal
nasabi **** “pwede na ‘to, di rin naman ako tatagal.”  

Sinabi ng mga magulang ko
na lahat ng tao pinanganak ng may puso
na kailangan mo lang intindihin at mahalin
dahil sa dulo, pagmamahal niya’y iyong aanihin.

Pero akalain mo yun,
may mga tao palang tulad mo
na di mo alam kung wala ba siyang puso
o ipinaglihi sa demonyo.

Nakakatawa ka,
na lahat ng dugo, pawis, pati narin oras
sayo ko lahat nawaldas
buti sana kung nababalik mo ’to
pero wala, ginawa mo akong uto uto.

Isa kang patunay
na may mga taong
na kahit lahat ng pagmamahal sayo ay ibigay
nag hahanap ka parin sa iba
ng wala kang kamalay malay.

Ngayon,
tapos na ako.
Di ko kailangan ang isang tulad mo.

Sa lahat ng gago sa mundo,
ikaw pa ang pinili ko,
ikaw pa ang minahal ko,
ikaw pa ang pinagubusan ko ng oras ng ganito,
ikaw pa ang sumira sa’king utak at puso.

Pero salamat din sa’yo
dahil kung hindi sa pang-gagago mo
hindi ko mapapansin na ang pagmamahal di ko lang makukuha sa’yo
hindi ko mapapansin na marami rin palang masasama sa mundo
na ang gusto lamang ay makitang mawasak ang sarili ko.

Andami kong natutunan
di lang tungkol sa mga tulad mo
kundi pati na rin sa sarili ko:
na kaya ko palang magmahal ng ganito
na kaya ko palang lumaban ng husto
na kaya ko palang ibigay ang lahat pati narin aking puso.

Ngayong,
mag isa na ulit ako,
mas masaya na ako.

Kaya sa susunod na darating sa buhay ko,
tandaan mo
nagmahal ako ng gago
kaya ayusin mo ang buhay mo
kung ayaw **** sulatan kita ng ganito.
it’s basically means “To All The Douchbags In The World”

first spoken word piece i’ve ever attempted to write and will record soon

to all the filipinos out there, hope you enjoy it.
to everyone else, a translation will come out soon, let’s just pray my anxiety won’t get the best of me.
NadPoet Mar 2018
bayan kong mahal sayo'y ibibigay ang aking buhay
ipaglalaban ang aking katwiran at karapatan
ipagsisigawan ang salitang pagkakaisa at kapayapaan
ngunit bakit sa lahat ang may hadlang?
tuluyan na bang nabaon sa nakaraan ang kapatiran?
mas nanaisin ng karamihan ang kaginhawaan para sa sariling kapakanan
ang paggiging  makabayan ay bibitawan nalang kapalit ay maging sa sariling alipin sa bayan
magbibingi bingihan na lamang sa mga maling nasaksihan sa mga taong naka upo sa mataas na upuan
ang mali ang nagiging tama ang tama ay mailap ng makita
anung silbi ng mga pinaglalaban kung ang lahat ayaw makipag laban?
sakim sa sarili at sarili lang ang mahalaga
wala na ang mga bayani patay na!
kailan may walang tunay na kalayaan sa ating bayan
dahil ang lahat ay ang nais lang ang sariling interes at kapakanan
nasayang lang ang watawat na hinabi ng ating mga bayani
hindi pagkakaisa ang nasa ang nasa isipan kundi paano maka isa sa lahat
bayani ba ay isang nalang alamat?
wala na bang mag aangat at magsasabing dapat ipaglaban ang karapatan?
nagiging mahirap ang mahirap at sa pera silay salat
ang mayaman ay nagtataas ng bakuran upang di makita ang tunay na kalagayan
iiyak na lamang ang mga tunay na nagmamahal sa bayan
wala na nga ang tunay na kahulugan ng kapatiran
di na isa ang bawat kulay ng watawat kundi ito'y kulay kung saan ka dapat mabilang
naging pangkat ang kulay, naging simbolo na ng watak watak na paniniwala
di na siguro magiging buo ang kulay ng watawat ang kapayapaan ay di magiging sapat
wala na! hindi na magiging isa ang mga pulo ng bayan
nagiging paligsahan na lang kung sino ang magiging una at tatawanan ang talunan
sa inaakalang laban ng pinaka magaling, di man lang maiisip na pagkakaisa sana
bayan kung magiliw paanu na? di na ba magkakaisa?
o sadyang mailap na talaga ang tinatawag na pagkakaisa.
patulong sa pag ayos ng letra. salamat
Ken Alorro Sep 2015
Sa isang gabi, tinapos ko ang lahat
Tinapos ko ang mga luhang nanlalamig
Luhang ikaw mismo ang nagdulot
Mga luhang ni minsa'y di inakalang manggagaling
sa pagmumukhang ito

Sa isang gabi, tinapos ko ang lahat
Tinapos ko ang sakit na ikaw mismo ang nagdulot
Mahal, 'wag nang itanggi
Ikaw ang nagdulot nito.

Sa anim na bote ng alak, tinapos ko ang bawat sandaling kapiling ka
Sa mga sinehan na pinuntahan, sa mga kamang inilapag ang mga katawan, sa mga piling lugar o sa kahit saang sulok na ninais.

Sa anim na bote ng alak, tinapos kita.

Ang unang bote ng alak ay para sa iyong panlalamig
Totoo, nanlamig ka
Mas malamig pa sa boteng hawak-hawak
Sa bawat gabing kapiling ka, ang mga bisig mo lamang ang nagsisilbing unan
Oo mahal, nasa bisig mo ako, pero ang lamig na.

Ang pangalawang bote ng alak ay para sa'yong di pagpaparamdam
Nagdaan ang mga araw na nasanay akong wala ka
Nasanay akong mag isa sa bawat gabing ako'y may pangangailangan
Nasanay akong bigyan ng init ang sarili gamit ang mga kamay
Sinanay ko ang sarili
Pero higit sa lahat, sinanay mo ako

Ang pangatlong bote ng alak ay para sa iyong pagsisinungaling
Alam kong nagsinungaling ka na wala kang iba
Pag uwi mo sa akin, iba ang amoy, iba ang itsura
Kasi naman diba? Iba na ang nag-alaga
"I love you" sabi mo, pero sinungaling ka
Sinungaling

Ang pang-apat na bote ng alak ay para sa hindi mo pag-uwi sa akin
Mahal, ako ang iyong tahanan
Pero pinili mo ang lansangan

Ang pang-lima na bote ng alak ay para sa hindi mo pag alala
Pinili **** limutin ang ating mga sarili
Pinili **** maging bulag upang di ako makitang nasasaktan
Puta ka? Sana naging bulag ka na lang talaga

Ang pang-anim at panghuling bote ng alak ay para sa hindi mo pag-laban
Ipinaglaban kita
Ipinaglaban kita sa mga taong pilit tayong paghiwalayin
Ipinaglaban kita sa mga kaibigan ko
Ipinaglaban kita sa buong mundo
Pero please naman, ipaglaban mo rin ang sarili mo
Gawin mo para sa'yo


Sa anim na bote ng alak
Tinapos ko ang lahat at naitanong ang sarili
Sino nga ba ang nagpapasya kung minahal kita o hindi?
Ikaw ba? Sila?
Hindi ikaw! Hindi sila! Kundi ako!
Hindi sila ang magpapasya kung inibig kitang tunay
Dahil sa huli
Ako ang nagmahal, hindi sila
Ako ang nasaktan, hindi sila

Sa anim na bote ng alak
Tatapusin na kita at patuloy pa kitang tatapusin hanggang sa hindi maghilom ang sugat sa puso na pinili **** iwaksi.
Yule Mar 2017
noong una kitang nasilayan
inaamin kong hindi ikaw ang nais kong kamtan
ngunit habang tumatagal,
puso ko’t loob, sayo’y natuluyan

hindi ko rin alam kung bakit
dahil ba sa boses **** nakakahumaling?
o sa mga matatamis **** mga ngiti?
mistulang nawawala ang iyong mga mata
sa tuwing ito’y iyong gawin
di ko alam, pero simpleng titig mo lamang
ka’y laki na ng epekto nito sa akin
hanggang sa palagi na kitang hinahanap-hanap
aba’t ginayuma mo nga ba ako?

ngunit, kung ano't saya ang nadarama
ganoon din ang kapalit nito kapag nandyan ka
sa mga panahon na wala ka sa tabi
pasakit at dalilubho ang naranas
bakit ba hindi ko kayang sayo ay mawalay?
ngunit kailangan kong magtimpi at alamin
kung hanggang saan lang dapat ang hangarin

ngunit aking nagunita,
ikaw talaga ang natatangi sa puso, at tuwina
ngunit kung gusto ko ring makaalpas sa sakit
kailangan ika’y kalimutan
sa gayon ay baka matagpuan ang kalinaw

pero ang alaala ng kahapon ay sadyang bumalik
kahit saan man magpunta, ika’y naka-aligid
kung alam mo lang ang aking tinahak
pagod, at hirap – naranas upang sayo’y makalapit

ngunit ano ba pa ang magagawa?
sa una pa lang, nagmahal ng isang tala
at kung bigyan man ng pagkakataon
mas pipiliing sarili ay ibaon
lahat ng nararamdaman
na hindi mo rin kayang ipaglaban

dahil hindi mo rin naman ako mahal,
mas mahal mo ang iyong pangarap
at hindi ako yun, ito'y tanggap

sakim man sa kanilang paningin
ikaw lang naman ang gusto ko
ngunit, bakit? bakit…
ipinagkait pa sa akin ng mundo?
pero ito ang nagpapatunay
na kahit gaano pa ako kailangan na maghintay
para sayo'y hindi ako nararapat
dahil tunay nga ba ang aking intensyon?
o ginagawa lamang kitang desisyon?
tingnan mo nga, miski ako may pagdududa

kahit man ito’y pag-ibig natin ay isusugal
kahit gaano ko pa ipagsamo sa Maykapal
wala rin naman itong mahahantungan
hindi rin naman ako ang iyong kailangan

kaya't ito'y hahayaang dalhin ng langit,
kung saan mang lupalop ito'y dalhin
pinaubaya sa Maykapal,
antayin na lang maglaho
ito ang aking huling habilin,
bago kitang tuluyang iwan

pero ito'y mananatiling nakaukit
sa puso't isipan,
dahil kaya nga ba kitang kalimutan?

ito’y magsisilbing alaala
ng minsan nating pagsasama,
kahit sa panaginip lamang

ang ipagtagpo ang isang ikaw at ako,
ang mabuo ang salitang 'tayo' –
napaka-imposible…
napaka-imposible.

eng trans:
when I first saw you
I admit you're not the one I yearn for
but as time passes by
my heart, and mind – fell for you

I don't really know why
is it because of your alluring voice?
or because of your sweet smiles?
it's as if your eyes disappear
whenever you do this
I don't know but in your simple stares
it has a big impact on me
until I'm always looking for you
oh my, did you put a spell on me?

but in what happiness I felt
that's what I also feel whenever you're there
in times that you're not beside me
pain and dreading was experienced
why can't I stand being apart from you?
but I have to resist and know
to where I should stand in line

yet I've realized
you're the one that's always in my heart
but if I want to get rid of this pain
I have to forget you
by then I might find peace

but the memories of yesterday kept coming back
everywhere I go, you're there
if only you knew what I've been through
exhaustion, and rigor – I have to face to get close to you

but what can I do?
from the start, I've loved a star
and if given a chance
I'd rather choose to bury myself,
all these feelings
that you're not even willing to fight for

because you don't even love me,
you love your dream more
and it's not me, I've accepted it

it may be selfish in their eyes
you're the only one I want
yet, why? why...
did the world denied + you from me?
but this just proves
that no matter how long I have to wait
I'm not the one for you
because is my intention real?
or am I just making you a decision?
see? even I have doubts

even if I gamble this love of ours
even if I plea from the Creator
this will just go nowhere ++
I am not the one you need

that's why I'll just let the sky take this
wherever in the heavens this will be held
let the Creator take charge
I'll just wait for it to fade
this is my last will
before I will leave you

but this will remain etched
in my mind, and heart
because can I truly forget you?

this will serve as a memory,
of our once encounter
even if it's just in a dream

for you and me to meet,
to form the word 'us' –
it's so impossible,
**it's impossible
+ finding a translation I wanted for this was hard
++ even this //brainfart

suntok sa buwan (from ph; fil.)
lit.trans: hitting the moon; punching the moon
actual meaning: impossible

this was my entry for our "spoken poetry",
though none can relate...

pasensya na, mahal...
unti-unti, ako'y bibitaw na. | 170303

{nj.b}
John AD Feb 2018
Bayani sa bayan meron pa nga ba , tuluyan nga bang nawala o bulag ka lang talaga
Nawawala na nga ba ang mga bayani o meron naman masyado lang tayong nagiging utak talangka,
Sa bansang to hindi umuunlad , sinisisi ang gobyerno bakit hindi mo sisihin ang kapwa mo
Kapwa mo mahal mo ano ka siraulo , dito sa bayan na ito hindi uso ang ganyang pagkatao
Mas gugustuhin pa nilang kapwa ko mas angat ako , dahil ang sukatan dito ay estado nang pagkatao,

Mahirap ka at walang salapi subukan **** ipaglaban ang karapatan mo , masama ang tingin saiyo
Mayaman ka lumaban ka pera pera lang naman ang laban dito tiyak na ikaw ay mananalo
Ganito sa bayan ko hindi balanse ang mga tao , kahit nga kumayod ka nang sobra sobra para makamit ang pangarap mo
kung ang nasa paligid mo ay hihilahin ka pababa para lang bumalik ka sa simula at maging problemado,

Ano sisihin mo lang kapwa mo?sisihin mo din sarili mo maghapon kang nakatunganga sa modernong teknolohiya
hindi mo kayang mag reklamo sa ginagawa ng mga **** mo sa paraalan na nakatunganga din dahil hangad mo lang ay masarap na buhay
at hindi mo hangad ang matuto sa paaaralang ito.

Masyado ka nang nilamon nang sarap hindi mo danas ang hirap , tumingin ka naman sa ginawa nang mga nagpaaral sayo
Naghirap sila humanap nang solusyon para lang ipamukha sayo na kahit malayo sila sayo o wala silang oras para sayo
handa silang gawin ang mahirap na trabaho at kahit kokonting oras lang ang ibigay nila para makasama mo,
makita ka lang masaya at masaksihan ang tagumpay nang buhay mo, yun ang pinakamagandang sukli na ibibigay mo

Napaisip ka na ba sa ginagawa mo , palagi ka nalang dada daig mo pa ang telepono na walang sumasagot tunog lang nang tunog,at
Galit ka pa , todo dabog kapag di napagbigyan ang gusto mo .Puro nalang tayo ganyan maliit na bagay pinapalaki
Bakit di mo tignan mabuti at pagaralan ang iyong sarili ang kapaligiran tama bang magreklamo nang magreklamo kung ang sarili mo nga
hindi mo parin maitama , tandaan mo na ang buhay ay parang isang gulong pero minsan nangangamoy din pakiramdaman mo nang mabuti
baka sunog na at amoy goma na ang gulong na sinasabi mo , tignan mo din kung yung hangin masyado nang madami ang lumalabas para naman sa susunod
hindi ka puro pag aaaklas.
Para sa mamamayan kong pilipino
032417

Tayo ang makabagong henerasyon!
Tama na at bumangon na pagkat
Natutulog ang Diyos at wala Siyang ginagawa.
At hindi ako naniniwalang
May pag-asa pa ang bayang Pilipinas.
Para sa akin,
Bilang isang disipolo,
Bilang isang Pilipino,
At bilang isang anak ng Diyos,
Hindi na tayo makauusad pa.
Hindi na tayo makababangon pa
Ipagsigawan natin sa lahat na
Isang kahangalan ang
Paglingkuran ang ating Panginoon.
Tumayo para sa bayan,
Ipaglaban ang pamilya,
Mahalin at pahalagahan ang sarili't kapwa,
Mas piliin nating
Umasa sa iba at hayaan ang araw lumubog nang wala tayong ginagawa
Kaysa sa
Magbago ng pananaw at magbagong buhay
Kumilos at tayuan ang pananampalataya
Pagkat ang dapat at tama nating gawin ay
Lunurin ang sarili sa hapding dulot ng mundo.
Talikuran na natin ang kapwa Pilipino,
Ayos lang na itapon ang bawat pangarap,
Hanggang dito na lang tayo,
At mali na sabihin at paniwalaang,
Makababangon pa tayo bilang isang lahing may iisang mithiin.
Na makakaya pa nating tumayong muli.
Pagkat ito ang katotohanan,
Wala nang pag-asa ang bayang ito.
Wag na natin linlangin ang ating mga sarili na
Magkakaroon pa rin ng malaking pagbabago.
Kung lahat tayo'y makikibahagi sa pagsulong,
Hindi natin maitatangging
Wala na tayong maiaambag pa.
Wala na tayong magagawa pa at
Hangal lang ang magsasabing
Buhay ang ating Diyos,
Tayo ay ipinag-isang bansa.
Read upwards
JOJO C PINCA Nov 2017
"A spectre is haunting Europe"
- Communist Manifesto

Ang multong gumagala noon sa Europa ay hindi parin natatahimik. Hanggang ngayon ay patuloy itong gumagala at nanggagambala. Hindi n’ya pinatatahimik ang mga burgis at elitista. Kaya’t patuloy na nagsasabwatan ang ibat-ibang kapangyarihan sa lipunan upang labanan ang multong ito at hadlangan ang kanyang paggala. Ang mga lider ng relihiyon, ang mga kapitalista, ang mga namumuno sa gobyerno na panay oportunista, ang pasistang militar, ang pulisya pati na ang midya lahat sila ay nagsasamasama upang kalabanin ang multong gumagala.

Nasaan na ang tunay na partido ng mga manggagawa na kinakatawan ng multong gumagala? Nasaan na ang mga rebolusyunaryo at mga aktibista na kakalaban sa bulok na Sistema? Bakit hanggang ngayon ay namamayani parin ang naghaharing mapagsamantalang uri? Kinain na ba kayo ng maling sistema at ngayo’y naaagnas na rin?

Nang bumagsak ang Rusya at lumihis ang Tsina ay nagdiwang ang mga imperyalista. Akala nila ito na ang wakas nang paggala ng multo, subalit nabigo sila at nagmukhang mga asong hangal na kumakahol sa sariling suka. Pagkat nagpatuloy ang multo sa kanyang paggala at ibayong lagim ang kanyang dala-dala. Subalit bakit tanong nila?

Simple lang ang dahilan:

Hanggat laganap ang kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay hindi sila patatahimikin ng multong gumagala. Patuloy nitong uusigin ang budhi ng mga ganid at sakim sa kayamanan.

Hanggat ang biyaya ng lupa ay hindi nakakamtan ng lahat ng tao ay patuloy itong magmumulto.

Hanggat ang mga manggagawa ay hindi gumiginhawa hindi mananawa ang multo na magpaalala sa kanila na patuloy nilang igiit at ipaglaban ang kanilang mga karapatan na s’yang nararapat.

Patuloy na gumagala ang multo ng Komunismo na nagmula pa sa Europa kailanman hindi nito patatahimikin ang mga sakim sa yaman at sukaban sa kapangyarihan.
solEmn oaSis Nov 2015
dapat tayo ay merong isang pag-big
nasyon
na walang kaukulang ano mang
limitasyon
kahit mahirap o mayaman iisa ang
ipaglaban
itaguyod ang pagiging makatao't
makabayan

" *wala na ngang hihigit pa sa pagbubuwis ng sariling buhay

para sa pagtatanggol sa ating Inang Bayan! "
my sincere acknowledgement to Miss Dan Mills and unto Dead lover!!
i know...both of you, knows about this italic and bold format ;)
" I am happy " ,,, Celebration time!! Congrats!
i mean, you know! you know what i mean
Bianca Tanig Mar 2017
Tigil na tayo, mahal.

Ramdam kong natabunan ng isang pagkakamali ko ang lahat ng mga alaalang nabuo natin.

Na kahit ilang beses man tayong bumalik sa isa't isa, patuloy kapa ring magdududa at patuloy **** babalikan yung araw na bigla akong nawala.

Paulit ulit mo pa ring ipapamukha sa akin kung paano ako biglang naglaho nung mga panahong ikaw ay nagbabago para sa akin.

Habang ako, ni minsan hindi ko sinubukang isumbat sa'yo ang biglaan **** paglisan nung mga panahong ikaw ang naging lakas ko.

Nang minsang nagkamali ka at nilamon ka ng tukso, hiniling ko pa din ang pananatili mo at nagpatawad ako.

Oo, pinatawad kita. Pero minsan, hindi padin pala sapat ang pagpapatawad.

Ang sabi mo ay nilalamon ka ng iyong konsenya, kaya pinili mo pa ding lumisan. Pinigilan kita, pinili mo pa din akong bitawan.

Tama na, mahal. Tama na 'to. Tigil na tayo.

Habang mayroon pang natitirang magagandang alaala na binuo nating dalawa. Habang may babalik tanawin pa akong mga ngiti, kilig at tuwa sa bawat sandali na tayo'y magkasama. Bago pa mapalitan ng mga luha at hinagpis ang mga alaalang ayokong mabura, tigil na tayo, mahal.

Ayoko nang ipilit pa. Ayoko nang manatili sa isang bagay na sinusubukan kong ipaglaban ngunit pilit **** pinagdududahan. Higit sa lahat, ayokong kalimutan kung paano kita minahal at kung paano mo ipinaramdam sa akin na karapat-dapat akong piliin kahit sa sandaling panahon na iginugol mo sa akin.

Tigil na tayo, mahal. Baka talagang hanggang dito nalang. Sapat na ang munting sandali na naging masaya ka at ako. At sa ganong paraan ko gustong maalala ang "tayo".

Salamat mahal, hanggang dito nalang tayo.
Itsyellabeau Jul 2019
Hindi ba ko karapat dapat  ipaglaban— daing ng pusong nahihirapan.
Iniisip ang nakaraan, na ang nilaanan mo ng pagmamahal hindi kayang makipag sapalaran, ni hindi ka kayang ipaglaban. Sa ungos ng gyera laban sa pag iibigan, sumuko ka’t iniwan akong sugatan. Sumama sa iba na walang pag aalinlangan, “hindi mo ba ko kayang balikan?” Sambit ng pusong naguguluhan. Iniisip na ang ating relasyon ay isang malaking kasinungalingan lamang.
Sa tagal tagal ng ating pagsasamahan, unti unti na kong nalilinawan.
Na hindi mo ko minahal, ginamit mo lang ako sa tuwing kailangan **** maibsan ang init sa iyong katawan, tenga na mapagbubuntungan sa tuwing ika’y  nasasaktan.
Nabulag ako sa katotohanan, kalayaan unti unti kong naasam.
Pero bakit mo ko ginamit— ang patuloy na gumugulo sa aking isip.
Dahil ba madali akong magpatawad, na sa isang halik mo lang maayos na ang lahat. Sana ang nararamdaman ko na gusto kong balikan ka, ay kasing dali rin sa gusto kong kalimutan ka.
Gusto kong mahalin ka, pero mas gusto kong kalimutan ka.
Hindi madali, pero kakayanin, uungusin, kakailanganin. Hindi para sa iba kung hindi para sa akin. Siguro panahon na, para ako naman ang piliin hindi ‘mo’.
Kung hindi ng aking sarili.
leeannejjang Sep 2017
Ilan taon na din ang nakaraan
Noong huli tayong nagmahalan.

Mga batang sabik magmahalan
Kahit ayaw ng magulang.

Naaalala ko yung mga lihim natin
Paghawak kamay sa silid aralan.

Mga tinginan kasing tamis ng candy.
Sulat na punong puno ng pagmamahalan.

Ngunit kung gaano kabilis ang atin pagmamahalan,
Ganoon din kabilis ang katapusan.

Ilang taon na din ang nagdaan,
Naaalala mo pa ba ang ating nakaraan?

Sa ating muling pagkikita,
Ang mga puso'y sugatan.

Takot magmahal dahil sa sugat na
Iniwan ng iba.

Handa na ba tayong suungin ang
Pag-iibigan naudlot?

Handa na ba tayong ipaglaban ang pagmamahalan ito?

Andito lang ako maghihintay sa sagot mo.
Sorry for the hugot. ♡
Robert Biene Mar 2018
Sinulat ko ito para sa babaeng inspirasyon ko
Sinulat ko to para sa babaeng gusto ko
Sinulat ko to kahit di mo gusto
Sinulat ko to sa damdaming nanawagan para sayo
Sinulat ko to kahit kupas na ang gamit na mga litanya
Sinulat ko ito sana'y dinggin at pakinggan
Sinulat ko to para sa babaeng mahal at mamahalin ko
Sinulat ko to para sayo, aking sinta.

Babaeng sinta nakita ko sa'yong matang nakasandal sa pighati hatid ay lumbay at kalungkutan
Damdamin mo'y gusot nilukot pinaikot-ikot, kirot ang naidulot
Di ka ba napapagod
Sa iyong matang luhang di mapigilan pumatak ,umaagos hanggang sa mapagod at makatulog ngunit minsan nauudlot dahil sa sakit na naidulot
Bibig at boses na ginapos ng nakaraan sa matatamis mabobolang salita lumipad sa kawalan humantong na bitiwan ka nya
Ngayon ay hikbing paudlot udlot, pwede mo na ba ihinto?
Para sa taong handa kang hintayin at mahalin ng walang halong kasinungalin at tunay.

Handa ang panyo para punasahan ang iyong luha
Handa ang tenga para dinggin ang iyong walang katapusan na drama
Handa ang mga kamay ipagluto ka punan ang iyong katakawan
Handa ang boses para ikaw kantahan kahit sa lumang paraan na tawag ay harana
Handang handa kang paglingkuran kahit labhan ang damit ng iyong mga kuya
Handa kang samahan sa iyong kasiyahan lalo na sa panahon ng iyong kalungkutan
Handang gawin ang lahat ng makakaya para ikaw mapasaya lamang
Handa iaalay ang sarili sa Diyos at hubugin ang sarili para maging karapat dapat sayo at sa pag ibig **** alay

Handa ako ipakilala ka sa aking pamilya
Handa kang hintayin kahit gano man katagal
Handa ako na patunayan ang bawat pangako na nakasulat dahil dapat ang isang lalaki ay may isang salita
Handang handa ako mahalin at ipaglaban ka sinta.

Kapal man ng mukha ang sayo'y iharap
Wag mo sana tingan sa itsura sana makita mo ang puso kong malinis ang intensyon totoong tunay
Pakiusap muling buksan ang iyong sugatan hilom na puso;
Para sa lalake di uso ang laro

Sa bawat bigkas na taludtod
Pangako sayo di mapupudpod
Puso **** naupod napagod
Di na mauulit ang pagkakataon na iyon
Sayo'y di kahit kelan mapapagod
Intidihin ka sa bawat pagkakataon
Respeto at pangunawa ang aahon
Para sa panahon sa muling pagkakataon
Andito lang ako andito ako naghihintay at maghihintay sayo
Agust D Apr 2020
may isang natutulog sa kalye
walang sala, walang detalye
walang makain, walang tirahan
ngunit ikinulong tila'y makasalanan

"mahirap maging mahirap"
said ng mga matang nagpapaki-usap
nang gayo'y makahanap
ng pagkain sa pamilya'y maiharap

at ang isa'y pinaiimbestigahan
dahil umano sa ilegal na pamamaraan
ng pagtulong sa kanyang nasasakupan
kailan ba ito naging kasalanan?

o, Pilipinas, ika'y binabantaan
patagong tinatangay ang iyong kayamanan
mga anak mo'y pinahihirapan
sa kalagitnaan ng krisis, ika'y pinagsasamantalahan

o, Pilipinas, naliligaw ang iyong landas
ika'y inaapi, inaabuso nang marahas
waring pinaglalaruan ang batas
ng isang nag-aanyong taong hudas

halika't iyong ipaglaban
ang bansang ating sinilangan
basagin na ang iyong katahimikan
at h'wag hayaang manaig ang kasakiman

pakinggan, dam'hin, at tignan
h'wag ka munang lumiban
sapagkat kailangan ang iyong katapangan
sa umuusbong na digmaan
Isang Tulang tungkol sa Politika
Jor May 2016
I.
Nakilala ka dahil sa isang kaibigan,
Di nagtagal, tayo'y nagkamabutihan.
Walang araw na hindi nagkakausap,
Tuwing nagmemensahe ka ako'y parang nasa ulap.

II.
Nakilala pa natin ang isa't-isa.
Tandang-tanda ko pa nung una tayong magkita,
Hindi ko maalis sayo aking mga mata,
Pero ramdam ko ika'y sakin ay ilang pa.

III.
Unang larawan na tayo'y magkasama,
Proud na proud ko pang ipinakita sa tropa.
Ako na ata ang pinaka-masaya nung araw na 'yun,
Dinarasal na sana parati nalang ganun.

III.
Nagpatuloy ang ating palitan ng matatamis na salita,
Pero kada-araw na lumilipas na araw, tila ika'y nanlalamig ata.
Hinayaan ko, kahit na hulog na hulog na ako sa'yo.
Sabi ko sa sarili ko: "Wala kang karapatan mag-tampo dahil di naman kayo."

IV.
Nagsawa na ako sa ganoong estado kaya't nagtanong ako ulit:
"Ano ba ang meron tayo? Kasi mahal kita, eh ako ba?"
Hindi ka umimik, nagpumilit kang ibahin ang usapan.
Tinanong ko ulit ang aking sarili kung; "Itutuloy ko pa ba ang laban?"

V.
"Hindi kita kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa akin."
Ang ganda ng umaga ito, tapos ganito ang bungad mo?
"Bakit ano ang dahilan, gusto kong maliwanagan?" Tanong ko.
"Gusto na niya makipagbalikan. Patawarin mo ako."

VI.
Halos gumuho ang mundo ko sa nabasa ko.
Para akong natutulog ng mahimbing, tapos binuhusan ng yelo.
Alam ko namang hahantong sa ganito,
Buti na lamang handa ako, pero di ko akalain bakit sa araw pa na 'to?

VII.
Masyado akong nagpadala sa mga ngiti mo,
Hinahanap-hanap ko pa presensya mo,
Hulog na hulog na ako, kasi akala ko kaya mo ako.
May kalakihan ako, pero sana nagsabi kang hindi mo ako kayang masalo.

VIII.
Ikaw ang bumuo sa mga araw ko,
Pero ikaw rin pala ang wawasak nito.
Lumaban ako--kasi akala ko kaya mo rin akong ipaglaban,
Pero mas piniling **** balikan yung taong minsan ka nang iniwan.
tula
dalampasigan08 Jun 2015
Sabihin mo sa akin - saan ako nagkulang?
Sa bawat oras ba na sa'yo lang inilaan?
Sa bawat ngiti bang ikaw lang ang dahilan?
O sa bawat sandaling hindi ka nahagkan?

Sabihin mo sa akin ang aking kasalanan.
Mali ba ang mangarap na tayong dal'wa lamang?
Mali ba ang umibig at ika'y ipaglaban?
Mali rin ba'ng lumuha nang ikaw ay lumisan?

Sabihin mo sa akin - bakit ako'y nasasaktan?
Bakit ang puso ko ay iyong sinugatan?
Sa bawat ala-ala ng ating nakaraan,
Bakit kabiguan yaring aking nakamtan?

Sabihin mo sa akin kung paano malimutan?
Kung sa bawat pikit ko'y naroon ang 'yong larawan?
At hanggang sa ngayo'y ito ang aking katanungan,
Bakit 'di ko masabi ang katagang "Paalam?"
01-17-11
9:53 AM
w Apr 2019
91
Ang sabi nila na ang pinakamasakit daw na tunog ay ang iyak at hikbi,
Malakas man, mahina o pag-pipigil
Lahat daw ‘yon ay pare-pareho lang
Tama nga siguro sila kasi ang iyak ay nakapag-sasabi ng totoong nararamdaman, ang iyak ay isang kalungkutan
Noong gabing yon, narinig ko ang pinakamasakit na tunog
Sabay tayong lumuha
Sabay nating iniyak ang sakit na para bang masasagot lahat ng tanong sa ating isipan
Mga pagkukulang, mga sana at dapat na pareho nating gustong malaman, gustong ipaglaban
Mga tanong na matagal ng kinukwestyon ang mga bagay na hindi maintindihan
Mga pagkukulang na pinipilit buuin na unti-unting lumalabo
Mga sana at dapat na matagal nang pinipigilan
Ngunit narinig ko ang tunog ng bawat galaw ng iyong mga paa na humahaplos sa sahig
Narinig ko kung paano mo ikinabit muli ang iyong mga paa sa iyong medyas at sapatos,
Kung paano mo ito itinali at binuhol nang napakahigpit
Narinig ang bawat kilos at galaw
Sa huling beses ay narinig ko ang iyong mga daliri
Kung paano dumapo ang iyong palad sa pinto
Hindi iyak at hikbi ang nangibabaw
Kundi ang tunog ng pagsara ng pinto
Krezeyyyy Nov 2016
Ayan! Siya pala yung taong
Minahal ko
(At patuloy ko pang minamahal)
Oo, nakakalula yung tingin at ngiti nya
At kung marinig mo man ang mga tawa niya
Naku! Gagawin mo ang lahat para
Marinig at marinig at marinig at marinig
Paulit-ulit ulit-ulit at hindi mo pagsasawaan
Ang mga tawa niya.

Siya pala yun
Yung kaya kong gawin lahat
Ipaglaban hanggang sa dulo
Noon, walang kasiguraduhan
Yung pinagagagawa ko sa buhay
Hanggang siya..
Dumating nga siya’t lahat ng bagay
Ay may kabuluhan
Ang mga araw ay naging
Mas maaraw
Nakikisayaw na rin ako sa mga
Ulan sa hapon
At sa gabi
Di alintana ang lamig sa init ng mga yakap
Kapag yumayakap
Sa bawa’t sandali.

Siya nga yun
Yung nakiusap na bumitiw at bitawan
Mga kamay na hindi ko pa nga
Nahawakan
Mga ngiting hanggang sa litrato na lamang
Mga salita ng pag-ibig
Na hindi pa naipaglaban
Pero bumitaw na siya
At naki-usap ako’y bumitaw na.

Siya yun
Yung kaya kong gawin lahat
At ngayon ay paulit-ulit kong
Binibitawan
Sa puso at isipan
Kung kaya ko siyang ipaglaban
Siguro (sana naman)
Kaya ko din siyang bitawan.
PairedCastle Sep 2016
Wala ba talaga ako halaga sa iyo?
Kahit isang litrato ay wala sa iyong telepono?
Ganun mo ba ako hindi ka-gusto?
Ni hindi mo man lang ako kayang tignan na parang mahal mo?

Hindi kita matanong kung ano ang talagang iyong gusto
Natatakot sa maaaring isagot mo
Tinanong mo ako kung naiinip na ako
Gusto kong sumagot ng “Oo”

Ano ba ang gusto **** maging sagot ko?
Gusto mo bang ako na mismo ang kusang lumayo sa iyo?
Ano kaya ang iyong tugon kung sabihin kong may manliligaw na ako?
Ipaglaban mo kaya ako at ituring sa wakas na sa iyo?

Ayaw ko hanapin pa ang lugar ko sa puso mo?
Ano ba talaga ako sa pagkatao mo?
Nais mo ba akong manatili sa tabi mo?
Manatili hangga’t makahanap ka ng kapalit ko

Sana ay hindi ka na lang umamin
Sana ay nanatili na lang ng katulad ng nagsisimula pa ang sa atin
Nagpapakiramdaman, nagkakamabutihan
Walang aminan, nagtataguan

Ngayon ako ay nahihiya
Bakit ganun ang inasal ko sa aking pagsinta
Naging hindi totoong ako
Ninais na maging lahat na iyong gusto

Paano nga ba tayo magtatapos?
Tayo pa ba ay may simula sa pagtatapos?
Ako lamang ba ang sumisinta ng labis?
Ako lamang ba ang nag-iisip ng ganitong labis?

Sabi ng utak ko ay huwag na umasa
Huwag nang maghangad, tama na sa parusa
Kung gumagana man ang puso
Ang sabi nito ay sundin ang bugso

Maari naman natin ayusin
Sabihin mo lang sa akin ang iyong naisin
Ano ba ang gagawin upang maitama ang mali?
Ano ba ang gagawin upang maging pag-aari mo muli?

Ganito talaga ang aking pag-ibig
Laging sawi, laging nagsusumamo
Pag-ibig na hindi lagi masuklian
Hindi mahalaga sa kahit na sino man
August 14, 2016
21:00
012116 #Genesis

"Ikaw na siyang tagapangalaga ng mga tupa,
Habang ako'y hamak na ligaw lamang,
Sa lupaing yaong paraiso sa inyo.
At kagandahan mo'y
Siyang bukas kong may sigla."

"Ginoo, ako'y hanga sa iyo
Pagkat tupa ko'y iyong diniligan.
Ni hindi mo sinadyang ako ang unahin."

"Hayaan **** pagsilbihan kita,
Kahit pitong taon pa.
Giliw, ako'y maghihintay.
Mabilis lang ang araw
Sa pusong tunay na nagmamahal."

"Paumanhin, tila nabalewala ang iyong pagpapagal.
Kaya mo pa bang ako'y ipaglaban?
Kung hindi ma'y, sana'y sambitin mo
Nang maarok ko ang tugon mo."

"Sinta, ako ma'y subukin pa
Ng pitong taong muli.
Ipaglalaban pa rin kita,
Pagkat pag-ibig ko'y hindi limitado ng panahon."

"Salamat pagkat ikaw ang kabiyak,
Puso mo't lakas, tila'y napagod.
Hayaan **** ako mismo
Ang siyang magbigay kapahingahan."
ramon cayangyang Nov 2016
Bago ako magsimula , Gusto kulang sabihin sayong “kamusta?”
Parang kay tagal na simula nang huling tayo ay magkita
Hanggang ngayon hindi ko masabe kayat dadaanin kita sa
Maikli kong tula ….

Sa tulang halos buhay ko ang nilalaman , buong buhay na aking
Minahal at pinaglaban ng hindi man lang niya nalalaman . ..
Kahit na alam ko na sayo ay may nagmamahal at kayong dalawa
Ay nagmamahalan patuloy pa rin ako sa aking pakikipaglaban

Nakikipaglaban sa aking nararamdamang hindi ko alam kung bakit
Kinakailangan , bakit kailangan kong pagdaanan kasi hindi ko kayang
Iwaksi sa aking isipan at sa tuwing tatalikod ako sayo hindi ko
Mapigilang ilabas ang tunay kong nararamdaman …

Nararamdamang kalungkutan ngunit napapalitan ng kasiyahan sa
Tuwing ikay aking masisilayan , masilayan ang nagiisang dahilan ng
Tuwa at pasakit na aking nararamdaman

Pero kahit punong puno ng pasakit at pagdurusa ang dulot mo sa
Akin wala akong pakielam …
Kahit na sabihin ng iba na “TANGA KA BA ? MAHAL MO PERO MAHAL
KABA ?

Wala akong pakielam sa sabihin ng kahit na sino man , isa lang naman
Ang laman ng aking isipan

Ang oo at pero , OO ngat alam ko na sa puso niya ay hindi ako bagkus
Iba ang siyang nanahan ,
Pero sa puso ko , ikaw ang siyang nagturong magmahal ng totoo kahit
Na alam na walang dapat asahan

Na ang salitang “TAYO” sa panaginip kulang makakamtam

Pero kahit ganon paman ang kinalabasan , Masaya parin ako sa nagging resulta nang aking ginawa na tinatawag ng karamihan na “KATANGAHAN”

Kase hindi kuman nagawang makamtan ang taong laman ng aking isipan ,at kahit Alam Kong sa panaginip kalang mahahagkan

Atleast natutunan ko at nagawa kong lumaban at ipaglaban siya
Kahit na hindi man lang niya nalalaman
#hugot#filipino#tagalog
X Oct 2014
Alam mo bang ikaw ang tanging nais ko?
Hindi na ako hihiling pa...
Bakit pa nga ba?
Sinasabi **** hindi ka kaibig-ibig,
Ngunit iba ang aking nakikita.
Lahat ng lumalabas sa iyong bibig
Ay aking tinatago
Para pakinggan sa oras ng kalungkutan.
Ang iyong mga ngiti,
Hindi ko pagsasawaan.
Kahit na ayaw **** tinititigan ka,
Hindi ko mapigilan.
Kay gandang pagmasdan
Ng aking musang
Handa kong ipaglaban.
Jun Lit Sep 2017
Ang EDSA ay kumakaway
Ang bayan ay nakaratay
Saklolo ay hinihintay
Marami nang napapatay

Ang EDSA ay tumatawag
Ang baya’y di makapalag
Pambabastos di masalag
Kahit mali’y pumapayag

Sinungaling, hindi tapat
Pati lahat n’yang kasabwat
Naniwala naman lahat
Instant solve daw droga’t kawat

Ngunit ngayo’y malinaw na
Na ginawa tayong tanga
Magnanakaw 'nilibing pa
na bayani, An'yare na?

Ang EDSA’y nagmamadali
Kaliluha’y naghahari
Tama’y ginagawang mali
Ang ganito’y di maari

Bayan noo’y nagkaisa
Diktadura'y itinumba
Karapatan ng balana
Hindi pwedeng ibasura

Diktadura’y hindi dapat
Mapabalik at magkalat
Kapag kapit-bisig lahat
Lakas ay walang katapat

Ang ‘EDSA One’ ay larawan
Nanindigang sambayanan
Aral ay hwag kalimutan
Kalayaa’y IPAGLABAN!
071316

Di tayo nagkamaling ipaglaban ang sa atin,
Pag-ibig sa Baya'y ipinag-igting,
Sa bawat kislap ng kandilang nanlilisik.

Minsa'y ang kampana ng puso'y nabibitin,
Ilang beses inanod sa nauudlot na pag-irog,
Bagkus ang lamat ay natapos
Ng kagimbal-gimbal na ulat ng ngayon --
Tayo'y nagwagi, nanalo ang pag-ibig!
m i m a y Sep 2017
Ano nga bang mas mahalaga
Ang pagkakaibigan natin o ang ibigin ka
Mga bata palang tayo ikaw na talaga
Sa isip at puso ko ika'y nag-iisa

Gusto mang aminin ngunit hindi kaya pa
Wala ring kasiguraduhan pag-ibig ko'y masusuklian ba
Ayoko rin namang masira pagkakaibigang nabuo na
Na noon pa may iniingatan ko na

Kaya't ginawa ko'y ireto ka sa iba
Baka sakaling malimutan ka
Natutuwa akong makita kang masaya, kahit nasa piling ka na ng iba.
Ngunit hindi maiwasang lumuhang magisa

Tama nga bang ibinigay kita sa iba
O dapat na bang ipaglaban ka
Dahil puso ko'y nahihirapan na
Nahihirapan ng makita kang masaya sa yakap ng iba

Kaya heto na aaminin ko na
Ang matagal ko ng dinarama
Kaibigan ko pasensya  kana
Mahal lang talaga kita.
Another TP, same subject
112615 #4:16PM

Minsan, pipila ako sa Fast Food
Pero yun bang pagkatagal-tagal,
Oorder ka't papaasahin ka lang din.

Minsan, magsusukat ako ng damit o sapatos,
Yung tipo mo na, pero hindi naman kasya,
"Okay, hindi yan para sakin."

Minsan, magkakape ako
Alam kong mapait pero sinubukan ko pa rin.
Akala ko kasi sapat na ang matapang lang,
Pero hindi pala ako kayang ipaglaban.

Minsan, magbabayad ako ng bill sa Globe,
Yung nagsabing 'Abot Mo ang Mundo,'
Siya rin palang guguho ng mundo ko.

Minsan, magtetext ako
At lagpas 3sms na't 1KB na,
Tapos wala palang load,
Pati responsibilidad, di kayang pasanin.

At minsan mahihiga na lang ako,
Mahihimlay nang panandalian,
Oo nga pala, 'Walang babaeng nanliligaw,'
**Hindi pa ako basted, Owrayt!
(Waiting sa rendering ng 3D, paasa eh.)
s u l l y Mar 2017
Break up, isang salitang napaka daling sabihin,
ngunit mahirap gawin,
naalala ko pa yung mga salitang binitawan mo,
yung mga salitang masasarap pakinggan
lalo na yung mga "i love you" mo,

naalala ko pa nung sinabi mo sakin na "pangako, ikaw lang.",
pero parang nakalimutan mo ata yung pangako mo,
yung pangako mo na ako lang,
yung pangako mo na ako lang ang mamahalin mo,
yung pangako mo na tayo lang,
yung pangako mo na pinako mo,

masakit dahil umasa ako,
masakit dahil minahal kita,
masakit dahil totoo yung nararamdaman ko para sayo,
sabi nila kung nasasaktan ka na umiwas ka na,
pero hindi ko kayang umiwas,
dahil mahal pa kita, Oo mahal kita,
kaya tinitiis ko lahat ng sakit,
ipaglaban ko lang ang salitang "tayo",
kinalimutan ko sarili ko mailagay
ka lamang sa tuktok ng buhay ko,
pero ako nalang ata ang nag mamahal saating dalawa.
*// **para sa mga relasyon na hindi na masyado nag wowork at one sided na.** //* //first piece na ginawa ko// Feedbacks are appreciated. ♥
AJ Bactol Sep 2017
Sa distansya umusbong ang lahat
Kung paano nagkrus ang ating mga landas
Na sa dinarami-rami ng tao’y ikaw pa
Sa simpleng pagbati mo nagmula

Sa distansya tumibay ang relasyon
Nagpakatatag sa panahong magkalayo
Kinubli ang hirap ng mga pagbabago
Nanahimik sa likod ng maraming tanong

Sa distansya nagsimula ang problema
Kawalan ng tiwala ang naging ugat
Pag-iisip kung nararapat pa bang ipaglaban
At hawakan ang pangakong unting unting nawawala

At sa ‘di inaasahan, sa distansya rin nagtapos
Tumigil nang maniwala sa “Kaya natin ‘to”
Napagkasunduan at magkasamang nagdesisyon
Napagtantong pag-ibig ay ‘di sapat sa isang relasyon
Airam Stark Dec 2016
Pa-minsan hindi natin alam kung paano natin panghahawakan ang isang bagay na pilit nating ikinukubli, hindi natin alam kung hanggang kailan natin magagawang itago.

Alam nating mali sa paningin ng iba, pero masasabihan ba nila ang isinisigaw ng ating puso?

Ipaglalaban mo ba yung nararamdaman mo gaya ng kasabihang "Kung mahal mo,  Ipaglaban mo."

Mamahalin mo pa din ba siya sa kabila ng salitang BAWAL? O isusuko mo nalang at pipigilan? Posible bang mapigilan? Kung alam **** totoo ang pagmamahal mo sa kanya, ituloy mo. Sabi nga ng iba, pag nagmahal ka wag **** isipin ang sasabihin ng iba dahil kapag nasaktan ka, masasaktan ba sila?
#Mahal #ForbiddenLove #Kailan
J De Belen Mar 2021
Pa-Yakap naman  kahit isang saglit lang
Kahit 'di ma-higpit
Kahit 'di kasing init ng aking bisig
Yakap na alam kong sapilitan lang
Yakap na kahit kunwari lang naman
At yakap na kahit na-pipilitan ka lang naman
Yakap na tanging sangkap sa damdamin kong hirap
Yakap na sa piling mo ako'y magiging sapat.

Isipin mo nalang na yakap mo ito sa isang kaibigan
Isang pag-kakaibigan na ma-uuwi lang pala sa pag-papaalam
Pag-kakaibigan na nauwi sa pag-iibigan
Ngunit ito ay bawal
Dahil madaming hadlang
Madaming may ayaw
Kaya tanging hiling ko nalang
Ay pa-yakap naman
Kahit saglit lang.

Pa-yakap bago ka  lumisan
Pa-yakap  bago mo ako iwan ng tuluyan.
At pipilitin kong tanggapin ito ng sapilitan.
At su-subukan kong 'di ma-padpad sa kawalan
Dahil malugod ko itong tatanggapin  hanggang ang aking katawan ay kumalma sa iyong pag-kawala.
Na batid kong aabutin pa ito ng buwan at taon
'O baka abutin pa ng mahaba-habang panahon.
'Di ko alam kung kailan.
'Di ko alam kung magkikita pa ba tayo muli mahal?

At kung dumating man yung araw na puwede na,
Na puwede ka na?
Na puwede na tayong dalawa
Ay sumang-ayon na ang mundo
Sa pag-iibigan natin na minsan ay naging laman ng salitang "wag muna"
At kung dumating man yung panahong 'di natin inaasahan.

Sana ay puwede pa
Sana ay kaya ko pa
Sana ay kaya ko pang maghintay ng matagal
Sana ay kaya ko pang mag-abang sa lugar kung saan tayo unang nag-kakilanlan.
Sa lugar kung saan tayo unang sumaya
Kahit puno na tayo ng problema
At sa lugar kung saan dati
Sa atin ay may na-mamagitan pa.

Pero ito'y magiging ala-ala nalang
Dahil ako na ay iyong iiwan
At sana lang,
At tanging hiling ko lang
Sana
Kaya ko pa na ika'y ipaglaban
Kung sakali man na ikaw at ako ay mag-tagpo sa iisang mundo.
clarkent Aug 2017
Noon gumagawa ng tula
Tungkol sayo at saking pangungulila
Sabi ko, andito ako at hihintayin kita
Kahit pa masaktan basta sabi ko, mahal na mahal kita
Parepareho lang ang tema
Laging tungkol doon ang nalalathala
Yung paghihintay na muli'y mapasaakin ka
Sabi ko, sige na, pagbigyan mo na
Pagbigyan mo na na tayo ay maulit pa

Ngayon sabi ko,
Tama na muna siguro
Wala naman kasing nangyayari sa lahat ng sinasabi ng mga tula na 'to
Kahit sabihin mo pang mahal mo pa rin ako
Yung isip ko lalo lang gumugulo
Siya pa rin naman ang hawak mo
Tapos satin wala namang nagbabago
Di ako napapagod magmahal at maghintay sayo
Pero naisip ko, sa susunod na lang aasa sa "tayo"

Bukas, malay mo magkatagpo na naman
Dito, doon o saanman
Malay mo baka pwede nang muling simulan
Yung naputol na pagmamahalan
Kung kaya nang ipaglaban
Kung kaya nang panindigan
Kung kaya nang kalimutan
Yung masasakit na nagdaan
Kung nanaisin nang muling balikan
Saka na lang ulit natin pagbiyan

Mahal, gusto ko lang sabihin
Laman nitong puso't isip ay ikaw pa rin
Habambuhay nang nakatatak sa paningin
Ngunit akin munang palalayain
Sa malayo na lang kita hihintayin
Sa malayo na lang muna kita mamahalin
Hindi na muna kita pipilitin
Hayaan na lang muna natin
Kung saan tayo dalhin ng hangin
Dun na lang muna aasa, sa tayo ay muling pagtagpuin
Madelle Calayag Jan 2020
Pagmasdan mo ako.

Damhin mo ang magaspang kong palad na bagamat ay nangulubot ay syang humahalik sa putikang sakahang pinaghihirapan.

Titigan mo ang mga mata kong hapung-hapo sa pagtanggap sa bagsak-presyong palay na katumbas ng presyo ng isang tsitsirya.

Ngunit, pakikinggan mo ba sila sa sasabihin nilang wag kaming papamarisan?

Sa bawat hakbang ko papalayo sa lupang sakahan

ay sya namang hakbang ko papalapit sa mataas na antas ng pakikibaka.

Kakalabanin ang pasistang gobyernong pilit yumuyurak sa katulad naming mga dukha.



Isa ako sa may pinakamaliliit na tinig sa lipunan.

Isa ako sa hindi maintindihan ng nakararami na isa sa mga nagtatanim ngunit ngayon ay walang makain.

Patawarin mo ako sa paglisan ko’t pagsama sa mga pagpupulong at sa pakikidigma para sa natatanging kilusan.

Dahil ako ang bumabagtas sa estrangherong lugar na kung tawagin ay Maynila.

Ako ngayon ang mukha ng mga magbubukid, ng mga inapi at ng mga pinagkaitan ng karapatan sa ilalim ng berdugong administrasyon ng bayan kong hindi na nakalaya.

Ako ang estrangherong kumilala sa bawat sulok at lagusan ng Mendiola na piping-saksi sa mga panaghoy naming kailanma’y hindi pakikinggan ng nakatataas.

Ako at ng aking mga kasama, ang bagong dugong isasalin sa sistemang ninanais naming patakbuhin.

Patawarin mo ako sa pagpili kong matangay sa agos ng mabilisang kamatayan tungo sa pulang kulay ng rebolusyon.

Ngunit, kailanman ay hindi nyo maiintindihan,

na hindi naging mali na ipaglaban ko ang aking bayan.
for the Filipino farmers
Lira Bianca Oct 2018
Noong una akala ko ikaw at ako. Yun pala sa huli ay hindi naging tayo. Mahal na mahal kita pero sa pagkakataong ito handa akong bitawaan ka.

Handa akong iwan ang lahat para maging masaya ka, Handa akong magpanggap na okay ako! Na okay ang lahat ng meron tayo.

Kaibigan ba o ka - ibigan, pumili sa dalawa kung saan nararapat. Patawad kasi sa pagkakataong ito mahal parin kita, Patawad kasi hangang ngayon ikaw parin ang tinitibok nito.

Sabi nila pagmahal mo ipaglaban mo bakit di mo ko pinaglaban? Diba ako karapatdapat sayo? Ano ang kulang? May kulang ba ako?

Dating ikaw at ako lang ang masaya walang inisip na problema.

Dating ikaw at ako lang ang kailangan pero bakit ngayon walang ikaw at ako.

May problema ba sating dalawa? May pagkukulang ba kong ginawa? Binigay ko naman lahat sayo, tapos eto lang isusukli mo.

Bakit mo ko hiniyaang mahulog sayo? Sino ba sa ating dalawa ang Tanga? Ikaw o Ako? Sabihin mo para may alam ako?

Hahayaan mo na lang ba ako? Hahayaang makuha ng iba? O Hahayaan mo na lang akong na masaktan.

Dating ikaw at ako lang ang meron noon ngayong ikaw at siya nalang ang pwede, Hindi na tayo pero bakit ako lang ang nasasaktan.

Samantalang ikaw naman ang nangiwan sa tulad ko na handang patawarin ka, pero sa huli sinayang na pagmamahal ay nauwi sa walang naging Ikaw at Ako.
Arjhay Tatad Sep 2018
Mahal naalala mo pa kaya ang mga panahon nakahawak ang mga kamay natin,
Nung dating tayo nagmamahalan at ako lang mahal mo.

Nung mga panahon hindi pa tayo nag sasakitan.
Nung sakit na hindi ko nadama ngayon pero AKO NGA LANG PALA NAG MAHAL SA RELASYON Nato

Naranasan ko na naloko,nasaktan,at naiwan.
Nadito ako sa punto sa buhay ko kung saan naiisip ko na sumuko
Pagkat gulong gulo na ang aking isipan.

Kung ipaglaban pa ba kita?
Umpisahan **** paniwalain ang sarili mo na hindi ka naman dapat lumaban.
Hindi totoong mananalo ka sa digmaan dahil sa umpisa palang ako nga pala nagmahal sa relasyon natin dalawa
leeannejjang Nov 2017
Nababasa mo ba ito?
Alam ko oo.
Dahil dito sa mundo ito
Alam ko naririnig mo ako.
Maaring maging mahaba ito isusulat ko.

Pero sa huli pagkakataon magsusulat ako para sa’yo.
Sa huli pagkakataon pakinggan mo ang sasabihin ko.

Naalala mo un gabi sinabi mo sa akin gusto mo ako?
Oo, alam ko na ako yun bago mo pa sabihin.
Nagtataka ka bakit hindi ko sinabi sayo?
Kasi natatakot ako umasa sa bagay na wala patunay.

Naalala mo un araw na niyakap kita mahigpit?
Natakot ako noon dahil baka marinig mo un puso ko kumakabog.

Naalala mo un araw na sinabi ko gusto din kita?
Ilang araw ko inipon yung lakas ng loob na sabihin yon sayo.

Naalala mo yun araw na nagaway tayo at sinabi mo may pag-asa pero takot ako?
Alam mo ba yun araw na yun kinain ko lahat ng takot ko dahil mas takot ako mawala ka.

Naalala mo un araw na sinagot kita ay naging tayo?
Sobra saya ko dahil may tao tumingin sa akin kung ano ako at wala hinging pagbabago sa akin.

Ikaw naaalala mo ba lahat ng yan?
Naramdaman mo din ba yan?

Sa huli pagkakataon magsusulat ako para sayo.
Huli? Oo huli na. Dahil baka kahit kailan ay hindi ka na lumingon sa akin.

Sa huli pagkakataon sasabihin ko sayo,
Oo minahal kita.
Oo mahal pa kita.
Oo nasakatan mo ako.
Oo sobra sakit na mas pinili mo bitawan ako kesa ipaglaban ako.
Oo gusto kita tulungan pero binulag ako ng galit sa puso ko.
Oo galit ako sa kanya sa babae hindi ko mapalitan sa puso mo.
Oo gustong gusto ko na ako ang piliin mo nun gabi un.
Oo na sana pangalan ko ang sinabi mo.

Sa huli pagkakataon, oo kung ako ang pinili mo lalaban ako.
zee Oct 2019
pilit at pilit na sinusupil
ang karasahan na kumikitil ng buhay
ng mga taong na wala namang kasalanan
ngunit tuloy pa ring pinagdidiinan
hindi dapat tayo masanay na ang trato sa bawat isa'y 'di pantay-pantay
lahat tayo ay may karapatan at dapat lang na ito ay ating ipaglaban
lalo na sa panahon ngayon na kung saan
ang hustisya'y para na lang sa iilan
imbis na paglingkuran ang samabayanan,
kinukurap ang mga pera sa kaban
ng mamayang dugo't pawis ang inilaan
nagmimistulang mga mang-mang sapagkat wala silang kaalam-alam
na ang kanilang panginoong pinaglilingkuran
ang siyang kumakamkam sa kanilang mga pinaghirapan
Inang Bayan, kailan kaya makakamtan ang kalayaang inaasam?

09.21.19

— The End —