"indak" poems
naririnig mo ba?
ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream.
ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon.
ang mga harurot ng mga ikot jeep.
naririnig mo ba?
ang mga tawanan ng mga magkakaibigan
mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan.
naririnig mo ba?
ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante
na kumakayod sa mga papel:
husay
sa bawat ukit.
naririnig mo ba?
ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino
sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia
dangal
sa bawat apak at kumpas ng kamay,
sa bawat hinga.
naririnig mo ba?
ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta
ang mga sigaw sa sakit,
hiyaw sa hapdi, dahil sa
mga hampas at palo
ang mga tama ng mga kamao
naririnig mo ba?
ang mga iyak
ang mga hikbi ng mga kaibigan
para sa mga kapatid nilang nasaktan.
ang mga hagulgol ng mga magulang
na nawalan ng anak:
mga puso, mga pamilyang
hindi na buo.
wasak,
nasira na.
naririnig mo ba?
ang mga boses na nananawagan na
"tama na"
"utang na loob, itigil niyo na"
kasi
hanggang kailan pa
tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit
ang sirang plaka ng karahasan
na patuloy na naririnig sa panahong ito
mula pa sa mga nagdaang dekada?
nakakalungkot, hindi, nakakasuklam
ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari
sa ating mahal na pamantasan.
ang tawag sa atin ay mga
iskolar ng bayan,
para sa
bayan
pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba
kung paminsan hindi nga makita ang
pagmamahal at respeto sa atin mismo,
mga kapwang magkaeskwela.
hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili
na magpadala sa indak ng
karumaldumal na kanta ng kalupitan?
hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog.
hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid.
kailan pa?
tama na!
nabibingi na ang ating mga tenga.
nandiri. nagsasawa.
oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota.
oras na para tapusin ang karahasan.
oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala.
oras na para sa hustisya.
oras na para sa ating lahat,
estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala
na tumayo, makilahok at umaksyon
para pahilumin ang sakit,
para itama ang mali.
oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman.
oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
Jul 5, 2015
Jul 5, 2015 at 7:47 AM UTC
#051416
Nauuhaw ako
Bitak-bitak ang lalamunan
Sabay lunok, iba ang indak ng tag-init.
Humiling ako
Sa bulsang gula-gulanit
Sa retasong sando
Sabay hanap sa munting kaluping
Singit sa maingay na sapatos.
Siyang nakikipagtagisan ng laway
Sa putik na binubuhusan ng langit.
Muli, nauuhaw ako
Pero sana'y mapawi ito
Ng mahika't eksperimento
Ng itim na likidong kumukulo sa lamig.
Taglamig, taglamig na takipsilim;
Yakap ko ang kapoteng maitim ang tagiliran.
May karatula sa kanto,
Kaya't napasugod ako sa pagkasabik.
Tangan ko pagbalik ang litro.
Magaspang ang mga kamay
Kaya't makapit ang bote sa mga daliri.
May karatula sa ikalawang kanto,
Tatlong kulay, pero hindi matukoy
Gabi'y makasarili, walang nais na kahati.
Ulap ay hinawi, kabiyak ang buwan at bituin.
Isang bloke ng yelo,
Yelong pinira-piraso
Binasag sa sementong kwadrado
Pahaba't may mga bumbilyang mamatay din.
Isang ihip lang ng hangin, lagas ang liwanag.
Isang basong walang laman,
Walang bahid ng pagsabon
Buhat sa mga nakasalansang na pagkatao,
Iba't iba ang pwesto,
May kanya-kanyang tambayan.
Tuluyan silang naging tambay na lamang.
Nauuhaw ako pero hindi ito napawi,
Mga kalapating pumapagaspas sa himpapawid,
Senyas pala ng paglisan.
Musikang hele patungong langit,
Pagtulog ko'y pahimbing nang pahimbing.
Nauuhaw ako, nauuhaw na naman ako
Pero pauwi na ako sa Tahanan,
Doon na makaiinom, magpapahinga na ako.
Paalam.
May 14, 2016
May 14, 2016 at 10:31 PM UTC
"Isang stored card po."
Sabay abot ng 100piso.
Pinasok sa makina "toot".
Bumaba sa hagdan.
"Hay, nakakpagod."
Nakita ang mahabang pila ng mga taong nagaantay.
Napa-buntong hininga.
5...10...15minuto wala pa din.
Ako'y lumingon sa kanan't kaliwa.
Inobserbahan ang mga taong iritable na sa pagaantay.
Sa kaliwa, nakita ko ang isang lalaki,
Postura, nakasalamin at kagalang galang ang suot.
Mukha nagtatrabaho sa isang malakingkumapanya at may mataas na posisyon.
Abala sa pagtingin sa relos na rolex ang tatak.
Ako'y napatanong sa sarili ko,
"bakit niya mas piniling pumila dito kung saan malulukot ang suot na barong?"
Sa kanan naman ay isang studyanteng binata,
Naka-uniporme, maangas ang dating.
May naksaksak na earphones sa magkabilang tenga at sumasabay ang indak ng mga paa.
Nais ko sana makihati sa musikang kanya naririnig.
Sa likod ko ay isang babae,
Napapamura na sa inis.
Mukhang malalate na sa opisina.
Naka-make up at nakheels.
Gusto ko siya bulangan,
"Ate, kalma lang. Hindi mapapabilis ng pagmumura mo ang pagdating nian."
At sa wakas dumating na,
Ang hinihintay ng lahat.
Inihanda ko na ang sarili,
dahil sigurado ako ay maitutulak, masisiksik,
matatapakan at masisiko sa loob ng train ng MRT.
Jun 13, 2015
Jun 13, 2015 at 1:08 PM UTC
panahong kay init at samot-saring pangyayari
ilalabas ang kwaderno't magsusulat ng hirayang bahaghari
iba't ibang mukha, ngingiti't tatawa kunwari
sa galaw, pananalita, at sa pagsulat ng kamay
pagkaguho, pagkawasak, at araw-araw na pagsasablay
sa mga bagay-bagay na 'di maiakbay
salungat sa sinyales na aking hinihintay
biglaang pagkalito, gan'to na ba ang takbo ng mundo?
kamay na animo'y tinanggal
paang singbikat ng bakal
hininga'y laging nasasakal
makakawala pa ba sa kasulukuyang estado?
nais nang kumalas, sa hindi nakikitang rehas
walang depinisyon, wala ring direksyon
hikbing palihim, kalungkutan sa takipsilim
naliligaw, nababaliw, sa indak na hindi inaral ngunit nakabisa pa rin
Jul 11, 2021
Jul 11, 2021 at 4:28 PM UTC
Hindi ko na kaya
ang nararamdaman
umaapaw, sobra na
sa pag-indak ay nais ilabas
ang pagkahumaling sa
katotohanan na hindi ko na masukat
kung gaano kalalim ako nahulog
sa iyo
May 11, 2015
May 11, 2015 at 12:07 AM UTC
*why can't it be the two of us...
Kasabay ng pagkawala ng mga linya
Sa saliw ng isang malungkot na musika
Muli na namang pumatak ang mga luha
Na unti- unting nagpalabo sa aking mga mata
Muli na namang tinatanong ang sarili
Bakit nga ba hindi,
Bakit nga ba hindi tayo?
Bakit nga ba walang tayo?
Hindi ko alam ang mararamdaman
Sa tunog ng iyong pangalan
Mga ala ala ay bumabalik
Parang sinasaksak aking dibdib
Akala ko okay na ako
Akala ko lang pala
Akala ko tanggap ko
Hindi pa pala
Muling nagtatanong sa sarili
Ano ba ang aking mali
Patuloy ang pagtulo ng mga luha
Sa indak ng malungkot na musika
Kailan kaya magiging payapa
Ang pusong mas durog pa sa paminta?*
Aug 15, 2017
Aug 15, 2017 at 11:09 AM UTC
Bakit kailangang makilala ka pa?
Masikip ang mundo para sa dalawa
Sa ilog ng tahimik na buhay
Ba't ka ba sumablay?
Sa huling araw ba't ka ba tumabi?
Sayang bakas sa maputlang mga labi
Indak ng 'yong kulay, sumasabay sa araw
Sa itim ng 'yong mata'y nakita, isang bulalakaw
Ngunit bakit nakilala ka pa?
Kung sa huli'y lilisan rin pala?
Kaninang umaga bumati ka pa
Sa panaginip ko, huli na nating pagkikita
Jun 29, 2016
Jun 29, 2016 at 9:35 PM UTC
i
Aghast I was in, then an alien nonnative of this planet aroseth,
Her precious stones pierced me, nonjudgementally, I cried;
I bawled, as tis not in a bad way, but because her beautiful glimpse, her standing there, she saved me from the darkly stench.
ii
The kilig she giveth me is overwhelming, Kalinaw is delivering
I shalt Indak with her on the Hill's of her land, an Oriental band;
A queen, and one man, that man me, aforetime's I was lonesome
Tis now I am happy, she maketh mine wing's, flappeth so highly.
iii
She cometh at perfect timing, she assuage's mine hand's hole's,
She taketh the rivet's out from mine feet, she inspires me with her coming goals, mine sensation for her as a backarapper
Cracking to the fireworks glitz, her head on mine shoulder, lip's.
©Brandon nagley
©Lonesome poet's poetry
©あある じぇえん
Aug 5, 2015
Aug 5, 2015 at 10:09 PM UTC
Igorot Lovers. (lifetime)
May mga letrang mahirap ilapat sa mga salita,
Mga pariralang mahirap ikabit sa pangungusap
Mga tugmang mahirap ipasok sa taludtod
At mga taludtod na mahirap buuin sa isang saknong.
Mga pangungusap na mahirap ilapat sa talata.
At mga talatang mahirap gawing kwento.
Mga awit wala sa tono at ritmo
Indak na wala sa tyempo
Parang mga tanong na walang saktong sagot.
Makakaramdam ka ng kung anong di mo maipaliwanag, mahiwaga.
Dahil ang totoong makabuluhang bagay sa mundo at hindi makikita
Hindi mailalarawan ng mga salita
Hindi maarok ng malalim na kahulugan ng tula
Hindi maipaliliwanag ng mahahabang talata.
Pagmamahal. ❤️
Feb 2, 2021
Feb 2, 2021 at 9:39 PM UTC
there is a beautiful boy -
the tooth peeking out from between his lips when he smiles, face split into two by a large grin,
you fighting the urge to press your fingers to his throat when he laughs, trace lines down his throat to feel the way he speaks,
watch the way his muscles move, all sinew and flesh and you want nothing more than for him to wrap them around you,
the way warmth washes over you in waves, waves pooling in your gut into your fingertips,
the way he clumsily moves his hands to talk to you, and you teach him how to curl his fingers and flick his wrists, if only for an excuse to hold them,
putting your hand above his heart with you dancing along to the beat,
the tapping on his wrists morse code for i love you,
tap tap tap - i love you i love you i love you,
the tapping on your cheek morse code for i love you too.
Jan 10, 2018
Jan 10, 2018 at 7:21 AM UTC
Kailan kaya maibabalik ang dating indak ng ating mga puso.
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:21 PM UTC
dagitab sa kanyang titig,
bihag ang puso sa bawat pintig,
tanong na dulot ay ngiti,
ito'y matalinghaga, natatangi.
Sep 4, 2017
Sep 4, 2017 at 1:06 PM UTC
Sa pagsipol ng hanging
Banayad, ang Bulaklak,
Ay sinabayan ng indak.
At masiglang nag-hintay
Sa mainit na haplos
Ni Haring Araw.
Jan 30, 2018
Jan 30, 2018 at 6:06 AM UTC
Bawat luhang pumatak,
Dinanas nakatatak,
Upang tumugma, alak,
Sasabay sa 'yong indak.
Sep 18, 2017
Sep 18, 2017 at 2:41 AM UTC
Ikaw, sa bawat pintig ng puso,
Na gumuguhit sa mga labi
At nabubuhay sa banaag ng mga ginintuang araw natin
Ako, sa bawat ragasa ng damdamin
Nangingilid na mga luha, binabaha ang isip sa gabing hindi mapayapa
Tayo, sa bawat pagkakataon
Sa gitna ng meron ay walang katiyakan
Sa buhol-buhol na mga tanong, mga sagot ay hindi makalaya
Hanggang sa tuluyang sumuko at itanikala
Oras, sa bawat kumpas ng iyong mga kamay
Sadyang hindi nakaayon
Sa takbo ng ating panahon
Himig, sa bawat indak ay mananatili tayo,
Magpapatuloy ang awit at tula
Na humabi sa alaala ng kahapong mapangarapin
Makata, sa bawat salita ay mabubuhay ka
Nakaukit sa ningning ng mga tala
Ang pag-asang muli ay masilayan ka.
Aug 29, 2019
Aug 29, 2019 at 12:00 AM UTC
O iindak na lamang sa tibok ng puso mo
At aasahan ko na lamang ba na di mo aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at magsasayaw...
Feb 21, 2017
Feb 21, 2017 at 8:41 AM UTC
Sa indak ng singkil ng iyong pagsinta,
Gaslaw-galaw sa hampas ng mosala,
Wari’y talastas sa aking pandama,
Sumabay sa saliw ng Octavina.
Tumpong mo’y lira sa aking diwa,
Sa ihip mo’y sumaksi ang bathala.
Tila oyayi, o kaya’y Diona,
Na bahagi tayo ng Morpolohiya.
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 9:57 PM UTC
minsa’y hindi magtutugma
mauuna ang kanan
mahuhuli ang kaliwa
pipiliting sumabay sa indak ng iyong katawan
umaasang hindi mo ako iiwan
sa dulo tayo ay magsasabay
sa pagpitik ng daliri
hanggang sa pagtaas ng kamay
matatapos ang araw na tayo’y magkasama
ang langit at kahel, tila nagbabaga
pinagmamasdan ang pagsikat ng buwan
sa iyong mga mata
nananatili ang katotohanang tahanan ka.
Feb 14, 2021
Feb 14, 2021 at 11:57 PM UTC
Isang gabi,
Tila puso niya ay umiindak
Kasabay ng mga patak ng ulan,
Binabasa nito ang kalupaan,
Nagbigay ito ng isang musika
Na sinasabayan ng mga bituing kumikislap,
Mga ngiti sa labi'y kay tamis
Gustong-gusto niya
Tila nasa isa siyang panaginip.
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 3:28 AM UTC