Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"inay" poems
Ako'y mailap Pag si Ina'y kapiling Kung ako'y umasta parang Hindi sya nakikita Parabang sa isip ko'y ako lang Mag-isa Anong mali? Tanong ko sa  sarili Anong mali at ganito ako Umasta, Sa harap ni Inay na nagbigay Buhay sa kagaya kong walang Kwenta Pero bakit ba? Gusto ko ba na isilang nya ang Kagaya kong basura na ay wala pang kwenta? Sukdulan na siguro Ang hinanakit ni Ina sa akin Kayat luha nya'y hindi na napigil Ako'y sinumbatan Lahat ng kamalian ko'y Sinambit Sa unang pagkakataon Si Ina ay nagalit Ako'y nagtaka Sa aking nadarama Ang puso ko'y bakit tila sasabog na Sa nakitang luha Na umagus pababa Isang gaya ko Ang nagpaluha sa Kanya O, anung hirap at Sakit pala Ang makitang lumuha Ang Ginang na nagpalaki't umaruga Sa gaya kong walang kwenta Ngayu'y alam kuna Ang damdamin ni Ina Ako ay nangakong Magbabago na, upang damdami'y ni Ina hindi na masaktan pa At brilyante  nyang mata'y hindi na tumangis pa Ang mahal kong Ina nasa malayo na Paano na ang pramis ko Tila naging abo na Masakit isiping Pagmamahal ay di naipadama Sa nag-iisa kong Reyna Na nagpahalaga sa kagayakong basura na'y wala pang kwenta Sumilip ang Araw Sa mata kong nakapikit Kahit natakluban na ng luha ang mata Batid kong si Ina'y nasa tagiliran ko pala Nakatayo at nakangiti,may alay na pagmamahal ang brilyante nyang mga mata Hinagkan ko si Nanay Tudo bigay ang dabest kong yakap Sabay dampi ng matamis kong halik sakanyang pisngi Batid ko si Nanay ay nagtaka Tila nagulat pa nga sa bago kung pag-asta Labis akong nasaktan Sa panaginip na handa ng may kapal Tiyak ako'y kanyang sinubok Upang malaman ko na ang halaga ni  Nanay ay di lamang sintaas ng bundok Kundi sinlawak din pala dagat Ang mahagkan pala si Nanay Ay Walang kasing sarap Sa haba nang panahon sanay Noon kupa nadanas Ang mayakap si Nanay kahit gaano pa katagal Ay hindi ako magsasawa Ohh,kay saya maranasan ang ganito Ang makapiling si Nanay Buo na ang araw ko Ang pramis ko Nay ay isa lang Mamahalin kita higit pa sa buhay kong taglay basta ba dito kalang at hindi lilisan
0
Apr 26, 2017
Apr 26, 2017 at 2:22 AM UTC
Promise ko inay

Continue reading...
75
saan nga ba nagmula ang aking masamang balak Kung kapupulotan ng aral o kapupulutan ng alak Anong kahahantungan nitong simpleng inuman Sa sobrang kalasingan katabi na ang naging pulutan Papel na madaling mapunit madali ring nagliliyab Kanyang Damdaming malupit madali ring nagaalab Nang nakipaglaro ako ng apoy lahat biglang nalaglag Ang abo sa mga panaghoy dali daling pinagpag Saplot ng mahinang katawan lahat natupok dahil sa init Pusong may kapahangasan Naging marupok sa labis na galit Ngayon alam ko na kung bakit di masaya kumain ng magisa Dahil ang luto ng Diyos sinta  pinagsasalonan para lang sa dalwa. Patawarin ako ng aking mga magulang, inay at itay Pagkat di ko namalayang nasusunog na pala ang aming bahay
0
Sep 29, 2018
Sep 29, 2018 at 2:54 AM UTC
Laro Sa Apoy
#050916 Minulat tayong may sukli ng kasaysayan, Saksi sa matinding gisahan ng rekado sa Tahanan. Pangako'y iniukit ng mga Anak na payak Nagbabasagan ng plato, nagtitilamsikang tubig, Pagbili ng lakas ng loob at talas ng dila sa Pulitikang Tindahan; Luha't dangal, pawang huling hain Ng Ama't Ina ng Lipunan. Nakakangalay makisabay sa uso Kung nawalay pati ang yupi-yuping puso. Hindi tayo nagpaampon sa Lipunang mapanukso, Yakap ang Langit, uhaw lamang sa pagbabago! Sumisigaw ang damdaming nilusaw ang galit, Ang pait ng kahapong sinabuyan ng panlalait. Minsan, sobra ang demokrasya kaya't may kapalit. Kaya't minsa'y susulong bagkus panay ang subalit. Hindi natin kayang palayasin ang Ama't Ina, Kung ngayon pa lang, may mga multong rebelde na. Hindi natin kayang itaboy ang kamay ng Hari ng mga Isla, Pagkat tayo'y ibinigkis, iba't iba man ang pananampalataya. At higit pa sa pulso ng Bayan ang nagluklok sa kanila. Mainam na ngang masaktan sa una, Kung saan dunong at talino'y maituon sa pagpapakumbaba. Masakit sa loob kapag tinatama ka, At bawat palo't kusang pagdidisiplina. Kung hindi susundin silang Ama't Ina, Kung hindi magpapasakop sa babaguhing sistema, Kung hindi huhubarin ang estadong may ibang klima, Hinding-hindi bubuhos ang pagpapala. Umaasa tayo pagkat di natin kayang mag-isa, Sandigan nati'y hindi na Pulitikang Balisa, Sana'y pag-iisip ay mabago ng Amang may grasya, At tayo'y maging bahagi ng paghilom ng bansa.
0
May 12, 2016
May 12, 2016 at 11:57 AM UTC
Si Itay at Inay ng Lipunan
Nais kulang Tumula Tumula ng mahaba Ngunit ang isip ko'y Tila Ayaw makisama Itutula kulang naman Ang mga nilalaman Ng puso't isip kong nasaktan Sadya talagang ako'y Mabait Ngunit bakit Ang damdami'y kaydaling sumakit Kung nandito sana si Inay ako'y may mayayakap Nangulila tulo'y ako Sakanyang yakap Naghahanap ako Ng makaka-usap Kaya pala dito ako'y Napadpad May dulo kaya ang Kwento kong ito? Sana'y sa wakas nito'y wakas narin ang Paghihirap ng damdamin Ko
0
Apr 26, 2017
Apr 26, 2017 at 5:23 AM UTC
''Wakas''
Duguan ang puso kong sugatan. Ang puso kong napag-iwanan. Ang puso kong pinangakuan, pero hindi pinanindigan. Hindi ko maintindihan. Akala ko ba walang iwanan? Pero sinarhan mo ako ng pinto, Sumama sa iba, tinalukuran mo ako. Hindi na ba ako mahalaga Kaya pinili mo sila? Sila na nasa ibayong dagat, Na kahit malayo ay sa kanila ka tapat. Na kahit animo'y nahihirapan ka... Sa kanila ka pa rin pumupunta. Inay! Itay! Paano naman ako? Ako na naiwan dito. Mag-isa dahil wala ka. Mag-isang tinatahak ang aking buhay, Walang gabay. Walang kaagapay. Inay! Itay! Bakit natin kailangang maghiwalay? Bakit ba natin kailangang maghiwalay? Pera? Trabaho? Ang guminhawa ang buhay ko Kahit... wala kayo? Inay! Itay! Ganito na ba kahirap ang Pilipinas? Na ang mga magulang ko ay luluwas Magpapaka-alipin sa mga taong labas? Hahanap ng dolyar sa amo Dahil hindi sapat ang piso. Mag aalaga ng anak ng iba Habang naiiwan sa Pilipinas ang kanila. Inay! Itay! Umuwi na kayo. Nangungulila na ako.
0
Feb 14, 2019
Feb 14, 2019 at 8:25 AM UTC
D U G U A N
Malalagkit na mga halik Amoy ng alak at yosi, kumakapit sa damit Kaunting barya, puri ang kapalit Eto ang turo ni inay "Kapalan mo ang lipstick anak, hindi magtatagal ikaw di'y masasanay" manipis na tela ang bumalot sa murang katawan ni Teresa "Sariwang-sariwa!" hindi magkamayaw ang mga kalalakihan Sa entablado kinalimutan ang nagdurusang puso binalatan nang dahandahan -Tula XI, Margaret Austin Go
0
Nov 22, 2014
Nov 22, 2014 at 2:27 AM UTC
Tula XI
Tuwing nalalapit na ang pasko, darating si itay mula sa kanyang opisina na may dalang kahon. Ang kahon ay naglalaman ng hamon. Ang hamon na mutlong taun-taon na lang sumusulpot. Ito yung hamon na hindi na pinapansin ng karamihan kasi lagi na lang andyan. Pabulong na sasabihin nila, "Ay sus. Pwedeng iba naman?" pero dahil nga sa nakasanayan na, ang hamon ay mananatiling nariyan kahit nilalampasan. Lilipas ang selebrasyon at mag-uuwian ang mga bisita. Mananatili ang hamon na wala man lang gumalaw. Naubos ang macaroni salad, graham, kahit ang kaldereta ngunit ang hamon ay nanatiling tahimik, mistulang kawawang bida sa isang maaksyong pelikula. Taun-taon, sasabihin ni inay na bakit hindi na lang ipamigay? At taun-taon akong hihindi at sasabihing sayang. Hindi ko naman paborito ang hamon. Sadyang ayoko lang sayangin ang lahat ng nakahain. Kaya't kahit paulit-ulit, kahit nakakasawa, kahit minsan gusto ko na lang ipamigay, pilit ko pa ring kakainin ang bawat hamon na nakahain. Pilit ko pa ring lalasapin ang cholesterol, magpapataba, magpapakatanga, magsasawa hanggat sa maubos.
0
Feb 8, 2016
Feb 8, 2016 at 1:37 AM UTC
ang hamon tuwing pasko
Si Jamaeda: Isa siyang matrona na ang pangarap ay ang wagas na kagandahan. Palagi siyang nilalait ng kanyang mga kaeskwela. Maging mga kapatid niya ay nilalayuan siya. Samantala, ang mga magulang niya ay ikinahihiya ang kanyang kakatwang presensiya. Isang araw, kanyang natuklasan isang natatanging pormula upang makamtan pinakamimithing kagandahan. Mula sa laboratoryo lumabas ang isang mestisang diyosa na siyang nagdulot nang tiyak na pagkahulog ng bawat panga na nilalampasan niya. Puri dito, puri doon. Ang tainga niya ay pumapalakpak. Kaway rito, kaway doon, hindi siya matigil sa kahahalakhak. “Sa wakas,” ika niya, kagandaha'y napasakanya. Subalit, ngunit, datapwat, langit biglang kumulog, kumidlat. Habang ang diyosa'y pauwing mahinhing naglalakad, nakasalubong niya ang isang matrona na siyang nagpaalala ng mapait na nakaraan niya. Itsura ng matrona sadyang kasuka-suka mas masahol pa sa dating muka ng diyosa, wika ng marami pinagsukluban ng langit at lupa maging impyerno ay nakialam pa. Hiling nito sa diyosa ibahagi ang sikreto niya sa pagbabago ng uling at naging isang ginto, ngunit ang kagandahan ng diyosa'y panlabas lang sapagkat kanyang budhi lubos-lubos ang kaitiman. Itinaas ang kilay at saka pumanhik, hindi niya namalayan ang nagbabadyang panganib. Plok! Plak! Inay ko po'y kaysakit! Ang diyosang marikit, napasubsob sa putik. Ngunit sa halip na malambot ang lupang hahagip 'yon pala'y sa ilalim may nakatagong talim. Matigas niyang mukha ginuhitan ng pait ang maladiyosang matrona nasiraan ng bait. Lahat ng tao'y naengganyong lumapit, sa lakas ng kanyang sigaw dahil sa sobrang sakit. Imbis na tulunga'y pinagtawanan, nilait. “Hahaha! Buti nga sa 'yo, mayabang ka kasi,” ang kanilang sambit. Luha niya'y nangingilid, ngunit walang pasubali, ang kutya nila'y sumasabay sa ulang masidhi. Sa hindi niya inaasahan, dinamayan siya ng isa. Isang pamilyar na mukhang hindi rin naman naiiba sa kanya. Magbuhat noon, natutunan niya ang isang malaking leksiyon: “Mas masarap ang maging duryan, kaysa maging isang mamon.”
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 3:46 AM UTC
Jamaedurian

103
Anak kumusta na ang Dodoy ko diyan sa syudad, Masaya ka ba diyan , ha? Kami ng itay mo at ng mga kapatid mo dito ay ayos naman. Natanggap ko nga pala yung sulat mo nakaraang lingo alam kong mahirap mabuhay at mag-aral dyan sa syudad anak, pagbutihan mulang at mairaraos ka rin namin. At yung itay mo hindi na umiinum ng alak at di na naglalasing, meron na rin siyang tatlong-daang katao na under sa kanya. Sa sobrang busy niya nga sa trabahao, hindi niya na nga masabi mensahe niya para sayo ngayon, nasa trabaho kase siya naglilinis at nagdadamo sa sementeryo. Nanganak na nga pala ate mo kaso di pa namin nakikita ang yung bata, di pa tuloy naming alam kung tito kana o tita, kaya dodoy tulungan mo kaming magdasal nasana maging tita ka para di matigas ang ulo ng bata at di magmana sa kuya mo. Nandoon sa bundok nagtatraining sa Army, eh nakapagtataka may mga baril wala namang uniporme. Okey naman ang lagay ng panahon dito sa atin, dalawang beses lang umulan ngayong lingo. Noong una tatlong araw tas nung sumunod apat na araw naman. Ang itay mo okey lang din, naalala mo na yung sinabi ng doktor na mabubulag na daw siya buti nalang pumunta kami sa albularyo nakaraang lingo at pinigaan siya nang binendisyonang kalamansi, ipapatak daw yun sa mata ng itay mo at gagaling na daw ang katarata niya sa makalawa. Anak wag ka magalala sinusulat ko to nang dahan-dahan, alam ko naming di ka mabilis bumasa. P.S. Maglalagay sana ako ng pera sa sobre kaso nalawayan ko na anak, di bale sa sususnod na buwan nalang ako magpapadala ng pera sa iyo anak, magaral ka ng mabuti!
0
Jan 28, 2015
Jan 28, 2015 at 1:42 AM UTC
Sulat Mula Kay Inay Galing Bukid

10
Aking inaninag Itong bughaw na kalangitan Hindi nga ba Parang kailan lamang Nang ako’y kanyang tinalikuran? Napako ang pangako Na ako’y pangangalagaan Luha niya’y umabot Di lamang sa’king talampakan Nalasap ko ito Mapait at ngayo’y nag-ibang anyo Ngayong timplang kape Mula sa mga mata nitong Tila ba kaytayog. Tinangay kami ng malakas na alon Kami’y nagpatangay na lamang Wala akong alam Kundi and makipaglaro Ng tagu-taguan Nakadilat at mulat na mulat sa katotohanan Sakay kami ng pridyeder, Ako at aking ulirang mga kapatid Puno ng pighati’t pangamba Sa uulitin, Ito na lamang ang magagawa ko. Sabi nila, tutulungan nila kami Sabi ng ilan, wala na raw pag-asa Kanino nga ba kami magtitiwala? Kung mismong kalam nga ng sikmura’y Di na mainda? Wala na akong mailuluha pa Pagod na ako sa pagsagwan sa kawalan Wala na ngang pag-asa Wala man lang naiwan sa amin Sana kasama nalang kami Sa mga buhay na nalantang Parang bula Tulad nila Itay at Inay Di sana’y masaya kami Sa kalangitan. Pumikit ako, Habang mahimbing ang paghikbi Ng aking mga kapatid Sana nga may buhay pa. Sinagip nyo kami, Noong una, nagalit pa ako Ayoko sana Kaso wala na rin kaming magawa Sasama na kami Kasama kami sa pagbangon Oo, ngayon ako na’y magtitiwala At ipapasa-Diyos na ang lahat Siya na ang bahala. (11/17/13 @xirlleelang)
0
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:15 PM UTC
Pridyider
Lasapin ang bunga ng paghihirap Puso, isip at kaluluwa lang naman Ang iyong nilaan para ikaw ay bigyan ng kaunting sahuran. Kung minsan, napapagod Ay, madalas nga palang pagod Ang katawan man ay bumabagsak Gagaling ka rin at Itutuloy ang paghihirap Sabi ko noong bata pa ako "Inay, gusto kong maging doktor pagkalaki ko. Pagka't gusto kong pagalingin ang bawat maysakit na tao." Hanggang sa nagpagtanto **** Habang lumalaki Ni hindi naman pagiging doktor ang gusto mo paglaki Ako ay sinanay upang maging alipin Upang siyudad ng sikat na Politiko ay yumaman sa aming kamay Ngunit salapi'y nadudulas sa aking palad Nalilipad-lipad at napunta sa "tagapaglingkod ninyong totoo, kami ay kasangga ninyo." Sabi nga ng ilan ay Buhay ay sadyang gulong ng palad Hindi ako naniniwala dahil, ikaw mismo na nabubuhay ang siya lamang makapagsasabi at makapagdidikta ng iyong kapalaran Nasa iyong kamay ang kasagutan Kaya pakilusin na ang mga paa Buksan ang iyong mga mata Pakinggan ng iyong mga tenga ang bawat hinaing Ito ay magbabago rin kung bawat katawan ay kikilos sabay-sabay muling galawin Tayo ang sagot sa hirap na dinaranas Tayo rin mismo ang makapagbabago Ng kung ano mang ang nakasanayan Ng kung ano mang gawaing katakwil-takwil Tayo lamang Tayo lamang ang pagbabago.
0
Mar 17, 2016
Mar 17, 2016 at 5:19 AM UTC
"Inay, gusto kong maging doktor pagkalaki ko"
Andto pa din sa Dubai, para maghanapbuhay Na kung saan miss na miss na sina Tatay at Inay, at an lht ng ngmhl sa buhay., mahirap nga plng mawalay lalo na kung minsay pagkain lng ay tinapay, toink! Pero ptuloy an buhay pra sa hinahangad na tagumpay.
0
Jul 4, 2016
Jul 4, 2016 at 11:46 PM UTC
OFW
Lumaki ako na kinukwentuhan ng aking inay bago ako tumungo sa panaginip ko tuwing gabi. Kinakantahan niya ako ng mga oyayi’t hele. Hinding hindi ko malilimutan ang mga gabing iyon. Hindi lang ang tugtog ng awitin ng kanta niya ang pinakinggan ko, pati na rin ang pintig. Pintig ng tibok ng puso naming mag ina na onti onting nagtutugma sa tugtog ng kanta na inawit naming dalawa. At tuwing magsisimula ang awit, ako’y sumasabay… A-Ba-Ka-Da… Ngunit hanggang ngayon, hanggang Da lang ang aking natandaan. Ang aking inay ay may katawa-tawang paraan ng pagkanta ng awiting ito. Matatapos siya sa Da, ipagpapatuloy sa Du at magsisimula ulit sa A at sasabihing “aking anak hindi kita sinukuan.” “A-Ba-Ka-Da-Du-A-Ba-… aking anak hindi kita sinukuan.” Hindi ko naunawaan ang kantahing ito at hindi ko inisip na unawain. Isang gabi, kumuha siya ng pluma at papel. Sumulat siya ngunit hindi ko ito nabasa. Ibinilin niya saakin na basahin ito sa tamang panahon. Hindi ko ito naintindihan pero talagang naghintay ako para sa sinasabi niyang panahon. Ilang taon ang lumipas, ngayon, ako’y nakaharap sa kanya(sa puntod niya), hawak ang papel na sinulatan niya noong ako’y munting musmos pa. Nakatingin ako sakanya, hinihiling kay Bathala na maibabalik ko ang mga taon na lumipas. Isa. Dalawa. Tatlo. Onti-onting tumulo ang aking mga luha. Umawit ako ng mahinhin… A… Ba… Ka… Da…Du… A… Ba… Aking inay, kailanma’y di kita sinukuan… Ito na siguro ang tamang panahong ihinahayag ng aking mahal na ina. Binuksan ko ang papel na kanyang sinulatan. At saaking pagbuklat, ako’y nagulat at natulala. Mayroong labing apat lamang na salitang nakasulat dito. “Ang BAlakid ay KAkalat at DAdating. DUmating Ang BAlakid, aking anak hindi kita sinukuan.” Ngayon ay naunawaan ko na ang ipinararating ng aking inay. Gusto ko siyang kausapin sa huling pagkakataon para sabihin na salamat. Salamat sakanya kasi kahit na DUmating ang mga balakid ay tinuruan niya akong lumaban. Kaya ngayon, handa na ako sa mga DAdating na pagsubok dahil alam kong nasa tabi ko lamang siya.
0
Oct 3, 2016
Oct 3, 2016 at 11:16 AM UTC
DuDa(a dagli)

9
#112615 Sa kwadradong hawla Doon nagsipagtirapa ang bawat paslit Sila'y mistulang sabik sa yakap ng Ina, Pagkat kalinga'y hindi maupos-upos na kandila. Minsan sila'y naging malaya, Si Inay nga pala, siyang nagpaubaya Tila martir ang minsang naging paslit, Pag-asa nila'y sa alikabok na sinisipa. Bagkus ang Inang siyang nagsaplot sa kanila, Nilisan at hinayaang maibigkis, walang kasarinlan. At doon sa iisang hawla'y magtatagpo muli, Sa bentelasyon, sila'y may kakaunting sandali. Tunay ngang ang paslit ay magiging Ina rin, Oras niya ngayong kabiyak sa salamin. Iniwang Ina'y may ikalawang henerasyon, Sa kanila nama'y may namutawing leksyon.
0
Nov 26, 2015
Nov 26, 2015 at 1:44 AM UTC
Inakay
"bakit 'di mo pa binuhos ang lahat?" nagtatakang tanong sa akin ni inay. inutusan niya akong diligan ang alaga niyang santan sa bakuran. "nagtira ka pa. 'di naman na kailangan," at sabay niyang kinuha ang balde na naglalaman ng tubig na galing sa kanyang pinaglabhan. walang pagdadalawang-isip at bigla na lang niya itong itinapon sa sementadong daanan papunta sa aming bakuran. sa malayang pagdaloy ng tubig, napaisip ako kung bakit ganoon na lang itapon ni inay ang tubig. pwede pa namang ipandilig iyon sa ibang halaman na nasa tabi-tabi. pero bakit hindi ko man lang din yun naisip na gawin? para nga naman hindi nasayang ang tubig. para may iba pang halaman na pwedeng makinabang at hindi ang walang buhay na sementadong daanan. oo nga naman, ang tubig na galing sa labada ni inay ay marumi na. umitim at dumumi dahil sa pinaghalo-halong sabon at mantsa ng mga naiwang alaala sa damit. kung nakakapagsalita nga lang din naman ang halaman, hindi niya gugustuhin ang maruming tubig na galing sa labada ni inay. pero hinuha lang naman ang lahat. paano kung ang mga halaman sa tabi-tabi, ay parang katulad lang din ng patubong santan na alaga ni inay... nangangailangan at sadyang nauuhaw.
0
Oct 31, 2015
Oct 31, 2015 at 6:58 PM UTC
uhaw
Tumatalbog-talbog sa sahig ng aking mga ala-ala ang bola ng jackstone ng até at sipang tingga ng kuya paroo’t parito ang mga trumpo’t yoyo sa mga tumpok ng inipong alabok ng kabataan kong inihian ng kahapon upang maging kalamay at putu-putuhan - na waring napanis na sa paminggalan ng kompyuter at tuluyang ibinaon sa puntod ng mga cellphone. Sa kamposanto ng mga ala-ala nagmumulto pa rin ang kahirapan di na kailanman matatakasan sa bawat lagok, mainit na humahagod sa lalamunan ang mga tagpo sa mga dula’t pelikula sa pinagpugarang bahay na ngayo’y nagiba na:           pagkatapos ng maghapon:           itutulak mo ang kaning mahalimuyak           - isinaing ng Inay ang kinandang-laon           inutang pa sa taga-Quezon           wala kahit kapirasong tuyong maisabay           walang iba, tanging ikaw,           masarap nang sawsawan at sabaw.
0
Oct 4, 2017
Oct 4, 2017 at 1:40 AM UTC
Kapeng Barako III
TAGUAN: Sa ilalim ng nakakapasong init ng araw, Tumatakbo tayong magkahawak ang kamay, Nagbibilang hanggang isang daan, papalayo sa tayang kalaro. Sabi niya’y tagu-taguan, at tayo nama’y nagbilang. Ng isa, ng dalawa, hanggang tatlo. At hangggang doo’y nanatili sa likod ng puno. Ngumiti ka, at ako din. Tumawa ka, at ako din. Saka napuno ng tawanan ang buong mundo ko. Napuno ng ikaw at ako ang buong maghapon. Hanggang sa bumaba na ang araw. Rinig ko na ang tawag ni inay, At naramdaman ang pagbitaw sa kapit ko. Hindi mo man pansin ito, pero para itong isang malagim na pagtatagpo. Ngayo’y paalam muna, Hanggang sa muling pagtatago, at pagtatagpo Ng ating sabik na mga puso sa larong tayo’y tinago. Sa mundong ating binuo, na tayong bumubuo.
0
May 22, 2015
May 22, 2015 at 4:09 AM UTC
TAGUAN
Impyerno. Im.. im.. impyerno ang nadarama. Nakabilad sa sikat ng araw. Taya at buro pa yata. Sabay na inaabangan: ang pagkakamali, at tawag ni inay — mas importante ang nauna ngunit parehas nakakatakot. Sa isip-isip ko: “Mahulog ka sana, upang mataya na kita.” Pero ang ninanais ba ay totoo o para lamang masalo? Ang puso at marahil noon ko rin unang nalaman ang agwat ng mga platapormang inaapakan. Malapit ngunit malayo. Ako'y isa lamang kalaro. Langit ka; lupa ako.
0
Nov 16, 2018
Nov 16, 2018 at 2:19 PM UTC
Langit Lupa
"Pag-ibig ay darating sa'yo" sabi ng mga makata, Wari'y sa edad ko ang pag-ibig ay mahirap makita, Ilang beses nga bang kailangang sabihin? Talaga bang mapait ang dapat kong sapitin? Higit isang dekada na 'ko sa mundo ngunit ang pag-ibig ay 'di mahagilap, Ganito ba talaga ito kahirap? 'Di ko naisip na ito'y aabot pa sa ganito, 'Di ko napaghandaan at wari'y 'di napagtanto, Lingid sa aking kaalaman, Kaya 'di ko natandaan At mas lalong 'di ko napaghandaan, Ayaw na niya pala at matagal na niyang kinimkim, Ako'y nasugatan at nagdusa ng mataimtim, Sabi ni Inay: "Ba't ba wala kang dala? Ilang beses ko ba dapat sabihin na wag mo ng hahanapin ang wala?"
0
Aug 22, 2017
Aug 22, 2017 at 12:55 AM UTC
Wala
Tuwing sumasapit ang Setyembre, Ako ay kinikilig. Makikita ko na ang mga parol At mga christmas tree. Napakagandang masilayan. Bumabalik ang aking pagkabata. Ako ay natutuwa Makita at matanaw Ko lamang. Nang sumapit ang bisperas, Kinabahan na ako, Baka hindi na dumating Ang bukas. Umaga, kinabukasan. Dali-Dali akong pumunta Sa sinabit kong medyas. Wala ka na doon. Sa tingin ko, Ako ay tumanda na. At naintindihan Na hindi si Santa Klaus Ang naglalagay ng mga regalo. Kayo pala Inay at Itay.
0
Jun 7, 2020
Jun 7, 2020 at 8:59 AM UTC
Pasko
082021 Mas malalim pa ang gabi Kaysa sa aking mga matang alikabok ang tinta. Ang mga kulisap at kuliglig Ay nagtatagisan ng mga boses At sabay-sabay na nakikipagtalastasan Kung kanino ba papanig Ang buwang hugis pamato sa larong kalye. Sinasabi nilang ang aming lugar ay dating liblib Noong panahon pa ng mga Hapones. Kaya’t nagbakasali akong Kaya ko silang paniwalaan Pagkat ni minsa’y hindi naman ako Nakapagpantig ng mga salitang Nakakahon sa iisang pangungusap. Natatandaan ko pa ngang Sa tuwing tumatanghod ako Sa aming bintana sa umaga’y Sabay ding magsisiingay ang nagtitinda ng taho At nambabato ng dyaryo Patungo sa aming pintuan. Si Inay ay gagayak para sa bagong balita, Habang ako’y gagayahin ang sigaw ni Manong At titikim ng paborito kong agahan at panghimagas. Habang sya’y papalapit Ay kusang malalagas Ang mga pakpak ng kanyang tsinelas At kanyang ilalapag ang papel na inilimbag daw Sa pabrika ng kanyang kaklase noon Na anak-mayaman. Sa isip ko’y nais ko sanang masiyasat rin Ang mga letrang nakatambad sa aking harapan At bigyang buhay ang mga papel At baka sakaling, Maging bihasa rin ako gaya ng iba. Kung sabagay, ang lahat naman ng aking mithiin Ay kusang maglalaho Kasabay ng aking mga panagip. Ang lahat naman ng nasisinagan ng apoy Ay maya-maya ring magpapalamon At magpapaubaya Sa kadilimang bunsod ng panahong May paulit-ulit na panimula’t katapusan. Sabagay, ang lahat nama’y Magmimistulang pandagdag lasa na lamang Sa nanlilomos na alab at nagmimitsang pagpapaalam. Naubos na ang bawat pahina Ngunit di ko man lamang nagawang simulan Ang pangangalap kung nasaan na ba si Itay. Saan nga ba ang aming magiging tagpuan? Saan at kailan nga ba ang hangin Ang mismong sasabay sa aking paghikbi nang walang katapusan?
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 7:23 AM UTC
Pamaypay

52
You told me once that I am your favorite writer. I was hesitant and unsure. Your innocence might jinx me this time. Then you laughed, as you always do, like a child giggling while waiting the rain from the summer sky. Everything becomes clear. After all, whatever comes from you is never you. Of course, you are as always an empty being. Your emptiness tells many stories. Your emptiness fools me. Your emptiness is the real vessel of soul. Your emptiness is a parchment for budding thoughts. Your emptiness is a magic. No wonder, I fell in love with that emptiness. I just do not know if emptiness loves me back. Or, was it me who stares at the abyss long enough that a centenary gone by. 1900: The Boxer rebellion begun. Freud published his Interpretation of Dreams. 1903: The Wright brothers marked their first flight. In turn, Curtiss decided to invade the sky. 1912: Titanic anchored to Atlantis, to its final resting place. Two years after, the first World War broke out. Horses galloped to the killing fields. 1925: The first among many trials of the century began. That day, Darwin risen for the second time. 1934: ****** became Fuhrer. The world becomes a theater. “Absurd,” says Beckett. “Cruelty” for Artaud. 1939; 1941: Second World War broke out; Pear Harbor bombed. Asia Pacific meets its infernal fate. 1945: Three mushroom clouds seen: New Mexico, Hiroshima, and Nagazaki. 1960’s: Humanity becomes obsessed with multiple wars: cold, space, nuclear, music, universities; not counting the mutants who played major roles in between. 1986: Itay wrote a letter to Inay. The letter reached Manila after a few days from Jeddah. 1989: Capitalism won. Berlin wall fell like a paper plane after its victorious flight. My parents met for the first time. Months later, they decided to cut the cake and get married. 1993: The World Wide Web saw its day. I was born. Twenty two years later, I met her. A year after, Phil Collins sang once again Separate lives. That time, I know, I will never be your favorite writer.
0
Dec 26, 2016
Dec 26, 2016 at 6:34 PM UTC
You Told Me Once That I am Your Favorite Writer

20
Ulap sa lupa ang maputlang buhok Sing kinang ng pilak, sing pilak ng usok Isang obra maestrang handog ng Panginoon Sagisag ng nakalipas na halos isang daang taon Sa balat malinaw ang mga lumipas na panahon Tigib sa pinong linya at kulubot Sa mukha nama’y walang kolorete, alahas o pulbos Kasing kinis ng balat ng masintahing musmos Sa mga mata’y nakalubog ang karanasan at karunungan Naipon ng mga pagkakamaling pinagdaanan At ang mga tala sa langit, bumababa sa lupa Napunta ang kinang sa mga matang minsan nang lumuha Ang gaspang ng buhangin sa palad ay ipinasa Marka ng walang katapusang pag-aalaga Sa kanilang buhay ay alumpihit, pagod Upang tayo ay mabuhay ng malugod. Lahat ng sugat, pagod, galos, at kulubot Ito’y pagmamahal ni inay na walang pag-iimbot Sana’y maunawaan mo ang nakikita ko Sa puting buhok at gaspang ng palad kagandahan ay totoo
0
May 9, 2019
May 9, 2019 at 12:12 PM UTC
Sa Kagandanhan ng Puting Buhok
Yakapin mo ako.... Upang lubos **** mapagtanto, Na ako sana'y isinilang na santo, Hindi mo ako mababanaag, Dala ko'y misteryo sa buhay mo. Ako sana'y lumaking isang inhinyero, Isa sana ako sa mga batang naglalaro sa may kanto, Iiyak kapag pinapalo mo, Magsusumbong kapag binabato. Bakit di mo ako ipinaglaban? Bakit sakit ang siyang aking nararamdaman? Hanggang sa di mo namamalayan, Na ako'y unti-unti mong pinapatay sa iyong sinapupunan, Wala ba akong puwang diyan sa puso mo kahit minsan? Kahit katiting lamang? Bakit mo ako binitawan? Pinabayaan? Mama ....nais ko sanang mabuhay, Ako ang magbibigay, Sa iyong daigdaig ang magkukulay, Ikaw sa aki'y gagabay, Ngunit ako'y unti-unti **** pinapatay, Hanggang sa----- ako'y naging matamlay, Ngayon pagmasdan mo ako inay... Wala ng buhay, Ako'y payapa nang nakahimlay, Paalam...mahal na mahal kita aking inay...
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 11:56 PM UTC
Nais kong Mabuhay
Nang isilang ka'y kasama mo na ako Kita ko ang tuwa sa mga magulang mo Lahat ng kilos mo tinutularan ko At kahit nasaan ka ay naroroon ako Panahon ang nagturo sayo na mamulat At sa unang pagkikita tiyak ang iyong gulat Sa ilalim ng buwan sa gabing pagkagat Naghahabulan tayo sa gitna ng gubat May isang gabi lahat ng ilaw ay nakapatay Ikaw'y nakipaglaro sakin ng walang humpay Mga anyo ng hayop na likha ng iyong kamay Sa harap ng kandila na sindi ng iyong inay Sa gitna ng dilim ay di ka nag-iisa Bagamat madilim hindi mo makikita Halika sa liwanag at aking ipapakita Ang aking anyo na dati mo nang nakita Kahit saan ka magpunta ako ang buntot mo Hindi mo lang pansin ako'y karugtong mo Sumayaw ka at tutularan ko Ngunit huwag sa dilim upang makita mo Magbalik tanaw sa iyong ala-ala Tuklasin ang aking talinhaga Paalam tapos na akong magpakilala Narito lamang ako lagi, aking paalala JGA
0
Feb 20, 2019
Feb 20, 2019 at 4:02 PM UTC
Anino