Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"inapula" poems
0118 Hindi Ka lumipas — Naalala ko noong nakaraang taon Ilang araw buhat sa ngayong pagbibilang ko Bago pa sumulyap ang mga pampakulay sa kalangitan Para magtagisan sa pagbungad sa paunang ngayon. Hindi Ka lumipas — Halos itim na lamang ang kulay sa kalangitan Na para bang ang pag-asa ay kinitil na ng sanlibutan Na para bang ito’y nobelang pawang paghihintay na lamang At nang subukang gapangin ng putik ang pangarap ngunit hindi — Hindi Ka pa rin lumipas At muli **** binigkas na Ikaw ang dahilan ng lahat Na ang lahat ay walang kabuluhan Kung ang Ikaw ay ibabaon sa limot at tatalikuran. Hindi Ka lumipas — Gaya ng mga butil ng luha sa aking mga mata Na ang pagsusumamo ay tila araw-araw na pag-aakyat ng ligaw Sayo Na maging ang umaga ay tila Simbang Gabi. Hindi Ka lumipas — Nang dungisan ng mundo ang mensaheng laan Mo Ngunit sabi Mo’y tapos na ang lahat Malambot pa sa bulak ang sumalo sa bawat pagkabagsak Walang katulad ang Iyong mga yakap, At heto ako — mas natutong sumandal sa nag-iisang Ikaw. ——— Hindi Ka lumipas — Ilang beses **** hinayaang masaksihan ko ang pagsagwan nila sa agos Ang paglipad sa ere na tanging Ikaw lamang  ang sumalo Na para bang ito na ang huling mga katagang bibitiwan ko — Ayoko na Pero hindi — Pagkat nagkakamali ang dilim sa paghasik ng kanyang sarili Pagkat ang Liwanag ay panghabambuhay At hindi tayo kakapusin sa oras At hindi ito isang “sandali lang.” Hindi Ka lumipas — At ayokong palipasin ang kahit isang pintig ng sinasabi nilang “sandali lang naman” Pagkat sa oras na ito’y hindi Ka lilipas — At tanging ang pangalan Mo ang mangingibabaw Sa susunod pang hihiranging mga araw Kahit pa sabihin nilang nagbago na ang lahat. Hindi Ka lilipas — Kahit pa tabunan ng pangungutya ang Iyong kasulatan, Tanging Ikaw ang magiging bukambibig. Kahit pa hindi makakita ang mga bulag Ay ipagdidiinan pa ring Ikaw ang magbubukas ng bawat paningin At walang dilim na kayang sakupin ang Bayan Mo, Ama. Hindi Ka lilipas — At sa bawat pagtaas ng Bandila Ay Ikaw ang mananatiling may tiyak na katuturan Na ang mensahe Mo’y ipangangalandakan Saanmang dako at sulok ng mga Islang hinati ngunit Iyong ipinag-isa. Hindi Ka lilipas — Tulad ng mga ulap tuwing ang ulan ay titila Tulad ng tubig tuwing huhupa ang baha Tulad ng ilaw at init ng kandilang inapula. Hindi Ka lumilipas — Gaya noon, hanggang sa huling hampas ng segundo sa huling pagyukod ng araw. Maghari Ka — Hanggang sa huling pagkurap na kasama Ka.
0
Jan 6, 2018
Jan 6, 2018 at 6:39 AM UTC
Hindi Ka Lumipas

Continue reading...
61
Hindi ko alam kung bakit pa nagtataka, Kung bakit pa nagtatanong kung may pag-asa pa, Bakit pa nga ba aasa pa? Kung ang pag-asa ay sa simula pa lang ay wala talaga. Ilang taong  nagsikap para makita mo na ang pagmamahal ko ay hindi katulad ng kaniya, Para kapag sinabing “nag-iibigan” ay tayo ang magiging kahulugan at hindi ang halimbawa, Na hindi na mananatiling konsepto ang “magkasama tayong tatanda”, At hindi na mananatiling pangako ang “hindi ka na mag-iisa”. Pero ang tayo’y parang ningas na hindi man lang naglagablab ay namatay na, Parang apoy na hindi pa man nagbaga ay agad inapula, Na hanggang ngayon tinatanong kung bakit nagpipilit umalab para sa iba, Kung kaya namang huwag upusin ang mga sarili sa piling ng isa’t isa. Ako’y nakagapos sa iyong pagmamahal na hindi naman talaga naging akin, Kinukulong sa hawla ng kahibangan na baka sakali mag-iba ang ihip ng hangin, At sa wakas ay ako’y iyong pakakawalan sa kadena ng pag-iilusyon, Baka sakaling ang tayo’y magiging bahagi ng kasaysayan at hindi na piksyon. Pero ang kasaysayan nating hindi pa man nagsisimula ay nais nang isulat ng iba, Isang taong nagsusumikap maging bayani sa bawat yugto, naghihintay na mabigyang halaga, Na sa akin ay nagtatanong, “magiging tayo kaya?” At bago siya masagot, ay kailangan pang magtanong sa’yo, “magiging tayo kaya?” Kasi kung hindi, hindi ko na ipipilit ang sarili ko at tatanggapin ko na, Na sa pagtupad ng pangarap kong pagpapalaya mo sa’kin sa kadena ay iba ang nakatakda, At  sa piling niya, baka sakaling makuha kong maging lubusang masaya, At ako naman, hindi na ikaw, hindi na ang damdamin mo ang nakataya. Kasi kung hindi, hahayaan ko siyang apulahin ang aking apoy na nag-aalab para sa’yo, At gisingin ako sa katotohanang nauupos na ako, nauubos na ako, Na kaya ang tayo ay parang ningas na hindi lumalagablab kasi hindi pala ikaw ang baga, Hindi pala dapat ako umasa.
0
Sep 1, 2017
Sep 1, 2017 at 4:48 PM UTC
Kasi Kung Hindi

28