Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ilog" poems
Walang sukat ang damdamin at wala rin itong tugma, Ang wagas na pag-ibig o nagbabagang galit ay walang ritmo, Lahat ng ito ay dapat na lumaya. Sumabog na tulad sa bulkan Kung kinakailangan o di kaya ay dumaloy na tulad sa agos ng ilog. Ganito ang malayang taludturan na aking tinatangkilik, oo alagad ako Ni Walt Whitman at hindi ko ito ikinakahiya. Hindi ko kinakailangan na bumilang ng mga araw, lingo at buwan, Hindi ko kailangan na pagandahin ang mga salitang isusulat ko. Totoo na gusto ko ring sumikat at makilala ng balana ang maging tanyag Na tulad ng iba. Subalit wala akong balak na itakwil ang aking tunay na Saloobin, hindi ko isasakripisyo ang aking nararamdaman para lang Tanggapin at kilalanin ng iba. Minsan mala-sutala pero mas madalas ay magaspang na tulad sa sako Ang mga salitang ginagamit ko. Hindi ako nanunuyo sa halip madalas ako’ng Nagmumura at nang-uusig. ‘Pagkat yan ang laman ng aking dibdib at hindi Ko ito ikinakahiya. Malaya ako na tulad sa malayang tauldturan na itinataguyod ko. Putang-ina ko man kahit hindi ako ma-publish gagawin ko parin ito. Hindi ko pakikinisin ang magaspang na katotohanan, hindi ko pababanguhin Ang nangangalingasaw na kaganapan ang isusulat ko ay ang tunay lamang. Magiging tapat ako sa aking damdamin, hindi ko uulolin ang aking sarili at hindi Ako mag-iinarte sapagkat hindi naman ako artista. Hindi ito Sunugan o Flip Top ito ang Tunay na ako na s’yang nagsasalita. Hindi ko kailangan na magpatawa. Ang tunay na makata ay naglalahad ng katotohanan hindi ng mga salitang Gustong mapakinggan lamang ng mga taong bumabasa ng kanyang mga tula. Walang sukat at walang tugma ganito ang tunay na demokrasya. Damdamin ko Ang magdidikta, ito ang panginoon ng aking panulat.
0
Dec 2, 2017
Dec 2, 2017 at 7:08 AM UTC
WALANG SUKAT AT WALANG TUGMA

Continue reading...
26
And in the end, the love you take is the love you make. -The Beatles Isa ito sa mga argumentong dapat lamang pagtalunan. Dahil hindi lahat ng pag-ibig na binibigay mo ay nasusuklian. Masarap lamang itong pakinggan. Noong inibig mo ako, Hindi. Mas tamang sabihin na noong naisip **** iniibig mo na ako, Ay mas pinili **** huwag magbigay ng buo. Hindi ko alam sa'yo pero ikaw na ang pinaka-duwag na taong nakilala ko. Naaalala ko noon ang mga sugat at pilat na naiwan niyang nakatatak at nakakabit sa mga braso mo. Nakikita ko ang mga bakas ng mga hampas nya sa mga balikat mo. Bawat kagat at kalmot at gasgas na ibinigay n'ya sa'yo, Sa mga pagkakataon na akala mo wala lang, Naramdaman ko. Pinaramdam mo silang lahat sa akin. Anghirap palang pilitin na bumuo nang puso na ayaw magpabuo sa'yo. Hindi ko din kasi alam dati na kailangan, ang kagustuhang maghilom, Manggaling sa kanya mismo. Pinilit kong pagtagpi-tagpiin ang mga piraso **** nakakalat sa sahig mula nang binitiwan ka n'ya. Sinubukan kong gamutin ang lahat ng sakit na nagpapanatili sa iyong gising sa alas-tres ng umaga. Pinili kong mahulog sa iyo kahit alam kong mas malabo pa sa tubig ng Ilog Pasig ang pag-asa Na maisip **** sa iyo lang ako. Iyong-iyo lang ako. May mga pagkakataon na nakikita ng ibang tao ang mga pagbabago na akala nila ay ako ang dahilan pero ang hindi nila alam, Sa dami at haba ng mga sakit na iyong naramdaman, Natuto ka lamang na itago silang lahat sa loob mo. Na sa kahit na anong oras, pwede silang lahat lumabas at lamunin na lang ako ng buo. Oo. Ako. Dahil mas pinili kong lumapit sa'yo. Iyong-iyo lang ako. May mga pagkakataon na gusto kong isipin Na ang bagong taginting ng mga tawa mo ay dahil sa akin. Na ang mga panaginip mo kapag ikaw ay mahimbing, ako ang laman. Na ang mga pangarap mo sa hinaharap ay ako ang hiling. At ang bawat pulso mo ay para sa akin lamang. Dahil sa iyo lang ako. Iyong-iyo lang ako. Pero hindi. Dahil andami mo nang natutunang paraan para magtago. Napakadami na ng mga pagkakataon na sinayang mo. Ang akala mo, lahat ng pagkabigo mo sa pag-ibig dati Ay natulungan kang maging mas malakas, mas matatag, mas matalino. Pero hindi. Dahil papasok sa isang bagong pag-ibig ay tinangay mo lahat ng galit. Iniwan mo ang mga aral na natutunan mo maliban sa "Ang pag-ibig ay hindi dapat pagkatiwalaan." Ang tanging bagay na hinahabol mo, na pinipilit **** makuha, Na pinipilit mo dating kapitan kahit na wala na, Ang bagay na akala mo ay lubos sa iyong magpapasaya, Tinitignan mo na may pagdududa ang iyong mga mata. At unti-unti kang nabulag. At hindi mo nakita ang pagibig na nasa harap mo na. Lumipad at nawala. Hindi bulag ang pag-ibig. Bulag ang mga taong pinipilit tumingin sa araw dahil gusto nilang makakita ng liwanag ngunit ayaw alisin ang kanilang mga de-kolor na antipara. Wala kang natutunan sa nakaraan. Hindi ka nga nasasaktan. Hindi mo naman mahagilap ang tunay **** kaligayahan.
0
Jun 9, 2016
Jun 9, 2016 at 1:58 AM UTC
Ang kaibahan ng katalinuhan at kaduwagan

59
Preso ang Ikinukulong, Hindi Salita Huwag mo kong ikulong sa mga salitang nais **** makitang taglay ko Huwag mo kong sikilin ng kalayaan kong ipahayag ang nais ko O bilangin ang metrong sumasaklaw sa mga katha ko O mga tugmang umaabot na gayon na lamang ang paglantad na siya nga ay isang presong Minsang kinulong sa iyong isipan at binigyan mo ng huwad na kalayaan Huwag mo akong pigilan tulad ng mga letrang iyong binitiwan kung sa'n ubos na ang oras na siyang dahilan Upang matigilan ang mga salitang dumadaloy sa ugat na tila nagpipilahan Sa isang lugar na napigilan ng kaguluhan at ingay ang malalayang sugnay Ngayon ay dumadaloy na parang isang rumagasang ilog Sa dulo ng dila ko ay laging naririyan Isa akong salitang walang kahulugan ni patutunguhan Salita ako ngunit hindi sinasalita Ako ay kamatayan sa iilan At buhay sa karamihan Kaya't huwag mo akong pigilan ng mga pinili **** letrang dapat ako, dapat ay tagalayin ko Dahil ang tula ay tula at ito ay malaya Parang ako Ang tula ay malayang di tulad ng tao dahil dito Walang batas na maaring pumuna at saglit na mawaglit sa tunay na eksistensya dahil ang tula ay tula na wala kang karapatang Yurakan o ismiran o saktan man Ang tula ay tula na mga anak ng manunula Hinabi ng emosyon ng puso ng pawis na nararamdaman ang bawat patak bawat tibok at bawat sigaw Dahil ang tula ay tula at ito ay malaya Ako ang pag-ibig ako ang tula Ang tula ng pag-ibig Ang pag-ibig na mapagpalaya Akong pag-ibig na hindi malaya Kaya 'wag mo kong siilin ng mga salita na nais **** makita na nasasa aking tula Dahil ng tula ay tula Ang tula ay malaya Ang mundo ng tula kung sa'n malaya Mundong nais ko sana Isang mundong di ko kailanman matatamasa Sa isang mundong kaaya-aya
0
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 11:10 AM UTC
Preso ang Ikinukulong, Hindi Salita

42
Sa minsan kong paghawak ng isang panulat At sa sandaling panahon na mata'y idinilat Masakit na katotohanan ang sa aki'y sumambulat At mga katiwaliang di man lang maisiwalat At kaya nga nabuo ang una kong tula, Punong - puno ng emosyon na pawang mga luha sa kahabaan tila ba naging dula, Dalawampu't limang berso:pawang may tugma Hindi ko alam kung bakit at paano Sa mga isyung pambansa,wala ngang alam gaano Pero basta't tinamaan ako ng inspirasyon, Biglang gumagana itong imahinasyon Mga salita ay rumaragasang tuloy - tuloy, Parang tubig sa ilog,walang tigil sa pagdaloy Nag - uumapaw sa kaisipan at sadyang matalinhaga Tunay na nagmumula sa puso ng makata
0
Mar 22, 2017
Mar 22, 2017 at 2:14 AM UTC
Makata ng Makabagong Henerasyon
Balang araw, Biglang babagal ang paglakad ng oras Bahagyang hihinto ang ilog sa kanyang pag lagaslas Aawit ang mga langay-langayan At luluha ang kalangitan Luhang hatid ng matinding galak Sa wakas ay wala ng iiyak Dahil natapos na ang panaginip Salamat at hindi ka nainip Maraming istorya ang nais kong sabihin Inipon kong lahat para sa'yong pagdating Kulang ang magdamag kung aking isasalaysay Kung paano kita hinintay Sa sandaling tayo'y magtagpo Doon lamang magiging perpekto ang mundo Dahil sa kabila ng mga gasgas nating puso Ay may paraisong tayo lang ang makakabuo Sana nga bukas kapiling ko na ikaw Sana nga bukas na ang ating ''Balang araw''. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 3:43 PM UTC
Balang Araw
Maria, ang Ibarra na 'yong inirog At pag-ibig na nalimot Ay muling umahon sa ilalim ng ilog At ako'y ginising sa aking pagtulog Ang iyong kwento'y tila nauulit Ikaw Maria Clara, siyang naging kapalit At ako si Ibarrang nasasaktan nang labis Dahil kay Linares na di maalis Ikaw ang Modernong Maria Clara Masiyahin, mabuti at mganda At ako si Crisostomong Ibarra Walang pinagkaiba Hanggang sa kasalukuya'y di ka makuha Ikinasal sa bayan at mga pangarap Patawad ngayo'y di kita maharap Ika'y isang malayong pangarap Na sa mga kurso'y di ko mahagilap Anupa't ika'y nakangiti ngayon Ngunit huwag gayahin ginawa ni Clarang noon Maging masaya ka sa sa piling ni Linares na iyong **** Habang ako'y magdurusa sa loob ng marami pang taon Saglit at sa loob'y nagkakasiyahan Tugon nila'y marahan sa aking nararamdaman Musikang ngayo'y kakampi Dusa sa di makuhang pulang mga labi Kung darating man ang panahong "Ikaw" Hiling ko'y maging masaya at di mapanglaw Mukha mo sa puso ko'y di manakit at manghataw Sa di pagtingin sa king mata Wari ko'y alam mo na Ang aking tunay na nadarama Mahal kita Maria Clara, Paalam na
0
Jul 15, 2016
Jul 15, 2016 at 2:22 AM UTC
MARIA CLARA
Kaibigan, Naalala mo pa ba ang masasaya nating kwentuhan? May konting joke lang iyo mo na agad tatawanan, Sumasabay pa ang mga laway **** nagtatalsikan, Na nagkalat sa mukha kong iyo mo pa ngang pinupunasan. Sa kanto, Naalala mo pa ba ang ating istambayan? Nagpapasama ka sa’kin matanaw mo lang ang crush **** dadaan, Ngunit dedma ka, hindi ka nilingon kahit sinigaw mo na ang pangalan, Kaya minsan umuuwi tayong ikay bigo at kung minsan ay luhaan. Sa tabing ilog, Iyo mo rin bang naaalala’t natatandaan? Sa puno ng mangga doon tayo nagtayo ng bahay-bahayan, Dun tayo nagdadala ng pagkain para sabay tayong mananghalian, At dun ko na saksihan ang iyong kakaibang katakawan. Pagkatapos ng bakasyon, sabay tayong pumapasok sa eskwelahan, Kapag break time magkasamang nakikisalo sa mga kaklase, nakikipagburautan, Sa takdang aralin sabay tayong gumagawa at nakikipagkopyahan, At sa pag-uwi sabay din tayong dumidiretso sa komputeran at bilyaran. At nung nagsembreak, Asan ka na nga ba aking kaibigan? Hindi na kita nakita’t matagpuan sa kung saan, Lumingon na ako sa likod, kaliwa at sa kanan, Ngunit ang anino mo hindi ko na matagpuan.
0
Aug 18, 2011
Aug 18, 2011 at 3:19 AM UTC
Sembreak
Gabi-gabing nagsusunog ng kilay. Araw-araw na tinatahak ang lubak-lubak na daan. Minu-minutong nagtitiis ang balat sa tirik na araw. Iniinda ang mga kagat ng lamok sa gabi. Pinagtitiyagaan ang kapirasong lamparang liwanag sa dilim. Maibahagi lamang ang kapiranggot na kakayahan. Inakala **** madali. Hindi pala. Kailangan **** suungin ang init. Kinailangan **** tawirin ang mga ilog marating lamang ang iyong patutunguhan. Inakala mng magaan. Hindi pala. Kinailangan **** maglakad ng walang sapin sa paa. Kinailangan **** iwasan ang mga putik sa kalsada upang marating ang lugar na akala mo ay langit na. Nagawa mo pa ring makaalpas. Ilang beses ka na ba dapat na sumuko? Nakailang iyak ka na ba gabi-gabi dahil hindi mo kaya ang nakikita mo? Ilang damit lang ba ang dala-dala mo upang maitawid ang mga kaalaman para sa iba na nagmula sa iyo? Kaya mo pa ba? Ikaw ang liwanag sa kanilang madilim na daan. Ikaw ang gabay sa kanilang pagpupursige. Ikaw ang magiging pag-asa sa mga pangarap nilang hinahabi. Huwag **** ipakitang marupok ka dahil lamang sa delubyong likha ng kalikasang nasa iyong harapan. Isipin mo sila! Isipin **** may naghihintay na bukas para sa kanila. Ikaw ang kanilang tinitingala. Magpatuloy ka sa pagngiti. Isapuso mo ang kanilang masasayang pagbati sa tuwing ikaw ay makakarating. Damhin mo ang kanilang pananabik na makita kang masayang nagtuturo sa kanila. Iwaksi mo ang negatibong bagay sa iyong isipan. Yakapin mo ang iyong natutunan --ang iyong misyon at rason kung bakit ka inilagay sa posisyong iyong kinatatayuan. Balang araw ay magtatagumpay ka! Balang araw ay masisilayan mo ang katas ng iyong pagpapakumbaba. Pagsisikap. Pagtitiis. Malayo ka man sa mga mahal mo sa buhay, naiintindihan nila. Ang propesyon mo ang magbibigay ng pag-asa. Magtiwala ka! Kaagapay mo ang Diyos sa bawat **** pagsisikap. Huwag kang panghinaan ng loob sa bawat problemang iyong kinakaharap. Alam naming kaya mo! Sa iyo uusbong ang mga batikan. Sa iyo magmumula ang mga pinakasikat. Sa iyo manggaling ang magagaling at matatalino. Alam naming kaya mo! Magtiwala ka sa kakayahan mo. Ikaw at ikaw lamang ang maglililok nito. Ikaw at ikaw ang huhubog sa kani-kanilang mga talento. Nasa iyo ang aming papuri. Nasa iyo ang aming taos-pusong dasal. Ang laban mo ay laban naming lahat. Kayanin mo. Kakayanin mo! Ikaw ang aming liwanag sa gabi at pag-sa sa umaga. #IkawNaNagmamahalMagmamahalPa
0
Mar 18, 2018
Mar 18, 2018 at 12:31 AM UTC
Liwanag at Pag-asa (a reverse poetry)

55
Binagtas ang rumaragasang ilog Tubig sa leeg ay lampas Sa lusak pa rin sumayad ang talampakan kahit nagsitaasan na parang alon -makupad nang umahon Naaninag sa tumok ng kugon ang kweba Doon nagpasyang humimpil Di muna bumalik ng tahanan dahil ang sidhi ay di masupil, ang sakit ay di matigil Sa kapanlawan ay tumambad sa isip ang pamana ng itay na parati sa lukbutan- isang papel Nakasulat ang iba't ibang matalinhagang pangkukulam di maka-Diyos, maaaring di maka-totohanan Paano kung sisimulan sa katapusan Masaliwa ang lahat na nagdaan Kung makukuha ang pintuho ng paraluman na siyang puno't dulo ng napapariwarang pag-iibigan ay doon lamang magkaroon ng tiwasay Bago ang kulam Gustong isiwalat ang talambuhay para lalo watasan Sa bawat pahina'y mapa timbang-timbang kung sino ang ihuhukom sa hangganan
0
Jan 3, 2019
Jan 3, 2019 at 5:16 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #41
Ang maputing blusa ay nakakasilaw Dating mag-aaral sa paaralan ngayon reyna na ng kanyang natupad na pangarap Lumaki na ang agwat ng katayuan Distansiya na di malagpasan Subukan bang habulin Kung gaano kalaki ang kagustuhan ganun din ang siyang kabiguan Sa lagaslaw ng tubig sa alon Ang payak na pamumuhay sa gitna ng daluyong Sa araw ng mga  puso ay walang aaminin Ang pag-irog ay hindi mabubunyag Karugtong ng kwento ay maging nalilingid na alamat Iniukol sa kanya ang kalatas Suungin ang daloy ng ilog Pilansik sa balat ay parang asido sa dugo na tinutunaw ang puso Sa lalim ay malulunod, sa babaw ay ang hininga malalagot Suwail sa kalangitan Kung ito'y nakatadhana at ang mga yapak ay nabilang Sana'y maunawaan ang inaasal Sampung hakbang ang layo sa kanyang likuran
0
Dec 27, 2018
Dec 27, 2018 at 6:27 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #33
Ang katotohana'y di ko batid kung paano ko susugatan itong papel Kung aling sandata ba ang gagamitin, itong punyal ba o kaya'y baril Mithi kong bawat panitik na bibitawa'y mapatakan ko ng sariling dugo Dahil bawat papel na masusugata'y tiyak unti-unting hihilum sa puso kong bigo Ang bawat isasalaysay ng taong malapit na sa kanyang dapit-hapon Dadamhin alaala ng lumipas, na para lang itong naganap kahapon Umaasang maaklat ninyo ang aral na nais ihatid Pulutin ninyo ang ginto, ang bato'y iwanan sa sahig Maraming salamat kung sakali mang makikilangoy kayo sa aking ilog Kulay pula man ito'y lilikhain ko itong may kalakip na pag-irog Mula sa susugatan kong papel magaganap ang lahat Lapis na punyal at baril ko'y nakahanda nang gumawa ng aklat.... 04-10-15 mysterious_aries
0
Nov 23, 2015
Nov 23, 2015 at 5:28 AM UTC
Sugat Sa Papel (Paper Wound)
Kalong ng kanyang ina ang isang labing anim na taong gulang na binatilyo. Basang-basa. Nangingitim ang mukha at di na humihinga. Patay na yata. Nakuryente siya habang ini-aakyat ang black and white na telebisyong kasasangla lang ng isang magsasakang magpapa-check-up sa PGH- sa ikalawang palapag ng kanilang 5 square meter na tahanan. May bagyo noon. Super. At umapaw ang ilog. Ang sabi sa radyo nakataas na ang signal no.3 sa buong Central Luzon. Nag-iisip pa rin siya (ang ina) habang binabagtas ng sinasakyan nilang rubber boat na kulay dilaw ang daan papuntang evacuation center. Hindi na niya nagawang magsuklay at mag-suot ng bra. Kalong niya ang kanyang binatilyong pangarap mag-aral sa Maynila- na kanya ngayong ipinagluluksa. Sa Maynila, sa isang pamantasang kulay langit ang pasukan at labasan, nagdiriwang ang mga paang patungo sa Robinsons. Alas dose. Cut ang klase. #WalangPasok.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:50 PM UTC
Tumanggi ang Inang Mailagay sa Bodybag ang Kanyang Anak, Kakalungin na Lang Daw Niya
Muling hahanapin ang ningning ng bituin At ipapanalangin sa langit Na sana'y may gintong rosas Sa likod ng kulimlim At may katiwasayan sa alapaap Para doon humimpil Ang mga pagod na bagwis, Ang hangarin na pinagbubuntunan ng pag asa Nanaisin na mamahinga sa disyerto Kaysa lumanghap ng samyo Ng mga dawag Sa paraiso sa ibabaw ng lupa Kung may araw na sisikat Sa silangang kong mahal Kapag nang aakit na ang yaong liwanag Tatalikod at magtatago Sapagkat madaling mabulag sa kanyang kasikatan, Mahumaling sa kanyang kariktan Maglulumbay din sa wakas Kung saan ililihim ang kapanglawan At titiisin ang kahapdian Kung mabanayad na ang pakiramdam Ay dadalawin naman ng kahapisan Talastas ng mga mata Ang anyong nakikita Ngunit di matatarok Parang ang kati ng lawang malinaw Susuungin ang daloy ng ilog O magpatangay sa alon Ang buhay na pinag iingat ingatan Ay nililisan ng katatagan Kaya ang bawat pag ngiti May luhang sinusukli Ang kaginhawaan may pawis na pinupuhunan Sinasagap ng paningin At ng nasa ang pagpahinuhod ng Sandali Sa kapalaran na pinaglilikatan ng mabuting halimuyak Maglalakad na tangan ang lumbay Tungo sa lugar na pinagmulan Sa alabok babalik Ang hiningahang buhay Di na lilingon at mag alalala Sana'y di na mabubuwal sa pag alis Sa maluwalhating pagsalubong ng hangin Mananahan sa likod ng mga ulap
0
Aug 17, 2019
Aug 17, 2019 at 7:29 PM UTC
Sa Likod ng mga Ulap
*Doon sa amin; kung saan ang mga bata'y nagsasaya, nagpapaligsahan sa paglangoy, sa sariwang batis at ilog sa aming nayon. Doon sa amin; kung saan ang mga binata'y nanghaharana, nagbibigay respeto sa nakaugaliang panliligaw, sa mga dalagang ramdam ang pagiging Maria Clara. Doon sa amin; kung saan ang mga matatanda'y, nag-iinuman, sumasayaw, at kumakanta, sumasabay sa mga tugtog na makaluma. Doon sa amin; kung saan tuwing sasapit ang linggo, lahat ay gayak na gayak na, upang pumunta't magdasal sa Poong pinagpala. Doon sa amin may kasiyahan. Doon sa amin may pagmamahalan Doon sa amin may musikahan. Doon sa amin, labis ang pagpapala.*
0
Oct 3, 2015
Oct 3, 2015 at 11:38 AM UTC
Doon Sa Amin
Tila ilog na walang katapusan, Ang mga emosyong aking nararamdaman, Walang preno, walang busina, Walang tigil sa pag-agos ng malaya. Akala ko'y walang humpay, 'tong mga pinanghuhugutan sa buhay, Ang halos lahat ay may hangganan, Ang mga bagay nga pala'y may katapusan. Sabihin mang ako'y makata, Isang manununula, Manunula kasama ang kanyang pluma, Ngunit pluma nya'y wala nang tinta. Tila ba binaon sa nakaraan, Ang minsang nakahiligan, Pilitin ma'y walang maisulat, 'tong makatang naging salat. Iyon ay kanyang alaala, Naiisip sa bawat pagbasa, Ng mga tulang sya din ang gumawa, Mga tulang di nya na ngayon magawa.
0
Aug 20, 2017
Aug 20, 2017 at 2:55 PM UTC
Tinta
Ang ilog ay salamin ng itinagong kasalanan na ngayon ay naniningil Hindi umiimik ito sa pagdaloy Kahit sa linaw ay nagpalahaw Tahakin ang landas ng pagkapoot Ituring kaaway ang kinabukasan Ang saplot ng nakalipas ay isuot Ang kasalukuyan ay kalunos-lunos Birheng rosas ay huwag pitasin Sa matutulis na tinik nito'y alamin Na ang kaakit-akit sa plorera ay ito rin ang mabagsik Ang nalalantang talulot Matamlay na tangkay ay namamaluktot Ang ligaya ay sa isang bahagi lang Nilalamon ng kalumbayan Sa ikatlo ng buwan Gasuklay na hugis ay kakaiba Habang ang kanluran na binabagtas ay may alay na pansamantalang kaginhawaan Itawag sa mga buwitre ang Kasukdulan, Pamamaalam Walang hangin sa baga nilubos-lubos pa Sinipsip ang buhay hanggang sa lumisan Kukuyugin ng uod Lalasapin nang pagkalugod Tatabunan ng lupa magsilbing pataba nang dadalawin minsan ng mga bulaklak
0
Dec 14, 2018
Dec 14, 2018 at 5:58 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #9
Kagaya ng tubig, aagos ang pag-ibig. Ang tubig na inihasik mo sa dagat Ay aanurin din papalayo sayo -- Papalayo ngunit sana'y papalapit ang takbo. Ilang beses ka mang magtaya Ay hindi mo matatantiya ang panahon At ang pagkakataong nasa kamay mo na, Ayan, biglang maglalaho at bubusina Ng "paalam, pagsinta." Ilang beses ka mang magtapon ng barya Aagos pa rin ang tubig At hahampas ng paulit-ulit sa sagradong buhangin. Mananatili sa ilalim ang bawat **** hiling Ang hiling na sana'y hindi ang alat ng dagat Ang dumampi sa nilihang lalamunan. Kumanlong ako sa mga butil ng buhangin Nang muli kong mapagmasdan Ang ilog, ang sapa, ang talon at ang dagat Na nasa iisang garapon. Uminom ako, at doon naglaho ang istorya Ako'y napukaw ng buhanging pambara.
0
May 30, 2017
May 30, 2017 at 9:18 AM UTC
Lagok
Maraming magagandang tanawin Ngunit sayo parin ako nakatingin Magagandang lalawigan Subalit sa tabi mo parin babagsakan Mga magagandang bulubundukin Mga magagandang ilog Mga magagandang tanawin Sabay nating pinaginip Alam kong umiiwas ka na Alam kong huli na Alam ko ring lumisan ka na Ngunit ang tanging alam ko'y mahal parin kita Sinta pagbigyan mo na ako Alam kong marami pang babae sa mundo Ngunit ikaw at ikaw lamang ang pipiliin ko Kahit hindi mo na ako piliin sinta ko Kahit gano pa katagal yan sinta Kahit mahigit tatlong taon pa yan Hihintayin kita ng hihintayin marikit na dalaga Kahit magalit na ang mundo sa akin sinta Parang mga binhi lamang ito Hihintayin kita umusbong muli mahal ko Didiligan kita ng pagibig ko Hanggang maging magandang tanawin na muli tayo.
0
Feb 24, 2020
Feb 24, 2020 at 2:27 AM UTC
Tanawin
Nag-usap tayo tungkol sa pagmamahal At sa mga natagpuang lungsod, Tungkol sa mga kayamanan Na nakabaon sa ilalim ng pusod, Tungkol sa buntong hininga ng ilog, Sa paglaho ng dagat, ika'y nabasa Mga alak na may halong itlog Sa kumukulong tasa ng tsaa. Nag-usap tayo tungkol sa sining Sa naglalagablab na ginintuang apoy, Isang binibining nakapiring Mga nawawalang ala-ala Mga kinalimutang pangalan, Na naglalagapag sa ngala-ngala Mga kagustuhang 'di mapagbigyan, Sa pagkislap ng bituin Isulat ang mga nais na malinawagan Kalooban ma'y kainin, At mga anino'y lumabo Sa gabing nakakapaso Nag-usap tayo tungkol sa mga lobo At marami pang mga bagay, Sa pagtindig ng mga pabo, Tungkol sa mga orasang tumatagay At sa pag-ikot ng mga sirko, Kung paano ang pagtili ng mga kalapati Nagsiliparan sa itaas, Sa ilalim ng bahaghari Ako'y humihiling ng basbas Ngunit higit sa lahat Napag-usapan natin ang ating pagmamahal.
0
Dec 4, 2017
Dec 4, 2017 at 5:22 AM UTC
Nag-usap tayo
Bakit kailangang makilala ka pa? Masikip ang mundo para sa dalawa Sa ilog ng tahimik na buhay Ba't ka ba sumablay? Sa huling araw ba't ka ba tumabi? Sayang bakas sa maputlang mga labi Indak ng 'yong kulay, sumasabay sa araw Sa itim ng 'yong mata'y nakita, isang bulalakaw Ngunit bakit nakilala ka pa? Kung sa huli'y lilisan rin pala? Kaninang umaga bumati ka pa Sa panaginip ko, huli na nating pagkikita
0
Jun 29, 2016
Jun 29, 2016 at 9:35 PM UTC
Kaninang Umaga
062721 Doon sa parteng may tubig sa aming bakuran Ay natagpuan ko ang hiwaga ng bawat nilalang Na araw-araw na sumasalubong sa'kin Buhat sa paggayak sa umaga’t hapon. Silang mga nakabihis ng puti Ay sabay-sabay na sisigaw ng aking ngalan At bagamat hindi ko rin wari Ang lenggwahe na kanilang taglay, Ay para bang kampante akong Sila’y akayin at alalayang maitawid Sa bawat araw nang may galak sa puso. Tila ba sa bawat araw Na itiunuro sa akin ni Tatay noon, Ay natututo na rin akong Makiramdam at makialam. Ito yung tipong kaya ko na rin palang Arugain ang hindi akin Ngunit ang bawat binhi Ay ngayo’y itinuturing ko ng kayamanan. T'wing nakatirik ang araw Ay agaran kong kukumbinsihin ang aking sariling Gumayak na't lisanin ang aking higaan At kamustahin ang mga ito. Tangan ko ang kahoy na gawad ni Tatay sa akin, At balewala ang putikang aking sasadyain. Bilin nya nga sa aki’y wag ko raw hahayaang Lubugan na ako ng araw Bago ko pa yakapin ang responsibilidad Na iniatang nya sa akin. Sa yaman ng kalikasan Ay wala na akong magiging dahilan pa Upang kalimutan ang aking pagkatawag At sila’y pabayaan Sa matatalim na ngipin ng ibang mga nilalang. Silang sa pagsapit ng dilim Ay nakabantay lamang at handang sunggabin Ang bawat naliligaw ng landas. Sa tubig, sa batis at ilog Ay akin naman silang aalalayan Ang galak ko habang sila'y hinahayaang Busugin ang kanilang mga sarili Sa berdeng kalupaa’y walang katumbas. Pagkat dito ko sila nasisilayan At napagtatantong totoo nga ang sabi sa akin ni Tatay. Ni hindi ko na kailangang maglakbay Patungo sa kung saan mang siyudad Matamasa lamang ang tunay na kaligayahan Pagkat sa akin ay sapat na Ang sundin ko ang bilin ni Tatay. Malayo pa ang umagang Kami’y maghahawak kamay. Ang yapos niya’t pagkalinga sa akin Ay araw-araw ko ring hinahanap-hanap. At naniniwala akong Darating ang umagang iyon. Maghihintay lamang ako Habang ang kanyang pamana’y Lubos kong aarugain ng pag-ibig at pag-aalalay.
0
Jun 30, 2021
Jun 30, 2021 at 11:23 AM UTC
Pastulan

Isang katangian na ipinamukha sa akin ng kalungkutan --- Madaya siya. Madaya ang kalungkutan Kaya ka niyang linlangin Minsa’y kawangis niya ang tahimik na kalsada. Bibigyan ka niya ng pagkakataon upang mag-isip. Hahayaan niyang makinig sa’yo ang buwan Subalit hindi ka nito kakausapin; sa halip, mas papangibabawin niya ang iyong pagkalito. Pipigilan niya ang pagkahol ng mga aso; pahihintuin niya ang huni ng mga ibon. Maging ang hangin ay pahihinain nito. Ititikom ng mga nakatambay na pagtatanong ang mga bibig nila. Ngunit, ang akala **** tahimik; Malungkot na pala. Kaya ka niyang linlangin Minsa’y kamukha niya ang payapang tahanan. Na kahit ang bangaya’y mahihiya. Walang mintis ang mga yakap, ang mga tawanan Buo sa numero Hanggang sa dulo’t magmula sa umpisa Walang bahid ng pagkakawatak-watak subalit, dama mo pa rin ang pag-iisa. Dahil ang akala **** mapayapa; Malungkot na pala. Kaya ka niyang linlangin Minsa’y kahawig niya ang mahinahon na ilog. Na tanging lamig lamang ng tubig ang kaya **** kilalanin Bilang sa iyong mga daliri ang mga batong natatangay nito. Kaya niya itong gawing panatag Subalit, hindi ang damdamin mo. Matutuwa pa siya Sa panghihinayang **** makasaksi ng mabilis na pag-agos at pagbabadya. Ang akala **** mahinahon; Malungkot na pala. Oo. Mapagbalatkyo ang kalungkutan Kaya niyang maghain ng maraming pagkakakilanlan. Bahagi ng kanyang iskema ang pagkalito na siyang sa’yo’y mananahan; mahirap siyang maging kalaban. Mahirap siyang maging kalaban. Kaya't siya'y gayahin mo. Linlangin mo rin siya ng kakayahan **** magwangis Ipakita mo na ikaw ang ingay sa tahimik niyang kalsada; Na ikaw ang bangayan sa payapa niyang tahanan; Na ikaw ang rumaragasang tubig sa mahinahon niyang ilog. Bigyan mo rin siya ng maraming mukha na may iisang ulo ng katatagan at paglaban. Pero huwag sa sarili mo Maging tapat ka rito magiging armas mo ang pagbabalatkayo laban sa lungkot; pero huwag sa sarili mo.
0
May 4, 2020
May 4, 2020 at 6:03 AM UTC
Balatkayo

69
Ito na ang aking huling awitin, Awiting sa iyo'y kakantahin, Sa tono ng mga alaalang kinalimutan, Kandirit ng mga luhang pinakawalan, Sa langit, sa lupa, sa ilog, sa sapa, Sa araw araw na ako'y naghahanda, Sa bawat gabing aking inaalay, Sa bawat umagang ika'y hinihintay, Pasan ko sa bawat yapak, Ilang galon ng alak na nilaklak, Upang limutin ang ligaya't galak, Ang babaeng ibang landas ang piniling itahak, Na kahit saan pumunta'y di na mahanap, Lumingon man kaliwa't kanan di mahagilap, Tuwing pipikit naaalala mata **** kumikislap, Ngunit wala ka rin, sayang lahat ng pagsisikap... Sa ganda ba naman ng ating simula, Sino ba naman ang mag aakala? Na sa ilalim ng punong aratilis kung san tayo unang nagkita, Dito ngayon ako nama'y pasintonadong tumutula? Sa dami ng mga nangyari mula nang tayo'y nagkakilala: Saya, Lungkot, Ligaya... Hanggang sa ika'y nagsimulang humarot, Pagdududa, T4ng*, di na dapat pa akong sumagot! Nag-kaaway-- Upang magkabati lahat inialay, Ngunit muli nanamang nagpasaway, Hanggang nagdesisyon kang tuluyan nang maghiwalay... ... Kamusta ka na? Pasensya kung nasaktan kita, Patawad sa mga galos at pasa, Ngunit ang kaya ko lang gawin ay awitan ka, Sana marinig mo huli kong mga nota, Kahit sintonado kong kinakanta-- Kung maglaho na ako, babalik ka ba? Maaari bang sa takipsilim na lang tayo magkita? Di ko naman sinasadya... Na ika'y bigla na lang mawala. Tulad mo rin ba akong nababalisa? Wag kang mag alala, makakasama mo uli ako mamaya--
0
Apr 19, 2018
Apr 19, 2018 at 6:50 AM UTC
Habulan
Ang sarap sa labas ayaw mo bang magpahangin? Sa tabi ng ilog may malaking puno, higa tayo sa lilim. Magtatagpo, tatakbo, magtatago. Hangga't umabot sa kwentong kala mo walang dulo. Bakit ayaw mo yatang lumabas? Kasama mo ako ika'y ililigtas. Di kita masisisi kung ang tingin mo sa mundo, Ay puro kasinungalingan, kala mo'y impyerno. Payag naman akong dito na lang maghabulan, Sa apat na sulok ng kwarto tayo'y magtaguan. Ibababa ko ang kurtina, ikaw ang taya. Sa apat na sulok ng kwartong 'to, tayo'y malaya. Bigla akong nagising, wala ng katabi. Narinig kong katok pala ay guni-guni. Biglang tumunog aking telepono. 'Nasa pinto ako' sabi ng boses mo. Payag naman akong dito na lang maghabulan, Sa apat na sulok ng kwarto tayo'y magtaguan. Ibababa ko ang kurtina, ikaw ang taya. Sa apat na sulok ng kwartong 'to, tayo'y malaya.
0
Dec 10, 2016
Dec 10, 2016 at 11:42 AM UTC
Katok
past wavering lights B. Serrano and Bagong Ilog love struck us down — sees no votive clearing of the fog or a word sharper than any blade wrought from frays. i have a photograph of you somewhere in the ken of my silence and on it paints lightsome hue and sometimes pale when it rains. KM 24 on a blue alloy and underneath, a Baguio — some memories we keep almost left by the last carriage homeward from too much fire in our hands only tremors could extinguish both striking a balance and counterbalance; the frequency of the electric and the immense decibel of lions drowning the disquiet. some places or some looking back makes you want to lose yourself in slight wonder and when a memory comes back with the dreary weight of its forgetfulness, we fall asleep traipsing the steeples of our dreams of each other all-telling, still dizzy with the pirouette of some distant longing bracing the fall, triggering our darkness and shooting out ourselves, small, love striking us down. arraying a triplicate of hazy trails forking all roads and we cannot find each other again; throwing stones rippling multiplied waves by the sea arriving at separate mornings beneath our feet, bends on the bludgeoned curves of love and hate ascertaining something so unsure as a door agape and swiveling in tense wind, tender is the night and love continues to smite us down, locking in, predatory precision, running away, and away, and away from the ache of it all.
0
Nov 3, 2015
Nov 3, 2015 at 7:11 AM UTC
Two Poems (Davao Blurs): (1) White Streets Photographed