"ilan" poems
Ilang taon akong nabulag sa paniniwalang kailangan mo munang makaranas ng sakit bago mo makamit ang tunay na ligaya.
Na ang bawat luha ay may katumbas na galak, na ang bawat gabi ng pighati ay may pangako ng isang masayang umaga.
Ilang taon akong nakipagsapalaran sa pagibig na mapagpanggap. Kaliwa't kanang kabitan, walang katapusang kasinungalingan.
Pagibig na sa harap ng madla ay puno ng kilig at lambing. Ngunit sa ilalim ng mga yakap at mga halik ay ang mga pasa at sugat na dulot ng masasakit na salitang sing talim ng bagong hasang lanseta.
Ilang taon akong nasanay sa kalungkutan, walang kadaladala. Sugod ng sugod sa labang alam ko namang sa bandang dulo ay ako ang uuwing talunan. Pilit akong kumapit sa mga maling tao. O tamang tao sa maling pagkakataon. O sa akala ko'y tamang tao pero hindi naman ako gusto. Sakit no?
Ilang taon akong sumugal sa mga relasyong walang kasiguraduhan, sa pagibig na "pwede na", kahit alam ko sa sarili kong walang patutunguhan. Minsan nga kahit wala nang kakabit na emosyon basta lang may pantawid sa tawag ng laman pinapatos ko ng walang pagaalinlangan.
Ilang taon akong pansamantalang nakisilong sa iba’t ibang tahanan. Na sa una’y buong puso ang pagtanggap ngunit sa bandang dulo ay walang habas din akong pinagtabuyan palabas.
Ilang taon? Hindi ko na mabilang. Hindi ko na mabilang kung ilang taon akong nagtapang tapangan na suungin ang mga tila panibago na namang disgrasyang maaari kong kaharapin sa proseso ng paghahanap ng tunay na ligaya. Isang pagibig na may pangako ng walang hanggan.
Hanggang sa... napagod na ako. Sa wakas, napagod na ako. Napagod na akong kwestyunin ang kalawakan sa kung bakit palagi na lang akong pumapalya sa pagibig. Napagod na akong magtiwala. Natakot na akong magtiwala. Natakot na akong buksang muli ang puso ko sa susunod na estrangherong magsasabing “hindi kita sasaktan, peksman mamatay man”
At Unti unti kong napagtanto na sa ilan taon kong paghahanap ay ako, ako ang nawala.
At nahanap mo ako.
Ikaw ang naging sagot sa bawat tandang panong na ibinato ko sa kalawakan sa loob ng maraming taon. Tinuldukan mo ang lumbay at ipinamukha sa akin na hindi ko kailangang masaktan para makamtan ang tunay na ligaya. Na kailanma'y hindi ako dapat lumuha dahil sa hinagpis. Hindi ka nangakong hindi mo ako sasaktan, ngunit ipinadama mo sa akin ang ang masarap **** pagaalaga. Pagaalagang hindi kailangan malaman ng iba para mapatunayan na bukal sa loob ang hangarin. Binigyan mo ako ng dahilan para muling magtiwala.
... Ng lakas na sayo ay kumapit at ipadama sayo ang init at gigil ng pagibig na ni minsan ay hindi ko naipadama sa sinoman. Binigyan mo ako ng pagasa... ng dahilan para muling maging matapang.
At ngayon, sa unang pagkakataon.
Buong tapang kong ipagsisigawan sa buong mundo na palangga ta ka. Na handa na ako sa pagsisimula ng isang bagong paglalakbay kasama mo mahal ko. At oo, oo ang naging sagot ko.
Aug 23, 2018
Aug 23, 2018 at 1:35 AM UTC
IKA-9 NG NOBYEMBRE, 2 MIL QUINCE TAONG KASALUKUYAN
KASALUKUYAN AKO NAGMUMUNI KUNG KAILAN AT ILAN
ilan pa kaya sa inyo ang sa akin ay naniniwala
naniniwalang kaya ko pang magpatuloy
magpatuloy sa aking mga adhikain
adhikain na nagsisilbing inspirasyon
inspirasyong bumubuhay sa aking mga anak
mga anak na gagabay sa ating pagtanda
sa ating pagtanda...tanging hiling ko,tayo ay buo pa rin
buo pa rin ang pananampalataya,pag-ibig at pag-asa
pag-asang maituturing na ginto sa loob ng kahon
loob ng kahon na siyang daanan ng mga mensahe
mensaheng dapat ingatan at gawing pribado
pribado na hindi tulad ng aking buhay
aking buhay na nakasalalay sa mundo ng mga makata
makata ng bawat lahi na minsan nang pinag-apoy ang mitsa at tuloyang nagningas
nagningas hanggang sa pumutok ang araw
ANG ARAW NG KASARINLAN ay KASAYSAYAN ng KALAYAAN!
kalayaang makapagpahayag ng sariling himig at pahiwatig
nitong aking IKA-DALAWAMPU'T ISANG TULA
TULANG PINAMAGATAN KONG
=_ PAANYAYA AT PASINAYA _=
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 12:12 AM UTC
May mga lugar tayo na mahirap sa atin ang balikan
Minsan malayo,
Minsan maulan,
Madalas walang oras.
Pero kailangan natin puntahan.
Ilan lang yan sa mga rason na mas gusto ko nalang isipin
Para madaling magdahilan.
Pero kapag puso ang tumawag,
Kalinga ang nangailangan
Pag unawa ang nais maging hantungan.
Iniisip ko,
Ano ba ang dahilan bakit mahirap balikan.
Binabalik ako sa katotohanang,
Wala na.
Wala na ang tao sakin na madalas maghanap.
Madalas mangamusta.
Madalas magsabing magpataba ka.
Ang kahit kelan hindi ako tinuring na iba,
Kahit kailangan na.
Marahil ito nga.
Dinadala ako sa ibang direksyon,
Sa ibang tahanan,
Sa tahananang walang ibang tao.
Sa tahanang hindi ko na maririnig ang tinig mo.
Hindi ko na mahahawakan ang malambot at mapagkalinga **** braso.
Wala na ang biro, tawa at masigla **** tinig na nagpapaingay ng paligid.
Marahil ito nga,
Bumubungad sakin ang isang kahon ng alala
Na sa pag ihip na lang ng hangin ko maradarama.
At sa ganda na lang ng paglubog ng araw ko na lang makikita.
Ang mga tinago kong munting ala-ala
Jul 31, 2018
Jul 31, 2018 at 2:13 AM UTC
*
Hindi lahat ng prinsipyo ay tama gaano man ito kapositibo. Ang kawastuhan ng bawat prinsipyo at pananaw ay naaayon sa: panahon, tao, katangian at kakayanan nito, konkretong kalagayan at kung minsa'y kasama pati ang kulturang kinabibilanagan.
Kaya ang sabihing "wag **** masyadong seryosohin ang buhay" o kung ano pang mga kasabihan, ay maaaring tama at mali, ayon sa mga nabanggit.
Ano't ano pa man, ikaw pa rin ang huling magpapasya. Ano man ang maging pananaw ng ilan sa iyo, ituring **** ito'y bahagi lamang ng buhay...ng buhay mo at hindi nila.
4/1/2016 - Hindi porke nagiisa malungkot na. Dahil mas malungkot kung nakiki-high five ka sa lahat pero pag talikod mo fina-fuck u ka na pala.
4/4/2016 - kahit ano pang sabihin nila, mas masarap pa rin sa pakiramdam yung umiintindi ka ng kapwa kesa sa naninira ng kapwa. kaya sa tingin mo sinong may mas masarap na pakiramdam ngayon?
4/11/2016 - napag-alaman kong hindi sa lahat ng pagkakataon ang iyong pagpapagal ay may mabuting kapalit...na ang iyong mga inaasahan ay may balik. hindi sa lahat ng panahon ang polisiya ay nasusunod.. ni ang itinakdang panukat ang siyang ginagamit na panukat.
4/21/16 - kahit ginawan ka ng masama ng iba, nasaktan ka, 'wag kang gaganti...dahil hindi mo trabaho yun. 'wag **** agawan ng trabaho ang Diyos. Dahil alam mo sa sarili mo pag ang Diyos ang gumati, mas sakto at perpekto.
4/26/16 - Those people who mocks prayer entertain curse to their lives.
4/27/2016 - "ang position nilalagay sa puso, hindi sa ulo." - M' Avie
5/11/2016 - Alin ang mas pinaka-nakakapagod, ang magtrabaho gamit ang isip o gamit ang pisikal na katawan? Kasi sa totoo lang, wala naman talagang nakakapagod doon...mas nakakapagod makitungo sa mga katrabahong mahirap pakitunguhan...
6/6/2016 - Duwag lang ang nagpaparinig.
7/12/2016 - Wala naman talagang absolute fairness, dahil ang tao minsan nagdidesisyon sa ngalan ng "fairness" nilang tinatawag pero ang totoo, ito ay nagsisilbi pa rin sa kanilang interes dahil may integridad silang pinapangalagaan. Doon masasabi ng iba, "fair" ang taong ito.
7/28/2016 - monologue at bugtungan
"Ginagawa ko naman ang trabaho ko pero habang tumatagal ako sa serbisyo hindi ako nadadagdagan kundi nababawasan." - Lapis
"Tingin-tingin, maghapong nakatingin. Kahit pa magdamag, 24/7 walang kurap." - CCTV (tao, bagay, hayop?) :-)
"Gusto nila sa akin laging mabilis dahil pag bumagal ako sasabihin nila "nakakainis", "walang kwenta.", etc, etc. - BAGP network*
Aug 30, 2016
Aug 30, 2016 at 12:55 AM UTC
Tinatamad ako hindi ko magawang tipahin ang tiklado ng aking computer.
Inaantok ako malamang kinakapos ng oxygen ang utak ko kaya ganito.
Pero ang diwa ko’y gising at gustong sumulat ng tula hindi ito nakatulala.
Anong tula ang susulatin ko? Tungkol ba sa’yo at sa pagsinta nating tuyo?
O patungkol sa bayan kong minamahal na walang utang na loob sa malasakit ng iba?
Ang bayan o ang aking pag-ibig sa’yo alin sa dalawa? Ewan ko nalilito ako.
Pareho kayong mahalaga, pareho ko kayong mahal, pero alam ko na pareho din kayong mawawala. Bakit ko sasayangin ang aking mga salita? Bakit kailangan ko pang ialay ang bunga ng aking kaisipan kung sa bandang huli ito ay mawawalan lang ng saysay?
Hayaan **** mag-diskurso ako kahit sandali lang mahal ko.
Ilan tula na ba ng aking sinulat para sa bayan kong sawi at laging alipin ng mga walang turing at pakundangan, may nangyari ba? Wala naman diba? Walang saysay ang pagliyag ko sa bayang ito na laging lumuluhod at sumusunod sa mga dayuhan. Itong bayan na sa kabila ng kanyang paghihirap at dalita ay laging nangangamuhan at humahalik sa paa ng mga kapitalistang ganid. Ang bayan ng mga taong mahirap paniwalain sa totoo pero madaling bolahin ng mga pulitikong hunghang. Ito ba ang bayan na aking iibigin?
at ikaw naman mahal ko
Batid mo'ng iniibig kita alam mo yan pero para saan ang aking pagliyag sa’yo kung mawawala ka rin sa akin? Oo naman nasasabik ako lagi sa’yo, gusto kitang yakapin, halikan at makasiping sa buong magdamag hanggang sa bukang-liwayway. Pero hanggang kailan ako mananaginip ng gising at mananabik saiyong piling gayong alam ko na hindi ka naman talaga magiging akin sa habang panahon?
Marami ba akong tanong? Pasensya kana ganun talaga ang isang makata, nabubuhay s’ya gamit ang mga salita at tandang pananong.
Pero sige magsusulat ako ng isang tula para sa’yo at para sa bayan ko. Magsusulat ako kahit alam kong walang magbabasa nito. Magsusulat ako at aasa na parang hangal, aasa na may babasa at maniniwala sa aking mga salita. Ipapahid ko ang utak at damdamin ko sa papel na tulad sa isang nababaliw. Magsusulat ako dahil tungkulin ko ito, magsusulat ako dahil alipin ako nito, magsusulat ako dahil ito lang ang alam ko at higit sa lahat magsusulat ako dahil ito ang buhay ko.
Iaalay ko sa’yo mahal kong marupok at sa’yo bayan kong walang utang na loob ang aking tula kahit inaantok at tinatamad ako.
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 1:58 AM UTC
Sa aking lupang tinubuan
Na sinakop ng mga dayuhan noon pa man
Ang una'y mga espanyol na mananakop
Dala daw nila'y kristiyanismo
Upang ipakilala sa ating mga katutubo
Ngunit ang tanging hangarin pala'y manakop at gawing kolonyanismo
Kaya ilang daan taon tayong hawak ng mga ito
Ating mga katutubo walang nagawa kundi ang sumunod at magsawalang-kibo
May ilan ding nagsisipag aklas upang makalaya
Ngunit sa kalauna'y sila'y bigo sapagkat pawang malalakas at makapangyarihan silang mga nilalang
Nariyang si Gat. Jose Rizal na kinulong at binaril sa bagong-bayan
Na tinatawag na natin ngayong (LUNETA/RIZAL PARK)
At si Gat. Andres Bonifacio na hanggang ngayo'y hindi alam kung sino ang pumatay
Ang tanging alam natin sa kanya'y siya ang "Ang Ama ng himagsikan"
Sa kabilang banda'y hindi nagpatinag ang ating mga katutubo
Nagbuo ng mga samahan upang mapag-aralan kung kailan ang tamang panahon para lumaban
Kaya nung dumating na ang tamang panahon upang sila'y magsipag-aklas
Marami ang sa kanila'y naghimaksik upang ang kalayaa'y makamtan
Kaya noong taong Hunyo labing dalawa, isang libo't walong daan, siyam na pu't walo
Nakamtan ng ating mga katutubo ang kalayaan na kanilang pinaglalaban
Sa bahay ni Hen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Kabite
Kanyang iwinagayway ang ating watawat
Sagisag ito ng ating kalayaan sa kamay ng mga mananakop na espanyol
Sa mga nakalipas na taon, tayo'y naging malaya na
Ngunit, ano ba ang kahulugan ng isang malaya?
''Ito ay ang pag-gawa sa isang partikular na bagay ng walang humahadlang o kumokontra sayo at may kakayahan kang kumilos batay sa kung ano ang iyong gusto o nais''
Oo nga't malaya kang gawin ang iyong gusto
Subalit, labag naman ito sa karapatang pantao
At nakapapanakit ka na ng kapwa mo
Marami ang sa ati'y nakakalimot na sa mga paglapastangang ginawa sa ating mga katutubo
Marapat nating pagkatandaan na ang ating kalayaa'y utang natin sa ating mga bayaning nakipaglaban
At ang kalayaa'y dapat igawad sa lahat
Magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang bawat nilalang
Mapa mayaman o mahirap man
Mapa babae o lalaki man
Mapa bata o matanda man
Maging tunay sanang malaya tayong mga pilipino
Hindi lamang sa salita, kundi sa isip at sa ating mga gawa.
Jun 12, 2018
Jun 12, 2018 at 5:48 AM UTC
In tagalog…
Nagmahal ka na ng ilang katawan?
Sa lipunang ating ginagalawan
naranasan mo na bang matitigan
na para kang hinuhubaran?
Naranasan mo na bang maging barya?
Na gagamitin kang panukli
sa mga kasalanan nila.
Masarap pa bang mabuhay sa labas,
kung ang tingin sayo ay
labasan ng sarap ng loob.
Nagmahal ka na ba ng ilang katawan?
na ang tingin mo lang sa kanya
ay panandaliang pulutan.
na kapag nabulatlat mo na't lahat
ay pssst waiter isa pa ngang ganyan,
ung malaman para
kumukulo kong kalamnan.
ung makinis,
masarap titigan,
ung masarap hawakan,
nagsuot lang ng maikli
ay pinasok mo na agad
sa makitid **** utak,
napakabilis ng kamay mo,
sing bilis ng kabayo.
Nagmahal ka na bang ilang katawan?
dahil lang sa ika'y tigang
dahil lang sa hindi mo mapigilang maglibang.
Naputokan ka na ba?
ng mga sumasabog na alispusta?
dahil lang sa nagsuot ka ng maganda,
pokpok ka na?
Lumaki ako na ang tingin sa ari ng babae
ay parang laro sa perya,
iyong may itatapon kang matalim
para ang lobo'y pasabogin
kung ilan ang naputok **** lobo
ay yun din ang estado mo,
syempre mas marami
mas malaki ang premyo.
Tinuruan ako ng lipunan
na tratohin silang parang salamin,
alagaan at mahalin,
pero pag sawa ka na't nauumay ay babasagin,
na kapag ginawa mo ito
ay isa ka ng ganap na lalake.
Na para mapitas mo ang mansanas ni eba
ay dapat magbalat kayo ka.
ahas ika nga,
magbabalat ang katawan
para sa iba naman.
para makarami naman.
Na kapag napaikot mo na't
sumangayon na sayo
ay dahan dahan **** ipasok
ang pagkalalake mo.
Ito ay para humingi ng tawag I
sa mga babaeng nagawan ko ng masama.
Sa lipunang ating kinatatayoan,
sa lipunang ating unti unting binubuo
para sa darating pang henerasyon
Magmamahal ka pa ba ilang katawan?
Hanggang ngayon
maski ang ating lipunan
ay hindi alam depinisyonwas one
ng pagiging lalake.
Pero siguro panahon na
para tanongin natin ang ating sarili
Kung tama pa ba ang ginagawa natin?
ito ba ang gusto nating gayahin ng mga susunod sa atin?
May 21, 2018
May 21, 2018 at 10:20 PM UTC
Eto nanaman ako nagsusulat ng mga tula,
Mga tulang nakakasakit ng damdamin ng iba,
Hindi ko alam paano mawala lahat ng sakit,
Para sa isang taong magulo lagi ang isip.
Paano nga ba? Paano mabura lahat ng pagkakamali?
Paano mabago at maulit muli?
Paano? Ilan sa mga tanong na hindi ko masagot,
Mga tanong na puno ng takot.
Tao lang naman ako hindi ba?
May damdamin at pwede masaktan tulad ng iba,
Ang buong akala ko ay okay na ako,
Okay na ako..... Siguro.
Pilit kong inayos ang tagpi-tagping nakaraan,
Ngunit sila na mismo ang hindi gumawa ng paraan.
Pinilit; ngunit hindi na pala— hindi na pala ito maaayos,
Umasa at hinangad na lahat ng ito ay matapos.
Apr 7, 2017
Apr 7, 2017 at 1:25 PM UTC
Saya, yan lang naman ung gusto kong maramdaman ngayong 2020 na kasama ka
Bakit parang hindi ko ito dama gayung kakasimula palang ng taon
Pait, sakit, hirap ilan lamang yang nadama ko simula ng pagpasok ng bagong taon
Ang hirap, ang hirap isipin kung ikaw pa ba ung minahal ko?
Bakit parang pagpasok na pagpasok palang ng taon ika’y nagbago?
Pait kasi hindi ko na maramdaman ung tamis at kilig sa bawat yakap at halik mo.
Sakit, ang sakit sakit isipin na ako pa ba ung babaeng laman ng puso mo?
Hindi ko alam kung paano ito sabihin sayo
Dahil napakasensitibo **** tao
Mahal,mahal na mahal kita ng buong buo,
Ayaw kitang saktan sa mga salitang gusto kong ibahagi sayo
Kaya sa tula ko idadaan ang mga to
Susubukang maghinay hinay sa mga salitang bibitiwan
Mahal ikaw pabayan? Bakit parang hindi?
Kung magbiro eh hindi ko alam kung akoy sisimangot o ngingiti
Pero sige na nga akong ngingiti nalamang ng Makita **** ayos lang saakin
Habang nakangiting naisingpang sa iba nalang tumingin
upang hindi mo Makita ang mga lungkot saaking mga mata
tatawa para di mahalatang akoy nasasaktan na
baka kase pagsumimangot ako ay iyong sabayan
mga sumpong na aking nararamdaman eh tatakpan nalamang ng mga tawa.
Sige patuloy akong magpapanggap na maging masaya
kahit ang aking nararamdaman eh sobrang sakit na
kaya ko lamang ito ginagawa upang hindi ka mawala,
mahal, sana pag ito’y iyong nabasa wag ka sanang mawalan ng gana
o di kaya ay sisihin ang iyong sarili sa kadahilanang ako’y iyong nasasaktan na.
ayos lang ako wag kang magalala
patuloy na kumakapit upang ang relasyon natin ay hindi masira
mahal na mahal kita sana iyong tandaan
ngunit ako’y makikiusap lang sana
wag ka sanang panghinaan ng loob sa aking mga nasabi at patuloy na lumaban
dahil hindi ko na alam ang gagawin pag ika’y nawala pa
alalahanin ang saya, tuwa, kulitan na ating nagawa
at patuloy na kumapit at subukang ayusin itong problema wag ka lang mawala.
Madami pang oras, araw, lingo, buwan,taon o kahit dekada.
Wag ka lang bumitaw saaking kamay mahal.
Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan
Mahal na mahal kita kahit ika’y ganyan
Madaan yan sa lambing
Wag natin ulit sayangin etong pagkakataon
Dahil mahal ako na ang nagsasabi na tayo hanggang dulo
Away, problema, ilan lamang yan sa mga pagsubok na ating dadaanan
Dahil pagtapos ng mga iyan
Maganda ang surpresang naghihintay satin.
Mahal kapit lang, laban pa. malalagpasan din natin yan.
Jan 10, 2020
Jan 10, 2020 at 7:58 AM UTC
Ang bansang pilipinas sadyang magtatagumpay
Kung nanunungkulan dito,mahinaho't malumanay,
Matalino't masipag,may prinsipyo sa buhay,
Kayang mamuno ng bansa,masigasig na tunay.
Ngunit sa kasamaang palad, di natin ito nakamit,
Kaya mga mamamayan,para bang nakapiit
Mistulang preso nang kahirapan humagupit,
Walang kasama sa dusa, walang karamay sa sakit
Nasaan na ang pinunong inyong iniluklok?
Bakit hinayaan niyang pilipinas ay malugmok
Sa kahirapan ng buhay at magmistulang lamok?
Palipad - lipad o kaya naman ay nasa isang sulok.
Kung minsan ay talagang napapaisip ako
Ano ba talaga ang silbi ng gobyerno?
Para ba mangurakot at magbalatkayo?
At hayaang maghirap ang sariling bansa ko?
Kung titingnan kasi nating mabuti sa mata,
Pilipinas,ilan nalang ang tanawing magaganda
Hirap na mamamayan ang iyong makikita,
At mga batang lansangang kumakalam ang sikmura
Nasaan na ang pondo ng ating bayan?
Bakit naghihirap ang mamamayan?
Katwira'y marami daw pinaggagastusan
Ang mga departamento ng pamahalaan
Isa daw dito ang 4p's kung tawagin
Na tumutulong daw sa mga kababayan natin,
Pero ang nakikinabang,mayayaman lang din,
Sa halip na yung pamilyang walang makain.
Bakit katarungan ay hindi makita
Sa gobyerno ng bayan kong kawawa?
Nasaan na ang mga taong may pusong dalisay,
Na sa bayan ay handang maglingkod na tunay?
Kung ako ang tatanungin,ang akin lang masasabi,
Mga kurap ay laganap at plastic ang marami
Tapat na tao'y kanilang hinuhuli
At pamamalakad nila ang nais mamalagi
Kaya sana sa halalang papalapit,
Yung matitino naman ang ating ipalit
Mga tapat at di manggagamit
At kaunlaran ng pilipinas ang nais makamit..
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 1:41 AM UTC
Ang kuwentong ito ay tungkol sa pinakamagandang yugto ng buhay ko, ang high school.
Sa high school kasi, maraming uri ng kalayaan ang pwedeng gawin. Malaya tayong gawin ang gusto natin. Pwedeng mag-aral tayo nang mabuti, pwedeng hindi. Depende sa estudyante kung paano niya tatpusin ang araw niya a loob ng paaralan.
Dito ko natutuhan kung paano makisalamuha at makisama sa iba't ibang tao. Dito mo mararanasang bumarkada, magsinungaling sa magulang, makasama lang sa mga lakad ng kaibigan, magkaroon ng boyfriend/girlfriend, gabihing umuwi sa lakwatsa, tapos.
Idadahilan sa magulang na gumawa ng project at hihingi ng pera kahit wala namang babayaran sa eskwelahan. O, di ba? Saya!
Noong ako ay nasa high school, simula 1st hanggang 3rd year ay pang-umaga ang klase ko. Mahirap man gumising nang maaga, kailangan talaga, ayoko kasi sa lahat yung late.
Noong ako ay nag-1st year, hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa mga kaklase ko. Nahihiya pa kasi ako at nandoon pa yung kaba. Isip bata pa ako noon at hindi pa gaano ka-matured ang ugali ko.
Ang ginagawa ko lang ay manahimik at mag-aral ng mabuti. Dito rin ako nagsimulang magkaroon ng crush, kinikilig kapg nahuhuli ko siyang lumilingon sa akin. Hahaha! Todo kilig to the max naman ako. Yung akala mo wala nang bukas sa sobrang tuwa!
Punta nama tayo sa buhay 2nd year ko. Sobrang saya ng tumuntong ako sa taon na ito. Dito ako nakakilala ng mga tunay na kaibigan. Naging barkada ko hangtag ngayon, kaso bihira na kaming nakakapag-usap at nagkikita kasi iba't ibang section na rin kami napunta. Dito ko unang naranasang maglakwatsa kasama ang mga kaibigan ko.
Ngayon naman ako ay nakatuntong na ng 3rd year. Dito ay unti-unti nang nag-matured ang aking ugali. Medyo hindi ako masaya kasi bago na naman lahat ng kaklase ko pero kilala ko silang lahat. Haap ng bagong kaibigan na naman sa klase pero mas naging close ko kung mga lalaki. Ewan ko kung bakit. Hahaha! Ayoko sa mga kaklase kong babae noon, ang aarte. Pero may ilan sa kanilang naging kaibigan ko rin.
Excited na ako sa pagtuntong ng 4th year. Mukhang masaya Pero ito na ang huling yugto sa high school life. Siguro lahat iiyak, maghihiwa-hiwalay na kasi.
Pero mayroon pa namang reunion, at ito ang buhay high school.
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:43 AM UTC
Minsan sa buhay natin,
kahit alam natin na tag-araw,
may iilang ambon o ulan na sa buhay nati'y dadalaw.
Sa pagdating at sa pagbuhos ng ulan,
May ilan naghahanap na punong masisilungan,
ngunit di katagalan - sila'y mababasa't tuluyang mauulanan,
pagkat di kaya ng mga sanga't dahon na saluin ang buhos ng ulan.
May mga nakahandang armas na payong naman ang iba,
ngunit mababasa naman ang kanilang mga binti't paa,
na kung minsan sinasabayan ng malakas na hangin,
na ang mga payong nila'y kayang liparin o sirain.
Ang iba nama'y sa pagbuhos ng ulan - nagagalak,
may parang lasenggerong tumitingala, sinasalo, sumashot na parang alak,
may mga batang masayang naglalaro habang naliligo,
na kung minsan nagtatampisaw sa mga inaipong ulan sa estero.
Kung ako ang 'yong tatanungin, ang ulan nakatalaga sa bawat tao,
Na kahit anong iwas mo - darating at darating ito sayo.
ang mga patak nito'y sadyang maliliit -
kapag ito'y patuloy na bumuhos, kung minsan ito'y mabigat at masakit.
Kaya ang tanong ko sayo aking kapatid,
Saan ka dito sa aking mga nabanggit?
Na sa unang pagpatak ng ulan sa iyong bumbunan,
Ano ang iyong gagawin at naiisip na paraan?
Sep 13, 2013
Sep 13, 2013 at 12:14 AM UTC
Minsan **** itinanong sa akin kung ilan na ang aking minahal
Na tila ba ang bilang na pilit ibinubunyag ang parehong bilang na ibabawas sa kabuuan ng aking pagsinta
Mahal, okay lang; ikaw ay aking naiintindihan
Alam ko kung paano ang paulit-ulit na pananakit at pagkabigo sa digmaan ng pag-ibig ay walang iniwan kung ‘di abo ng pag-aalinlangan at pagkukumpara sa mga bagong kasintahang ipinalit sayo
Alam ko ang lasa ng pait na sumasalubong sa iyo sa bawat paghinga
Kung kaya’t nung iyong tinanong ay walang magawa kung hindi ika’y pagmasdan Titigan ang bakanteng mga matang wala nang mailuluha
Mga kamay na pagod na kabubuhat
Mga labi na wala nang ibang alam bigkasin kung hindi “patawad”kahit hindi alam kung para saan
Wala akong magawa kung hindi ika’y pagmasdan
Dahil alam kong hindi mo na naririnig ang anumang salita maliban kung ito’y “paalam”
Kaya hayaan **** ipadaan ko na lamang sa pagyakap ng hangin at pagbati ng mga bituin ang mga katagang isinusuka ng iyong mga tainga
Kasi mahal, mahal kita
At hindi ako titigil hanggang sa makita mo ang parehong taong tinatawag kong akin Hayaan **** punan ng umuumapaw kong pag-ibig ang natuyong lawa ng iyong pagmamahal
Pagmasdan mo kung paano pagsasama-samahin ng araw-araw na aking pagyakap ang pira-piraso **** puso na nagkalat
At alam kong pagod ka na kahihintay sa mga tunay na bagay kung kaya’t pinipili mo na lamang ang mga “pwede na”
Pero andito na ako,
At mahal, pangako, tapos na ang pag-aabang
Hindi lahat ng nagsasabing mahal kita ay nagsisinungaling
Minsan **** itinanong sa akin kung ilan na ang aking minahal Tinanong kita kung ilan na ang nanakit sayo
Sabi mo, isa
At saka binanggit ang sariling pangalan sabay sabi “tapos na”
Jul 23, 2016
Jul 23, 2016 at 3:25 PM UTC
Gusto kong pahintuin ang oras
Ngunit hindi ko alam kung paano magagawa.
Hihiling ba ako sa nasa itaas?
Muli ba akong maniniwala sa himala?
Hindi ko kayang pahintuin ang lahat
Kaya mahal, Sa oras na ito
Pakinggan mo ako ng husto
Kakalimutan ko munang maging makata
Kapalit ng muling pagdadaop palad nating dalawa.
Kakalimutan ko muna ang mga bolpen at papel
Kapalit ng paghawak sa mukha **** mala anghel.
Mahal pabigyan mo ako sa oras na ito.
Kakalimutan ko muna kung paano tumula,
Kapalit ng kaligayahan at saya kahit na may iba ka na.
Mahal, kakalimutan ko lahat ng matalinghagang salita
Kapalit ng ilan segundo muli kang makasama.
Susulitin ko ang segundong ito
Hihintaying muling umikot ang relo
Tapos kakalimutan na kita.
Kapalit ng pagbabalik ng ngiti sa aking mata.
Mar 26, 2017
Mar 26, 2017 at 11:59 AM UTC
Kaluluwa **** pagod na pagod na sa karereklamo sa mga mali **** desisyon. Utak ay gusto nang magsara at ikaw ay talikuran ng tuluyan.
Tanging pinanghahawakan lang naman ay ang pasya ng puso. Magulo sa kanilang paningin ngunit sigaw ng iyong damdamin ay kasiyahan.
Bawat tibok na lamang ay naliligaw sa kinaloob-looban ng iyong pananaw. Marahil hindi na importante sa ilan. Walang didinig sa iyong pagsinta sa kaibahan.
Gandang taglay na hindi kita ng lahat ay iyong hinahanap hanap. Sa paligid na iyong pagtuklas ay napakasalat. Ang ginto ay hindi pangkaraniwan.
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 4:00 AM UTC
Paunawa sa babasa:
Hiniling ng isa kong kaibigan na relihiyoso na gawan ko daw s'ya ng tula tungkol sa ikalimang wika ni Kristo noong nagdaang Mahal na Araw kaya kahit Atheist ako ay ginawa ko ang Free Verse (Malayang Taludturan) na ito.
“Nauuhaw ako”
Malalim ang baon ng mga pako sa kanyang mga kamay at paa. Mahigpit din ang pagkakatali ng lubid sa kanyang mga braso. Napapalibutan siya ng mga kaaway, nagsusugal at nag-iinuman ang mga sundalong Romano habang nililibak siya ng mga Pariseo. Tiyak na wala s’yang kawala. Naghahalo ang dugo at pawis magkasabay itong umaagos palabas mula sa kanyang katawan; hindi na rin n’ya maalala kung ilan ng sampal, suntok, sipa at palo ang kanyang natanggap. Sa gitna ng kanyang paghihirap binigkas ni Hesus ang kanyang ikalimang wika:
“Nauuhaw ako”
Kagabi lang bago s’ya dakpin ng mga tampalasan ay nagmakaawa s’ya sa hardin ng Getsemane at taimtim na hiniling sa kanyang Ama na kung maaari sana ay huwag na n’yang danasin ang paghihirap na ito. Subalit hindi s’ya dininig nito.
“Nauuhaw ako”
Siya ba ang kailangan na magdusa, obligado ba s’ya na bayaran ang kasalanan ng iba? Bakit s’ya ang inutusan ng kanyang Ama para akuin ang sala ng sangkatauhan? Masyadong mabigat ang pasanin na ito para sa isang hamak na karpintero na gaya n’ya.
“Nauuhaw ako”
Ito ba ang kapalit ng pagiging masunurin at mabuting anak ang masadlak sa laksang dusa at malagim na paghihirap? Nasasabik na s’yang umupo sa tabi ng kanyang ama; hinahanaphanap n’ya na ang papuring awit ng mga Anghel sa langit.
“Nauuhaw ako”
Nilikha ba ang sanlibutan at ang mga tao upang sa bandang huli ay maging mapaghimagsik sila at walang galang sa kanilang lumalang? Bakit punong-puno ng kalupitan at karahasan ang mundo?
“Nauuhaw ako”
Hindi sapat ang tubig o ano mang inumin para mawala ang kanyang uhaw na nagmumula sa puso; ang pag-ibig ng sangkatauhan ang kanyang inaasam.
Nov 6, 2017
Nov 6, 2017 at 3:28 AM UTC
Aking inaninag
Itong bughaw na kalangitan
Hindi nga ba
Parang kailan lamang
Nang ako’y kanyang tinalikuran?
Napako ang pangako
Na ako’y pangangalagaan
Luha niya’y umabot
Di lamang sa’king talampakan
Nalasap ko ito
Mapait at ngayo’y nag-ibang anyo
Ngayong timplang kape
Mula sa mga mata nitong
Tila ba kaytayog.
Tinangay kami ng malakas na alon
Kami’y nagpatangay na lamang
Wala akong alam
Kundi and makipaglaro
Ng tagu-taguan
Nakadilat at mulat na mulat sa katotohanan
Sakay kami ng pridyeder,
Ako at aking ulirang mga kapatid
Puno ng pighati’t pangamba
Sa uulitin,
Ito na lamang ang magagawa ko.
Sabi nila, tutulungan nila kami
Sabi ng ilan, wala na raw pag-asa
Kanino nga ba kami magtitiwala?
Kung mismong kalam nga ng sikmura’y
Di na mainda?
Wala na akong mailuluha pa
Pagod na ako sa pagsagwan sa kawalan
Wala na ngang pag-asa
Wala man lang naiwan sa amin
Sana kasama nalang kami
Sa mga buhay na nalantang
Parang bula
Tulad nila Itay at Inay
Di sana’y masaya kami
Sa kalangitan.
Pumikit ako,
Habang mahimbing ang paghikbi
Ng aking mga kapatid
Sana nga may buhay pa.
Sinagip nyo kami,
Noong una, nagalit pa ako
Ayoko sana
Kaso wala na rin kaming magawa
Sasama na kami
Kasama kami sa pagbangon
Oo, ngayon ako na’y magtitiwala
At ipapasa-Diyos na ang lahat
Siya na ang bahala.
(11/17/13 @xirlleelang)
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:15 PM UTC
ang balaraw na may KATAM !
- - - - sa bala raw ay TAKAM !
kung sa aking pasakalye ay may kulang ba?
,,,heto na't muli daraan pa sa kalye ang titik A !
minsan sa isang unan AT KAMA
lapis at papel tanging KA MATA
napapa-taglish.... " i...AM TAKA "
as in surprised nga---TAMA KA
sa sistemang nababagay AT AKMA
sabi ng iba sa akin,may "AMAT KA"
ayon naman sa ilan- ako'y "MAKATA"
it's just a fiction-a make-believe! sa tagalog "MA-KATA"
Nov 9, 2015
Nov 9, 2015 at 10:35 AM UTC
Lasapin ang bunga ng paghihirap
Puso, isip at kaluluwa lang naman
Ang iyong nilaan para ikaw ay
bigyan ng kaunting sahuran.
Kung minsan, napapagod
Ay, madalas nga palang pagod
Ang katawan man ay bumabagsak
Gagaling ka rin at
Itutuloy ang paghihirap
Sabi ko noong bata pa ako
"Inay, gusto kong maging doktor
pagkalaki ko.
Pagka't gusto kong pagalingin
ang bawat maysakit na tao."
Hanggang sa nagpagtanto ****
Habang lumalaki
Ni hindi naman pagiging doktor
ang gusto mo paglaki
Ako ay sinanay upang maging alipin
Upang siyudad ng sikat na
Politiko ay yumaman sa aming kamay
Ngunit salapi'y nadudulas sa aking palad
Nalilipad-lipad at napunta sa
"tagapaglingkod ninyong totoo,
kami ay kasangga ninyo."
Sabi nga ng ilan ay
Buhay ay sadyang gulong ng palad
Hindi ako naniniwala dahil,
ikaw mismo na nabubuhay ang
siya lamang makapagsasabi at
makapagdidikta ng iyong kapalaran
Nasa iyong kamay ang kasagutan
Kaya pakilusin na ang mga paa
Buksan ang iyong mga mata
Pakinggan ng iyong mga tenga
ang bawat hinaing
Ito ay magbabago rin
kung bawat katawan ay kikilos
sabay-sabay muling galawin
Tayo ang sagot
sa hirap na dinaranas
Tayo rin mismo ang makapagbabago
Ng kung ano mang ang nakasanayan
Ng kung ano mang gawaing katakwil-takwil
Tayo lamang
Tayo lamang ang pagbabago.
Mar 17, 2016
Mar 17, 2016 at 5:19 AM UTC
Oh kay gandang pagmasdan ang mga patak ng ulan
Tila musika sa pandinig kapag ito'y bumabagsak sa bawat bubungan
Animo nag-aanyayang tayo'y maligo't magtampisaw
Kasabay ng mga bata na masayang naglalaro sa lansangan
Aking naaalala noong ako'y bata pa
Ang lagi kong dalangin, nawa'y bumuhos ang ulan
Upang ako'y maligo't maglaro kasama ng aking mga kaibigan
Hindi alintana kung may kidlat na paparating
Basta't masaya kaming naglalaro sa kabukiran
Noon, masaya na kami kapag umuulan
Dahil hudyat na iyon ng aming paglalaro sa malakas na ulan
At kapag tumigil na, si Ina'y nagluluto ng ginatan
Upang mainitan daw ang aming mga tiyan
Sa paglipas ng henerasyon, nabibilang na sa aking daliri ang mga batang naglalaro sa ulan
Marahil mas ninanais na lamang nilang maglaro at humawak ng gadget kaysa magtampisaw
Ang ilan nama'y takot magkasakit dala ng ulan
Ngunit, kung inyong iisipin ang ulan ay biyaya ng Maykapal
Nakabubuti ito sa ating mga katawan
Kaya laking pasasalamat ko sa Maykapal
Dahil naranasan ko ang maglaro't magtampisaw noong ako'y bata pa
Hindi tulad ngayong henerasyon, na ang tanging ginagawa'y humawak at maglaro ng gadget
Nakakalimutan na ata na sila'y musmos pa lamang upang maranasan ang saya ng kamusmusan
Jun 11, 2018
Jun 11, 2018 at 5:46 AM UTC
Ilan taon na din ang nakaraan
Noong huli tayong nagmahalan.
Mga batang sabik magmahalan
Kahit ayaw ng magulang.
Naaalala ko yung mga lihim natin
Paghawak kamay sa silid aralan.
Mga tinginan kasing tamis ng candy.
Sulat na punong puno ng pagmamahalan.
Ngunit kung gaano kabilis ang atin pagmamahalan,
Ganoon din kabilis ang katapusan.
Ilang taon na din ang nagdaan,
Naaalala mo pa ba ang ating nakaraan?
Sa ating muling pagkikita,
Ang mga puso'y sugatan.
Takot magmahal dahil sa sugat na
Iniwan ng iba.
Handa na ba tayong suungin ang
Pag-iibigan naudlot?
Handa na ba tayong ipaglaban ang pagmamahalan ito?
Andito lang ako maghihintay sa sagot mo.
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 11:32 AM UTC
Wag mo akong itulad sa iba
Na laging nakapayong kapag umuulan
Kahit basa kaya ko pa rin tahakin ang daan
Daan na kasing putik ng kanilang nilalakaran.
Wag mo akong itulad sa iba
Na akala mo kung sinong napakalaki ang mga mata
Na halos puro nalang mali ang kanilang nakikita
Daig pa ang maykapal kung makapanghusga.
Wag mo akong itulad sa iba
Na kung sinong mapakakapal ang mga bulsa't pitaka
Sila na kayang bumili ng kung anu ano lalo na pati ang hustisya
Sasaktan, gigipitin ng ilan masunod lang ang ninanais nila.
Wag na wag mo akong itutulad sayo
Wag mo din akong itulad sa tatay at nanay mo
Lalong lalo na sa taong mga nakapaligid sayo
Bakit? Hindi tayo pareho,
Mayaman ka at hampaslupa ako.
Oct 8, 2011
Oct 8, 2011 at 1:19 PM UTC
Narito, isang pirasong papel,
Nakalamukos sa loob ng isang basurahan,
Basurahan na siyang pinagtapuan,
Basurahang taguan ng mga dumi ,
Dumi na mula sa tao,
Taong bingyan ng layang pamunuan ang mundo.
At ang papel, nakaririmarim, nakasusulasok, isang walang silbi.
Ang pahina ay napuno ng tinta.
Maraming-maraming tinta.
Nangingitim, kumakalat, naninikit.
Nakahihilakbot ang kulay ng sumaboy na tinta.
Mababasa ang titik na nalikha ng tinta.
Pati ang buong pahina nito'y waring nangungusap.
Ang kanyang buong piraso, kumpul-kumpol na may mga naglipanang uod.
Naggagapangang uod na bumubulok sa buong pahina.
Tinutunaw hindi ng mga bulate kundi ng ibang nilalang.
Hinangin ang pahina ng papel.
Nagpulasan ang mga uod sa tapunan.
Mula sa dulo, gitna, sa magkabilang gilid.
Naninipsip sa napupunit na piraso.
May naghagis ng isang kalat.
Inihagis sa ibabaw ng papel.
Gumalaw ang papel.
Nagitla ang naghagis.
Isang tipak na lupa, kinuha ng naghagis.
Ipinukol sa papel.
May ilan pang nakakita.
Ang papel, basambasa ang piraso at unti-unting napupunit
May mga naguguluhan sa mga nakasaksi.
Ang papel ay walang magawa.
Lumalambot ang bawat hibla.
Ang papel, sa kanyang pagkatunaw
Ay akin ding pagkatunaw.
Maya-maya, isinapluma ko ang lahat-lahat
Kalakip ang mga tulad kong papel...
Sa... aklat.
Sa... tula.
Oct 6, 2013
Oct 6, 2013 at 9:03 AM UTC
Nadatnan sa sahig nakahandusay
Ilan taon pa lamang noong una natapilok
Sa paghuwego ay naglibang
Nakalimutan ang sandaling sablay
Bumaba ang araw na nasa taluktok ng kampana ng simbahan
May iskarlatang busilak
Ang dagundong nito ay ang pagpaparaya sa mga bata na ginigiliw ng kanilang ina
Ikandong ang wasak na damdamin
para makahinga
Nilulumot ang gasera sa guwang na pandama
Di matinag ang pagkawalang
Ipaubaya sa daungan ng mga hiling
ang pahapyaw na pinapanalangin
At doon din makahanap ng silungan
Samantala nalalagasan ng supang ang Sampaguita
Malungkot ang kanyang talaarawan
Nagmistulang sinulid ang kaligayahan
na ipang gamit sa paghabi ng ala-ala
Sa kalayuan maaninag na nagluningning
Ngunit kapag sa prontera may pilat na mapusyaw
Dec 18, 2018
Dec 18, 2018 at 5:36 AM UTC
Hindi ako mahal.
Hindi ako ang mahal.
Isang salita lang ang dumagdag ngunit parang isang katutak na patalim ang pinukol sa aking puso
Pigang-piga sa paulit-ulit na pananaksak, pagsasawalang bahala
Hanggang sa maging abo nalang ang dating apoy na nagbabaga
at ang mga dating "Tama na," "Ilan pa ba," ay nagiging "Sino ba siya?"
Sa paulit-ulit na pagwasak sa puso kong dati nang durog,
at sa ating mga pagsasama kung saan ang kanyang pangalan ang tanging tunog
Walang tigil ang hangin sa pag-duyan ng isang paumanhin
sa pag-ihip papunta sa puso kong kapos ng iyong pag-tingin —
Mahal, huwag kang humingi ng tawad
dahil hindi lang ikaw ang nagwasak sa akin
Huwag na huwag kang humingi ng tawad
dahil lang siya ang iyong iniibig
Huwag ka nang humingi ng tawad
dahil lang hindi mo ako kayang mahalin.
Dec 14, 2017
Dec 14, 2017 at 5:40 AM UTC